Blood Contract with her Royal...

By FinnLoveVenn

173K 5.1K 269

EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang ban... More

♕PROLOGUE♕
♕CHAPTER 1♕
♕CHAPTER 2♕
♕CHAPTER 3♕
♕CHAPTER 4♕
♕CHAPTER 5♕
♕CHAPTER 6♕
♕CHAPTER 7♕
♕CHAPTER 8♕
♕CHAPTER 9♕
♕CHAPTER 10♕
♕CHAPTER 11♕
♕CHAPTER 12♕
♕CHAPTER 13♕
♕CHAPTER 14♕
♕CHAPTER 15♕
♕CHAPTER 16♕
♕CHAPTER 17♕
♕CHAPTER 18♕
♕CHAPTER 19♕
♕CHAPTER 20♕
♕CHAPTER 21♕
♕CHAPTER 22♕
♕CHAPTER 23♕
♕CHAPTER 24♕
♕CHAPTER 25♕
♕CHAPTER 26♕
♕CHAPTER 27♕
♕CHAPTER 28♕
♕CHAPTER 29♕
♕CHAPTER 31♕
♕CHAPTER 32♕
♕CHAPTER 33♕
♕CHAPTER 34♕
♕CHAPTER 35♕
♕CHAPTER 36♕
♕CHAPTER 37♕
♕CHAPTER 38♕
♕CHAPTER 39♕
♕CHAPTER 40♕
♕CHAPTER 41♕
♕CHAPTER 42♕
♕CHAPTER 43♕
♕CHAPTER 44♕
♕CHAPTER 45♕
♕CHAPTER 46♕
♕CHAPTER 47♕
♕CHAPTER 48♕
♕CHAPTER 49♕
♕CHAPTER 50♕
♕CHAPTER 51♕
♕CHAPTER 52♕
♕CHAPTER 53♕
♕CHAPTER 54♕
♕CHAPTER 55♕
♕CHAPTER 56♕
♕CHAPTER 57♕
♕CHAPTER 58♕
♕CHAPTER 59♕
♕CHAPTER 60♕
♕EPILOGUE♕

♕CHAPTER 30♕

2.3K 81 3
By FinnLoveVenn

VIGGO

Isang madilim na lugar ang bumabalot sa buong paningin ko, tila ba may makapal at matiim na usok ang nagkulong sa 'kin sa lugar na 'to. Hindi ko makontrol ang sarili ko at ang isipan ko, lahat ng mga pinipigilan kong gawin ay kusang ginagawa ng katawan ko.

Kitang-kita ko kung pano ko siya pahirapan ngayon, kung pano ko nais angkinin ang babaeng nasa harapan ko.

Ang utak ko ang nagsasabing wag kong gawin ngunit ang katawan ko ang kusang kumikilos para gawin ang itinatago kong pagnanasa.

Gusto kong sumigaw at pigilan ang sarili ko dahil nais kong galangin ang babaeng ito kahit sa ganitong paraan na maingatan ko ang katawan niya ngunit hindi ko matatanggi ang pagnanasa kong angkinin siya.

Kaya ngayon na hindi ko kontrolado ang katawan ko ay tila ba kusa nitong ginagawa ang pagpipigil at pagtitimpi ko.

Gamit ang mahaba kong pangil ay sinakmal ko ang leeg niya, pigil ko itong ginawa dahil ayokong saktan siya, na para bang nakikipaglaban ako sa sarili kong katawan.

"Viggo tama na," rinig kong awat niya sa 'kin pero parang kada sabi niyang tama na ay parang mas gusto ko pang sakmalin ang iba't ibang parte ng katawan niya.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong hawakan ang makinis niyang balat na kaniyang tinatago sa makapal niyang bistida pa tulog.

Sa bawat pagdamo ng palad ko sa malamig at makinis niyang balat ay para bang nag-iinit ang katawan ko na ngayon ko lang na ramdaman.

Gusto ko rin markahan iyon at ituring na akin kaya naman hinila ko ang binti niya at kinagat ito kahit na sumisigaw na ang kaloob-looban ko na tama na ang pananakit na ginagawa ko sa kaniya.

Pero hindi ako natigilan at tila ba hindi pa ko kuntento sa mga bagay na 'to kaya bawat sulok ng katawan niya at minarkahan ko, parang isang leon na minamarkahan ang tereteryo niya.

Hindi ko makapagsalita, hindi ko masabi ang mga gusto kong sabihin kahit na nais kong paulit-ulit na humingi ng pasensya at patawad sa kaniya.

Dahil habang ginagawa ko ito ay unti-unti kong nakikita ang panlalambot at kawalan niya ng lakas, tila ba pagtinuloy ko pa ito ay tuluyan na siyang mawawala sa 'kin. Tuluyan ko na siyang mapapatay.

Pero bakit ganito? Bakit parang gusto kong mamatay na lang kaming dalawa?

Sa kinaloob-looban ko ba ay ginusto ko na rin sumuko at makatakas sa pagiging bampira?

Sa tagal ba ng pagiging isa ko ay talaga bang nagpapasalamat ako sa master ko noon na ginawa niya kong bampira? O may parte sa 'kin na sinisisi ko siya dahil ginawa niya kong halimaw katulad ninto?

Ngayon na pinapakita sa 'kin ng itim na usok na 'to ang mga katotohanan na matagal ko nang tinatago at nagbubulagbalagan tignan ay para bang isa-isa na pumasok sa isip ko ang katotohanan.

Na sa buhay kong ito ay hindi naman talaga ako naging masaya na maging bampira, na hindi ko naman ginusto ito at parang hinihiling ko na lang na sana noong siyam na taon ako ay pinabayan niya na kong mamatay kesa sa maging katulad nila.

Viggo, ito ba talaga ang gusto mong mangyari? Ito ba talaga ang totoong nararamdaman mo?

Parang umeeko sa isip ko ang mga tanong na 'yun habang lumuluha at ginagawa pa rin ang bagay na tinatago ko sa kinaibuturan ng puso ko.

Napatitig ako sa labi niya, ito siguro 'yung bagay na nais kong gawin paulit-ulit sa babaeng ito na dapat ay ginagalang ko.

Pero dahil sinira na ng itim na usok na 'yun ang konsensya ko at nilabas lahat ng baho ko sa katawan ay hindi ko na maitatanggi pang nais ko talagang halikan siya.

Ang babaeng nasa harapan ko ngayon na sinasaktan ko ng paulit-ulit.

Kinagat ko ang ibabang parte ng labi niya at sinakop ito ng halik ko, ramdam kong hirap na siyang huminga sa malalim na halik na 'yun ngunit hindi ko pa rin makontrol ang sarili kong pigilan ang nais ko.

Ang dapat ay matamis na halik na pinagsaluhan namin sa hardin ay parang binaliwala ko lang dahil sa hindi ko makontrol ang sarili ko ngayon.

Gusto ko na lang mamatay at matapos itong kahihiyan at paglapastangan ko sa babaeng nagbigay sa 'kin ng pangalawang pagkakataon mabuhay ng normal.

Pero bakit ganito? Binubulong ng isip ko na kung mamamatay ako ay mabuti nang isama ko na rin ang babaeng gusto ko upang wala nang iba pa ang makaangkin sa kaniya.

Ito ba talaga ako? Ganito ba talaga kadilim ang pag-iisip ko?

Tumulo na lang ang luha ko nang makita kong hawak ko ang leeg niya habang nakatapat siya sa labas ng bintana.

Sino mang mahulog sa ika-apat na palapag na ito ay paniguradong mamatay agad-agad.

Sa ganitong paraan hindi niya mararamdaman ang pagkamatay niya at sa ganitong paraan makakalaya na ko sa kadenang nagdudugtong sa 'ming dalawa at kasama niyang maglalaho sa mundo.

Iniisip ko, hind ba't magandang ideya ang bagay na 'yun?

Pero bakit ramdam ko ang mainit na luha na kumakawala sa mga mata ko habang nakatitig sa babaeng nasa harapan ko.

Hawak niya ang braso ko, hindi siya pumapalag sa pagkakahawak ko sa leeg niya. Nakatingin lang siya sa 'kin na tila ba humihingi ng paumanhin sa ano mang bagay na nagawa niya.

Pero bakit? Bakit ikaw pa ang humihingi ng patawad kung ako itong dahilan bakit nasa sitwasyon ka na katulad ninto?

Bakit ka nakangiti sa harap ko kahit hirap na hirap ka nang huminga at malamig na ang mga palad mong nakakapit sa braso ko?

Naiinis ako Kiera! Naiinis ako dahil bakit naging mortal ka at naging master ko! Bakit naging bampira ako at alipin mo?

Hindi ba pwedeng maging parehong nilalang na lang tayo na pwede magkasama at maging masaya?

"Ayos lang Viggo," bulong niya at halos nais ko nang yakapin siya at habkan pero iba ang ginawa ng aking katawan at binitawan ang kaniyang leeg sa pagkakahawak.

Hindi ko na siya tinignan pa, kung pano siya mahulog o lumagapak sa lupa. Agad akong tumalikod sa kaniya pero pilit kong nilabanan ang katawan ko at kinontrol ito ayon sa gusto ko.

Hindi ako magpapakain sa sarili kong madilim na pagnanasa! Hindi ko hahayaan mamatay ang babaeng nagturo sa 'kin pano ngumiti.

"Kiera!" Sigaw ko at mabilis na tumalon sa mataas na kinalalagyan ko at habol siyang sinalo bago pa lumagapak ang katawan niya sa simento.

Mabilis kong hinagkan ang katawan niya nang maabot ko ito at inilabas ang mahahaba kong kuko saka ito binaon sa pader ng tore.

Nang mapigilan ko ang pagbagsak namin ay ramdam ko ang panlalamig ng katawan niya kaya agad din akong tumalon pabalik sa silid ko at hiniga siya sa aking kama.

Ramdam kong unti-unti nang nawawala ang panlalabo sa isip ko at unti-unti kong nakokontrol ang sarili ko.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang makita ko ang kalunos-lunos na nangyari kay Kiera kaya naman agad ko siyang nilinis dahil puno ng kaniyang dugo ang damit niya.

Binalik ko siya sa kaniyang silid para palitan siya ng malinis na damit saka ko inihagis sa loob ng hearth ang damit niya para hindi ito makita ng sino man at masunog ang ebidensya sa kung ano ang ginawa ko sa kaniya.

Hinawakan ko ang pulso niya at agad na pinakiramdaman kung may pintig pa ang puso niya.

Bawat sigundo na pinapakiramdaman ko siya ay para akong mababaliw dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko kung mawala siya sa 'kin.

At dahil sa ramdam ko pa ang kadena na nagdudugtong sa aming dalawa pati na rin ang pagpintig ng puso niya ay nakahinga ako nang maluwag.

Mabilis ko siyang niyakap at naiiyak na humingi ng patawad sa lahat ng ginagawa ko sa kaniya.

"Vi-Viggo?" Bulong niya gamit ang nanlalambot niyang boses kaya napatingin ako sa kaniya at agad na hinawakan ang kamay niya.

Hindi ko mapigilan halikan ito ng paulit-ulit at humingi ng patawad sa kaniya, nakaluhod ako sa kama at hinahabkan ang kaniyang kamay at nilagay ito sa pisnge ko.

"Patawarin mo ko, hindi ko na kontrol ang sarili ko," sabi ko sa kaniya at tumigin lang siya sa 'kin saka pilit na ngumiti.

"A-ayos ka na ba?" Tanong niya sa 'kin gamit ang buo niyang lakas na lalong dumurog sa puso ko.

Bakit siya pa itong nagtatanong kung ayos ba ako eh, siya itong nasaktan ko ng lubha?

"Wag mo kong isipin, dahil kung uutusan mo kong patayin ang sarili ko ngayon ay gagawin ko dahil ako itong nakasakit sa 'yo," sabi ko sa kaniya at umiling naman siya sabay punas sa mga luha ko.

"Alam ko naman hindi mo kntrolado ang sarili mo," sagot niya at pilit sanang tatayo kaso na ramdaman niya ang sakit sa buong katawan niya dahil naroon pa rin ang mga marka ko sa kaniya.

"Hu? Hindi mo hinilum 'yung mga sugat ko?" Tanong niya at agad akong napabitaw sa kamay niya at iniwas ang tingin.

Pano ko magagawa iyon kung halos buong katawan niya na ang lagyan ko ng marka? Wala na kong karapatan na hawak siya dahil sa kalapastangan ko sa kaniya.

"Bakit hindi ka makatingin?" Tanong niya sa 'kin kahit lambot na lambot, patuloy ko lang iniwas ang tingin ko sa kaniya.

"Mas masakit kung bukas pa rin 'yung mga kagat mo sa 'kin, saka gusto ko ng tubig Viggo," sagot niya kaya agad akong tumayo at kinuha siya ng tubig, pinasandal ko siya sa headboard ng kama niya at pinainum ito sa kaniya.

Pansin niyang napalitan ko na ang damit niyang suot at tumingin sa sa 'kin.

"Viggo kung gusto mong mapatawad kita, pagalingin mo na 'yung mga sugat ko," nanlalambot niyang utos sa 'kin at hindi ko maiwasan na mainis sa sarili ko.

Matapos ko siyang saktan at tangkain na patayin ay ito lang ang iuutos niya sa 'kin? Bakit hindi niya pa hilingin na mamatay na lang ako o putulin na ang kontratang namamagitan sa 'min?

"Bakit lady Kiera? Bakit mo ko tinuturing na ganito? Muntikan na kitang patayin kanina," tanong ko sa kaniya at nilapag niya naman ang baso sa side table.

Tahimik kaming dalawa at tila ba iniisip niya rin ang mga nangyari kanina.

"Pero 'di ba sinalba mo rin naman ang buhay ko?" Tanong niya pero hindi ko pa rin siya magawang tignan.

"Alam mo bang natatakot talaga ako sa 'yo nung una dahil alam kong may pagkakataon na baka patayin mo ko," sagot niya sa 'kin na nakatawag ng atensyon ko.

"Pero matapos kitang makilala nitong mga lumipas na buwan ay na isip ko na kung mapapatay mo man ako, alam kong hindi mo ginusto iyon," sagot niya kaya hindi ko maiwasan mapayuko at namumuo na naman ang mga luha sa gilid ng mata ko.

"Kaya kanina nung pinikit ko ang mga mata ko, nagbilang ako kung sasaluhin mo ko at wala pang sampu Viggo, na ramdaman ko na ang yakap mo," sagot niya sa 'kin at tuluyan nang tumulo ang luha ko, tahimik kong nilabas ang mga nararamdaman ko ngayon at ang saya na malaman na may taong nagtitiwala sa 'yo.

"Viggo, kung totoong nais mo man mamatay at makalaya sa pagiging alipin mo, gusto kong baguhin ang pananaw mong iyon," sagot niya at naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko, napaluha ako lalo at kinalma niya lang ako sa pamamagitan ng mga haplos na 'yun.

Ilan taon ba nung huli akong umiyak ng ganito? Tanda ko ang huling beses na umiyak ako ay nung makita kong mamatay ang mga magulang ko, sobrang bata ko pa nu'n na halos malabo na sa isipan ko.

Pero ngayon pakiramdam ko bumalik ako sa pagiging bata na walang ginawa kung hindi ilabas ang totoong nararamdaman nila.

Pinunasan ko ang luha ko at tumayo saka umupo sa kama niya, nakita kong nakatingin lang siya sa 'kin at lumapit ako sa kaniya.

Tinukod ko ang dalawang braso ko sa pagitan ng bewang niya at tumingin sa kaniya.

Ulit, nakita kong ngumiti siya sa harapan ko sabay punas sa mga luha ko sa mata, tumingin ako sa kaniya na may paghanga at lumapit sa mukha niya.

"Hayaan mong gamutin ko 'yung mga sugat na ako rin ang may gawa," sagot ko sa kaniya at tumango lang naman siya saka ko binalik ang atensyon ko sa labi niyang may kagat ko at muli 'tong hinalikan nang malumanay.

Sa halik na 'yun ramdam ko ang init ng labi niya pati na rin ang lambot ninto. Kung kanina ay pilit kong pinipigilan ang sarili ko sa paghalik sa kaniya ay ngayon hinayaan ko ang sarili kong matikman siya.

Ramdam ko ang braso niya na umangkla sa batok ko, dahil doon ay mas nilaliman ko pa ang halik na namamagitan sa 'ming dalawa.

Ramdam ko ang paglalaro naming dalawa sa loob ng bibig niya at lasa ko rin ang unting dugo na humahalo sa halik na 'yun.

Bumitaw ako sa halik namin at bumaba ang halik sa leeg niya kung saan kitang-kita ko ang marka na ginawa ko sa kaniya.

Ayaw kong tanggalin ang markang iyon, gusto kong markahan pa rin siya pero ayoko naman siyang saktan muli kaya dinilaan ko ang sugat na iyon at unti-unti itong naghilum.

Napatitig ako sa kaniya at halatang nagtaka naman siya kung bakit. Tinaasan niya ko ng dalawang kilay at hindi ko na pinigilan ang sarili kong sipsipin ang balat niya na nag-iwan ng pulang marka.

"Huy!" Hampas niya sa 'kin pero napataas lang ang isang bahagi ng labi ko, hindi ko mapigilan mapangiti sa reaksyon ng babaeng 'to.

"Anong ginawa mo?" Tanong niya at bumaba ang tingin ko sa itaas na bahagi ng dibdib niya kung saan ay mayroon din akong kagat kanina.

"Love bites," maikli kong sagot at at muling dinilaan ang balat niya na may marka ng pangil ko kanina.

Ramdam kong napapitlag siya, ramdam ko ring kabado siya pero kung alam niya lang ay mas kinakabahan ako sa kinikilos ko ngayon.

Natatakot na baka hindi ko mapigilan ang sarili ko ngayon gabi. Kaya muli ko na lang binigyan ang parteng iyon ng marka ko at napangisi ako.

Kahit papano magtatagal ang markang ito sa katawan mo, sa ganu'n paraan walang ibang lalaki ang maaring makahawak sa 'yo.

Bumaba ako sa katawan niya at tinaas ang pantulog niya, ramdam kong napapapitlag siya sa hawak ko sa binti niya.

"Te-teka!" Na uutal niyang sagot pero hindi makapalag dahil sa panlalambot.

"Ikaw nag-utos sa 'kin ninto, gagawin ko lang," sagot ko at napatakip lang siya ng bibig nang maramdaman niya ang mainit kong dila sa balat niya.

"Hmm... hi-hindi ko naman alam na mayroong sa parteng 'yan," sagot niya sa 'kin habang nakatakip ang mukha ng dalawa niyang palad.

Sa totoo lang hindi ko rin tanda ang ibang parte kung saan, sinusundan ko lang ang pang-amoy ko kung saan nanggagaling ang preskong dugo niya.

"Siyam na lang," sagot ko sa kaniya na kinagulat niya pero hindi ko alam bakit natutuwa ako sa reaksyon niya.

Hinawakan ko ang braso niya at inalas ang pagkakatakip niya sa mukha niya, hinalikan ko ang kamay niya at sumunod ang labi niya.

Hindi ko alam, hindi ko alam bakit ganito ang kinikilos ko sa babaeng ito na tila ba napapaloob pa rin ang sa itim na usok na 'yun.

Hinahayaan ko na lang ang katawan kong kumilos ukol sa nais ko habang pigil na pigil na muling saktan ang babaeng simula ngayon ay iingatan ko.

Nang magputol kami sa halik at nakatulala lang siya sa harap ko, hindi ko maiwasan matawa kaya na tawa na lang din siya saka ko pinagdikit ang noo naming dalawa.

"Salamat Kiera, simula ngayon ihahandog ko na ang buhay ko sayo't sayo lamang."

TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

186K 6.7K 24
"I am protecting you not because you're weak!" His jaw twitched as his eyes turned bloody red. He stepped forward as I stepped back. His eyes softene...
2.6K 158 34
For over a thousand years, the Phantom King has been placing monsters all over the land of Reocuria. But with the arrival of Melody in Aozora Academy...
47.2K 2.2K 92
EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang kanilang fated mate. Pero papano kung n...
524K 12.8K 33
I am Selene. The daughter of the moon. #1- Werewolf - July 15, 2019 #5- Fantasy - May 13, 2020