[A/N: Baka po magulat kayo, sa Phils.po ang setting ng story. Para mas madali sakin mag-imagine, haha! Walang basagn ng trip! And yung ibang mga lugar na mame-mention dito, fictional. Hindi pa kasi ako nakakapunta ng Baguio, huhu, sa birthday ko pa, hihi!]
-4-
Nanlalaki ang mga matang ibinaling ni Suho ang tingin sa buong paligid. Hindi siya makapaniwala sa kung saan siya dinala ni Lay ngayon para mamasyal. Oo, halos higit sa kalahating araw ang naging biyahe nila pero tila sulit ang lahat sa ganda ng paligid niya ngayon. Nakangiting binalingan niya ang binata.
"Yah, Yixing! Hindi mo naman ako sinabihang dito mo pala sa Baguio, balak mamasyal! Akala ko pa naman seryoso ka na talagang gusto mong pumunta doon sa bahay ng lola ni Baek!"
Bahagyang natawa naman si Lay na ikinapula ni Suho, "Leader-nim naman, oo. Gusto ko ngang pumunta doon pero kasama yung iba. Isa pa....ahmmm..."
"Ano?"
"Isa pa....matagal ko nang gustong pumunta dito kasama ka."namumulang sabi nito saka ito nag-iwas ng tingin.
Namumulang napatungo naman si Suho habang pinipigilan ang pagngiti dulot ng kilig. Napailing siya. Kalalaki niyang tao pero bakit ang dali-dali niyang kiligin pagdating kay Lay?! Nagpatuloy na lang siya sa paglalakad nang biglang...
"LEADER-NIM!"
Natigilan na lamang si Suho nang bigla siyang hilahin ni Lay pakabig dito nang biglang may isang kotseng dumaan sa tabi niya. Kung hindi siya nahila ng binata ay baka nasagasaan na siya nito. Nanlaki ang mga mata ni Suho at hindi mapigilang bumilis ang tibok ng puso. At alam niyang hindi lang iyon dahil sa kaba o takot sa nangyari kundi maging sa kasalukuyang posisyon nila ngayon ni Lay.
Namumulang napa-angat ng ulo si Suho at nakita ang nag-aalalang mukha ni Lay. Mas lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso niya. Bukod pa doon, damang-damang din niya ang init ng katawan ng binata dahil sa pagkakakulong niya sa braso nito.
Puno ng pag-aalalang binalingan siya ng binata, "Leader-nim, okay ka lang ba? Aish! Dapat hindi pinapayagang mag-drive yung mga ganung tao eh!"inis na palatak nito.
Napangiti naman si Suho. Minsan lang magpakita ng ibang emosyon si Lay kaya naman masaya siyang makita ang ibang side ng binata habang kasama niya ito.
"O---okay na naman ako, Yixing. Ka---kamsa...."
"Wala yun, leader-nim!"nakangiting sabi nito.
Nagkangitian na lang sila nang binata hanggang sa unti-unting tila naging seryoso ang paligid. Napalunok siya nang mapansing nakatitig ito sa mga labi niya. Hindi malaman ni Suho kung bakit parang gusto nga niyang maramdaman muli ang paglalapat ng labi nila. Muli siyang napalunok at magpapatangay na sana nang bigla na lamang siyang bitawan nito na ikinagulat niya.
Nahihiyang napakamot ng ulo si Lay saka tumalikod, "Mi---mianhae, Leader-nim. Uhmmm, ta---tara, puntahan na natin yung hotel kung saan ako nagpa-reserve."saka nito kinuha ang mga bagahe nila at naunan nang maglakad.
Hindi tuloy mapigilan ni Suho na tanungin ang sarili kung may mali ba sa kanya. Bakit ganun na lamang umiiwas si Lay na magkasama sila? Isa ba ito sa mga paraan niya para tuluyan siyang mahulog dito? Kasi kung oo, inaamin niya, malakas nga ang epekto nito.
Napailing na lamang si Suho saka sumunod dito. Ilang saglit pa ay agad silang nakarating sa hotel na sinasabi ni Lay. Ang hotel ay isang maliit lamang na cabin house sa may tuktok ng Baguio. Gayunpaman, walang masyadong naka-check in dito kaya hindi nila kailangang mamroblema na may makakakilala sa kanila. Agad na umakyat sa mga kwarto nila ang dalawa.
"Leader-nim, eto nga pala yung susi ng kwarto mo. Dito na yung sayo. Yung sakin nman nasa tapat lang"turo ni Lay sa kwartong nasa harap nila. Ibinaba na din nito ang kanina pang dalang bagahe niya.
"Ahhh, kamsa, Yixing."
Akmang papasok na sana si Suho ng kwarto nang bigla siyang tawagin nito, " Uhmmm...Leader-nim."
"Oh bakit Yixing? May sasabihin ka pa?"
"Uhmmm, gu---gusto mong mamitas ng strawberry mamaya? Ma---malapit lang kasi dito yun uhmmm strawberry farm?"
Agad na nagningning ang mata ni Suho sa narinig. Tila isang batang excited siyang tumango-tango, "Ne! Siyempre naman! Kailan ba? Mamaya? Teka, mag-aayos lang ako ng gam---"
Natigilan na lamang siya nang biglang tumawa si Lay. Namalayan na lamang ni Suho na nakatitig na pala siya dito. Tila isa nga kasi talagang anghel ang binata lalona ang tunog ng tawa nito.
"Haha! Mamaya pa naman, Leader-nim. Magpahinga ka na muna at alam kong pagod ka sa biyahe natinkanina. Kakatok na lang ako kung aalis na tayo."
"Ah----ahhh, ga--ganun ba? Si---sige."nahihiyang sabi niya saka siya agad na pumasok sa kwarto.
Napatampal naman sa noo si Suho pagkapasok ng kwarto. 'Aish, Kim Joonmyeon! Nakakahiya ka! Nakakahiya ka!'pagkakastigo niya sa sarili. Kung bakit naman kasi nawawala siya sa sarili sa tuwing kasama ito! Napahawak siya sa kanyang dibdib nang maramdaman ang kakaibang mabilis na pagtibok nito. Hindi niya napigilang mapangiti.
Siguro nga, hindi niya man namamalayan, malaking parte na ng puso niya ang natangay ng isang anghel.
"UYYYY, YIXING! Tignan mo ito oh! Kambal na strawberry!"excited na kalabit ni Suho kay Lay na parang bata. Naroroon na kasi sila sa strawberry farm at kasalukuyang namimitas ng mga strawberry. At kung sineswerte ka nga naman, nakapitas pa siya ng isang kambal na strawberry.
Napangiti na lamang si Lay sa kanya, "Ang swerte mo, hyung! Teka....may naalala akon kwento diyan eh....Narinig ko yata sa tv? A---ano nga ulit yun?"
"Nu ka ba, Yixing! Wag mo nang alalahanin. Basta mamaya, share na lang tayo dito, arasseo?"
"Ne, ara."matapos noon ay nagpatuloy na sila sa pamimitas ng strawberry.
Nang matapos sa pamimitas at pagababayad noon, nagpasya sina Suho at Lay na sabay na kainin ang mga strawberry sa isang cafe malapit sa farm. Nag-order sila ng mainit na tsokolate. Masayang nagkwentuhan ang dalawa hanggang sa makuha ni Suho ang kambal na strawberry na nakuha niya kanina.
Nakangiting pinaghiwalay niya ang mga iyon saka ibinigay ang isang bahagi kay Lay, "Yixing, oh!"
Iniabot naman iyon ni Lay, "Thanks, leader-nim!"saka masaya nilang kinain ang kambal na strawberry. Paubos na nila ito nang biglang lumapit sa kanila yung matandang manager ng cafe.
"Hayyyy, napaka-sweet niyo naman, mga hijo. Magkasintahan ba kayo?"
Namumulang nagkatinginan sina Suho at Lay. Agad din silan nag-iwas ng tingin ngunit sabay na tumango naman sa matandang manager.
"Huwag kayong mag-alala. Hindi ko kayo hinuhusgahan. May iba't ibang mukha naman ang pag-ibig, hindi ba? Natutuwa lang ako sa inyo at naalala ko bigla ang aking namayapang asawa."
"Ba---bakit po, halmeoni?"magalang na tanong ni Suho.
"Dahil sa kambal na strawberry na kinakain niyo."sabay namang napatingin sina Suho at Lay sa strawberry na kinakain nila, "Alam niyo ba ang alamat ng kambal na strawberry?"
Sabay na umiling ang dalawa. Napangiti naman ang matanda.
"Ang sabi sa alamat, noon ay may namuhay na dalawang magkasintahan. Pilit silang pinaglalayo ng tadhana dahil na din sa pagkakaiba ng antas nila sa buhay. Tanging sa isang malapit na taniman ng strawberry sila palihim na nagkikita. Hanggang sa isang araw, nalaman iyon ng kanilang mga pamilya at pilit silang pinaglayo. Ngunit dahil sa marubdob na pagmamahal nila sa isa't isa, nagpasya silang lumayo nang magkasama. Nang mga panahong iyon, may nagaganap na awa sa pagitanng kanilang mga pamilya kaya hindi sinasadyang aksidenten sabay na mapatay ang dalawa. Namatay sila sa mismong taniman ng strawberry. Gayunpaman, alam ng lahat na naging masaya sila dahil magkasama sna sila atwala nang magihiwalay pa sa kanila. Ilang araw ang lumipas, tumubo ang isang kambal na strawberry sa mismong lugar kung saan namatay ang magkasintahan."
Natahimik na lamang sina Lay at Suho. Nakangiting binalingan naman sila ng matanda, "Mga hijo, alam niyo ba na kapag ibinigay niyo ang isang parte ng kambal na strawberry sa isang tao, ibig sabihin, iyong tao na iyon ang nais mo nang makasama habang buhay?"
Gulat na nagkatinginan sina Suho at Lay. Namumulang napabaling sila sa strawberry na ngayon ay hawak nila. Hinawakan naman sila sa balikat ng matanda.
"Marami na ang nagpatunay ng alamat na iyon. Oo, hindi maiwasan na sadyang marami silang pagsubok na kinailangang lagpasan ngunit sa huli, pagmamahal pa din nila ang nanaig. Pansinin niyo, hugis puso ang kambal na strawberry. Dahil yan sa puso nila ang kanilang sinunod ng mga oras na iyon. Hangad ko na ganun din ang mangyari sa pag-iibigan niyo."ngumiti ito sa kanila, "Sige, mga hijo. Mauna na ako at marami pa nga pala akong kailangang ayusin. Hangad ko ang masaya niyong pag-iibigan!"
"Ne,ne...Kamsa, halmeoni...."utal na pagpapasalamat ni Suho na hanggang ngayon ay hindi pa din makapaniwala sa narinig.
Pagka-alis ng matanda, umiiling na napangiti na lamang si Lay, "Sabi sayo, leader-nim, merong ibig sabihin ang pagkain nito eh! Sana hinayaan mo na lang akong alalahanin muna bago natin kinain ito!"
"Eh? Waeyo?"
"Hindi mo ba narinig yung matanda? Dapat doon sa taong gusto mo lang makasama habang buhay mo ibinibigay kung parte ng kambal na strawberry. Kaso, wala na...nakain ko na."
Namumulang nagkibit-balikat na lamang si Suho, "Hayaan mo na. Hindi naman natin alam, eh. Saka nagpapaniwala ka dun kay halmeoni. Geh na, kainin mo na yan. Pupunta pa tayong Burnham Park di ba?"
Tumango na lang si Lay saka kinain na ang strawberry. Ngunit sa loob ng binata, hindi niya mapigilang umasa na sana nga totoo ang alamat. Para kahit na hindi kusang ibinigay ni Suho ang parte niyang kambal na strawberry dahil sa alamat, may panghahawakan pa din siyang katiting na pag-asa na makakasama niya ito hanggang sa huli.
Namumulang pinagmasdan naman ni Suho si Lay na kainin ang bahagi nito ng kambal na strawberry habang umiinom ng tsokolate. Ang totoo niyan, nainiwala talaga siya sa sinabing alamat ng matanda kanina. Kaya nga nais niyang si Lay pa rin ang pagbigyan nito. Dahil sa aminin man ni Suho o hindi...
Sigurado na siya, ang anghel na itong nasa harap niya ang gusto niyang magpatunay ng alamat kasama niya.
MABILIS na lumipas ang isang linggo at namalayan na lamang ng buong grupo na balik na naman pala sila sa dting pamumuhay. Naging masaya naman ang lahat sa kanilang naging maikling bakasyon at pahinga lalo na sina Suho at Lay na napansin ng iba ang mas lalong pagkakalapit sa isa't isa.
Hindi nga maitatanggi ni Suho na naging masaya siya sa buong isang linggo na kasama si Lay. Nakasiguro na din siya sa sarili niyang mahal na nga niya ang binata. Hindi tuloy niya mapigilang mapangiti habang nagbabasa ng musical sheet ng bago nilang kanta.
"Ahlele, uyyyy! Si Suho hyung, blooming! Nyahahaha!"
Inis na napabaling na lamang siya kina Chanyeol, Baekhyun, Chen at Xiumin na bigla na lang sumulpot sa tabi niya. Sininghalan niya ang mga ito.
"Blooming? Baka gusto niyong bawiin ko yung mga ibinigay kong pasalubong sa inyo?!"
"Luh, si hyung naman, hindi mabiro!"pagngiti ni Chanyeol sabay akbay kay Baekhyun.
"Teka nga, ano na naman bang kailangan niyo at bigla kayong nanggugulo dito huh? Saka kayo, Chen at Dobi, tapos na ba kayong magpaturo kina Yixing ng steps sa sayaw huh? Kayo itong ang hihirap turuan diyan!"
"Aish naman, Suho hyung! Pinag-break kaya kami nina Idol at Lay hyung!"
"Oo nga naman, hyung! Pero ayieeee, bakit si Yixing gege lang ang sinabi mo? Sina Kai at Sehun, hindi mo man lang, naalala? Ala, si hyung! May favoritism oh!"pang-aasar ni Chen saka sabay silang naghigh-five ni Chanyeol.
"Tigil-tigilan niyo ko ng pang-aasar niyong dalawa at marami pa akong gagawin."
"Oo nga, Suho eh. Pansin nga namin. Kaya nga pati yung isa sa pinakamahalagang araw para sa inyo ni Yixing, nakalimutan mo."
Kunot noong napabaling naman si Suho kay Xiumin. 'Pinakamahalagang araw'? Ano naman yun?
"Ganyan ka, hyung! Ang alam namin si Yixing gege itong ulyanin satin pero siya itong naka-alala! Samantalang ikaw....aish! Umin, kawawa naman si Yixing gege noh? Siya lang yata nagmamahal dito eh!"segunda pa ni Chen na mas lalog ikinakunot ng noo niya.
"Teka nga, ako nga diretsuhin niyo. Ano bang araw yang tinutukoy niyo huh?"
Naglalambing na napayakap naman si Baekhyun kay Chanyeol, "Bebe Giant ko, loves mo ko di ba? Ano nga yung mahalagang araw para satin?"
Sandaling natigilan naman si Chanyeol para mag-isip. Ilang saglit pa ay malokong ngumisi ito kay Baekhyun, "Araw-araw naman na magkasama tayo, mahalaga para sakin, Baby Smurf ko."
"Kyaaaaaahhhhhh! Giant naman eh! Enebe!"kinikilig na sabi ni Baekhyun sabay hampas sa braso ni Chanyeol.
Umaktong nasusuka naman sina Xiumin, Chen at Suho, "Huy! Tigilan niyo nga muna kami ng kalandian niyo! Ano, moment niyo?"
"Bitter ka lang, camel! Bleh :P!"sabay belat ni Baekhyun kay Chen na sinamaan lang siya ng tingin.
Napailing na lamang si Chanyeol saka muling hinapit sa bewang ang kasintahan, "Pero siyempre naman Baby Smurf. Ang isa sa pinakamahalagang araw para sakin eh yung araw na naging tayo."
"Awww, Giant ko!"
Noon naman natigilan si Suho. Tila ba paulit-ulit sa utak niya ang sinabi ni Chanyeol. 'Araw na naging tayo'?! Malalim na napaisip si Suho. Araw na naging---agad na nanlaki ang mata niya nang sa wakas ay maintindihan na din ang ibig sabihin ng mga ito. Natatarantang kinuha niya ang kalendaryo na nakasabit sa likuran ng pintuan ng studio nila.
Sabay-sabay na napangiti naman sina Xiumin, Chen, Chanyeol at Baekhyun nang sa wakas ay makuha na din ni Suho ang gusto nilang iparating.
Tila nanlulumo naman si Suho na muling bumaling sa apat. Bakit nga ba sa lahat-lahat ng araw na pwede niyang makalimutan, ang mismong araw pa na yun?!
"Oh, ano hyung, gets mo na?"tanong ni Chen.
Nanghihinang tumango naman si Suho, "N--ne. Tat---tatlong araw na lang...monthsary na namin ni Yixing!"
Sabay-sabay na napailing ang apat saka malalim na bumuntong-hininga.
"Sabi sa inyo, nakalimutan niya eh!"
----
[A/N: NOT EDITED! SORRY FOR TYPOS! Ala ka, Suho! How dare dare you! Haha! 1st monthsary niyo pa ni Lay ang kinalimutan mo, haha! Paktay kang bata ka! Next Chap: Abangan kung successful nga ba ang magiging plano ng XiuChen and friends sa SuLay. Fluff padin naman next chap pero...magsisimula na ang drama BWAHAHAHAHAHA *ehem*!]