BILLIONAIRE'S SERIES #2: ONE...

By Margabond

30.5K 736 71

Dasha Aitana Gonzales Scott came back to the country after she encountered bitterness in life five years ago... More

PROLOGUE
CHAPTER 1: THE ARRIVAL
CHAPTER 3: THE ENCOUNTER
CHAPTER 4: THE ARTIST
CHAPTER 5: HIS "KAIRO"
CHAPTER 6: HER "DASHA"
CHAPTER 7: CONFUSION
CHAPTER 8: TROUBLE
CHAPTER 9: INTIMATE
CHAPTER 10: DOUBT
CHAPTER 11: THE ENGAGEMENT
CHAPTER 12: THE REVENGE
CHAPTER 13: KYRIE
CHAPTER 14: CHASING PAVEMENTS
CHAPTER 15: ATTACHMENT
CHAPTER 16: UNRAVELING
CHAPTER 17: THE LAST
CHAPTER 18: THE PAST
CHAPTER 19: MEMORY
CHAPTER 20: SHARDS OF MEMORIES
CHAPTER 21: THE CLOSURE
CHAPTER 22: WAYS
CHAPTER 23: GLEE AND FLEE
EPILOGUE

CHAPTER 2: THE AUCTION

1.4K 45 0
By Margabond

"May dalang gayuma ba yang kaibigan mo?" rinig ni Dasha na tanong ni David kay France.

Nasa iisang mesa na sila dahil tapos na ang seremonya at nagdiriwang na ang mga naroon. Sumabay na din sa kanila si France matapos bumati sa mga naroon.

Siyempre kumunot rin ang noo ni France kung bakit natanong ito ni David. Mukha kasing magtatanong ito kanina pero dahil magsisimula na ang seremonya ay tumahimik ang mga ito.

"Bakit? Anong nangyari?" tanong ni France saka tumingin sa kanya na walang alam.

Nagkibit balikat lang siya dahil hindi niya rin alam.

"The cold guy Kairo smiled at her saying Hi, it was creepy dude. We know that Kairo seldomly smile to us but when he saw Dasha he smiled at her all of a sudden." nahihiwagaan na usal ni David. Mukha pa itong bata na tuwang tuwa sa pagkwento.

"Really?" Mukhang di rin makapaniwalang usal ni France at tumingin sa gawi niya. "Dasha you know him?" tanong nito sa kanya na ang tinutukoy ay si Kairo na dumating kanina.

"No, but we met once outside the bar before!" sagot niya. Yun lang naman talaga ang pagtatagpo nila kaya di niya rin alam kung bakit ngumiti ito kanina maybe he felt happy or something happened that made him smile.

And what's wrong with a person smiling?

"Did he fall at first sight?" tanong ni David na mukhang nag-iisip pa dahil sa malayo ito nakatingin habang ngumunguso.

Napaubo naman siya saka uminom ng tubig.

Sinapak naman ni France sa ulo ni David ng mahina. "Kahit ano na naman naiisip mo. Dapat ka na rin mag-asawa ikaw nalang sating tatlo ni Zion ang single lagpas kana sa kalendaryo. Baka lang nagbago na yang si Kairo, kahit ano pa iniisip mo."

Sumimangot naman si David at tinuon nalang ang atensyon sa pagkain ng dessert.

Tumingin naman si Dasha kay Kairo na may kausap sa ibang mesa. Bakit parang kakaiba ang dating nito sa kanya? Nang unang beses niya itong makita halos mamatay siya sa lakas ng kabog ng dibdib niya siguro takot o pangamba lang iyon pero kanina, hindi man lang siya nagulat sa presensya nito hanggang matapos ang seremonya. She felt different, lumingo-lingo siya para alisin sa utak ang isiping iyon at tumingin kay Nix na abala sa cellphone nito. Mukhang may pinagkakaabalahan ito sa cellphone.

"France wala ka bang balak ipakilala samin yung asawa mo?" tanong ni Grae saka tinuro ang asawa ni France na nakaupo sa ibang mesa.

"Abala siya!" tipid na sagot nito.

"Anong klaseng asawa ka ba? Dapat sinamahan mo siya doon!" dagdag ni Shen.

"They're right, this was supposed to be a couples night. You should have accompany her even if this is not what you both wanted!" mahinang wika niya rito.

Tumango naman si France saka nagkibit balikat at tumayo. Lumapit sa asawa nito at umupo roon.

"I don't think I can live like that!" naiiling na wika ni Gavin.

"Lahat yata kayo na magbarkada puro arrange marriage. Pero mas malala yung isa diyan apat na taong di nagpakita!" wika ni Shen na nagpaparinig malamang, di niya alam kung sino ang pinaparinggan nito kaya tumahimik nalang siya at nakikinig.

"It was unmeant. And I realized my mistake so why are you still complaining about it?" reklamo ni Zion.

It was past ten in the evening when they decided to leave. Kaunti na rin kasi ang mga naiwan at mga malalapit nalang sa pamilya ng groom at bride. Umuwi na rin ang ibang kaibigan ni France maliban doon sa may mga kausap pa.

She was standing in somewhere dark dahil gusto niyang tumingin sa kalawakan. Giniginaw na din siya sa lamig dahil sa suot niya. Nauna nang umuwi si Nix dahil tumawag ang ama niya, gusto na rin sana niyang umuwi kaso pinigilan siya ni France. Ihahatid lang daw siya nito. Kaya wala siyang nagawa kung di ang manatili roon. Lalo pa at ibang direksyon ang daan pauwi sa hotel kung saan nanatili ang mga magulang ni Nix.

"Take this!" nagulat siya sa baritonong boses na nagsalita sa likuran niya. Nilingon niya ito saka laking gulat na inabot ng isang Kairo ang coat nito mula sa suot na tuxedo. "You might catch a cold!"

Naiilang man siya pero tinanggap din niya iyon. Dahil na rin hindi niya matiis ang ginaw. Ayaw naman niyang manatili sa loob ng bahay dahil naiilang siya sa mga tao doon.

"Salamat!" wika niya saka ito sinuot.

"Here,your necklace!"

Kumunot ang noo niya ng makita ang pendelum necklace niya. Her late Mom personally made that necklace for her. Hinanap niya ito kahapon ngunit hindi niya mahanap.

"I saw this in my coat that night at the bar. It might have fallen when you run into me that night." wika nito saka siya tumango. She was wearing that purple pendulum necklace since high school kaya nag-alala talaga siya ng mawala ito. Iyon pa naman ang nag-iisang binigay ng ina niya sa kanya.

"Maraming salamat. I thought I completely lost it!" emosyonal na wika niya saka ito nilagay sa mini bag na dala niya. "Why are you here?" kapagkuwan tanong niya rito.

"They-"

"Ehemmm!" naputol ang pag-uusap nila ng sumulpot si Zeke at nakangiti ng malawak sa harap nila.

"Zeke?" kunot noong tanong niya.

"I came late I know! Di kasi sinabi ni Paris na nandito ka!" wika nito saka tumayo sa gilid niya kumbaga pinapagitnaan siya ng dalawa. "Insan, akala ko di ka dadalo sa mga ganitong pagtitipon?" tanong nito kay Kairo na ikinagulat niya. Well, his behaviors tells it all.

"Magpinsan kayo?" takang tanong niya. Saka tumango ng sabay-sabay ang dalawa. Bakit parang magkaiba yata ang ugali? Kairo is kinda cold and silent samantalang kabaliktaran nito si Zeke.

"Don't be too shocked darling, malayo nga ang ugali namin pero mas gwapo ako!" proud na wika ni Zeke na tinuro pa ang sarili.

Ngumiti naman siya ng pilit rito, supportive din naman siya kahit papaano. Zeke is too annoying to he honest but he was also caring and he always does comforts Dasha everytime she felt down.

"Overconfident." mahinang sambit ni Kairo na ikinapikon ni Zeke. It looks like they used to pissed each other at laging talo si Zeke. "You better explain your sudden appearance to your Mom, she almost faint when she heard you left again for that job!" wika nito saka umalis. Nang sila lang dalawa ni Zeke ang naiwan puro naman ito reklamo at pagmamaktol tungkol sa pinsan niya.

Tumatawa naman siya ng makita ang hitsura nito. He looks funny when complaining kaya di niya mapigilang matawa.

"By the way? I came here because you need to know something!" seryuso na sabi ni Zeke saka naman siya sumeryuso din ng tingin dito.

"Dexter called last night to report something about that. Your pet is sick, they tried to call you but you seems to be busy kaya sa akin sila tumawag at kay France. Okay naman daw siya, pinapahinga pa. Dexter was taking care of him."

Bumuntong hininga nalang siya saka tumingin sa kalawakan. She's too irresponsible, how can she leave him?

"Don't worry, your Dad is a good man and he took care of him. You don't have to worry!"

"I know Dad will, but I can't just help but to question myself!"

"You're overthinking. Let's get inside? It's getting colder here!"

Tumango naman siya saka sabay silang naglakad papasok.

*

"How did you got home last night?" tanong ni France ng dumating ito sa bahay niya. Lagpas alas otso na ng umaga ng magising siya. At ilang sandali pa ay dumating naman si France kaya heto at tinatanong siya. Hindi kasi siya nagpaalam kagabi na uuwi na siya at si Zeke ang maghahatid sa kanya.

"Hinatid ako ni Zeke!" sagot niya saka kumuha ng mineral water sa refrigerator.

"I'll be leaving for Thailand tonight!" wika nito saka siya lumingon rito at lumapit. Nakaupo kasi ito sa island counter at kumakain ng egg sandwich na inihanda niya. ".. Mom bought a plane ticket for us, gusto niya doon kami mag-honeymoon. Ayaw naman sana namin but you know her grandparents won't believe that we're fine so we decided to have a trip to Thailand. Isang buwan lang."

"Yan lang ba ang pinunta mo dito?" kunot noong tanong niya. France literally cares about her but now that he's married she felt like it's inappropriate to tell her everything.

"Yes, Zeke would be very busy in their company at wala kang makakasama. I don't trust that Nix."

Tumawa siya ng mahina saka umupo ng maayos. ".. Look France, I'm not a teenager who needs a supervision from everyone. I'm fine. I am 29 already and it's not a big deal to be alone. Besides Nix is a good friend of mine. You know her for like decades already."

"It's unpleasant. Ayoko lang na may mangyari na naman sa iyo. I promised Mr. Wilsons to took good care of you."

"France, ang tatanda ko na. My God." natatawang sambit niya. "...Besides, I can stay in Nix's place para di ka na mag-alala. Kasal kana, you should've focused on your family. Masaya ako for you and what you've done for me in the past years is enough. Thank you for being a big brother to me!"

Tumayo ito at lumapit sa kanya saka siya niyakap. Yumakap naman siya pabalik rito saka ngumiti.

Nang kumalas ito sa pagkakayakap ay saka hinawakan ang kamay niya. "Dasha, ayoko lang makita ka na umiiyak ulit. I promised Tita Amanda before, kahit kay Tito, I promised everyone to take good care of you kaya di ko maiwasang mag-alala. What if something will happen to you again? Lalo pa't malaya pa ang taong may gawa nun sayo. Call me if anything happens! Okay?"

Ngumiti siya saka tumango. Over protective masyado si France sa kanya, he know how hard it is for her for the past five years kaya di niya masisisi kung ganun lang ito mag-alala. She had enough experience of bitterness in life. And if she had to experience it again, She'll accept and conquer it again.

"Call me, okay!" Pahabol na tawag ni France sa kanya bago nito pinaandar ang sasakyan. Nang makalayo na ito ay saka niya kinuha ang cellphone at tinawagan si Dexter.

It was past one in the afternoon ng tumawag si Nix. Susunduin daw siya dahil doon na siya mananatili sa tinitirhan nito. Ayaw man niya pero may magagawa ba siya? She's not a child anymore pero ang mga ito kung mag-alala para bang ang bata-bata pa niya.

Dexter even told her to stay on her friends house. Mas mabuti na rin iyon para makapagtrabaho siya sa café. She needs a job that would make her busy. Hindi naman sa lahat ng oras igugol niya ang sarili sa pagpipinta at pagdadrawing.

Dinala naman niya ang mga gamit na kakailanganin niya. Pwede naman siyang umuwi kung may ibang gamit siyang naiwan o kailangan.

Hindi naman masyadong malayo ang condo ni Nix, it took fifteen minutes ride from the mansion. At ang café nito ay malalakad lang ng five minutes.

Nix showed her the room and her place. When they're done, napagdesisyunan naman nilang pumunta sa café. She had to familiarize the area and the working place.

Hindi naman gaanong malaki ang café sakto lang at talagang hindi mawawalan ng customer dahil na rin katabi nito ang mga malalaking establishments.

Umupo naman sila sa counter area habang pinapaliwanag ni Nix sa kanya lahat. Sinabi rin nito na kapag gabi ay marami ang pupunta doon lalo na sa second floor dahil marami daw ang pumupunta roon lalo pa at may mga wines and private party club sa itaas. Kapag araw they were serving desserts and snacks kapag gabi naman ay ang second floor ang magbubukas.

Sinabihan naman niya ang kaibigan na pwede siyang tumulong total wala naman siyang gagawin. Binigyan siya nito ng apron at non-slippery shoes. Nakasuot naman siya ng long-sleeve shirt kaya di na niya kailangan magpalit ng long sleeve na provided ng cafe.

She did enjoy the job, mukhang bagong hamon sa kanya iyon na makakasalamuha ang ibat-ibang personalidad. God knows how socially conscious she is.

"Dasha?" tumigil siya sa paglalakad patungo sa counter ng makita si Jaime kasama ang isang lalaki na mukhang boyfriend nito dahil nakahawak siya sa kamay ng lalaki.

Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. She could pretend she didn't know her to avoid issues. She know Jaime, it's been five years and looks like she's still the same.

Hinabol siya nito at hinawakan sa balikat. Pumikit naman siya at nakangiting humarap rito.

"What can I do for you Miss?" nakangiting tanong niya, she could pretend she had an amnesia and can't remember her. Besides she's not after revenge. And she had nothing to do with her anymore.

"Wow? Ikaw ba talaga yan? Akala ko something bad happened to you? Di mo ako maalala? Sabagay five years and I didn't expect to see you here working as a café staff."

"Sorry, but I don't know what you're talking about. You can take the unoccupied tables and call us if you want to order."

"Really?" natatawang sambit nito. "... Nagkaamnesia ka ba? You really forgot me? Your stepsister? Sabagay, we don't have connections anymore. Simula nang sinira mo ang kompanya noon. We'll take our seats then!" pekeng ngiti nito at mukhang nasisiyahan sa nakikita.

Dasha won't mind it, even if something touches her ego. She don't want to cause trouble kaya mananahimik nalang siya.

Hindi rin kasi siya yung tipo nang taong nagtatanim ng sama ng loob at galit.

Mukha namang ayaw talaga siya tigilan ni Jaime ng siya pa mismo ang tinawag nito para kunin ang order nila at i-serve sa kanila.

"Sumusobra na yan siya a!" nagtitimpi sa galit na wika ni Nix pero pinigilan niya.

"Let her be, mapapagod din yan. Sinabihan ko rin naman siya na di ko siya kilala!"

Ngumiti naman si Nix sa kanya saka tinapik ang balikat niya.

"It's good to hear that you're fine. I can't believe something happened before without my knowledge. Don't worry, I'm here, she can't touch you!"

Ngumiti siya saka umiling rito. Kinuha naman niya ang tray na may laman na order at dinala sa isang table.

"Here's your order!" nakangiting wika niya saka nilapag sa mesa ang inorder nila. Tumigil naman siya saka tumingin sa nakaupo roon. That's right, she didn't notice him.

It was Kairo with a pretty woman wearing a Channel brand outfit from head to toe. Well, she looks good. Baka date niya, pero sa hitsura nito mukhang di siya nasisiyahan. Kairo looks like a demon, yung handa kang kainin anumang oras. The way he stares at her looks like hell.

"Nakakatakot!" naiusal niya.

"What?" taka namang tanong ni Nix. Ngumiti siya at nagkibit balikat lang.

Tumunog naman ang phone niya kaya nagtungo siya sa loob ng counter at umupo doon habang ang dalawa namang staff ang nagseserve.

"Hello?" agad na wika niya ng masagot ang tawag. "Okay! I'll come. Thank you for calling me!"

It was an employee from JNC WILSONS. May gaganapin daw na first-ever charity auction ang kompanya sa susunod na araw. Siyempre dadalo siya to show her moral support. Kahit di naman nila alam na siya ang sikat na jewelry designer ng kompanya she can attend as Mr. Wilsons daughter.

*

"How's your date?"

"So-so!"

"Kairo!"

Umiling si Kairo ng sumigaw ang ina mula sa kabilang linya.

"Mom, I told you already, you don't have to do this. Dating isn't that easy, it's not about status compatibility -"

"Hindi kana nakikinig sa akin!" nagtatampong wika nito sa kabilang linya.

Hinilot niya ang sintido saka bumuntong hininga.

"I'll call you again. My head hurts!" Wika niya saka pinatay agad ang tawag.

Pinapunta na naman siya ng ina sa blind date. He hates it, pero wala siyang magagawa dahil pinagdadramahan siya ng ina na mamamatay ito sa sama ng loob kapag hindi siya papayag. Of all his dates walang pinagbago, all their answers are the same, they would compliment him and tell him how excellent he is. They will talk about their background that doesn't give him an ounce of interest. Boring for short.

"Where are we going next?" tanong ni Gavin na seryusong nagmamaneho sa sasakyan.

"Sa kompanya!"

'Nagkaamnesia ka ba? You really forgot me? Your stepsister? Sabagay, we don't have connections anymore. Simula nang sinira mo ang kompanya noon. We'll take our seats then!'

Nang marinig niya iyon ng papasok sila kanina sa café, mas lalong naging interesado siya sa nakaraan ng kaibigan ni France. She looks mysterious, kapag tinitingnan niya ito ay marami siyang emosyong nakikita rito. She's interesting. That was the third time he saw her. At sa bawat pagkikita nila, laging may bagong kuryusidad ang pumapasok sa isipan niya. He felt like knowing her would give him satisfaction of what he was looking for. Noon lang siya nagkaroon ng interes sa isang tao.

*****

"Miss, dito po tayo!" Wika ng isang empleyado ng kompanya saka siya iginiya papasok sa pinagdarausan, kakalabas niya lang kasi sa backstage dahil tinulungan niya ang ibang designers na naroon para sa Charity Auction. Naisipan kasi ni Mr. Wilsons na ang gagamitin sa Charity Auction ay ang mga alahas na gawa mismo ni Mr. Wilsons na kanya nang isinuot o nagamit. Ang sabi ni Mr. Wilsons ang mga alahas na iyon ay matagal na sa kanya, ngayong hindi na niya ginagamit ay kanya nalang itong ilalahok sa Charity Auction para makatulong na rin sa iba lalo pa at ang purpose ng auction na ito ay tulungan ang mga mahihirap.

"Good morning ladies and gentlemen. Thank you for coming to the JNC Wilsons Charity Auction. Before we start we would like to extend our heartfelt gratitude to everyone who came today for the said event. The jewelries that were auctioned was personally made by Mr. George Wilsons and was worn by him and some famous celebrities and politicians around Asia and Europe. Special thanks to the company's President Mr. Tan who put some efforts on making this event in peaceful and harmony." panimula ng Emcee.

"Please find your comfortable seats cause we are about to start our JNC WILSONS CHARITY AUCTION any minute!" announce ng Emcee saka pumailalim ang malamyos na musika.

Saka naman nagsidatingan ang iba na pumukaw sa atensyon ng karamihan.

Mga sikat na personalidad ang dumating, sumunod naman ang grupo nila Zeke, kasama nito ang ina at si Shen. Grae was there too.

Lumapit ito sa pwesto niya sa harapan na may mga bakanteng upuan pa.

"I thought we're late." bulong nito sa kanya.

"Hi!" bati ni Shen at Grae sa kanya.

"Hi!" bati din niya pabalik saka ngumiti.

"Hello po Tita!" bati niya sa ina ni Zeke.

"Hija," ngiting sambit nito. "..Nakabalik ka na pala ng bansa? Kumusta kana hija?"

"Maayos naman po." Nakangiting sagot niya.

"Ladies and gentlemen, at the end of the auction is the highlight of the night which means that Ms. D. Kyrie's handmade jewelry will be auctioned.

Namangha naman ang mga naroon ng i-anunsyo ito. D. Kyrie is a woman who is famous because of her artworks. She was a young artist from London who's works including painting costs dollars and her jewelery designs are genuine and became trendy.

"Really?" bulong ni Zeke sa kanya. Kaya siya tumango at ngumiti dito.

"Kairo!"

Mabilis siyang lumingon sa gawi kung saan tumingin si Shen. Iwan ba niya kung bakit, basta ng makita niya ang lalaki mukha bang may kakaiba sa kanya.

"Are you okay?" tanong ni Zeke ng nakatulala lang siya. Bumuntong hininga lang siya. Umupo naman si Kairo sa likuran niya dahil may bakante pa doon na iniwan ni Shen.

Tiningnan naman nila ang entrance ng mag-ingay.

"It's Chairman Scott! Narinig mo ba ang usapan na bininta na nila ang Amanda's Diamonds?"

"Talaga? "

"Oo, bumaba na kasi ang sales nila masyado kasing makaluma ang Designs nila alam mo namang tumataas na ang standard ng mga tao ngayon lalo pa at gusto nila yung mga disenyong sabay sa uso."

Well, she knew it. Jessie Shaw has nothing to offer. At simula ng maging Presidente ito ng kompanya alam niyang babagsak iyon. She wants only money. Hindi niya iniintindi ang nasa paligid at demands ng karamihan.

Her Dad (Mr. Wilsons) didn't tell it to her, basta ang sabi lang nito ay magtatayo siya ng bagong branch ng JNC WILSONS sa Manila.

"Kaya umusbong ang JNC WILSONS nang bumagsak iyon. Balita ko rin ikakasal na ang anak nila sa isang sikat na actor!"

"Yan bang kasama nila?"

"Oo!"

"Good evening ladies. Let's witness the first jewelry to be auctioned this night."

Anunsyo ng Emcee saka naman lumabas ang mga modelo na suot ang jewelry saka pinaliwanag ng emcee ang features nito. Marami naman ang nagtataas ng kanilang bid numbers hanggang sa huling jewelry.

"And now, for the highlight of tonights event. The handmade jewelry sets customized by D. Kyrie."

Nagpalakpakan ang mga naroon habang manghang nakatingin sa modelong may suot na mga alahas.

"It's perfect!" puri ng iba.

"Wow, hindi nakakagulat kung bakit successful ang JNC WILSONS sa buong mundo dahil sobrang ganda ng mga disenyo nila."

"Balita ko nasa bansa daw si D. Kyrie."

Rinig nilang bulong-bulungan ng iba.

"D. Kyrie's appearance is unknown. We don't even know how old she is."

"Siguro 30's?"

"They said youngest, maybe mid 20's?"

"Are they planning to introduce D. Kyrie tonight?

Tiningnan niya si Zeke ng nakangiti saka di sumagot at tumingin sa model na may suot ng alahas na gawa niya.

Magkapares ito na kwentas, singsing at hikaw. Gawa sa amethyst at spinel gemstones kaya nakakatawag atensyon ito dahil sa kulay. Ang disenyo sa kwentas ay napapalibutan ng amethyst at spinel na pinagsama at ang pendant nito ay may malaking amethyst sa gitna saka maliit na diamonds sa gilid at may katamtamang laki ng spinel sa pinakadulo ng pendant. The earrings is a sterling diamond round purple amethyst. Kumikinang ito kapag nasisinagan ng liwanag. At ang singsing na kahit normal lang tingnan nakakatawag pansin pa rin ang purple amethyst heart sa gitna na may diamond flower designs sa gilid at silver ang pinagdikitan nito.

(WIDEN YOUR IMAGINATION YOU MIGHT
PICTURE OUT WHAT I MEAN)

"Five hundred thousand!"

Namangha ang lahat ng biglang may tumaas agad ng bid number at malaking halaga pa. Sa mga na-auction kanina hanggang 1,000,000 lang ang pinakamataas na halaga but surprisingly her design would definitely costs million.

"Six hundred thousand!"

"Seven hundred thousand!"

"Eight hundred thousand!"

"One million!"

Tumahimik ang lahat at tumingin sa sumigaw ng one million. Tumayo pa ito habang itinaas ang bid number.

'Jaime Shaw!'

Umiling siya saka tumingin sa designs niya at bumalik kay Jaime. She's determined, surely she'll do everything to get this jewelry.

"One and a half million!" taas naman ng ibang naroon.

"Two million!" wika naman ni Jaime. Look at her, paniguradong gusto niyang ipangalandakan. Without knowing that the jewels that she likes was from the person she hated. Ngumisi si Dasha saka tumingin kay Zeke.

"Let me use it!"

"Are you kidding me? That's my money!"
Reklamo ni Zeke.

Even Kairo and the others was looking at her.

"Two million from number 43 Jaime Shaw. Going twice!"

"Three million!" wika niya at tinaas ang bid number.

"Are you crazy?" bulong ni Zeke. Ngumiti siya rito saka tumingin kay Jaime na di makapaniwalang tumingin sa kanya.

"Five million!" agad na sabi nito. Umupo naman siya pagkatapos at binigay kay Zeke ang number.

That's it! She just want to raise the worth of the jewelry. And to help those people who are in need.

"That's it?" tanong ni Zeke.

Tumango naman siya saka umupo ng maayos.

"Six million!" agad siyang napalingon ng magsalita ang tao sa likuran niya. Kairo just raise his bid number.

"What? Siraulo ka ba?" Mahinang usal ni Shen.

Nagkibit balikat lang si Kairo at tumingin sa kanya.

Bigla namang umiwas ng tingin si Dasha, why did he look at her that way? Para bang may nais itong iparating sa kanya.

"Seven million!" wika ni Jaime and Jessie's face was priceless. She was looking at her daughter in disbelief of course where could Jaime get that attitude. Syempre sa ina rin.

"Eight million!" taas na naman ni Kairo.

"Ten million!" sigaw ni Jaime na mukhang huling bid na niya iyon.

Ngumiti naman si Kairo saka tumingin kay Jaime ng makahulugan at nag-bow pa rito.

"Did you just-?" manghang wika ni Zeke na kahit pagsasalita nito ay di magawang tapusin.

"Bidding is like business. You have to look at your opponent how willing she is to take the risk. It looks like she's a blessing." wika ni Kairo. Yumuko naman si Dasha dahil alam niyang ang mga titig ni Kairo ay kakaiba. Something is telling her that he knows and understand her.

"Going twice?" wika ng emcee ng walang sumagot ay saka nito dineklara ang nanalo.

"Sold. This sets of jewelry goes to Ms. Jaime Shaw for ten million pesos."

Nagpalakpakan ang lahat at tumayo saka tumingin kay Jaime na alam niyang pekeng nakangiti. It's a big loss for them.

"10 million pesos for one night. She's incredible." wika ng ibang naroon.

Marami pang bulong-bulungan ang iba pero wala na siyang pakialam. She knew Jessie would be hysterical due to her daughters decision. Ikaw ba naman, kauna-unahang produkto at handmade jewelry na gawa mismo ng isang sikat na artist na si D. Kyrie you'll definitely grab the opportunity to let people know that you got it. Lalo na kung mahilig kang magyabang.

"Congratulations!" bati ni Dasha sa President ng kompanya, Darren Tan.

"Thank you! I am honored to work with you! It looks like we have a lot of meetings to do in the future!" pasimpleng anito na seryusong-seryuso dahil naroon ang iba.

"Thats for sure!" sagot niya saka ngumiti rito. Bumati naman ang iba sa President.

"Would you like to congratulate Ms. Jaime Shaw personally?" tanong ni Darren Tan sa kanya pero umiling lang siya. She tried her best to stay calm and be patience in the café. Ayaw na niyang makaharap ito dahil alam niyang mainit lagi ang dugo nito sa kanya.

"Send my gratitude. She helped a lot for this auction!" Pagkasabi niya nun saka siya tumango rito at umalis sa mesa nito at lumapit kay Zeke kasama ang iba.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Shen sa kanya saka tinuro si Darren.

"Ahhh-Y-yeah, I used to work in JNC before. He's great, That's maybe the reason we're quite close."

Sagot niya. Well, as an introvert person she doesn't want publicity and known by everyone. She was still working on it.

She was walking on the lobby when someone called her. It was a fine young woman wearing a formal suit.

"Good evening Miss, Mr. Wilsons told me to bring you to him."

"He's here?" kunot noo na tanong niya saka tinuro ang sarili.

Tumango naman ito saka tinuro ang daan papasok sa elevator.

Continue Reading

You'll Also Like

6.6K 196 32
Why can't she just accept the fact that she's in love with the man who stole everything from her?
214K 6.2K 48
"Hindi kita hahalikan kung kami pang dalawa." Sabi nito habang palipat-lipat ang tingin sa labi niya at sakanyang mata. Hinaplos nito ang ibabang lab...
408K 8.2K 33
"Pag mamahal lang naman ang gusto kong makuha mula sayo pero bakit mo ako sinasaktan ng ganito." "Gusto kitang iwan ngayo Lance gustong gusto ko nang...
53.7K 1.1K 23
Laxamana Series 2 of 7 Patricia 'patty' Laxamana is like a happy-go-lucky-bitch. Siya iyong tipong ginagawa ang lahat ng gugustuhin niya. Aawayin at...