When Tears And Rain Collabora...

By Diwtty

1.5K 124 5

Status:Completed #1 Started: 022422 Ended:070522 More

00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Epilogue
IttΚΌs

18

26 3 0
By Diwtty

Hindi ako nakakain ng maayos dahil hindi tumigil ang dalawa na mag sagutan. Nasa gitna ako kaya naiinis ako sa tuwing nag aaway sila. Mabuti na lang ay tulog pa hanggang ngayon si Lalaine dahil kung gising na siya ay baka mang gulo din iyon.

Ako ang nag ligpit ng pinag kainan namin. Si Yaya ang nag hugas dahil hinila ako ni Dew palabas ng garden. Sumunod si Aidan kaya nainis si Dew. Gusto niya sanang suntukin kaso pinigilan ko dahil bisita ko si Aidan.

Kung ang dalawang ito ay hindi mag kakasundo, mas mabuting hindi sila mag sama. Ako ang namomoblema sa kanilang dalawa e.

"Stay away to my girl" Wika ni Dew ng makitang lalapit sa akin si Aidan dahil may gustong sabihin. Napabuntong hininga ako. Ganito ba siya mag selos? Na kahit yung nireject ko ay pag seselosan niya?!

Walang nagawa si Aidan kundi ang manatili sa kanyang pwesto. Mag kakaharap lang kami at sa gitna namin ay ang pabilog na lamesa. Sa ibabaw ng lamesa ay ang cake at ang juice na inihanda ni Yaya para sa desert namin.

Tunaw na ang yelo sa juice kaya sa tingin ko ay hindi na malamig iyon. Walang may balak gumalaw kaya naman kinuha ko ang cake ko at saka kinain iyon. Ako na lang ang kakain kung ayaw nila.

"Akin na ito" Sabi ko kay Dew. Kinuha ko ang cake sa harap niya dahil ubos ko na kaagad ang cake ko. Ang sarap kase.

"Akin na din ito" Kinuha ko ang cake ni Aidan. Bahala sila mag tinginan lang jan basta ako ay kakain lang dahil ang sarap ng cake.

Habang kumakain ay ramdam ko ang pag tingin nila sa akin na para bang gusto nila akong pagsabihan dahil sa katakawan ko.Hindi naman ako matakaw, sadyang masarap lang ang cake.

"Hindi ka naman kumakain ng Vanilla Cake, ah" Natigil ako sa dapat na pag subo ng huling kutsara ng cake at dahan-dahan ay tinignan ko ang cake na nasa kutsara ko. Vanilla nga!

Kahit si Aidan ay nag taka pero isinubo ko parin ang cake na huling kain na lang naman. Pakatapos ay kinuha ko ang tubig saka ininom iyon at inubos. Busog na ako.

"Gutom ako kaya kinain ko na" Pag sisinungaling ko. Hindi ko din naman kase alam kung bakit kinain ko yung hindi ko naman gusto.

"Ang weird mo ngayon, Labby cakes" Dahil sa sinabing iyon ni Aidan ay pareho kaming napalingon sa kanya ni Dew. Kahit hindi ko makita anv itsura ni Dew, alam kong naka poker face na naman siya."Ay.. Sorry" Pag sosorry niya kahit hindi naman talaga siya nag sosorry.

Tumayo si Dew kaya napatayo din ako. Akala ko ay lalapitan niya si Aidan pero akala ko lang pala iyon.Dere-Deretso siyang pumasok sa bahay nang hindi man lang sinasabi kong saan pupunta.

Tuloy ay naiwan kaming dalawa ni Aidan.

"Seloso naman pala yang Dew mo, e" Wika niya. Sinong hindi aalis kung napipikon na? Baka ako?

"Mag usap na lang tayo ulit, Aidan" Tumayo ako, kinuha ang mga pinagkainan ko. "May aasikasuhin pa ako" Kailangan kong alamin kong ano na ang balita sa kaso ng kapatid ko. Hindi pwedeng basta ko na lang yun iasa kay Cire. Mabuti nga at may kilala siyang abogado dahil kung hindi ay baka hanggang ngayon ay wala parin akong bakukuhang katarungan.

Kunti na lang, Jas, kunting kunti na lang at malalagpasan mo din ito. Tiwala lang kay god, tiwala lang sa mga taong nakapaligid at minamahal ka, tiwala lang sa kakayahan mo, mag tiwala ka sa sarili mo.

Nang hapong iyon ay dumeretso ako sa opisina ng abogadong kaibigan ni Cire. Gusto ko na kaagad matapos ito para maging maayos na ang kapatid ko. Wala na din akong pakealam kung mawala sa akin si ate, basta ang kailangan ko ay ang katarungan. Nag kausap kami ng abogado at sinabing kailangan ng ebedensya. Wala akong sapat na ebedensya dahil walang nakakita ng nangyari.. Meron pala pero mas piniling kampihan ang asawa.

Umuwi akong nakakuyom ang kamay ko at bagsak ang balikat ko. Ang daming kulang na hindi ko magawan ng maraan para maibigay. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong huminga ng malalim para lang hindi ako ma stress ng subra.

Nakausap ko din si Janelle at sinabi ko ang napag usapan namin ng abogado niya. Kahit siya ay subrang nalulungkot dahil hindi niya makamit ang hustisyang gusto niya. Gusto kong gumawa pa ng paraan pero nauubusan na ako ng lakas. Nauubusan nadin ako ng pag asa pero patuloy parin akong lumalaban dahil kailangan niya ako, kailangan ako ng pamilya ko at mas lalong kailangan ako ni Papa.

Ang mga gabing kay tahimik ay nababalot ng kalungkutan nitong mga nag daang gabi. Umiiyak ako ng tahimik at palihim dahil sa subrang lungkot na nararamdaman ko.Gusto ko na mag pahinga at gumising na lang kinaumagahan na wala ng iniisip kundi ang mga bagay na maituturo ko sa mga studyante ko.

Subrang miss ko na din mag turo ng maayos. Subrang miss ko na ang lahat ng bagay na nagagawa ko noon. Yung mga oras na kasama ko si Dew at tanging siya lang ang nasa isip ko. Parang gusto ko na lang bumalik sa panahon na yun dahil doon, masaya at wala akong iniisip na problema.

"Uuwi ka na?" Malungkot na sabi ni Janelle. Binisita ko sila dahil my oras naman ako at hindi gaano kabusy.

Tumango ako sa kanya at saka lumapit at binigyan siya ng mahigpit na yakap. "Kailangan ko na umuwi dahil may tatapusin pa akong lesson plan" Gusto ko man mag stay ay wala na akong oras.

"Mag iingat ka, ate" Ngumiti siya pero alam kong pilit lang iyon.

Nag paalam na din ako kila papa at mabuti na lang ay hindi na ako pinilit pang kumain sa kanila. Pag uwi ko sa bahay namin ni Dew ay kaagad na napataas ang kilay ko dahil nadatnan kong nakahiga si Lalaine sa sofa habang ang ulo nito ay nakapatong sa legs ni Dew. Wala namang malaswang nangyayari kase hinihilot lang naman ni Dew ang ulo ng ahas.

"Iʼm home" Anunsyo ko kaya naman naagaw ko ang atensyon ni Dew. Nasa akin ang huling halakhak, Hangal. Lumapit ako sa dereksyon nila at binigyan ng halik sa labi si Dew. Wala akong pakealam kong naiirita na ang isa.

"Lalaine, Aalis na ako, ah" Anito Dew saka dahan dahang umalis sa pag kakaupo pero hawak niya ang ulo ni Lalaine para hindi ito basta na lang mag reklamo. Pinalitan niya ng unan iyon kaya napangiti ako. "I also need to take care my Love of my life" Pakatapos niyang sabihin iyon ay hinawakan niya ang kamay ko. Sabay kaming pumunta sa kusina dahil may iniluto daw siya para saakin.

"Anong meron?" Takang tanong ko dahil may cake sa lamesa at may kandila pa! Hindi ko pa naman birthday e.

Pinaupo niya ako sa upuan pakatapos ay umupo na din siya. "Advance happy Birthday" Sabi niga habang dahan-dahang binubuksan ang box ng cake.

"Hindi ko pa birthday, Dew!"

"Mamaya pa ang birthday mo, gusto ko lang ako ang unang babati sayo" Oo nga at mamaya na ang birthday ko. Hindi na din naman ako excited sa birthday ko kase hindi na ako bata. Yung birthday ko ay parang normal na araw na lang para sa akin."Blow the candle and make a wish, Liebe" Iniabot niya sa akin ang cake kaya kinuha ko iyon at saka tinignan. May nakasulat sa ibabaw ng cake na "happy birthday liebe! I love you forever until our hair turns gray" dahil doon ay nanubig ang gilid ng mata ko.

Ayukong umiyak dahil mag kakasipon na naman ako! Pumikit ako at saka humiling. Pakatapos ay iminulat ko ang mata ko sabay ihip ng kandila.

"Ano yung wish mo?" Kaagad na tanong ni Dew.

"Sekretong malupit"

Masaya kaming kumain. Masaya naming ipinag diwang ang birthday ko kahit bukas pa naman talaga ang birthday ko. Ang saya kahit kaming dalawa lang at ang ginhawa sa pakiramdam na gumising kinabukasan na wala kang gusto kundi ang makasama ang pamilya ko sa kaarawan ko.

Pero hindi pala dapat ako nag saya ng subra kagabi. Akala ko okay lang na maging masaya, pero hindi pala dapat sumubra.

Pag kagising ko ng umaga ay nakatanggap ako ng message galing kay Jonelle. Akala ko grineet niya ako dahil birthday ko, Pero minessage niya lang pala ako para ipaalam na wala na ang kapatid ko.

Ate, Wala na si Janelle.. Ibinitay niya ang sarili niya sa kanyang kwarto.

Yung saya ay napalitan ng lungkot.

Lungkot na habang buhay kong dadalhin.

Nang araw na iyon ay nag madali akong pumunta sa bahay. Ang kapatid kong si Jonelle ay iyak nang iyak at ang tatay ko naman ay idinala pala sa hospital dahil hindi kinaya ang nangyari.

Iyak ako ng iyak at gusto kong isigaw na lang pero ni pag salita ay hindi ko magawa.

Ilang beses ko ding tinawagan si Dew ngunit hindi niya iyon sinasagot pero mabuti na lang ay nasagot nag reply siya sa text ko. Mas lalo akong nakaramdam ng lungkot dahil sa text na iyon.

I canʼt come. Kailangan ako ni Lalaine ngayon.

Yung sakit palang natatanggap ko ay hindi pa enough kaya dinagdagan pa. Nakakatawa na nakakalungkot.

Bakit nangyari pa ito sakin?

Bakit ngayon pa na kaarawan ko?

I bitterly smile.

21th of march, The person I thought would go with me to get justice has lost hope so she committed suicide.

Continue Reading

You'll Also Like

4.2K 282 46
First Generation #2 Are you ready let go of the love that keeps you going and be selfish to choose your happiness even for once or let it slide for a...
1.7K 70 35
After the incident that day, 20 years old, Rowoon Ko became restless thinking about the woman he accidentally met at the alley in Joseph's neighbourh...
269K 1K 30
Just some AO3 shots not mine credit to owner ❀️
68.7K 4.8K 46
αž•αŸ’αžαžΎαž˜αž…αŸαž‰αž–αžΈαž’αŸ’αž“αž€αž”αž˜αŸ’αžšαžΎαž€αŸ’αž“αž»αž„αž—αžΌαž˜αž·αž‚αŸ’αžšαžΉαŸ‡αž›αŸ„αž€αž‚αž αž”αžαžΈαž€αŸ’αž›αžΆαž™αžαŸ’αž›αž½αž“αž‡αžΆαžŸαŸ†αžŽαž–αŸ’αžœαž…αž·αžαŸ’αžαž›αŸ„αž€αž‚αž αž”αžαžΈαžŸαž„αŸ’αž αžΆαžšαžαŸ’αžšαžΉαž˜αž˜αž½αž™αž–αž–αŸ’αžšαž·αž…αž—αŸ’αž“αŸ‚αž€αžαžΎαžŸαŸ’αž“αŸαž αžΆαžšαžœαžΆαž„αž’αŸ’αž“αž€αž–αžΈαžšαž“αž·αž„αž‘αŸ…αž‡αžΆαž™αŸ‰αžΆαž„αžŽαžΆαž”αžΎαž…αž„αŸ‹αžŠαžΉαž„αž…αž»αž…αž’αžΆαž“αž‘αŸ…πŸ€­πŸ€