Be For You and Me (Friends Se...

Av Har_Gel10

1.9K 77 0

Macie. A full-time student and a daughter. She wanted for the world to change even on the smallest thing. Th... Mer

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Epilogue

Chapter 24

30 2 0
Av Har_Gel10

Hindi ko alam ang sasabihin ko sakanya dahil sa mga sinaad niya. Si Allen? Si Kuya Allen ang sinasabi niya diba. As far as I know kilala niya sa Kuya Allen simula palang nung una. Dahil nandun naman siya nung una kong nakilala si Kuya. 

"Wala ka nang pakialam doon." Umalis na ako dahil wala namang siyang pakialam kung sino ang tatay ng anak ko. Hindi naman niya concern ang tatay ng anak ko. 

Dire-diresto naman ako sa table namin at nakita kong halos malasing na sina Rei. Tuloy-tuloy ba naman ang mga inom nito at akala mo mga nasa college parin kami. 

"Ano na yan? Lasing na agad si Rei at Kit? Ilang baso palang yun ah." Tanong ko sa mga kaklase nang naupo ako. Tulog na kasi ang magkasintahan. 

"Hindi ko rin alam kung ano na ang nangyari diyan sa dalawa na yan. Dati naman hanggang madaling-araw na inuman kayang-kaya niyang dalawa na yan." Sagot naman saakin ni Patrick. Tumawa naman ako dahil sa sagot nito saakin. Kasi totoo naman na nung nasa college palang kami ay kung uminom ang dalawa akala mo huling araw na nila mundo at mauubusan sila ng alak. Himala nga rin na maayos pa ang mga atay nito. 

Mga ilang minuto nang maka-upo ako ay bumalik na din si Theo. 

"Theo, san ka nanggaling? Kanina ka pa tumayo a'" Pansin naman ni Patrick.

Tinuro naman ni Theo ang pintuan bilang sagot at umupo naman muli ito sa upuan niya. 

Tawa lang kami ng tawa ng bigla nalang kasing bumagsak si Patrick mula inuupuan nito dahil sa sobrang pag-tawa nito. 

Madaling araw na nang mag-aya na silang mag-uwian. Napaisip din ako kung paano na akong uuwi ngayon ng sobrang madaling araw na. 

"Girl, susunduin ka ba ng driver niyo ngayon?" Bulong ko kay Chi habang nag-aayos kami ng gamit. 

Umiling naman ito saakin. Kaya naman napaisip ako kung anong gagawin ko na. Lalo na't kakarating lang ng asawa ni Kuya at hindi ko sila pwedeng abalahin. 

"Pat, pauwi ka ngayon sa Kamuning?" Tanong nito kay Patrick kasi ayun lang ang pwedeng mag-hatid saakin. Umiling naman ito saamin. "Kung gsto mo sa bahay ka nalang muna rin. Nandun rin naman na si Poppy para hindi mo na siya sunduin pa mamaya." 

Pumayag na ako at hinintay nalang kung sino ang mag-hahatid saamin. Nagulat ako nang makita kong tumigil ang ibang sasakyan nang binaba nung driver ang bintana nito ay nakita kong nasa loob ay si Theo.

Napatingin ako kaagad kay Chione pero binigyan nalang niya ako ng kibit-balikat. Sumakay nalang kaming dalawa sa likuran dahil ayaw ko namang sumakay sa harapan. Wala naman akong karapatan.

"Theo, thank you talaga ha. Hindi kasi kami mahahatid ni Ethan ngayon. May biglaang lakad kasi ito kasama ang mga pinsan nito." Pasalamat ni Chi. Kaya naman pala hindi kami kay Ethan sumakay ngayon. 

"It's okay. Saan ko kayo ihahatid?" Tanong nito. Pinabayaan ko ng sumagot si Chi. Sianbi naman niya na sa bahay nila kami sa Makati ihahatid.

Mabilis naman niya kamingnahatid sa bahay nina Chione dahil narin sa madaling araw at walang traffic sa daan. Bago pa man ako maka-baba ay narinig ko itong biglang nag-salita.

"Macie, let's have coffee later." Tumango naman ako sakanya bilang pag-payag. Na-realize ko na walang mawawala saakin kung kakausapin ko siya. Mabilis naman akong umalis at sumunod sa pag-pasok sa loob. Nang makapasok na ako sa guest room kung saan natutulog si Poppy ay doon ko nalang naalala na wala nga pala niya akong numero. Hindi ko alam kung paano niya ako makoko-contact. 

Nag-palit naman ako agad ng damit ko, nag-dala rin kasi ng extrang damit dito saakin na pwede kong gamitin. Hindi ko rin kasi inexpect na dito ako kala Chi matutulog. Nang pahiga na ako ay biglang may nagtext saaking unknown number.

From: Unknown Number.

Hi again, Macie! This is Theo. Just want to inform you we can meet at Seattle's Best in SM Makati if you want. 

To: Theodore Cruz.

Okay, we can meet around 11 AM. 

Maaga akong nagising dahil narin nagising ng maaga si Poppy. Nang maka-baba na kami ay wala na ang parents ni Chione and ang naiwan nalang ay kami nila Chi at mga bata.

"Chi, sila tita?" Tanong ko rito nang maka-upo kami sa dining table.

"They are playing golf with other directors." Sagot naman nito saakin habang binibigyan ng breakfast si Zoe. Ako naman ang nag-sandok na rin ng pagkain si Poppy. Nang matapos ko asikasuhin ang bata ay ang pagkain ko naman ang inasikaso ko. 

"Chi, iwan ko muna dito si Poppy. I'll just meet Theo later." Paalam ko sakanya. Pumayag naman ito dahil wala rin itong gagawin. Si Ethan rin kasi ay kasama ang mga pinsan nito kaya hindi iyon pupunta kala Chione. 

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at hinintay ko namang matapos ni Poppy ang pagkain nito. Nang matapos na ang bata ay agad ko naman itong pinapaligo dahil narin para ayos na ito habang si Chi ang nag-babantay dito. Nang matapos ko ng maasikaso si Poppy ay ang sarili ko naman ang inayos ko. Buti nalang at halos magka-size kami ni Chi kaya pwede kong hiramin ang iba niyang damit. Sinuot ko na lamang ang distressed jeans and a black plain shirt. 

Pinahatid na ako ni Chione sa driver para narin mabilis akong makarating sa SM Makati at hindi ko pa kailanganin na mag-tawag ng taxi. Siguro mga 30 minutes mula sa bahay nina Chi ay nakarating na ako sa SM Makati. Umalis narin agad ang driver pabalik ng bahay. 

Nang makarating na ako sa Seattle's Best ay agad kong namataan si Theo kaya naman ay agad akong umorder ng drink ko. Hindi na muna ako pumunta doon sa inuupuan ni Theo dahil hinintay ko munang makuha yung drink ko para narin hindi na ako mamayang tumayo pa. 

"Good morning." Naka-ngiting bati nito saakin kaya naman ay agad ko itong binati pabalik.

"Magandang araw." 

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman koo ngayon. Lalo na't may hindi ako sinasabi sakanya na pwede maka-bago ng buong buhay niya. 

"Ano ba yung gusto mong sabihin?" Tanong ko agad rito dahil ayaw ko narin mag-tagal pa dito

Hindi agad sumagot saakin si Theo, mukhang pinag-iisipan pa niyang mabuti kung ano ang gusto niyang sabihin. Pero hindi ko iyon makuha, para kasi saakin dapat alam na niya agad kung anong gusto niyang sabihin dahil siya naman ang dahilan kung bakit kami nag-kita ngayon. 

"How are you? These past years." Bigla nitong tanong saakin. Napa-tunganga ako sa tinanong niya dahil hindi ko naman alam na iyon ang itatanong niya saakin. 

"Okay lang." Maikli kong sagot rito. 

"Then, ano na ang trabaho mo?" Pilit pa nito saakin.

Masama na ang ibinibigay na tingin ko sakanya dahil pakiramdam ko ay masyado na siyang namamakialam. 

"Anthropologist. What about you?" Balik ko naman na tanong sakanya. Mas gusto ko narin na malaman kung ano ang nangyari sakanya nung mga nakaraang taon. 

"Sa family business na namin. My parents will let me manage it after I turned 28." Naka-ngiti balita saakin kaya naman ay mabilis ko rin naman itong sinuklian ng ngiti. 

Hindi ko rin maintidihan ang sarili ko kung bakit parang ang gaan na ulit ng sarili ko sakanya. Pero alam ko sa sarili ko na ayaw ko pang-kalimutan kung anong nangyari dati. 

"Rei mentioned you already have a daughter. How old is she?" Curious nitong tanong.

Nag-bukas sara ang bibig ko dahil hindi ko alam kung magsisinungaling ba ako o mag-sasabi ako ng totoo. Kapag kasi sinabi ko kung ano ang totoong taon ni Poppy ay maari niyang maalala na siya ang ama ni Poppy. 

"Poppy is already..." Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay biglang nag-ring ang phone ko. "Wait lang ha. I'll just answer this call." Tumango naman ito kaya agad akong lumabas para sagutin ang tawag. 

"Chi?" Maingay ang palagi ang naririnig ko mula sa kabilang telepono. "Chi, bat ang ingay?" 

"[Macie. Macie. Si Poppy!]" Nang marinig ko ang pangalan ng anak ko ay parang tumigil ang buong mundo ko. 

"Chi, please calm down and tell me what the fuck is happening!" Hindi ko napigilang tumaas ang boses ko. 

"[Mace, si Poppy we're here in the hospital.]" Parang nabingi ako bigla sa narinig ko. 

"Chione, I want you to stay the fucking calm and I am going there right now. Okay?" Agad ko naman binagsak ang tawag nito at agad akong bumalik sa loob ng coffee shop.

"Theo, I am really sorry but I really need to go right now." Hindi ko na hinintay ang sagot nito ay agad na akong lumabas nang makuha ko ang bag ko. Pero bago pa man ako makalabas ng pintuan ay may naramdaman akong humawak sa braso ko at hinila ako sa papuntang parking.

"I'll drive you." 


Fortsett å les

You'll Also Like

Riptide Av V

Ungdomsfiksjon

317K 8.1K 115
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #2- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...
1.3K 144 5
COMPLETED | SHORT STORY A cute meet happened in Jeepney Genre: Romance Language: Taglish Created: November 17, 2021 Started: December 1, 2021 Ended:...
2.4K 116 18
Photo Of You [Re-Publish] Description Under-editing..
92.3K 3.3K 35
Shin Hara, a smart, poor 22 y/o girl who's looking for a job and she did but her life got miserable when her boss is a jerk.. Nam Woohyun, a rich spo...