Taming The Heiress

By heyheartstring16

517K 15.6K 833

R-18|Mature Content Read at your own risk Train Salvatore is a well known playboy. He never had a serious rel... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 9

13.2K 446 25
By heyheartstring16

NAKANGITING pumasok si Train sa loob ng mansyon. Makikita nya na muli si Carly matapos ang dalawang araw! Yes, hindi agad sya nakabalik dahil kailangan nyang asikasuhin si Elaine.

Ayon kay Luan ay madalas nya itong makita sa may bar at naglalasing. Isang beses lang itong nilapitan ni Luan dahil sa tuwing nakikita sya ng dalaga ay ito na mismo ang kusang umiiwas. For what reason? Train doesn't know neither Luan.

"Sir Train! Nakabalik ka na pala!" Masiglang saad ni Osang nang makita sya.

Tinanguan nya lang ito at nagpatuloy sa loob.

Dumiretso sya sa living room at agad nyang nakita roon ang matandang Don at ang nurse nito na si Anna.

"Magandang umaga po Don Conrado. " Magalang nyang bati rito.

Lumingon ang Don at agad na napangiti nang makita sya.

"Ikaw pala yan hijo. Mabuti at nakabalik ka na. "

Tinuro nito ang bakanteng upuan at agad naman syang tumalima at naupo.

"Pasensya na po kung ngayon lang ako. May inasikaso lang po ako. "

"It's okay hijo. Hindi mo kailangan magpaliwanag. "

Nilingon nito ang isang kasambahay at inutusan na kumuha ng maiinom.

"Nakapag almusal ka na ba?"

Tumango sya. Kumain na sya kanina bago bumiyahe. Pinauna nyang umuwi si Nato at nagdala na sya ng sariling sasakyan.

"Si Carly po?" Lumingon lingon pa si Train, umaasang makikita nya ang dalaga.

Ibinalik nya ang tingin sa matanda nang hindi agad ito nakasagot sa tanong nya. Napansin nya ang alanganing ngiti na iginawad nito sa kanya.

"Medyo busy pa si Carly ngayon hijo. Mamaya ay makikita mo rin sya. "

Magalang syang tumango. Busy? Anong pinagkakaabalahan nito?

"Mauna muna ako sa itaas at nananakit ang likod ko. "

Dahan dahang tumayo si Don Conrado na agad naman inalalayan ni Anna. Nakialalay na rin si Train nang makitang nahihirapan itong tumayo

Osang cleared her throat.

"Sa balakang ni Don Conrado ang hawak Anna, hindi sa kamay ni Sir Train. " Mahinang untag ni Osang na rinig nya naman. Napatingin si Train sa kamay ni Anna na nakahawak na pala sa kamay nya. Mabilis naman nito iyong binawi.

"P-pasensiya na. " Mahinang bulong nito. Hindi nya alam kung para sa kanya ba yun or kay Osang.

Inalis na rin ni Train ang pagkakahawak sa matanda. Mukhang hindi nito narinig ang sinabi kanina ni Osang. Inalalayan ito ni Anna papunta sa may lift. May sarili itong lift para hindi na mahirapan sa pag akyat. Oo ganun kayaman ang mga ito.

Tinalikuran ni Train si Osang.

"Saan ka pupunta Sir?"

"Pupuntahan ko si Carly. " Sagot nya nang hindi ito nililingon.

"Ay bet nyo maging third wheel?"

Napahinto sya nang marinig iyon. Third wheel?

Nakakunot noo na nilingon nya si Osang

"Anong third wheel?"

Ito naman ngayon ang kumunot ang noo.

"Third wheel, paano ko ba ieexplain yun?" Umakto itong nag iisip.

"Basta yung panggulo! Yung manhid na hindi makahalata na dapat umuwi na lang sya!"

His forehead creased.

"Is she having a date right now?" Mapanganib nyang tanong na mukhang nahalata ni Osang ang inis sa boses nya.

"Naku Sir nagkamali lang---"

"Don't lie to me!" Hindi na napigilan ni Train ang magtaas ng boses. Napatalon naman si Osang.

"May sinabi po ba akong nakikipag-date sya---"

Tumalim ang tingin nya rito.

"Don't you dare lie to me. " May diin sa bawat salitang binitawan nya.

"Nasa rancho po si Senyorita Carly may kasamang lalake. Feeling ko nga po nagdi-date ang mga yun. Sinubukan kong pigilan pero ayaw po papigil, kaya yun, masaya silang magkasama ngayon."

Mas lalo pang tumalim ang tingin ni Train kay Osang. Kumuyom ang mga kamao nya at nagngingitngit sya sa galit.

Dalawang araw lang sya nawala, may bago na agad na umeeksena?!

What the fuck?!

Lumabas si Train at naghanap ng golf cart. Agad syang sumakay doon at minaneho iyon papuntang rancho. Mabuti na lamang ay kabisado na nya ang daan papunta rito.

Nagtatagis ang ngipin nya na lumabas ng golf cart.

"Nanalo ulit ako. Mukhang kinakalawang ka na!"

It was Carly's voice and he was sure with that. Pero bakit ang saya ata ng boses nito?

Umingos si Train. It looks like she's really having fun with that bastard!

"Carly..."

Napahinto ang dalaga at nag angat ng tingin sa kanya. Mukhang nagulat ito nang makita sya pero agad din itong nakabawi at nawalan ng emosyon ang mga mata.

"What are you doing here?" She asked him with her arms crossed on her chest.

"Hindi na ba ako pwede rito?" He asked back. Tinaasan sya nito ng kilay pero walang lumabas na salita sa bibig nito.

"You're really a pro Carly! Natalo mo na naman---" Natigil sa pagsasalita ang paparating na lalake nang makita sya.

Bahagya itong lumapit kay Carly na kinainis naman nya.

"Who's that?" Bulong na tanong nito kay Carly na rinig naman nya!

Humakbang palapit si Train at hinaklit ang braso ni Carly palapit sa kanya.

"I'm Train Salvatore, her future husband. " He said.

The guy's eyes widen.

"What?!" Narinig nyang angal ni Carly.

Nilingon nya ito.

'Manahamik ka muna, mamaya tayo magtutuos.'

"Salvatore? Are you related to Olivaro Salvatore? Anak ka ba nya?"

Walang ganang ibinalik nya ang tingin sa lalake na ngayon ay may tipid na ngiti sa mga labi.

"Yeah, 29 years na. " He said coldly.

The man chuckled and extended his hand.

"I'm Kallil. "

Tinignan nya ang kamay nito at kahit labag sa loob ay tinanggap nya pa rin ang pakikipagkamay nito.

"Anak ni Alena at Ybarro?"

Natahimik ito at maya maya lang ay tumawa na ng malakas.

"You're so funny dude!"

Tumatawa pa rin ito habang nakahawak sa tiyan.

Tss baliw!

Mariin ang pagkakahawak nya kay Carly habang hinihila ito palayo.

GUSTUHIN man alisin ni Carly ang pagkakahawak sa kanya ni Train ay hindi nya magawa. Mariin ang pagkakahawak nito sa braso nya at sigurado syang mamumula iyon mamaya.

They stopped in front of the golf cart. Pinasakay sya ni Train at naupo na rin ito.

"What about Kallil?" Tanong nya at nilingon ang kaibigan na hanggang ngayon ay tumatawa pa rin. Mukhang hindi nito napansin na nakaalis na sila.

May nilingon si Train kaya naman sinundan nya ang tinitignan nitong golf cart na gamit nila kanina ni Kallil papunta rito para mangabayo.

"May paa sya. Kaya nyang maglakad. " Saad nito at pinausad na ang golf cart.

Napanganga si Carly sa sagot ng binata. Ang akala nya ay sasabihin nito na may isa pang golf cart at yun na lang ang gamitin!

To think na iniwan nila si Kallil na walang kamalay malay, this guy is fucking rude!

"Ihinto mo, babalikan ko sya. "

"For what? To continue your date?" He scoffed.

Nagsalubong ang mga kilay nya.

"What?"

"Tss, magdeny ka pa. "

Hindi makapaniwalang tinitigan nya ito.

Ano bang pinagsasabi ng lalakeng ito?

Nakarating sila sa mansyon at naunang bumaba si Train. Napailing na lang sya at bumaba na rin. Papasok na sana sa loob nang biglang hilahin sya ni Train at dalhin sa may hardin.

"Did you enjoy it?" Panimula nito nang bitawan ang kamay nya.

"Enjoy what?"

Nanliit ang mga mata nito at nagtatagis ang bagang. Ano bang nagawa nya at nagkakaganito ito?

"Alam mo kung ano ang tinutukoy ko. So now tell me, nag enjoy ka ba sa date nyo?"

Date? Anong date ang pinagsasabi nito?

"Tangina, dalawang araw lang akong nawala may ka-date ka ng iba!"

Halos mapatalon si Carly sa lakas ng boses nito.

Sinamaan nya ng tingin si Train ng makabawi. Ang kapal naman ng mukha nito na sabihan sya ng ganyan!

Kung iniisip nito na nagdate sila ni Kallil, then fine! Be with it!

"Don't act like you didn't do the same thing. "

Natigilan ito at napatingin sa kanya.

"What are you talking about?"

"Wag ka rin magkaila na hindi mo alam ang sinasabi ko. " Malamig nyang tugon.

Kanina pa sya naiinis sa lalakeng ito! How dare him dragged her just like that!

"Dalawang araw kang nawala. Narinig kong may kausap ka sa phone at sigurado akong babae iyon. Wala naman sigurong lalake na Elaine ang pangalan?"

Napansin nyang natigilan ito. Mukhang hindi nito inaasahan na alam nya ang bagay na yun. Maybe that woman is really important for him, hindi man lang nga ito nagpaalam sa kanya, not that she really cared though.

"Baby..." Lumambot ang ekspresyon nito at pilit na inaabot ang kamay nya pero mabilis syang umatras.

Inirapan nya ito.

"Babalik na ako sa kwarto ko. " Imporma nya at tinalikuran na ito.

Pagkapasok nya ay agad na bumalik sa ginagawa sila Osang at ang ilang kasambahay. Mukhang kanina pa ang mga ito nakikinig sa usapan nila.

"Osang..."

"Naku kailangan ko na pala umuwi para timplahan ng dede si Mikoy!" Agap nito.

"Hoy Osang! Hindi na dumedede anak mo!" Sagot ng isang kasambahay na si Dalya.

"Wag ka nga makialam! Dumed.ede pa yun!" Pinandilatan nya pa ito

"Naku baka si Nato ang dumedede pa. " Natatawang saad nito.

Napangiwi naman si Carly sa narinig.

"Ang bastos ng bibig mo! Yan dapat ang dinidiligan!" Inispray ni Osang ang water spray sa mukha nito.

Napailing na lang sya at iniwan ang mga ito. She was certain that Osang was the one who told Train that she was having a date with Kallil which is not true. Napahinto sya sa paglalakad.

Tss ano naman ngayon kung isipin ni Train na nagdate sila ni Kallil? Wala naman syang pakelam sa iisipin ng lalakeng yun! Napailing sya at nagpatuloy na sa paglalakad.

#hh

Continue Reading

You'll Also Like

3M 187K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
192M 4.6M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
236K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...