Fall From Heaven

By TheQueenJRose

264 1 0

Pitong taon kitang pinangarap.. More

Fall From Heaven
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5

Kabanata 1

47 0 0
By TheQueenJRose



"Ulan!"




Agad akong pumikit at mabagal na lumingon sa taong tumawag sakin. "Oh?"





Ngumuso ito dahilan kung bakit pinagtaasan ko sya ng aking kilay. "Wag mo akong idaan sa ganyan, Erin."






"Ulan, naman.. Sige na, please? Samahan mo na ako." pangungulit nya sakin.







"Ayoko. A-yo-ko." sagot ko sakanya at nag-umpisa na akong maglakad.






Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto nitong si Erin na mag-lunch or tumambay palagi sa Tea Cup kaysa sa seminary canteen. Ilang hakbang kaya yung hagdan pababa sa dorm para makarating sa Tea Cup, tapos ano? Aakyat ulit kami? Hell, no! Atleast sa seminary lalabas lang kami sa gate, iyon lang!




"Babi, please? Gusto ko lang naman sya makita.." tinawag na nya ako sa endearment naming magkaibigan. Kita ko rin ang bakas sa mukha nya na naiiyak na sya.





"Hindi ka pa ba nadadala sa nangyari sayo last week, Erin?"






She bit her lip and then looked away. I sighed before ko sya lapitan. "Ayoko lang na mapaaway ka ulit. Paano kung nandoon rin sa canteen na iyon yung luka nyang ex?"





"Kaya nga sayo ako nagpapasama.. Kasi hindi mo hahayaang mapaaway ako."





Mariin akong pumikit. Naalala ko kung paano siya sinugod nung ex ni JM na girlfriend ngayon ni Erin. Mabuti na lang at nandoon ako dahil kung hindi, baka nasa clinic na sya dahil sa ka-brutalan nung babaeng iyon. Dahil hindi naman palaaway si Erin at takot sya, ako ang humarap don sa ex. Ayoko rin talagang may nanganganti sa mga kaibigan ko. Hindi pwede hangga't nasa paligid nila ako.





"Kapag nalaman 'to nila Ghin at Ceej, lagot tayong pareho." nanggagalaiti kong bulong habang papasok kami sa canteen. Nakahawak lang naman sa braso ko si Erin at tahimik na lumilingon sa kung saan para hanapin ang table ni JM.







"Nakita ko na.. sa labas sya naka-table."







"Text her bago tayo lumapit. I just wanna make sure na we're not having trouble today."




Tinanguan nya ako. At pagkatanggap nya ng reply ay hinila na nya ako palapit doon. Tumayo naman agad si JM para ipaghila kaming dalawa ng upuan. I smirked. Hindi ko gusto si JM para kay Erin pero sa mga pagkakataong ganito, nawawala naman pagkainis ko.







JM left to order us some snacks. Si Erin naman nagpunta ng cr sandali dahil nakapila pa naman si JM. I opened my book pero wala naman talaga akong balak magbasa kaya inilibot ko ang aking paningin sa paligid.. hanggang sa mahinto ang paningin ko sa mga babaeng naglalaro sa may bandang basketball court. Nakita ko roon si Kit na blockmate namin ni Erin, minsan nakakasama rin namin sya maglunch so I think we're kinda friends na rin.






But what caught my attention was the ball rolling towards one of the tables nearby. At hinahabol ito ng isang babae na nasa court lang kanina. I kind of stared at her a bit. Hmm.. Chinita.








Marahan itong yumuko para pulutin ang bola.. Huminga ito ng malalim at saka ipinikit ang kanyang kaliwang mata dahil sa sinag ng araw na tumama rito. Siguro ay napansin nya na kanina pa ako nakatitig kaya napalingon ito sa gawi ko. She gave a small smile. At nung ngingiti na sana ako pabalik sa kanya ay sabay na umupo si Erin at JM sa harap ko.







"Hmm.. Erin, tutal taga-dorm ka naman.. Kilala mo ba yon?" tanong ko sakanya habang nagbabalik ng tray si JM sa loob ng canteen sabay nguso ko dun sa kaninang nagpulot nung bola.







"Ahh. Si Claude? Teammate ni Kit sa basketball. Bakit?"







I shrugged. "I just think she's cute. Iyon lang."






"Cute nya nga 'no? Ngumiti nga sya kanina sakin nung pabalik na ako sa table."







Gulat akong napalingon sa kanya habang sya ngiting-ngiti. "Hoy, Erin?"





"Crush mo ba si ate?"






Kinunotan ko lang sya ng noo. "May boyfriend ako, Erin."







"Babi, third year na sya.. Accountancy."








"Hindi ko tinatanong!" pigil na ngiti at binato ko sya ng malinis na tissue.







"Aminin mo na, crush mo si ate!"






"May makarinig sayo. I just think she's cute.. Iyon lang. Tigilan mo ako."





Nanahimik naman kami agad nang dumating si JM pero hindi naman maalis sa mga mukha namin ang pilit na tinatagong ngiti namin dahil sa asaran..





After that day, I don't know but I started liking hanging out with Erin at Tea Cup kahit wala si JM. Maging tuwing uwian ay dumadaan ako roon sa court diretso sa Gate 2 kahit may mabilis namang daan sa pathway. Tulad ngayon.. ngunit napahinto ako sa may daan at natatanaw ko na si Kit.. pati si Claude.





I tried not to smile 'cause this can't be.. may boyfriend ako! And just like that a bitter smile changed my excitement. And as if on cue, my boyfriend, Miguel, popped on my homescreen.




"Hi.." bati ko sa kabilang linya.





"We need to talk,"





Huminga ako ng malalim.. "Pauwi pa lang ako. Tatawag na lang ako sa'yo pagdating ko sa unit ko. Is everything okay, babe?"








"Just.. call me when you're home na. Take care, Rain.."






"Okay, babe. I--" then the line went dead. "..love you."






I know that nothing seems to be fine between us lately but I've been trying my best. Mahirap na magkalayo kami. He's studying in Manila samantalang ako nandito sa Baguio. Last year pa nya ako pinapakiusapan na mag-transfer na ako sa Manila para magkasama kami, at last year ko pa sya tinatanggihan. I like it here. I already liked it here..







I refrained walking again when the ball stopped at my feet. Tinitigan ko lang 'yon at inangat na ang tingin ko sa taong nasa harap ko.







"Hi.."






I smiled. "Uy! Hi, Kit."






Napakamot sya sa ulo nya tapos ngumiti na rin. "Sorry, Rain. Si Claude kasi.." sabay lingon nya sa court nila kaya sinundan ko rin iyon.







Nakatalikod ito sa amin at nakapamaywang. Lim 7. Iyon ang nakatatak sa likod ng kanyang jersey. Claude Lim.. kaya pala chinita.







"Okay lang.. Sige na. Good luck sa practice, Kit."








"Lagi kitang napapansin mag-isang dumadaan dito,"







"Oo, hinahatid ko pa kasi si Erin dyan sa dorm." Sinungaling!








"Ahh.. Si Erin." tapos ngumiti ito at muling lumingon sa mga teammates nya. "Sige na, mauna na ako. Sorry ulit ah?"





Tinanguan ko na lang siya at nagumpisa na kaming maglakad palayo sa isa't isa. Ngayon ay nakatitig ako sa phone ko.. It's already 11:43pm pero hindi ko pa rin magawang tawagan si Miguel. Ni hindi ko nga rin sinagot yung limang tawag nya sa akin. Dahil nararamdaman ko na kung ano yung gusto nyang pag-usapan namin.. Matagal ko nang kutob 'to pero sana mali ako.







Miguel Rivera Calling..









Hinintay ko muna ang ilang segundo bago ko iyon sinagot. "Hey.."






"God! Rain, bakit ngayon ka lang sumagot?! I was worried sick! Napaano ka? Ano'ng nangyari?" sunud-sunod nitong tanong sa kabilang linya. I can still feel in his voice na mayroon pa rin.. na concern pa rin sya pero hindi na kinaya ng puso ko. Tahimik na lumuha na ang mga mata ko.







"You said you want us to talk about something.."








"Rain.." pagkalma ng boses nya. "Ano munang nangyari? Bakit--"






"Miguel, natatakot ako."







Hindi sya nagsalita sa kabilang linya. "Miguel, sabihin mo na. Wag mo nang patagalin.."






"Rain, I'm sorry.."






Pinigilan kong humikbi.. Pigil na pigil ko ang pag-iyak ko pero hindi ko talaga kaya. "Sorry for what?"







"Please, don't cry.." malumanay na pakiusap nya sa kabilang linya.







"Please sabihin mo na agad para matapos na agad natin 'tong usapan na 'to."








"Rain, I think.. we should.. I really think we should.. shit" hindi nya matuloy-tuloy na sabi nya.






"You think we should end this?"






"Rain, please.. Dito ka na lang sa Man--"





"No, Miguel. I won't give up my life here just to satisfy you. Or anyone. If you really can't do this anymore? Kung hindi mo kaya na malayo tayo sa isa't isa? Okay, fine.. Maghiwalay na lang tayo."







"Rain."






"Iyon naman talaga ang sasabihin mo, 'di ba? Naduduwag ka lang kaya ako na nag-o-offer. Pagod na rin naman akong i-please ka at ang parents mo. Ang hirap maging girlfriend mo, Miguel, sana alam mo 'yon!"





Nasa highschool pa lang kami ay ayaw na sa akin ng parents nya dahil sa parents ko. Lumaki kaming magkaibigan kahit na hindi magkasundo ang mga magulang namin dahil sa business nila. Kaya ang ginawa ko mas ginalingan ko sa acads ko, even sa extra curricular activities ko. I even tried learning how to bake for them. Even took some private classes during weekends tungkol sa business kahit hindi pa naman dapat. Ito lang.. Ito lang yung sinuway ko sa gusto nila. Ang mag-aral malayo sa kanilang lahat dahil gusto kong maging independent kaya kahit pumasa ako sa mga eskwelahan na pinag-exam-an ko ay mas pinili ko rito sa Baguio.






At kahit sobrang bigat sa pakiramdam, kahit sobrang sakit... kailangan ko nang maging matapang para magpaalam. "Miguel, thank you for putting up with me for the last 38 months. Good bye."







As I ended the call.. Napamura na lang ako. "Putngina. Happy Independence Day."

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...