Love In Disguise (COMPLETED)

Luvexx द्वारा

14.7K 1.1K 3.5K

ENDLESS SERIES # 2 Si Kaizer ay isang playboy. Kung sino-sino ang kaniyang dine-date ngunit ni isa sa mga iyo... अधिक

LOVE IN DISGUISE
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
Author's Note
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGUE
LID'S Announcement

CHAPTER 37

181 12 5
Luvexx द्वारा

Rin's POV

Sa araw-araw na lumipas walang ibang laman ang isip ko kundi ang senaryong nasaksihan ko sa pagitan ni Kai at Yoona. Paulit-ulit iyong nagdudulot ng kirot sa aking puso.

Hindi ko na rin mapigilang mainis sa sarili dahil ito naman ang gusto ko, ang tuluyan akong kalimutan ni Kai, ang itigil na ang kung ano mang namamagitan sa amin. Pero ang hirap pala.

Ang hirap niyang kalimutan. Ang hirap balewalain ng lahat. Lalo na sa tuwing nakikita kong magkasama sila ni Yoona. Ang hirap umarteng ayos lang ako na hindi ako nakakaramdam ng selos na ako dapat ang kasama niya na ako dapat ang nginingitian niya.

Mas lalo akong dinudurog ng katotohanang agad siyang nakahanap ng babaeng kapalit ko. Hindi ko rin lubos maisip na sa lahat ng babae bakit si Yoona pa.

Ang gulo ng sitwasyon, na kahit sarili ko hindi ko maintindihan. Maging ang kung anong dapat kong maramdaman.

Ganito ba talaga magmahal? Napaka-komplikado.

"Hindi ka ba muna magpapahinga, Byung-nim?" Paglapit sa akin ni Min Jun mula sa kabilang grupo ng mga baguhang ranggong nagsasanay.

"Hindi, hindi pa naman ako napapagod." Paliwanag ko bago sinuyod ng tingin ang mga ranggong abala sa kani-kanilang ginagawa.

Kahit malayo ako sa kanila ng ilang dipa ay tanaw ko ang bawat kilos na kanilang pinapakawalan.

"Mali ang paghawak mo sa espada!" Buong boses kong asik bago lumapit sa lalaking ranggo.

"Ireum?" Name? Tanong ko.

Umayos ito ng tindig. "Park Ji Su-imnida, Choisonwi," Park Ji Su is my name, highest rank.

Tumaas lamang ang dalawa kong kilay bago kinuha ang kanan niyang kamay. "Hindi sa gitna ang hawak ng espada, mawawalan ka ng suporta," panimula ko.

"Dito ka humawak," nilagay ko ang kanang kamay niya sa itaas na parte ng hawakan ng espada. "Dito naman ang isa," pagtukoy ko sa lower grip nito, malapit sa pommel ng sandata.

Masusi naman niya iyong sinunod. "Algettjo?" Did you get it? Tanong ko pa.

Yumuko ito. "Ye,"

Tumango ako bago nilagay ang parehong kamay sa likod. Agad nagtama ang paningin namin ni Min Jun. Pabuntong hininga akong lumapit sa kaniya.

Muntik ko nang makalimutan ang kaniyang presensiya.

Bigla ay nag-iwas ng tingin si Min Jun saka pinagkrus ang kaniyang braso. Sabay naming pimasdan ang bawat ranggong masigasig na nagsasanay.

Puno ng sakripisyo para sa Norte.

Iyong iniwan nila ang kanilang pamilya para ibigay ang buhay para sa proteksyon ng Hari, ng palasyo at ng mga maharlika.

Maharlikang ni hindi manlang makita ang kanilang halaga. Mga maharlikang napakababa ang tingin sa iba.

Sa maka-ilang beses ay nagpakawala ako ng malalim na hininga saka tumingala para bigyang tingin ang kahel na sinag ng araw.

Hapon na.

"Uuwi ka ba ngayon?" Tanong ni Min Jun matapos ang pagsasanay.

"Oo, bakit?" Kunot-noo kong tanong.

"Akala ko kasi sa dormitoryo ka matutulog." Dagdag niya pa.

Patuloy kami sa paglalakad. "Hindi muna siguro."

"Are you worried with them?" Tanong ni Min Jun kaya napalingon ako sa kaniya.

"Yes, they're my responsibility." Pabuntong hininga kong usal.

"Arraseo." Okay. Para bang nagsasawa niyang sambit bago nagbaba ng tingin sa akin. "Pero ako ang nag-aalala sa 'yo, Woo Rin."

Pilit akong ngumiti, "Wala kang dapat ipag-alala, Chun Min Jun,"

"I never winned against you." Nakangiwi pa niyang asik.

Natatawa ko lang siyang inilingan.

"Can't you stay here for a while?" Tukoy niya sa aming dormitoryo.

"I've told you, I can't." Paliwanag ko.

Kumunot agad ang noo nito. "But you're tired, Rin. Magpahinga ka naman."

"I will, makapagpapahinga lang ako kapag nasa bahay na ako." Muli ay paliwanag ko.

"You know what I hate about you most?" Putol niya bigla. Napatingin naman ako kay Min Jun. "Is that whenever you tell lies at me."

Natahimik ako.

Huminga ito ng malalim. "You never been okay these past few days, Rin. Don't deny it."

I let out a deep sighed.

"Don't mind me, Min Jun." Tila pagod na pagod kong wika.

Bigla ay napatigil siya sa paglalakad. Hindi makapagsalita niya akong tiningnan. "I can't believe you! Sa tingin mo kaya ko 'yon? Kaya kong baliwalain ang kalagayan mo? Ang nararamdaman mo?" Putol niyang asik.

Puno ng iba't ibang emosyon ang kaniyang mga mata. Inis, lungot, at pag-aalala ang nababasa ko mula dito.

"Kung kaya ka niyang saktan, ako hindi." Usal niya. Batid ko agad kung sino ang tinutukoy.

Nagbaba ako ng tingin. "Stop competing with him. Iba ka, iba siya."

"What are you trying to say then?" Pilit niyang pinahihinahon ang boses.

"Are we gonna argue now?" Nauubusan ng lakas kong tanong.

Sa sandaling ito, ayaw ko munang magpaliwanag at higit sa lahat, makipagtalo.

"If it's the only way to enlighten your mind then why not!" Seryosong sambit pa niya. Para bang kahit anong oras ay sasabog na.

"Min Jun, enough, will you?" Tulad niya ay seryoso rin ako.

"Are you trying to depend him now?" Hindi makapaniwala niyang asik. Paulit-ulit ang paggalaw ng kaniyang panga.

"No, I'm not."

"Yes, you are." Kunot noo at may diin niyang wika. Pairap siyang nag-iwas ng tingin bago tumalikod.

"We knew each other ever since we're young. You're the only person I have.." aniya. "You're so special to me and in order to prove that, I never let you feel the heartache. I never let you feel alone."

"But I think he's making you feel that way right now." Kahit nakatalikod siya ay tanaw ko ang pagtangis ng kaniyang panga. "Isa rin akong ranggo, jukul su isseo." Isa rin akong ranggo, I can kill him.

Tapos niya bago tuluyang humakbang palayo. Bigla ay naubusan ako ng sasabihin. Ang tangi ko nalang nagawa ay ang pagmasdan si Min Jun hanggang sa tuluyan na itong maglaho.

Pakiramdam ko lalong bumigat ang kalooban ko. Napapapikit akong nagpakawala ng malalim na hininga na para bang maalis niyon ang bigat sa aking pakiramdam.

Wala sa sarili akong nagpatuloy sa paglalakad papunta sa pinakamalapit na nayon dito sa palasyo. Malamang na walang iba kundi ang aming lugar.

Sariwa pa man ang naging komprontasyon namim ni Min Jun ay tila ba may dadagdag na naman.

Hindi ito ang unang beses na nakita ko silang magkasama, nagtatawanan at nagkukwentuhan pero ang dulot nito sa sistema ko ay iisa lamang.

Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam pero alam ko ang ibig sabihin.

Nagmahal lang naman ako pero bakit parang mali? Bakit patuloy pa rin akong nasasaktan?

Kagat labi kong pinagmasdan si Yoona habang isa-isang tinuturo ang mga naggagandahang bulaklak kay Kai.

Nasa hardin sila. Madadaanan pauwi sa aking hanok.

Halos manigas ang katawan ko nang mahagip ako ng mata ni Kai pero ganon nalang din niya ito inalis na para bang wala siyang nakita. Na wala ang presensya ko. Na hindi kailan man ako naging mahalaga.

Muli ay tutok kay Yoona ang paningin niya.

Kahit pa ganoon ang nakita ko, walang emosyon pa rin akong nagpatuloy sa paglalakad.

Gaya na rin ng inaasahan ko, nang malampasan ko sila ay tinawag ako ni Yoona. "Byungnim!" Anito.

Pilit ang ngiti ko siyang hinarap. May pagkailang, saka ako pasimple yumuko. "Ikaw pala," usal ko.

"Kamusta ang araw mo? Mukhang pagod ka, ah!" Tila ba pala-kaibigang aniya pa.

Gusto kong ngumiwi. Mas lalo akong napapagod kapag nakikita kita.

Peke akong ngumiti. "Sakto lang naman." Aniko bago sila tinapunan ng tingin.

Nang magtama ang paningin namin ni Kai ay tila ako binuhusan ng malamig na tubig. Parang yelo sa lamig ang kaniyang mga mata.

Walang ibang mababasa dito kundi ang pagiging hindi interesado.

Tumapat muli kay Yoona ang paningin ko. "Mauuna na ako, may gagawin pa ako." Paalam ko bago tuluyang tumalikod.

Nagmamadali at walang lingon ko silang tinalikuran.

Imbes na umuwi ay pumihit ako pakaliwa para magpahangin sa pinakamataas na bangin dito sa nayon. Presko sa lugar na ito, kung saan tanaw ang ilan sa mga kabahayan at mga naglalakihang puno. Maging ang bughaw na langit ay nakagagaan sa pakiramdam.

May parte sa aking nagsisi dahil kung hindi ko sana tinanggihan ang suhestiyon ni Min Jun, hindi ko sana sila makikitang magkasama ngayon. Pero kahit pa, wala na rin namang mababago pa marahil narito man ako o wala, batid ko pa rin ang katotohanang lagi silang magkasama.

Sa huli ay winaksi ko ang bawat bagay na tumatakbo sa aking isipan. Gusto ko munang mapahinga.

Subalit sadya nga yatang mapang-asar ang araw na ito. Napalingon ako sa likuran at si Ianah ang sumalubong sa aking paningin.

Napapangiwi kong binalik ang tingin sa harapan ngunit nasa kaniya ang aking pakiramdam. Patuloy siyang naglakad palapit sa akin. Tumigil siya sa may bandang tagiliran ko.

Napakunot na lamang ako ng noo nang umupo rin siya sa malambot na damo para lapitan ako.

"What's wrong with you and Kaizer?" Pagkadaka'y pairap niyang binasag ang katahimikan.

"Is it important to you, Ana?" Pasinghal ko ring tanong.

"Excuse me! I'm Ianah not Ana!" Pagtatama niya na para bang nakakamatay ang sinabi ko.

Ngumiwi ako. "Whatever."

Naiiling nalang siyang tumingin sa taas bago sandaling umirap. Binalik niya ang paningin sa akin.

Dinig ko rin ang kaniyang pagbuntong hininga. "I was trying to talk to you nung mga nakaraang araw pero busy-busyhan ka!" Anito.

Hindi makapaniwala ko siyang nilingon. "Are you kidding me? Kilala mo ba kung sino ang kausap mo? Ranks are indeed busy people."

"I don't care!" Aniya pa.

Pakiramdam ko puputok ang litid ko sa batok. Bakit ba hindi ako lubayan ng mga siraulong tao.

"Pwede ba umalis ka nalang, hindi kita gustong kausap." Seryoso kong asik.

"Pero ako gusto kitang kausapin!" Wika ni Ianah kaya naman nilingon ko siyang muli.

"What happened to the both of you? Why was that palace girl was with Kaizer everytime? Anong eksena 'yon?" Dire-diretso niyang tanong na may bahid ng inis at pagkalito. "Saka, what's with Kaizer's mood these past days? Hindi malaman kung menopausal ba siya o ano!"

Nagbuntong hininga ako. "Bakit sa akin mo 'yan tinatanong?"

Napasinghap siya, "Because you're his girl."

Natigilan ako bago naiiling na ngumiti. "Not anymore, oh, I mean, never been. I never been his girl." Paliwanag ko.

Nakakaloka siyang tumawa. "Now you're denying everything? That's bullshit!"

"Ano ba talagang problema mo? Kung ano mang nangyayari, you're out of it!"

Mataray akong hinarap ni Ianah.

"I know hindi tayo close, we're even not friends, pero I'm concern for the both of you and at the same time confused of what's happening! After Kaizer rejected me again for so many times. When I saw you together, he bend down his knees to beg me not to tell my friends about your identity-"

"What do you mean?" Putol ko sa kaniya.

"Kaizer beg me to keep your secret. Paulit-ulit niyang pinaliwanag sa akin kung gaano ka niya kamahal, at lahat ng 'yon sinabi niya sa akin ng nakaluhod at umiiyak! That was the first time I saw him sincere. I know his feeling was genuine which is hindi common sa kaniya. Kaya naman ngayon nagtataka ako kung bakit iba ang kasama niya. What happened?"

I am out of words.

"Hindi ko rin alam kung ano bang nangyari..." Wala sa sarili kong usal.

"'Yong kasama niya bang babae ang dahilan ng tampuhan niyo?" Tanong niya pa.

Hindi ako nakasagot.

Muling suminghal si Ianah. "Importante sa akin si Kaizer at doon ako kung saan siya masaya, and I know you're his happiness. Pero bakit ba kasi 'yung maarteng babae na 'yon ang kasama niya?" Puno ng iritasyong dagdag pa ni Ianah kahit pa arehas lang naman sila ni Yoona, maarte.

Hindi ako kumibo, sa halip ay nagpakawala ako ng malakas na hininga.

Pairap akong nilingon ni Ianah. "So, anong plano mo?" Kunot noo niyang tanong.

Bago palang kami nagkausap ng not totally matino pero pansin ko na agad na madaldal siya.

"I don't know." Usal ko.

"What kind of answer is that? Do you really love him? Bakit di mo siya kaya i-depend like harapin mo 'yong palace girl na 'yon at sabihin mo 'hey bitch he's mine, my man' ganon! Wag siyang umepal!" Eksaherasang asik ni Ianah na halos bigyan pa ng aksyon ang sinasabi.

Umiling ako bago nagbaba ng tingin. "It never been easy depending someone I love with this." Aniko bago ko kusang pinasadahan ng tingin ang sarili. "I can't be a girl, Ana. Una palang mali na 'yong sa amin ni Kai kaso nahulog ako e. Marupok ako." Paliwanag ko.

Pagak akong ngumiti. "It's all right now. Ayos lang na si Yoona ang kasama niya. With that I can move forward and keep being busy with things I use to do."

Umiling si Ianah.

"You're just hurting yourself. Wag ka ngang tanga!" Bulyaw sa akin ni Ianah.

"You will never understand me Ianah." Tila pagod na pagod kong paliwanag bago muli siyang nilingon. "You like Kai, right? Then be the one to pursue him."

Agad itong umiling. "That was before but when that night I saw him with a honest eyes telling me how much he loves you, I've ended up into realization of finally giving up. I gave up my desperate cost. I quit loving him and it's either not easy."

Pakiramdam ko may gusto pa siyang sabihin kaya hindi ako nagsalita. For the first time, I'm willing to listen to her, to Ianah. Kasi kahit na ang taray o mapaminsala ang mukha niya. I can see her pain and loneliness.

"College palang gusto ko na si Kaizer." Hindi maipaliwanag ang emosyong mababasa sa kaniyang mukha. "But he's a playboy. Mahilig siyang magpapasok pero hindi naman bibigay. Wala siyang sineryosong relasyon kahit pa gaano kaganda ang babae. Paasa siya, pero kahit ano pa siya, I still like him and I'm willing to do everything para lang marealize niya ang existence ko. Nakakatawa pero kahit ganyan siya, kapag ugali na ang pinag-usapan he's an ideal! Maalaga siya then mapagmahal. Nasobrahan sa pagmamahal to be exact dahil halos lahat ng babae sa university namin e naka-date niya."

"Pero kahit na maghubad pa ako sa harapan niya, he still don't like me. He never likes me. He lets me touch him, hug him, kiss him but he never allowed his heart to beat for me even just a single pump."

Mapait siyang ngumiti.

"At dahil nga trying hard ako, I didn't give up. Buntot lang ako ng buntot sa kaniya, it's fine with him though. Halos ibinigay ko na ang sarili ko sa kaniya pero dahil nga siya si Kaizer, he's rejecting me. Always. Dumating na rin sa moment na I want to ask my colleagues na nakatuluyan ang crush nila to reveal their gayuma like ano ba ang brand ng gayuma nila o kaya kahit prayer reveal man lang pero wala talaga e.."

"He's not into me." Mahinang bulong ni Ianah.

Wala akong masabi. Literal akong napatitig sa kaniya. Kaya pala ganoon nalang siya kumilos pagdating kay Kai.

Every actions indeed has a deep reasons.

Pagkuwan ay tunawa si Ianah. "Gosh! Bakit ba ako nagkukwento sa 'yo! We're not even close!" Aniya bago hinawi ang buhok at tumayo.

"We're close enough." Pamimilosopo ko bago nilingon ang pagitan namin.

Naiiling lang niya akong sininghalan bago umirap. Pinagkrus niya ang mga baso.

Natatawa akong umiling bago tumayo para harapin siya. "We can be uh, yeah, friends. Just be good." Usal ko bago ko siya tinalikuran.

"I'll help you be back to your country and live your normal life." Dagdag ko pa bago magsimulang maglakad pauwi sa aking hanok.

"Seriously?" Hindi ko malaman kung natutuwa ba o naiinis ang tono niya.

"I'm always serious." Aniko bago dire-diretsong naglakad.

"Try to think, umayos kayo ni Kaizer! Wag mo hayaang maagaw siya ni palace girl. Hindi talaga maganda ang kutob ko sa babaeng 'yon! Rin! Wait!" Halos matisod niyang habol sa amin.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ay heto siya at paulit-ulit na pinapaliwanag ang tungkol sa amin ni Kai kung gaano siya nanghihinayang sa aming dalawa. Usap siya ng usap habang nakasunod sa akin.

Samantalang ako naman ay kulang nalang takpan ang dalawa kong tainga at pinag-iisipan kung ang bibig nalang ba niya ang aking takpan.

Hindi siya napapangal at sa bawat sinasabi niya hindi mawawala ang katarayan ni Ianah.

Sabay napatigil ang paa namin ni Ianah ng sa dakong pauwi ay nakasalubong namin si Kai kasama si Yoona.

Bakit ba ang liit ng Norte para sa aming dalawa?

Pakiramdam ko ito ang unang beses na tiningnan ako ni Kai. Nagsalitan ang tingin niya sa amin ni Ianah ngunit hindi rin naman ito nagtagal.

"Saan kayo galing?" May ngiti sa labing tanong ni Yoona.

"Nagpahangin!" Si Ianah ang sumagot. "Then nagpaplano na ring magtahi ng manika para sa mga taong intrimitida!" May diing asik ni Ianah kaya naman napalingon ako sa kaniya kahit hindi malinaw sa akin ang ibig niyang sabihin.

Tinaasan lang niya ako ng kilay bago muling hinarap si Yoona. "E kayo ba? Saan kayo galing?" Balik na tanong ni Ianah.

"Sinamahan ako ni Kai mamitas ng bulaklak para gawing dekorasyon sa pagdiriwang bukas sa palasyo." Paliwanag ni Yoona bago nagbaba ng tingin sa bakol ng bulaklak niyang bitbit. Banayad niya pa itong inugoy-ugoy.

"SML." Nakangiting sagot ni Ianah.

Nilingon ko siya ng may nagtatanong na tingin.

"Ne?" Pardon? May kuryusidad na tanong ni Yoona.

"Neknek mo!" Bulong ni Ianah.

May pagtatanong sa mukha ni Yoona kaya naman ngumiti muli si Ianah. "Ah wala, sige mauna na kami." Patagong umikot ang mata ni Ianah.

Hahakbang na sana siya paalis pero pinigil siya ni Yoona.

"Teka ano ang ibig sabihin ng iyong sinabi? S? Ano?" Tanong ni Yoona, hindi matuloy bigkasin ang bagay na sinabi ni Ianah.

"'Yong sml ba? Ibig sabihin no'n nakaka-amaze ka! Ang galing-galing mo! Kaya sml!" Paliwanag nito. Hinila ni Ianah ang kamay ko saka ito tuluyang humakbang palayo.

"Gomawo keoreom!" Thank you then! Pahabol ni Yoona.

Habang naglalakad ay kita kong tumaas ang sulok ng labi ni Ianah.

"Goyowo! Goyowo! Gago!" Inis niyang bulong bago kunot noong lumingon sa akin.

--

Luvexx


पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

6.6K 211 68
COLLEGE BOYS SERIES #2 Andrei Luke Vargas is a college young man who is cold and don't do any facial expression even if he's happy, angry or not. You...
6K 780 85
Must Have Been The Wind (3rd Generation Series #1: Jeremiah Laze) Description: "Laze handa ka na ba?" Natigilan ang isang bata sa kaniyang paglalaro...
3.4K 153 19
Deal Series #3 NO PORTRAYER INTENDED. Arabella Jade Tolentino is a simple girl who only attends a good school but, does not expect her brother to o...
17.4K 692 24
Deal Series #2 NO PORTRAYER INTENDED. Mary Grace Mercado is an energetic and strategic woman who does everything for her aunt and brother in almos...