O Silent Night (Isla de Vista...

Galing kay dalndan

5.2M 107K 28.3K

Isla de Vista Series #1 Amber, the firstborn child, sought to let everything go. She's living in peace far fr... Higit pa

O Silent Night
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Prologue

257K 4.2K 1.2K
Galing kay dalndan


Loving someone is a losing game. I never understood the concept of man remarrying another woman in their life. Isn't one enough? Hindi ba pwedeng mananatiling mag-isa pagkatapos nawala ang una mong minahal?

Sinasayaw ng ihip ng hangin ang aking buhok habang nakaupo ako sa buhangin. Ang munting alon ay tumutunog sa bawat hampas nito sa kahabaan ng baybayin.

Tumayo na ako para bumalik sa bahay. I graduated college last week and I immediately went here to the province to spend time with my grandparents, my mother's side. Malapit lang sa karadagatan ang antigong bahay nila dito. Mahaba ang baybayin at mapuputi ang mga buhangin nito. Ang dagat naman ay malinaw, wala kang makikita nabasurang lupa o basurang dagat.

"O, mabuti, apo, bumalik ka na. Pupuntahan na sana kita roon," si Nanay, ang Lola ko, nang nakasalubong ko.

She's so fashionista and mixes color so well. She's wearing a smooth old dress in yellow and orange.

"Pupunta pa kasi ako ng lungsod, Nay. May ipapasa akong resume," sabi ko.

"Ngayong hapon na? Aba, malayo pa, hija." pag aalala niya agad.

"May traysikel naman po. Babalik agad ako,"

"Edi kumain ka muna bago umalis," aniya at naunang pumasok ng bahay.

Dahil sinaunang tahanan pa itong bahay ni Nanay, malaki ito at puro gawa ng kahoy. Mula sa disenyo ng mga nakaukit na barandilya hanggang sa loob ng bahay. Luma nga dahil si Lola at Lolo nalang ang nangangalaga rito. Mom is their only child and she met such an unfortunate incident which I don't like to talk about.

"Amber, gumawa ako ng camote roll, hija..." pagmamayabang ni Tatay, ang aking lolo.

Ngumisi ako at nilapitan siya sa lamesa.

"Tutulungan ko po kayong magbenta n'yan bukas, Tay. Mamamalengke naman kami ni Nanay,"

"Magtira ako ng sampu para kainin natin sa meryenda bukas," halakhak niya.

"O, itigil mo muna iyan, Juan. Maghahapunan tayo, may lakad pa si Paige."

Dumaing ako. "Nay..."

"Ano ka ba. Gusto ko ang pangalan mong iyon, hija." aniya at nilapag ang rice cooker sa lamesa.

"Nakakailang po. Amber nalang, Nay, e." daing ko.

Tinulungan ko siya sa paghahanda ng lamesa. Ako ang naglalagay ng pinggan sa lamesa at nagpupunas ng mga kalat ng camote at condensadang ginamit ni Tatay para sa camote roll.

"Paige. Maganda pakinggan, hija." nakangiti niyang sabi.

Tumawa si Tatay. "Hayaan mo na, apo."

"Nilalakasan niya kasi ang pagtatawag sa 'kin n'yan tuwing may maraming tao." apila ko.

Humagikhik si Lola. "Hindi ko na uulitin. Kain na nga tayo,"

My grandparents are already in their late 80s. Mamumuti na ang lahat ng buhok nila sa ulo at nangungulubot na rin ang mukha at balat nilang kayumanggi. I have a fair share of their brown skin and a fair share of white skin from my father. Katamtaman ang kulay ng aking balat.

I cut my hair short to highlight my small face. I am petite and I have a brownish curvy hair. Natural ang kulay ng aking buhok at mapupula't maninipis na labi. Kung titingnan ang mga dating litrato ni Nanay Rafaela, halos magkamukha kami.

"Juan, tigilan mo muna iyan. May lakad pa si Paige ngayon," sita ni Nanay.

I groaned lowly and seated on my chair. We have pakbet and sisig for dinner. May ginawa naman akong blended fruits kanina kaya iyon ang drinks namin. They are getting old so I made a healthy groceries for them. Pero kadalasan talagang bumabalik sila sa nakasanayan.

Hindi na ako pinaghugas ni Nanay ng pinggan para hindi ako tuluyang magabihan.

The sunset of Isla de Vista is very beautiful. Like a painting that has been brought to life. Or something in reverse.

Nasa dulo kami nakatira kaya malayo sa lungsod at sa maraming tao. Nanay Rafaela is in love with peace and seas so when Tatay Juan married her, they built house far from the city, the gossips, the neighbors. A place where they can exist freely. Kaya gusto kong umuuwi rito kahit malayo.

Kahit palagi akong nandito, halos taon taon, hindi ko lubusan nakikilala ang mga tao. I only know what rides to take but not the identity of the individuals or famous individuals here. Tanging traysikel ang sinasakyan ng mga tao or kung nasa lungsod lang, nagkakalesa ang iba. Wala jeep ngunit may mga sasakyan naman at iyon ay pagmamay-ari ng mga mayayaman dito sa probinsya.

"Papuntang lungsod?"

Tumango ako sa traysikel drayber. Huminto siya. Isa lang ang sakay niya sa loob ng traysikel kaya umupo rin ako katabi sa babae.

"Dito ka nakatira, hija, o dayo ka lang?" tanong ni Manong drayber.

"Uh, dito po..." medyo nag aalinlangan kong tugon.

Bumaling siya sa akin sandali bago tumingin sa daan. Umiilaw na ang street lights dahil malapit ng gumabi. The road is very clean and well maintained that's why it is safe to go out at night. Walang binabalita na may nangyayaring masama sa loob ng probinsyang ito.

"Halos kilala ko ang mga tao dito sa Vista pero hindi kita namukhaan," aniya.

Isla de Vista ay sagana sa lamang lupa at dagat. This is a probinsya with many plantations like flowers, fruits, vegetables and animal farms. And has the finest white and long shoreline. May mga dayong nag-private chopper patungo rito para lang magbakasyon.

"Bumibisita po ako palagi sa grandparents ko. I'm not usually around the town,"

"Ay english!" halakhak niya. "Joke lang, hija. Naintindihan ko sinabi mo. Hasler na ako sa pag-iintindi ng english dahil sa mga dayo."

Tipid akong ngumiti sa sinabi niya. Ang babaeng katabi ko dito sa traysikel ay tahimik lang. It's awkward to have a conversation with the driver while there is stranger passenger beside me.

"Anong apilyedo mo, hija?" patuloy ng drayber.

Nagdadalawang isip ako kung alin sa dalawang apilyedo ko ang isasagot. My mother's maiden name or my father's surname.

"Ramos," sa huli apilyedo ni Mommy ang sinabi ko.

Gulantang siyang bumaling sa akin. "Ramos? Kaano-ano mo si Mang Juan? Si Lucinda?"

I gripped tightly on the hem of my skirt. "Apo ako ng Tatay Juan."

"Kaya pala! Ibig sabihin anak ka ni Lucinda? Classmate kami ng Mama mo sa IVSU. Grabe ang Mama mo, hija. Maganda iyan pagkadalaga, andaming manliligaw." natutuwa niyang kwento. "Kamukha kayo. Kaya pala, ah."

Hindi ko alam kung ano ang i-rereact sa kwento niya kaya nananatili akong tahimik at magalang na ngumiti ng tipid sa kanya.

"Saan na siya ngayon, hija? Barkada kami ng Mama mo. Nagbabakasyon pala kayo, ah. Sabihin mo sa Mama mo kung naaalala pa ba niya si Peter. Ako 'yan. Naku! Matutuwa iyon lalo na dahil ako ang palaging kumukopya sa assignment niya." tawa niya.

I felt bitter and there's a lump in my throat but I'm happy to hear this story about my mother.

"Dito lang ako, Manong," mababang sabi ng babaeng katabi ko.

Huminto ang traysikel at nauna akong lumabas para makalabas siya. May ilang metro pa ang layo patungo sa lungsod.

"Sa aming magbabarkada, ang Mama mo ang masipag mag-aral at sobrang matulungin sa amin, hija. Ako, Vic, Totong, Darlene at Lucinda. Kami ang magbabarkada na palaging nanghihingi ng sagot sa Mama mo."

"Naging masaya ba ho siya?" mababa kong tanong.

"Aba s'yempre! Malakas tumawa ang Mama mo at palabiro pa." aniya. "Lima kami, siya ang pinakabata sa amin. Kung may padisco noon si Mayor, hindi iyan pinapayagan ni Mang Juan kaya todo hingi kami ng pahintulot hanggang bumigay."

Really? So if Mom was like that then her personality changed when she met Dad. The mother I knew is very far from the person he is talking about.

"Pero pagdating sa complex. Hindi iyan sumasayaw, nanonood lang at kumakain." tawa niya. "Hay naku, nakakamiss ang panahon na iyon..."

Huminto ulit siya dahil nandito na kami sa mismong lungsod. Nag-abot ako ng bayad sa kanya at ngumiti.

"Thank you po. At salamat din sa kwento ninyo." it meant a lot.

Ngumiti siya saka humalakhak. "Walang anuman. Higit benteng taon na namin hindi nakita si Lucinda. Paniguradong matutuwa si Darlene 'pag nalaman na nandito kayo,"

I took a few steps back when another tricyle halted at the stop.

"O, sya. Iregards mo ako sa Mama mo, hija. Nawa'y magkita ulit kami," aniya.

Tumango ako. "Ingat po,"

"Ikaw din..." aniya at bumisina bago inikot ang traysikel palayo.

Ang lungsod ng Isla de Vista ay malaki at sagana. Maraming tao sa tianggehan at maraming mapipilian kung mamimili. Sa lungsod, dito nakatambak lahat ng kailangan gawin. Pumasok ako sa isang printing shop at pinapaprint ang dokumento na kailangan kong pirmahan at pinascan naman muli para ipapasa via email address ng kompanyang pinag-a-applyan ko.

I always wanted to choose music and arts course but because of Dad's business, I ended up taken BS in Interior Design. It has art naman kas ng magde-design ng bahay kaya nagustuhan ko rin kalaunan. My father is an Architect while Mom is a Math teacher.

Matagal natapos ang scanning dahil may mga gurong nagpapprint at nagpascan rin kaya alas otso na ako nakauwi ng bahay.

I opened the door with my key and the old lampside on the sala is the only light on in the living room. May tatlong kwarto ang bahay na ito. Malalaki ang bawat kwarto at ako ang nakikitulog sa panghuling kwarto, kaharap nito ang kwarto nila Tatay at Nanay.

Dumiretso ako sa pagkukuha ng aking damit para maghalf bath bago matulog. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang naiwan na mga gamit sa lamesa. It is Tatay's eye glasses. Makalimutin talaga. Nilagay ko ito sa tukador sa sala para hindi na ulit siya maghanap kung saan saan bukas.

Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame pagbalik galing sa banyo. My arms are apart and I am laying, staring at nowhere almost lifelessly. Tamad akong bumaling sa aking cellphone sa may ulo, nakacharge, nang tumunog ito.

Dad plastered on my phone screen. Hinintay kong matapos ang isang missed call hanggang dumating ang pangalawang tawag bago sinagot. He kept calling me since I got here but I did not bother answering his calls or texts.

"Where the hell are you, Amber Paige?!" bungad niya.

Nagbuntonghininga ako. "Now you're caring about me, Dad. Real ironic."

"Drop your cold tone, young woman. Come back home tomorrow." galit niyang asik.

"I'm on vacation right now, Dad. The last time I checked, you are too busy to care about me to the point where you went home before my graduation even finishes. So yeah, spare me." malamig kong tugon.

"Kung ayaw mong ipapahila kita sa tauhan ko, Amber. Umuwi ka rito bukas na bukas."

I sighed. I'm really not interested in this conversation.

"Dad."

"What?"

"Good night." sabi ko at pinatay ang tawag niya.

I turned off my phone so he won't contact me again. It sucks to be in a family where I don't feel included. Being not included in a group or a flock that you think is where you belong is just an awful thing.

Sa probinsya, walang ibang ginagawa ang mga tao kundi ang magseserbisyo sa bawat trabaho nila. Isla de Vista has a huge seas wealthy in fishes and a big farm and lands. Hindi ko alam kung sino sino ang mga kilalang haciendero at haciendera dito pero ganoon ang pangkabuhayan ng mga tao.

May lupa rin sila Tatay at Nanay, katabi lang nitong bahay nila. We grow vegetables and fruits there for daily needs. Isa sa pang-aliw nila dito ay ang pangangalaga ng mga bulaklak at halaman.

Every morning, I am tasked to sweep the house and help with watering the plants. May sariling kalabaw at baka kami rito at si Tatay ang nangangalaga noon.

"Tatay!" napasigaw ako nang muntik siyang matisod sa paghihila ng malaking kalabaw.

"Naku po. Wag na nga kayong magtrabaho ng ganito. Ibenta n'yo na 'to," sa ilang ulit ko ng sinabi sa kaniya.

Tumawa lamang siya at inayos ang pang-araro. "Wala akong ibang ginagawa rito, apo. Nakasanayan na rin ang gawaing ito."

I don't usually stop them from doing what they grow up doing but I am so concern with their health specially that they are old now. Gusto kong ako ang magtatrabaho para sa kanila. I just want them to chill around kaya ako naghahanap agad ng trabaho. But they are one stubborn grandparents, they love what they're doing.

"Turuan n'yo po ako, Tatay. Mag-araro." desidido kong sabi.

Humalakhak siya. "Wag ang apo ko. Mahirap na trabaho 'to, hindi pwede sa maganda mong kamay. Saka nalang kung mag-aasawa ka, hija. Siya turuan ko,"

I scoffed softly. "Matagal pa iyan, Tay."

"E, hindi natin alam ang takbo ng panahon. Ang ganda mo nga kaya hindi ako naniniwalang hindi ka agad makakahanap ng mabuting asawa."

"Baka susunod din ako sa yapak ni Mommy." wala sa sariling kong banggit.

Natahimik si Tatay, gulat sa sinabi ko, kaya tumikhim ako at ngumiti.

"Lulutuin ko na ang camote roll sa taas," sabi ko.

"Ngayon ko lang ulit narinig na binanggit mo siya..."

Napalunok ako at tipid na ngumiti kay Tatay. "I miss her higit pa sa mga salita ko,"

Binitawan niya ang lubid sa kalabaw at buong atensyon niya akong hinarap. Mataas ng konti si Tatay sa akin. He smiled at me and place his two hands on my shoulder. The glint of pain and longing is in his eyes.

"Hindi ka maging katulad sa Mommy mo. Tadhana niyang mawala ng maaga sa atin at magkaroon ng hindi mabuting asawa. Apo, nagsisisi ako na pinayagan ko siyang mag-Maynila." sabi niya. "Pero hindi dapat ako magsisisi sa desisyon niya dahil nagmahal lang naman ang Mommy mo. At naging bunga ang magandang apo ko,"

Kinagat ko ang aking labi upang mapigilan ang sarili na maging emosyonal. Mga taon na rin ang nakalipas na mapag-usapan namin ulit si Mommy. I am too pained with my loss that I tried to cover up that pain by ignoring what caused me pain.

"Kaya huwag mong isipin na may masamang mangyari sa'yo kung mag-aasawa ka. Ipagdasal mo palagi, hija."

Unti unti akong tumango. Malapad ulit siyang ngumiti at pinisil ang aking balikat bago binaba ang mga kamay.

Nagpasya na akong magluto ng camote roll para sa panghapon na meryenda at may maibenta sa tianggehan. Magaling gumawa ng camote roll si Tatay, may nakita akong ganito sa Maynila pero hindi masyadong masarap.

Walang mall dito kaya sa tianggehan bagsak ang lahat. May maliliit na stores naman para sa panggrocery kagaya ng gatas, o mga nakapack na bilihin at mga de lata.

"Rafaela, ubusin ko lahat ng camote roll ninyo," isang Ale.

Nilapag ko ng mahina sa tabi ng mga gulay ang box na pinaglalagyan namin ng camote roll. Maingay rito sa tianggehan dahil sa mga iba't ubang pagtatawag ng mga tindero't tindera at todo promote ng kanilang binibenta. Ang ibang ingay naman ay galin sa chismisan ng mga matatandang tindera at mga tunog ng traysikel, yapak ng kabayo at sasakyan na dumadaan.

"Aba, maraming customer ka ngayon." si Nanay.

"Birthday ng pamangkin ko, iyan nalang dalhin ko kaysa magluto pa," aniya.

"Sabagay. Si Juan mismo gumawa nito," halakhak ni Nanay.

"Naku, kayo ang magandang tandem talaga kahit sa kabataan pa ninyo. Maganda at guwapo, magagaling pang magluto." puri ni Ale.

"Twenty-five ka piraso nalang ang natira, Nay." mahina kong sinabi.

"Sino 'to?"

"Ay, apo ko. Anak ni Lucinda," nakangiting sabi ni Nanay.

"Yung anak mong nasa Maynila? Naku! Napakagandang dilag naman nito, Rafaela. Hubarin mo muna ang sombrero mo, hija." hagikhik niya.

Dapat ko ba talaga itong gawin?

Napatingin ako kay Nanay. Lumapad lalo ang ngiti niya at tila excited pa. At sa huli, hinubad ko ang aking cap. Madramang suminghap ang Ale.

"Ang ganda! Single ka, hija? May anak ako. Medyo bulabog pero magtitino rin iyon kapag mag-aasawa na kayo,"

Tumawa lalo si Nanay. "Huwag mo ng subukan, Susette. Hindi mahilig sa lalaki itong apo ko. Wala pa sa plano ang pag-aasawa."

Ngumiwi ang Ale. "Ay basta. Kung ready na siya, ireto mo naman ang anak kong si Junie sa kanya, Rafaela. Gusto ko ang mukha nitong batang 'to. Paniguradong matalino rin."

Isa itong awkward na pagtatagpo na pilit ang maibigay ko na ngiti. Humalakhak si Nanay at binalik ko nalang ang aking cap nang nagsimula ng mangungusisa ang iba pang Ale.

"Dalawang daan itong lahat, Susette." si Nanay.

"O, sige. Dito mo nalang ilalagay sa sa tupperware ko."

Ako na ang naglalagay ng mga camote roll sa tupperware ng Ale habang nagbabayad ito kay Nanay.

"Basta 'yung sinabi ko, Rafaela, ha?" halakhak ng Ale nang paalis na kami.

Tumawa nalang si Nanay at napailing sa kakulitan nito. Tapos na rin kaming namili ng mga pangangailangan sa bahay kaya dumiretso kami pauwi.

I made an early dish for dinner, adobong manok. At saka nagpasya ulit sa tabing dagat pagkatapos. I turned on my phone to capture the scenery only to be bombarded with texts from my father saying I need to go home. Iniignora ko iyon at nagkuha ng litrato.

Binuksan ko ang aking email account baka sakaling nandito na ang reply ng inaapplyan ko. Tumalbog ang aking puso nang nakitang mayroon nga. Binuksan ko agad at bumaba naman ang aking mga balikat.

Panglimang kompanya na itong inapplyan ko. And none of it wants to accept me. Nothing is left for me to be disappointed. Tamad kong binuksan ang mensahe ng kaibigan ko.

Jenna:

Amber! I don't know where are you but I think you're in the province but don't worry, naparito ang tauhan ng Daddy mo, hindi ko sinabi kung nasaan ka. Are you okay?

Her message was from Monday. Nag-scroll down ako sa susunod niyang texts.

Jenna:

They're here again! Matindi na ba ang awayan ninyo ng Daddy mo? Not that I find it new.

Jenna:

Kailan ka uuwi?

Jenna:

Be careful, Amber. I'm sure your Daddy is very furious because you left. Kulang nalang hahalughugin ang bahay namin.

I locked the screen and sighed sharply. Nakakapagod ang ganitong sitwasyon. When people say money can't buy happiness, the happiness they meant there is the internal happiness that's supposed to be felt within the family. Yet here I am, heartless to whatever treatment inflicted on me.

Bumalik ako sa bahay nang tinawag ni Nanay para sa hapunan. Nagpapasya kami sa labas ng bahay pagkatapos kumain. Gumagawa si Nanay ng bagoong na nirequest ko kanina kaya kumakain ako ng mangga.

Bilog ang buwan sa itaas. Akalain mo na mahuhulog ito. Nasa tabi ako ni Nanay, magkatabi naman sila ni Tatay. Bahagyang nakasandal pa nga siya kay Tatay kaya napangiti ako.

My eyes went to the seas just a few meters from the wooden high bench we are sitting right now. Kalmado ang hampas ng alon at hindi maiwasan ang paminsang malamig na ihip ng sariwang hangin.

"Hija, huwag kang magpapatama sa mangga diyan. Baka sumakit tiyan mo kinabukasan. Gabi pa naman, kumakain ka ng maraming manggang may bagoong." singgit ni Nanay nang pasubo na ulit ako.

Tumango ako. "Last na po 'to."

"Apo,"

"Po?"

Tinuro ni Lolo ang buwan. "Bakit sa tingin hindi nakikita ang mga tala na malapit sa buwan kung malaki ito?"

Umangat ang tingin ko sa buwan. There's a vast of space around it where stars suppose to shine.

"Kasi natatabunan ng liwanag ng buwan?" sagot ko.

"Pwede rin. Pero dahil gabi na naghahari na ang buwan, yumuyuko ang mga alagad nito."

Binatukan siya ni Nanay. "Ikaw kung ano lang talaga ang mga banat mo na wala namang magandang linya."

Nagtatawanan tuloy kami. Palagi kasing ganito si Tatay. The night ended with our laughter in the peaceful evening. Jokes ni Tatay na palaging nauuwi sa waley. And there's nothing more I wanted than to live here in peace if only life isn't so high maintenance.

Bumungad sa aking pandinig ang marahas na kabog sa labas ng bahay at boses nila Nanay na tila may kaaway. Mabilis akong tumayo at lumabas.

"Umalis na nga kayo!" galit na sabi ni Tatay.

Namilog ang mata ko. Five men are arguing with my grandparents, trying to make their ways in. Tinulak sila ni Tatay at naitulak nila ito pabalik kaya mabilis akong lumabas.

"Juan! Umalis kayo! Ayaw ng apo ko umuwi sa kanila!"

"Ma'am, utos ito ni Sir." pormal na tugon ni Mardy.

"Enough!"

Napatingin sila sa akin. Lumapit ako kina Tatay. Ako ang humarap sa mga tauhan ni Daddy. Umagang umaga at ito sila, nangingisturbo. Well, ano nga ba ang ini-expect ko kay Daddy.

"Ayos lang po kayo?"

"Hindi ka sana lumabas, hija."

"Inutusan kami ni Sir na kunin ka, Miss Amber." si Mardy.

Malamig aking tumingin sa kanya. From my peripheral view, I saw the wooden hip level fence we have has it's gate broken. Ito ang narinig kong marahas kanina.

"Leave. Uuwi ako sa bahay kung kailan ko gusto. I already told my father that I'm on vacation."

"Hindi namin iyan magagawa."

"Then try." I said and turned to my grandparents. "Pumasok po muna kayo,"

Parehong nag-aalala ang tingin nila sa akin kaya ngumiti ako at tumango. "Ayos lang po,"

Nag-aalinlangin sila ngunit nagpatianod naman sa sinabi ko. Nang pumasok na sila sa bahay, bumaling ako sa limang tauhan ni Daddy. They are wearing civilians and very stoic, maintaining that hard and professional face.

"Call Dad." utos ko.

Nagtitinginan sila at nang tumango si Mardy, ang lider nila, may isang bumunot ng cellphone.

"Sir, gusto kayong makausap ni Miss Amber." ani ng isa at binigay sa akin ang cellphone.

"Take you men out of here." salubong ko.

"Come back here, Amber. Don't make me drag you--"

"Hindi ka ba nakakaintindi na nasa bakasyon ako? Bakit ba, Dad? Ano ang kailangan mo sa akin at atat kang makita ako?"

"Mag-uusap tayo pagbalik mo. Give the phone to Mardy."

I growled. "You listen to me. Uuwi ako sa susunod na Lunes. Pauwiin mo na ang mga tauhan mo bago pa ako mismo ang mapapalayas sa kanila."

"Don't try my patience, Amber!" galit niyang sabi. "Ano ang gagawin mo diyan sa probinsyang iyan? Mag-papaalipin or should I extend further so no one will hire you?"

Namilog ang mata ko sa narinig. "You blocked me! Kaya hindi ako makapasok sa kahit anong kompanya dahil sayo?!"

"I told you,"

"Screw you, Dad." I spat.

"Now get back home before I will do something with your grandparents."

I gritted my teeth and clenched my fist.

"You don't hold me by the neck,"

"Not until you are in my roof, young woman." aniya.

I hate you so much! I hate you so much! If Mom is here, this won't be happening. If Mom is here... I would know what's it like to be cared.

Padabog kong hampas sa dibdib ni Mardy ang cellphone.

"Fix the gate. I'm coming with you," malamig kong utos.

"Yes, Miss..."

Tumalikod agad ako at pumasok ng bahay. Agad akong sinalubong ni Nanay at Tatay at humuhupaw naman ang aking galit sa puso.

"Uuwi po muna ako ng Maynila." sabi ko.

Their faces told me that they already knew this coming. Hinaplos ni Nanay ang aking pisngi.

"Kahit kailan, bukas ang bahay para sa'yo, hija. Sabihin mo lang at pupunta ka rin namin ng Tatay mo sa Maynila." marahan niyang sinabi.

"I'll be back po, Nay. Bibisita rin naman ulit ako rito. Wag kayong mag-alala."

Tumango sila at hindi na nagsalita. Nagpasya akong kunin ang aking handbag. I will leave my clothes here kasi may mga damit naman ako sa bahay. I don't want to go back home. I still need this vacation but just like what I said, life is so high maintenance.

Pinabaonan ako nila Nanay ng pancake para sa mahabang biyahe. The men fixed the broken gate before we left. Sa second seat ng van ako umupo. Dawalang nasa harap, isa sa first seat at isa sa third seat. They're like caging me in case I run away.

I scoffed mentally. I don't run. I walk with kindness on fire.

Tatlong oras at higit ang tinatahak namin. I wanted a Jollibee drive-thru for lunch kaya tuloy tuloy ang biyahe.

Our old styled gate opened when the van approaches. It felt like my body clenched. I am here, back into the dome. Second floor ang mansion namin. Modern styled and designed by my father himself.

Naunang lumabas ang nasa unahan na guard bago ako. Dumiretso ako sa pagpasok sa bahay. We have a french styled doors and more on wide spaces. Diretso sa living room ang bungad pagpasok ng bahay, nasa dulo ng hallway ang kitchen, nasa kanan ng bahay naman ang hagdanan patungong second floor. We have this big chandelier in every floor to which Mommy chose. And it is the very essence of the house.

"Good afternoon, Miss Amber." bati ng mga kasambahay.

"Good afternoon, Ma'am. Nasa study room po sila,"

Tumango ako at dumiretso sa hagdanan. My room is adjacent to the study room and on the other side is another occupied rooms and guest rooms.

Hindi ako kumatok, diretso ang aking pagpasok sa study room. All of them are here, in the very place and looking like in a very interesting and funny conversation before I strode in.

Binaba ni Tita Rebecca ang iniinom niya na tea bago umupo ng maayos. Her face went into the usual strict and bitchy-looking step mother.

"Hija, welcome back..." nakangiting bungad ni Daddy.

Ngiti na hindi ko kayang palitan. Tumayo siya at humalik sa aking pisngi. He used to be so loving and so... fatherly. But now, I don't see it... At least to me.

"I'm happy you're back, Amber. How's the vacation?" halakhak niya.

"I was, too. Until you called, pestering me to come home." sagot ko.

Napawi ang ngiti niya.

"Still the same no mannered child." Tita Rebecca said.

Tumikhim si Daddy at umupo sa kabilang couch. I already felt this is going to be another three against one conversation. Daisy on a long couch, she is eyeing me with a sarcastic and looking-down look. Iniignora ko ulit siya. Not that she matters anyway.

"Your mother and I decid--"

"She's not my mother." I cut him off.

They both glared at me.

"Bitch." si Daisy.

"Shut up. No one asked you to talk." I coldly turn to her.

"Don't talk to your sister like that, Amber Paige Valencia!" si Daddy.

I coldy stare at him. "You forgot to mention, 'step'."

Parehong nag-aalab na ang galit nila sa akin.

"That's it." aniya tila napuno na. "You will marry a dumb man tonight. He is rich and his father's business is a great help to our business."

I chuckled lightly. Here it goes. Ang tunay na dahilan kung bakit ako pinauwi. Nanlalamig ang puso ko sa narinig at nasasaktan pa rin kahit pilitin mang itanggi ngunit hindi ko iyon pinapahalata.

"Pipirma ako ng kontrata kasama sila sa malaking proyekto. Eros' son is single and he wanted him to meet my daughter. And I agreed to their marriage proposal yesterday."

"Their family is rich. So rich. The man you're marrying is rumored a dummy but good looking. Hindi pa namin nakita pero I'm sure he is good for you," singgit ni Tita Rebecca.

I ignored her and turn to Dad. "Aren't you gonna ask my opinion for this?"

"No. You are marrying this man and that's final." he said immediately.

"And he is dumb, right, honey?" halakhak ni Tita Rebecca na agad sinabayan ng anak niya. "It's okay for Amber. She can divorce him after a year or two,"

"Speaking from experience?" taas kilay kong singgit.

"Amber." Dad warned. "Yes. Dummy raw ang anak ni Eros pero kahit ganyan, they are a wealthy and a good family. I'm sure Amber's in good hands."

"No elite women wants to marry a dumb man, Amber. It's unfortunate but luckily, we can benefit from his riches." nakangiting sabi ni Daisy, she's one year younger than me.

"Don't worry. We talked to the parents and they--"

I scoffed and chuckled. "You really can't wait to get rid of me, huh?"

Unti unting nagagalit ang mukha niya. "I am doing this for your own good. You already graduated and you deserve to settle comfortably while helping our family."

"Anong alam mo sa salitang deserve? You just want to suck all Dad's riches."

"Amber!" si Daddy.

"Our mother just wants what's best to you, Amber. Hindi mo ba nakikita na naghihirap din si Mommy na maghanap ng mayamang lalaki para--"

"Stop trying, alright? As much as you don't want to admit but there's a gap. Though now we share the same name, same father, your mother will not be the mother I will recognize. Isa lang ang Mommy ko at kung hindi ninyo naaalala..." tagos ang malamig kong tingin kay Daddy nang binalingan ko siya. "She died."

Tumahimik silang lahat at mariin na nakatitig si Daddy sa akin. Hindi ako nagpapatinag sa kanya.

Life is so strange. Shortly after Mom died, Dad married a divorced woman. Her daughter ended up bearing my family name. I hate sharing. Ayaw ko ng may kahati. And when I hate things, I tend to keep quiet. Kasi the more I say some disagreement with my father, the more he gets further away from me.

Pero malayo na siya kaya paminsan o kadalasan, nilubos lubos ko na ang pagsasalita pabalik sa kanya.

"First of all, I don't need a man. But yeah. Marry me off, Dad. I don't care. Sign that damn contract and give me away." hamon ko. "I don't have anything to lose anyway..."

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

43.2K 1.1K 33
Macimilian Series #1 Eleocaisa Oliva Macimilian is one of the heiresses of one of the known pharmaceutical companies in the world. She's always thank...
272K 15K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.4M 66.2K 56
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako na mayroon daw na pagala-galang tao na may lahing ahas. Ewan ko ba kung totoo na nangangain slash kumakain din...
8.1M 501 1
Nang dahil sa isang maling akala ay nawala sa akin ang lahat, ang batang nasa aking sinapupunan, ang mga pangarap na magkasama naming binuo, ang pagt...