Elemental Kingdoms: The Rule...

By RinkakuMayo

2.4M 78.4K 9.3K

In order to maintain the balance of this world, there's a rule to be followed. Don't fall in love with someon... More

INTRODUCTION
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
DREAME come true🥰
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
OMG! WE ARE ON THE "WHAT'S HOT!"
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Miss Ai's Note♡
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
What is the meaning of Prophecy?
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Thanks Giving
BOOK II ♡
Miss Ai's echoserang Note ✌

Chapter 23

37.3K 1.3K 174
By RinkakuMayo

Aria's POV

Bakit pakiramdam ko, panaginip ko lang ang lahat ng nangyayari sa akin? Aaminin ko na noong nasa mundo pa ako ng mga tao ay talagang madalas akong mag-imagine na may ibang mundo na kung saan may mga hindi karaniwan na nangyayari. Tinatawanan pa nga ako ng mga kaibigan ko na sina Janna, Lei at Hannah noon kapag sinasabi ko sa kanila na baka totoong may ibang mundo. They always tease me na masyado raw akong imaginative. Masyado daw akong na-hook kina Inuyasha at Harry Potter. Feeling ko tuloy ay nag-iimagine pa rin ako hanggang ngayon.

"Tandaan ninyo, dalawa lang ang paraan para makuha ni Valgemon ang elemental stone na meron kayo. It is either he'll make a way for you to give it to him or he'll kill you," Shebah said. Bigla naman akong natakot. Papatayin kami ni Valgemon?

Minsan naisip ko na rin kung paano ako mamamatay. Gusto ko sana 'yong parang natulog lang ako tapos hindi na magigising. Ayaw ko 'yong masasagasaan pa ako ng isang dambuhalang truck tapos ay magkakabali-bali ang buto ko at sugatan na ang maganda kong katawan tapos ang ending ay patay din naman ako. Ayaw ko ng gano'n. Hindi 'yon kinakaya ng kidney ko.

"Now that the water stone has shown up, asahan natin ang pagkilos ni Valgemon." Isa na lang Shebah at uupakan na kita. Ang lakas mong manakot! History ang subject mo sa amin at hindi horror! Langya na 'to!

"Fire and Kai, you have to protect Miss Thea. Kayo ang madalas niyang kasama kaya naman you are expected to be with her always. And you, Miss Aria, sana ay maglaan ka ng extra time for you to enhance your power para hindi ka na isa sa aalalahanin nina Fire." Aba, bruha ka! Kasalanan ko ba na hindi ko alam ang mga kapangyarihan ko? 'Wag kang mag-alala Shebah, kapag alam ko nang gamitin ang kapangyarihan ko, asahan mo na sa'yo ko agad iaapply! Leche ka!

"You can go back to your dorm now. Let's meet again next week to visit the past of Chi Kingdom," she said before she left. Kung may ikinagagalak man ang kaluluwa ko, 'yon ay ang katotohanan na once a week lang ang bawat klase namin sa bawat subject. Atleast, isang beses lang masisira ang araw ko dahil kay Shebah, 'di ba? Ewan ko ba kay Shebah kung bakit parang ang init ng ulo niya sa akin. Pareho sila ni Fire na mukhang pinaglihi sa init ng ulo at sama ng loob.

"Tara na, Aria," someone said. Paglingon ko, it's Kai. Wala na sina Fire at Thea. Umalis na rin sina Tyrone.

"Okay," I said and smiled at him.

"Are you excited for next week? Kingdom niyo na ang pupuntahan natin. Makikita na natin ang nanay mo," I muttered pero hindi sumagot si Kai. He just smiled at me.

"Ako, excited na akong makita ang tatay ko. I've been thinking how does he look like for the past 18 years. Siguro kung may magandang nangyari sa akin dito, 'yon ay ang makita ang tatay ko," I told him. May maganda rin palang dulot ang Elemental World. At least, I've got the chance to see my father. Though I said before na enough na sa akin si Mama, iba pa rin sa pakiramdam kapag alam mong makikita mo na ang tatay mo na hindi mo nakita since the day that you were born.

"I am also excited to see my mother, Aria. Kaya lang, kinakabahan ako," he said.

"Bakit ka kinakabahan? Dahil ba yan sa sinabi ni Shebah? Nako, 'wag ka ngang nagpapa-apekto sa kaniya," I muttered firmly. We are now walking along the hallway of Yoso going back to our dorm.

"Hindi naman 'yon ang kinakatakot ko. Natatakot ako na baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na kausapin ang nanay ko."

Bigla akong napahinto sa paglalakad. Parang naramdaman ko nalang 'yong lungkot na nararamdaman ni Kai. Ay ang taray! Ano 'yan, Aria? Ikaw na si Fire? Nakakaramdam lang ang peg?

"Actually, pareho tayo, Kai. I am also worried na baka pagkakita ko sa tatay ko ay agad akong tumambling papunta sa kaniya. Even my mom. Hindi ba makikita ko rin siya?" Yes. I am also worried na baka kapag 'yong Kaze Kingdom na ang pag-aaralan namin ay bigla na lang mag-evaporate 'yong mga sinabi ni Shebah about going back to past. Nakakaloka talaga.

"Naaawa ako kay Thea," he mumbled. Nag-umpisa na ulit kaming maglakad. 'Yong ibang estudyante ay grabe kung makatitig kay Kai. Kulang nalang ay lunurin nila sa pagtitig si Kai. Pasabugan ko kaya kayo ng bomba?! I thought.

"Kaya ni Thea 'yon. She's a strong girl. Kahit na gustong-gusto na niyang kausapin si Agua kanina ay hindi niya pa rin ginawa," I said. Sa totoo lang ay lamang ang paghanga ko kay Thea ngayon kaysa sa awa. Lagi niya talagang sinusunod ang mga rules dito sa Elemental World.

"Tama ka diyan, Aria. Bilisan na natin para makapagpahinga ka pa before the dinner," he muttered then he holds my hand and he drags me with him. 'Yan ka na naman, Kai e! Hindi ka na naawa sa mga bituka ko na kanina pa nagkaratehan!

Hindi ko inalis ang pagkakahawak ni Kai sa kamay ko. Natutuwa ako kapag sweet sa akin si Kai pero kapag ini-evaluate ko ang sarili, I can tell na hindi naman ako inlove sa kaniya. Siguro ay talagang natutuwa lang ako sa pagiging maalalahanin niyang nilalang.

Pagdating namin sa dorm, dahan-dahan na binuksan ni Kai ang pinto and when he opened the door, this is what I saw.

Thea is sleeping. Nakapatong ang ulo niya sa balikat ni Fire then she encirled her arms around his waist and Fire did the same around Thea's shoulder.

Bigla akong napabitaw sa pagkakahawak sa akin ni Kai at inis na inis ako sa nakikita ko.

"Kai, papasok na muna ako sa kwarto ko. Mamaya na lang ako kakain," I said. Tumango lang si Kai sa akin and after that, I hurriedly get inside my room.

Ano ba 'yang pinag-iinarte mo, Aria?! Bakit ka ba nagmumukmok diyan? Bakit ka naiinis?!

"Oo nga naman, bakit ba ako naiinis?!" I told to myself. Langya na Fire 'yon! Mukha na akong baliw dito na kumakausap sa sarili ko.

Hoy, Aria! Malungkot si Thea kaya naman dinadamayan siya ni Fire! 'Wag ka ngang malisyosa! My thought snapped. Dapat ay isa din ako sa dumadamay kay Thea at hindi 'yong maiinis pa ako. Tama! Be mature, Aria! 'Wag kang hibang! Besides, wala ka namang karapatan na mainis.

Chineck ko muna ang gamit ko at nakita ko 'yong bag ba pinabigay sa akin ni Heiro noong napunta ako dito. When I opened the bag, parang biglang kumislap ang mga mata ko at nagform ng star at para akong manyak na bigla na lang napanganga tapos ay ngingiti.

Kinuha ko 'yong isang damit. It is a very long gown. Yung katulad sa mga isinusuot ng mga prinsesa? It is color grey with a touch of black.

Sa sobrang excitement ko ay naligo agad ako pagkatapos ay sinubukan kong sukatin ang mga damit na nandito. Shunga ka talaga, Aria! Hindi mo kasi tiningnan ang binigay sa'yo ni Heiro. Napagalitan ka pa tuloy ng matandang si Shebah. Iniikot ko ang sarili ko sa harapan ng full sized mirror ko at talagang feel na feel ko ang halos pagsayad na ng damit ko sa semento.

"Parang aattend ka lang ng prom, Aria," I said to my image in the mirror. Then my eyes settled to my face. I have a round face with a very pointed nose, medyo makapal din ang kilay ko pero bagay naman sa akin. Hindi naman ako nagmumukhang engkanto. And then, hindi masyadong manipis ang mga labi ko. Then I have a brown long straight hair and of course, an ash colored eyes. Hindi sa nagyayabang ako or what but I have a perfectly curved body and I am gifted to have 5'6 na height.

Bigla ko nalang naisip na ayusin ang sarili ko. Inumpisahan ko sa buhok ko. Ginaya ko ang hairstyle ni Elsa sa Frozen. Nakakaloka lang kasi pati ang ipit dito ay may buhay.

"Ako ang gamitin mo, Miss Aria! Mas bagay ako sa buhok mo," One of the flowers said. Isa siyang white rose na bigla na lang gumapang mula sa labas papunta dito sa kwarto ko.

Kumuha ako ng isang bulaklak at inilagay iyon sa right side ng buhok ko. I smiled when I look at my image, again. I am now belong to the Elemental World, fully.

"Aria?" Someone said and I know that it's Kai.

"Bakit?" I asked him back without opening the door of my room.

"Sa labas na lang daw tayo kakain kasi hindi nakapagluto si Fire." Sabagay. Paano siya makakapagluto e nakatulog sa kaniya si Thea kanina.

"Sige, Kai. Lalabas na ako," I replied. For the last time ay inayos ko ang sarili ko bago ako lumabas sa kwarto ko.

"Aalis na ba tayo?" I asked the three of them who are currently gawking at me. Nako, Aria! Mukha ka yatang nakakatawa sa suot mo!

"Hindi ba bagay sa akin? I tried the dress that Heiro gave me during my second day here in Yoso and---"

"What are you talking about, Aria?! You look great!" Thea exclaimed. Wow. Grabe naman sa pagsabi ng you look great!

"Akala ko kasi ay hindi bagay sa akin. Buti naman pala at okay lang."

"Ano'ng okay lang? It's beyond the word okay, Aria. You look perfect." Jusko naman, Kai! Ganito ba ang mga adjectives nila dito? Tumambling na ang brain cells ko sa mga sinasabi nila e. But then, Fire remained silent.

"What can you say about her, Fire?" asked by Thea.

"Okay lang naman. Tara na." Ay leche! Okay lang?! Bakit okay lang?! Sina Thea at Kai, great at perfect ang description sa akin tapos para sa kaniya, okay lang?! Bwisit ka talaga, Fire!

Biglang naunsyami ang plano ko na hampasin ng sofa si Fire nang biglang may kumatok sa silid namin. When Kai opened it, nandoon sina Gale at Derreck.

"Omygod! Aria, you look absolutely beautiful!" sabi ni Gale na hindi na napigilan na yakapin ako.

"Aray ko naman, Gale!" I hissed then Derreck slowly walked towards me.

"Pwede ba kitang mayakap, Prinsesa Aria?" he asked but before I can answer him, he already hugged me. Napahiwalay lang si Derreck sa akin noong bigla na lang umubo si Fire. Panira ng moment!

"Bakit nga pala kayo nandito?" I asked the two of them. Sina Thea ay nakatingin lang sa aming tatlo.

"Yayayain ka sana namin na sumabay sa amin kumain," Gale replied while her eyes are saying, please say yes!

Tiningnan ko muna sina Kai at mukhang nakuha naman nila ang gusto kong iparating kaya naman tumango lang sila akin.

"Sige," I answered.

"Let's go! There are two boys out there who are waiting for you, Aria!" Gale happily exclaimed while clapping her hands then she dragged me with her. Pero bago pa kami makalabas ay bigla na lang akong hinila ni Fire kaya naman natigil si Gale sa paghila sa akin.

"Gale, sino 'yong dalawang lalaki na sinasabi mong naghihintay kay Aria?" he asked. Oo nga ano? Sino kaya 'yong tinutukoy ni Gale? Baka naman rapist ang mga iyon? Nagpaganda pa naman ako ng todo tapos 'yon pala ay last day ko na ngayon kasi may dalawang lalaki ang magtatangka sa buhay ko?

"Well, kilala niyo naman na si Tyrone 'di ba? He's with us tonight," Gale answered. Jusme! Si Ty lang pala!

"And who's the other one?" Fire questioned. Dinaig pa niya 'yong mga pulis na ang galing mag-interrogate.

"Tonight, Aria will meet her personal trainer." Ay ang bongga nito! May personal trainer chorva na ako!

"Who's her personal trainer? If I am not mistaken, it's a boy, right?" Thea asked. Teka, bakit pakiramdam ko ay big deal kapag lalaki ang trainer ko?

"Yes. Lalaki ang trainer ni Aria. He is the son of Heiro," Gale said. Son of Heiro?

Hindi na nagsalita pa sina Fire pero halata na ayaw nila akong sumama kina Gale. Anyare? Bakit kayo ganyan?

"Tara na, Aria. Kanina pa naghihintay sina Tyrone at Zep."

Hinila na ulit ako ni Gale palabas ng silid namin pero nagulat kaming lahat noong sumigaw si Thea.

"What did you say, Gale? Si Zep ang trainer ni Aria?! As in Zephyrus?! The mighty heart breaker of Kaze Kingdom?!"

And with that, Fire dragged me to his side.

"She'll not go with you, Gale and Derreck. Kakausapin muna namin si Heiro," he said bago niya ako hinila palabas ng silid namin. Hala! Heto nanaman tayo, Fire! Ano na naman ba ang ginagawa mo?!

"Fire, wait lang. Masakit." Ang higpit kasi ng pagkakahawak niya sa akin.

"Saan ba tayo pupunta?" I asked him while I am touching my wrist.

"Kay Heiro," walang kagana-gana nyang sagot. Ano ba'ng sapak ng isang 'to?

"Tara na." This time, he intertwined his fingers into mine. Hala! Holding hands while walking lang Fire?! Bigla akong nakaramdam ng pagka-ilang at talaga nga namang nag-planking na ang puso ko sa bilis ng tibok. Pucha ka, Fire! What do you think you're doing?!

"Fire, 'yong kamay ko." I managed to say those words to him. Hindi talaga ako komportable sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Gawain ito ng mga mag-jowa, Fire! Leche!

Pero mukhang walang narinig si Fire kasi dinedma niya lang ako. Ignoring ability activated! Bwisit!

"Hi, Princess Aria," Someone said which makes me and Fire to stop from walking.

"Kanina pa kita hinihintay sa cafeteria, Princess," he said. Okay, sino ba 'to?

"By the way, I am Zephyrus. Call me Zep, Princess. I have given the privelege to be your trainer," He muttered before he smiled at me playfully. He offered his hand. Siguro ay makikipagshake-hands sa akin but Fire slapped it away. Ay ang taray! Anmeron, Fire?

"Don't you dare touch her," Fire firmly said at talagang nakakatakot siya kapag ganyan siya kaseryoso.

"Kalma ka lang, Fire. Wala akong balak na masama sa magiging asawa ko," Zep said and he smirked. Ano raw? Magiging asawa niya? Aba ang kapal!

Sasapakin ko na sana si Zep na sobrang yabang pero mas matindi ang sinabi ni Fire bago namin iniwan si Zep.

"Say it again and you'll meet death." And for the nth time that I denied it within myself, ang mga nagsapakan kong lamang loob at mga nagmalfunction kong neurons na ang nagsasabi,




I am slowly falling for this guy.



And I know that I should stop it right away or else, we'll die.



Miss Ai

Continue Reading

You'll Also Like

2.5M 66.5K 90
"You survive what you thought would kill you, now straighten that crown and move forward like the queen you are." L E C Q U A R E S A C A D E M Y...
9.5M 292K 64
Claire Cassidy doesn't show her face , doesn't socialize with people and always prefer to be alone, these are the reasons why she was branded as the...
89K 3.1K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
106K 4.7K 192
«Prequel of Paminta and Special» Nang mag-transfer si Trisha Gonzaga sa isang pampublikong paaralan, nakilala niya ang maraming uri ng mga estudyante...