Simple Princess

By bluishcrescent

3.5K 175 12

I was just a simple girl but then big changes came that maneuvered my world into a 360 degrees turn. And as m... More

Simple Princess
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45: Finale
Epilogue

Chapter 25

44 4 0
By bluishcrescent

Chapter 25

"Oh, Shai, why are you here?" Takang tanong ni Ate Sapphire pagkapasok ko sa tent niya dito sa set ng shooting namin.

Dito talaga ako dumiretso dahil wala naman na akong ibang makakausap bukod kay Ate Sapphire. Kasama nila Mom sila Jennaira eh.

"And why are you crying?! Sino ang umaway sa 'yo?! Lika, resbakan natin!" Inis na sabi niya nung tuluyan niya ng makita ang namamaga kong mata dahil sa kakaiyak.

"Calm down, Ate. Sige ka, 'pag nakita ka ni Tita eh malamang palayuin ka na no'n sa akin dahil iisipin niyang bad influence ako sa 'yo. Sobrang prim and proper mo bago mo ako makilala tapos ngayon eh para kang gangster na walang ka-class-class." Sabi ko sabay pilit siyang pina-upo. Para siyang handa ng sumugod sa gyera eh.

"Eh kasi naman, Shai! Look at yourself! Not that I'm saying that you are ugly ah. You're still beautiful. Pero kasi you also look wasted! 'Yang mata mo sobrang namamaga! At 'yang ilong mo, dinaig pa ang ilong ni Rudolf sa pagkapula! Bakit ka ba kasi talaga umiyak, ha? At saka, 'di ba ngayon darating yung long lost sister mo? Bakit nandito ka? Pumayag naman si Direk na hindi mag-shoot ng mga scene mo ngayon ah." Sabi niya habang inaayos ang buhok ko.

"Ang dami mo namang tanong, Ate. Naste-stress ako lalo." Reklamo ko. Akma niya naman akong babatukan pero lumayo ako. Syempre, sino bang gustong masaktan? Wala naman 'di ba? Wala.

"Huwag highblood, Ate Sapphire. Papangit ka niyan, sige ka. Pero sige na nga, magke-kwento na ako. Tutal 'yon naman talaga ang ipinunta ko dito eh." Sabi ko.

"So, magkakaruon tayo ng bedtime story kahit tirik na tirik ang araw. Wow, ang saya naman." Sarcastic na sabi niya. This time eh ako naman ang umakmang babatok sa kanya pero umiwas rin siya.

Sabi sa inyo eh. Walang taong gusto masaktan kaya kahit mahirap, iiwas na lang. At lalayo.

"Joke lang. Isa ka ring dakilang highblood eh. Osige na, magstart ka na at baka abutin tayo ng madaling araw." Sabi niya. Nagbuntong-hininga muna ako bago nagsalita.

"Of course you know Jayden. And of course you also know about my feelings for him and his feelings for Amber, right?" Sabi ko. Bigla namang nanlaki yung singkit niyang mata.

"You know about Amber? H-how...?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Nung pumunta ako sa condo niya para ihatid siya kasi nalasing siya eh nakapasok ako do'n sa kwarto niya at dyn ko nakita yung paintings niya. At saka one time rin eh nakwento na siya sa akin ni Jayden pero hindi niya lang pinangalanan." Sabi ko.

"O...kay. So, what about that damn girl who left Jayden without a single goodbye?" Taas-kilay na tanong niya. Badtrip rin pala siya kay Ate Amber.

"Well, she is back. I-- we, me and Jayden saw her earlier. And of course, my family also saw and welcomed her with open arms because she happened to be the sister I lost a long time ago." Sabi ko. And I expect violent reactions from her pero nanatili lang siyang naka-nganga at tulala.

"A-are you joking or something? I swear, hindi nakakatawa, ah." Sabi niya after a while.

"Itsura ba akong nagjo-joke, Ate Sapp? Oo, alam kong itsurang isang malaking joke ang mukha ko ngayon kasi nasa disheveled state ako pero I can't joke about this topic, Ate. Mahirap malaman na ang karibal mo pala sa taong mahal mo eh yung matagal mo ng nawawalang kapatid. At mas mahirap malaman na mahal pa rin nila ang isa't isa after all these years. Pero sa lahat ng mahirap, ang super duper hirap talaga eh yung gustuhin ng isip mo na mag-give way at let go pero hindi naman kayang gawin ng puso mo." Sabi ko sabay napahagulgol na naman. Niyakap niya naman ako.

Sa pagkakaalam ko eh fourth year high school student pa lang ako. 15 years old.

Pero bakit ganito na katindi yung mga pinagdadaanan ko?

Hindi ba dapat ang mga pinoproblema ko lang sa ganitong panahon eh ang sandamukal na projects at kabi-kabilang quizzes at seatworks?

Hay. Life, why do you need to be so cruel to me?

Kailangan ba talagang ma-stress ako ng sobra-sobra? Kailangan ba talagang mahirapan ako to the highest power?

Hindi ba pwedeng pa-chill-chill lang din ako katulad ng ibang teenagers?

Simpleng tao lang rin ako. Hindi mo ako kailangang bigyan ng ganitong klase ng special treatment.

"Hush now, baby Shai. Hindi ko man alam kung gaano kahirap 'yang pinagdadaanan mo at hindi ko man alam kung ano ang mga words na dapat sabihin dahil hindi pa talaga ako nakaka-encounter ng ganyang ka-complicated na sitwasyon pero always remember na hindi ibibigay sa 'yo ni God ang trial na 'yan if you are not strong enough to face it. Soon, everything will be alright again. Just wait and be brave." Sabi niya sabay niyakap pa ako ng mas mahigpit.

"T-thank you, Ate Sapp." Sabi ko after a while. Inabutan niya naman ako ng box ng tissue.

"Wala 'yon, ano ka ba. I'm your friend and I love you so, I am very much willing to hear you out and help you solve your problems in my own little way." Naka-ngiting sabi niya sabay hinug ako ulit.

Eto yung mga times na sobrang thankful talaga ako.

Kasi kahit gaano kahirap yung pinagdaraanan ko, alam ko na malalagpasan ko rin 'yon.

Of course with the help of them.

The super special people in my life, my family, my friends.

And God.

"So... what are you planning to do?" Tanong niya after a long silence.

"I'm planning to do the right thing. Pero not yet now. Siguro kapag medyo okay na ako. At kapag kaya na ng puso ko ang isa pang panibagong dagok." Sabi ko sabay medyo napatawa pa.

"Oh my gosh. Don't tell me, you are planning to talk to her?" Hindi na naman makapaniwalang tanong niya. At makikita na agad sa mukha niya ang pangamba.

She really cares for me and my feelings. Buti pa siya. Ako kasi kahit sarili ko na ang masasaktan eh wala na akong pakielam.

Okay. Yes, I still care. Pero kasi kapag palagi ka ng nasasaktan, you will get use to it. Parang ordinaryo na lang sa 'yo. Parang parte na talaga ng buhay mo ang sakit.

Kasi well, parte naman talaga ng buhay ang sakit. Dahil ang sakit ay laging kasama ng pagmamahal.

Kaya 'pag nagmahal ka, dapat talaga ay handa kang masaktan because it is a part of it. It will be always a part of it.

You can never experience love if you are not willing to be hurt.

"Of course, I'm planning to talk to her. Ate ko siya kahit pagbali-baliktarin ko man ang mundo kaya hindi talaga maiiwasang mag-usap kami." Sabi ko.

Alam ko naman kung ano ang ibig sabihin niya.

At hindi ko naman talaga planong gawin 'yon kasi parang hindi naman na kailangan. Pero kapag hindi pa sila nakapagbalikan agad, I will do it before I leave.

"Hay nako! Huwag mo nga akong pinipilosopo! Baka sapakin kita kahit namamaga na ang mata mo." Inis na sabi niya. Napatawa na lang ako.

"Kung kailangan ko siyang kausapin tungkol sa relasyon nila ni Jayden, eh bakit hindi? Kung 'yon ba ang magpapa-ayos ng lahat eh kahit ngayon babalik ako doon at luluhod sa harap niya para lang magkabalikan sila." Sabi ko. Tinignan niya naman ako na para akong isang alien. Na parang mala-out of this world ang mga pinagsasabi ko.

"Seryoso ka ba dyan sa mga pinagsasabi mo?" And for the nth time eh hindi na naman siya makapaniwala.

"Itsura naman akong seryoso 'di ba? So, malamang eh seryoso talaga ako." Sabi ko sabay umirap pa.

Gano'n ba talaga ka-weird ang mga lumalabas sa bibig ko para isipin niyang nagjo-joke lang ako?

So what kung magbe-beg ako kay Ate Amber na balikan niya si Jayden?

Eh sa iyon lang ang alam kong paraan para mapasaya ang taong mahal ko eh!

Oo, masakit sa part ko 'yon.

Sobrang sakit kasi bukod sa lulunukin ko na ang pride ko eh makikita ko ang taong mahal ko na masaya sa piling ng iba.

Pero wala naman na talaga akong magagawa eh.

I tried to get his attention

I tried to make him fall in love with me.

I tried every single thing.

Pero ano? Si Ate Amber pa rin naman ang mahal niya eh.

So for the last time...

Ita-try ko namang maging masaya para sa kanila ni Ate.

"Okay. Seryoso ka talaga dyan. Pero what if hindi niya na pala mahal si Amber? What if ayaw niya na kay Amber? What if ang tanging nararamdaman na lang ni Jayden para kay Amber ay galit dahil sa ginawa nitong pag-iwan sa kanya. Ang daming what if, Shaila! Bakit kasi hindi mo pa kasi kausapin si Jayden at itanong sa kanya kung ano ang totoo niyang nararamdaman?!" Frustrated na tanong niya.

"Alam mo, Ate, may mga bagay na dapat hindi mo na lang alamin lalo na kapag sigurado kang sakit lang ang maidudulot no'n sa 'yo." Sabi ko.

"Pero kahit na! Mas maganda pa rin kung marinig mo ang side ni Jayden. At saka either way naman eh nasasaktan ka pa rin eh. Ngayong hindi mo alam, nasasaktan ka kasi assume ka ng assume kung ano ba talaga ang nararamdaman ni Jayden. Pero kapag naka-usap mo na siya, yes, may possibility na masaktan ka pa rin pero at least nasaktan ka dahil sa katotohanan at hindi dahil sa kasinungalingan, 'di ba?" Sabi niya.

"Ano bang pinagkaiba ng katotohanan at kasinungalingan? Wala naman 'di ba? Lalo na at either way eh masasaktan pa rin ako. Kakailanganin ko pa ring mag-give way sa pagmamahalan nilang dalawa. At mag-let go sa mga nararamdaman ko para sa kanya."

---

Continue Reading

You'll Also Like

5.5K 64 32
Do you believe in Fairytales? Sa story na ito, may isang prinsesa at isang prinsepe. May magsasakripisyo at may magmamahal. May sasaya at may malulun...
2.2K 67 7
What would you do if you meet the fictional character that you wrote? What if love comes around, will it be a 'Happily Ever After' or just a 'Once up...
4.2K 409 45
Will edit this one. Not advisable to read for now.
Wattpad App - Unlock exclusive features