MYSTICAL ACADEMY: Play with F...

By 3umoiriety

61.8K 2.9K 667

Raini Zalana Evanescent is just a normal teen age girl not until she reached 18 and her life suddenly change... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
Author's note
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
ANNOUNCEMENT
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36

CHAPTER 14

1.1K 76 7
By 3umoiriety

RAINI

"Wow, Raini! grabe bagay na bagay sa'yo ang ball gown mo."

Nakayuko ako dahil pinamulahan ako sa sinabi ni Victoria. habang nakaharap din ako sa salamin kanina tuwang-tuwa ako para sa sarili ko dahil bagay nga ito sa akin. halos hindi ko yata mamukhaan ang sarili ko kanina dahil sa ayos ko.

I smiled when I saw Hydra with her red ball gown samantalang ang kulay naman ng kay Victoria ay green na bumagay talaga sa balat niya, lalo tuloy lumabas ang kaputian ng balat niya dahil sa kulay ng suot niya.

"Ganda natin, huh!" wika ni Hydra nang makita niya ako sa reflection ng salamin.

"Ready kana pag-agawan ang braso mo mamaya?" napakunot pa ang noo ko sa sinabi ni Victoria.

"Asa naman."

Naglakad ako palapit kay Hydra. tumabi ako sa kaniya para makita ko kung ayos lang ba ang buhok ko. napangiti ako nang makita ang sarili sa salamin. hindi ko talaga akalain na makakaranas din ako ng ganito sa buong buhay ko ng libre. sa ayos kong ito, wala akong binayaran dito.

Akala ko pa kanina kami narin ang mag-aayos sa mga sarili namin. pero laking gulat namin kanina na may kumatok sa dorm at sila daw ang stylist at mag make over sa amin. how lucky I am? pinagsisihan ko na talaga na itinuring kong sumpa ang power na mayroon ako.

Kung normal akong tao, wala ako dito.

"Nginingiti mo diyan? porket date mo si Chalter natututo ka ng mag-yabang?" wika ni Hydra.

"Hindi ko in-expect yon." inirapan ko pa siya.

Naalala ko na naman ang araw na'yon two days ago. halos hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko dahil nasa harapan ko si Chalter. bumabalik na naman yata ako sa pagiging kabado pag kaharap ang lalaking iyon.

Hindi ko talaga akalain na siya ang magiging date ko ngayong araw dahil sa kagagawan ni Lennox. kung alam ko lang hindi ko na tinanggap ang tulong na in-offer nila ni Reeci. hiyang-hiya din ako noong araw na'yon dahil ramdam ko ang talim ng tingin sa akin ni Chalter, tagos buto ko na yata.

Nung si Sorcha na ang sumigaw si Clyde ang lumabas sa building ng boys dorm. nanghinayang pa ako dahil pwede naman si Clyde ang mabunot ko, sana pala ako nalang ang unang bumunot. pero sa tingin ko nakatulong pa ako dahil alam kong masaya si Sorcha na si Clyde ang date niya knowing their love triangle story.

Kaya siguro masama ang tingin sa akin ni Chalter noong panahon na yon dahil nanghihinayang din siya kung bakit hindi nalang si Sorcha ang date niya.

"Kinakabahan ako." mahinang wika ko.

"Bakit naman?" nagtatakang tanong ni Hydra sa tabi ko.

"Syempre si Chalter yon."

"Ano naman ngayon?" gulat na tanong niya pa.

"Anong ano naman ngayon? sure ka diyan sa tanong mong yan?" si Chalter yon!

"Well, kung ako nasa posisyon mo kakabahan din naman ako." natatawang sagot niya.

Nadagdagan lang ang kaba na nararamdaman ko dahil sa isinagot niya.

"Mabait naman sa'yo si Chalter di'ba?" gulat na nilingon ko si Victoria sa likuran. nasa kama ito at nagsusuot ng heels niya.

"Anong mabait? kailan?" hindi makapaniwalang sabi ko. palagi ngang harsh sa akin si Chalter asan ang mabait doon? hindi ko makita.

"Huminahon ka nga, Raini. para hindi siya magalit sa'yo kailangan mo lang maging maganda sa mga mata niya. pag nangyari yon matatameme yon, hindi ka na niya aawayin." wika ni Hydra.

"Ang ganda nga naman talaga ng tips mo noh? nakakatanggal kaba." sarkastikong wika ko pero tumawa lang siya.

"Hindi ka ba excited? makikita mo mamaya sobrang gwapo." sabat ni Victoria.

"Magtigil ka Victoria, may Raven ka na. basta Raini pag nakita mo siya mamaya pakisunggaban para sakin, kahit hindi na para sayo kahit para sa akin nalang." nakikiusap na sabi niya pa habang hawak ang dalawang kamay ko.

"Magtigil ka Hydra, may Marcus ka na." pang-gagaya ko pa sa boses niya.

"Possessive, huh?" she smirked.

"Pinagsasabi mo." nakangiwing sabi ko pa.

"Hoy, bilisan niyo na at malapit na mag 7 pm." nagmamadali wika ni Victoria.

Nakita ko kung paano siya maglakad habang suot ang heels niya mukhang hindi siya sanay dahil paika-ika ang lakad niya.

"Victoria, kung hindi ka komportable sa suot mo pwede ka naman mag flat na sandals." suhestiyon ko. kawawa naman siya kung naka-heels siya sa haba ng oras baka magkasugat pa paa niya.

"Hindi. okey lang." nakangiting sagot nito.

"Hayaan mo siya. ayaw talaga niyan nalalamangan pagdating sa height." sabat ni Hydra na hanggang ngayon nagli-lipstick parin.

"Nakailang patong ka na ng lipstick. para ka ng sinapak ng bente katao sa itsura ng labi mo." inirapan niya naman ako.

"Inggit ka. kinapalan ko lang baka mabura ni Marcus and 99 others." napanganga ako sa isinagot niya. so, anong balak niya sa Mystic Ball? magpabura ng lipstick?

Napailing nalang ako sa pagiging sanay sa kanya. hindi siya sa Hydra kung hindi ganyan ang ugali niya.

Ilang saglit pa nang makarinig ako ng katok sa pinto. nagpresinta na lang ako na ako ang magbubukas dahil busy ang dalawa sa pag-aayos.

Pagbukas ko bumungad sa akin si Airlys at sa likuran naman niya si Viorica.

"Ow. you look more extra beautiful tonight, Raini. anong sekreto mo?" wala sa sariling wika ni Airlys habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ko.

"Chalter lang." nakangising sagot ni Viorica ka kaya tumawa si Airlys.

Trip talaga nila akong ipagtulakan kay Chalter. hindi nalang ako nagrereklamo dahil nakakasawa na hindi ko naman sila masaway kakaasar. kung gusto nila mang-asar, sobrang free nila bahala sila sa buhay nila.

"Pasok." binuksan ko pa ng malaki ang pintuan para makapasok silang dalawa.

"Anong ginagawa niyo dito?" mataray na tanong ni Hydra sa kanila.

"Sabay-sabay na tayo pumunta doon." walang ganang sagot ni Viorica.

"Nasaan na pala mga date niyo?" tanong naman ni Victoria.

"Nandito na yata sila, hindi ko alam doon nalang magkikita-kita. si Chalter?" biglang baling sa akin ni Airlys.

"Hindi ko rin alam." ano naman pakialam ko sa isang iyon.

Sabay-sabay na kaming bumaba nang matapos ang dalawa sa pag-aayos. mabuti nga at napilit ko si Victoria na mag flat sandals dahil hindi niya talaga kaya. buti nalang marunong akong magdala ng heels.

Nang makarating kami sa mismong place kung nasaan ang venue ng ball. napanganga kami habang nililibot ng tingin ang kabuuan ng venue.

Mystic ball lang ba ito? bakit parang debut ng anak ng hari at reyna ang tema. pati ang mga naglalakihang chandelier hindi nakatakas sa nag uumapaw na dekorasyon. sobrang ganda ng paligid kung uso lang ang technology dito baka puno ng pictures ang facebook at instagram ko. hinding hindi ako magsasawa na kumuha ng litrato dito. kahit pa hindi na ako makipagsayaw sa kung sino makakuha lang ako ng maraming litrato masaya na ako.

Hindi na ako makapaghintay na matikman ang mga pagkain na hinanda para sa event na ito. ang lawak ng ngiti ko ng makita ang nagagandahan na mga suot ng estudyante.

"Guys!"

Pareho kaming napalingon na apat sa pinang galingan ng pamilyar na boses. nakita namin si Lennox at Reeci na naglalakad papalapit sa amin.

Nasaan si Chalter?

Nagtataka ang mukha ko habang nililingon ang likuran nila pero wala talaga silang kasama.

"Nasaan si Chalter?" hindi ko na napigilan ang sarili na magtanong nang tuluyan na silang makalapit sa amin.

"Pinuntahan namin pero wala sa kwarto niya eh. akala nga namin nandito na siya. wala pa ba siya?" luminga-linga pa si Lennox sa paligid.

"Magtatanong ba ako kung nandito na siya?" tumawa pa siya kaya napairap nalang ako.

"Sayang ganda, Raini. be nice just for tonight baka matakot ang iba na i-sayaw ka dahil nagtataray ka. about your date, dadating din yon." he winked.

Napahinto ang tingin ko kay Reeci na pilit pinapakapit si Airlys sa braso niya. pero ang babae halata ko ang pagkailang sa mukha nito I know there's something between them as well Viorica and Lennox.

"Raven!" napalingon ako sa likuran ko nang biglang kumaway si Airlys.

Sa gilid ng mata ko tinitignan ko ang reaksyon ni Victoria. nakaawang ang bibig nito habang nakatingin sa lalaking papalapit ngayon sa direksyon namin. I can't deny how handsome Raven was with his blue tux.

Nang tuluyan itong makalapit inulan ng papuri si Victoria galing kay Raven.

"You're so beautiful with that gown, Victoria it suits you well." nakangiting wika ni Raven habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ni Victoria.

"Excuse me, noh?" pagputol ni Hydra sa titigan ng dalawa.

Kasabay nun ang isa pang tumawag sa gilid namin. I guess ako nalang ang wala pa ang date? when did a guy would be late on his date? it should be me!

Sinubukan ko ulit luminga-linga sa paligid baka sakaling makita ko kung nasaan si Chalter. nasaan na nga ba kasi ang isang iyon? may balak ba siyang pumunta or wala?

Biglang sumagi sa isip ko si Clyde. hindi ko pa sila nakikita ni Sorcha sana naman ay okey lang na magsama sila. kinabahan ako sa rason na biglang pumasok sa isip ko. kaya ba wala pa si Chalter ay dahil nagseselos siya na hindi siya ang date ni Sorcha? napatampal nalang ako sa noo ko dahil sa naisip.

"Darating din yon, mahal na mahal niya lang talaga ang hindi sumunod sa oras." biglang wika ni Viorica sa tabi ko.

Napabuntong hininga naman ako saka siya tinanguan.

Sana nga. sana.

Ayaw niya ng pinaghihintay siya ang gusto niya pala siya ang hinihintay. ano ba naman klaseng lalaki siya? napaka bossy niya talaga kahit kailan. kaya hindi na ako magtataka kung bakit hindi siya nagustuhan ni Sorcha.

Clyde is such a gentleman while Chalter is contrary.

Nagyaya na silang humanap ng mauupuan. sumunod ako sa kanila hanggang sa tumigil kami sa isang bakanteng round table. ten person per table kaya nagkasya kami doon. bakante ang isang upuan dahil siyam lang kami, tama lang kung darating si Chalter. kung darating?

I'm kinda out of place. dahil kausap nila ang kaniya-kaniya nilang date. tumikhim pa ako para maagaw ang mga atensyon nila habang umiinom ako sa wine glass. napairap nalang ako nang hindi nila pansinin iyon. nilakasan ko na ang pagtikhim nang maibaba ko na ang baso doon lang nila ako nilingon.

"Hello, noh? baka pahingi naman ng isa sa inyo para may makausap ako?" awkward na wika ko. kahit naman dumating si Chalter asa naman na mag-usap kami nun.

"I'm sorry. Raven can we exchange seat?"

Agad akong napailing sa sinabi ni Victoria.

"No. okey na pala ako." ayaw kong mang storbo parang nag-eenjoy na si Raven na kausap siya e.

"Ako! Raini!" mabilis na wika ni Airlys pero nahuli ko parin ang pag-irap ni Reeci.

"No. it's okey! diyan ka nalang." napipilitan na sagot ko dahil gusto ko talaga ng kachikahan.

"Me? do you want me?" nakaturo pa sa sariling tanong ni Lennox pero hindi nakatakas sa akin ang masamang pagsulyap ni Viorica sa akin bago siya uminom.

"Ah, hindi na. mas mukhang want ka ni Viorica." natawa naman siya sa isinagot ko bago sinulyapan si Viorica. pinandidilatan pa ako nito.

"Ay! basta ako, huh! hindi ako magpi-presenta. masaya na ako sa buhay ko." mabilis na pag-iling ni Viorica habang mahigpit ang yakap sa braso ni Marcus.

Napasimangot nalang ako. "Ayaw rin naman kitang kausap."

"Hoy, that's harsh!" dinuro-duro niya pa ako.

"Wala naman kasi akong makukuhang matino na topic sayo." napanguso ako nang tumawa lang siya.

"Don't worry baka parating narin yung date mo, na-traffic siguro." biro pa ni Lennox.

Traffic? nasa loob na nga ng Academy ang bahay niya tapos na-traffic? sino naman ang haharang sa daanan niya? I mean, sinong maglalakas loob na humarang sa daraanan niya?

"Maybe, he's still sleeping?" hindi siguradong wika ni Viorica.

"No. wala nga siya doon." sabat naman ni Reeci.

Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kung sino ang magsasalita.

"Then, nasaan kaya siya?" nagtatakang wika ni Airlys.

"Or baka hindi lang pupunta?" taas kilay na sabi ni Raven.

"No. that's impossible. there's no reason why he would not attend." sagot ni Lennox.

Napapikit ako ng mariin dahil nahihilo ako sa kanila.

"Okey, guys! wag na natin siya pag-usapan. choice niya kung pupunta siya or hindi. kung hindi nga, okey lang naman." sabi ko para lang matigil sila.

Ayoko silang bigyan ng problema dahil sa date kong ubod ng tigas ng ulo. hindi naman kahihiyan sa akin kung wala akong date ngayong gabi. hindi rin naman si Chalter ang bubuo sa gabi kong ito.

"You sure?" tanong ni Marcus.

I slowly nod as a sign of my reply. Chalter is giving us a head ache.

"Kami nalang ang magsasayaw sa'yo." presenta ni Reeci na mabilis sinang-ayunan ni Lennox.

"Yea, lahat kami pwede ka namin i-sayaw." nakangiting sagot ni Lennox.

Ako naman ay laglag ang panga na nakatingin sa kanila.

"Wow, ganda mo! iba talaga karisma ng isang Raini noh? how to be you, ate? yung ikaw na nga nawalan ng date pero parang ako pa yung nainggit." gulat na wika ni Hydra habang nakahawak sa dibdib. nakita ko pa ang pag-irap ni Marcus.

"What? No! hindi naman required sa event na ito na may kasayaw, di'ba? kung maka-suggest naman kayo parang ang kawawa ko." natatawang sabi ko. masaya pa nga ako na wala akong kasayaw dahil ang corny kaya. hindi ko bet!

"Sure ka? pwede mo naman hiramin itong si Reeci." nagulat si Reeci sa sinabi ni Airlys kahit ako ay napanganga dahil sa sinabi niya.

"You can have Raven, too."

"What?" gulat na wika ni Raven kay Victoria. nakita ko pang nangungusap ang mata nito kay Raven na parang intindihin yung sitwasyon.

"Grabe, dumating na tayo sa pamimigay ng date. ganda talaga ni Raini!" natatawang singit ni Hydra.

Napatampal nalang ako sa noo. I can't take this anymore! pagod akong napabuntong hininga nang harapin ko sila.

"Ano ba kayo? mahiya naman kayo sa mga date niyo. okey nga lang kasi! bakit ba ang big deal sa inyo ng wala akong ka-date?" pagod na wika ko.

Hindi pa nagsisimula yung Ball pero pakiramdam ko mapapagod ako sa kanila.

"Eh, kasi pag nag-open na yung dance floor para sa sayaw ikaw lang nakaupo dito at mag-isa." wika pa ni Viorica sa itsura niya ay parang siya pa ang nahihiya para sa akin kapag nangyari yon.

"Eh, sa anong magagawa natin? wala nga si Chalter." nagpakawala pa ako ng isang malalim ng paghinga.

"Raini." nakangusong pagtawag ni Airlys sa pangalan ko.

"Ganito nalang para matigil kayo. darating yon okey? baka nga na-traffic." narinig kong tumawa si Lennox dahil sumakay ako sa biro niyang iyon.

Mabuti nalang at tumigil na sila sa pag-aalok sa akin ng mga date nila. kung makapag-alok akala mo mga sinasanla e. pero itong si Hydra asang magsanla ng lalaki ito.

Nilibot ko ang titig sa bawat isa sa kanila. nakikita ko sa mga mata nila the way na kausapin nila mga date nila. masasabi mong 'there's something' talaga. iba yung glow ng mata habang nakatingin sa isa't isa. napatigil ang tingin ko kay Hydra napangiti nalang ako ng makita itong nakangiti habang nakikinig sa kinikwento ni Marcus. I know she has a lot of crushes but the way her eyes glowing while starring at Marcus talking I know there's something.

Bumibigay na ang mga kaibigan ko dahil sa pag-ibig. napangisi ako ng may sumaging tanong sa utak ko na gustong kong itanong sa kanila.

"Guys." isang salita ko pa lang naagaw ko na agad ang atensyon nilang lahat.

"What?" sabay na tanong nilang lahat at pareho rin mga iritado ang mukha kaya natawa nalang ako. agad nilang nabawi ang mga reaksyon at kumalma.

"May mga something ba sa inyo?" tanong ko na ikina-kunot noo nilang lahat.

"What something?" naguguluhang tanong ni Viorica.

"Love love ganun po." wika ko habang pinagdidikit ang dulo ng dalawang hintuturo ko.

Napanganga naman silang lahat. nakita ko pa ng huminga ng malalim ang iba sa kanila. na hot seat ko ba sila? hindi naman siguro.

"Wala."

"Yup, walang ganun."

"We're just friends."

"Issue ka naman, Raini."

"No. that's asa!"

"Hala. wala!"

"Your brain, Raini I think it's not functioning properly."

"Biro yun diba? ako ma-inlove? biro yun?"

Hindi ko na sila maintindihan lahat dahil lahat sila sumasagot. hindi ko alam kung kanino unang ibabaling ang atensyon dahil sabay-sabay silang nag defend ng mga sarili.

Bakit pinagtatakpan nila mga feelings nila kung obvious naman. totoo nga ang action speak louder than words sila na ang nagpatunay. hindi ko pa naranasan ma-inlove sa isang lalaki pero alam kong masarap sa pakiramdam ang magmahal. but I get their points kung bakit sila indenial maybe because they're afraid it might ruin their friendship.

Nakakatakot talaga iyon.

"You know what guys. you can't stop the feelings that you have for someone. you can't lie to yourself either because your heart knows the truth and all to well." nakangiting wika ko kaya natahimik silang lahat.

"You have experiences?" taas kilay na tanong ni Viorica.

"Wala pa. pero naiintindihan ko ang bagay na yon."

Nag-excuse ako sa kanila na gusto kong maglibot sa paligid. dahil hinahatak talaga ako ng mga pagkain doon sa gilid. ang haba ng lamesa dahil sa sobrang daming pagkain ang nakahalera doon. kumikinang ang mga mata kong lumapit doon dahil may iilan naman na tumitikim ng pagkain doon. baka pwede naman siguro na tumikim din ako doon.

Ganoon nalang ang paghanga ko nang tuluyan kong makita ang mga pagkain sa malapitan. kumalam ang sikmura ko dahil sa mga nakikita. hindi date ang magpapasaya sa akin ngayong gabi kundi ang mga ito. hanapin ko nga si Mr. Themis mamaya. tatanungin ko siya kung pwedeng magtake out. ang hihina kumain ng mga tao dito samantalang ang sasarap ng mga pagkain.

I've never been know what strawberry taste like. kaya kumuha ako nito at sinawsaw sa chocolate fountain. kumagat ako ng isa at napapikit nalang ako dahil nagustuhan ko ang lasa nun.

"Raini."

Napamulat agad ako at napatigil sa pagnguya dahil sa tumawag sa pangalan ko. paglingon ko dito ay naramdaman ko ang galak sa puso ko.

"Clyde!" masayang banggit ko sa pangalan niya.

"It seems you like the strawberry." natatawang wika niya.

"Ow. first time ko makatikim, ang sarap tikman mo!" pag-alok ko pa sa kanya na kumuha siya ng isa.

Mabuti at kumuha nga siya ng isa at mabilis na kinagatan yun. tumango-tango naman siya habang ngumuguya.

"Tastes good."

"I-sawsaw mo sa chocolate!" alok ko ulit habang sinawsaw ang kalahating strawberry na hawak ko doon.

Natatawa nalang siya na sumunod din sa ginawa ko.

"Bakit hindi mo kasama mga kaibigan mo?" tanong niya bago tuluyan na i-subo ang strawberry.

Napatingin ako sa table kung nasaan sila Hydra. I tsked when I saw they're still busy talking with their dates.

"As you can see." I shrugged.

"Where's your date?"

"Nowhere to be found." simpleng sagot ko. narinig ko ang mahinang pagtawa ni Clyde.

"I see."

"Where's your date?" tanong ko pabalik.

"Same question. same answer."

Natigilan ako sa pagkuha ng strawberry dahil sa sagot niya. wala si Sorcha? wala rin si Chalter? hindi kaya magkasama ang dalawa? pero sobrang impossible. baka coinsedence lang na pareho silang wala ngayon.

"Kuha ka pa." hindi ko alam kung bakit biglang nawala ang saya sa boses ko. what's wrong with you, Raini? bilis magbago ng mood mo akala ko ba pagkain lang sapat na pero bakit nawalan ako ng gana.

"You should taste this one. chocolate covered strawberry mini cheesecakes." inabot niya sa akin ang isang maliit na parang cupcake pero sa ibabaw nun may strawberry ang kalahati ay nababalutan ng chocolate.

"Mukhang masarap ha? haba ng pangalan eh." kinuha ko naman iyon at kinagatan. napatango-tango nalang ako sa sarap ng pagkain.

"Ano?" naghihintay niyang sagot.

"Ang sarap." nakangiting sagot ko.

Lumawak naman ang ngiti niya dahil sa isinagot ko. kami nalang kayang dalawa ang mag date? parehas naman kaming hindi sinipot ng mga date namin.

"May atraso ka nga pala sa akin." pinaningkitan ko siya ng mata. nagtaas naman siya ng dalawang kamay na parang sumusuko.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo." natatawa pa siyang umiling.

"Anong hindi? ano bang ganap mo at may pahalik-halik ka pa sa noo?" mabilis ko siyang kinurot sa tagiliran niya natatawa pa siyang umiwas.

Ngayon ko lang napansin na ang gwapo niya sa suot niyang black na tuxedo. nagpadagdag pa doon ang ayos ng buhok niya mas lalo tuloy lumabas ang gwapo niyang mukha. kaya hindi ako magtataka kung bakit nasa number two siya ni Hydra.

Pero mas hindi ako magtataka kung bakit nasa number one si Chalter.

"I'm sorry. gusto ko lang inisin si Chalter."

"Bakit naman ako ang ginamit mo? iba din talaga trip mo." sinamaan ko pa siya ng tingin.

"Sorry. I just want to confirm something with my own eyes." biglang naging seryoso ang aura nito.

"Oh? na-confirm mo naman?" inirapan ko pa siya. hindi na ako nagtanong sa kung anong gusto niyang kompirmahin dahil hindi na ako interesado pa sa bagay na iyon.

Nakakasawa din maging chismosa, minsan.

"Yeah." naiiling na sagot niya.

"Haynaku! ito try mo hindi ko alam kung anong name nito. oh!" natatawa niya nalang na sinubo ang tinapat ko sa bibig niya.

"Wait." pagtigil niya habang titig na titig siya sa labi ko.

Napalunok ako nang maradaman ko ang hinalalaki niya sa gilid ng labi ko. may pinunasan siya doon hindi ko alam kung ano. napangiti siya ng matapos niyang gawin iyon.

"Ang kalat mo kumain." wika niya.

"Sorry naman." pinilit kong magsungit sa harapan niya. nahagip ng mata ko si Sorcha na parang may hinahanap.

"I think Sorcha is looking for you." wika ko.

Napalingon siya sa likuran niya bago ibalik ang atensyon sa akin muli.

"See you around?" nakangiting tumango ako bago siya tumalikod at naglakad papunta sa direksyon ni Sorcha.

Tumalikod narin ko para bumalik sa table. napatigil ako sa paghakbang nang makitang nasa akin lahat ng atensyon nila Hydra pero mabilis silang nag-iwas ng tingin nang harapin ko ang dereksyon nila. para silang mga ewan na nagpapatay malisya e, nakita ko naman.

Lumapit ako sa lamesa nila at naniningkit ang mata ko dahil hindi nila ako binalingan ng tingin. halata naman alam nilang nakabalik na ako.

"Nawala ka lang saglit may kasubuan ka na agad." pagalit na wika ni Hydra kay Marcus. pero itong si Marcus ay naguguluhang tinignan si Hydra.

"May sarili kang date bakit kailangan mo makipag landian sa iba?" bigla naman sabi ni Lennox kaya nagulantang si Viorica.

"Tinotopak ka na naman ba? ano bang sinasabi mo?" naguguluhan na tanong nito kay Lennox.

Napairap nalang ako dahil alam ko naman na ako ang pinatatamaan nila.

"Tigilan niyo ko kung ayaw niyong lumipad sa inyo to." pinakita ko pa ang kutsilyo sa kanila.

Kapwa kami natigilan dahil sa pag play ng tugtog. it was a classical music or waltz? I don't know. napalingon ako sa pinanggalingan ng tugtog nakita ko na may nagba-violin at piano doon sa unahan. ang ganda nung tugtog parang ang sarap makipagsayaw. pakiramdam ko pumasok ako sa isang makalumang movie dahil sa tugtog.

Nakita ko na nagtayuan ang karamihan with their partners. bumalik ang tingin ko sa table namin nakita ko silang lahat ay nakatayo at nakatingin sa akin. ngumiti nalang ako at tumango dahil kita ko sa mga mata nila na parang nag-aalangan silang iwan ako. their eyes giving me an apologize even if they don't need to.

Huminga ako ng malalim habang tinitignan silang pumunta sa dance floor. nakita ko si Sorcha at Clyde na papunta din doon. napahalumbaba ako sa lamesa habang tinitignan silang nagsasayaw. ang relaxing pa naman ng tugtog ang sarap sa tainga.

Nagulat pa ako dahil nakita ko si Ms. Rakki at Mr. Themis na nagsasayaw din. there's something na naman ba?

Medyo nakaramdam ako ng hiya dahil napansin ko na ako lang ako nakaupo at lahat sila nagsasayaw.

"Would you like to dance?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa pamilyar na boses na nagsalita sa gilid ko. ang kaninang kalmadong pintig ng puso ko, ngayon ay biglang bumilis na halos marinig ko na ang tibok nito.

Unti-unti akong lumingon at nakita ko ang lalaking hindi ko inaasahan nadarating pa. habang nakalahad ang kamay nito sa aking harapan.

"Chalter."

Continue Reading

You'll Also Like

176K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...