MYSTICAL ACADEMY: Play with F...

By 3umoiriety

63.2K 2.9K 670

Raini Zalana Evanescent is just a normal teen age girl not until she reached 18 and her life suddenly change... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
Author's note
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
ANNOUNCEMENT
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36

CHAPTER 9

1.3K 79 15
By 3umoiriety

RAINI

"RAINI!"

Nagulat ako sa pagsalubong sa akin ni Hydra at Victoria pagkapasok ko sa gate ng Mystical Academy. tumatakbo ito papunta sa direksyon ko lumawak ang ngiti ko nang makita ko sila.

si Kuro Mesha ang naghatid sa akin malapit sa Academy hindi niya ako hinatid mismo sa tapat ng gate dahil ayaw niya. tinuro niya lang sa akin ang daan papunta dito nung malapit na kami sa Academy. ang matandang yon pinuyat ako kagabi para lang mag-training. hanggang ngayon ramdam ko parin ang pagod, pakiramdam ko ay kulang ako sa tulog at pahinga.

"Hoy, na-miss ka namin!" nanggigil na wika ni Hydra habang mahigpit ang yakap sa akin, ganun din ang ginawa ni Victoria ng makalapit siya.

"Nagtaka pa kami kung bakit ang tagal mo. kaya tinanong namin si Ms. Vanadey kung bakit hindi ka pa nabalik sa Academy sabi niya tini-train ka daw ni Kuro Mesha." mahabang wika ni Victoria.

"Akala ko ba uuwi ka sa inyo?" masama ang tingin ni Hydra sa akin pagkatapos niya kumalas sa pagkakayakap.

"Akala ko nga rin e, pero doon nila ako pinapunta." pagpapalusot ko. sobrang na-miss ko rin sila, masaya ako na nakita ko na sila ulit.

"Teka-bakit parang ang dami mong sugat sa mukha?" hahawakan pa sana ni Victoria ang mukha ko nang takpan ko ng dalawang kamay ang pisnge ko.

"Oo nga. sugat ba yon? binugbog ka ba ni Kuro Mesha?" gulat na tanong ni Hydra mabilis akong umiling bilang sagot.

"Ha? hindi ah." binugbog naman e? asa!

"Eh bakit ganyan ang mukha mo? tsaka parang kulang ka sa tulog tas parang pagod." gatong pa ni Victoria.

"It's a part of training." nakangiting wika ko sa kanila.

"Akala ko binugbog kana e." natawa ako sa sinabi ni Hydra.

"Bakit mo naman naisip yon?" natatawang tanong ko. si Kuro Mesha bubugbogin ako? baka siya bugbugin ko.

"Sabi kasi nila sobrang strict daw nun magturo parang mas malupit kay Chalter. yung habang nag ti-training ka pinapatay kana ganun." napataas ang kilay ko dahil sa sinabi ni Victoria. parang hindi naman ganun ang nangyari sa akin? sino kaya ang nagkalat na ganun si Kuro Mesha? sobrang baliktad.

"Sino naman nagsabi niya?" natatawang tanong ko habang nagsimula nang maglakad. sumabay ang dalawa sa lakad ko at nasa gitna nila ako.

"Lahat." kibit balikat na sagot ni Hydra.

"Kamusta naman family bonding?" nagtaka ako nang biglang mag-iwas ng tingin si Hydra.

"Masaya, sobra." nahila ni Victoria ang atensyon ko nang sumagot siya. nakita ko ang malawak na ngiti niya kitang kita ko kung anong resulta ng pag-uwi niya.

"Sige, Raini mamaya nalang ulit papasok pa kami sa last subject e." tumango ako sa sinabi ni Hydra. nag beso pa sa akin ang dalawa bago silang umalis.

Nagpasya na ako na pumunta sa dorm para magpahinga sa sobrang bigat ng katawan ko muntik ko ng hindi madala ang sarili papunta sa girls dorm dahil bagsak na bagsak ang balikat ko sa sobrang pagod na nararamdaman. pagdating ko sa loob ng dorm ay pabagsak na inihiga ang katawan ko sa malambot na kama. narinig ko ang pag tunog ng tiyan ko dahil sa gutom pero pinakain naman ako ni Kuro Mesha bago ako umalis ng bahay nila pero parang kulang dahil hindi agad nabawi yung lakas ko.

Napapikit ako ng mariin nang maalala ko na may training ako bukas kasama si Chalter. baka pwede naman na bawiin ko na muna yung lakas na nawala sakin bago ako sumabak sa isa pang nakakamatay na training. hindi ko na namalayan na unti-unti na pala akong hinihila ng antok.

Hapon na ng magising ako hindi ko nadatnan si Victoria at Hydra sa paligid pero alam kong galing na sila dito siguro ay hindi nila ako ginising dahil binigyan nila ako ng oras para mag pahinga. medyo naging okey ang pakiramdam ko, parang nabalik na ang lakas ko. naligo muna ako bago lumabas sa dorm dumeretso ko sa cafeteria dahil nagbabaka sakali ako na nandoon ang dalawa pero iba ang naabutan ko.

"Raini!" sigaw ni Lennox ng makita ako mabilis itong tumayo sa kinauupuan niya at pinuntahan ako.

As always ang tanging apat lang ang nakain sa cafeteria kaya sila lang ang nakita ko. inilibot ko ng tingin ang mata ko sa buong cafateria pero wala pala sila Victoria at Hydra doon.

"Tara, kain!" kumaway pa si Airlys sa gawi ko. hinila ako ni Lennox papunta sa kinarororoonan ng mga kaibigan niya.

Napakamot ako sa ulo dahil sa hiya hindi dahil kay Airlys at Lennox kung hindi doon sa dalawa pa nilang kasama. same vibes pa naman yung dalawa si Viorica at Reeci parang palagi silang seryoso opposite sa ugali ni Lennox at Airlys.

Pinaghila ako ni Lennox ng upuan kaya wala na akong nagawa kundi ang umupo. kung tatanggi ako baka i-sumbat nila yung nangyari kila Kuro Mesha na hindi ko sila papansinin pag balik ko sa Academy?

"Hindi mo na naman ba akami papansinin?" malungkot na saad ni Lennox pero umiling ako at pinilit ngumiti sa harap niya.

"Sayang wala kayong dalawa ang saya nag laro kami kila Kuro Mesha." masayang wika Airlys sa dalawa. lumingon sa akin si Airlys na may malawak na ngiti. "Next time. laro ulit tayo iba naman tapos kasama sila tapos si Chalter." dagdag pa nito kaya tumango ako bilang sagot.

Ano ba ito? wala akong makapa na sasabihin.

"Buti napasali niyo si Chalter?" nagtatakang tanong ni Viorica.

"Oo naman." proud pa na sagot ni Lennox akala mo naman siya ang nagyaya kay Chalter para maglaro, ako kaya!

"Kamusta naman, Raini?" biglang tanong ni Reeci bago humigop sa baso niya. ewan ko kung kape ba yon.

"Tignan mo itsura ko kung okey siya?" tinuro ko pa mukha ko napangiwi siya ng titigan ang mukha ko.

"Dami mong kalmot. nagkalmutan ba kayo ni Kuro Mesha?" nakatikim ng isang malakas na batok si Lennox sa akin dahil sa uri ng tanong niya.

"Kaya mo na? balita ko bukas na training niyo ni Chalter." wika naman ni Viorica.

"Hindi ko alam pagod pa ako e. halata naman sa mukha ko diba?" nakaturo pa ako sa mukha ko kaya bahagya itong natawa.

Nahagip ng mata ko si Astrae na masama ang tingin sa akin. oo nga pala hindi maganda ang huling pagkikita namin. galit kaya siya sakin dahil pinarusahan siya? pero hindi naman ako ang may kasalanan siya rin naman ang may gawa kung bakit siya naparusahan.

"Tara laro tayo ulit ng dodgeball." nahigit ni Airlys ang atensyon ko dahil nagsalita ito.

"Sa ibang araw nalang, pinaghahandaan ko pa kamatayan ko bukas e." kinakabahan ako actually para sa training bukas dahil baka diretso cremate na ang kalabasan. abo nalang ako na ilalabas sa training room.

"Mabait naman yon si Chalter kahit papaano kaya hindi ka masyado papahirapan nun." wika pa ni Lennox. ewan ko kung totoo o kino-comfort lang ako nitong loko na to para hindi ako matakot.

Napatulala ako sa kape ni Reeci nang maalala ko ang ngiti ni Chalter apat na araw na ang nakakalipas. nag-flash sa utak ko ang itsura nito kung paano niya ako nginitian nung araw na yon. kung gwapo naman pala siya ngumiti bakit lagi siyang naka-serious face? sa bagay nakasimangot na nga ang dami ng patay na patay sa kanya paano pa kaya kung ngingiti yon?

Swerte ba ako kung ako lang nginitian niya?

"Hoy! nginingiti-ngiti mo diyan?" naramdaman ko pa ang pagsundot ng daliri ni Lennox sa pisnge ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Anong nginingiti-ngiti sinasabi mo diyan?" sinungaling siya!

"Totoo kaya. may nakikita ka ba sa kape ni Reeci na hindi namin nakikita?" dagdag pa niya.

"Oh, do you want my coffee?" pang-aalok pa ni Reeci.

"Hala, hindi ah!" mabilis akong umiling dahil hindi naman ako mahilig sa kape.

"Are you blushing?" tanong naman ni Viorica ngayon. nanlaki ang mata ko at napahawak ang dalawang kamay ko sa pisnge ko.

"Hoy! hindi naman bakit kayo ganyan?" medyo pa sigaw na ginagawa ko.

"Nakangiti ka tapos nag ba-blush habang nakatingin sa kape ni Reeci." sabat pa ni Airlys kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Mga mema kayo!" nagtaka naman silang apat dahil sa sinabi ko.

"What is mema? I didn't heard that word before." napapaisip na sabi ni Reeci.

"Joke ibig sabihin nun." nakangiwi na sagot ko.

"Basta wala, may something talaga sa kape ni Reeci." kinurot ko si Lennox sa braso. ay, ang tigas?

"Siguro may nakita siyang imahe sa kape ni Reeci." wika ni Airlys.

"Ah, baka naisip niya yung face ng crush niya." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Viorica.

"Hindi ah! si Chalter crush ko? Asa naman! kahit kailan hindi ko magiging crush yon." natigilan silang apat sa sinabi ko. nang maalala ko ang sinabi ay natigilan rin ako.

"Si Chalter pala ang iniisip mo?" naka cross arm pa si Lennox habang may nakakalokong ngisi.

"Ah si Chalter pala yung nakita mo sa kape ko." tumatango na sabi ni Reeci.

Napalunok ako habang nakatingin sa apat.

"Si Chalter pala kaya ka ngumingiti diyan." naiiling na wika naman ni Airlys.

"And ow, namumula ka kanina dahil pala kay Chalter." wika ni Viorica saka sumubo ng Chicken Cordon bleu.

"Hindi ah!" pilit kong pagtanggi. ano pa bang pagpapalusot ang pwede kong sabihin? Any tips?

"Huli ka na. bibig mo na mismo nag buking sa'yo." sinipa ko sa ilalim ng lamesa ang paa ni Lennox.

"Tsaka kung hindi mo man sabihin, nabasa ko na nasa isip mo kanina. I was curious because of a sudden smile." parang wala lang na sabi ni Viorica pero halos manginig ang tuhod ko dahil sa sinabi niya.

"Ay hindi ko na basa! ano sabi?" nakapag tanong na si Lennox bago ko pa takpan ang bibig niya.

"Nginitian daw siya ni Chalter." madaling sagot nito.

Namumula na ang mukha ko hindi dahil sa kilig kundi dahil sa hiya!

Ayan na naman ang nakakalokong ngisi ni Lennox na nagpadagdag lalo sa hiya ko.

"Ow, hey Chalter." nag-angat pa si Reeci ng kamay na parang may kinakawayan sa likod ko kaya mabilis akong napalingon sa likuran ko pero wala namang kahit anino ni Chalter ang nandoon. sasamaan ko sana ng tingin si Reeci kaso paglingon ko sa kanila pare-parehas na silang may nakakalokong ngiti.

"Pinagtitripan niyo ba ako?" Inis na tanong ko sa kanila pero hindi man lang nagpatinag ang apat.

"Bilis ng response ng leeg natin ah." gusto kong batuhin si Airlys ng tissue.

"May tinatago ka palang pagtingin kay Chalter." walang tigil na pang-aasar ni Lennox.

Nakita ko ang bahagyang panlalaki ng mata ni Viorica at biglaang pagtigil ng mata ni Reeci sa likuran ko.

"Chalter!" si Viorica naman ngayon ang kumakaway sa likuran ko.

Asus! siguro gumamit sila ng telepathy ni Reeci, nag-usap sila na dapat parehas reaction nila. pati si Lennox at Airlys ay napalingon sa likuran ko.

"Wag niyo kong lokohin, hindi napunta si Chalter sa cafeteria tatamaan na talaga kayo sa akin. basta hindi ko crush si Chalter okey? hindi ko siya crush. period. talagang hindi lang ako maka move on na nginitian niya ako dahil feeling ko ang swerte ko lang baka kasi ako lang yung taong nginitian niya." pagpapaliwanag ko kaya nabaling sa akin ang atensyon ng apat. nakanganga pa sila na parang gulat na gulat. bakit anong nakakagulat?

"Oh really?" biglang sabat ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko.

Slow motion ang ginawa kong paglingon sa likuran ko dahil hindi ako handa sa kung sino ang makikita ko.

At boom!

"C-chalter?" parang sasabog ang mukha ko sa sobrang pamumula.

"Yes?" kunot noo nitong tanong. takte, totoo ba to?!

Agad kong hinarapa ang apat na ngayon ay nakatitig sa akin hinablot ko ang kamay ni Airlys at Lennox dahil ako ang nasa gitna nila.

"Magkapit-kapit kamay tayo bilis, ito ay gawa gawa lamang ng Illusionist." pero ang apat nawiwirduhan lang silang tinignan ako.

Biglang umikot si Chalter at umupo ito sa gitna ni Reeci at Viorica. napanganga ako habang tinitignan ito, totoo ba siya? narinig niya ba lahat ng sinabi ko kanina? seryoso dahil pulang pula na ang mukha ko sa kahihiyan na baka dahil sa narinig niya hindi niya na ako ngitian. mukhang sign pa naman yon na magiging mabait ang pakikitungon niya sa akin.

"Stop thinking." malamig na wika nito at saka nag-iwas ng tingin. narinig ko naman ang pigil na tawa ni Lennox kaya nilingon ko ito at sinamaan ng tingin.

Parang gusto kong bumalik sa bahay ni Kuro Mesha at magpasara ng isip para walang makabasa ng iniisip ko. nakakainis! they're invading my privacy!

"Bakit ka biglang pumunta dito?" pagtatanong ni Reeci.

"Kakain? mukha bang pwedeng mamasyal dito?" pilosopong sagot ni Chalter.

Napayuko nalang ako at mahigpit na hinawakan ang laylayan ng skirt ko. wala akong makapa na sasabihin, well doon naman ako laging natatapos sa walang masabi.

"Ayaw mo ng pagkain dito diba? kaya nga nagluluto ka nalang." wika naman ni Viorica.

"Gusto ko lang ulit matikman pagkain dito." seryosong sagot nito.

"Hoy, Raini may nakikita ka na naman ba sa baba na hindi namin nakikita?" biglang tanong ni Airlys narinig ko na naman ang impit na bungisngis ni Lennox.

"Wala ah, ano...wala lang." hindi maintindihan na sagot ko.

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Chalter na titig na titig sa mukha ko pero hindi siya nakatingin sa mata ko. sure ako na sinusuri niya ang ibang sugat sa mukha ko kaya nag-iwas ako ng tingin, nagsisisi pa ako mag-iwas ng tingin dahil sumalubong sa akin ang nakahalumbabang si Lennox na parang natatawa.

"Ano ba? kanina ka pa! kung natatawa ka tumawa ka, mamaya kung may maamoy kaming hindi maganda dito ikaw ang sisisihin ko." hinamapas ko pa siya sa balikat akala ko tatawa na siya pero tinikom niya lang ang bibig at napalitan ng seryosong mukha ang natatawang mukha lang kanina pero kita ko parin na nanatatawa siya.

Tumayo ako kaya nag-angat ng tingin ang lima.

"Where are you going?" nagtatakang tanong ni Airlys.

"I got to go. hinahanap ko pa kasi si Victoria at Hydra." yon naman talaga ang pakay ko, pero hindi ko alam bakit ako nag end-up sa upuan ng mga to.

"Ganun ba? pero hindi ka pa kumakain." wika ni Viorica.

"Hindi na. hinahanap ko rin yung dalawa kasi sabay-sabay na kami kakain." sagot ko.

"Oh sige." pagkasabi pa lang ni Lennox nun tumalikod na ako para sana maglakad pero nagsalita na naman ang pamilyar na boses na handang magpanginig sa tuhod ko.

"Sa susunod na araw pa ang training natin." lumingon ako dito saka mabilis na tumango. " Rest well." dagdag pa nito.

Nakagat ko ang labi ko ng magtilian ang apat. patakbo kong nilabas ang cafeteria ,paglabas ko ay napahawak agad ako sa puso dahil sobrang bilis ng tibok nito. kaba lang to dahil nagbabago na yung pakikitungo niya sa akin samantalang iba siya makitungo dati.

Napatampal ako sa noo ko sa hindi ko malamang dahilan. ano ba itong nangyayari sa akin? nagpadyak-padyak pa ako na parang ewan. nakiki-ayon lang ba siya sa trip ng mga kaibigan niya? patay talaga sa akin si Lennox mamaya, magkasalubong lang talaga landas namin lulunurin ko siya dahil siya ang narinig ko na may pinakamalakas na tili kanina.

Kaya lang naman ako tumakbo palabas dahil nakakahiya sa mga taong nakain sa cafeteria ang tilian ng apat.

"Raini?" napahawak pa ako sa dibdib ko sa gulat nang biglang may magsalita sa likuran ko.

"Grabe, Clyde! mushroom ka ba? bigla ka nalang sumusulpot sa kung saan-saan." dahil kinabahan talaga ako akala ko kung sino na.

Natawa naman siya. unti-unti ng nawala ang kaba ko dahil wala na naman ako sa cafeteria. No Chalter's presence, I am safe now.

"Sorry kung nagulat kita napadaan lang talaga ako tapos nakita kita." nakangiting wika nito.

Tumango-tango naman ako. "Kamusta dalawang araw na bakasyon?" nagsimula itong maglakad kaya sumabay na ako.

"Okey naman." mabagal itong tumango.

"Okey naman bakasyon ko kila Kuro Mesha." alam ko naman na alam niya rin na doon ako nag-stay.

"Halata naman sa face mo na okey ka." natatawang sabi nito. masyado bang halata sugat ko sa mukha?

"Kaya nga hinahanap ko si Hydra e, para mapagaling to." sagot ko.

"Nasa bahay ka na ni Kuro Mesha hindi mo pa naisip i-pagamot yan?"

"Hala, oo nga noh! ngayon ko lang na-isip nung sinabi mo." gulat na gulat na sabi ko. paano ba naman nakalimutan ko na naggagamot si Kuro Mesha. ang baliw ko!

"Kaya mo na kontrolin power mo?" masayang akong tumango sa tanong niya. he patted my head kaya sinamaan ko siya ng tingin dahil doon.

"Busy ka lagi noh?" tumango naman siya sa sinabi ko. "May katungkulan ka ba sa Academy? parang mas busy ka pa sa mga student counsil." natawa na naman siya sa sinabi ko. bakit kaya ang hilig niya tumawa? maniniwala na talaga ako na happy pill ako ng isang to.

"Wala." maikli nitong sagot. yon lang? walang paliwanag?

"Ano bang ginagawa mo?" puno ng kuryusidad na tanong ko.

"Something important." maikli na naman nitong sagot.

Yon na ulit yun? kung ganyan siya kausap ayaw ko na!

Pero mukhang ayaw niya lang talaga sabihin sa akin kung anong pinagkakaabalahan niya.

"Pwede mo naman sabihin sa akin. hindi naman ako maingay e." nakasimangot na wika ko.

"It's not like that hindi mo lang talaga maiintindihan." marahan na sabi nito.

"Edi sabihin mo para gets ko o, diba?" pagpipilit ko pa.

Huminto ito at humarap sa akin. nagtaka naman ako ng tignan niya ang kamay ko.

"Can I see your ring?" he asked.

"Ah ito ba?" nilahad ko ang kamay ko hinawakan niya naman ito habang tinitignan ang singsing na suot ko. nagtataka pa ako dahil mariin ang titig niya dito napabuntong hininga pa siya bago tumingin ulit sa akin. ibinaba ko na ang kamay ko ng bitawan niya ito.

"Don't trust him, okey?" nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Sino?" kunot noo na tanong ko.

"Chalter at kahit pa sa mga kaibigan mo o kaibigan niya at kahit pati na rin sa akin." marahan pa itong ngumiti.

"Bakit naman?" pagtatanong ko ulit dahil medyo naguguluhan ako sa sinabi niya.

"You just know their names but you don't know their true Identities nor personalities." sagot niya kaya tumango naman ako kahit medyo hindi ko maintindihan.

"Mukhang mababait naman sila." wika ko.

"Dahil yon ang pinapakita sa'yo kaya mo nasabi." mabilis na wika nito.

Lagi nalang pa-mystery itong si Clyde minsan hindi na nakakatuwa dahil punong-puno na ako ng curiousity.

"Curious na talaga ako." tumawa pa siya kahit naiinis na ako.

"Curiosity killed the cat." tumatawa pa na wika niya.

Oh, diba ang saya saya niya lagi?

"Hindi naman ako pusa." nagkamot pa ako sa batok.

"What I mean is being curious can sometimes lead to danger or misfortune." Oo, nalang noh? pag-english, Oo nalang.

"Maganda i-tawag sa'yo detective conan e." inirapan ko pa siya.

"Sino naman yun?"

"Wala!" malditang sagot ko.

"Kung hinanahanap mo mga kaibigan mo, ayun sila oh." sinundan ko ang tinuro ni Clyde. nakita ko sila Victoria at Hydra na naupo sa bermuda grass sa battle field.

"Punta na ako dun ha!" paalam ko kay Clyde nang tumango na siya ay tumakbo na ako papunta kila Hydra.

May iilang estudyante din ang nakaupo sa iba't ibang direksyon parang ito na nga tambyan ng mga estudyante e. hindi pa ako napansin ni Hydra at Victoria dahil nakatalikod ang dalawa sa akin.

"Hoy kayong dalawa!" parehas naman silang napalingon sa akin.

"Raini? Akala namin nagpapahinga ka pa sa dorm." gulat na sabi ni Hydra.

"Nagpupumilit na nga itong si Hydra na puntahan ka namin para gisingin kaso sabi ko kailangan mo ng mahabang oras na pahinga." sagot naman ni Victoria. umupo ako sa harap nila.

"Kanina pa talaga ako gising! kung saan-saan na nga ako pumunta e, nakasabay ko pa kumain ang mga alagad ni Chalter." sumbat ko sa kanila.

"Kumain kana?" tanong ni Victoria.

"Hindi pa. hinahanap ko nga kayo para sabay-sabay tayo na kakain." nagkamot pa silang dalawa sa ulo.

"Mamaya na? tulungan mo muna akong pilitin si Victoria na gumawa ng Illusion. miss ko na kasing gilingan ni Chalter." agad kong tinakpan ang bibig ni Hydra pagkatapos niya sabihin yon.

"Hoy, baka may ibang makarinig sa'yo." pinanlakihan ko pa siya ng mata pero inis na tinanggal niya ang pagkakatakip ng kamay ko sa bibig niya.

"Ano naman? pake ba nila? wala lang silang friend na Illusionist e, oh diba swerte tayo!" masayang wika nito at inumpisahan na yugyugin ang balikat ni Victoria.

"Tigilan mo ako, Hydra pag ayan nalaman ni Chalter." parehas kayang iki-cremate.

"Hindi naman niya malalaman wala naman magsusumbong e!" pakiusap pa nito.

"Tigilan mo na nga yan, Hydra kumain nalang tayo." hinila ko pa yung isa niya kamay para tulungan si Victoria na tanggaling ang pagkakapit ni Hydra sa kanya.

"Ayoko! please! stress reliever lang wag kang madamot!" para pang naiiyak na sabi ni Hydra. napailing nalang ako sa loob-loob ko dahil nababaliw na ang isang to.

"May sardinas pa ako. okey na ba yon na stress reliever?" napahinto siya at mabilis na nilingon ako. sa isang iglap ako naman ang niyuyugyog niya ngayon.

"Oo please, okey na yon!"

"Oo na, kalmahan mo lang!" parang nahilo yata ako sa pagkakayugyog niya.

Agad akong pumayag at bumalik na kami sa dorm nang maalala ko ang sinabi ni Clyde sa akin.

Oo tama siya hindi ako dapat magtiwala sa mga taong nakilala ko pa lang, Oo tama siya na pangalan lang nito ang mga alam ko at wala ng iba bukod doon. hindi ko alam kung anong klaseng pagkatao meron sila. pero kailangan ko pa bang malaman yon? hindi ba't privacy na nila yon?

Paano ako hindi magtitiwala kung ganitong klase ang pinapakita nila sakin. pinaparamdam na dapat ko silang pagkatiwalaan dahil hindi nila ako kayang gawan ng masama. mukha pa naman silang inosente?

Looks can be decieving.

Nanlaki ang mata ko nang may marinig akong boses at kung hindi ako nagkakamali boses ni Clyde yon. totoo ba yon? narinig ko talaga ang boses ni Clyde sa isip ko?

it's telepathy

Rinig ko na naman. napabuntong hininga ako dahil sa lugar na ito wala talaga ang privacy.

Ow i'm sorry

Pagsasalita na naman nito sa isip ko. it's kinda weird? feeling ko baliw ako dahil may naririnig akong boses sa ulo ko.

"Hoy tulaley?" kumaway pa si Hydra sa tapat ng mukha ko.

"Kung anu-ano nalang mga salita natutunan mo sa akin." sinamaan ko pa siya ng tingin kaya natawa siya.

"Hoy, ano Victoria kinuha mo yung kutsara ko noh?" paninisi niti dahil hindi siya makakain dahil wala siyang kutsara.

"Mema ka na naman!"

Napairap nalang ako sa sinabi ni Victoria mukhang marami na akong naituturo sa kanila na hindi maganda.

Kung sakali man na hindi nga genuine na pagkakaibigan ang pinapakita nila? ayoko na sa earth. may narinig na naman akong tawa sa ulo ko na panigurado ay galing kay Clyde.

Hindi naman kaya ako mabaliw sa telepathy na yan?

Continue Reading

You'll Also Like

185K 12.9K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...