My Roommate is My Crush

By morelssss

35.9K 1.1K 100

What will happened if you and your crush will live under the same roof for the entire A.Y.? This is a BL stor... More

Front Matter
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Authors Note
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Authors Note

Simula

6.4K 148 8
By morelssss

Tommy POV

Mahirap man para sa akin pero alam kong ito ay para sa ikakabuti ko, para sa kinabukasan ko. Kaya kailangan kong tiisin ang mawalay sa aking ina.

Today is the day. I'm moving out. Nagiimpaki na ako katulong ko si Mama and mahirap iwasan ang hindi maging emotional dahil all this time kami lang ang nandito para sa isa't isa. Pero napagdesisyonan na namin ni Mama na kailangan kong lumipat sa dorm malapit sa school since mahirap talaga para sa akin ang magbyahe papasok at pauwi. Nakayanan ko na naman ang ganung set up ng isang taon pero this year mukhang kakailanganin ko na talagang mag dorm dahil most of my classes ay pang-gabi.

"Nak, tahan na ikaw isipin mo na lang na gwapo ang makakasama mo sa dorm" biro sa akin ni mama na siya namang ikinatawa ko.

"Hahaha Ma! stop it aasa ako niyan hahaha" balik kong biro kay mama.

Nawala din naman kahit papaano ang pagiging emotional namin haha. Nakakatuwa at kahit na gay ako ay supportado parin si mama sa akin ang sa kaniya lang ay sundin lang ang puso ko dahil para sa kaniya iyon ang ikakasaya ko. Nakakataba sa puso, si mama lang ang kailangan ko masaya na ako.

Dahil sa super saya ng huntahan namin ni mama diko na namalayan ang oras at di na namin namalayan na tapos na kami mag impake. Ayoko na maging emotional sa harap ni mama dahil kung masakit at mahirap ito para sa akin ay double ang dating nito kay mama. Ayoko ng paiyakin si mama kung kelan naka set na lahat lahat. Goodluck self.

Bumaba na kami ni mama sa dining area para kumain sa mala fiestang hain ni mama.

"Ma! Alam mo namang hindi ako palakain ng madami. Hmmpp!" kunwaring galit kong sabi kay mama dahil sobra talaga to para sa dalawang tao wala naman akong kapatid eh at only child lang ako ni mama. Wala na din akong tatay namatay si daddy almost 5 years na dahil sa lung cancer.

"Alam ko naman yun pero gusto ko lang i-celebrate ang pagiging independent mo today nak." masayang sabi ni mama na hindi man lang pinansin ang cute kong mukha pag naggagalit galitan haha. "At saka ipagbabalot kita ibigay mo sa ka-dorm mo para maganda ang first impression sayo nak. Dagdag points yun pag nagkataon hahaha" masayang biro ni mama na siya namang ikinahiya ko.

"Ma naman! Alam mo naman na mahiyain ang anak mong ito. Saka—— nakakahiya talaga ma. Baka mamaya gwapo ang kadorm ko talaga ma naku!! Huhu mas nakakahiya lalo dahil sa mga sinasabi mo" nahihiya kong angal kay mama. Pero what if gwapo nga kadorm ko ay naku diko alam kung gaano ako ka ewan sa harapan nuon!

"Siya tama na ang pagdadaydream mo at kumain kana ng malaman natin kung gwapo nga ba ang iyong karoommate" nakangiting sabi ni mama.

Nagumpisa na kaming kumain pero di parin mawala sa isip ko na what if talaga gwapo yun ang dami ko ng naiisip haha. Iba talaga pag malikot ang isip no? After naming kumain ay binaba ko na yung maleta ko sa baba at dinala ko na sa may garage namin para ilagay sa kotse ni mama.

Nag umpisa na ang byahe namin ni mama at nagumpisa na din akong kabahan sa mga iniisip ko. At para mawala ang kabang ito ay ipinanood ko na lang ng BL series para mawala na sa utak ko ang mga wild imagination ko.

"Aww ma!! Ang cute cute ni P' Zon!!" sigaw ko kay mama. Habang nasa Ipad parin akong naka tingin at sinusulit ang kakyutan ni P'Zon. Ang cute cute talaga niya grabe halos ilang beses ko ng pinapanood itong Why R U the series hindi parin ako makaget over sa love team sa series na ito. Pero grabe talaga ang charm ni P'Zon sa akin dahil nakikita ko ang sarili ko sa kaniya nakakataba ng puso!

"Mas cute ang anak ko hahaha, tama na yan nandito na tayo sa building ng dorm mo nak. Are you ready?" masayang tanong sa akin ni mama na siyang nagpakaba ulit sa akin kasi what if homophobic ka roommate ko huhu. Pero hindi ko pinakita kay mama na kinakabahan ako dahil ayoko ng magworry si mama sa akin. Ngumiti na lang ako at tumango para tugunan ang tanong ni mama.

Pinatay ko na ang Ipad at lumabas na ng kotse ni mama ibinaba ko narin ang maleta ko at nagumpisa ng sumunod kay mama sa loob ng building.

"Good morning Maam Mendoza!" masayang bati nung babae sa front desk. Kilala pala si mama dito iba talaga si mama famous hmm akala ko sa ibang bansa lang sikat si mama dahil dun malakas ang business niya pero sigura pati din dito sa Pinas.

"Okay po maam. Ito po ang key ng room niyo may tag na din po kasama which is yung room number po niyo iyan. Ito din po ang master card niyo, itong card na ito ay kailangan natin po para sa main entrance sa lobbly if mawala niyo po ito ay hindi po kayo makapasok sa lobby at hanggang dito lang kayo sa front desk so make sure na hindi niyo po ito mawala sir" nginitian ako ni ate.

"Noted po!" magalang kong sagot.

Kinuha ko na ang key at master card at tiningnan si mama. "Sasama ka paba sa taas ma?" tanong ko sa kaniya dahil pwede ko naman siyang ihatid sa baba kasi wala siyang card.

"Oo naman kelangan makita ko ang ka roommate mo hihi" masayang biro ni mama na siyang kinapula ko.

"Here maam this is a guest card, you can visit your son here anytime " singit ni ate. Taray naman may guest card pala.

"Thank you miss" masayang tugon ni mama. Parang sobrang saya naman ni mama ngayon at ayoko yung tingin na binigay sakin ni mama alam ko ang tingin na iyon.

"Ma give us some privacy ok?" biro ko kay mama haha dahil alam kong may malisya ang tingin na iyon ni mama.

"Ok Ok! Tatawag muna ako para if ever na alam mo na wala akong maistorbo hahaha" masayang sabi ni mama habang naglalakbay ang kaniyang isip sa kaniyang malawak na imahinasyon. Sa kaniya po ako nagmana ng kabulastugam sa pag dadaydream ahaha.

And the moment of truth masasagot na ang lahat ng aming imagination dahil nasa harapan na kami ng dorm which is nasa 8th floor. Kinatok ko muna ang pintuan sign of respect and then naghintay kami ng ilang minuto bago may magbukas ng pinto.

"Good day po" naniningkit ang mga mata nito habang bumabati halatang kagigising lang. " oh Hi Tom!" bati sakin ng isang napaka gwapong nilalang omggg!! Bakit nandito si Joshua Lee?  Bakit sa dami dami ng magiging ka roommate ko bakit siya pa? Nakakahiya dahil—

"Oh good day iho, mukhang nagising kapa namin pasensya kana huh? Kilala mo pala to nak? Kaibigan mo?" putol ni mama sa mga isipin ko.

"U-u-uhm yeah kind of, pero kakilala ko lang siya hehe" medyo nauutal kong tugon kay mama. At siyang naging dahilan ng palawak ng ngiti niya. Omg jusko lord help me!!

"Pasok po kayo Maam, Tom" god Joshua wag mokong tingnan nakakapanglambot alam mo ba iyon?

"Sure!" masiglang tugon ni mama na nanguna nasa pagpasok sa loob. "Nak ihain mo na yung dala nating pagkain, Joshua kumain kana ba?"

"Hindi pa po eh. Pasensya na po kayo medyo makalat kakagising ko lang po kasi Maam"

"Okay lang yun Joshua saka wag mo na akong tawaging "Maam" masyadong nakakatanda haha you can call me "Mama" if you want Haha just kidding haha, call me Tita" masiglang sabi ni mama na siya namang ikinahiya ko dahil grabi ang bibig ni mama.

"Hahaha Mama na lang po dahil ang sarap po ng pagkain na ito. Kayo po ba mama ang nagluto nito?" masayang tugon ni Joshua kay mama na parang hindi nahihiya grabe kumakain na pala itong lalaki na ito.

Umupo na ako at nakinig sa huntahan nila dahil iniisip ko kung anong ikikilos ko mamaya pag umalis na si mama. Sobrang saya nila same vibes as in na para bang ako yung hindi anak ni mama.

"Nak aalis na ako wag mo na akong ihatid sa baba. Mag ayos kana lang ng gamit mo at magpahinga kana linggo naman bukas kaya mahaba ang pahinga mo. Ingat ka palagi huh? Joshua nak ikaw na ang bahala sa anak ko"

Tumango lang kaming dalawa kay mama. Nahihiya parin ako sa personality ni mama.

Pagka-alis ni mama ay naramdaman ko yung awkwardness sa aming dalawa. Sino ba naman hindi makakaramdam ng awkward sa taong inaminan mo  na crush mo siya.

"U-uhm sorry about kay mama medyo masiglahin lang siya hehe"

"Ok lang, dito nga pala ang kwarto— wait lang" dali dali siyang pumasok sa kwarto na aligaga sumunod din ako kasi nacurious ako sa kilos niya.

"Pagpasensyahan mo na ako hehe medyo makalat" nahihiyang sabi niya habang kinakamot ang kaniyang batok.

Iniuli ko ang buong mata ko sa buong kwarto at parang walang kanto ng kwarto ang di mo makikitaan ng mga dami niya. Kung saan saan nakalagay ang mga damit niya pero nginitian ko lang siya at nag diretso sa balkonahe at makikita mo rin ang mga damit niya na malapit ng malaglag. Pinulot ko ang mga damit sa balkonahe at isa isang tiniklop dahil tuyo na naman. Pumasok ako sa room namin at nakita ko si Joshua na nililigpit ang mga nagkalat na damit.

"Tulungan na kitang magligpit" sabi ko at pumunta sa isang kama. "Alin dito ang akin?" tanong ko habang kinukuha ang mga nagkalat na damit at short.

"Yang inuupuan mo ang iyo hehe" nahihiyang sabi ni Joshua.

"U-uhm Josh hehe catch" hinagis ko sa kaniya yung dalawang underwear na napulot ko hindi ko maamoy kung tubal na or hindi dahil underwear nga niya iyon. Napaka awkward naman kung makikita niya akong inaamoy yung bagay na iyon okay na yung sa damit at short.

"S-sorry Tommy" dali dali niyang kinuha yung isa dahil hindi niya nasambot.

"P-pano mo nalaman ang nickname ko?" gulat kong tanong pero hindi ko ipinahalatang gulat ako.

"Ah? Kita ko lang sa IG mo na @im.tommy ang username mo" sagot niya habang sinasalansan niya yung mga damit sa closet.

Biglang namula naman ang mukha ko sa iniisip ko. Gosh ibig sabihin iniistalk ako ni Josh? Char siguro dahil isa ako sa mga likers niya last year. Yes my dear L-A-S-T year, my first year here in college was indeed memorable why? Hahaha dahil nagka crush ako kay Josh na umaabot ng halos isang buong academic year although hindi kami magkasection pero magkamajor kami kaya nagkikita kami madalas dahil madalas ding may program. But alam mo yun parang naglevel up yung pag hangga ko na dumating ako sa point na tinatanong ko na ang sarili ko ng "mahal ko na ba si Josh?" at di nagtagal umamin ako sa kaniya through message nga lang sa social media niya dahil hinanda ko na ang sarili although alam ko na naman na hindi talaga magiging kami ni-ready ko lamang ang sarili ko na aamin lang ako pag kaya ko ng i let go.

Alam mo yun masakit yun, ang magpalaya sa taong hindi mo naman naging pagmamay ari.

Gabi na pala kakatapos kong mag ayos ng gamit sa closet. Masyadong napalalim ang aking pag babaliktanaw sa masakit na pangyayari sa aking college life. Hihiga nasa ako ng mapansin kong wala sa loob ng kwarto si Josh. Pinatay ko yung lamp sa pagitan ng bed namin pati narin yung ilaw at lumabas ako pumunta ako sa living area wala naman dito si Josh kaya naman pumunta ako sa kusina at duon ko nakita si Josh nag aayos ng Jollibee?

"Uy Tommy halika na kain tayo. Bumili ako ng dinner natin sagot ko na to. Pasasalamat ko sayo sa pagtulong sa akin sa pagiimis ng kwarto and pede nadin isabay sa welcoming party natin. So ayun you can do whatever you want here on our dorm" masiglang speech ni Josh.

Feeling ko sobrang pula ng mukha ko dahil sa sobrang init nito ramdam ko ang pag init ng mukha ko kahit hindi ko hinahawakan.

"T-thank you"

Nag umpisa na kaming kumain at sobrang tahimik tanging mga kutsara't tinidor lamang ang maririnig mong umiingay.

After naming magligpit ng aming pinagkainan ay tinanong ko si Josh kung may curfew ba ang building na ito sabi naman niya ay 10:30 pm daw tapos pag may event ay walang curfew.

Dahil 8:45 palang ay napag desisyonan ko munang maligo at lumabas dahil medyo maaga pa. Saka na aawkwardan parin ako kay Josh dahil alam mo yun ex-crush char haha kanina nga lang kinilig ako dahil siya ang aking karoommate haha. Pero dahil hindi ko naman alam kung ano ang mga topic na ioopen up ko sa kaniya para lang may topic kami ayun lalabas na lang muna ako at uubisin ang natitirang oras bago ang curfew.

Nagbihis lang ako ng baggy pajama, oversized hoddie at sinuot ko din ang dala dala kong crocs. Lalabas na sana ako ng kwarto ng bigla pumasok si Josh kaya naman medyo napatalon ako at napasigaw ng very light.

"Saan punta mo?" Tanong sakin ni Josh matapos tingnan ako mula ulo hanggang paa.

"Ah pupunta lang ako sa mini mart sa kagabing building nitong dorm natin. May ipapabili kaba" sagot ko naman sa kaniya.

"Sama na lang ako"

Biglang nang lambot ang aking mga tuhod dahil sa aking narinig. Kaya nga ako lalabas dahil hindi ko alam ang gagawin ko pag kasama kita Josh tapos ano? Bigla kang sasama!! Pangit mong kabonding—

"Sure, wait kita sa living room" nginitian ko siya ng awkward smile hahah.

"Sige sige magpapalit lang ako ng t-shirt" at tuluyan ng pumasok sa loob ng room siya kaya naman napasunod ako ng tingin sa kaniya.

Habang naglalakad siya papasok ay hinubad na niya ang kaniyang t-shirt. At parang nag slo-motion bigla ang paligid sa paghuhubad niya ng t-shirt. God gracious uti uting kong nakikita ang well defined 4 packs abs niya at ang buff niyang dibdib. Parang ayoko ko ng lumabas—-

"Oh nandiyan ka parin pala?" Takang tanong sa aking ni Josh at sinundan niya ang aking mata kung saan nakatingin. Na siyang ikinahiya ko at ikinamula kaya lumabas na lang ako ng walang tugon sa tanong niya. Napasandal ako sa pintuan ng room namin at nag umpisa akong pagpawisan grabe napaka sama ng image ko— narinig ko ang mga yapak ni Josh kaya naman dali dali kung pinunasan ang pawis ko at pumunta sa living room.

Pagkadating na pagkadating ni Josh ay agad akong tumayo.

"Let's go" sabi ko habang dirediretsong lumakad ng hindi siya tinitingnan.

Ipagpapatuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

300K 7.4K 107
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #2- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...
34.1K 2.7K 30
Denique is an innocent virgin girl who met the young don and fell inlove. Read to find out more๐Ÿ“š
597K 2.3K 63
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
569K 50.9K 34
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...