IAH2: Remembering The First B...

By xxladyariesxx

35K 1.8K 281

IN A HEARTBEAT 2: REMEMBERING THE FIRST BEAT Amari's heart was healed but she forgot the first beat of it. St... More

Amari's Heart
Chapter 1: Love
Chapter 2: Voice
Chapter 3: Visitor
Chapter 4: Hospital
Chapter 5: Picture
Chapter 6: Wife
Chapter 7: Leave
Chapter 9: Truth
Chapter 10: Lie
Chapter 11: Accident
Chapter 12: Death
Chapter 13: Life
Chapter 14: Mother
Chapter 15: Pain
Chapter 16: Call
Chapter 17: Memories
Chapter 18: Reason
Chapter 19: Home
Chapter 20: Back
Chapter 21: Family
Chapter 22: Rest
Chapter 23: Mess
Chapter 24: Father
Chapter 25: Tears
Chapter 26: Failed
Chapter 27: Start
Chapter 28: Search
Chapter 29: Accept
Amari's Love - Part 1
Amari's Love - Part 2
Amari's Heart - Part 3
SPECIAL CHAPTER
SPECIAL CHAPTER 2
SPECIAL CHAPTER 3

Chapter 8: Call

793 45 0
By xxladyariesxx

Sunod-sunod ang naging schedules ni Veron sa may operating room niya. Ni hindi ko ito makausap nang maayos dahil halos nasa operasyon na ang buong atensiyon nito. Noong una ay nais niyang ipagpaliban ang mga ito ngunit dahil matagal na itong naka-schedule, walang nagawa si Veron kung hindi ang tapusin nang mabilis at maayos ang trabaho.

He's a doctor.

After all, mas kailangang unahin nito ang mga pasiyente niya kaysa sa sariling problema. Ayah's fine now. Ligtas na ito kaya naman ay bahagyang nabawasan na rin ang mga alalahanin ni Veron sa amin.

Tatlong araw na rin ang lumipas simula noong maaksidente si Ayah. Gising na ito at ngayon ay nagpapagaling na lamang. Hindi biro ang naging sugery nito kaya naman ay todo ingat kami sa pag-aalaga sa anak namin. Ni hindi pa nga ito makapagsalita nang maayos. Tanging tango lang ang tugon nito sa akin tuwing kinakausap ko ito. Ang sabi ng mga doktor niya, bigyan pa raw namin si Ayah ng sapat na panahon para maka-recover. Soon, magiging maayos na rin ito at babalik sa normal.

"Good morning, Mrs. Mejia," bati sa akin ng nurse na naka-assign sa anak ko. Binati ko ito pabalik at tiningnan ang ginagawa nitong pag-check sa kalagayan ni Ayah. "She's doing great, Mrs. Mejia. You don't have to worry about your daughter." Sambit pa nito at hinarap ako. Isang tipid na tango ang ginawa ko dito at noong makita ko ang tila nag-aalangang ekspresiyon nito, napakunot ang noo ko.

"Is there a problem?" Tanong ko at binalingan si Ayah. Bigla akong kinabahan sa ekspresiyon nito. May mali ba kay Ayah? Jesus! Mukhang maayos naman ang anak ko! Abala nga ito ngayon sa paborito nitong laruan at noong tingnan kong muli iyong nurse niya, natigilan ako noong may kinuha ito sa bulsa niya.

"Someone gave this to me earlier, Mrs. Mejia." Aniya at may inabot sa akin na isang piraso ng papel. "She told me to give this to you."

Tila nabunutan ako ng tinik sa narinig mula sa kanya. Thanks God at hindi ito tungkol sa anak ko.

Pero, ano raw?

"What is this?" Maingat na tanong ko dito at tinanggap naman ang papel na inilahad nito sa akin.

"Uhm... I don't know. The moment she gave me the paper, she immediately leave, Mrs. Mejia."

"Oh," iyon na lamang ang nasambit ko at binuklat ang papel. Napakunot namang muli ang noo ko noong makita ang mga numerong nakasulat dito. A contact number? Kanino naman kaya ito?

"I'm done checking the patient's condition, Mrs. Mejia. I'll be back after an hour." Sambit ng nurse at nagpaalam na sa akin. Gusto ko pa sana ito tanungin tungkol sa babaeng nakausap nito kanina ngunit hindi ko na ito inabala pa. Nagpasalamat na lamang ako dito at hinayaang makalabas na ito sa private room ni Ayah.

Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at ibinulsa ang papel na ibinigay ng nurse sa akin. Muli kong nilapitan si Ayah at naupo sa upuan sa may gilid ng kama nito.

"Ayah, that's enough. You need to take some rest again, sweetheart." Wika ko sa anak at kinuha ang laruan nito. Itinabi ko ito at inayos ang kumot nito sa katawan. Tahimik namang tumango sa akin si Ayah at inalalayan ko na itong mahigang muli sa kama niya. Maingat kong hinaplos ang pisngi ng anak ko at nginitian ito. "Rest, baby. Hindi aalis si mommy. Babantayan kita."

Ipinikit na ni Ayah ang mga mata nito. Tahimik ko itong pinagmamasdan at noong nasiguro ko nang tulog na ito, tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagtungo sa maliit na mesa sa loob ng private room nito. Inayos ko ang mga prutas na naroon at maingat na kumilos sa loob ng silid. Mayamaya lang ay tumunog ang cellphone ko kaya naman ay agad kong tiningnan kung sino ang tumatawag. Mabilis ko namang sinagot ito noong makitang si Veron iyon.

"Veron," sambit ko binitawan ang mansanas na hawak-hawak.

"I'm done with my surgery," aniya sa kabilang linya. "But our chief  called an emergency meeting. Pupunta agad ako riyan pagkatapos nito."

"Alright. Tulog naman si Ayah." Maingat na sambit ko sa asawa at tiningnan si Ayah. "Sakto lang iyan, Veron. Pagkatapos mo sa meeting mo, paniguradong gising na ito."

"Sige na. I'll end this call. I love you." Mabilis na sambit ng asawa ko.

"Love you too," mahinang tugon ko at napabuntong-hininga na lamang noong inalis ko na ang telepono sa tenga ko.

Akmang ibubulsa ko na sana iyong cellphone ko noong maalala ko iyong papel na ibinigay ng nurse sa akin kanina. Maingat kong kinuha sa bulsa ang papel at pinagmasdang mabuti ang mga numerong nakasulat dito.

"Wala naman sigurong mawawala sa akin kung tatawagan ko ito?" Mahinang tanong ko sa sarili at tiningnan muli si Ayah na mahimbing na natutulog na ngayon. Muli akong humugot ng isang malalim na hininga at naglakad patungo sa may sofa 'di kalayuan sa kinatatayuan ko. Maingat akong naupo roon at tinipa ang mga numerong nakasulat sa papel.

Unang ring pa lang ay kumabog na ang dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang dahilan pero bigla akong kinabahan sa ginagawa. Ilang ring pa ang lumipas at noong may sumagot na sa kabilang linya, napaayos ako nang pagkakaupo.

"Hello?" Rinig kong nagsalita sa kabilang linya.

It's a girl. Just like what the nurse told me earlier! Damn, Amari! Sana ay tama itong ginagawa mo!

"Hello?" Ulit nito sa kabilang linya noong hindi ako nagsalita. "Amari? Ikaw ba ito?"

Napaawang ang labi ko noong banggitin nito ang pangalan ko. She knows me! Damn it! Inalis ko sa tenga ang telepono at napahawak sa may sintido ko. Napatayo ako sa kinauupuan at wala sa sariling napatingin sa anak.

Damn, Amari!

Mabilis kong ibinalik sa tenga ang telepono ko at naupong muli.

"Sino ito?" I finally managed to speak. "Bakit mo ako kilala?"

"Oh my God! Amari! Ikaw ba talaga itong kausap ko ngayon?" Tila hindi makapaniwalang tanong nito sa akin. "So, it was true. Iyong sinabi ni Sasa at Xavi, iyong sinabi nilang nakita ka na nila. Oh my God! Amari." Sunod-sunod na turan nito at mayamaya lang ay narinig ko ang paghikbi nito sa kabilang linya. "I prayed this everyday, Amari. Na sana ligtas ka. Na sana... na sana makausap kitang muli. Na... na sana marinig kong muli ang boses mo."

"I don't know what are you talking about, Miss. Maling Amari yata..."

"No," mabilis na sambit nito na siyang ikinatigil ko. "You saw Xavi and Sasa right? Nakausap mo na sila. At kahit hindi kita nakikita ngayon, I know it's you. You are Destiny Amari. My sister."

Sister? This woman is my sister? No way.

"W-what?" Hindi makapaniwalang tanong ko dito. "Your what?"

"Adliana, let's go."

Natigilan ako noong may nagsalita pang ibang tao sa kabilang linya. Agad kong inilagay sa dibdib ang kamay noong biglang mas lumakas ang kabog ng dibdib ko. What the hell? Bakit ganito na lang ang reaksiyon ko sa mga naririnig? Bakit... bakit tila nahihirapan na akong huminga dahil sa lakas nang kabog ng dibdib ko?

"Wait... are you crying, Adliana?"

"No, Ma. I'm fine... Am... you still there?"

"Yes," simpleng sagot ko dito habang kinakalma pa rin ang nagwawala kong puso.

"Tatawagan kita mamaya. Please, sagutin mo ito. I'm begging you."

"I'm busy. Nasa ospital ako at binabantayan ang..."

"Please."

"Adliana..."

"Yes, Ma. I'm coming."

Iyon na lamang ang huling narinig ko mula sa kabilang linya. Pinutol na nito ang tawag kaya naman ay inalis ko na sa tenga ko ang telepono ko.

Wala sa sarili akong napatingin sa kawalan at inalala ang mga boses na narinig kanina.

"Adliana," mahinang sambit ko. That's her name. Adliana. "Destiny Amari is her sister. At... at ako iyon?" Umayos ako nang pagkakaupo at tiningnan ang telepono ko.

What is this? Bakit nangyayari ito sa akin ngayon?

Bakit ngayon pang nandito ang anak ko sa ospital?

Mabilis kong isinandal ang likod sa backrest ng sofa at mariing ipinikit ang mga mata.

"Why now?" Mahinang tanong ko at pilit na ikinakalma ang sarili.

Yes, I want to know about my past. Yes, gusto kong maibalik sa akin ang mga alaalang nawala sa akin dahil sa aksidenteng kinasangkutan ko noon pero bakit ngayon pa talaga? Bakit ngayong nasa ospital si Ayah? I want to focus on her, to focus on her recovery. Pinagpaliban ko na nga ang pakikipag-usap kay Veron dahil alam kong mas kailangan ako ng anak ko ngayon. Ayah should be my top priority. Wala ng iba pa.

"Adliana," ulit ko sa pangalan nito. "Ad..."

Agad akong napamulat ng mga mata ko noong may mga imahe akong nakita sa isipan ko. Napaawang ang mga labi at noong may nakita akong isang pamilyar na mukha, napapikit ako at napahawak nang mariin sa may ulo ko.

"Damn," I silently cursed as I felt the pain inside my head. "Oh my God... damn..."

"I'm your sister, Amari, of course... I'll protect you."

"Papa, maniwala po tayo kay Amari. Hindi niya po magagawa ang bagay na iyan!"

"Don't do something that can harm you and the baby, Amari. Mas lalong mahihirapan tayo kung may hindi magandang mangyari sa inyong dalawa."

"Amari."

"Mrs. Mejia! Can you hear me? Mrs. Mejia!"

Napasinghap ako at mabilis na napabaling sa gawing kanan ko noong makita iyong nurse na nag-aasikaso kay Ayah. Nasa tabi ko na ito ngayon at nag-aalalang nakatingin sa akin. "What's wrong? Are you hurt?"

Mabilis akong umiling dito habang sapu-sapo pa rin ang sumasakit at tila binibiyak kong ulo. Humugot ako ng isang malalim na hininga at umayos nang pagkakaupo.

"I'm fine," mahinang sambit ko dito habang kinakalma ang sarili.

"Are you sure, Mrs. Mejia? Shall I call your husband?" Tanong nito na siyang mabilis ko namang ikinailing muli.

"No... please," nahihirapang sambit ko dito. "I'm fine now. Thank you." Dagdag ko pa at sinubukang tumayo. Noong maitayo ko na nang maayos ang sarili, maingat kong inihakbang ang mga paa papalapit sa kama ni Ayah. Tulog pa rin hanggang ngayon ang anak ko kaya naman ay binalingan kong muli ang nurse nito. "Can I ask you a favor?" Mahinang tanong ko dito.

"Of course, Mrs. Mejia. What is it?" Mabilis na tugon nito sa akin.

"I'll just get some fresh air. Can you stay here for a few minutes? Please. I'll be back before she wakes up." Paki-usap ko dito at tiningnan muli si Ayah. Mukhang mamaya pa ito magigising kaya naman kailangan ko nang pakalmahin ang sarili ko. Kailangang walang makitang mali ang anak ko sa akin. I need to show her that I'm okay. Mas mapapabilis ang paggaling nito kung alam niyang maayos ang mga taong nasa paligid niya.

"Sure thing, Mrs. Mejia. I'll stay here with your daughter while you're gone." Anito na siyang mabilis kong ipinasalamat dito. Mabilis kong binalikan iyong cellphone kong nailapag ko pala kanina sa may sofa. Dinampot ko ito at muling binalingan si Ayah. Pinagmasdan ko ito ng ilang segundo at noong mapagdesisyon ko nang lumabas na sa silid, muli akong nagpaalaam sa nurse.

Dere-deretso ang lakad ko hanggang sa makasakay na ako sa elevator ng palapag. Tahimik akong sumakay doon at noong makarating ako sa may ground floor, agad akong bumaba dito. Maingat ang bawat hakbang ko at noong nakita ko ang pasilyo patungo sa hardin ng ospital, agad akong lumiko at tinahak ang daan patungo roon.

Iilan lang ang taong namataan ko sa may hardin. Hindi yata aabot ng sampu ang narito ngayon. Maingat akong naupo sa isa sa bakanteng bangko na naroon at mabilis na tumingala sa kalangitan. Tipid akong napangiti noong makita ang kulay asul na himpapawid na siyang nagpakalma naman sa sarili ko. Umayos ako nang pagkakaupo at binalingan ang mga taong nasa hardin.

Tahimik lang akong nagmamasid sa paligid at noong biglang tumunog ang telepono ko, mabilis ko itong kinuha sa may bulsa ko.

It's Adliana!

Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago tuluyang sagutin ang tawag nito sa akin.

"Ad..."

"Where are you? Nasa ospital ka pa ba?"

"Yes pero nasa hardin ako ngayon," sagot ko sa tanong nito.

"Noted. Papunta na ako," mabilis na sambit nito na siyang ikinagulat ko.

"Papunta? Wait... nasa ospital ka ngayon?" Natatarantang tanong ko dito at napabaling sa may entrance ng hardin. "Seryoso?"

"Yes," anito at noong may narinig akong pamilyar na ingay sa lobby ng ospital napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi. "Malapit na ako. Anong kulay ng suot mong damit? I'm... nevermind. Nakita na kita."

Napatayo ako sa kinauupuan noong mamataan ang babaeng nasa may entrance ng hardin ng ospital. Nakasuot ito ng simpleng dress at nasa tenga nito ang hawak-hawak na telepono. That's her. Adliana. The one who claimed to be my sister.

She's here.

"You looked exactly the same, Amari," anito sa kabilang linya noong magtagpo ang mga mata namin. Ngumiti ito sa akin at ibinaba na ang hawak-hawak na telepono. Ganoon din ang ginawa ko, pinatay ko ang tawag nito at pinagmasdan lang itong naglakad nang dahan-dahan palapit sa akin. 

Continue Reading

You'll Also Like

113K 2.2K 106
she cares about him more than she cares about herself and that scares the shit out of her. but what marcella doesn't realise is that glenn feels the...
38.1K 2K 20
"helwo mamma, Daddy swcoldet me a lwot!! When bill you tome to hani?? I miss you sho mwuch!!" (Hello mamma, Daddy scolded me a lot!! When will you c...
829K 69.3K 34
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...
40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...