MYSTICAL ACADEMY: Play with F...

By 3umoiriety

61.8K 2.9K 667

Raini Zalana Evanescent is just a normal teen age girl not until she reached 18 and her life suddenly change... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
Author's note
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
ANNOUNCEMENT
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36

CHAPTER 22

1.2K 69 16
By 3umoiriety

AUTHOR'S NOTE: charaan sufries!!!!!

Share ko lang sa inyo kung paano ko naisip ang pangalan ni Chalter. every time kasi na sinusulat ko yung word na CHAPTER lagi kong napipindot yung L which is dapat P! hayorn tapos naisip ko na chalter na lang name nung character para unique.

RAINI

Ngayon ipinagdiriwang nang Academy ang ika-isang daan at anim na pu't pitong kaarawan ni Alkemi. ang siyang nagbigay nang kakaibang abilidad sa mga estudyante na narito ngayon sa Mystical Academy. At syempre isa na ako doon sa nga swerte na binigyan ng isang malakas na abilidad.

Naagaw ng atensyon ko sila Airlys at Reeci. mukhang nahulog yata si Airlys sa hagdan na agad naman nasalo ni Reeci dahil nakapulupot ang mga braso ni Reeci sa bewan ng babae. abala pa sila sa pagtitigan habang kami abala sa pagsasabit ng dekorasyon.

"Pst! tigil niyo iyan hoy!" saway ko gamit ang kunwareng pang lalaki na boses.

Tinulak ni Airlys si Reeci palayo dahil sa gulat. napailing nalang ako at ibinalik ang atensyon sa pagdedekorasyon. nasa hagdan din naman ako habang nag-aayos ng bagong palit na kurtina pero hindi ako nag eexpect ng sasalo sa akin, kaya ko naman lumipad.

Sa taas ba naman ng Academy kawawa ang taga laba ng kurtina dahil sa sobrang haba. ang haba nun tingin ko ay nasa benteng tao na pinagpatong-patong.

"Chalter, hindi pantay!" sigaw ko kay Chalter para sure na rinig niya.

Kami kasi ang nag-aayos ng kurtina, sa laki ng kurtina ilang metro din ang layo namin sa isa't isa. Kahit malayo nakita ko ang pag-ikot ng mata niya saka sinunod ang utos ko na ayusin.

"Hindi parin pantay!" sigaw ni Hydra mula sa ibaba.

"Palitan niyo nga itong si Chalter mukhang wala sa mood magpaka-alipin!" sigaw ko sa ibaba.

"Hey, you're insulting me." wika ni Chalter habang masama ang tingin sa akin.

Totoo naman ah? na ayaw niya magpaalipin dahil isa siyang prinsipe ni Mr. Themis. pumayag si Chalter nang palitan siya ni Lennox sa pwesto. good listener si Lennox kaya mabilis namin napantay ang kurtina. Unlike Chalter reklamo muna ang mauuna bago sumunod.

Pinagpag ko ang dalawang kamay nang makababa ako sa hagdan. malawak ang ngiti na pinagmasdan ko ang higanteng kurtina, halos isang oras din bago namin mapantay iyon. nahagip ng mata ko si Victoria, may bitbit siyang napakalaking kaldero. hahakbang palang sana ako para puntahan siya at tulungan pero naunahan na ako ni Raven.

Oh pak! sinampal ako ng pagiging single. akala ko ba Alkemi's Day bakit parang valentines day yata ang nangyayari sa paligid. check ko nga mamaya yung kalendaryo kung anong araw ba talaga ngayon.

"Draco!" kumaway ako nang makita ko si Draco.

Abala siya pagbibitbit ng mga upuan papasok. hindi niya man ako nakawayan pabalik pero nginitian niya ako bilang pag pansin.

Pinagtutulungan na ng mga estudyante ang 'the longest table' in the world. mahaba ang lamesa dahil marami kaming estudyante ng Academy. isang mahabang lamesa lang iyon na pinagdugsong at magkatapat ang tig isang daan na upuan.

May isang upuan sa dulo ng lamesa, naka serve iyon para kay Mr. Themis dahil siya ang head teacher. At sa magkabilang gilid niya may apat na upuan na kapareho ng upuan niya, iyon naman ay para sa mga teachers.

"Bakit kasi tayo ang ginawang event organizer ni Mr. Themis? hindi ba nila afford kumuha ng mag oorganizer? binulsa na siguro yung pera na binayad namin dito sa Academy." bumubulong na wika ni Hydra habang nakatingin sa mga estudyante na abala sa pagdedekorasyon.

"Kung makapag salita ka akala mo naman talaga may binayad ka." pinagtaasan niya pa ako ng kilay. "Oh bakit may binayad ka?"

"Hindi ka talaga marunong makisabay." Tinarayan niya ako bago siya mag walk out at tumulong kay Viorica na nag-aayos ng mga table napkins.

"Pa-move pa ng konti."

Hinanap ng mata ko si Sorcha dahil narinig ko ang boses niya. nakita ko siya na busy sa pag-aayos ng mga pagkain sa gilid. naka catering style iyon at may design pa ang tela na pinag papatungan ng nga pagkain.

Pwede na talaga kami maging event organizer.

"Chalter!" saway ko sa kaniya. paano ba naman nakaupo na siya sa isa sa mga silya habang nakadekwatro pa ang mga hita. nanonood lang siya mga estudyante na nakilos para tumulong.

Mabilis ko siyang nilapitan at hinapas siya sa hita.

"What?" Napasuklay pa ang kamay niya sa buhok sa sobrang pagkairita sa akin.

"Paano mo nagagawa mag relax diyan? bakit hindi ka kaya tumulong di'ba? may isang oras nalang, magsisimula na yung dinner!" panenermon ko. nandito pa man din yung crush slash ex bestfriend niya bakit hindi siya magpasikat? para mapansin siya.

"Pag tumutulong ako naiinis ka, pag hindi ako natulong naiinis ka. ano ba talaga?" naguguluhan niyang wika.

"Hindi naman sa ganoon." sinubukan ko palambingin yung boses ko. "Sige na, tumulong kana." pang-uuto ko.

Pagalit pa siya na tamayo at lumapit sa iba para tumulong dahilan para sumilay ang isang malaking ngiti sa labi ko.

Napasinghap ako nang may isang tao ang bumangga sa balikat ko. nilingon ko si Astraea na limang hakbang lang ang layo mula sa akin. nilingon niya ako at inismiran syempre gumanti ako, inirapan ko siya. akala ko tumigil na siya sa panggugulo sa akin? hindi pa pala.

Si Hydra ayon, tulala habang nakitingin kila Marcus at Chesca na nagtatawanan habang nagdidistribute ng mga plato sa lamesa.

Kinurot ko si Hydra sa tagiliran para magising siya. "Masyado ka naman nagpapahalata."

Tinignan niya ako ng masama. "Anong pahalata? burado na kaya sa listahan ko si Marcus may new target ako... si Draco." malawak ang ngiti na wika niya.

"Anong si Draco? Naku, umayos ka napakabait nun!" Umiiling na wika ko.

"Ayon nga maganda eh. mabait saka para hindi na siya extra sa lovelife mo, akin nalang siya." wika niya habang nagtataas baba ang dalawang kilay.

"Wala akong lovelife." sino siya para magdesisyon na may lovelife ako?

"Sugapa ka na, Raini. tatlo lalaki mo tapos ako wala? hindi yata ako papayag ng ganoon." hinampas niya pa ako sa braso kaya tinignan ko siya ng masama.

"Tatlo pinagsasabi mo?" mahina na nasinuntok ko ang braso niya.

"Kaysa nagkikwentuhan ka'yo diyan, tumulong ka'yo." napalingon kaming dalawa ni Hydra kay Ms. Rakki na dumaan sa harapan namin.

Tumikom ang bibig ko dahil sa takot na masermonan. iba kasi ang awra ni Ms. Rakki kaysa kay Ms. Vanedey. sobrang laki nang pinagkaiba ng ugali nilang dalawa. kaya palaisipan talaga kung sakali na mapa-ibig niya si Mr. Themis.

Bumalik nalang kami sa kaniya kaniya namin ginagawa. humiwalay na sa akin si Hydra para tumulong sa iba at ganoon din ako. nag distribute ako ng mga kutsara at tinidor sa bawat plato na nakalapag sa lamesa. ang layo nang narating ko dahil sa haba ng lamesa.

"Ouch." daing nang kung sino.

Hindi ko na pala namalayan na may nabangga na pala ako dahil nakatutok lang ang atensyon ko sa ginagawa.

Gulat kong hinarap ang taong nabangga ko. "Sorry, hindi ko napansin." hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya.

"Raini?" gulat na sambit niya sa pangalan ko nang harapin ako.

"Clyde." natatawang wika ko.

Nagbaba ako ng tingin sa kamay niya. kaya pala kami nagkabunguan dahil siya ang nagdi-distribute ng mga kutsilyo sa bawat plato.

"Bakit kasi paatras ang ginagawa mo?" masungit na tanong ko. paatras kasi ang ginagawa niya habang ako paabante.

"Sorry." nakangiting wika niya.

Marahas ko'ng iniling ang ulo ko nang sumagip sa isip ko ang pag-uusap namin ni Chalter sa bahay niya. palaisipan parin sa akin hanggang ngayon kung may alam siya tungkol sa singsing na suot ko. gusto kong magtanong sa kaniya tungkol doon pero pinagbawalan ako ni Chalter.

Pinatay ko ang kuryusidad na namumuo sa isip ko. kailangan ko sumunod sa utos ni Chalter dahil hindi maganda kung kani-kanino ko nalang isisiwalat ang tungkol sa crystal.

"You okey?" nag-aalalang tanong niya.

Awkward naman akong napangiti. "Oo naman, syempre." tumango pa ako.

"Galit ka ba sa akin?" Lumungkot bigla ang mukha niya.

Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "Ha? hindi naman. bakit mo na itanong?"

Nag-iwas siya ng tingin. "Para kasing iniiwasan mo ako this past few days."

Iniwasan ko nga siya sa loob ng tatlong araw. nakokonsensya ako pero sinusunod ko lang talaga ang utos ni Chalter. baka daw kasi kinakaibigan lang ako ni Clyde dahil sa singsing.

"Guni-guni mo lang iyon, nukaba! busy lang talaga sa loob ng tatlong araw." palusot ko habang nginitian siya ng malaki.

Biglang sumulpot si Chalter sa unahan ko, hinaharangan niya ako ng likod niya kaya hindi ko matanaw si Clyde. sinubukan ko tumingkayad pero hindi ko parin nagawang sumilip mula sa balikat niya.

"Hoy!" Hinawi ko ng konti si Chalter para makita ko si Clyde.

Matalim ang titigan ng dalawa sa isa't isa. ramdam ko talaga ang tensyon sa pagitan nila habang palipat lipat ang tingin ko sa mukha nila. Hala, baka magkasuntukan sila?

"Chalter, tumulong ka na doon." hindi siya nagpatinag sa pagtulak ko sa kaniya. walang nagbago sa pwesto niya at hindi pinuputol ang tingin kay Clyde.

"Back off." madiin na wika ni Chalter.

Lumipat ang tingin ko kay Clyde na malawak ang ngisi parang nang-aasar pa lalo. nagbaba ang tingin niya sa kamay ko nang hawakan ko ang braso ni Chalter.

"Bakit ko naman gagawin iyon?" nag-angat ulit siya ng tingin kay Chalter.

Tsk. may balak ba sila mag eskandalo dito? huwag naman sana, respeto naman sa kaarawan ni Alkemi. natatakot ako na sumingit sa titigan nila dahil baka masuntok lang nila ako sa pagiging pakialamera ko.

"Kasi gusto ko." simpleng sagot ni Chalter.

"Kung palayuin mo naman ako akala mo may namamagitan sa inyo. meron ba?" nalaglag yata ang panga ko sa sinabi ni Clyde.

"Hind—" Agad na pinutol ni Chalter ang sasabihin ko.

"Ano naman sa'yo kung meron nga?" gulat kong nilingon si Chalter dahil sa sagot niya.

"Chalter!" pinanlakihan ko siya nang mata para sabihin na tumigil na siya. tigasin talaga, ayaw paawat.

"Uy! uy! may away!" rinig kong sigaw ni Lennox. napatigil ang lahat sa pinagkakaabalahan at nasa amin na ngayon ang atensyon.

Makutusan nga itong si Lennox mamaya. yung malutong sana, gusto ko yung mabubutas ulo niya sa lakas. lakas ng topak! nagtawag pa ng audience.

Nakangiting nilingon ko ang lahat. "Hindi! hindi! fake news iyon, tuloy niyo lang ginagawa niyo."

Hindi sila naniwala sa sinabi ko at patuloy ang panonood sa amin. kaya naman hinarap ko ulit sila Chalter laking gulat ko nalang na nasa tabi na ni Clyde si Sorcha. malamig ang tingin niya sa akin dahilan para mapayuko ako sa pagkailang.

"Ako na ang sasaway sa inyo bago pa makita ng teacher's 'to." mahinahon ngunit malamig na turan ni Sorcha.

Nag-angat ako nang tingin. nakita ko ang masamang tingin ni Sorcha kay Chalter.

"Basta layuan mo si Raini." Madiin na wika ni Chalter.

Nakikiusap na nakatingin ako kay Chalter habang hawak ang braso niya.

"Tama na." saway ko gamit ang mahinang boses.

Hindi man lang siya nagbigay ng kaunting oras para lingunin ako. ayaw niya talaga putulin ang pakikipag titigan niya kay Clyde.

"Chalter." napalingon ako kay Sorcha. "Mahaba rin ang pinagsamahan natin kaya makinig ka naman sana akin." nakikiusap ang mga mata nito.

Nilingon siya ni Chalter. "Hanapin mo ang paki ko tungkol sa pinagsamahan natin." nakangisi na wika ni Chalter.

Dumaan ang sakit sa mata ni Sorcha at napakurap pa siya, mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ni Chalter. kinurot ko sa tagiliran ang lalaking nasa tabi ko, hindi man lang ako nakarinig sa kaniya ng daing kahit malakas yung pagkakakurot ko.

"Then sundin mo nalang ako bilang President ng Academy." Mariin na wika ni Sorcha.

"Masyado ka namang takot maagawan." parehas kaming nagulat ni Sorcha dahil sa salitang binitawan ni Clyde habang nakangisi.

Nagbaba ng tingin sa akin si Chalter. "He belittles you."

Naguluhan naman ako sinabi niya. "Ha?"

Paano ako nadamay silang dalawa lang naman ang nag-uusap. At sa pagkakaalam ko siya lang yung sinasabihan ni Clyde.

Nagkibit balikat siya. "Papaagaw ka daw."

Bakit ba lagi nalang ako nagugulat sa pinagsasabi ng dalawang 'to?

"Raini and Sorcha, they're different person." wika niya kay Clyde.

"Clyde, that's enough. please, have some respect to Alkemi It's her birthday." saway ni Sorcha kay Clyde nang akmang magsasalita pa sana ito.

Lumingon sa akin si Clyde. "See you later?"

"As If I would let you to come near her?" kinurot ko nang malakas si Chalter sa tagiliran.

Halata naman na ayaw niya pa tapusin ang pakikipag sagutan kay Clyde.

"Parating na yung teachers." wika ni Sorcha habang hinihila ang damit ni Clyde palayo sa amin.

Lumingon ako sa likuran nakita kong pumasok na ang ibang teachers at mabilis silang sinalubong ni Ms. Rakki. nagmamadali ako nahumiwalay kay Chalter at pumunta kila Hydra para tumulong.

Napansin ko ang mapang-asar na tingin ni Hydra at Victoria kasama sila Lennox ngunit hindi ko nalang binigyang pansin. dahil kung papansinin ko, sinayang ko lang ang ilang minuto ng buhay ko. nagmamadali na akong tapusin lahat nang kailangan tapusin.

Inilibot ko ang tingin para makita kung ayos na ba ang lahat, nahagip ng mata ko si Sorcha. masama ang tingin niya sa akin habang nagpupunas ng bote ng wine. nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya mabilis siyang nagbaba ng tingin.

Galit ba siya sa akin? nag selos lang siguro dahil kay Clyde. hindi ako magsisinungaling sa sarili ko na wala akong nararamdaman na kahit ano kay Clyde maliban sa pagiging kaibigan.

"Students!" pagtawag ni Mr. Themis sa atensyon ng lahat. "Magsibalik na kayo sa dorm niyo para makapag-ayos. we're giving you thirty minutes, pag na late kayo bumalik hindi na namin kayo pagbubuksan ng pinto."

Dahil sa sinabing iyon ni Mr. Themis nagkagulo ang mga estudyante sa sobrang pagkataranta. parang naiwan pa ang kaluluwa dahil sa biglaang paghila sa akin ni Hydra. Hila-hila niya ako hanggang sa makalabas kami ng venue.

Nagpatianod lang ako sa kanya. kasabay namin sila Airlys, Viorica at Victoria sa pagtakbo. muntik na akong matumba nang banggain ako ng kung sino mula sa likuran.

"Raini!" humarang braso ni Hydra sa tyan ko dahilan para hindi ako tuluyan na sumubsob sa lupa.

"Okey lang." nakangiting wika ko kahit ang totoo kinabahan talaga ako na muntik ko na makahalikan ang lupa.

"Tsk. si Astraea ang bumangga sa'yo." Umiiling na wika ni Viorica habang nakatingin kay Astraea na tumatakbo papasok sa building ng girls dorm.

"Lakas talaga mang-asar ng babaeng iyon." wika ni Victoria.

"Hayaan niyo na, nagmamadali na tayo." marahan na wika ni Airlys.

Tumuloy na ulit kami sa pagtakbo papasok sa building ng girls dorm. mahirap na at baka pag nalate kami hindi kami papasukin. ewan ko nga kung totoo yung sinabi ni Mr. Themis na hindi kami pagbubuksan ng pinto. ang unfair naman kasi sa amin? kami nag organize ng event at nagpakahirap kami mag dekorasyon doon tapos hindi kami papasukin?

Papayag ba kami na hindi makakain ng mamasarap na handa doon. hindi lang sila binayayaan ni Alkemi ng abilities aba kami rin!

Sa sobrang pagmamadali ni Hydra sa pagbibihis hindi niya na nagawang hintayin si Victoria makalabas ng banyo, sa mismong harapan ko talaga siya nag bihis. Takot din ako na hindi makatikim ng handa kaya nagbihis narin ako sa tapat ni Hydra. bakajan!

Narinig ko pa lang ang pagbukas ng pinto ng banyo. tumakbo na agad ako papasok saktong paglabas ni Victoria. naghilamos ako ng mukha para kahit papaano mukhang fresh. halos lahat kami ay naka formal na dress.

MABILIS kaming nakabalik sa venue mabuti nalang at walang na late kahit isa sa mga estudyante, lahat on time nakarating. nakatingin ako sa mga hinihingal na estudyante, para silang tumakbo ng kilometrong layo.

"Today we're celebrating Alkemi's 167th birthday." pag-uumpisa ni Mr. Themis.

"At alam niyo naman na hindi basta basta ang ginagawa nating selebrasyon?" nakangisi na wika ni Ms. Rakki.

Anong ibig sabihin niya sa hindi basta basta ang ginagawa namin selebrasyon? lumingon ako kay Hydra na nasa tabi ko. napansin ko ang pagkabalisa niya at ng iba pang estudyante.

Ako lang yata ang walang idea sa nangyayari. hindi pa ba kami kakain? kumakalam na ang tiyan ko sa gutom.

"Handa na ba ang lahat?" nakangiting tanong ni Ms. Vanedey sa lahat.

"YES!" agad akong napayuko dahil sa hiya. ako lang kasi ang excited na sumigaw at nag taas pa ng kamay.

Ang weird nila ha! hindi pa ba sila handa kumain kasi kung hindi pa? ako kanina pa handa!

"Pwede na kayo kumain." seryosong wika ni Mr. Styx.

"Please, serve them." utos ni Mr. Themis sa benteng babae na nakatayo sa gilid. naka uniform sila gaya ng isang yaya? parang ganun.

Napapalakpak ako nang mahina nang makitang nilalagyan na nila ng pagkain ang bawat plato. sandali akong napalingon sa mga teachers na natatawa sa reaksyon ko. naalis tuloy ang malaking ngiti ko baka isipin nila tay jotom ako, sadyang gutom lang.

Plus masarap yung pagkain.

"Tago mo." bulong ni Hydra sa akin. nagbaba ako ng tingin sa kamay niya may hawak siyang kutsilyo.

Gulat akong nag-angat ng tingin kay Hydra. "Bakit ko naman itatago iyan? nababaliw ka na ba?" mapagkakamalan pa ako na may masamang gagawin.

"Kunin mo na." sulsol pa ni Victoria na nasa kabilang gilid ko.

"Ayoko." matigas na wika ko. itanago ko ang kamay ni Hydra sa ilalim ng lamesa nang biglang dumating ang magbibigay ng pakain.

Malawak na nginitian ko ang nagbibigay ng pagkain. sobrang bango ng pagkain na mas lalong nagpagutom sa akin. dinampot ko ang tinidor sa gilid ng plato ko at akmang tutusukin na yung karne pero hinawakan ni Hudra ang pulsuhan ko. masama ko siyang tinignan dahil inistorbo niya ang pagkain ko.

"Please? tanggapin mo na 'to." nagmamakaawang wika ni Hydra.

Nangunot ang noo ko. "Para saan ba kasi?" iritadong tanong ko.

"Safety purpose." tipid niyang sagot.

"Safety? dai, kakain lang tayo." itinuro ko pa yung plato. "Hindi tayo makikipag bardagulan. Itigil mo na iyan, gutom lang iyan." Nilayo ko pa yung kamay niya na may hawak na kutsilyo.

"Look." kinulbit ako ni Victoria kaya napalingon ako sa kanya.

Itinaas niya ang laylayan ng dress niya hanggang hita, nakita kong may garter na nakatali sa hita niya at may nakasuksok doon na kutsilyo.

"Susko ka!" hindi makapaniwalang sambit ko at kukunin ko sana ang kutsilyo sa hita niya pero mabilis niyang naibaba ang laylayan ng suot niya.

"Kanina ka pa tinitignan ni Chalter." bulong na naman ni Hydra kaya napalingon ako sa nginunguso niya.

Nakatingin sa akin si Chalter habang sila Lennox ay masayang kumakain sa tabi niya. malayo ang pwesto niya sa akin dahil nasa pinaka unahan siya katabi ng mga teachers. tinaasan ko siya ng kilay para ipahiwatig kung bakit siya nakatingin sa akin.

"Kung may inaabot sa'yo si Hydra, tanggapin mo." pagsasalita ni Chalter mula sa loob ng isip ko.

Nagtataka man ngunit sinunod ko nalang ang sinabi ni Chalter. tinanggap ko na ang kutsilyo na binibigay ni Hydra. Tinago ko iyon sa ilalim ng dress ko. ayaw ko na magtanong para makakain narin ako.

Abala na ang lahat sa pagkain ganoon din ang mga teachers. ramdam ko ang kaba ng ibang estudyante samantalang ang iba ay parang wala lang, masaya lang silang kumakain. ano ba meron para makaramdam sila ng pagkabalisa? sigurado ako na meron dahilan.

Sa kalagitnaan ng pagkain, nagsalita ulit si Mr. Themis.

"I think it's time to start our open forum?" parehas nakatuon ang siko ni Mr. Themis sa lamesa at pinag saklob ang dalawang kamay.

"Open forum?" naguguluhang wika ko at nilingon si Hydra. hindi man lang siya nagsalita para ipaliwanag sa akin.

Ibinalik ko ang tingin kay Mr. Themis. maglalabas ba kami ng sama ng loob dito kaya may pa open forum? napaayos ng upo ang mga estudyante na para bang naalarma.

"Malaya kayong ipahayag sa tao ang sama ng loob niyo sa kanila but... without using your abilities.  kung ano lang way niyo kung paano niyo sasasabihin na may sama kayo ng loob nang hindi nagsasalita." malabo pa sa blured ang sinabi ni Mr. Themis.

Hindi ko gets!

"Bibigyan namin kayo ng isang oras."  nakangiting wika ni Ms. Vanedey.

"Huwag niyong kakalimutan na bawal makapatay." Ako lang ang tanging napasinghap sa sinabi ni Mr. Thompson.

"The open forum starts now."

Sa isang iglap lang nakita ko nalang ang mga nagliliparan na kutsilyo sa iba't ibang direksyon. parehong hinawakan ni Hydra at Victoria ang ulo ko para pwersahan na iyuko sa ilalim ng lamesa.

Nanlalaki ang mga mata kong nilingon si Hydra. seryoso ang mukha niya at may maliit na hiwa sa kanang pisnge niya at dumudugo iyon.

"Go run and hide!" nagmamadaling utos sa akin ni Hydra.

"Mukhang marami may sama ng loob sa'yo, Raini." Nag-aalang sambit ni Victoria bago bumato ng kutsilyo sa kung saan.

"Raini!" galit na sigaw ng kung sino.

Si Chesca?

"Tumakbo kana, Raini! ako haharap sa Chesca bwakanang shemay na 'to." Gigil na wika ni Hydra.

Okay? masyado na talaga siya maraming natutunan sa akin.

Nag-angat ako ng ulo at nagmamadaling tumayo para umalis. saglit pa akong napasulyap sa mga teachers na seryoso lang na nanonood. paglingon ko sa dadaanan ko hinarangan ako ni Astraea. malaki ang ngisi niya habang humahakbang papalapit sa akin habang ako naman ay humahakbang paatras.

Nagbaba ako ng tingin sa kutsilyo na hawak niya.

"Ramdam na ramdam ko talaga pag natatakot ka." Itinaas niya ang kutsilyo at handa ng itarak sa akin anuman oras.

Isang malakas na kamay ang pumigil sa kamay niya para saktan ako. umuwang ang labi ko habang nakatingin kay Draco kahit si Astraea gulat na nakatingin sa lalaking may hawak ng braso niya.

"Masyado palang marami ang may sama ng loob sa'yo." wika ni Draco nang hindi ako nililingon. malakas niyang tinulak si Astraea dahilan para sumalampak siya sa sahig at tumalsik ang kutsilyo palayo sa kanya.

"Thank you." nagmamadaling wika ko.

Kinapa ko ang kutsilyo sa ilalim ng dress ko nang makuha ko na iyon. mabilis akong lumabas sa venue marami pa akong estudyante na nakita na nagtatakbuhan. pero mas marami ang humahabol sa akin.

Expected ko na talaga na maraming galit sa akin, hindi na ako magugulat sa part na iyon. akala ko talaga isang normal na salu-salo lang ang mangyayari, patayan pala. Tumakbo lang ako kung saan ako dalhin ng paa ko. gusto ko lang magtago para makaligtas sa open forum na 'to.

Mabilis ko'ng nailagan ang kutsilyo na lumipad sa gawi ko, muntik pa akong madaplisan sa leeg ko'ng hindi ako agad nakaiwas.

"Raini, bumalik ka dito!" sigaw ng isang babae na hindi ko naman kilala.

"Hindi ako baliw para bumalik!" sigaw ko pabalik.

Sinong baliw ang babalik sa taong alam mong sasaksakin at sasaktan ka?

Hindi ako nagdalawang isip na pumasok sa gubat para makapagtago at maka-iwas sa gulo. bawat pagaspas lang ng dahon ng mga halaman at puno ang tangi kong naririnig. maya-maya lang may narinig narin akong mabilis na mga yabag.

Matunog ang bawat pag tapak ko sa mga tuyong dahon.

"Raini." pagtawag sa akin ng hindi pamilyar na boses ng isang babae.

Tumigil ako sa pagtakbo nang may isang braso ang sumakal sa leeg ko mula sa likuran ko. hinawakan ko ang brasong sumasakal sa leeg ko at pinipilit na tanggalin. nahigit ang paghinga ko nang maramdaman ko ang malamig na metal sa gilid ng leeg ko.

"Katapusan mo na yata? bibigyan kita ng choices kung saan mo gusto mamatay sa kapangyarihan ko ba o itarak ko nalang ang kutsilyo na 'to sa leeg mo?" ramdam ko ang pagngisi niya habang sinasabi ang mga katagang binitawan niya.

Nawala ang emosyon sa mukha ko at parang kinokontrol na naman ng kung sino ang katawan ko. Yumuko ang katawan ko dahilan para bumagsak siya sa harapan ko. narinig ko ang pagdaing niya dahil sa lakas ng pagkakabagsak niya. hindi ko masyado maaninang ang mukha niya dahil buwan lang ang nagsisilbing ilaw sa loob ng kagubatan.

Tinapakan ko ang kamay niya na may hawak na kutsilyo dahilan para mabitawan niya iyon sa sakit. hindi ko gusto ang ginagawa ng katawan ko pero wala akong magawa para pigilan ang sarili ko.

"Ikaw? any last message?" walang emosyon na tanong ko sa kaniya.

Gusto kong kumawala sa pagkakakulong sa loob ng katawan ko. parang may ibang nagmamay-ari sa katawan ko dahil hindi ko iyon makontrol. ganitong ganito yung nangyari kay Chesca!

Chalter please, help me! sigaw ng utak ko. Baka mapatay ko ang babaeng nasa harapan ko at walang kahit sino ang narito para awatin ang katawan ko.

Hinigit ng isa niyang kamay ang paa ko dahilan para bumagsak ako sa lupa at makawala siya. mabilis niyang ginapang kung nasaan ang kutsilyo. parang manhid ang katawan ko at hindi nakaramdam ng sakit mabilis kong hinila ang paa niya.

"Isa kang attention seeker!" nadaplisan ng kutsilyo niya ang braso ko.

Mas lalong nawala sa kontrol ang katawan ko.

NO!! NO!! PLEASE, NO!

Mabilis na itinarak ko ang kutsilyong hawak ko sa hita niya. umalingawngaw ang malakas niyang sigaw sa kagubatan dahil sa sakit na nararamdaman. isang malakas na sigaw ulit ang pinakawalan niya nang hugutin ko ang pagkakabaon ng kutsilyo sa hita niya.

"You bitch! I will kill you!" galit na sigaw niya.

"Then try harder." walang emosyon na wika ko.

Pinilit niyang gumalaw kahit patuloy ang pagtagas ng dugo mula sa hita niya.

Hindi ko agad nakita ang mabilis na pag galawa niya. dinaganan niya ako habang sakal naman ng kamay niya ang leeg ko.

"Mawawala ka rin sa Academy!" galit na sigaw niya at itinaas ang kamay niya na may hawak na kutsilyo.

Nagwawala ang kapangyarihan sa loob ng katawan ko. sigurado ako na hindi ang ability ko ang nagwawala, may iba pa. may malakas na pwersa ang ang lamabas sa kamay ko nang itulak ko siya. malakas na humampas ang katawan niya sa isang puno.

Sinugod ko siya habang nakaluhod pa siya sa lupa. tatarak na sana ang kutsilyong hawak ko sa likuran niya nang may isang mabilis na dumaan sa harapan namin at mabilis akong tinulak.

"Raini."

Napalingon ako sa pamilyar na boses ng isang lalaki. Siya na iyon, siya na yung hinihintay ko na pumigil sa akin. siya na yung tao na maasahan ko na aawatin ako.

Nakilala ko man ang tao na nasa harapan ko pero hindi ang katawan ko.

Tumayo ako mula pag kakasalampak sa lupa at kita ko ang gulat sa mukha niya nang sugurin ko siya. Pumatak ang luha sa mata ko sa sobrang pagpipigil. tumigil ako sa pagtakbo para sugurin siya pinipilit kong kontrolin ang sarili kong katawan.

"Raini?" nag-aalalang tawag niya sa akin.

Napahawak ako sa ulo ko dahil para yung sasabog sa sobrang sakit. napaluhod ko sa lupa at nabitawan ang kutsilyo na hawak ko.

"Ang sakit." daing ko habang nakapikit ng mariin.

Naramdaman ko nalang ang mga braso na yumakap sa akin. unti-unting kumalma ang katawan ko at bumabalik na ulit sa normal ang sakit ng ulo ko. sinubukan kong igalaw ang kamay ko para malaman kung totoo ba na nakokontrol ko na ulit ang sarili ko.

"Chalter." Luhaan ang mukha ko nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya. sumalubong sa akin ang mata niya na puno ng pag-aalala.

"I'm here."

Iyon nalang ang huli kong narinig bago dumilim ang paningin ko at tuluyan nawalan ng malay.

Continue Reading

You'll Also Like

176K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...