The Mafia Lord's Possession

Bởi Kiara_Chan08

3M 69K 4.4K

"You are my possession... my priceless possession" -Rave Adrian Silvestri- Highest Ra... Xem Thêm

Author's Note
Chapter 1: Alone
Chapter 2: Scared
Chapter 3: Doubt
Chapter 4: Dangerous
Chapter 5: Beautiful
Chapter 6: Faint
Chapter 7: Serious
Chapter 8: Whisper
Chapter 9: Serve
Chapter 10: Mortgage
Chapter 11: Caress
Chapter 13: Pretend
Chapter 14: Crying
Chapter 15: Favorite
Chapter 16: Embraced
Chapter 17: Impetuous
Chapter 18: Mischievous
Chapter 19: Open
Chapter 20: Truth
Author's Note
Chapter 21: Loud
Chapter 22: World
Chapter 23: Smile
Chapter 24: Fast
Chapter 25: Crazy
Chapter 26: Hurt
Chapter 27: Happiness
Chapter 28: Voice
Chapter 29: Beloved
Author's Note
Author's Note Again
Chapter 30: Forgotten
Chapter 31: Memory
Chapter 32: Promise
Chapter 33: Catch
Chapter 34: Lost
Chapter 35: Longing
Chapter 36: Walk
Chapter 37: Remember
Chapter 38: Figurative
Author's Note
Chapter 39: Sibling
Chapter 40: Sleep
Chapter 41: Name
Chapter 42: Nervous

Chapter 12: Astonished

74.2K 1.7K 61
Bởi Kiara_Chan08

Astonished is to fill with sudden and overpowering surprise or wonder.

*****

Chapter 12

Napasinghap ako at nakita ko rin sa mga mata nito ang sandaling pagkagulat bago bumalik sa pagkaseryoso. Sisigaw na sana ako pero bago nangyari iyon ay natakpan na nito ang bibig ko. "Shhh... Don't scream. Wala akong gagawin sayo," mahinang bulong nito malapit sa tenga ko. Ramdam ko ang mainit na hininga nito at ang katawan nito na ang lapit-lapit sa akin. "Tatanggalin ko ang kamay ko pero huwag kang sisigaw." Tumango ako.

Pagkatanggal nito ay agad akong bumangon at sumiksik sa uluhan ng kama na parang takot na takot. "A-ano pong ginagawa niyo po rito?"

Tumayo ito at namulsa at pansin kong hindi pa ito nakapagbihis dahil ito parin ang suot nito kanina. "I-I'm just checking your wound," saad nito na parang hindi sigurado sa sinasabi. Hindi rin ito tumitingin sa direksyon ko. "Sorry for scaring you."

"H-hindi na po niyo kailangan gawin niyan. Hindi naman po malala ang sugat ko," saad ko. Naguguluhan ako dahil kanina lang ay galit na galit ito sa akin at ngayon ay chinecheck daw nito ang sugat ko na dapat ay hindi na nito kailangang gawin dahil nga hamak na katulong lamang ako rito.

"No, I insist. It's my fault that you got startled. At pasensya na rin na pumasok akong walang paalam, kanina pa kasi akong katok ng katok pero wala namang sumasagot," paliwanag nito.

Kaya pumasok na lang kayo bigla-bigla. Kahit naman siguro pagmamay-ari niyo ang lugar na'to, may privacy naman siguro ako. At anong nangyari sa you should know your place at ngayon ay naghihingi kayo ng sorry.

Gusto ko sanang isaad rito pero pinigilan ko ang bibig ko. Sabi nga niya diba, don't ever question his doings and commands. Hindi pa nga ako nakakarecover sa napakawild na panaginip ko, ito pa ang nangyari.

"Sige, aalis na ako. Matulog ka na ulit," saad nito at umalis na hindi man lang ako pinagsasalita. Pinakawalan ko ang hanging kanina ko pa pinipigilan.

Shocks! Hindi pa ba matigil-tigil itong kawerduhang nangyayari sa akin ngayon?

Alam kong hindi iyon ang dahilan kong bakit narito ang Primo sa kwarto ko. At isa pa nagisnan ko itong hinahaplos ang pisngi ko kaysa tingnan ang binti ko. Yung pinto ko rin ay nilock ko bago ako natulog kaya nakakasigurado akong gumamit ito ng susi. Kahit gusto ko man mag-isip ng masama rito at matakot sa mga pinag-gagawa nito dahil kahit sino man ang nasa kalagayan ko ay yun ang mararamdaman ay nakapagtataka na wala akong makapang ganung damdamin sa sarili ko. Bagkus ay nakaramdam ako ng safeness sa haplos nito na parang nagsasaad na walang mangyayari sa akin.

Bumalik ako sa pagkahiga. Hinawakan ko ang pisnging hinaplos nito kanina. Ramdam ko parin ang init ng kamay nito. Bumalik rin sa isip ko ang nangyaring panaginip. Nakakasigurado akong kapareho ito sa panaginip ko kagabi kaya lang ay hindi na ako ang nanonood kundi ako na mismo ang babae. Hindi ko parin makita ang mukha ng lalake kahit ang lapit-lapit na nito sa akin. And for goodness sake it's a very very intimate dream or shall I say a one hell wet dream.

Inaantok akong nagbubungkal ng lupa. Hindi na kasi ako nakabalik sa pagtulog kagabi. Nagtatanim ako ngayon ng mga rosas na bulaklak. Marami narin akong naitanim at sana mabilis itong mamulaklak. Medyo akward ang naging sitwasyon namin kanina ng Primo, o ako lang ba ang nakaramdam nun. Hindi rin ako nito tinatapunan ng tingin at para lang akong hanging hindi niya nakikita. Hindi rin ito umalis ngayong araw.

Hindi ko talaga makuha ang pag-uugali nito, paiba-iba naman kasi. Merong minsan kung makatitig tagos hanggang kaluluwa ko pero minsan hindi ako nakikita kagaya na lang kanina. Ang nakita ko pa lang na emosyon rito ay galit, takot at pag-aalala. Hindi ko tuloy maiwasang maghangad na may makita pa rito lalong-lalo na ang ngiti nito.

Ipinilig ko ang aking ulo sa itinatakbo nito. "Krish, tigilan mo na nga ang kaka-isip sa Primo na yan. Nandito ka para mabayaran ang mga utang ng papa mo," paalala ko sa aking sarili. Nagiging curious na kasi ako masyado sa Primo.

"Krish!" sigaw ni Keila sa akin.

"Oh bakit?"

"Pinabibigay ng mayordoma baka gusto mo raw itanim," sabay abot sa akin ng dalawang supot ng sunflower seed. Nanlaki ang mga mata ko, eh kasi naman paborito ko ang bulaklak na ito.

"Talaga!" excited na saad ko.

"Oo. Kung kulang pa daw iyan ay sabihan mo lang ako dahil ako na ang magsasabi sa mayordoma."

"Salamat." Dali-dali ko itong itinanim sa ibang parte ng hardin. Hindi niyo naitatanong ay fine arts major in interior designing ang natapos ko kaya may alam ako sa mga pagdedesinyo. Nang matapos kong maitanim lahat ay nag-unat ako ng katawan at nagligpit na ng mga gamit sa pagtanim.

Hindi ko sinasadyang mapasulyap sa bintanang nakabukas katabi ng balkonahe. Ramdam ko na naman na may nagmamasid mula roon. Inalis ko lang ang tingin doon ng tawagin na ako sa loob ng mansyon. Paranoid lang siguro ako kung anu-ano na kasi ang nakikita ko.

"Wow! Ang laki naman nito," namamangha kong bulalas habang iginala ang paningin sa buong silid aklatan. Nang marinig ko kasing inutusan si Keila na linisan raw ang library ay sinabi kong tutulungan ko ito. Gusto ko kasi makita ang library ng mansyon. Mahilig kasi akong magbasa kaya hindi na nakapagtataka kung naeexcite ako tuwing makakarinig ako ng library, tambayan ko kaya yan noong nag-aaral pa ako. "Ang dami-dami pa ng mga libro."

Talo pa yata ang university na pinapasukan ko noon sa laki ng library na'to. It's a high ceiling two floor classic library. Maraming nakahilerang shelves ang makikita mo at may sofa rin sa gitna

Narinig kong tumawa si Keila. Nitong mga nakaraang araw ay mas naging palangiti at masayahin sila Keila at Aiko na parang ngayon lang nila nagawa sa tanang buhay nila. Pero syempre, pasikreto nga lang. "Kaya pala gusto mo akong tulungan maglinis, mukhang mahilig ka yatang magbasa," saad nito.

Tumango ako. "Paborito ko yatang libangan yan."

"Hindi naman ganito karami ang mga libro rito noon. Dumami lang ito nang tumira na rito ang Primo," salaysay nito.

"Mahilig rin yata magbasa ang Primo ha," saad ko.

"Siguro. Hindi ko pa naman kasi siya nakikita na nagbabasa. Oh siya, ako na doon sa itaas at ikaw na rito sa baba." Tumango lang ako bilang pagsang-ayon.

Nagsimula na akong maglinis rito sa baba. Gumamit ako ng feather duster para maalis ang mga alikabok sa mga libro. Gumamit rin ako ng hagdan para maabot ko ang mga matataas na mga libro. Paminsan-minsan rin ay nagbubuklat ako ng librong natitipuhan ko.

Marami-rami narin ang nalilinis ko. Nasa ibabaw ako ngayon ng hagdan at inaabot ang isang librong natipuhan ko na naman. Nasa pinakamataas kasi ito ng shelf nakalagay kaya kahit nakahagdan na ako ay hindi ko maiwasang tumingkayad para maabot ito. Malapit ko na itong maabot ng bigla na lang nadulas ang mga paa ko sa hagdan. Napapikit ako ng maramdaman kong mahuhulog ako.

Hinintay ko ang pagbagsak ng katawan ko sa matigas na sahig at ang sakit na mararamdaman ko. Bagkus ay sa malambot na bagay ako bumagsak at narinig ko ang pagdaing at pagmura ng kung sino. "Damn!"

Pagmulat ko ng mga mata ay doon ko nalaman na bumagsak ako sa matikas na katawan ng lalake. Nakapulupot ang isang braso nito sa baywang ko at ang isa ay nakatakip sa ulo ko na parang pinuprotektahan upang hindi mabagok. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Kilalang-kilala ko ang taong ito, kabisado ko na yata ang amoy nito. He always had a woodsy scent.

"I will always catch you everytime you fall from heaven my Angel."

Bigla na lang pumasok iyon sa isip ko na parang isang malabong ala-ala. "You okay?" tanong ng Primo na nagpagising sa akin. Naalala ko na nasa ibabaw pa pala ako nito at kanina pa ako tulala. Bigla tuloy ako nakaramdam ng hiya. Nag-angat ako ng tingin at nagtagpo ang mga mata namin. Parang huminto ang pag-inog ng mundo ko ng oras na yun. I was lost and hypnotize of the way he looked at me like I'm his most important possession.

Napatingin ako sa malambot na mga labi nito at napalunok ng wala sa oras. Bigla yatang nanuyo ang aking lalamunan at nauhaw sa isang bagay na hindi ko alam. Namalayan ko na lang na dahan-dahan kong inilalapit ang mukha ko rito. I smelled his minty breath and our lips are centimeters away.

Ipinikit ko ang aking mga mata at ilalapat na sana ng tuluyan ang aming mga labi. "Krishna, okey ka..." Napatigil ako at nag-angat ng tingin para lang makita si Keila na nakaawang ang baba at gulat na gulat.

*****

-LG-

03-12-15

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

866K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...