Simple Princess

By bluishcrescent

3.6K 175 12

I was just a simple girl but then big changes came that maneuvered my world into a 360 degrees turn. And as m... More

Simple Princess
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45: Finale
Epilogue

Chapter 27

58 4 0
By bluishcrescent

Chapter 27

Nandito ako ngayon sa tapat ng kwarto niya. Torn between knocking and going back to my room.

Actually, kanina pa ako nandito. Siguro mga 30 minutes na ang nakakalipas pero naka-tanga pa rin ako.

Nung narinig ko kasi yung sinabi ni Monique sa garden a few days ago, pinagisipan ko kung kakausapin ko ba siya.

At nakapagdesisyon na akong kakausapin ko na talaga siya pero ewan ko ba dito sa katawan ko. Ayaw sumunod sa akin. Ayaw kumatok, ayan tuloy, hindi ako makapasok.

Alam ko naman na eto ang tamang gawin pero minsan kung ano ang tama eh 'yon talaga ang mahirap gawin.

Pero no! Kaya ko 'to! Kakausapin ko na siya.

Didikit na dapat yung kamay ko sa pinto para kumatok na finally pero bigla namang bumukas 'yon at bumungad sa akin ang magandang mukha ni Ate Sienna.

Ate Sienna daw ang itawag ko sa kanya para lahat daw kaming mga babae eh nagsta-start sa S yung pangalan tapos si Dad lang yung A.

Oh 'di ba? Ang arte lang? Kaloka. Kahit ano naman ang itawag sa akin eh sa A pa rin naman nagsta-start ang second name ko eh. Pati na rin ang second name niya at ang second name ni Ate Sheena.

Pero hayaan na, malakas talaga ang trip niya eh.

"Oh, hi, baby sis! I was about to go to your room para sana yayain kang mag-shopping." Naka-ngiting sabi niya. Napa-ngiti na lang rin ako.

Oo, siya ang ex-girlfriend at mahal pa rin ng taong mahal ko pero that doesn't change the fact na Ate ko siya. Na mabait siya sa akin. At na nararamdaman kong mahal niya ako.

Akala ko nung una ay galit ako sa kanya. Pero mali pala ako. Hindi ako galit sa kanya. Galit ako sa ginawa niyang pag-iwan kay Jayden.

Pero ngayon, narealize ko na wala nga pala akong karapatan na magalit sa ginawa niya.

Kasi sino ba naman ako 'di ba? Isa lang naman akong babae na nagmamahal kay Jayden. But unfortunately, hindi niya kayang suklian ang pagmamahal ko.

"Are you free today? Wala ka bang taping, shooting or other commitments? At saka bakit ka nga pala nandito sa harap ng room ko? Do you need anything?" Tanong niya habang naka-ngiti pa rin.

"Wala po akong gagawin ngayon. Pero I want to talk to you about something. Something really important." Sagot ko.

"As in ngayon na ba? Hindi ba pwedeng after na lang nating mag-shopping?" Naka-pout na sabi niya.

"Pero, Ate, kasi ang mall naman eh makakapaghintay at saka ang dami-dami mong ng damit at sapatos eh kaya unahin na natin ang kailangan kong sabihin habang may lakas pa ako ng luob." Sabi ko.

Mamaya eh tuluyan ng magbago ang isip ko at hindi ko na talaga siya kausapin.

"Kakausapin mo lang ako pero kailangan talaga may lakas ng luob? Oh em gee! Gano'n ba ako kaintimidating? At saka hindi naman kita aawayin ah! I so love you kaya!" Sabi niya sabay nag-pout na naman.

"Alam mo, Ate, hindi talaga ako sigurado kung sino sa ating dalawa ang mas matanda eh. Mas isip bata ka pa kesa sa akin eh. Tss. Huwag kang ma-drama, papasukin mo na ako sa kwarto mo at ng masabi ko na ang kailangan kong sabihin." Sabi ko sabay medyo tinulak pa siya para tumabi siya at maka-daan ako.

Yes, close na kami. Sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos na magkasama kami eh lagi niya akong dinadaldal at inaayang lumabas so sa tingin niyo, hindi pa ba kami magiging close?

"Oh, ano na ang sasabihin mo? Wait. Let me guess. Is this about showbizness? Ay, 'wag mo akong kausapin tungkol sa mga ganyang bagay. I'm just a model, not an actress. Kaya wala akong alam diyan." Sabi niya.

"You know what, 'Te? Huwag ka ng mag-try na manghula, ha? Please lang, wala kang future, ako na ang nagsasabi sa 'yo." Sabi ko. Umirap naman siya.

"Hindi about work. Hmmmm. Aha! Alam ko na! About love 'no?!" Sabi niya after a while sabay pumalakpak pa. Napatingin naman ako agad sa kanya.

"So, about love nga! Oh em! Nagdadalaga ka na talaga, baby sis! Come on, spill it. Sino ang lalaking sobrang swerte at nagustuhan ng super beautiful kong baby sis?" Tuwang-tuwa niyang sabi na parang kinikilig pa sabay inalog-alog pa ako.

Matutuwa pa kaya siya ng ganito kung malalaman niya na ang taong mahal niya eh ang taong mahal ko rin?

"Teka! Teka! Tama na, Ate! Nahihilo na ako!" Sigaw ko. Tumigil naman agad siya sa pag-alog sa akin. Thank heavens.

"I'm sorry, baby sis. I'm just excited to hear your love story." Sabi niya habang parang diamond yung mga mata at kumikinang-kinang pa. Napasibangot naman ako.

Love story ko?

Love story ko...

Ha! Hindi pa nga nasisimulan eh natapos na agad.

Ay, actually may nasimulan na nga pala!

Nasimulan ng guluhin ang nananahimik kong buhay.

Nasimulan ng pahirapan ako.

Nasimulan ng basagin ang puso ko.

"Sorry to disappoint you, Ate pero hindi 'to tungkol sa love story ko dahil hindi naman na talaga masusulat 'yon. Tungkol 'to sa 'yo. Sa inyo ni Jayden." Sabi ko. Nawala naman agad yung ngiti niya at nagtataka niya akong tinignan.

"What do you mean na tungkol 'to sa amin ni Jayden? Wait. Don't tell me na alam mong may past kami?" Hindi makapaniwalang sabi niya.

"Yes, alam kong naging kayo ni Jayden at alam ko rin na mahal niyo pa ang isa't isa. Kaya pwede ba, Ate? Huwag ka ng magpakipot at balikan mo na siya."

Kundi mapipilitan na talaga akong agawin siya sa 'yo.

Pero sino nga ba ang niloko ko? Para namang magagawa ko 'yon. Para namang kaya kong gawin 'yon.

Para namang maaagaw ko si Jayden.

"Wait, what? Hi---" I cut her off by kneeling in front of her.

Eto. Eto ang kaya kong gawin.

I can't be the one who makes him happy?

Then gagawin ko na lang ang lahat para maibigay sa kanya ang tunay na makakapagpasaya sa kanya.

Alam kong sobra na 'to. Masyado ko ng dinedegrade ang sarili ko.

Masyado ko ng sinasaktan ang sarili ko.

Pero sabi nga nila 'di ba, walang sobra pagdating sa pag-ibig. Basta kaya mong ibigay, iibigay mo.

"Ate Sienna, please, I'm begging you. Eto na oh. Nakaluhod pa nga ako oh. Please, please. Balikan mo na siya. Please. Maging kayo na lang ulit, please? Nagmamakaawa na talaga ako." Sabi ko. Hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng luha ko.

Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang nagawa ang ganito katinding pagmamakaawa. At ni minsan eh hindi ko inakalang gagawin ko 'to para makuha ng iba ang taong gustong-gusto ko ng angkinin.

"You love him." Sabi niya. Medyo natigilan naman ako.

Hindi niya kasi ako tinanong. Sinasabi niyang mahal ko si Jayden. Hindi niya kinonfirm. Parang alam na alam niya na.

At parang kilalang-kilala niya na ako kahit saglit pa lang kaming nagkakasama.

"Mahal mo siya. I can see it. I can clearly see it. Pero ang hindi ko makita at maintindihan eh kung bakit mo 'to ginagawa. You love him so why would you want someone to take him away from you?" Tanong niya.

"Kasi gano'n naman talaga kapag mahal mo ang isang tao 'di ba? You'll give and do everything to make him happy kasi makita mo lang siyang masaya eh sasaya ka na rin." Sabi ko.

"I don't get it. I really don't get it." Sabi niya sabay umiling-iling pa.

"Ate, hindi mo kailangang intindihin ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko. What I want you to do is to take Jayden back. Ate Sienna, please. Ano pa ba ang gusto mong gawin ko para balikan mo lang si Jayden? Gusto mo na bang makasal kayo agad? Sige, I'll prepare everything. Sabihin mo lang kung saan at kelan niyo gustong ikasal. Gusto niyo bang matelevise pa ang kasal niyo? Sige, sige. Ako na ang bahala doon. Kung gusto mo eh gagawan ko pa ng libro ang love story niyo. And then gagawin ko yung movie. Sino ba ang mga artistang gusto mong gumanap? Ha, Ate? Ano? Meron ka pa bang--" Napahinto ako sa pagsasalita nung bigla niya akong sinampal.

"Can you hear yourself, Shaila?! Can you hear how pathetic and desperate you sound?!" Sigaw niya.

"I don't care, okay?! I don't fucking care! Hindi madali para sa akin 'tong ginagawa ko, Ate. Hindi ko rin namang ginustong gawin 'to eh. Alam mo bang lalong nababasag ang puso ko ngayon, ha? Super sakit para sa akin na ako mismo ang lumuhod sa harap ng babaeng mahal ng mahal ko para magmakaawang kunin niya na ang taong gusto kong makasama habang buhay. Sobrang sakit, Ate. Parang binabayo pa lalo ang durog ko ng puso pero ano pa bang magagawa ko? Wala naman na eh. Wala na bukod sa magparaya."

----

Continue Reading

You'll Also Like

660 51 51
If a story started once upon a time, will it end happily ever after?
343 37 31
Bata pa lang ay nahumaling na sa iba't ibang fairytale si Ashryl, lahat ay inakala niyang mag uumpisa sa once upon a time at magtatapos sa Happily ev...
1.7K 52 31
Highschool life. First crush. First puppy love. First heartbreak. First love. First goodbye. Where will it all end?
5.3K 453 16
I don't want a story start with "Once upon a time" and end with "Happily ever after" it is only for Disney, you can also predict the next line. What'...
Wattpad App - Unlock exclusive features