MYSTICAL ACADEMY: Play with F...

By 3umoiriety

63.2K 2.9K 670

Raini Zalana Evanescent is just a normal teen age girl not until she reached 18 and her life suddenly change... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 13
CHAPTER 14
Author's note
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
ANNOUNCEMENT
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36

CHAPTER 12

1.2K 71 23
By 3umoiriety

RAINI

"Am I late?" hinihingal na tanong ko pag-pasok ko sa training room.

halos takbuhin ko yung distansya ng girls dorm at training room, take note wala pang tigil sa pagtakbo yon sino ang hindi hihingalin sa haba ng hallway nakita ko siyang nakaupo sa isang upuan, nakapikit pa ito ng maabutan ko.

"Nope. uso naman kasi ang teleportation." malamig na wika nito nang mapansin niyang hinihingal ako.

Napakamot ako sa ulo nang mapagtanto na may madali nga naman na paraan bakit tumakbo pa ako. dala-dala ko parin ang kasanayan bilang pagiging normal na tao dito sa Academy.

"Can we make it fast?" tanong ko pa kaya napaangat ang isang kilay nito.

"And now you have the right to demand?"

"Hindi! ano kasi darating yung designer sa dorm mamaya baka hindi ko maabutan." pagpapaliwanag ko. init agad ng ulo e, hindi pa nga tapos.

"Then let's start." pagbitaw niya nang salitang yon biglang tumunog ang tiyan kaya nanlaki ang mata ko.

"Hindi ka pa nakain?" gulat na tanong ko.

Nag-iwas siya ng tingin dahil namumula ang mukha niya. nahihiya siguro sa pagtunog ng tiyan niya. okey lang naman yon, ako nga naamoy niya ang hininga ko na amoy sardinas.

"I'm fine." maikling sagot niya.

Sino ba kasing nagtanong kung okey lang siya? ang tanong ko naman kung hindi pa siya nakain. may sira ba ang pandinig niya?

"Training to, dapat bago tayo magsimula kumain dapat ang isa't isa para parehas tayong may lakas." wika ko.

"And?" taas kilay na tanong nito.

"Kakain ka muna bago tayo magsimula, may baon ako sa bag na sandwich galing cafeteria." saad ko habang hinahalughog yung bag ko. nasaan na ba kasi yung tinapay na yon na maraming gulay? hindi ko kinain ang sandwich dahil ang daming gulay. I'm not fond of vegetables it makes me vomit.

Nang makita ko ang sandwich na naka-wrapped sa isang tissue kinuha ko agad yon. nilahad ko yon sa harap ni Chalter pero tinignan niya lang yon.

"Hindi ka mabubusog kapag tinitigan mo lang yan." napabuntong hininga pa siya bago kunin ang sandwich na hawak ko.

"I thought you were in a hurry?" tanong pa nito.

"Your health matters. dami mong tanong kainin mo na nga lang yan!" iritadong wika ko. dami pa daw sinasabi e, ayaw nalang kumain nagmamadali na nga.

Napansin ko na hindi parin niya pinapakialaman ang sandwich at nakatingin lang siya sa akin. napakamot na ako sa ulo sa pagkayamot.

"Gusto mo pa bang subuan kita?"

"Psh." umirap pa siya bago buksan ang sandwich.

"Good yan!" tinaas ko pa ang thumb ko as a sign of okay.

Pumunta ako sa ibang upuan samantalang siya naman ay umupo din malayo sa akin. nakatalikod pa siya habang kumakain ng sandwich kaya napailing nalang ako sa kaartehan ng lalaking yon.

Nakatulala lang ako sa pinto ng Training room blanko lang ang isip ko nakatingin lang talaga ako sa pinto. nang biglang bumukas ito, iniluwa nito si Clyde kaya napatayo ako sa gulat. ngumiti siya nang makita niya ako kaya ngumiti ako pabalik. nakita ko ang napalingon na si Chalter mula sa pagkakatalikod. sumeryoso ang mukha nito ng makita si Clyde.

Oo, nga pala alam ko ang kwento bakit ang init ng ulo niya kay Clyde.

"How are you?" nakangiting tanong nito nang makalapit siya sa akin. nangunot naman ang noo ko dahil doon, pumunta ba siya dito para lang itanong ang bagay na yon?

"Huh? ah, okay lang naman." naguguluhan pa na sagot ko.

"Good, I just want to check on you." tumango nalang ako sa sinabi niya kahit naguguluhan pa ako bakit kailangan niya akong i-check.

"What are you doing here, De Loughrey?" napalingon ako kay Chalter na nasa likutan na ni Clyde.

"Just checking on her." nakagising sagot nito.

Nakita ko ang masamang tingin sa akin ni Chalter. hala? kung may away sa kanila wag sana nila akong idamay.

"You're not allowed here, De Loughrey." marahan namang tumango si Clyde sa sinabi ni Chalter.

"Ah sige, sige na Clyde okey lang naman ako. magsisimula narin kasi kami, Oo!" hinawakan ko pa ang braso ni Clyde nakita kong napadako ang tingin ni Chalter doon kaya lalong sumama ang tingin niya napabitaw tuloy ako sa pagkakahawak sa braso ni Clyde.

Anong problema ng isang to? nagkakainitan na yata sila.

"We'll talk later, okey?" malambing na wika ni Clyde habang nakatingin sa akin. napanganga ako dahil sa asta niya na yon.

"A-ah sige?" nakakunot pa ang noo ko nang sumagot dahil hindi ko maintindihan bakit bigla nalang naging ganun pakikitungo ni Clyde sa akin.

At isa pang nakakagulat nang lumapit ito sa akin at humalik sa noo ko. nakaawang ang labi ko dahil sa pagkagulat ngumiti ito sakin muli bago lumabas ng training room samantalang ako ay hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. nakatingin lang ako sa pinto kung saan lumabas si Clyde.

Hinalikan niya ba talaga ako sa noo?

I can't believe!

"Let's start." napatingin ako kay Chalter, walang mababakas na emosyon sa mukha nito.

Naglakad ito palayo kaya pumunta narin ako sa pwesto ko. napalunok pa ako dahil parang badtrip ang itsura niya baka sakin mabaling ang galit niya kay Clyde. bakit naman kasi dinamay pa ako sa gulo nila e, makukutusan ko talaga si Clyde pag nagkasalubong ang landas namin dalawa.

Wala parin mababakas na emosyon sa mukha nito hanggang sa naglabas ng apoy ang kamay nito. hinanda ko na ang sarili para sa magiging atake niya. naglabas ako ng water ball nang mag labas siya ng fire ball nagkasalubong ang atake namin dalawa. mabilis ang kilos ko at gumawa ng panibagong atake nagbato ako sa gawi niya ng water blades, tatama sana sa kaniya yon pero naiwasan niya.

Lumabas ang Fire phoenix niya kaya nilabas ko na ang water dragon ko habang naglalaban ang dalawa. parehas kaming gumawa ng panibagong atake, hindi ko alam kung namamalikmata ako pero kita ko ang galit sa mukha niya.

"Chill lang!" sigaw ko sa kanya. lumipad ako para maiwasan ang sunod-sunod na atake niya.

Parang kontrolado niya ito dahil humabol ito nang makalipad ako. binato ko ang water ball sa mga atake niya na sinusundan ako dahil sa pagsalubong nun nagkaroon ng isang malakas ng pagsabog.

"Chill ako." walang emosyon sa boses na wika nito pero halata naman sa mukha niya.

"Chill ba yan?" kabadong tanong ko ng sunod sunod na fire blades ang nilabas nito at hinagis sa direction ko.

Gumawa ako ng barrier para protektahan ang sarili ko dahil sa mabilis na atake niya. nang tuluyang mawala ang barrier hanggang maging usok nalang ito gumawa ako ng water rope. nang mawala ang usok laking gulat niya nalang na parating sa direction niya ang lubid na gawa sa tubig.

Mabilis na pumulupot ito sa katawan niya hanggang sa hindi na siya makagalaw. nakita ko ang gumuhit na inis sa mga mata nito habang nakatingin sa akin.

Nakapamewang ako na lumapit sa direksyon niya. magkatapat na kami at masama lang ang tingin na iginawad niya sa akin.

"Ano bang problema mo, Chalter?" napabuntong hininga pa ako sa ere habang nakapamewang.

"Wala akong problema." malamig nitong sagot.

"Wala? sure ka ba? yung mukha mo parang gusto mo na akong burahin sa mundo." tinuro ko pa ang mukha niya kaya mas lalong tumalim ang tingin nito sa akin.

"Stop pointing finger, Zalana." matalim na sabi nito kaya naibaba ko ang kamay ko.

"Did you just call me with my second name?" gulat na tanong ko. wala pang tumatawag sakin sa second name ko kaya nakakagulat na maririnig ko nalang ito, of all people kay Chalter pa talaga.

"Yes, I did." nakangisi pa na sagot nito.

Nanlaki ang mata ko nang mawala ang tubig na nakapulupot sa katawan niya. madiin ang titig nito sa akin habang nahakbang papalapit samantalang ako naman ay nahakbang paatras.

Napalunok pa ako dahil sa uri ng pagtitig niya. hindi na makaatras ang paa ko dahil pader na ang nasa likod ko. nakatingala ako sa kanya at pilit na nilalabanan ang titig niya pero sa bandang huli ako na yumuko para lang maputol ang titigan namin.

"Ano bang ginagawa mo?" nagkunware pa akong galit dadaan na sana ako sa gilid ng harangin niya ito ng kamay niya.

"Kayo ba?" bigla akong napalingon sa kaniya dahil sa tanong niya.

si Clyde ba ang tinutukoy niya?

"No." mabilis akong umiling.

Tinanggal niya na ang kamay na nakaharang sa gilid ko at nagbigay ng kaunting distansya sa pagitan namin. bumalik ang kamay niya sa pagkakapamulsa.

"Tapos na ang training mo." tumalikod ito at nagsimula ng maglakad palabas.

"Pero may thirty minutes pa?!" pahabol ko. ang bilis naman kasi wala nga akong natutunan sa training namin kundi ang maglaban nang maglaban.

"Pumunta kana sa dorm mo baka hindi mo na maabutan yung designer." sagot niya bago tuluyang lumabas.

Oo, nga pala!

Mabilis kong tinakbo ang pwesto ng bag ko, nang makuha ko na ito. nagteleport na ako sa sobrang pagmamadali sa isang iglap lang nasa tapat na ako ng dorm.

Pagbukas ko ng pinto nakita si Hydra na sinusukatan sa bewang ng isang babae. napabalikwas nang bangon si Victoria nang makita niya akong nakatayo sa pinto, napatingin din tuloy sa akin si Hydra at yung nagsusukat.

"Raini!" masayang pagtawag ni Hydra sa akin.

"Tapos ka na?" pagtatanong ko kay Victoria.

"Nope. kakasimula lang ni Hydra sunod ako tapos huli ka." nakangiting sagot niya kaya tumango ako.

"Tapos na training?" pagtatanong ni Hydra.

"Yup." maikling sagot ko.

"Ang bilis huh?" may nakakaloko pa itong ngisi sa labi kaya inirapan ko siya.

Kung ano-ano pang iniisip ng babaeng to. pumasok na muna ako sa banyo dahil mukhang matagal pa naman sila at pang-huli pa ako. nag desisyon muna ako na maligo dahil amoy pawis ako. ayoko naman na habang sinusukutan ako umaalingasaw ang amoy pawis ko. nakakahiya naman!

Habang naliligo ako nag-flashback naman sa utak ko ang paghalik ni Clyde sa noo ko. napasabon tuloy ako sa noo ko nang wala sa oras. hindi naman sa nandidiri? nung aksidente rin naman akong nahalikan ni Chalter pati labi ko tinoothbrush ko.

Paglabas ko si Victoria na ang sinusukatan.

"Ako ang demand ko gusto ko color red tapos maraming glitters para mag shine, shine ako in the night." madaldal na wika ni Hydra.

"And what's yours?" tanong ng manunukat nang matapos niyang sukatan si Victoria.

"Ano po ba sa tingin niyo ang babagay na kulay sa balat ko?"

"Maputi ka, lahat ng kulay bagay sayo." dagdag pa nito.

"Rainbow po ba?" Inosenteng tanong ni Victoria kaya napailing nalang ako.

"Hi, dear. I'm Sayala please come near me so I could measure your waist." nakangiting wika nito sa akin.

Lumapit naman ako sa kanya. nakahawak ako sa towel na nasa buhok ko para masukatan niya ng maayos ang bewang ko.

"Any demands?" pagtatanong nito habang sinusukat ang bewang ko.

Agad naman akong nag-isip kung anong gusto ko sa isang ball gown. marami akong pangarap sa gown nung bata ako bukod sa hindi pa ako nakakapagsuot ng ganun, gustong-gusto ko yung mga nakikitang kong gown kapag debut ng isang artista. talaga namang bongga e, baka pwede yung ganun? hindi naman kaya matalbogan ko lahat ng estudyanteng babae sa Mystic Ball?

"Gusto ko po yung may feather dito sa bandang dibdib po tapos parang pa-heart yung style sa dibdib. gusto ko color black and gold yung glitters tapos dagdagan niyo na po ng mga butterflies and flower na color black na gawa sa tela yung bandang ibaaba ng gown." mahabang wika ko.

"Grabeng demand yan, Rayn!" napabuntong hininga na sabi ni Hydra.

"Hindi kaya ang hirap nun? wala bang madali lang, twenty person ang tatahian ni Ate Sayala ng gown and tux." dagdag nu Victoria.

Nakanguso akong napatingin kay Ate Sayala, naghihintay ako ng sagot kung hindi ba pwede ang mga demands ko. sinulit ko lang naman yung libre, syempre dahil mahal ang ganoong gown tapos pangarap ko pa. libre nalang naman bakit hindi ko pa lubos lubosin.

"No, It's okey kayang kaya ko yon at mukhang pangarap mong masuot ng ganoong klaseng gown kaya okey lang." nakangiting sagot nito.

Natuwa naman ako sa loob loob ko dahil pwede at makakapag suot na ako ng pangarap kong gown.

"Hindi kaya mahirapan ka po?" kunot noong tanong ko sa kanya.

"No." maikling sagot lang nito.

"Gurl, bakit hindi nalang white? tapos pagawa ka narin ng belo sa ulo baka trip mo kasal?" inirapan ko nalang si Hydra sa sinabi niya.

"Inggit ka lang tipid mo kasi mag-demand." bato ko pabalik sa kanya.

"Hoy, hindi kaya! Ate Sayala padagdagan mo ng gloves sa akin para maganda." pahabol nito kaya natawa nalang si Ate Sayala.

Pagkatapos akong sukatan ni Ate Sayala lumabas na siya sa dorm, saktong paglabas niya sunod-sunod naman na pumasok sila Lennox.

Nanlaki ang mata namin tatlo dahil sa biglaang pagpasok ng apat, nagtutulakan pa ito sa pag-uunahan pumasok. girls dorm ito, bakit sila pumasok? mahigpit na pinagbabawal na bawal ang lalaki dito. hindi pa ako nakaka move on sa pagkagulat nag dive na agad si Lennox sa kama ko doon lang ako nabalik sa reyalidad.

Agad ko siyang sinabunutan paalis sa kama ko. nakita ko si Victoria at Hydra na nakanganga parin at hindi pa yata nakakaalis sa pagkagulat sa biglaang pag pasok ng apat.

"Aww! aray naman!" pagdaing pa ni Lennox.

"Bakit kayo nandito? bawal kayo dito, girls dorm ito bawal kayo ni Reeci dito!" mabilis na wika habang pinanlalakihan siya ng mata.

"Wala naman makakaalam na nandito kami." nakangiti pang wika ni Lennox.

"Pag nalaman ito ni Mr. Themis sabay-sabay tayong mapaparusahan." mas lalong tumalim ang tingin ko sa kanya.

"Hindi yan!" sabat ni Airlys na nakaupo sa kama ni Victoria.

Asa pa ba ako na sawayin siya ni Victoria dahil nakaupo ito sa kama nito? e, kapatid yan ng lalaking mahal niya.

"Bakit ba kasi kayo nandito?" inis na tanong ko sa kanilang apat.

"Kakain." malditang wika ni Viorica.

"Kakain? wala kaming pagkain dito." sagot naman ni Hydra sa kanya.

"Wala? but sabi mo may kakaiba kayong pagkain dito." nanlaki ang mata ni Hydra sa sinabi ni Airlys.

Sinamaan ko ng tingin si Hydra nang tumingin ito sa akin ang mga mata nito tinatanggi pa ang sinabi ni Airlys. halata naman siya ang magkikwento sino pa bang maingay sa kwartong ito kung hindi siya lang naman.

"Promise, hindi ko sinabi." umiling pa ito ng mabilis.

"Paanong hindi? ibig sabihin nagsisinungaling si Airlys?" nakapamewang na tanong ko pa.

"No. nagsasabi ako ng totoo sabi niya pa nga sa akin itulak ko daw siya sa kapatid ko tapos bibigyan niya ako ng pagkain na never ko pang natikman." pagpapaliwanag ni Airlys.

"Tinulak mo naman?" taas kilay na tanong ko habang pasimple kong sinilip sa gilid ang reaksyon ni Victoria nakayuko lang ito.

"Hindi ah." umiiling na sagot ni Airlys.

"Hoy! wag nga kayong ganyan, inaaway niyo si Victoria." sabat naman ni Lennox.

Bigla tuloy napaangat ng tingin si Victoria.

"Huh? hindi." napipilitan pa itong tumawa.

"Naku, Victoria wag kang maniniwala sa kanila! itataya ko pa bituka ko para hindi makatikim ng sardinas." pagpapalusot ni Hydra.

"Sure yan? itali na to, oh! halata naman sa mukha kung sino ang totoong nagkasala." pumalagpalag pa si Hydra ng hawakan ni Lennox ang dalawa niyang kamay.

Tumulong narin si Reeci siya ang humawak sa paa ni Hydra. napatampal nalang ako sa noo dahil mukhang walang balak magseryoso ng mga ito.

"Ano ba, hoy! maglo-loveback talaga kayong dalawa pagkatapos nito!" sabay na hinigit ni Victoria at Airlys si Lennox at Reeci. kaya napasimangot si Hydra halata naman na nag-eenjoy siya kunware papalag pa e.

"Niyaya pa naman ni Airlys si Chalter, maya-maya lang nandito na yon." napanganga ako sa sinabi ni Reeci.

Si Chalter pupunta dito? what the?

"Bakit?" nagpapanic na tanong ko.

"Sabi kasi ni Airlys kakain daw dito." walang gana na sagot ni Viorica.

Tumakbo ako sa ilalim ng kama hinalughog ko doon ang isa ko pang bag. napapikit ako ng makitang isang sardinas, argentina meat loaf at century nalang ang nandoon. kasiya na kaya ito saming walo?

Napangiti naman ako ng malawak nang may maisip akong paraan. nagulat sila nang lumabas ako sa ilalim ng kama bitbit ang tatlong de lata.

"Aha! diyan pala tinatago ha!" wika pa ni Hydra.

"Victoria, favor?" mabilis naman itong tumango sa sinabi ko.

"Sure."

"Five eggs sa cafeteria tapos vinegar and soy sauce." tumango siya at lumabas ng dorm para kunin lahat ng inutos ko.

"Wow, ano yan? bago lang sa paningin ko yan!" sinundan ako ng apat sa mini kusina namin.

Nilapag ko ang tatlong delata sa lamesa dahil kukuha ako ng mangkok pero hindi ko alam kung bakit pinag-agawan pa ng apat yung delata para tignan. napailing nalang ako nang mailapag yung mangkok, naghanap pa ako ng kutsara.

Napanganga ako nang makitang tatlong plato at kutsara lang ang meron kami. iniwan ko muna ang apat sa kusina at pinuntahan ko si Hydra na nakatulala lang habang nakaupo sa kama niya. ano naman kayang iniisip ng isang ito?

"Hydra, kulang plato baka naman maka-segway ka hiram ka ng limang plato at kutsara sa cafeteria."

"Ano ba kasi yan? hindi pa pinasabay-sabay kay Victoria." yamot na wika niya habang inis na nagkakamot pa sa ulo.

"E, hindi ko naman alam!" asik ko pa.

"Ito na nga po e, hindi naman po naninigaw tatayo na nga po." nakangiting wika niya pa habang naka peace sign.

Bumalik na ulit ako sa kusina nakita ko ang apat na pinag-aagawan parin yung delata.

"Ako naman! patingin ako nyang sardaynes." wika ni Viorica

"Sardins, Viorica." pagtatama ko sa pag banggit niya napatango naman siya.

"Laygo nalang kasi Viorica pahirap ka pa e." pagmamayabang pa ni Lennox, hindi niya alam na mali rin pronounciation niya.

"Ligo, Lennox." pagtatama ko naman dito.

"What is this? Senturay?"

"Senchuri, Reeci."

"Feeling ko masarap itong Argentina."

"Arjentina, Airlys."

Napakamot nalang ako sa ulo dahil sa mga pronounciation nila. simpleng delata lang pinasosyal pa ang pangalan. grabe hindi ko sila ma-keri! hindi ko maabot ang level nila sa kaartehan.

Nang makabalik na si Victoria at Hydra. buti nalang naka easy open can yung sardinas at argentina. ang hirap pa buksan ng meat loaf dahil magkabilaan nun kailangan buksan gamit ang kutsilyo. nang buksan ko yung dalawang delata mangha-mangha yung anim na nanonood sa kusina nakapaikot sila sa isang lamesa. napabuntong hininga nalang ako dahil sa ka-inosentihan nila.

Nilagyan ko lang nang kunting toyo at suka ang sardinas at ang corn beef at meat loaf naman niluto ko nang may kasamang itlog. wala naman akong alam na luto sa mga delata maliban dito. kung may miswa lang sana marami sana yung sardinas.

"You look like a professional cook." natawa nalang ako sa sinabi ni Reeci.

"Yea, naamoy ko na yung niluluto mo diyan." wika ni Airlys.

"Saglit lang, mabilis lang ito maluto." napanguso naman siya.

May narinig kaming kumatok sa pinto ng dorm. sabay sabay silang lumabas ng kusina para siguro tignan kung sino ang kumatok. magkakadugsong ba ugat ng paa nila? kung nasaan yung isa kailangan nakasunod lahat.

Inayos ko nalang yung niluto ko with plating pa para sosyal kahit papaano maabot ko yung standard ng pronounciation nila sa mga delata. nagtataka pa ako habang nag-aayos dahil wala akong marinig na ingay sa labas ng kusina. imposibleng tumahimik nandoon si Lennox, si Hydra?

Ano kaya ang ginagawa ng mga yon at tumahimik yata.

"Hydra! padala nga ng sardinas hindi ko na kayang bitbitin!" sigaw ko habang bitbit ang dalawang plato ng meat loaf at corn beef.

Paglabas ko napatigil ako sa paglalakad ng makita kung sino ang taong nasa harapan nila. kahit ako ay natahimik nang makita ko siya na nakatayo at seryoso ang itsura.

Mukha parin siyang badtrip, sino na naman ba ang umaway sa kanya?

"Ay, okey na?" tanong ni Hydra. tumayo ito at pumasok sa kusina para kunin ang pinapadala kong naiwan.

Nilapag ko ang dalawang plato sa isang lamesa kung saan kami kumakain nila Victoria.

"Pwede na ka'yo, ano mag-eat." nahihiya pa na wika ko. hindi ako nahihiya dahil sa kanila kung hindi dahil nandito si Chalter.

Bakit ba ako nahihiya sa kanya? pake ko naman sa kanya!

"Lennox, yung kanin pala sa kusina." malumanay na suyo ko.

Tatayo na sana siya nang maunang tumayo si Viorica.

"Ako na." maikling wika nito bago pumunta sa kusina.

"Ay, Reeci yung mga plato at kutsara pala-" hindi pa ako tapos magsalita nang biglang tumayo si Airlys.

"Ako na." nakangiting sagot nito bago pumunta sa kusina. kuno't noo ko itong sinundan ng tingin. anong problema nilang dalawa?

Nang makabalik na yung tatlo bitbit lahat ng inutos ko. kumuha na sila ng tag-iisang plato at kutsara. tahimik silang pumunta sa kanya-kanyang pwesto habang kumakain. dahil mukhang walang baka mag sandok si Chalter at nakaupo lang siya sa singel couch.

Ako na! Ako na magsasandok ng pagkain niya!

Hindi ko pa alam kung paano lalapit nakatingin lang ako sa kanya dahil tulala lang ito. napakagat ako sa ibabang labi habang hawak ang plato na para sa kanya.

"Want mo ako nalang mag-give?" biglang bulong ni Lennox sa gilid ko.

Kabuti rin ba ang isang to? bigla nalang din nasulpot.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ako na." parang nakita ko bigla ang sarili ko kay Airlys at Viorica dahil sa isinagot ko.

Nakita ko ang nakakalokong ngisi ni Lennox.

"Linyahan ng mga selosong babae." naiiling na sabi niya bago bumalik sa pwesto niya kanina.

Selos? pinagsasabi ng lalaking yon, kanino naman ako magseselos? sa kanya? baluga talaga.

Naglakad na ako palapit kay Chalter.

Pero napatigil ako nang malapit na ako dahil biglang nagtilian yung anim sa likuran. kaya gulat akong napatingin sa mga ito, parang kanina lang ang tatahimik nila.

"Bigyan na kasi ng karapatan magselos!" sigaw pa ni Lennox habang nakatakip sa bibig.

"H'wag naman kayong bastos! anong pinapamukha niyo sa akin? na wala akong ka-love team?!" may iilang kanin pa ang tumalsik mula sa bibig ni Hydra.

"Akin ba yan?" napatingin ako sa gawi ni Chalter pero dibdib niya ang sumalubong sa mata ko kaya nag-angat ako ng tingin.

Napalunok pa ako habang napakurap.

"Hindi. akin to, asa ka naman! kumuha ka ng sa'yo." pagalit na sabi ko.

Tinalikuran ko siya at nagpadyak ako papunta kay Hydra. sa kanya na ako tumabi habang nakasimangot ang mukha.

Nakita kong napabuntong hininga si Chalter bago nagsandok ng sarili niyang pagkain. bakit ba kasi hindi ko pa binigay itong nasa plato ko? para sa kanya naman talaga dapat to.

Biglang nagpatay malisya si Lennox nang lingunin ko siya nahuli ko itong nakatingin sa akin at nakangisi. akala niya ba hindi ko nakita?

"Grabe ang sarap talaga nitong, ano nga ba ito Viorica? Sardaynes." tumatango pa na wika nito.

Inirapan lang siya ni Viorica. buti nga sa kanya!

"Konting respeto naman noh! magsusumbong ako kay Mr. Themis na nandito kayo lahat." dinuro pa sila ni Hydra.

"Napaka KJ mo naman." nakangusong wika naman ni Airlys.

"Kaya hindi siya nagustuhan ni Raven e, she's to loud." naiiling na wika naman ni Reeci. nakakagulat talaga pag nagsalita ang isang to, para kasing once in a blue moon.

"Bastos talaga huh!" inis na wika ni Hydra.

"Kumain ka na nga lang, Hydra mo mae-enjoy yang pagkain kakadada mo diyan." saway ko sa kanya.

"Well." nakangising wika nito at tumayo. lumipat siya ng pwesto, sa tabi pa ni Chalter.

"What?" taas na kilay na tanong ni Chalter sa kanya.

"Anong what? masamang tumabi?" mataray na wika ni Hydra dito.

Napairap nalang ako at tumalikod sa gawi ng dalawa.

"Hoy, baka pati kutsara malunok mo." sinamaan ko ng tingin si Lennox at hindi nalang binigyan pa ng pansin. ano pa bang alam niya bukod sa mang-asar?

Habang kumakain naramdaman kong lumubog ang tabi ko. ngunguyain ko palang sana ang pagkain nang mapalingon ako kung sino ang tumabi sa akin.

Napanganga ako sa gulat kaya lahat ng kanin sa bunganga ko bumalik sa plato ko.

"Gross." rinig kong bulong nito.

"Bakit ka tumabi sa akin?" inis na tanong ko sa kanya.

"Am I not allowed to sit beside you?"

Hindi ko magawang sumagot dahil nagtilian na naman yung anim sa likuran. halos pamulahan ang buong mukha ko dahil sa pang-aasar nila.

Ano bang nangyayari sa'yo Chalter? bakit ka ba bumibigla ng ganyan?

"Aatekihin ako."

Continue Reading

You'll Also Like

184K 12.9K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...