Writer's Block

By Yanalovesyouu

7M 283K 48.9K

A fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perha... More

WB1
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 5

170K 7.2K 968
By Yanalovesyouu

"Alam ko talaga nakasandal sya sa pader kagabi nung makita ko eh." Bulong ko. Pero baka din naman namalikmata lang ako.

Dapithapon, maaga akong nagising kaya naisipan kong tumambay dito sa may tindahan sa kanto. Tahimik akong kumakain ng tigpi-pisong chichirya habang nanunuod sa mga batang lalaki na nakaupo sa may gutter at may hawak na kani-kaniyang PSP. Nung bata ako hindi pa uso 'ung mga ganitong laruan eh.

"BESSSSSS!!!" Hindi pa ako lumilingon alam ko na kung kaninong hiyaw ang nadinig ko. "Besssss!" Mas malakas na ang boses nya ngayong ilang hakbang na lang ang layo nya. Pero hindi ko pa din sya nililingon, nakatingin pa din ako sa mga batang naglalaro ng PSP. Hanggang hawakan na nya ang braso ko ng kamay nyang pasmado. Eeww.

"Bes nanggaling ako sa apartment mo pero wala ka, buti nakita ko si Aling Fatima at sabi baka bumili ka daw dito sa tindahan." Sya si Eureka Grimswald. Kaibigan ko na sya simula first year college. Actually tatlo kami. The other one named Samara Friggs. Sabi nila, half European, half Asian daw sya kaya ganyan ang surname nila. Ewan ba dito sa dalawang 'to. Edi sila na foreign.

"Bes alam mo bang may nakilala akong gwapong lalaki kagabi. Unang kita ko pa lang sa kanya alam ko ng mahal ko sya eh." I rolled my eyes saka ibinalik ang tingin ko sa mga batang naglalaro. Ganyan na sya talaga kadaldal mula pa noon. Kabaligtaran naman ni Samara, si Samara ay medyo tahimik at may pagka-strikta.

"Diba may boyfriend ka?" If I'm not mistaken two years na sila ng boyfriend nya. "Hahaha ano ba bes, break na kami." At talagang masaya pa sya? "Break na kayo tapos natawa-tawa ka pa dyan." I asked habang masamang nakatingin sa kamay nya na dumudukot ng chichirya sa kinakain ko. Tignan mo 'tong babaeng 'to. Tigpi-piso na nga lang ang kinakain ko, nangbuburaot pa. "Kasi bes, tayong mga babae kapag iniwan tayo ng mga boyfriend natin, instead na umiyak. Dapat mag-party tayo diba? Blessing in disguise 'yan kasi wala na tayong sakit ng ulo, walang problema, walang iniintindi, walang pinagse-selosan, walang iiyakan." Sa tono ng boses nya parang wala nnga lang talaga sa kanya 'yung 2 years na pagsasama nila ng boyfriend nya. Kung sa bagay, mas mabuti na 'yung ganito kaysa naman umiiyak sya.

"Back to our topic, as I was saying, ang gwapo nga ng nakilala kong lalaki kagabi.Tapos—"

"Saan mob a nakilala 'yang lalaking 'yan?" Tanong ko.

"Malapit sa bahay nyo bes, kaya nga pumunta ako ulit dito kasi—teka bes si Aling Fatima nga pala binayaran ko kahapon kasi sabi nya hindi ka daw nagbabayad ng upa sa apartment. Binayadan ko na hanggang isang taon kaya no need to worry." Mabilis akong lumingon kay Eureka dahil sa sinabi nya. Itinatago ko nga sa kanya ang tungkol sa utang ko kay Aling Fatima dahil alam kong babayadan nya eh.

She's always like that, pag may problema ako lalong-lalo na kung financially. "Hayaan mo bes babayaran kita in no time, wait ka lang matapos ko ang ginagawa kong story."

"Gumagawa ka ulit ng story bes? Pabasa ako ah." Excited na sabi nya. "Ayan ka na naman bes tapos lalaitin mo gawa ko ha." Inirapan ko sya kasi ang hilig nyang laitin ang ginawaga kong story, tapos ang dami nyang suggestions.

"Hahaha bes, ako pa din naman ang number 1 fan mo. Kami lang naman kasi ni Samara reader mo eh." Tumawa pa sya ng malakas kaya kinurot ko sya sa braso. "Ang sama mo."

"Hahahaha."

Umiling ako at saka tumayo habang sya ay taw pa rin ng tawa. "Bes tatawagan ko si Samara ha, para sabay kaming magbabasa ng story."

"Whatever." I murmured.

**

Nakatingin ako sa kanilang dalawa na seryosong-seryoso sa pagbabasa ng story na ginagawa ko sa harap ng computer. Ako naman nag-aantay lang na matapos sila at nag-aantay na laitin nila ang ginawa ko.

"Lucian Arentsvelt." Kumunot ang noo ko when I heard Samara. "Saan mo nakuha 'tong pangalan ng lead male mo Alexis?"

At mas lalo pang kumunot ang noo ko dahil sa tanong nya. "Anong lead? Si Kindred ang lead ah." Pagtatama ko sabay tayo sa inuupuan kong maliit na upuan para tignan. "Lucian kaya ang nakalagay dito bes." Dugtong ni Eureka.

Imposible naman, Kindred ang inilagay ko dun eh. "Mukhang may topak na yata 'tong computer ko." Iiling-iling na sabi ko habang tinitignan ang story na ginawa ko.

Tumingin ako sa kanilang dalawa. They're both quiet. "Anong problema nyong dalawa at tahimik kayo?"

Tinitigan ko silang dalawa na parehas pa ding tahimik. Seriously? Kahit si Eureka na ubod ng daldal speechless. "Am I that awesome?" Pagyayabang ko. Samara shifted her glance at me. "Para sa'kin boring 'yung kwento and napaka unrealistic. I hate vampire stories. Tingin ko dapat baguhin mo." Hindi naman ako nasaktan sa sinabi ni Samara, siguro nga pangit talaga ginagawa ko. Sanay na din ako sa mga comments nya na ganyan.

But I'm pretty sure na iba ang sasabihin ni Eureka, lagi kasi syang uma-agree sa'kin eh. "Ikaw bes?" Nakangiting tanong ko. "I agree with Samara. Ang pangit bes." Sampalin ko kaya 'tong dalawang 'to. "Napaka-supportive nyo talagang dalawa." Sarkastikong sabi ko sabay irap sa kanilang dalawa.

"Baguhin mo na lang ang plot, nakaka-apat na chapters ka pa lang naman." Suggest ni Samara. "Tama! Pwede naman witches and wizards na lang, bakit naman vampires pa." Dugtong ni Eureka.

Inirapan ko ulit silang dalawa saka ako nagcross arms. "Sige, pagtulungan nyo pa akong dalawa." Natawa lang silang dalawa sa sinabi ko. "Tanda nyo ba 'yung kwintas ko nung college?" I said out of nowhere.

I was so excited that time na ipakita sakanila 'yun. But it suddenly disappeared.

-Flashback-

I shouted nung makita ko si Eureka at Samara na nakaupo sa ilalim ng isang malaking puno sa loob ng University. "Bes! Samara!" I waved my hand excitedly. Dinukot ko sa bulsa ko ang kwintas. Ito lang ang tanging nailigtas ko nung masunog ang tinitirahan namin.

Ipinakita ko sa kanilang dalawa ang kwintas na binigay ni Kuya Lulu sa'kin nung bata pa kami. "Saan mo nakuha 'yan?" Samara asked who was in total shock.

"Bes bakit ka may ganyan?" Tanong ni Eureka.

"Ano bang mga reaction 'yan?" I asked curiously. "Bigay 'to sa'kin ng kaibigan ko nung bata pa kami." Kamusta na kaya si kuya Lulu? Seven years old pa lang ako nung binigay nya 'to and I haven't seen him since then.

Tumigil ako sa pag-iisip nung magsalita si Samara. "May karma 'yang necklace na 'yan." I frowned. "What are you talking about?" Tanong ko na may halong pagkainis.

Nagkatinginan silang dalawa bago nila ibinalik ang tingin nila sa'kin. "Bes, diba simula ng matanggap mo 'yang necklace madaming nangyari sa'yo na hindi maganda?" Tanong ni Eureka. I sat quietly beside them at sinubukan kong alalahanin lahat.

A week after I got this, na-diagnose si mama na may leukemia. Sumunod ay ang car accident na nangyari kay papa, at dahil sa pangyayaring 'yun parang mas lalong nanghina si mama at tuluyan ng binawian ng buhay.

Mayroong kapatid si mama na babae, si Tita Sophia, sya ang kumumkop sa'kin dahil wala syang asawa kaya nag-iisa lang din sya sa buhay. Pero ilang buwan pa lang ang nakakalipas ay binawian sya ng buhay. Ang sabi ng mga doctor cardiac arrest daw.

At dahil wala na akong natitirang pamilya, napunta ako sa bahay ampunan pero hindi din nagtagal nasunog ang bahay ampunan.

"Well, my life has been overly dramatic. Pero mas OA naman 'yang isisi nyo dito sa kwintas ko ang mga nangyari." Sabi ko sa kanilang dalawa. I don't believe in karma.

**

"Bes ano ba 'yan. Bakit para kang bulateng binudburan ng asin dyan?"

"Eureka! Hindi ko makita 'yung kwintas ko." Binuksan ko ulit ang bag ko kahit alam kong hindi ko naman hinubad ang kwintas simula ng ipakita ko sa kanila kaninang umaga.

"Baka naman nahulog." Sabi ni Samara.

-End of Flashback-

"Yun bang kwintas mong nawala bes?" Ngumiti si Eureka saka lumapit sa'kin. "Dahil hindi ka maka-get over dyan sa necklace na 'yan. Itong amulet ko ang isuot mo." May dinukot syang necklace mula sa bulsa nya at saka pumwesto sa likod ko at isinuot sa'kin. "Bes hindi ko naman gusto ng bagong—"

"Wag ka na ngang umangal bes. Mas mabuti na ding may ganito ka. Matagal na ang amulet na 'to, and this will surely protect you from any form of evil spirits and diseases. Plus the fact na malakas 'to humatak ng lovelife." Sinamaan ko sya ng tingin nung madinig ko ang last line. "Ayan ka na naman sa kalandian mo Eureka ha."

"Totoo sinasabi ko bes." She said. Hinawakan at tinignan ko ang kwintas na isinuot nya sa'kin. Ang ganda. Old school din tignan ang necklace parang katulad nung binigay ni kuya Lulu sa'kin dati. "Siguraduhin mo lang na may swerteng dala 'to ah."

**

Nakailang ulit na akong tumingin sa relos na suot-suot ko at nakailang buntong hininga na din. Nilalamok na ako dito sa kanto sa kakaantay pero wala pa ding sumusundo sa'king kotse. "Ano kayang nangyari?" Hindi naman holiday ngayon ah. Naupo ako sa gutter at patuloy pa ding nag-antay. Pero mag-a-alas onse na ng gabi wala pa ding sasakyan na dumadating.

"Shit!" Naalala ko bigla ang ginawa kong paglabas ng kwarto ng hindi nila alam. "Baka naman nalaman nilang tumakas ako sa kwarto." Sinabi kaya ni Lucian? Leche talaga 'yung lalaking 'yun. Kahit kailan basag trip eh.

Padabog akong tumayo at naglakad pabalik sa gutter. Sayang lang ang pagsusuot ko ng heels, at ng office attire.

Diri-diretso akong nahiga sa kama pagkadating sa apartment. Hanggang ngayon iniisip ko pa din kung bakit hindi ako sinundo ni Lucian.

Bumangon ulit ako para maupo sa harap ng computer. I'm gonna make my night productive, gagawin ako ang chapter 5 ng story.

It's just a night without him and she began to be alarmed. She had no idea kung bakit. They're last conversation was vague. She stayed at her apartment to continue her story but unconsciously hoping to see him again. She stayed beside the window until dawn, doing absolutely nothing.

"Bukas ko na lang siguro itutuloy 'to." I really can't think. Sinave ko ang ginawa ko at saka pinatay ang computer. Kinuha ko ang mug na itim at saglit itong tinignan dahil naalala ko ang time na inisip kong may nagtimpla ng kape ko. "Siguro pagod nga lang ako nun, kaya kung anu-ano naiisip ko"

Hinahalo ko ang kape nung may madinig akong 'meow' kaya dali-dali kong binuksan ang pinto ng apartment. "Lucian?" but my smile faded nung ang makita kong pusa ay color orange with a bit of white ang pusang nasa labas ng apartment. I sighed saka ko isinara ang pinto and then sat beside the window habang hawak ang kape na tinimpla ko.

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 364 1
All rights reserved! No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means whatsoever without express written permission...
172K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
3.6M 50.2K 82
"A girl who's trying to be strong because she ended up CRYING ALONE ." [PUBLISHED]