MYSTICAL ACADEMY: Play with F...

Bởi 3umoiriety

61.8K 2.9K 667

Raini Zalana Evanescent is just a normal teen age girl not until she reached 18 and her life suddenly change... Xem Thêm

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
Author's note
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
ANNOUNCEMENT
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36

CHAPTER 20

1K 78 18
Bởi 3umoiriety

RAINI

Lumipas ang limang araw hindi ko parin nakikitang pumapasok si Chalter sa klase. araw-araw kapag nasa classroom binabantayan ko yung pinto nagbabakasakali na pumasok siya. nagpapahinga parin siya hanggang ngayon. hindi pa daw kasi magaling ang mga sugat na natamo niya ayon sa narinig ko.

Kung pagtsismisan nga ako ng mga estudyante dito harap harapan. ipinaparinig talaga nila sa akin kung paano nila ako sisisihin sa nangyari kay Chalter.

"Hoy, ikaw ha! may ka-close ka na pala sa taga Class C." sinamaan ko ng tingin si Hydra nang sundutin niya ang tagiliran ko.

"Ang issue mo, kaya walang nagkakagusto sa'yo eh." lumaki ang mata niya.

Naglalakad kami patungo sa cafeteria dahil lunch break na. kakatapos lang ng klase namin kay Mr. Thompson.

"Foul yan, Raini! kabastusan ang tawag diyan." dinuro niya pa ako habang hindi makapaniwala ang muka niya.

"Totoo naman ah?" eka nga truth hurts.

Totoo naman din ang sinabi niya na nagiging close nga kami ni Draco. sumasama ako sa kaniya pag pumupunta siya sa gubat para bisitahin ang mga anak niya doon, which is yung mga hayop nga. I swear isa siyang magiging mabuting ama in the future. sa pamamaraan niya sa pag-aalaga ng mga hayop? the best talaga.

Lodi ko nga siya!

"Nandiyan si Marcus." may pagmamalaki pa sa boses niya.

Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kaniya, ginaya niya naman ako.

"Si Marcus?" pag-uulit ko na paraan na parang hindi ako makapaniwala.

Kumunot ang noo niya. "Oo, bakit?"

Mahina akong tumawa. "Ayon, busy kay Chesca."

Hindi naman sa gusto ko siyang malungkot pero ayon talaga ang napapansin ko. laging magkasama si Marcus at Chesca kahit pagkakain ako sa cafeteria nakikita ko sila.

Hindi ko masisisi si Marcus, sa dami ba naman lalaki ni Hydra sinong lalaki ang magseseryoso dito?

"Sa totoo lang... " nagpatuloy ulit kami sa paglalakad. "Ang weird ng feelings ko." kahit tumawa siya ramdam ko ang lungkot sa tawa niyang iyon.

"Anong weird?" hindi ko na kailangan mag tanong dahil alam ko naman na ang sagot. Iba parin kung sa kaniya mismo manggaling.

"Dito... " inilapat niya ang hintuturo sa dibdib kung nasaan ang puso niya.

"Oh, anong meron diyan?" sa katunayan masaya ako dahil natututo na siya kung paano magmahal kaso lang mukhang doon pa sa taong hindi siya mahal.

"Masakit. mabait si Marcus e, kahit sa kaunting oras nahulog ang loob ko sa kaniya." mapait na kwento niya.

"Ganoon talaga." tinapik ko pa nang marahan ang likod niya.

"Scary pala ma-fall." pareho kaming natawa sa sinabi niya.

"Ayus naman ba kayo nung huling pag-uusap niyo?" Tanong ko sa kaniya dahil imposible naman na walang rason para bigla nalang siyang iwan ni Marcus sa ere.

Nang lumihis ang tingin ko kay Hydra kita ko na naman ang mapanghusga na tingin ng ilang estudyante. mas mabuti pa ibinalik ko nalang ang tingin kay Hydra.

"Okay talaga kami. tapos ayon pag gising ko hindi niya na ako nilalapitan kasi abala na pala sa iba." Ngumiwi pa siya.

"Naniniwala ako na may dahilan si Marcus." wala naman kasi sa itsura ng lalaki na manloloko siya.

I forgot pala, looks can be deceiving.

"Ano naman dahilan niya para pandirian ako?" sarkastikong tumawa siya.

"Anong pandirian?" bahagya ko pa na tinulak ang balikat niya.

"Seryoso nga, Raini. the way he looks at me? para siyang nandidiri." seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin.

"Alam mo, gutom ka lang kaya iba na nakikita mo." Hinila ko ang kamay niya at binilisan nalang na maglakad papuntang cafeteria.

Kumukulo na talaga tiyan ko sa gutom. tama sila Hydra nang sinabi sa akin noon. nakakasawa nga ang pagkain sa cafeteria dahil paulit-ulit nalang. keri lang, masarap naman sosyalin parin.

Maraming estudyante ang kumakain nang makarating kami sa cafeteria. natanaw ko ang table kung saan kumakain sila Lennox. sa dulo naman nakita ko rin ang table kung saan kumakain si Draco. iniisip ko pa kung saan table ako lalapit.

"Kila Lennox tayo." seryosong wika ni Hydra nang mapansin na palipat-lipat ang tingin ko sa dalawang lamesa.

"Mag-isa lang si Draco eh." Nakatuon lang ang tingin ko kay Draco na abala sa pagkain.

Napapadyak sa sahig si Hydra. "Raini naman! kila Lennox tayo!"  kumamot pa siya sa ulo niya ng malakas.

"Sige." kumislap ang mata niya sa tuwa dahil sa isinagot ko.

"Let's go!" nakakadalawang hakbang palang siya nang magsalita ulit ako.

"Kila Lennox ka, sa table naman ako ni Draco." Hindi ko na siya hinintay na makasagot dahil naglakad na ako papunta sa direksyon ni Draco.

"Raini!" rinig ko pang tawag ni Hydra sa akin.

Hindi ko na naisip na lingunin si Hydra. nakita ko pang napalingon sa akin sila Lennox nang lagpasan ko ang lamesa nila. hindi naman sa pagtataray mas ayos narin siguro kung lumayo ako sa kanila. sila ang dahilan kung bakit din maraming galit sa akin.

Nahinto ang pagsubo ni Draco sa kutsara nang umupo ako sa kaharap niyang silya. ngumiti ako nang matamis dahil sa gulat niyang ekspresyon. hindi niya siguro ako ini-expect na makasama sa isang lamesa.

"H-Hey?" kumurap pa siya ng ilang beses.

"Sama ako sa'yo mamaya sa gubat." hinila ko papalapit sakin ang plato na kinakainan niya. "Order ka nalang ulit, tinatamad ako tumayo eh."

Natawa naman siya. "Okay." Tumayo siya para kumuha ulit ng pagkain.

Nang makaalis si Draco pasimple ko'ng nilingon ang gawi nila Lennox. ramdam na ramdam ko ang talim ng tingin ni Lennox sa akin. gusto na yata ako patayin ng isang to ah? kung makatingin parang malaki atraso ko sa kaniya?

Abala si Airlys at Hydra sa pagkikwentuhan ganoon rin sila Viorica at Reeci. ay kaya siguro galit sa akin si Lennox inagawan siya ni Hydra ng kausap. Umuwang ang labi ni Lennox nang irapan ko siya.

Sakto dumating si Draco.

"Bakit hindi ka sumalo sa mga kaibigan mo? baka magalit sila sa'yo?" Lumingon siya sa table nila Lennox.

Umiling ako. "Hindi iyon."

Tumango pa siya bago nagsimulang kumain. napahinto na naman ang pagsubo niya nang makita na nakatingin lang ako sa kaniya.

"What? may problema ba?" bakas ang pag-aalala sa boses niya dahilan para mapangiti ako.

"Wala naman." nakangiting sagot ko.

"Eh, ano? interesado ka kung paano ako kumain?" kunot noo niyang wika.

"Wala nga. sa mga hayop na inaalagaan mo sino pinaka malapit sa'yo?" halos lahat kasi nang hayop sa gubat malapit sa kaniya kaya curious ako kung sino yung pinaka malapit sa kaniya.

Tumingala siya bago sumagot. "Si  Chimon." nakangiting sagot niya.

Naguluhan ako dahil may hayop ba na chimon? "Anong klaseng hayop iyon?" pagtatanong ko pa.

"Hindi mo pa siya nakikita kasi wala siya sa gubat. isa siyang dragon, Chimon lang ang pangalan." tango nalang ang nagawa ko.

"Gusto ko siya makita." excited na wika ko. nakakita ako ng mga drago na nagliliparan sa palibot ng academy. iba parin kapag nakita mo na nang malapitan.

"Sure, siguro next time." Hindi na ako nagsalita pabalik para makakain na kami nang maayos.

Mabilis natapos ang lunch break. nagpaalam sa akin si Draco na may importante pa siyang gagawin. gusto ko nga sana sumama sa kaniya dahil free time ko naman. pero mukhang imporatante talaga gagawin niya ayaw ko naman maging panggulo.

Naisipan ko nalang ang pumunta sa dorm since wala naman na akong pwedeng tambayan para magpalipas ng oras. kung tatambay ako sa garden or sa tunnel nang mag-isa, maiinis lang ako sa estudyante na grabe makatingin sa akin. baka makabulag pa ako ng tao nang wala sa oras.

Habang nakahilata sa kama hindi ko maiwasan na hindi isipin si Chalter. Limang araw na ang nakalipas sigurado ako na okay na siya na parang hindi pa yata. kasi kilala ko iyon kahit hindi kami close. kung okay na talaga siya, lalabas iyon ng kwarto niya dahil matigas ang ulo niya. kapag gusto niya, gusto niya walang makakapigil doon.

Ilang araw ang lumipas hindi parin siya nag papakita. isa lang ibig sabihin niyon, napuruhan talaga siya.

"Nakikinig ka ba, Raini?"

Bumalik sa reyalidad ang isip ko nang marinig ang boses ni Victoria. nakaupo siya sa pinakadulo ng kama ko.

"Ha? kailan ka pa napunta diyan?" gulat na tanong ko sa kaniya dahilan para mapabuntong hininga siya.

"20 mins na akong nandito at kanina pa ako nagkikwento sa'yo." sinamaan niya pa ako ng tingin.

Kanina pa pala siya nandito? buong akala ko mag-isa lang ako dito.

"Hindi ko napansin na pumasok ka, pasensya na." bumangon ako para umayos nang pagkakaupo sa kama.

"Nasayang lang pala ang laway ko kakakwento hindi mo naman pala narinig." puno nang sama ng loob na wika niya.

"Sorry na nga. ano ba kasing kinikwento mo?" sumilay ang isang maliit na ngiti sa labi ko.

"Sabi ko... wala tampo ako." Umirap siya habang nakanguso.

Napakamot ako sa kilay dahil hindi talaga ako marunong manuyo. mas sanay ako na ako palagi ang sinusuyo.

Ganda ako e! ganoon talaga.

"Ano nga kasi?" pangungulit ko.

Pinamulahan ang buong mukha niya saka napayuko na para bang nahihiya sa ikikwento niya. napamaang ako nang bigla niya akong hampasin sa braso.

"Kinwento ko na kasi kanina eh! ayan tuloy uulitin ko na naman, nakakahiya." pagalit niyang sabi.

Napahimas nalang ako sa braso ko na hinampas niya. gusto ko maiyak nagiging brutal na si Victoria. hindi na siya yung dating nakilala ko na mahinhin at sweet na babae. nagtransform na siya sa isang brute at badass na babae.

"Porket napapadalas bonding niyo ni Raven natuto ka nang manakit? ayan ba ang tinuturo niya sa'yo sa araw araw na magkasama kayo?" tinakpan niya ang dalawang pisnge dahil lalo siyang namula nang banggitin ko ang pangalan ng lalaki.

So, alam na. alam ko na kung tungkol kanino ang ikikwento niya.

"Come on! spill the tea, sis!" mas lumapit ako sa kaniya sabay malakas na niyugyog ang balikat niya.

"Ito na nga... " huminga pa siya nang malalim at napapaypay sa mukha niya gamit ang palad.

"Ano?" naiinip na ako.

Deretso siyang tumingin sa akin. "Nililigawan na ako ni Raven."

Tinakpan niya ang bibig para pigilan ang sarili na tumili pero ako na ang tumili para sa kaniya.  nabasag yata eardrums ko sa sarili kong sigaw. pasimple ko pang hinila yung buhok niya sa sobrang kilig. hindi, ang totoo niyan kaya ko siya sinabunutan kasi naiingit talaga ako.

"Putulan na natin buhok mo!" tuwang tuwa pa na wika ko.

Nagtaka naman siya. "Bakit?"

Napapairap nalang ako sa kainosentahan ng babaeng ito.

"Ang haba kasi ng hair mo!" hinila ko ulit ang dulo ng buhok niya.

Napahawak siya sa dulo ng buhok niya. "Hindi naman. hindi na nga humahaba eh." nakasimangot pa ang mukha niya.

"Geh." pagsuko nalang. hindi naman talaga niya magegets kahit ipaliwanag ko ang ibig kong sabihin.

Bumalik ang saya sa mukha niya. "Pinayagan ko siya manligaw kasi naabot niya yung standard na gusto ko sa isang lalaki." masayang wika niya.

I believe Raven is a good man. I also see that he likes Victoria, so there is no reason for me not to agree with Raven's courtship.

"Hati ang nararamdaman ng puso ko sa inyo ni Hydra." nagsalubong ang kilay niya dahil sa sinabi ko.

"Bakit anong meron?" bumalatay sa mukha niya ang pag-aalala.

"Masaya ako para sa'yo. malungkot naman ako para kay Hydra." hindi ko magawang ngumiti nang malaki nang maalala ko si Hydra.

Even though Hydra didn’t say how she felt, I knew she was secretly hurting. kahit lahat ng lalaki sa academy crush niya hindi parin mapapalitan yung katotohanan na nag level up yung feelings niya para kay Marcus.

"Ano ba nangyari daw?" tanong ni Victoria.

"Bigla nalang siyang iniwasan ni Marcus tapos one day si Chesca na ang laging kasama ni Marcus." pagkikwento ko sa kaniya. hindi ako fake news, dahil kwento ni Hydra iyon.

"Ganoon lang? walang sinabing reason si Marcus?" hindi makapaniwalang wika niya, tango lang ang tanging naisagot ko.

"Hindi nga ako naniniwala kay Hydra na walang reason." umiiling na sabi ko. sa itsura ni Marcus mukhang hindi mang-iiwan nang walang dahilan iyon.

"Same. na sense ko naman na gusto niya si Hydra kaya imposible nga na walang dahilan." pagsang-ayon ni Victoria.

"Hayaan mo na nga. kwento mo naman sa akin kung paano sinabi sa'yo ni Raven na liligawan ka niya!" niyugyog ko ulit ang balikat niya sa sobrang kilig ko.

"Nahihilo ako, tigilan mo nga." pwersahan niya naman inalis ang kamay ko na nakakapit sa balikat niya.

Taray, porket may manliligaw uma-attitude na siya. pag ako talaga nagkaroon ng manliligaw hindi ko papansinin lahat ng tao sa buong mundo.

"Kwento mo na nga. hindi pwede na ikaw lang kiligin dapat ako rin!" hinamapas ko pa siya nang unan na agad niya namang nailagan.

"Basta nanliligaw siya sa akin, the end. ikaw ang dapat mag kwento sa akin!" napaatras ang ulo ko nang iduro niya ako. "lagi mo kasama si Draco, ano yun ah? kahit naman abala ako kasama ni Raven may mata parin ako."  gumagalaw ang ulo niya sa magkabilang gilid habang nagsasalita.

"Bago ko'ng friend." kibit balikat na sagot ko.

New friend ko lang naman talaga si Draco. nothing more, nothing less.

Naningkit ang mga mata niya. "Friend?" hindi naniniwalang sambit niya.

"Issue ka. simula talaga nang makasama mo palagi si Raven nagbago na talaga ugali mo, naging chismosa ka narin." gusto kong bawiin yung sinabi ko dahil sa biglaang pagsimangot niya.

"Wala naman siguro masama na magtanong ako sa'yo kasi kaibigan naman kita. kahit papaano dapat may alam ako tungkol sa nangyayari sa buhay mo. ganoon ang kaibigan di'ba?" malungkot na wika niya.

Hinagod ko naman agad ang likod niya dahil baka bigla siyang umiyak edi, kasalanan ko pa. ito talaga yung example na sinasabi ni Clyde na soft hearted person, hindi ako.

"Oo, alam ko. totoo naman ang sinasabi ko na new friend ko si Draco." mahinahon na wika ko agad naman na napangiti siya.

"Good. na kay Chalter kasi ang boto ko." nabura ang ngiti ko dahil sa narinig ko.

"Dinahilan mo pa sa akin na may karapatan ka malaman kasi kaibigan ka tapos iba naman pala talaga dahilan mo." binawi ko ang kamay na humahagod sa likod niya. "Scam ka."

Tumawa siya sa sinabi ko. "Totoo sinasabi ko."

"Wala na kayo ibang ginawa kundi ang itulak ako kay Chalter. pag narinig niya iyan pare-pareho tayong susunugin nun." pumasok sa isip ko ang seryosong mukha ni Chalter.

"Okay hindi na po." pero yung tingin niya nang-aasar parin.

Nagulat kami pareho sa pintuan na pabagsak na bumukas. sunod-sunod na pumasok sila Lennox sa loob ng kwarto. matalim ang tingin ni Lennox sa akin habang naglalakad papalapit sa gawi ko. napalunok ako dahil kinakabahan ako sa uri ng tingin niya.

Wala akong maalala na may ginawa akong masama sa kaniya or atraso man lang.

"Ikaw!" duro ni Lennox sa akin. "Akala mo ba hindi namin napapansin na iniiwasan mo kami sa loob ng limang araw?" tinakpan ko ang dalawa kong tenga dahil sa lakas ng sigaw niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano naman ngayon kung napansin mo? congrats observer ka!" pamimilosopo ko.

Lumapit si Airlys sa tabi ni Lennox. "Ano ba'ng problema, Raini? may nagawa ba kami sa'yo para iwasan mo kami?" malungkot na tanong niya sa akin.

Yumuko ako dahil hindi ko na naman makapa ang sasabihin ko. ramdam ko ang tingin ni Victoria sa akin na nakaupo sa tabi ko. sasabihin ko ba sa kanila ang totoong dahilan kung bakit ko sila iniiwasan? deserve naman nila malaman.

Kaysa pahirapan ko sila sa kakaisip kung bakit ko sila iniiwasan.

"Bakit ano ba'ng ginawa ni Raini?" nagtatakang tanong ni Victoria sa kanila.

"Obviously, she's avoiding us." sagot ni Viorica sa kaniya.

Kahit nakayuko ay naramdaman kong lumipat ang tingin sa akin ni Victoria.

"Ilang beses na siyang hindi sumasabay sa'min kumain. nilagpasan niya rin ang table namin kanina dahil kumain siya kasama si Draco." bakas ang lungkot sa boses ni Airlys.

"Bakit naman niya kayo iiwasan?" depensa ni Victoria.

"Iyan din ang gusto namin itanong sa kaniya." seryosong wika ni Reeci.

"Raini, bakit mo naman sila iniiwasan?" puno nang pagtataka na tanong ni Victoria.

Nag-angat ako ng tingin sa kanila. "Maraming estudyante ang nagagalit sa akin dahil sa pagiging malapit ko sa inyo." pagsasabi ko ng totoo. iyon naman talaga ang rason ko.

"Kailan ka pa nagakaroon ng  paki sa opinyon ng iba?" mataray na wika ni Viorica habang nakakrus ang mga braso.

"Oo nga naman." gusto kong kurutin ang tagiliran ni Victoria dahil sa pagsang-ayon niya.

"Sino ba nag utos sa'yo na lumayo sa amin? sabihin mo sakin kukutusan ko yung tipong lulubog yung anit niya!" naglakad pa si Lennox na parang siga sa kalye at naghahamon ng away.

"Wala. desisyon ko lang iyon." wala naman tao na involve sa dahilan nang pag-iwas ko sa kanila.

"Pinagpalit mo kami kay Draco." napanganga ako sa sinabi ni Airlys.

Bakit ba puro nalang si Draco ang tinatanong nila? nung una si Hydra pangalawa si Victoria ngayon naman sila. sobrang kapansin pansin ba talaga ang pagiging malapit ko kay Draco?

"Masama na ba na makipag kaibigan naman ako sa iba?" hindi makapaniwala ang mga mata ko habang tinitignan sila isa-isa.

"Naman?" laglag ang panga na sambit ni Lennox. "Anong mini-mean mo sa 'naman' na nakakasawa kami kasama kaya sa iba naman ?"

"What?" nanlaki ang mata ko. "syempre, hindi!" halos pasigaw na pagtanggi ko.

Kilala ko ang sarili ko. hindi ako iiwas sa isang tao dahil lang nagsawa ako na kasama siya. tapos ano? maghahanap ako ng iba? sino iyon? dahil sigurado ako na hindi ako iyon.

Medyo kumirot ang puso ko dahil sa paghihinalang iyon ni Lennox. kung isa lang iyon sa mga joke niya, masakit parin para sa akin.

"Eh ano?" nakaramdam ako ng pagkarindi sa tanong ni Airlys.

"Sinabi ko na ang dahilan di ba?" pinipilit ko na habaan ang pasensya ko para hindi ko siya masigawan.

Hindi naman sila bingi, narinig naman nila ang sagot ko sa tanong nilang iyon. tapos itatanong ulit?

"Nagbabaka sakali lang ako na baka may iba ka pang rason? ayaw mo na ba talaga sa amin?" nangingig ang boses na tanong ni Airlys halatang natatakot sa maaari kong isagot.

"Hindi ko ayaw sa inyo." mahinahon na wika ko. para akong nagpapaliwanag nang maigi sa isang bata para hindi siya masaktan.

"Hayaan niyo nalang muna. sure ako na lalapitan niya rin kayo ulit." gusto kong magpasalamat kay Victoria dahil sa pag singit niya.

"Sabihin niyo nalang ang totoong pakay natin dito." lumingon ako kay Viorica na seryoso ang mukha.

Walang sumagot sa tatlo. anong ba talagang pakay nila dito? hindi naman pala talaga ang pag-iwas ko sa kanila ang pakay nila kaya sila pumunta dito, nagawa lang talaga nilang isingit iyon.

"Ano?" Tanong ko kay Viorica.

Bumuka na ang bibig niya para sana magsalita pero naunahan na siya ni Reeci.

"Pinapunta talaga kami dito ni Mr. Themis para tawagin ka." napatayo ako pagkatapos magsalita ni Reeci.

Kakausapin na kaya ako ni Mr. Themis tungkol sa manghuhula? pagkatapos kasi nang nangyari hindi niya akong nilapitan para tanungin ang tungkol sa nangyari sa plaza. si Chalter lang ang kinukulit niya tungkol doon.

"Nasa office ba si Mr. Themis?" nagmamadaling tanong ko.

"Hindi naman si Mr. Themis ang nagpapatawag sa'yo." humabol pa ng irap si Viorica.

Akala ko ba pinapunta sila ni Mr. Themis dito para tawagin ako?

"Oo nga." sagot ni Lennox mukhang nabasa ang iniisip ko.

"Pinag lalaruan niyo ba ako?" Inis na tanong ko sa kanila.

"Sabi ni Mr. Themis hinahanap ka ni Chalter."

Saglit akong natigilan sa sinabi ni Viorica. naglilinis naman ako ng tenga araw-araw kaya hindi ako magkakamali sa narinig ko. hinahanap daw ako ni Chalter? malinaw pa sa clear ang narinig ko.

Kung jino-joke time lang ako ng mga ito please aminin na agad nila, kung hindi? tatanggalin ko lahat ng tubig sa buong katawan nila.

"Hindi ka makapaniwala?" nakangisi na wika ni Lennox. "Wag kang mag-alala, kami rin." dagdag niya pa.

Totoo nga.

"Bakit daw?" muntik pa akong mautal buti at muntikan lang.

Umiling si Airlys. "Hindi namin alam, iyon lang ang sinabi ni Mr. Themis."

Mabilis pa sa bente kwatro oras na nawala ang ngiti ni Victoria nang tumingin ako sa kaniya. laki ng ngisi ah, halatang may malisya.

"Umalis ka na. kanina ka pa hinihintay nun, masama pa naman paghintayin ang isang iyon." napalunok nalang ako sa sinabi ni Reeci.

"Saan ko daw siya pupuntahan?" nagsisimula na naman bumilis ang tibok ng puso ko sa isipin na makikita ko siya ulit.

Napangisi si Viorica sa tanong ko. "Sa bahay niya."

"Sa bahay niya?!" nagkatinginan kami ni Victoria dahil nagkasabay kami ng sinabi. parehas kaming gulat sa isinagot ni Viorica.

Akala ko hindi siya nagpapapunta nang kahit sino sa bahay niya? at ito ako ngayon pinapatawag niya para pumunta sa bahay niya.

"Gulat ka? wag kang mag-alala, kami rin." sabat ni Lennox. naubusan na ba siya ng sasabihin kaya paulit-ulit nalang ang sinasabi niya?

"Totoo ba iyan?" paninigurado ko nakatanggap ako ng isang tango kay Reeci.

"Since hindi mo alam ang bahay niya." Lumakas ang hangin sa kwarto pagkatapos magsalita ni Airlys. "Sundan mo nalang kung saan direksyon ka dadalhin ng hangin." dagdag niya.

Palabas ng pinto ang direksyon ng hangin.

"Aalis na ako." nahihiyang pagpaalam ko sa kanila.

Nahihiya ako dahil nanunukso ang mga mata nila na nakatingin sa akin. tulad nang sinabi ni Airlys, sinundan ko kung saan patungo ang direksyon nang hangin. madali ko lang nalalaman kung nasaan ang hangin dahil tinatanggay nito ang buhok ko.

Sinusundan ko lang kung saan hanginin ang palda ang buhok ko. nanlalamig pa ang kamay ko habang naglalakad. iwinasiwas ko ang kamay ko para matanggal ang panlalamig dahil sa kaba. bakit ba ako kinakabahan na makita si Chalter? anim na araw ko lang naman siya hindi nakita.

Kinokonsensya lang siguro ako kaya ako kinakabahan. kailangan ko ng mag-isip kung saang paraan ako makakahingi ng tawad.

Huminto ang paa ko sa paghakbang at nakita ko nalang ang sarili ko na nagtatago sa likod ng isang malapad na pader. natanaw ko si Clyde at Hydra na nagtatalo, parang nagsisigawan ang dalawa dahil ang lalaki ng pagbuka ng bibig nila. kailan pa sila naging close? at bakit sila nag-aaway?

Lumaki ang mata ko sa gulat nang makita ko ang kabuuan ng mukha ni Hydra, umiiyak siya. hindi ko na naramdaman ang hangin na ginawa ni Airlys, pinasawalang bahala ko na iyon.

"Mali ang ginawa mo, Hydra!" sobrang lakas ng sigaw ni Clyde kaya narinig ko ng kaonti ang sinabi niya.

Anong ginawa ni Hydra para awayin siya ni Clyde nang ganoon? bumabakat ang mga ugat ni Clyde sa leeg dahil sa pagsigaw niya.

"Hindi mo ako naiintindihan!" sigaw ni Hydra pabalik.

Ano ba kasing pinagtatalunan nila?

Lalabas na sana ako sa pinagtatagugan ko para lapitan sila Hydra na nagtatalo sa tunnel. bago pa ako makalabas may isang kamay na ang pumigil sa siko ko.

Gulat kong hinarap kung sino ang may gawa niyon.

"Chalter?" mahinang sambit ko sa pangalan nang taong nasa harapan ko.

Sinuri ko ng tingin ang kabuuan ng mukha niya. may iilang sugat pa siya sa mukha na hindi pa gumagaling dahil mukhang malalim. nakuha ng atensyon ko ang band aid na nakatapal sa sentido niya. bumaba ang tingin ko sa braso niya na nakabalot ng benda.

Nakagat ko ang ibabang labi. napuno ng konsensya ang puso at isip ko nang makita ang kalagayan niya. ako ang may gawa kung bakit niya nakuha ang mga sugat na dapat para sa akin.

"Kung tignan mo naman ako, parang nakakaawa ako." kuno't noo niyang wika.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya. sumubsob ang mukha ko sa matigas niyang dibdiba. sunod-sunod nang lumabas ang luha sa mga mata ko.

Ramdam kong natigilan siya dahil sa biglaang pagyakap ko sa kaniya. hinayaan ko lang naman ang katawan ko kung anong gusto niyang gawin at yun ay yakapin si Chalter.

"I'm sorry." nanginginig ang boses na paghingi ko ng tawad.

Yumakap siya pabalik na nagpadagdag sa iyak ko. ngayon alam ko na hindi siya galit sa akin.

"Sorry talaga." hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kaniya.

"I'm not mad." mahinahon ang pagkakasabi niya nun habang hinahaplos ang buhok ko mula sa likuran.

"Kasalanan ko, matigas ang ulo ko." nabasa ko na yata ang damit niya dahil sa pag-iyak ko.

"I'm not blaming you."

Hindi ko na makontrol ang hikbi ko. tanging ang hikbi ko lang ang naririnig habang tahimik kaming dalawa.

"Susunod na talaga ako sa'yo next, sorry talaga dahil s-sakin naparusahan k-kapa." narinig ko ang munting halakhak niya.

"Okay lang ako. Tahan na, walang ice cream dito."

Lalo akong napahagulgol kahit wala naman nakakaiyak sa sinabi niya.

Hindi na ako magsisinungaling sa sarili ko na magaan ang pakiramdam ko kapag nasa tabi ko siya. pakiramdam ko ligtas ako kapag nasa malapit lang siya. pakiramdam ko walang magtatangkang manakit sa akin...






dahil nandiyan siya sa tabi ko para protektahan ako.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

176K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...