Afraid of Everyone's Eyes

By anjspace

98 14 24

Judgment is part of human nature. *** Chantria Mendoza, an ordinary freshman student trying to find where she... More

AOEE
Visuals
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5

Chapter 6

5 1 0
By anjspace

Dumiretso ako sa library pagkalabas ng cafeteria. Plano ko sanang sa students' greenspace magpalipas ng oras ngunit iniisip ko na posibleng naroon si Timea at Egon kaya wala na akong nagawa kundi ang piliin ang pangalawang tahimik na lugar sa university.

Don't get me wrong, hindi ko ito ginagawa dahil sa sinabi ni Maverick, yes he has a point. Ngunit pinili ko 'tong gawin dahil hindi ko na kayang dagdagan pa ang mga tumatakbo sa isip ko. Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari.

Simula no'ng pumasok ako sa university at nakilala si Alexa, sumunod si Timea at ang sagutan hanggang sa ang pag-iwas na kailangan kong gawin sa hindi malamang dahilan, si Papa na hindi ko rin mahulaan bakit narito, ang pag-iyak ni Mama, at ngayon ay dumagdag pa ang resulta ng long quiz. Pakiramdam ko unti-unting nagugulo ang dating tahimik kong buhay.

I went straight to my usual spot where the somewhat hidden part is 'tsaka naupo at inilabas ang bagong binabasang novel.

Books became my sanctuary every time I feel exhausted, confused, or have any out-of-control emotions. I found a lot in books, in addition to enjoyment and pleasure, I found lessons and new challenges that only books can provide, of course maliban na lamang sa totoong buhay. Ngunit hindi naman kasi lahat ng pangyayari ay nararanasan sa totong buhay. Sa libro kasi we no longer have to experience to learn dahil sa mga characters pa lang ay labis na ang aral na mapupulot.

I was close to the next page when my phone beeped and Mama's message popped up.

Mama:

Dinner later kasama ang Papa mo. Susunduin ka ni Anton.

My forehead wrinkled as I stared at my phone. Binitawan ko rin muna ang librong hawak dahil sa nabasang mensahe. So, he's not busy? Kaya ba siya narito kanina? Pero anong ginagawa niya sa office ng mga prof?

Agad akong nagtipa ng reply kay Mama.

Tria:

He's free? 

Mama:

Yes, be home before seven. Take care!

Sumandal ako sa upuan habang iniisip kung paano ko tatanungin si Papa mamaya. Sigurado ako na siya ang nakita ko kaninang umaga pero paano kung gaya no'ng nakaraan ay gano'n pa rin ang isasagot niya? That he's tied up with new cases? 

I heave a sigh and shake my head. Bakit naman siya magsisinungaling? Sigurado akong may dahilan ang pagpunta niya at siguro alam din 'yon ni Mama.

Tahimik lamang akong bumalik sa building at hinanap ang room number nang malapit na ang oras ng afternoon class. Pumasok ako sa classroom at hindi gaya kanina na tila binagsakan ng langit at lupa ang kalahati ng klase, ngayon ay mukhang bumalik na sa normal ang lahat. Maririnig na muli ang tawanan sa loob at ang iba't ibang kwento ng bawat isa na tila walang bumagsak sa long quiz. Kaya sa halip na magmukmok at isipin ang nangyari ay hinayaan ko na lang din ang sarili na makipagkwentuhan sa mga katabi.

Siguro ganito nga talaga. Sa college, hindi pwedeng buong araw mong isipin ang nangyari dahil may mga susunod pa rito at maaaring mas komplikado at mas mahirap, at nakumpirma ko nga 'yon dahil pagkapasok pa lamang ng prof at pagkatapos niya kaming batiin ay agad itong bumunot ng index card na hindi namin napansing hawak niya pala.

I bit my lower lip when the first name he called was mine. Shit! Sinusumpa ko talaga ang nag-imbento ng index card!

"Noong panahon ng katutubo, ilang titik, patinig, at katinig ang mayroon?"

I blinked. Alam ko 'to pero hindi ko sigurado kung tama. Napalunok muna ako bago sumagot. "Labing-pitong titik, tatlong patinig, at labing-apat na katinig."

He nodded and pulled out another index card. Agad na rin akong umupo nang tumalikod at nagtawag na siya ng ibang pangalan.

I felt my stomach throb as my heart pounded in fear. Walang maling sagot- no, hindi namin alam kung tama o mali ang nagiging sagot namin dahil hindi niya sinasabi. Tatango lang siya, magmamarka 'tsaka siya muling bubunot ng index card at magbabato ng tanong. Tila nakatatak na ang mga tanong na iyon sa utak niya gano'n din ang mga sagot.

"Denovan," tawag nito matapos ang mahigit labing dalawang pangalang tinawag niya. Tumayo naman agad si Timea, sumilay ang ngiti niya nang tumingin sa kanya si Sir Lary. "Noong panahon ng amerikano, siya ang nagpahayag ng komisyong pampilipinas sa pamumuno ni Hukom Howard Taft na bigyan ng espesyal na atensyon ang pagtuturo ng Ingles sa Pilipinas."

Kahit hindi para sa akin ang tanong ay hindi ko napigilan ang mapalunok. Nakita ko rin ang pag-angat ng tingin ng grupo ni Alexa kay Timea na ngayon ay tila pilit na inaalala ang tamang sagot sa binigyang tanong.

Hindi ko maiwasang hindi kabahan. Noong nakaraan niya lang binigay ang lesson na 'to ngunit maging ako ay hindi ko matandaan ang pangalan. Naririnig ko na ang pagsinghap at pagbuga nang malalalim na hininga ng mga kaklase ko sa bawat segundong lumilipas na tila ba'y kinakabahan din sila para kay Timea. 

"Miss Deno-"

"Presidente McKinley, Abril 7, 1900." Timea answered, cutting Sir Lary off.

Ngumiti ang Prof at tumango 'tsaka nagmarka at nagpatuloy. Pinagmasdan ko lang si Timea na pabagsak na naupo sa upuan niya kasabay ng pagsinghap. That was close! Iba pa naman si Sir Lary kung magbigay ng grado, talagang walang pinapaboran.

Natapos ang oras niya na hindi niya nagawang tawagin ang lahat at isa na roon ay sina Alexa at Jenina na halata rin ang kaba sa mga mukha kanina. Matapos magpaalam ni Sir Lary ay hindi na nagkaroon pa ng pagkakataon ang lahat na mag-usap dahil agad ding pumasok ang sumunod na Prof gano'n din ang panghuling Prof.

Nang oras na ng uwian ay isa-isa ng nagtayuan ang mga kaklase ko kaya tumayo na rin ako at inayos ang mga gamit. Pinasok ko ang notebook na gamit sa bag at agad din namang sinara ito nang marinig ko ang boses ni Timea.

"Mav,"

Napatigil ako sa ginagawa at huli na nang mapagtanto ko na lumingon ako sa may pintuan. Naabutan ko siya na bahagyang tumango kay Timea bago nilipat ang tingin sa babaeng naglalakad na ngayon palabas ng silid.

"Let's go?" Alexa asked, hindi ko makita kung ano ang reaksyon ng mukha niya dahil nakatalikod ito sa akin. Tumango naman si Maverick.

"Maverick?" nagtatakang tawag ni Timea dahilan para lumipat sa kanya ang tingin ko. Kunot na kunot na ang noo nito ngayon bago siya naglakad palapit sa dalawa na nasa bukana ng pintuan. "What does this mean?"

Hinintay ko ang magiging sagot ni Alexa o ni Maverick ngunit sa halip na magsalita, Alexa slid her hand on Maverick's arm at nang naabot niya ang kamay nito ay walang pagdadalawang isip niyang pinagsalikop ang kamay nilang dalawa.

My jaw dropped open.

"What the..." Timea freeze and stare at them with wide eyes.

Ilang minuto silang nanatiling gano'n at walang nagsasalita hanggang sa humarap si Alexa kay Timea na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa nakikita. Ambang magsasalita sana ito nang walang ano-ano ay bigla siyang bumaling sa kung nasaan ako. I immediately stepped back and averted my eyes. Hindi ko napansin na bukod sa kanila ay ako na lang pala ang natitira sa loob ng silid. Shit!

"Ano ang ginagawa mo rito, Chantria?" sa ilang linggong lumipas na hindi kami nagpapansinan ay ngayon ko nalang ulit narinig ang pangalan ko sa kanya. Narinig ko ang papalapit niyang yabag kaya suminghap muna ako bago ko sila muling hinarap. Tumigil siya sa paglalakad saka ako tinaasan ng kilay. "I mean... what-"

Ngumisi ako at napailing. "Really, Alexa? Malamang dahil dito rin ang huling klase ko at kung nagtataka ka kung bakit narito pa rin ako," napahinto ako 'tsaka pinilig ang ulo at tinignan silang dalawa ni Maverick. "Isipin mo kung paano ako makakalabas kung nakaharang kayo sa mismong pintuan,"

"Oh c'mon, you don't really mean that kasi kung totoo pwede ka namang mag-excuse,"

Isinukblit ko ang bag 'tsaka siya nilapitan at no'ng nasa harapan na niya ako ay bumuntong hininga ako. "Alexa, engaging in your issue is the last thing I want kaya sana tama na," mahina kong wika, sapat na na siya lang ang makaririnig 'tsaka ko na siya nilampasan.

Alam ko naman na iisa lang ang tumatako sa isip niya at 'yon ay kung magkalapit pa rin kami ni Timea. Kung tutuusin nga dapat maging masaya siya dahil hindi lang siya ang nag-iisa na may gusto ng ganoong bagay.

Naglakad ako na hindi na siya nililingon, gano'n din kay Timea. Ayaw kong makita ang reaksyon ng mukha niya ngayon. Pakiramdam ko kasi na kasalanan ang saktan ang isang gaya niya. She's so pure and kind at napatunayan ko 'yon sa mga araw na nakasama ko siya gano'n din sa mga araw na pilit ko siyang iniiwasan at patuloy pa rin ang pagiging mabait niya sa akin. I don't know, I didn't do anything wrong, yes, but I still couldn't help but feel sad.

Nang nagtama ang paningin namin ni Maverick ay ako na ang unang nag-iwas. Tumabi rin siya kaya maayos akong nakalabas sa pinto. I could not help but swallow nang malampasan ko siya at nang tuluyan nang nakalayo ay 'tsaka ko lamang pinakawalan ang mabigat na hininga.

To be honest, I can't understand how I feel. Dapat okay na 'ko sa ganito- ang patuloy na iwasan ang mga taong posibleng gulo lang ang ibibigay. Pero hindi e, I feel bad pero alam ko sa mismong sarili ko na wala akong ginawang masama kaya hindi ko maintindihan.

Dumiretso ako sa labas nang university nang hindi ko nakita ang sasakyan namin sa may parking lot sa loob. Sinalubong ng tingin ko ang malaking mall na nasa tapat kung saan makikita ang mga abalang tao. May mga pumapasok at may mga lumalabas naman na bitbit ang kanilang mga pinamili. 

Saglit akong tumingala at napansin na makulimlim ang kalangitan. Mukhang uulan pa yata kaya sa halip na tumayo sa tabi ng daan ay napagpasyahan kong pumasok na lamang muna sa isang shed na malapit lamang sa entrance ng DHU. May dalawang babaeng nakaupo at nagku-kwentuhan doon ngunit hindi naman nila ako binigyan ng pansin kaya nagpatuloy ako at tahimik na naupo.

"Sila na nga yata ulit,"

"Uhuh, 'yon din ang sabi-sabi. Last week pa yata nung nakita silang magkasama sa isang coffee shop at kanina sabay raw silang pumasok."

"Talaga?"

Hindi ko naiwasang lingunin sila. Hindi naman kasi kalakihan ang shed, lima hanggang pitong tao lang yata ang kakasya rito sa loob kaya maririnig lang ang kwentuhan, kahit pa yata mahinang hikbi ay maririnig kung wala lang ang ingay ng mga tao at busina ng nagdadaanang mga sasakyan.

Bumuntong hininga ang babae matapos magsalita. Saglit siyang napaisip bago tumingin sa kawalan. "Bagay naman sila kaya walang duda,"

Nilipat ko ang tingin sa lanyard na suot nila. Yellow ito kaya kung hindi engineering, malamang ay architecture ang course ng mga ito.

Bumuntong hininga ako. Gusto kong iwasan at h'wag ng pakinggan ang kwentuhan nila ngunit talagang hindi ito maiiwasan dahil bukod sa maliit na espesyo ay ang lakas din ng kanilang boses. Kinuha ko ang cellphone ko sa may bulsa ng uniporme at pinilit na hindi na bigyang pansin ang dalawang nag-uusap. I checked my phone to see if there's a message from Mr. Anton at nang wala ni isa ay ako na ang nag-message sa kanya bago muling tumingin sa harapan.

Sobrang abala ng mga tao. Bukod sa mga magagarang sasakyan na nagdadaanan ay may mga tao ring nag-uunahan sa pagsakay sa jeep. May mga nagmamadaling maglakad at may iilan ding grupo ng mga estudyante na nagtatawanan habang naglalakad sa tabi ng abalang daan.

"Pero totoo ba na naging sila talaga?" rinig kong tanong ng isa,

Gusto ko na lamang takpan ang tainga ko para hindi na maring ang usapan nila. Hindi ba nila pansin na ang lakas ng boses nila at bukod sa akin ay posibleng marami pang ibang makarinig na pinag-uusapan nila ang kung sino man.

Kinuha ko ang earpods ko at sinuot ito. Akmang pipindutin ko nag ang play button nang halos magpantig ang tainga ko sa sunod na narinig mula sa kanila.

"Oo nga 'no? Pero hindi naman imposible 'yon, grabe ang alitan na nangyari no'ng grade 11 tayo dahil nga raw nahuli ni Alexa ang kaibigan niya na nakikipaglandian kay Maverick. Hanggang sa huling taon natin sa senior high school ay hindi pa rin nawala sa usap-usapan ng mga students ang nangyari sa kanila-" naputol ang sinasabi niya nang may bumusina at huminto ang sasakyan sa harapan ng shed.

"Daddy mo," wika ng isa.

Hindi ko alam bakit hindi ko maalis ang tingin ko sa pwesto nila. Tila napako ang mga mata ko na kahit tumayo na ang babae ay nanatili ang mata ko sa pwestong inuupuan niya. Saka lamang ako bumalik sa kasalukuyan nang tumunog ang cellphone ko. Rumehistro ang pangalan ni Mr. Anton sa caller ID kaya agad ko na itong sinagot.

"Hello po?"

"Nasa labas ka na ba? Traffic, baka matagalan pa ako." wika nito sa kabilang linya. "H'wag ka na lang muna lumabas, delikado lalo na't mag-isa ka."

"Nasa labas na po ako, Mr. Anton, pero hayaan niyo po dahil marami namang tao-"

"Iyon nga e, maraming tao kaya delikado, Ms. Tria."

Tumango ako at hindi na nagmatigas. Sa ngayon na puno ang schedule ni Papa dahil sa mga kasong hawak ay hindi imposible na pag-initan kami. "Sige po, Mr. Anton, papasok na po ulit ako."

Narinig ko ang paghinga niya nang malalim— out of relief, I guess. "Mag-iingat ka,"

"Kayo rin po," sabi ko 'tsaka na binaba ang tawag.

Muli akong lumingon sa pwesto ng dalawang babae kanina. Tuluyan ng nakaalis ang isa kaya naiwang mag-isa ang kasama nito. I wondered if the people I was thinking of were also the people they were referring to. Akmang tatayo na ako nang bigla siyang lumingon sa akin kaya agad na akong tumalikod para hindi nito mahalata na pinagmamasdan ko siya. Ngunit kasabay ng pagtalikod ko ay isang matipunong dibdib naman ang sumalubong sa akin. Muntikan pa akong mabunggo kung 'di lang ako nakahinto agad.

Una kong napansin ang yellow lanyard niya at sa hindi malamang dahilan ay bigla akong sinalakay ng kaba. Dahan-dahan ay inangat ko ang tingin ko para makumpirma kung tama ba ang hinala ko at nang magtama ang paningin naming dalawa ay kusang napaatras ang mga paa ko.

Maverick...

Napagsinghap ang babae sa likod at ilang segundo lang ay 'tsaka ko rin narinig ang papalayo niyang mga yabag. Nais ko man siyang lingunin para man lang putulin ang titigan namin ni Maverick ngunit hindi ko magawa. His stare was inquisitive, seemingly eager to know the answer to a question.

Napalunok ako at ilang segundo pa ang lumipas nang siya na mismo ang unang umiwas ng tingin. My heart is pounding so fast and I can feel that my cheeks are on fire. Umiwas din ako ng tingin 'tsaka lihim na bumuga ng hangin.

Pull yourself together, Tria!

Tumabi ako at umalis sa harap niya, akmang hahakbang na ulit sana ako para lampasan siya nang bigla siyang magsalita.

"Can I talk to you?" he asked using his deep and hoarse voice.

I blinked before lifting my gaze. Huminga muna ako nang malalim bago sumagot. "Am I the one you are talking to?"

Bumaling siya sa akin 'tsaka dahan-dahan na tumango. Bahagya akong nagulat nang humakbang siya para umupo. Iniwasan kong kunotan siya ng noo at kahit na naguguluhan ay tumango na lang din ako 'tsaka naglakad patungo sa pwesto ng dalawang babae kanina.

"Okay," sabi ko bago naupo. 

He cleared his throat, pinigilan ko naman ang sarili na lingunin siya.

"Bagsak din ako," simula niya.

Doon ay muli na akong napalingon sa kanya dahil sa pagtataka. Tinignan niya rin ako kaya tinaasan ko siya ng kilay ngunit bahagya lang siyang ngumiti bago muling tumingin sa harapan at nagpatuloy.

"The long quiz given by profs to freshmen... bumagsak din ako," he paused and sighed, kita pa rin ang munting ngiti sa labi niya. "Actually si Egon din,"

I immediately averted my gaze. "Si Egon ba ang pag-uusapan natin?"

"No," Lumingon muli siya sa akin ngunit nanatili sa daan ang mga mata ko. "Sinasabi ko lang 'to para malaman mo na hindi ka nag-iisa,"

My heart quickened again for no apparent reason ngunit alam ko na hindi na lang ito dahil sa gulat. Muli ko sana siyang lilingunin nang isang sasakyan ang pumarada sa harapan namin and when the window rolled down, I instantly saw Mr. Anton. Nakasalubong ang kilay nito, marahil na nagtataka kung bakit nasa labas pa rin ako.

Nginitian ko siya bago tumayo. Humarap din muna ako ako kay Maverick at nagpaalam na mauuna na 'tsaka ko siya tinalikuran.

Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at pumasok ngunit bago ko pa man ito maisara ng pabalik ay narinig ko pa ang huli niyang sinabi— ingat.

Tahimik ang naging biyahe namin pauwi. Pansin ko ang madalas na tingin ni Mr. Anton sa rear-view mirror kaya inaasahan ko na na magtatanong siya ngunit nang ilang minuto na at malapit na kami sa bahay ay wala siyang ibang sinabi o tinanong maliban sa kumusta ang araw ko sa university.

I silently thanked him for that dahil kung sakali man na tanungin niya ang tungkol kay Maverick ay hindi ko rin alam kung anong ang sasagutin. Hindi ko rin maaaring sabihin na kaklase dahil sa kulay pa lamang ng lanyard ay malalaman na niyang nagsisinungaling ako. 

"Salamat po," I said after the long and silent drive.

Nang makalabas ay agad kong napansin na may tao sa bahay. I couldn't help but smile. Tila lahat ng nangyari at pagod sa mga nagdaang araw ay unti-unting nawawala— ang resulta, ang sari-saring tanong sa utak ko, ang tungkol kay Papa at Mama. Tila lahat ay isa-isang umaalis sa sistema ko.

Para rin kasing ang tagal na no'ng huli kaming maghapunan ng sabay-sabay rito sa bahay. Madalas kasi sa labas kami kung kumain dahil agad ding bumabalik si Papa sa firm pagkatapos.

Pumasok ako sa loob at naabutang tahimik ang sala ngunit naririnig ko ang bahagyang ingay na dulot ng mga gamit ni Mama sa pagluluto. Dumiretso ako sa kwarto at agad na naligo at nagpalit bago muling bumaba at dumiretso sa kusina.

"Ma," tawag ko nang makalapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. 

Ngitian niya ako 'tsaka agad nagpatuloy sa ginagawa. Dumiretso naman ako sa kung nasaan ang mga kubyertos 'tsaka ko sinimulang ayusin ang mga 'yon sa table.

"How's your day?" she asked after minutes of silence.

Napahinto ako sa ginagawa. I know that I have to tell them about the result but, I don't think this is the right time.

"Maayos naman po," tanging sagot ko 'tsaka nagpatuloy sa ginagawa.

"Result?"

Napasinghap ako ngunit hindi ko iyon pinahalata. Bumaling ako sa kay Mama habang hawak ang isang baso. She's watching me intently so I had to smile bago muling tumalikod. Avoiding her inquisitive eyes.

"Wala pa po ang result, Mama," pagsisinungaling ko. "Babalitaan ko po kayo agad kapag lumabas na,"

I am not a good liar, I know. Kaya kinakailangan kong iwasan ang mata ng kausap kung kinakailangan kong magsinungaling. Yes, alam kong mali. But can you blame me? I don't want to ruin this moment.

"Okay, call your Papa now."

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...