MYSTICAL ACADEMY: Play with F...

By 3umoiriety

61.8K 2.9K 667

Raini Zalana Evanescent is just a normal teen age girl not until she reached 18 and her life suddenly change... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
Author's note
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
ANNOUNCEMENT
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36

CHAPTER 21

1.1K 78 18
By 3umoiriety

AUTHOR'S NOTE: buong chapter 21 moments lang nila ito kaya wag kayong magulo HAHAHHAHAHAHAHAHAHHAHAHAH!

RAINI

"Bahay mo ito?" hindi ko maitago ang pagkamangha habang inililibot ang tingin sa bawat sulok ng bahay niya.

Sobrang laki naman kasi!

Syempre nung bahay. mas malaki pa ito kaysa classroom namin. pagpasok namin kanina, unang bumungad sa amin ay yung malaki niyang kama. naghihinala na nga ako na baka isang prinsipe talaga ang nakatira dito. walang paa ang kama niya dahil nakalutang iyon dahil sa isang makapal na kulay puting lubid. now i know kung bakit lagi namamalagi si Chalter dito pag lunch time. kahit ako naman ang nakatira sa ganito kagandang kwarto, hindi na talaga ako lalabas kahit nagpapatayan na labas ng academy.

Puti at pula ang nakikita kong kulay sa paligid. hindi niya naman mukhang favorite color iyon noh? amoy expensive ang kabuuan ng bahay niya.

Bumungad sa amin ang tanawin na nasa ibaba ng bundok nang hawiin niya ang malaking kurtina. sa likod pala ng kurtina ay isang malaking glass wall, dahil nasa itaas ng bundok ang Academy kitang kita ang tanawin sa ibabang bundok. bukas ang bibig na lumapit ako doon para makitanaw.

"Tagaytay feels." wala sa sariling sambit ko.

Bumaba ang tingin ko sa isang gintong vase na nasa gilid ko. alam ko na totoong ginto ito dahil wala namang fake sa lugar na ito.

Ang sarap palang pasukin nang bahay ni Chalter sa gabi habang natutulog siya. maraming gamit ang pwede ko isanla at ibenta, gawin ko kaya?

"Aperi lucem." napalingon ako nang magsalita si Chalter.

Ano daw?

Bumukas na naman ang mga labi ko sa pagkamangha nang umilaw ang mga naglalakihan na chandelier sa itaas ng kisame. dahilan para mas lalo lumiwanag ang paligid, mas malinaw ko tuloy nakita ang kabuuan ng bahay.

"Wow." isinampal niya lang naman sa akin kung gaano ako kahirap. lintek, high tech!

"Volo discumbere." wika niya gamit sa salitang latin.

Umangat ang kama pataas kasabay nang pagbukas ng kisame. pumasok ang kama doon bago ito magsara. iniluwa naman ng pader ang isang malapad at malaking sofa. pumalit iyon sa pwesto kung nasaan ang kama kanina.

Pasalampak na umupo si Chalter doon habang naiwan naman ako na laglag parin ang panga. ganito siya ka spoiled ni Mr. Themis para bigyan ng ganitong klase kagalante na bahay at kagamitan? si Mr. Themis nalang sana ang maging tatay ko sa next life, kung mayroon ngang ganoon. 

"Come here." tinapik niya ang sofa na para bang inuutusan ako na maupo sa tabi niya.

Hindi ako nakaramdam ng ilang para lapitan siya at umupo sa tabi niya. baliktad nga, imbes na mailang ako pakiramdam ko komportable pa ako.

Weird.

Nilingon ko siya nang makaupo ako sa tabi niya. naka side view siya kaya kitang kita ko ang mapipilantik niyang pilikmata at yung matangos niyang ilong. gusto ko tuloy takpan ilong ko, nakakahiya naman sa pointed nose niya pero hindi ko naman masasabi na pango ako. cute lang ilong ko, tama lang yung tangos niya hindi nakakasaksak.

"Okay ka na ba?" nagtagpo ang mga mata namin nang lingunin niya ako.

"Yeah." tipid niyang sagot habang tumatango.

Kahit sinabi niya na ayus lang siya habang kitang kita ko yung mga sugat niya sa iba't ibang parte ng katawan, nakokonsensya talaga ako. hindi ko mapigilan na sisihin ang sarili ko.

"Sa akin dapat yang mga sugat mo eh." nagbaba siya ng tingin sa braso niya nang mapansin na doon ako nakatingin.

"Gusto mo ba? hindi ako makikipag-agawan." napairap ako nang bahagya niyang inilapit ang braso niya sa akin.

Joker din pala ang isang ito, hindi halata.

"Solohin mo. ayaw ko masugatan ang makinis ko'ng balat." hinaplos ko pa ang balikat ko pababa sa braso.

Nahuli ko ang paglunok niya bago siya mag-iwas ng tingin. kinagat ko ang ibabang labi para pigilang matawa sa reaksyon na ipinakita niya. tsk, naku Chalter delikado ka na!

"Kamusta naman ang anim na araw mo habang wala ako?" saglit akong natigilan sa tanong niya.

"Okay naman?" hindi pa yata ako sure sa sagot ko ah. pwede mo bang sagutin ang tanong ng patanong?

Ha? Geh.

"Not sure?" umangat ang sulok ng labi niya.

"Medyo." kuno't noo na sagot ko.

"What?" halatang naguguluhan na siya sa mga sagot ko.

Ano ba kasing pinagsasabi ko? gusto kong sabunutan sarili ko dahil kung saan na naman yata lumipad ang utak ko. napahawak ako sa ulo ko habang malakas na umiling baka sakali na magising ang natutulog ko'ng utak.

Narinig ko siyang napabuntong hininga. nawiwerduhan narin siguro siya sa akin. baka isipin niya anim na araw lang siya nawala pero nabaliw na agad ako.

"Paanong medyo ba?" Hinarap ko ulit siya nang medyo umayos na pag-iisip ko.

"Half hindi kasi iniiwasan ko sila Lennox." hindi na siya kumurap sa dahil sa gulat. "Tapos half happy kasi may new friend ako. si Draco Castemont!" masayang wika ko.

"Draco?" naningkit ang mata niya nang ulitin niya ang pangalang binanggit ko.

"Oo, sa Class C? yung animal manipulator?" masayang wika ko.

"Tss. kaya naman pala naging close kayo, animal manipulator naman pala." nawala ang saya sa mukha ko dahil sa sinabi niya.

"Anong pinapalabas mo?" galit na tanong ko pero nag-iwas lang siya ng tingin. "Mukha ba akong hayop?" Napangiwi siya sa sakit nang mahampas ko ang braso niya na nakabalot ng benda.

Nakonsensya ako agad dahil hindi ko naman sinasadya. hindi ko talaga intensyon na hampasin yung sugat niya. kusa lang gumalaw ang kamay ko para hampasin siya.

"That's hurt." daing niya habang hawak ang braso. napasandal ang ulo niya sa sandalan ng sofa habang napapikit ng mariin.

"E-eh hindi ko sinasadya! Ikaw naman kasi e, dino-dogshow mo ako!" nagpapanic na wika ko. iniisip ko pa kung hahawakan ko ba braso niya o hindi.

Bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya.

"Why are you avoiding them?" napayuko ako sa tanong niya. "Kung iniiwasan mo sila, ako rin ba balak mong iwasan?" tinignan ko siya pailalim, sumalubong sa akin ang malamig niyang emosyon.

"Oo." pag-amin ko.

"As if you can avoid me." panatag na sagot niya habang nakapatong ang dalawang braso sa sandalan ng sofa.

"Yabang, kung makasagot ka akala mo sure na sure ka na hindi kita kayang iwasan." saan niya nakukuha ang kakapalan ng mukha? kaya ko siyang iwasan, gusto niya pa simulan ko ngayon.

"Hindi ka magiging ligtas kung ilalayo mo ang sarili mo sa akin."  huminga siya ng malalim pagkatapos niyang magsalita.

Wala sa sariling tumango ako biglang pagsang-ayon. "I agree."

"Hindi ka aangal?" gulat na tanong niya akala, niya siguro aangal ako sa part na iyon.

"I would not argue with that." marahan akong ngumiti sa kaniya.

"Why?" hindi makapaniwalang tanong niya habang sinusuri ang mukha ko. tinitignan kung may katotohanan ba sa sinabi ko.

"Oo, iyon din naman ang nararamdaman ko. I feel safe when I'm with you." napakibit balikat ako pagkatapos.

"I'm glad that you know." sumilay ang maliit na ngiti sa labi niya.

Huminga ako nang malalim saka tumingala sa malaking chandelier na nakasabit sa kisame.

"Kaya ko lang naman iniiwasan sila Lennox kasi pakiramdam ko mas lalo lang maraming nagagalit sa akin dahil napapalapit ako sa inyo." alam kong naramdaman niya ang lungkot sa boses ko.

"Why are you listening to them in the first place? do they have any significance? do their opinions matter?" Ang hinahon ng boses niya. sobrang gaan sa pakiramdam na marinig ang boses niya.

Napayuko ako. "Hindi. pero pag mas maraming galit sa akin mas malaki yung chance na pwede nila akong ipahamak."

Inangat niya ang mukha ko gamit ang daliri niya na nasa ilalim ng baba ko.

"Didn't I told you? as long as I'm with you, you don't have to worry about your safety." mahinahon ang boses na wika niya. habang ang puso ko naman ay parang sasabog sa hindi malamang dahilan.

"I know." Inalis ko ang pagkakapatong ng mukha ko sa hintuturo niya. "Pero hindi ako aasa sa'yo."

"You have no choice but to rely on me." Tumayo siya samantalang sinundan ko lang siya nang tingin papunta sa mini kitchen niya.

Tanaw naman mula dito sa kinauupuan ko ang mini kitchen niya dahil maliit lang iyon, pang kaniya lang talaga.

"Anong gagawin mo?" medyo nilakasan ko ang pagkakasabi niyon para marinig niya.

Nag-angat naman siya ng tingin sa akin. "Cook." maikling sagot niya.

"Busog pa ako." puno pa ang tiyan ko dahil kakain ko lang nung lunch time with Draco, syempre.

Sumilay ang ngisi sa labi niya. "Who said that I'm gonna cook for you?"

Okay, pahiya pero konti lang. lagi naman kita pinapangaralan self na nakakamatay ang pagiging assuming. saan ako nagkulang ng paalala sa'yo?

"Am I not allowed to cook for myself because I'm starving?" pagsasalita niya pa.

"Oo na nga di'ba? ayaw manahimik." masyado na siya maraming sinasabi. tipid pa naman siya magsalita baka mamaya maubusan na siya ng sasabihin.

Hindi parin pala nakakatuwa kay Chalter ang pagiging madaldal. magaling pala siya mambara at mamilosopo. narinig ko pa siyang natawa nang mahina.

"Bakit mo nga pala ako pinatawag? gusto ko himatayin sa gulat na pinapunta mo ako sa bahay mo." and take note pinapasok pa.

Ako lang naman ang kauna-unahang tao na nakatapak sa loob ng pamamahay ni Chalter. Pwede nang isulat iyon sa libro ng History. I feel proud!

Tumayo ako para lapitan siya na abala sa pagluluto ng pagkain niya.

"Kasi may pag-uusapan tayo." hininaan niya muna ang apoy bago humarap sa akin. hindi simple paghina ng apoy sa gasol ang ibig ko'ng sabihin. kontrolado niya ang apoy dahil sa abilidad niya.

Umupo ako sa vanity chair kaharap ng counter. pinagmamasdan ko lang ang bawat galaw niya.

"Bakit hindi mo tawagin na Daddy si Mr. Themis?" biglaan ko nalang na tanong.

Malaki ang mga mata niya na humarap siya sa akin. "I would choose to die than to call him Dad." nandidiri ang mukha niya habang nagsasalita.

Natawa naman ako. "Mabait si Mr. Themis, anak ang turing niya sa'yo. hindi mo ba siya tinuturing na parang ama mo?" nadagdagan pa ang pandidiri sa ekspresyon niya dahil sa sinabi ko.

Napakaarte naman ng lalaking ito. grabe siya pahalagahan ni Mr. Themis tapos siya parang walang pakialam.

Sinalpakan niya ng malaking tinapay ang bibig ko nang magsasalita pa sana ako. tignan mo itong lalaking ito, napaka bastos!

"Stop that, okay?" dinuro niya ang bibig ko.

Pagalit na tinanggal ko ang tinapay na nakasalpak sa bibig ko. sinamaan ko siya ng tingin pero ganoon din ang ginawa ni Chalter, naglalabanan lang kami ng sama ng tingin.

"Stop that, you wouldn't win." Tumalikod siya sa akin at pumunta sa lababo.

Naningkit ang mga mata ko nang makaisip ng kalokohan para makaganti. Binuksan niya ang gripo at walang tumagas na tubig doon. mabilis akong tumingala sa kisema at nagkunware na walang alam nang lingunin niya ako.

"Huwag mo nang hintayin na bilangan kita." napanguso ako dahil sa seryoso niyang boses.

Gusto ko pa sana makipaglaro pero pikon itong kalaro ko, tapos masama pa magalit. bumagsak ang balikat ko at tinigil ang pagkontro sa tubig. tumagas na ang gripo kaya pinagpatuloy niya ang paghuhugas ng kamay.

Tahimik lang ako habang naghahanda siya ng pagkain niya. mukha lang akong audience  nang isang boring na cooking show habang pinapanood siya.

Hindi nakakaboring panoorin yung mga topless na nagluluto, biro lang syempre! baka huminto paghinga ko pag naghubad ng tshirt itong nasa harapan ko.

"Ang bango naman." pagbasag ko sa katahimikan. napangiti siya dahil sa sinabi ko.

"Thanks." may pagmamalaki sa boses niya.

"Amoy baby johnson." Bumagsak ang balikat niya dahil sa sinabi ko. hindi naman niya nagets ang sinabi ko di'ba? tell me, hindi naman?

"Pero hindi baby johnson ang niluluto ko." malungkot niyang wika na nagpaluwag sa dibdib ko.

Mabuti naman at hindi niya nga na gets. wala talaga akong natutunan na maganda sa Mortal Realms puro kabaduyan lang.

"Biro lang." hindi na natanggal ang simangot sa mukha niya kahit sinabi ko na biro lang.

Hindi ba talaga pwede mag biro sa lalaking ito? lagi nalang siniseryoso ang lahat ng bagay kaya lagi mukhang stress eh.

"Anong luto iyan?" tanong ko nang ilapag niya sa counter ang niluto niya.

Ngayon amoy na amoy ko na talaga ang mabangong aroma ng pagkain. busog ako kanina pero parang biglang naging walang laman ang tiyan ko at nagutom ulit.

"Slow-simmered burgundy beef stew."

Kakasabi niya lang ng pangalan pero nakalimutan ko agad. slow lang ang natandaan ko kasi iyon lang ata kinayang tandaan ng utak ko.

"Hindi ba ito adobo?" baka naman adobo special lang ito tapos pinasosyal lang yung pangalan para mag mukhang elegante.

Nanubig yata ang bagang ko habang pinagmamasdan ang niluto niya. amoy palang, masarap na.

Nagpunas siya nang kamay bago umupo sa kaharap kong silya. sa isang vanity chair din siya nakaupo. kumuha siya ng plato sa ilalim, may drawer yata doon sa ibaba ng counter.

"Gusto mo tikman?" nakagat ko ang ibabang labi ko. hindi na ako nagdalawang isip na kuhanin ang tinidor na inabot niya.

Itinusok ko agad ang tinidor sa karne habang siya naman ay nag pupunas ng plato na gagamitin niya.

Napapikit ako nang nguyain ko yung karne. isa lang ang masasabi ko, kung nasa mortal realm si Chalter papasa siya bilang isang the best na chef sa buong mundo. gustong umiyak nang mata ko pero ayaw ko dahil ang OA ko nun.

Naiyak sa sarap? ay, iba yata iyon.

"How does it taste?" napamulat ako ng mata nang mag tanong siya.

Seryoso lang ang mukha niya habang hinihintay ako na sumagot. hindi agad ako makasagot dahil nanguya pa ako kaya naman nag thumbs up nalang muna ako sa kaniya.

Pagkatapos ko lumunok nagsalita na ako. "The best, grabe! first time ko lang makatikim ng ganyan kasarap na pagkain. bakit hindi nalang ikaw ang magluto sa canteen? for sure tataba ako!" mahabang litanya ko.

"No, thanks. nagluluto lang ako ng pansarili ko." seryosong wika niya bago magsimulang kumain.

"Ang damot mo talaga noh? una ayaw mo may makapasok sa bahay mo, ang ganda ganda ng bahay mo! pangalawa nagluluto ka lang para sa sarili mo, ayaw mo i-share sa iba kung gaano ka kasarap magluto?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

Kung may ganiyan lang sana akong skill sa pagluluto hindi ko iyon itatago. buong baranggay ako mag papalamon!

"Thank you for boosting my confidence." marahan siyang ngumiti sa akin.

Inismiran ko naman siya. "Madamot ka."

"Call me madamot but I really want to cook just for myself." kibit balikat niyang sabi bago ipinagpatuloy ang pagkain.

"Dami mo say, kuha mo nga ako plato diyan!" demanding na utos ko sa kaniya habang inginunguso ang drawer sa ilalim niya.

Natawa siya bago sumunod sa utos ko at kinuhanan nga ako ng plato. hindi pala siya nagpapatikim ng luto niya, edi sulutin ko na ito baka wala ng next time. hindi pwede sayangin ng tiyan ko ang opportunity na ito.

Hindi niya lang ako pinagkuha ng plato kundi pinagsandok niya rin ako.

"Mukhang natutupad na yata ang kagustuhan ko na maging mabait ka ah?" pang-aasar ko nang ilapag niya ang plato sa harapan ko.

"Ayun naman ang gusto mo di'ba? maging masaya ka nalang." seryosong sagot niya habang naglalagay ng ulam sa plato ko.

"Anong ginawa ko para maging mabait ka sa akin ng ganiyan?" tanong ko nang matapos niya akong ipaghain.

Seryoso siyang tumingin sa akin. "I keep asking myself the same question, Miss Evanescent."

"And still you don't know the answer, Mr. Evigheden?" nakataas ang dalawang kilay na tanong ko.

"I'm still looking for the answer, Miss Evanescent." tumango nalang ako at hindi na nagdugsong ng tanong para sa topic na iyon.

Para kaming ewan habang tinatawag ang isa't isa sa epilyedo namin.

"Yung sa manghuhula pala?" ako na ang nagbukas nang usapan tungkol doon.

Napatigil siya sa pagnguya. "Huwag mo ng intindihin iyon." nagpatuloy ulit siya sa pagkain.

Hindi natanggal ang tingin ko sa kaniya. "Hindi ko pwedeng palampasin iyon hinintay kita para pag-usapan ang tungkol doon. alam mo ba na pinapahanap ni Mr. Themis yung manghuhula sa plaza?"

Ininuman niya ang baso na nasa gilid niya. "Nalaman ko." tumatangong sagot niya.

"Nahanap ba nila?" kinakabahan na tanong ko.

Umiling siya. "No. huwag mo nang intindihib iyon dahil nagsisinungaling lang yung manghuhula."

Hindi ko magawang mapanatag sa sagot niya. "Paano mo nasisiguro na nagsisinungaling siya?" paninigurado ko.

"I just know." nagkibit balikat nalang siya at pinag patuloy ang pagkain.

"Paanong you just know?" huminga siya nang malalim mukhang nakukulitan na siya sa akin.

May karapatan naman talaga ako magtanong dahil involve ako sa itanatanong ko. hindi pa masyadong maliwanag sa utak ko ang sinabi ng manghuhula. tumatak lang sa utak ko na ako daw ang sisira ng lahat.

"Gusto niya lang guluhin ang utak mo, tulad nang nangyayari ngayon." inilahad niya pa ang kamay sa akin, sinasabi na tignan ko ang sarili ko.

Nag-iwas ako ng tingin. "Totoo ba? bakit naman siya ipapahanap ni Mr. Themis?"

"Para hindi na siya makapanggulo ng iba." mabilis niyang sagot.

"Kung ayon lang naman pala ang rason bakit galit na galit doon sa manghuhula?" pagtatanong ko ulit.

Humigpit ang paghawak niya sa kutsara. "Kasi guguluhin niya lang ang isip mo." matigas niyang sagot.

"Hindi ka nagsisinungaling?" tumaas ang isang kilay ko.

Hindi makapaniwala niya akong tinignan. "Why would I lie to you?"

"Bakit nga ba?" napairap siya nang sundan ko ang sinabi niya ng isa pang tanong.

"Kaya ka napapahamak kasi hindi ka marunong makinig." umigting ang panga niya saka nag iwas ng tingin.

Sumuko na ako dahil sa sinabi niyang iyon. hindi lang sarili ko ang ipinapahamak ko sa katigasan ng ulo ko, pati siya nadamay. kailangan ko na yata pag-aralan ang pagiging masunurin at kailangan ko rin pigilan ang sarili ko na ma-curious sa mga bagay bagay.

"Sorry." ilang beses na ba akong nagsasabi ng sorry?

"Kill your curiousity before it kills you."

Nasira ko pa tuloy ang masarap na pagkain namin dahil sa kakulitan ko. pero hindi ako nagsisisi na nagtanong ako atleast natahimik ang utak ko kakaisip tungkol doon sa manghuhula.

Hindi sana nagsisinungaling si Chalter sa akin para lang mapanatag ang loob ko.

"I trust you. sapat na yung sagot mo para mapanatag ako." ngumiti ako sa kaniya pero hindi niya ako nagawang ngitian pabalik.

"Pwede mo'ng sabihin sa akin ang kahit na anong sekreto mo, mapagkakatiwalaan mo ako." malaman na sambit niya.

Ano ang ibig niyang sabihin na pwede kong sabihin sa kaniya ang kahit na anong sekreto ko? may nalalaman ba siya tungkol sa pinaggalingan ko?

"Sure." Iyon nalang ang isinagot ko sapat na iyon para mapangiti siya.

"That's good." nakangiting wika niya at hinablot ang kamay ko na nakapatong sa lamesa ng counter. "Now. could you tell me where did you get this ring?"

Umuwang ang labi ko habang nakatingin sa kamay ko na hawak niya. kung saan nakasuot ang misteryosong singsing sa daliri ko.

Agad kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya. nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Chalter na nasa harapan ko.

"I thought you trust me?" kuno't noo na tanong niya pa sa akin.

"Alam mo?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Anong alam ko? tinatanong ko lang kung saan mo nakuha ang singsing na iyan." sumulyap siya sa singsing na nakasuot sa daliri ko.

Mabilis ko iyon na tinakpan ng isa kong kamay para itago. napabuntong hininga siya dahil sa ginawa ko.

"You're reacting excessively." tumayo siya sa kinauupuan at umikot para lapitan ako.

Umupo siya sa tabi ko. "Bakit mo gusto malaman ang tungkol sa singsing?" pagtatanong ko habang tinatakpan parin ang singsing na suot.

"I just want to know if that's the crystal portal." parang nakikiusap ang mga mata niya habang nakatingin sa mga mata ko.

Crystal portal?

Iyon ba ang tawag sa crystal na nasa loob ng singsing na suot ko. kaya umiilaw siya kapag hinahawak ko yung libro na tungkol sa portal papuntang mortal realm.

"Paano kung ito nga?" marahan niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko para iharap sa kaniya ng maayos.

"Raini, kung iyan nga yung matagal na naming hinahanap..." lumunok siya bago magpatuloy.  "Nasa panganib ka."

"W-what do you mean?" naguguluhan na tanong ko dahil wala talaga akong maintindihan.

Hindi sumisiksik sa utak ko ang sinabi niya.

"Marami ang naghahanap ng Crystal na iyan. Ako, Si Kuro Mesha, ang mga teachers, si Dumus at si Achylus ang god of darkness." umuwang ang labi ko sa sinabi niya.

Nasa panganib nga ako. kung pati ang mga kaaway hinahanap ang cystal na suot ko, nasa panganib nga talaga ako. umusbong ang takot sa puso ko habang mahigpit na tinatakpan ang singsing ko.

"Ikaw? bakit isa ka sa mga naghahanap?" tanong ko sa kaniya.

"May tao akong gustong hanapin sa Mortal Realm." mahinahon na sagot niya.

"Sino?"

Umiling siya. "Hindi mo na kailangan malaman, it's just someone important to me. pwede mo bang ipagkatiwala sa akin ang singsing mo?"

Hindi ko makapa ang isasagot ko sa gusto niyang mangyari. I trust him, wala naman siyang masamang balak dahil kilala ko siya.

"May mga estudyanteng espiya ng mga kalaban ang nagkalat sa loob ng academy, Raini. pinapahuli pa sa amin ni Mr. Themis kung sino, kaya hindi ka ligtas hanggat na sa'yo yung singsing." mahabang paliwanag niya.

"Hindi ko alam kung saan galing ang singsing na'to." nagbaba ako ng tingin sa daliri ko. "Basta pag gising ko nakasuot nalang siya sa daliri ko." pag-amin ko.

Binitawan niya ang magkabilang balikat ko kaya naagaw niya ulit ang atensyon ko. seryoso ang mukha niya at mukhang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"That's impossible." bumalik ang lamig sa boses niya.

"Hindi ka naniniwala? pero iyon talaga ang totoo! ilang beses ko narin ito sinubukan na hubarin pero ayaw matanggal... " inilapit ko sa kaniya ang daliri ko. "Try to remove it, papayag akong patayin mo ako mismo sa kinauupuan ko kapag natanggal mo." matapang na hamon.

"I'm not stupid to do that." hindi niya pinansin ang daliri ko na nakalahad sa harapan niya.

"Try mo nga!" inilapit ko pa lalo ang singsing sa kaniya.

Nagbaba siya ng tingin dito at bahagya pang napalunok habang pinagmamasdan ang sinsing sa daliri ko.

Marahan niyang hinawakan ang kamay ko at inumpisahan ng subukan tanggalin ang singsing. ngunit kahit anong hila ang gawin niya hindi nabago ang pwesto ng singsing sa daliri ko. ilang beses niya pang sinubukan sa paraan na hindi ako masasaktan habang pilit niyang tinatanggal ang singsing.

Sumuko nalang siya at umiiling habang nakatingin sa singsing.

"See? I told you." Ibinaba ko ang kamay ko.

"Paanong nangyari na naisuot sayo kung sobrang sikip ng singsing?" salubong ang kilay niya, gulong gulo narin siguro.

Nagkibit balikat ako. "Iyan din ang tanong ko nung panahon na sinubukan ko ito tanggalin." hindi ko akalain na ganito pala kaimportante ang naligaw na singsing sa daliri ko.

Hinigit niya ako patayo, nagpatianod nalamang ako sa paghila niya at dinala ako sa lababo. Inilagay niya ang kamay ko sa tapat ng gripo, binuksan niya iyon at bahagyang nilagyan pa ng dishwashing liquid ang daliri ko kung nasaan yung singsing.

Sinbukan niya ulit tanggalin ang singsing. naramdaman ko ang hapdi dahil pakiramdam ko mas lalong sumikip yung singsing habang pinipwersa niya tanggalin.

"I'm sorry! I'm sorry!" nag panic kami pareho nang makitang dumudugo ang daliri ko.

"A-ang hadpi." naiiyak na wika ko. talaga naman na mahapdi dahil may dish washing liquid pa yung sugat.

Tumulo ang dugo ng sugat ko sa lababo. binuksan ni Chalter yung gripo at marahan na hinugasan ang daliri ko na nagdudugo.

Impit akong napahikbi dahil naramdaman ko parin yung kirot. tiniis ko lang na huwag mag reklamo dahil baka magalit siya.

Ang sakit, awit! sinugatan niya pa ako.

"Sorry." nabakasan ko ang pag-aalala sa boses niya.

Binawa ko ang kamay ko pagkatapos niya iyon hugasan. nakanguso ako habang nakatingin sa sugat ko. kakahugas lang niyon pero lumabas na naman yung dugo.

Pinahid ko yung luha na tumulo sa pisnge ko. "Ayos lang." may sama ng loob talaga ako dahil pinilit niya.

"Sorry, hindi ko talaga sinasadya na masugatan ka." ramdam ko ang konsensya at pagsisisi sa boses niya.

Puno ng luha ang mga mata ko na nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Ganoon ka ba talaga ka deserado na matanggal sa akin yung singsing para magawa mo yung gusto mo? sinabi ko na kasing hindi nga matanggal." puno ng hinanakit na wika ko. nawala na naman ang emosyon sa mukha niya kaya hindi ko na naman siya mabasa.

"Oo... desperado ako na matanggal sa'yo yung singsing pero hindi dahil sa kailangan ko iyan kundi dahil nag-aalala ako sa'yo." malamig ang boses na wika niya.

Napayuko nalang ako dahil hindi na talaga masusulusyonan na nasa panganib nga ako, dahil ayaw talaga matanggang ang singsing na nasa daliri ko.

"Nasa panganib ka... sinusubukan ko lang yung makakaya ko para iligtas ka."

"Ano ka, Hero?" nagawa ko pa siyang pilosopohin lalo lang tuloy naging seryoso ang mukha niya.

"Hindi na biro ang tungkol sa bagay na iyan." seryosong wika niya.

"Ano gusto mo putulin ko kamay ko?" galit na tanong ko sa kaniya.

"Kung pwede lang. mas okay na mawalan ka ng daliri—" hindi niya na naituloy ang sasabihin niya dahil napahagulgol na ako sa iyak.

Hindi ko labis na maisip na mawawalan ako ng daliri! aabot sa punto na puputulan ako ng daliri.

"H-hindi na." hinagod niya ang likod ko. "Hindi ko naman gagawin iyon." mahinahon pa niyang sabi.

Pagkatapos niyang sabihin na okay lang na mawalan ako ng daliri? sinong hindi iiyak dun?

"Wala na ba'ng ibang paraan?" I sobbed.

"Si Kuro Mesha lang ang naiisip ko pero wag muna." hinila niya ako palabas ng kusina. "Let me clean your wound."

Pinaupo niya ako sa sofa pagkatapos ang ay umalis siya saglit, pagbalik niya may dala na siyang first aid kit.

"May nakakaalam pa bang iba tungkol sa singsing mo? o may iba pa ba na nakakita sa singsing mo?" Pagtatanong niya habang nilalagyan ng band aid ang sugat ko.

Napaisip naman agad kung may tao ba na nakapansin ng singsing ko.

Parang wala naman—

"Si Clyde." nakatulalang sambit ko nang maalala na tinignan ni Clyde ang singsing ko noon.

"Si Clyde?" natigilan siya nang ulitin niya ang pangalan ng binaggit ko.

Napatingin ako sa kaniya.

"Ayun yung panahon na sinabi niya na huwag akong magtitiwala kahit kanino."

May alam ba si Clyde?

Continue Reading

You'll Also Like

176K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...