MYSTICAL ACADEMY: Play with F...

By 3umoiriety

61.8K 2.9K 667

Raini Zalana Evanescent is just a normal teen age girl not until she reached 18 and her life suddenly change... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
Author's note
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 31
CHAPTER 32
ANNOUNCEMENT
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36

CHAPTER 30

959 62 71
By 3umoiriety

RAINI

Nang matapos kumain ay nagpasiya kami na maghiwalay at magkita nalang ulit sa eksaktong oras na ibinigay ni Chalter. Mayroon nalamang kaming isat kalahating oras para maglibot.

Ramdam ko na nagkakahiyaan kami ni Chalter dahil ang layo namin sa isa't isa habang naglalakad. Napakamot nalang ako sa ulo dahil hindi ko alam ang gagawin. Sinabi ko pa naman sa sarili ko na gagawin kong memorable ang bawat segundo na magkasama kami tapos hindi kami nagdidikit.

Sumulyap ako sa kaniya at nakita ko na abala siya sa pagtingin sa paligid. Nang gumala ang tingin niya sa direksyon ko nagulat pa ako ng magtama ang mga mata namin.

"Why you're so distant, Raini? come here." Salubong ang kilay na utos niya.

Kagat ang ibabang labi na naglakad ako para lumapit sa kaniya.

"Are you shy? I thought you wan't to pasyal here." Tumingin pa siya sa paligid.

"Of course! I want to pasyal here." Ginaya ko pa ang maarte niyang tono.

Mahina siyang natawa. "Saan natin sisimulan ang pamamasyal?"

"Kahit saan." Sagot ko habang nakatitig sa gwapo niyang mukha.

Lalo lang akong nahuhulog habang tinititigan siya.

"Let's go there!"

Sinundan ko ng tingin ang itinuro niya. Nakita ko ang isang malaking cart na may mga tindang palamuti sa buhok. Hindi pa ako nakakapag desisyon nang simulan niya nang lumapit agad naman akong sumunod.

Iginala ko ang tingin sa magagandang palamuti na nakalatag sa aming harapan. Ang daming hair clips na ang gaganda ng mga disenyon.

"Ano sa inyo hijo? pili lang kayo! para sa kasintahan mo ba?"

Napatingin ako sa matandang naglalako. nakatingin siya sa akin kaya napasulyap ako kay Chalter na abalang pinagmamasdan ang mga hair clips.

"Which one do you like?" Ibinaling niya sa akin ang atensyon at hindi pinansin ang sinabi ng matanda.

"Ako?" Itinuro ko pa ang sarili.

"Alangan naman ako?" Pabiro niya rin na itinuro ang sarili.

Narinig ang mumunting hagikgik ni Manang. Akala mo parang teenager na kinikilig samantalang wala naman nakakakilig sa sinabi ni Chalter.

Wala sa sarili na napangiti ako. "Gusto kong ikaw ang pumili kung ano ang bagay sa akin."

"You sure? kasi kung ako ang papipiliin mo hindi hair clips ang ibibigay ko sayo." Pinutol niya ang atensyon sa akin at nilingon ang mga nakasabit na kwintas. "Ayus lang ba kung iyan ang gusto kong ibigay sa'yo?'

Wala akong naging sagot at tulala lang akong nakatingin sa magagandang kwintas na nakasabit. Tingin ko mas mahal ito kesa sa hair clips. Ang itsura nito parang gawa talaga sa isang tunay na ginto.

"Mas maganda nga hijo kung kwintas ang ibibigay sa iyong kasintahan." Nakangiting panghihikayat ng matanda.

Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi niya or diskarte niya lang para bumili si Chalter.

"Ay, hindi po kami magkasintahan." Nakangiwi na sagot ko. Huwag kang excited manang papunta palang tayo sa exciting part.

Mukha yata siyang nagulat dahil natigilan ito at nakaawang ang labi na lumingon kay Chalter.

"I'll buy this one."

Tumingin ako sa isang necklace na hawak ni Chalter. Tumabi ako sa kaniya para dungawin ang kinuha niya. Isang kulay blue na heart shaped ang pendant habang napapalibutan ito ng metal. Parang kwintas ni Barbie sa Diamond castle.

"Maganda ba?"

"Oo, sobra!" Agaran akong tumango habang may malawak na ngiti sa labi.

Tinanggal niya ang pagkaka lock ng kwintas. Tumingala ako sa kaniya nang idaan niya ang dalawang kamay sa batok ko para isuot iyon sa akin. Parang baliw na nakangiti ako habang tinitignan ang pendant na hawak ko.

"Magkano?" Tanong ni Chalter.

Hindi ko inalis ang tingin sa pendant. Kilig na kilig ako habang pinagmamasdan iyon.

"Hindi mo pala siya kasintahan hijo, pero bakit mo siya binigyan ng kwintas? Alam mo ba ang ibig sabihin kapag binigyan ng lalaki ang babae niyan?"

Dahil sa sinabi ng matanda naputol tuloy ang paninitig ko sa pendant para lingunin siya. Ano ang ibig niyang sabihin?

"Sabihin mo nalang kung magkano." Malamig ang boses na wika ni Chalter.

Napalunok ang matanda. "Isang libong piso, hijo."

Umarko ang dalawa kong kilay dahil sa presyong binanggit niya. Isang libo? Really? ang mahal naman pala nito.

"Masyadong mahal pwede naman yung hair clip nalang." Suhestiyon ko dahil ako ang nanghihinayang sa isang libo niya.

"Nah. It's okay." Dinukot niya ang wallet sa kaniyang bulsa at walang pagdalalawang isip na ibinayad ang isang libo.

Habang naglalakad walang hiya na kumawit ako sa braso niya. Ramdam ko na natigilan siya dahil sa ginawa ko ngunit sa kasiyahan na nararamdaman ko natanggal bigla lahat ng kahihiyan ko. Hinayaan niya lang akong nakakapit sa braso niya.

Para akong aso sa lawak na aking ngiti. Nakatingala lang ako sa kaniya habang naglalakad kami. Ibinalik ko ang tingin sa dinadaanan at nakita ko ang mga musikero sa gilid ng daan na nagpapatugtog ng mga instrumento. Sa harapan nito ay ang mga batang tuwang tuwa at nagsasayaw.

Binitawan ko si Chalter at tumakbo sa direksyon ng mga bata.

"Ate ganda! bagay po sa inyo 'to!"

Iniabot sa akin ng isang batang babae ang flower garland. Nakatingin lang ako dito dahil may trauma ako sa bagay na 'to. May naramdaman akong presensya sa aking likuran na sa palagay ko si Chalter.

"Accept it. It's just a normal garland."

Nilingon ko siya sa likuran. "Sigurado ka ha! baka bigla nalang akong mamatay dito." Paninigurado ko pa.

Uso pa naman ang pagpatay sa mga estudyante ng Mystical Academy para palitan sila sa upuan at ayaw kong mapabilang doon.

Ibinalik ko ang atensyon sa bata at marahan itong nginitian. Lumuhod ako sa harapan niya para maisuot niya sa akin ang garland. Habang ginagawa niya iyon namamangha na pinagmamasdan ko ang mukha niya. Para siyang isang manika dahil parang siopao sa taba ang mamula mulang pisngi nito at ang sarap kagatin. Ang haba ng pilik mata nito at ang kulot na kulay tsokolate niyang buhok na umaabot sa kaniyang bewang.

"Ang cute mo naman anong pangalan mo?" Hindi ko na napigilan ang sarili na pisilin ang pisngi niya.

"Siya ang aking my baby baby you're my sun and moon." sumulpot ang isang batang lalaki at inakbayan siya.

"Ako po si Aingeal." Nakangiting sagot ng batang babae sa akin.

Hahawakan ko sana ang balikat ng bata ng tapikin ng batang lalaki ang kamay ko kaya gulat na napatingin ako dito.

"Don't touch her! Ako lang ang pwedeng humawak sa kaniya." Sinamaan pa ako nito ng tingin.

Hindi ko maitatanggi na ang cute nilang dalawa habang naakbay ang batang lalaki sa nakangusong babae.

"Ikaw bata, sino ka para tapikin ang kamay niya?" Nanlaki ang mata ko nang umangat ito sa ere habang hawak ni Chalter likurang damit ng bata.

"Chalter, bitawan mo siya!" Hinampas ko ang binti niya dahil nakaluhod ako.

"Bitawan mo po siya!" Sigaw ng batang manika kay Chalter.

Pumalag-palag ang paa ng batang lalaki habang nakalimbitin siya sa ere. Ang sama pa ng tingin nito kay Chalter.

Marahan na ibinaba ni Chalter ang bata ngunit hindi naputol ang masamang tingin nila sa isa't isa. Ano ba ang nangyayari at bakit nagiging isip bata itong si Chalter? pati bata pinapatulan.

"Hinawakan ng girlfriend mo ang girlfriend ko!" Laban pa ng batang lalaki.

"Tama na, Lucas. Hindi naman ako sinaktan ni Ate." Lumingon pa sa akin si Aingeal.

"Tinapik mo ang kamay ng girlfriend ko." Malamig na sambit ni Chalter na siyang ikinagulat ko.

Ako? Girlfriend niya?

"Totoo ba sinasabi ni Kuya na 'to? girlfriend ka daw niya?" Kunot noo na tanong ng batang lalako habang nakaturo ang maliit niyang daliri kay Chalter.

"H-Hindi?" Parang hindi sigurado na sagot ko.

Bumungisngis silang dalawa. "Paano ba iyan kuya nitanggi ka po ng girlfriend mo. Katawa sila no, babi?" bulong niya pa sa batang babae.

Gusto ko sana sabihin na magiging girlfriend palang pero bago pa bumuka ang bibig ko nilagpasan na kami ni Chalter. Nakapamulsa itong naglalakad palayo. Agad kong hinarap ang dalawang bata na nakatingin din sa direksyon ni Chalter.

"Hala ka, Lucas. ni-hurt mo feelings ni Kuya pogi."

"Anong kuya pogi? ako lang dapat pogi sa paningin mo!" Parang magta-tantrums na sabi ni Lucas.

"Una na ako sa inyo ha, may susuyuin lang ako." nagmamadaling sambit ko.

Hindi nila ako pinansin dahil abala sila sa pakikipagtalo sa isa't isa. Mabilis akong humabol kay Chalter malayo-layo narin ang nalakad niya at mukhang iiwan talaga ako. Hindi ko alam kung anong ikinagagalit niya samantalang sinagot ko lang naman yung tanong nung bata.

Umabot siya pinakadulong bahagi kung nasaan ang isang napakalawakna dagat. Tumigil ako sa pagtakbo nang malapit na ako sa direksyon niya. Nagsalubong ang dalawang kilay ko nang itulak niya ang isang bangka papunta sa dagat. Hindi ko alam kung anong gagawin niya pero kailangan ko siya komprontahin tungkol sa ikinagagalit niya.

"Bakit ka naman nag walk out?" tanong ko sa kaniya habang nakasunod ako sa mga galaw niya.

"Hindi naman ako nag walk out." 

"Nagtatampo?" Umangat ang dalawang kilay ko.

"Bakit naman ako magtatampo? Eh ang manhid mo." 

Hindi ko masyadong narinig ang huli niyang sinabi dahil halos bulong na iyon na siya lang ang tanging nakarinig.

"Hindi ko masyado marinig. Ano iyon?" Lumapit ako sa tabi niya.

Tagumpay na naitulak niya ang bangka sa dagat bago ako nilingon. Tanaw ko ang buong mukha niya dahil sa liwanag ng buwan. Nag-iwas siya ng tingin at inabala ulit ang sarili sa bangka.

"Sakay." Nakatalikod na utos niya.

Kinikilig na napangiti ako habang pinagmamasdan ang malapd niyang likod. Ilang beses pa akong huminga ng malalim bago nagpasyang tumalon at sumakay sa likod niya. Nakapulupot ang mga braso ko sa leeg niya at ang mga paa ko sa bewang naman niya. Muntik pa kami matumba mabuti nalang at nabalanse niya ang katawan.

Dinungaw ko ang ulo ko sa gilid ng mukha niya. Kagat niya ang ibabang labi na para bang nagpipigil ng tawa.

"Ano na? saan na tayo?" Malawak ang ngiti na tanong ko.

"Sa bangka ka sasakay hindi sa akin." Malambing na wika niya.

Ilang segundo akong natulala at hindi agad na process ng utak ko ang sinabi niya. Nang mag sink in sa akin nagmadali agad akong bumaba at pulang pula ang mukha dahil sa hiya.

"Bakit kasi hindi mo nilinaw?" Pinilit ko na magkunwareng galit para matabunan ang kahihiyan na ginawa ko.

Bahagyang gumalaw ang balikat niya sa sobrang pagpipigil ng tawa. "I assumed you had a wide understanding, that's why." 

"Malawak pang-unawa ko ha!" Sigaw ko at ilang beses pang napakurap.

"Yeah. kaya nga sumakay ka sa likod ko di'ba?" Sarkastiko niyang sabi habang may ngiti sa labi.

Inismiran ko siya at padabog na naglakad papunta sa likuran niya kung nasaan ang bangka. Dahil nagdadabog ako umuga ang bangka nang sumampa ako kaya hinawakan ni Chalter iyon at inalalayan ako sumakay. Hindi parin nawala ang ngiti sa kaniyang labi nang lingunin ko siya.

Hindi yata matutupad ang ipinangako ko na hindi niya malilimutan ang gabing ito dahil mukhang ako ang hindi makakalimot sa kahihiyan na ginawa ko. Ang amfee! sumakay ako sa likod niy, shit! ako ba talaga iyon? Sana panaginip lang iyon.

"You can control the water, right? we don't have a paddle." Wika niya nang makasakay rin sa bangka.

"Sige ako na bahala." Umupo ako at umupo naman siya sa katapat. Lalo tuloy akong tinubuan ng hiya.

Hinubad ko ang hoodie na ipinahiram niya sa akin kanina. Gusto ko lang damhin ang malamig na simoy ng hangin. Ipinatong ko iyon sa binti ko at nagsimula ng umandar ang bangka nang kontrolin ko ang alon ng tubig.

"Balikat mo." 

Napatingin ako sa balikat ko hindi ko napansin nalaglag na pala ang manggas ng dress ko kaya lumantad ang aking balikat. Bago ko pa ito ayusin naunahan na ako ni Chalter, itinaas niya iyon at ibinalik sa pagkakaayos. 

He raised a green flag in my heart because of what he did. It's just a simple gesture but it makes my heart flutter. I feel the entire zoo in my stomach when I'm with him not just butterflies.

"Thank you." Tulala ako sa kaniya nang sabihin iyon. Ngumiti lang siya sakin at laking pasasalamat ko dahil nakaupo ako dahil kung nakatayo baka natumba na ako sa panghihina ng tuhod. 

Nakarating ang bangka namin sa gitna ng dagat napatingala ako dahil sa iilang lantern nagliliparan sa himpapawid. This scene was familliar to me until I remember the scene in Rapunzel. ganitong-ganito iyon, hindi ko inakala na ang isa sa mga paborito kong disney cartoon ay mangyayari pala sa akin. Nakangiting pinagmamasdan ko ang maganda at madilim na kalangitan na tanging bituin at buwan lang ang makapagbibigay ng liwanag sa kapaligiran.

Payapa ang dagat habang maingay ang mga munting alon nito na humahampas sa pinong buhangin ng dalampasigan. 

"Chalter, pag sinabihan ba kita ng sekreto hindi mo sasabihin sa iba?" Naabutan ko siyang nakatitig sa akin.

"Of course." Marahan siyang tumango.

"Talaga? Anong gagawin ko sayo pagpinagsabi mo?" Hamon ko sa kaniya.

"Kill me." Seryoso niyang sagot.

Nagulantang ako sa sagot niya. "Grabe naman iyon! You know I can't kill friends." 

Siya naman ang natulala ngayon na para bang may mali sa sinabi ko. 

"Grabe ka na." dismasyado na umiling siya.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"Wala. Ano ba yung sekretong sasabihin mo?" Naghintay ang malamig niyang mga mata sa sasabihin ko.

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. I trust him, alam ko mapagkakatiwalaan ko siya. Sa lahat ng tao siya lang ang pwede ko sabihan ng lahat ng sekreto ko. Hindi niya nga inilabas ang tungkol sa crystal portal na suot ko dahil pinoprotektahan niya ako.

Seryoso na kaming nagtititigan ngayon. Tumaas ang dalawa niyang kilay sa pag-aabang.

"Kung nag-aalinlangan ka sabihin sa akin, ayus lang wag mo ng sabihin. Hindi naman ako namimilit." Natunugan ko ang lambing sa boses niya.

Mas lalo lang akong ginanahan sabihin sa kaniya ang katotohanan dahil sa kabutihan na ipinapakita niya.

"Hindi ako taga rito." Sa wakas ay nasabi ko.

Naguluhan ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Salubong ang kilay niya at nakakunot naman ang kaniyang noo. Dahil wala akong narinig sa kaniya mas minabuti ko nalang ituloy ang sasabihin ko.

"Taga mortal realm ako. Isang hindi normal na namumuhay sa mundo ng mga normal. Noong bata pa lang ako nalunod ako habang nagpi-picnic kami ng family ko malapit sa isang ilog. Nakakita ako ng tutang nalulunod kaya sinubukan ko siyang tulungan pero dahil sa lakas ng agos ng tubig tinangay rin ako... Muntik na ako malunod sa isip isip ko noon sana dalhin ako ng tubig sa dalampasigan dahil ayoko pa mamatay, at ayon nga ang nangyari. Parang naintindihan ng tubig ang kahilingan ko at dinala ako nito sa sapa, doon na nagsimula ang lahat." Mahabang kwento ko.

Huminto ako at tinignan kung may sasabihin siya ngunit nanatili siyang tahimik. Nakatitig lang siya sa akin gamit ang seryoso niyang mukha. Nag sink in na siguro sa utak niya ang sinabi ko.

"Doon nagsimula ang pagkakaintindihan namin ng tubig. Itinago ko sa parents ko ang kakayahan kong iyon dahil ayokong matakot at mag-alala sila sa akin..." Tumingala ako sa langit at marahan na ngumiti. "Saktong 18th birthday ko nagkaroon ng field trip ang school sa Vintage Palace at sumama ako. Habang naglilibot kami nakaramdam ako na naiihi ako kaya nagpaalam ako sa teacher ko. Habang hinahanap ko yung CR may nakita akong babae na nakasuot ng Red Cloak, dumaan siya sa tunnel."

Ibinalik ko ang atensyon kay Chalter. "Hinabol ko siya at masyado siyang mabilis para maabutan ko. Sinabi niya sa akin na hindi ako nababagay sa lugar na iyon. Hanggang sa nakita ko si Mama na wala sa sariling naglalakad papunta sa bangin. Takot na takot ako nun kaya hinabol ko siya para pigilan pero yung babae pala iyon na ginaya lang ang itsura ni Mama. Itinulak niya ako sa bangin akala ko katapusan ko na..."

"Tapos?" Mabilis niyang tanong.

"Pag gising ko nasa infirmary na ako ng Mystical Academy. Tinanong ko yung nurse kung saan yung daan papuntang vintage palace at sinabi niya sa akin na walang ganoong lugar dito. Nung lumabas ako ng Infirmary doon ko lang napagtanto na ang Vintage palace pala ay ang Mystical Academy... Sa mundo ng mga normal na tao, ang Mystical Academy ay isang lumang palasyo lang kaya tinawag nila iyon na Vintage Palace."

Yumuko siya at naging malikot ang mga mata niya. Bakas parin sa mukha niya na naguguluhan siya kahit alam kong naintindihan niya.

Marahan akong tumayo at umupo sa tabi niya. Yumakap ako sa bewang niya at isinandal ko ang ulo sa kaniyang balikat.

"Paano mo nakuha ang singsing?"

"Isang araw pag gising ko nakasuot nalang sa akin ito at ayaw ng matanggal." Hinarap ko ang mukha niya habang nakapatong ang baba ko sa kaniyang balikat.

"Gusto mo ba bumalik sa mundo mo noon? yung normal at walang gulo." Nakayuko parin siya hanggang ngayon.

Nakakatakot na hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

"Ito ang mundo ko." Simpleng sagot ko.

"Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala. Bumalik ka kaya? tingin ko maganda iyon."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Unti-unting kumalas ang mga braso kong nakapulupot sa bewang niya. Ilang beses akong napakurap at hindi makapaniwalang tinignan siya. Gusto niya akong bumalik? ayaw niya ba na nandito ako?

"B-Bakit?" Nauutal kong tanong.

Naramdaman ko ang mainit na likidong namumuo sa mata ko.

"Sasama ako sayo." Saka niya ako nilingon nakita ko ang gulat niya nang makitang naluluha ako.

"S-Sasama ka?"

Marahan siyang tumango at hinagkan ang magkabila kong pisnge. Pinunasan niya ang isang luha ng lumandas sa aking pisngi gamit ang kaniyang hinlalaki.

"Of course, I'll come with you." Malambing na wika niya.

"Pero bakit naman tayo aalis? okay naman dito ah."

Para tuloy kaming magtatanan sa pinag-uusapan namin.

"Akala mo lang okay pero magulo dito." Bumuntong hininga siya at tumingala.

"Namimiss ko ang Mama ko pero hindi ako aalis dito. Hindi ko kayang iwan dito ang mga taong importante sa akin. At tsaka hindi naman talaga maiiwasan na magulo dito dahil iba naman tayo sa normal na tao." Pagpalaliwanag ko sa kaniya.

"No. you don't get it." Umiliing na sagot niya.

"Pero ayoko umalis." Malungkot na saad ko.

Muli siyang tumingin sa akin. Nagdadalawang isip habang nakamasid sa akin.

"Sigurado ka?"

Tumango ako. "Sigurado pa sa sure."

Bumuntong hininga ulit siya na parang ang laking problema ng ginawa kong pagtagi. Itatanan niya na ba ako?

"Ano pa bang magagawa ko." pagsuko niya.

"Itatanan mo ba ako?" Pang-aasar ko sa kaniya.

Ngumisi siya. "Sabihin mo nga sa akin wala ka ba talagang idea kung bakit binigyan kita ng kwintas?"

Napahawak ako bigla sa pendant ng kwintas. "Wala. sa mundo ng mga mortal wala naman ibig sabihin sa amin ang pagbibigay ng kwintas ng lalaki sa babae. Kadalasan nga ganoon ang iriniregalo nila halimbawa nalang pag birthday."

Dumilim bigla ang awra niya. "May nagbigay na ba sa'yo ng kwintas na galing sa lalaki?"

Agad naman akong napaisip. "Hmm...meron. Siguro mga lima na pero wala lang naman iyon sa amin."

"Maganda ka. kaya siguro binigyan ka nila non, kasi may gusto sila sa'yo." Mariin na wika niya.

"Issue ka! dito lang sa Immortal Realm may issue ang pagbibigay ng lalaki ng kwintas sa isang babae." Inirapan ko pa siya.

"Una yung Adenine, pangalawa yung kwintas, kahit anong gawin ko hindi mo naman maintindihan." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at iniharap sa kaniya. Napalunok ako dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

"This is my third confession. kapag hindi mo pa talaga naintindihan hindi ko na alam ang gagawin sa'yo."

Mabilis na lumapit ang mukha niya sa akin at nakapikit na humalik sa labi ko. Gumapang ang kuryente sa buong katawan ko. Para akong tanga na nanlalaki ang mata habang magkalapat ang labi namin dalawa.

Unti-unti kong naramdaman ang pagalaw ng labi niya at ang isa niyang kamay na gumapang pababa sa aking bewang habang ang isa niyang kamay ay nasa aking pisngi.

"Kiss me back if you feel the same way." Bulong niya nang hindi parin tinatanggal ang pagkakalapat ng labi sa akin.

Natauhan ako at inilagay ko ang mga kamay sa likuran ng kaniyang batok. Walang pag-aalinlangan na binuksan ko ang labi para tanggapin ang matamis niyang halik. Ramdam ko ang pag ngisi niya nang humalik ako pabalik.

MAGANDA ang naging gising ko pagkatapos nang gabing iyon. Kung hindi lang ako baliw baka inisip ko na panaginip lang lahat ng nangyari kagabi. Buong kwarto namin nilinis ko pati mga damit ni Hydra at Victoria inayos ko.  Kitang-kita ko ang pagtataka sa mata ng dalawa habang pinagmamasdan ako.

Lahat ng bagong hugas na pinggan? hinugasan ko ulit!

Lahat ng nakatuping damit? tinupi ko ulit!

Sadyang hindi matanggal ang ngiti sa labi ko habang naglilinis. Minsan pa na napapakagat ako sa labi kapag naalala ko yung nangyari kagabi. Daig ko pa yung bulate na inasinan sa sobrang kilig.

"A-Anong gagawin mo, Raini?" Kabadong tanong ni Hydra at inagaw sa akin ang rice cooker na may lamang kanin.

"Isasangag ko." masayang sagot.

"Pero kakasaing lang nito!" Sigaw niya sa akin.

"Ganoon ba? sige." Pinaubaya ko nalang sa kaniya ang rice cooker.

Naglakad ako papuntang bathroom. Nakita ko ang isang basket ng labahan. Hahawaka ko na sana iyon ng biglang hilain ni Victoria iyon palayo.

"Kakalaba lang nito." Sagot niya habang naguguluhan akong tinignan.

"Alam ko, lalabhan ko ulit!"

Sinubukan kong agawin sa kaniya ang basket ngunit humarang si Hydra at niyugyog ang magkabilang balikat ko ng malakas.

"Ano bang nangyayari sa'yo, potacca?!" Sigaw niya.

"Ano ba? wala lang ito." Saway ko sakaniya pero nakangiti. Mas lalo siyang nanlumo dahil sa reaksyon na ipinakita ko.

"Anong pinakain sa'yo ni Chalter at bigla ka nalang nagkaganyan?"

Labi niya po!

Pinamulahan ang buong mukha ko kaya napatakip ako sa dalawa kong pisnge. Nangangawit na ang labi ko sa kakangiti pero ayaw nila huminto.

Hindi makapaniwalang tinuro ako na Hydra. "T-Tignan mo, Victoria! Namumula siya na parang tanga!"

"Raini, ano ba talagang nangyayari sa'yo? natatakot na kami sa'yo!" sigaw ni Victoria.

Akala siguro nila matatauhan ako sa kakasigaw nila.

"Kanina lang kumain ka ng sabaw na tinidor lang ang gamit! Kanina din uminom ka ng tubig gamit ang plato! Hindi ka pa nakontento muntik mo ng gawing mouth wash yung muriatic acid! Ano ba talaga nangyayari sa'yo?" Sinampal ako ni Hydra.

Napahawak ako sa pisngi kung saan niya ako sinampal pero nakangiti parin ako.

"Nakakatakot ka na Raini." Bakas ang takot sa mukha ni Victoria.

Sinimangutan ko sila. "Oh ayan okay na ba?"

"Hindi kami matatahimik hanggang hindi ka nagkikwento!" Nakapamewang na sambit ni Hydra.

"Sus, kunware concern gusto lang naman ng chismis." Umalis ako sa harapan nila at pumunta sa pintuan.

"Saan ka pupunta?" Galit na tanong ni Victoria.

"Naku, Victoria baka sa labas naman gumawa ng katangahan iyon." Rinig ko pang sabi ni Hydra bago ako tuluyan makalabas ng kwarto.

"Pupunta ako sa bahay ni Chalter." Masayang bulong ko sa aking sarili

Bumaba ako ng building ng girls dorm. Lahat ng nakakasalubong ko binati ko ng goodmorning. Kita ko kung paano nila ako tignan, parang nawawala sa katinuan. Malay ko ba na ganito pala ang epekto ng na crushback? masyadong masarap sa pakiramdam.

Pati halaman na nadaanana ko binati ko ng magandang dilig. Masayang natanaw ko si Viorica at Hydra. Pagkatapos ng kagabi hindi na kami nakapagkita at kaniya-kaniya na kaming umuwi. Dahil sa aming tatlo kami ni Chalter ang late na umuwi kaya hindi na nila kami nahintay.

Masayang lumapit ako sa dalawang babae na masayang nagkikwentuhan.

"Kamusta ang tulog niyo Viorica at Hydra?" Parang multo na bulong ko sa pagitan nila.

"Fuck!"

"My gosh!"

Pareho silang napatalon sa gulat. Nakahawak sila sa kanilang mga dibdib nang harapin ako. Hindi ko man lang magawang humingi ng sorry sa nagawa kong panggugulat.

"Ano ba iyan, Raini." Inirapan ako ni Viorica.

"Hindi na namin kayo nakita kagabi." wika ni Airlys.

"Ahh, masyado kasing matagal ang pag-uusap namin." Ngiting aso na sagot ko.

"Ganoon ba?" Tumango ako sa kaniya.

Nawala ang ngiti ko saglit dahil napansin ko ang butterfly na hair clip sa ulo ni Airlys. Nang tignan ko ang buhok ni Viorica meron din siya bulaklak naman ang disenyo. Ang ganda ng hair clips nila ah, pero hindi ako maiinggit dahil kwintas ang ibinigay sa akin.

Gumuhit na naman ang ngiti sa labi ko. Hindi nila mapapansin ang kwintas na suot ko dahil nakatago ito sa loob ng damit ko.

"Sige, una na ako sa inyo." Tumakbo na ako palayo sa kanila. "Anyway, nice hairclips!" natanaw ko ang pamumula ng dalawa kaya natawa ako.

Nakarating din ako sa tapat ng pintuan ni Chalter. Walang hiya na kumatok ako sa pintuan niya. Alam niya na siguro ngayon kung sino ang kumatok dahil wala naman ibang pupunta dito maliban sa akin.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Chalter na bagong paligo. Nalaglag ang panga ko sa sahig habang tinitignan ang tubig na tumutulo sa katawan niya pababa sa tuwalyang nakayakap sa bewang niya.

"Ang aga mo naman mambulabog." Nakangisi na sabit niya.

Hindi ko maibalik ang tingin ko sa mukha niya dahil abala ako sa pagmamasid sa katawan niya.

Napalunok ako. "Tara, usap sana tayo."

"Come in. Let's talk then."

Continue Reading

You'll Also Like

176K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...