Author's POV
10:00 na ng gabi ng makarating ang magkasintahan sa building.
"Mauuna na ko tumaas, sunod ka nalang" ani Sunoo at niyakap ang kasintahan bago umalis ng kotse at dumiretso sa kanilang apartment.
Makalipas ang ilang minuto ay sumunod na din si Jay at sinigurong ni-lock ang kanyang kotse bago tumaas sa apartment nilang tatlo.
Kakatok palang sana si Sunoo ng bigla itong bumukas, revealing Riki na naka hoodie na itim at naka baggy pants na itim din. Naka tsinelas lang ito at naka earphones pa kaya naman biglang nagtaka ang isa.
"San punta mo?" Tanong nito habang nakahawak sa balikat ng isa.
"Bibili lang, may papabili ka?" Tanong nito at umiling naman si Sunoo.
"Sige, una nako" ani Riki at lumabas na ng pinto upang pumunta sa malapit na convenience store sa kanila.
♡´・ᴗ・'♡
1:00 na ng madaling araw at matutulog na sana si Sunoo dahil inaantok na sya ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Medyo tinatamad pa syang buksan iyon dahil nga inaantok na sya pero kinuha din naman nya ang cellphone out of curiosity.
Biglang nawala yung antok nya ng mabasa ang message ni Heeseung at itinuon ang buong atensyon sa cellphone.
Good mornight yung sabi don ni Won jusko🤦 ambobo nung keyboard ko pxencia na.