SIMPER

By shesmellslikecoffee

68 13 6

Florissa Contreras, a woman who's just trying to live a normal life. She has the ability to see the past in h... More

SIMPER
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4

Chapter 3

8 1 3
By shesmellslikecoffee

------

Wednesday na naman kaya nasa gym kami para sa P.E class namin. Buti naman at hindi swimming ang gagawin namin ngayon kundi Volleyball at Tennis lang.

Magkatabi kami ni Ella na nakaupo sa bleacher. Panay ang chismisan ng mga kaklase namin. Kesyo tinulungan ko kahapon si Ella para maging kaibigan. Meron din ibang nagsasabi na nagsama ang dalawang loser. Hinayaan ko na lang sila sa mga pinagsasabi nila.

Para silang mga latang walang laman ang ingay-ingay. Ganoon din ang kanila utak parang lata, walang laman. Puro sila chismis, hindi man lang sila napapagod kakachismis o kakasira sa ibang tao.

Nang kapain ko ang bulsa ko ay napagtanto kong wala don ang relo ko kaya tumayo ako at hinarap si Ella.

"Dito ka lang Ella, babalik ako sa locker room naiwan ko ang relo ko eh. Pakisabi na rin kay Ma'am kung sakaling hinanap ako."saad ko at nginitian niya lang ako bago tumango.

Dumiretso naman ako papunta sa building ng girl's locker room. Pagkapasok ko ay nakita ko naman agad sa sahig yung relo ko. Nalaglag ko pala kanina. Pinulot ko naman agad ang relo ko at lumabas na.

Pagkalabas na pagkalabas ko ay may humablot sa kamay ko at hinatak ako papasok boy's locker room. Magkatabi lang naman ang girl's locker room dito. Tumigil lang siya kakahatak sa akin nang nasa loob na kami. Walang Tao maliban sa amin.

Nang mag angat ako ng tingin ay nagulat ako nang makita si Simper. Muli ko na namang naramdaman ang pagkurot ng puso ko. Ano ba ang ibig sabihin nito? Wala akong ideya kung bakit nararamdaman ko ito.

"A-Anong kailangan mo?" Tanong ko nang Di m tumitingin sa mga mata niya.

"Drop the act." Saad niya na ikinakunot ng noo ko.

"Excuse me?" Usal ko.

"I said drop the act." Seryosong saad niya pero hindi ko alam kung bakit niya sinasabi niyan.

" I'm sorry Mister, maling tao ang nahatak mo papasok dito." Sagot ko at akmang maglalakad na palabas nang hawakan niya ako sa braso.

"Ano bang problema mo?" Mahahalata na sa boses ko na naiinis na ako.

"Then who are you?" Tanong niya sa akin at ramdam na ramdam ko ang malamig niyang titig.

"Bakit kailangan mong malaman?" Medyo tumaas ang boses ko nang sambitin ko 'yon.

"Look at me, tingnan mo ako sa mga mata." Nangunot ang noo ko nang sabihin niya 'yon.

He's weird. Bakit niya ako pinapatingin sa mga mata niya? Alam niya ba ang tungkol sa abilidad ko?

"Hinahanap na ako ng kaibigan ko." Saad ko at kinalas ang pagkakahawak niya sa braso ko.

Hindi niya na ako pinigilan kaya nagmadali na akong bumalik sa gym. Nakita ko naman na nasa labas si Ella.

"Issa! Pinuntahan kita sa locker room pero wala ka doon. Hinanap ka ni ma'am kanina. Saan ka galing?" Tanong niya sa akin.

"Ah bumalik kasi ako sa room para hanapin yung relo ko. Hindi ko kasi makita sa locker room eh." Sagot ko naman.

Pumasok na kami sa gym at ipinaliwanag ko na rin kay Ma'am ang nangyari. I mean, I lied.

Buong araw akong lutang dahil sa nangyari kanina. Ano bang kailangan ng Simper na 'yon sa akin? Napaka weirdo niya. Sinong matinong lalaki ang bigla na lang manghahatak sa locker room at sasabihan kang drop the act '

Ano bang ibig niyang iparating? Nagkamali lang ba siya? O talagang ako ang kailangan niyang kausapin?

"Issa!" Natauhan ako nang marinig ko ang pangalan ko.

Si Mila pala. Papalapit na siya sa akin kasama si Ella. Inabutan nila ako ng burger at juice.

"Tara muna sa bleacher, manood tayo ng practice nina Yohan." Saad ni Mila. Tumango naman si Ella.

Sumunod na lang din ako sa kanila. Pagkaupong pagkaupo ay panay na ang chismisan nilang dalawa. Ito namang si Mila at kilig na kilig habang pinapanood si Yohan.

"Crush mo si Errol no?" Biglang taking ni Mila kay Ella.

"U-uhm..." Hindi naman makapagsalita si Ella at nag iwas lang siya ng tingin.

"Sabi na eh. Napansin ko kasing nagblush ka nung tumingin dito si Errol." Saad naman ni Mila.

"Huwag kang maingay Mila..." Nahihiyang saad ni Ella.

"Ikaw ah, may crush ka din naman pala." Sinundot sundot pa nito si Ella.

"Sana all sa inyo." Saad ko naman.

"Eh? Diba meron ka rin naman?" Saad ni Mila at parang nanunuksong tumingin sa akin.

"Talaga Mila? Sino naman ang maswerteng binata na 'yon?" Tanong naman ni Ella.

"Edi si- ayun! Sasali ba siya sa team ng Yohan ko?" Napatingin naman ako sa itinuro ni Mila.

Kahit pa nakatalikod ito samin ay nakilala ko naman agad. Si Simper... Sasali siya?

"Ah yung transferee! Siya ang crush mo Issa?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ella.

"H-Ha? Hindi! Gawa-gawa lang ni Mila 'yan. Ni-hindi ko nga 'yan kilala e." Saad ko at umiling iling.

Tumawa naman si Mila.

"Bagay naman kayo ah. Siya na lang i-crush mo." Saad pa nito.

"Nako tigilan mo ako, Mila." Inis kong saad.

"Oh siya, nasa court na siya. Panuorin natin kung magaling." Wika ni Ella kaya tinuon na namin ang pansin sa court.

Medyo marami din ang nanonood kahit practice pa lang ito.

Nanood na lang din ako pero nai-ilang pa rin ako sa presensya niya. Natuod ako nang bigla niyang ibaling ang tingin sa amin.

"Hala, tinitingnan ka niya Issa!" Saad naman ni Mila.

"Oo nga, tingnan mo Issa oh!" Saad naman ni Ella.

Nang ipasa niya ang bola sa kasama ay hindi ito nasalo kaya gumulong ang bola papunta sa inuupuan naming bleacher. Nakita kong hinabol ni Simper 'yun.

Medyo nataranta ako kasi nakatingin pa rin siya kaya napatayo ako at hinarap sina Mila at Ella.

"Punta muna ako sa C.R, babalik ako agad." Saad ko at umibis na palayo.

Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ako kung umiwas sa lalaking 'yon. Iba kasi ang nararamdaman ko kapag nasa paligid siya at hindi ko maipaliwanag kung ano 'yon.

Nang makarating ako sa CR ay walang tao doon. Naghilamos ako at tiningnan ang sarili ko sa salamin.

May...mangyayari ba?

May iba talaga akong nakukutuban na mangyayari pero hindi ko nga talaga maipaliwanag kung ano man 'yon. Bakit kasi itong abilidad pa ang nakuha ko. Sana ay hinaharap na lang ang kaya kong makita sa panaginip ko nang sa gayon ay may magagawa ako para baguhin 'yon.

"Pero hindi madali 'yon." Sambit ko. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'yon. Wala sa utak ko na sambitin ang salita na 'yon.

Mabilis kong pinunasan ang mukha ko at lumabas na mula sa CR. Bigla akong nakaramdam ng takot. Ano bang nangyayari sa akin? Hindi ko na maintindihan. Natatakot ako, pero hindi ko alam ang mismong kinatatakutan ko.

Taranta ako habang naglalakad nang bigla akong bumangga sa isang tao na dahilan nang pagkaupo ko. Hindi ko siya tiningala sa isipin na baka si Simper 'yon. Mabilis akong tumayo at handa na sanang umibis palayo nang biglang hawakan sa braso ng lalaki.

"Pwede ba? Tigilan mo na ako!" Napasigaw na ako nang wala sa oras. Naramdaman ko ang pagtigil ng taong humawak sa braso ko.

Napatingin ako sa braso kong hawak-hawak niya. Hindi pamilyar sakin ang kamay na iyon, ibig sabihin...

Hindi siya si Simper.

Nanlaki ang mga mata ako at mas lalong yumuko. Hinarap ko siya pero hindi ko siya tinitigan sa mata. Nanatili akong nakayuko.

"I'm sorry, hindi ko po sinasadyang sigawan kayo. Akala ko po kasi-" naputol ang pag papaliwanag ko nang magsalita siya.

"You look scared miss, are you okay?" Tanong niya sa akin.

Umiwas ako nang tingin at marahang tumango.

"Ayos lang ako." Sagot ko.

"Hindi ako naniniwala, I can see it in your eyes." Napasimangot ako.

"Wala 'to, mauna na ako." Akmang aalis na ako nang muli niya akong hawakan sa braso.

"Let me take you to a place where you can find peace." Saad niya at hinila na ako.

Sumunod na lang din ako sa kaniya. He seems nice but of course, I don't trust him that easily. Napakunot ang noo ko nang  makita ko kung saan kami papunta.

"Anong gagawin natin sa house of president?"

Sa pagkakaalam ko ay bawal pumunta ang estudyante dito gayong hindi naman nautusan na pumunta dito. Malaki ang campus namin at sa pinakadulo makikita ang house of president. Hindi ko alam kung bakit kailangan may ganito sa school na ito. 

It's a four-storey building. Modern rustic ang kulay nito at talagang maganda tingnan mula sa labas. Hindi mo aakalain na makikita ito sa isang school. May kahabaan din ito.

Tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil siya.

"Bawal tayo dito." Saad ko.

"Ikaw ang bawal dito, but you have me, so pwede na." Sagot niya at hinila na naman ako.

Sino ba 'tong taong 'to?

We walked in a hallway, the floor is so shiny. May tatlong pintuan don at papunta kami sa pinaka dulo. May hagdanan don at akala ko ay aakyat kami nang lumiko siya at may pintuan sa tabi ng hagdanan. Hindi naka lock kaya mabilis niyang binuksan 'yon.

"Sino ka ba? Bakit ang lakas ng loob mong pumunta dito? Bumalik na tayo." Wika ko.

Ayokong bumalik mag isa baka mahuli ako. Mabuti nang may kasabay akong mahuli dito.

"Theo, that's my name." Saad niya at muli, hinila na naman ako at hindi ko mapigilang ipalibot ang akong tingin sa kabuuan ng pinasukan namin.

It was a room may glass cabinets and it is full of trophys. From small to a big trophys. Medyo nasilaw din ako sa  ilaw. Napatigil siya sa paglalakad at nasa harap kami ngayon ng...

"Elevator?" Hindi niya ako pinansin at may pinindot siyang kung ano sa gilid ng Elevator.

At talagang may code pang nalalaman. Sino ba siya? Could he be the son of the owner of this university?

"Can-"

"Ssshh... Mamaya na." Saad niya at nagbukas na ang elevator.

It was a matte brown elevator. Ang yaman naman talaga ng may ari nito. Pinindot niya ang pinakahuling button, may mga symbols eh hindi ko naman alam kung ano yung mga 'yun.

Nang magbukas ang elevator ay napanganga ako.

"What..." Napabuga ako ng hangin bago ipagpatuloy ang pagsasalita.

"A beautiful view." Tuluyan na akong lumabas sa elevator at muling ipinalibot ang tingin.

We are on the rooftop. Hindi ko alam na may ganitong view na makikita mula sa rooftop. I can even see the whole ocean here and the sun that is nearly setting.

"Am I... dreaming?" Tanong ko at tinapik tapik ang mukha ko.

"No, you're not." Sagot ng lalaking nasa tabi ko na pala.

Hinarap ko siya at niyugyog.

"Hoy Theo! Sino ka ba? Are you the son of the owner?" Tanong ko at mas lalo siyang niyugyog.

Tumawa siya nang mahina at marahan na umiling. Ang ganda ng ngiti niya...

"Malulusaw ako niyan." Saad niya kaya tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa kaniya at tumalikod.

"Ang yabang mo naman." Saad ko at umupo sa nag iisang bench na naroon.

Pati ba naman bench sa rooftop pang mayaman pa.

"Mahilig siguro sa rusty brown ang may ari nito." Saad ko.

"Yes, my brother's favourite colour is brown." Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Tumabi siya sa akin.

"K-kuya mo ang may ari?" Tanong ko pa.

"Yes, but he's not the president. He's the owner but he made my cousin as the president of this school." Wika niya.

"Why not you?" Tanong ko naman. Kasi naman diba, pwede namang siya?

He chuckled, what a cutie.

"I'm young, I don't want to handle this big university tho. I have my own goals." Sagot niya. Oo nga naman.

"Hmm, how old is your brother?" Tanong ko.

Napasimangot naman siya, I don't know why, but he's cuteness makes me smile.

"Why are you smiling? Are you teasing me? You could've ask me about myself before my brother tho." Saad niya at ngumuso pa kaya kinurot ko ang pisngi niya.

Huli na nang marealized ko kung anong ginawa ko.

"Uhm sorry." Saad ko.

He chuckled, again. Napaangat ako ng tingin.

"Ayaw kong tanggapin ang sorry mo." Nagulat ako kasi biglang naging seryoso ang boses niya. Medyo kinabahan pa ako at natuod nang mabilis niyang kurutin ang magkabilang pisngi ko.

"That's it! We're quits." Saad niya at ngumisi.

That stopped my heartbeat for a moment...

------

A/N: Ano ba, kinikilig ako bye. Goodnight.

Continue Reading

You'll Also Like

25.6M 910K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
688K 45.7K 10
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
29.4M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
96.6K 1.4K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...