Book Of Magic 3: CLAES (ON-GO...

By AliceInRedribbon

11K 1K 449

[ SLOW-UPDATE ] "Let the Light cross your path again, Chosen..." The Secret World Of Magic Continues ... STAR... More

Book of Magic 3: CLAES (ON-GOING)
THE CHOSEN
CELESTIAL MAGIC ACADEMY
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
GREETINGS..... From ME d^_^b
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
Chapter 162
Chapter 163
Chapter 164
Chapter 165.1: Sakura Hinomiya (PART 1)
Chapter 165.2: Sakura Hinomiya (PART 2)
Chapter 165.3: Sakura Hinomiya (PART 3)
Chapter 165.4: Sakura Hinomiya (LAST PART)
ANNOUNCEMENT
THIS IS NOT STILL AN UPDATE
Chapter 166: MINERVA ATHENA GARCIA
Chapter 167 (NEW UPDATE)
Chapter 168 (SPOILER) (2024 UPDATE)
PROMOTION

Chapter 145

233 19 15
By AliceInRedribbon

































Chapter 145:















































•••
•••










































<• THIRD PERSON POV •>





Sa sobrang higpit ng pagkakahawak ni Catarina Claes sa kanyang espada ay namumula na ang kanyang palad. Dahil sa galit na nararamdaman nya, nakikita na ang Ilang ugat sa kanyang noo. Nananatiling walang emotion ang expression ng kanyang mukha. Pero sa kaloob-looban nya ay galit na galit sya.

At ramdam na ramdam ni Akame Shi ang kanyang galit.

Nagpalabas ng sampung daggers si Catarina Claes, Itinira nya ito papunta sa direction ni Akame Shi.

Kaso nailagan ito lahat ni Akame Shi. Ngumisi sya at nagpalipad ng Isang bala gamit ang kanyang 'AK8'.

'You're dead...'

AK8 ang pinangalan niya sa kanyang Baril na hindi masyadong maliit, at hindi din masyadong malaki. Isa itong klase ng baril na hindi ordinaryo ang laman, means ang 'Bala'. Kapag nagpalabas sya ng Isang Bala, magiging Sampu ito. Gumagawa ng Illusion. Titingnan mo na parang sampu talaga ang mga Bala, pero Iisa lang talaga ang totoo doon.

Pero hindi lamang yan ang kaya nitong gawin...

At kapag tumama na ito mismo sa sariling katawan, ang Metal na Itshura ng bala, ay magiging Crystal at mag foform na Isang 'Cube of Ice'. Kakalat ito sa buong katawan.

Sa ngayon, kaya nitong tumira ng 100 Kilometers ang layo. May X-ray-Vision ito. Pang Long-Range method.

Kumunot ang noo ni Catarina Claes ng makita ang papasalubong na maliit na bagay.

'Sampu? Isang putok lang naman ang nakita kong ginawa nya?' tanong nya sa kanyang Isipan.

Gumawa kaagad sya ng Barrier. Ang kanyang Light Barrier na puma-ikot sa kanya. Na may 3 meters diameter ang laki nito from the Center. Equivalent to 6 Meters from One-side to another side. In short, masyadong malaki ang 'Circle Barrier' na tinawag ni Catarina na 'Light Barrier'. Dahil yun ang nabasa nya sa libro.

'Illusion?' tanong nanaman nya sa kanyang Isipan.

Pinanood nya ang pagbagsak sa lupa ng Siyam na Bala na pinalabas ni Akame Shi sa kanyang Baril. At dahan-dahan itong nawala na parang hangin. Ibigsabihin hindi ito pumasok dahil sa tigas ng kanyang barrier.

Pero...

'Siyam?'

Nanlaki ang mga mata ni Catarina Claes ng may Isang balang tumagos sa kanyang barrier. Dumiretsyo ito papunta sa kanya.

'... Catarina Claes.' dagdag ni Akame Shi. 'Hn. Annoying barrier.'

'Tss! Tumagos sya sa Magic Barrier ko. So walang saysay ang espada ko kapag ginawa ko itong pangharang. Kaya...' Sumilay sa labi ni Catarina Claes ang maliit na ngisi. 'Invisible Light Barrier.'

Tuluyang tumama ang Bala ni Akame Shi kay Catarina Claes. Sa bandang dibdib pa mismo ito tumama.

Pero ang akala nya na tumama talaga ito sa dibdib ni Catarina Claes, ay nagkakamali si Akame Shi.

"What?" wika nya na may halong gulat sa expression sa mukha.

Bumagsak sa lupa ang bala ni Akame Shi. Pero hindi ito nawala sa hangin kagaya nang nangyare nung Siyam.

'Ibigsabihin, Isang bala lang talaga ang pinakawalan niya. Gumawa ito ng Illusion. Naging Sampu ito. Pero sa sampung yun, Isa lang ang totoo. Yung siyam na Illusion lang ay naiwan sa labas ng Barrier ko, samantalang ang Isa ay pumasok.' wika ni Catarina Claes sa kanyang Isipan. Sabay pulot nya sa bala ni Akame Shi. 'Weird. Pero tumagos sya sa barrier ko. Hindi lang pala to Isang ordinaryong Bala lang. Tss.'

"H-how?" gulat na gulat padin ang expression sa mukha ni Akame Shi. 'I didn't even see her move.'













Sa paligid kung saan nanonood lang sa kanila ang Iba ay parehong nagtataka sa nakita. Lalong-lalo na ang mga kasamahan ni Akame Shi from Sorceres Academy.

"W—what did... She just... Do?" laglag pangang tanong ni Sakura Hinomiya.

"Impossible. No one can stop Captain's bullet." hindi makapaniwalang wika ni Marisa Magenta.

"Seems like we underestimated her." may halong ngisi sa labing wika ni Drac Stein.

'So She had another ability huh.' sa Isip ni Hunk Marvell na hindi mapigilan ng sarili na humanga. 'She copy my Mind Telepathy—No. More like she already possess that Ability. And Now, she manage to stop Akame's Bullet. But...'




















Sa kabilang banda. Medyo malayo parte sa lugar kung nasaan ang Iba.

Nandoon parin sina Scarlet Forlorness, Zero Haizaki, Sophia Smith Ascart, Elaine Lunar Dawnlight and Karina Campbell.

Ginagaling padin ni Elaine Lunar Dawnlight si Sekaro Molave. Ganun din si Zero Haizaki kay Arsene Keith Claes.

Kaso dahan-dahan ng napapagod si Zero Haizaki.

"I'm out of Mana." wika nya. Namamawis nadin sya dahil malapit na syang maubos ng Mana sa kanyang katawan.

"Zero please..." pagmamakaawa ni Scarlet Forlorness.

'This is the first time...' sa Isip ni Zero Haizaki ng makita ang expression sa mukha ni Scarlet Forlorness. 'I hate seeing her like this.'

"It's okay. He already at his limit. Let him rest Scarlet Forlorness." Masakit man para kay Sophia na sabihin ang salitang yan ay wala na syang nagawa kundi ang sabihin nalang.

Nag-aalala din sya sa kalagayan ni Zero Haizaki. Nagpapasalamat sya sa effort nito. Pero talagang hanggang doon nalang talaga si Zero Haizaki, dahil hindi sya Healing Expert. Nagkataon lang na Water Alchemist sya at kayang magpahilom ng sugat ang kanyang Water Ability.

'Hinihilom lang nito ang sugat ni Keith. Pero... Hindi lahat nahihilom. Kanina ko pa napapansin na yung mga mababaw na sugat lang ang naghihilom. Yung malalim ay hindi. Ano ba kasing nangyare sa Keith nato? Hindi ko enexpect na magkaganito to.' sa Isip ni Sophia Smith Ascart.

"I guess I don't have a choice." lumapit sya kay Keith Claes. Hinawakan nya ang pisngi nitong maraming galos. "I'm sorry for my selflessness Zero." may halong lungkot na wika ni Scarlet kay Zero Haizaki. Pero nakay Keith padin ang paningin.

"It's okay Scarlet." tumayo na si Zero Haizaki at tinalikuran na sila. Naghanap sya ng lugar na masasandalan para pagpahingahan.

'Someone's already changed her huh.' sa Isip nya.

Hindi maitago ang lungkot sa kanyang mga mata.. 





























"Invisible Barrier." sagot ni Catarina Claes sa tanong ni Akame Shi. "Prinotectahan ko ang sarili ko." dagdag ni Catarina.

Hindi man nakikita ni Akame Shi ang tinutukoy ni Catarina Claes na 'Invisible Barrier'. Alam nya kaagad ang Ibigsabihin nito. Dahil nabasa nya na ito sa Libro.

Pero naguguluhan din sya...

Maraming alam si Akame Shi pagdating sa 'Magic'. Nahilig sya nito nung Bata pa lamang sya. Marami na syang alam sa Ibat-Ibang klase ng 'Mahika' sa buong Magic Realm. Halos nabasa nya na lahat na klase ng libro tungkol sa Magic. At natatandaan nya ito lahat. Marami man syang alam pagdating sa Mahika, hindi naman lahat nagagawa nya.

Dahil hindi lahat ng mga 'Magic Spell' ay na Ca-cast. Hindi lahat ng Mahika ay nagagaya. Ang mga MAGES lamang ang nakakagawa nito, pero yung mga 'Napili' lamang.

Si Akame Shi ay hindi nya ito kayang gayahin lahat. Marami lang syang alam.

Nabasa nga ni Akame Shi LAHAT ng mga Libro tungkol sa Mahika...

Pero...

... Maliban sa Isa.

Araw-araw nya itong hinahanap...

... Kaso... Hindi nga mahanap-hanap.

Nahihirapan syang hanapin ito.

May Secreto si Akame Shi na si Henrald Springfield and Hunk Marvell lang ang nakakaalam.

"Even an Invisible Barrier cannot Stop my AK8 Bullet." Salubong ang kilay na wika ni Akame Shi. "I don't know what kind of Invisible Barrier you used, but..." Sumilay nanaman ang ngisi sa kanyang labi.

Hawak-hawak padin ni Catarina Claes ang bala ni Akame Shi.

"... My bullet isn't just a bullet." dagdag nya.

May naramdaman si Catarina Claes na malamig sa kanyang kamay. Nang tiningnan nya ito at nanlaki kaagad ang kanyang mga mata sa gulat. Sinubukan nyang Igalaw ang kanyang kamay, ngunit hindi ito gumagalaw dahil sa lamig at namamanhid ito.

Papaakyat ang kulay Blue na matigas na bagay papunta sa gilid ng leeg ni Catarina Claes. Kumikinang sya sa sobrang ganda. Asul na asul. Pero manginginig ka naman sa sobrang lamig.

Hanggang sa...














'... Akame's bullet isn't just an ordinary bullet...' sa Isip ni Hunk Marvell. Namamangha sa kanyang nakikita sa harapan.





















Hanggang sa...

Mabilis na kumalat sa buong katawan ni Catarina Claes ang Asul na malamig na bagay nayun.

'Ice?' tanong nya sa kanyang sarili. 'Sa pagkakatanda ko ay si Vincent lang ang kilala kong kayang gumawa ng Ice.'

Ang Bullet ni Akame Shi ay nakakagawa ng Illusion kapag Ini-released ito mula sa kanyang baril. At kapag tumama na ito sa mismong katawan. Hindi dugo ang lalabas sa katawan ng kung sino man tumama ang bala.

Dahil ang bullet nya ay hindi lang isang ordinaryong bullet o hindi lang nakakagawa ng Illusion. May Isa pang Ability ang nagagawa ng kanyang 'Bala'.

Ang Bullet ni Akame Shi ay gawa ng kanyang kapangyarihan.

Akame Shi...

Everyone knows her as a 'Gunslinger'.

Ang pagiging Gunslinger nya ay Talent nya lang. Mahilig sya sa Baril kaya baril ang napili nyang weapon.

Pero ang totoo nyang kapangyarihan ay...













'... It is made by her Magic.' dagdag sa Isip ni Hunk Marvell.


































"At the time when you hold that bullet, I already known that I won." nakangising wika ni Akame Shi.

Balot na balot si Catarina Claes ng matigas na Ice. Ang buo nyang katawan ay nanigas dahil sa Ice. Hindi na sya makakagalaw pa.

"Kapag tumagal ka ng Limang Minuto dyan, mamamatay ka." dagdag ni Akame Shi.

'Ice Magic?' sa Isip ni Catarina Claes.

Nabalutan man ng Ice si Catarina Claes, buhay pa naman sya hanggat hindi pa umaabot ng Limang Minuto. Nakakapag-Isip pa sya. Naririnig nya pa si Akame Shi. Pero hindi tatagal ang kanyang katawan sa lamig. Mamamatay sya nito sa lamig kapag umabot ng limang minuto. Mamatay sya habang nakabalot sa matigas na Ice.

"Now... What can you do in your situation?...

... Catarina Claes."






























Sa Loob ng Arena, naka Evacuate ang Ilang Studyante na hindi pa masyadong expert pagdating sa Combat. Hindi naman sila masyadong marami, kaya hindi sila suksukan. Masyado ding malaki ang Arena.

Alam nila ang nangyayare, na may umatake at nakita nila na mga Grim Reapers ito. Pero hanggang doon lang.

Nararamdaman din ng Iba na sa bandang Main Gate ang may malalim na bakbakan. Pero walang ni Isa sa kanila ang nagtangkang lumapit dahil Natatakot na baka may masamang mangyare sa kanila. Hindi pa sila handa para doon.

Kaya nandito sila, sa Arena, halo-halo ang mga Emotion. Walang magawa kundi ang maghintay ng resulta kung ano na ang nangyare sa mga Grim Reapers. Hinihintay din nila si Principal Suki and Master Anko at ang kanilang mga 'Teacher and Master'.

Pero may nagbabantay sa kanila. Binabantayan sila para safe sila.

Tatlo sa Pitong Myembro ng SOR...

"Sino sila?"

"Hindi ko alam."

"I think, may nabasa ako tungkol sa kanila."

"They are a Member of SOR. OH MY GHAD!"

"SOR?"

"It's an S-rank group of people that protects the whole Celestial Magic Academy. They're Level is not ordinary."

"Ano namang meaning ng SOR?"

"SOR ang pangalan ng groupo nila. Means 'Shadow Of Realm'. Consist of Seven Members; Fox, Crow, Hawk, Snake, Rabbit, Lion and Tiger."

"Wala pang nakakakita sa mga mukha nila. Kahit mga pangalan nila wala pang nakakaalam. Gumagamit kasi sila ng Codename."

"You mean yang 'Fox, Crow, Hawk etc' ay codename lang nila?"

"Yes."

"Nakasulat lang sa likod ng kanilang suot-suot na Indigo Cloak ang kanilang Codename. Tinatawag sila sa pangalang yan."

Usap-usapan ng Ilang mga studyante patungkol sa SOR. Pinag-uusapan nila ang SOR habang patingin-tingin din sila sa Itaas.

Nakatingala sila sa Arena kung saan nakatayo ang Tatlong Myembro ng SOR. Binabantayan sila nito.

"Hindi lang naman Celestial Magic Academy ang prinoprotectahan nila. Kaya nga Shadow Of Realm. Sa madilim nila prinoprotectahan ang buong Realms natin. Well, narinig ko lang."

"Or kaya din siguro Shadow Of Realm, ay dahil nakatago sila sa sarili nilang anino. Kaya pala wala pang nakakakita sa buo nilang mukha."

"Nasabi mo kanina na hindi ordinaryo ang Level nila. Wala akong alam kung magaling ba sila, so bakit hindi ordinaryo ang level nila?"

"Mas malakas ba sila sa Lustrous and Sorceres Academy?"

"Siguro?"

"Bakit hindi ka sigurado?"

"Kasi alam ko lang na hindi ordinaryo ang level nila. Pero hindi ko naman sinabi na mas malakas sila sa Lustrous Academy and Sorceres Hunter Academy. Hindi din naman kasi ordinaryo ang level ng dalawang paaralan yan."

"So ang sinasabi ko na parang magkasing-lakas lang silang Tatlo?"

"Siguro din?"

"May nakakita na ba sa kanila during Battle?"

"Meron?"

"Hindi ngalang natin sila kilala."

"Saka 2 Months ago lang sila nabuo. Iilan lang ang nakakita sa kanila. Pero sikat sila sa buong CostaLestinial."

Nag-uusap ang Ilang mga studyante na medyo mabulong para hindi sila marinig ng Tatlong SOR Members na nagbabantay sa kanila.

Pero...

Hindi nila alam na useless ang pagbubulungan nila.














































"Naririnig ko sila. Wala namang mali sa kanilang pinag-uusapan." wika ng Isa sa SOR Member habang nililibot ang kanyang tingin sa buong Arena.

Nakasulat sa likuran ng Indigo Cloak nya ang Codename na 'Fox'.

Naka-activate ang kanyang 'Clairvoyant'. Kaya nakikita at naririnig nya ang mga studyante sa Ibaba.

Higher Level type of Magic ang Clairvoyant. Kabilang nato sya sa Special Uni que.

'Special Uni que' is an Eye-Ability that can changed into a unique way. It's a higher level type of Magic that been passed down to their CLAN. From the First Generation until to the New Generations.

Iilan lang ang may mga 'Special Uni que'. Dahil Iilan nalang din ang mga Clan na may Special Uni que.

Ang Ibang Clan ay nawala nung naganap ang First Mages War in Celestial Magic Academy.

The SOR Captain Fox is the only Survivor Left in their Clan...

Dahil ang Clan din nila ay nabura nung sumapit ang Third Mages War.

Siya lang ang nakaligtas.

"I don't sense any Dark Aura." wika ng katabi ni Fox sa kanan.

Nakasulat sa likuran ng kanyang suot na Indigo Cloak ang kaniyang Codename na 'Crow'.

Naka Activate din ang kanyang 'Six Sense'.

Kagaya ng Clairvoyant ni Fox, ay kabilang din si Crow sa mga Clan na may 'Special Uni que'.

Ang pinag-Iba ngalang, buhay pa ang kanilang Clan. Marami pa silang myembro ng kanilang Clan. At naipapasa padin ang kanilang Special Uni que sa mga bagong henerasyon.

"Nakakapagtaka kung bakit tayo pa mismo ang pinili ni Master Anko na Ilagay dito. Samantalang ang Iba ay nandun sa labas." naka-krus ang brasong wika ng pangatlo na nasa kaliwa ni Fox.

Nakasulat sa likuran ng kanyang Indigo Cloak ang Codename nya na 'Hawk'.

Hindi myembro ng Powerful Clan si Hawk. Wala din syang Special Uni que.

Pero...

... Mastered nya ang lahat ng Magic Spell sa Mages Realm.

Kumbaga Isa sya sa mga 'Napili' na kayang gayahin ang Ibat-Ibang klase ng Spell sa Mages.

"Knowing Master Anko. Sya nga ang kauna-unang nakakilala satin. Tsk." wika ni Crow.

Biglang natigilan si Fox sa kanyang nakita.

Hindi sa Ibaba kung nasaan ang mga Studyante.

Kundi sa labas ng Arena.

Malapit sa Main Gate.

"Something wrong?" tanong ni Crow.

Napansin nila kaagad ang biglaang pagka-estatwa ni Fox sa kanyang kinatatayuan.

"Nag-aaway sina Master Catarina at Master Akame." Halata sa kanyang boses ang gulat.

"What?!"

Nagulat nadin ang dalawa.

"Kailangan natin silang puntahan."

"Paano? Hindi tayo makakalabas dito." tanong ni Hawk.

"Need help?"

Biglang may nag-appeared sa kanilang harapan.

Kagaya din nina Fox, Crow and Hawk, nakasuot din ang bagong dating na Indigo Cloak and Black Mask. Natatakpan ng Hood ang buong mukha.

Nakasulat sa likuran ng kanyang Indigo Cloak ang kanyang codename na 'Rabbit'.

Nakangiti ang kanyang labi sa likod na Itim nyang Mask.

"Salamat at dumating ka Rabbit. Kailangan talaga namin ng tulong mo. Pwede ba na Ikaw muna ang papalit sa pwesto namin ngayon? Kailangan lang talaga naming puntahan si Master Catarina."

Ang APAT pa na Members ng SOR ay alam ang Sikreto nilang Tatlo...

"Okay." nakangiting sagot ni Rabbit.

Kahit natatakpan ang kanyang bibig na Itim na tela, alam naman ni Fox na nakangiti ito.

'Wala namang bago kay Sumira.'

"Then see ya." paalam nilang tatlo at nawala na sila sa hangin.

Nag-appeared sila sa labas ng Arena. At mabilis na tinakbo ang daan papunta sa Main Gate. Tinakbo nalang nila keysa ang gagamit pa sila ng Teleportation.

Magka-Iba ang mga Mages sa Magician.

Kung ang Magician ay hindi napapagod sa paggamit ng Teleportation, hindi nauubos ang Mana sa loob ng katawan. Pwes magkaiba din sa mga Mages.

Dahil ang mga Mages ay nauubusan ng Mana. Kapag na 'Over-Used' ang mahika bigla nalang manghihina.

Nanghihina din naman ang mga Magician, pero matagal pa. Hindi kagaya sa mga Mages na hindi pa nga masyadong maraming Spell ang nagagamit, kapag once Higher Level ang na-i-cast na spell, manghihina na kaagad.

Ganun din sa mga Enchanters, Wizards, Sorceres and Witches.



































Sa labas ng Arena, Inutusan naman ni Master Anko na magbantay sa Main Entrance ang Alterra Academy.

Ang 'Alterra Academy' ay paaralan ng mga magagaling na 'Warrior'. Sanay sa mga laban. Magaling sa Hand-to-hand-combat. May mga Abilities din naman sila pero Iilan lang ang kayang e-activate.

Hindi kasi lahat sa kanila ay kayang e-activate ang Abilities. Hindi din lahat ay may Abilities. Kaya ang Iba na walang mga abilities ay mas finocus ang 'Hand-to-hand-combat Style'.

Ang paaralan nila ay simpleng paaralan lang ng mga simpleng tao na hindi binayayaan ng kapangyarihan.

Yun ang akala nila nung una.

Dahil lahat ng mga tao ay may mga Abilities.

Hindi man kasing special ng mga may Mahika, pero atleast may kakayahan silang protectahan ang kanilang realm.

Nasanay ang mga studyante ng Alterra sa Combat Style kaya tinawag silang Warrior. Dahil Instead of 'Magic', ang gamit nila sa laban ay ang kanilang mga kamay, paa, at katawan lang.

May mga weapons din naman sila. Hand-made. Sarili nilang gawa. May sarili din silang Style pagdating sa Combat-Fight.

Under sila sa Realm of Ninjas. Hindi sikat ang pangalan ng kanilang School. Dahil ang sikat na paaralan sa kanila ay ang 'Ninja Academy'.

Pero simula nung may nangyareng 'WAR' sa kanila. Pinatunayan nila na kahit wala silang mahika, kaya nilang lumaban.

'Gifted' na ang tawag sa kanila kapag may Ability na, magaling pa sa Hand-to-Hand Combat. Nirerespect nila yun.

"SOR ba yung nakita ko?"

"Fox, Crow and Hawk..."

"Sila nga."

"Saan naman ang punta nila?"

"Akala ko ba nasa loob sila? Rinig na rinig ko kasi ang usapan ng ilang studyante sa loob."

"Iba na ang nagbabantay sa pwesto nila kanina."

"Nakita mo?"

"SOR Member Rabbit na yung nakatayo doon."

"Sundan din kaya natin?"

"Huwag."

"Bakit?"

"Mapapagalitan tayo ni Master Anko."

"Tama ka naman."

Ang kanilang groupo na pinadala dito sa Celestial Magic Academy ay mga napili sa kanilang Principal para e-representa ang pangalan ng kanilang paaralan.

Binubuo sila ng Limang Myembro lang.

Five Warriors from Alterra Academy...

Kaya nga sila ang pinabantay si Master Anko sa Entrance.

Lahat ng mga pinaggagawa ni Master Anko sa kanila ay may mga Ibigsabihin.

Pero...

... Wala pang ni Isa sa kanila ang nakapansin.

... Maliban kina Fox, Crow and Hawk. Dahil Alam na nila.




































"May nakapansin ba sa pag-alis natin?" tanong ni Fox.

"Meron." sagot ni Hawk.

"Alterra Academy." sagot naman ni Crow.

"Ow. A group of warriors." Hindi mapigilan ni Fox na ngumiti sa likod ng kanyang Mask. "Thanks to them maraming nakaligtas sa Fourth Mages War."

"But—"

Pinutol nya na ang sasabihin ni Crow.

"Marami din namang nasawi."








































"I told you didn't I? We will hunt you until death Catarina Claes." nakangising wika ni Akame Shi.


























'60 seconds left...' sa Isip ni Hunk Marvell. 'You're dead Catarina Claes.'



























'Damn! Ilang segundo nalang mamamatay na ako. Dito na ba ako mamamatay? Mangyayare ba talaga ang nangyare sa weirdo kong panaginip? Imbis na si Antagonist ang papatay sakin, ngayon ay si Akame Shi na. Tss. Andami nga talagang nagbago sa nangyayare ngayon. Marami nga ang nagbago, pero ang kamatayan ko ay walang pinagbago.' sa Isip ni Catarina Claes.

"Ate Aria!"

"Catarina!"

Natigilan si Catarina ng marinig ang mga familiar na boses nayun.

'Himala at marunong din palang mag-alala yang Jessel nayan, akala ko puro mataray lang sya. Tss.'

"Ate Aria..."

'I'm sorry...'

Biglang umihip ang hangin.

'... Diane.'

At Dahan-dahang Ipinikit ni Catarina Cardia Claes ang kanyang mga mata...





































'Catarina Claes...'

Sa Isip ni Fyre Grayven Andrada.

























"Master Catarina's breathing..." may pag-aalalang wika ni Crow.

"Huh?"

"Huwag mong sabihin..... Tara! Bilisan natin! Hindi pwedeng mamatay si Master Catarina dito."

Mas binilisan pa nila ang kanilang takbo.

'Dahil kapag mamamatay si Master Catarina dito, babalik nanaman sa Simula. Tuluyang magbabago ang hinaharap.' sa Isip ni Fox. 'Hindi ako papayag na ganun ang mangyayare. Ngayon, unti-unti ko nang naiintindihan kung ano ang Role naming tatlo dito sa Past.'

































'A-aria... N-no... I-im s-sorry...'

Nananatiling nakapikit ang mga mata ni Catarina Claes.

May bigla syang naririnig na mga familiar na boses sa kanyang Isipan.

'Aria!'

Biglang may Imaheng nag Flash sa kanyang Isipan.

Nakikita nya ang mga familiar na mukha...

Isang babaeng nakatayo sa kanyang harapan na may kulay Sky-Blue na buhok, Umiiyak.

'Lazyish, Chosen Witch of Sloth?.'

Habang nasa tabi ng babaeng yun ang lalakeng may kulay Itim na buhok. Umiiyak din. Naka-iwas ang paningin. Pero nakikita nya padin na namumula na ang mga mata nito.

'Eiron?.'

Nakita din ni Catarina Claes ang babaeng may kulay Pulang buhok. Nasa tabi nya ang lalakeng may kulay pulang buhok din.

'Jessel? Cylex?.'

Nakaluhod sa lupa ang Isang lalake na kulay Yellow-Green ang buhok. Naka-alalay naman sa kanya ang Isang lalakeng may Brown na buhok.

'Walter? Ronnie?'

Humagulgol naman sa Iyak at pa ulit-ulit na binabanggit ang pangalang 'Ate Aria' ang babaeng may kulay Black na may halong pagka Blue-Violet ang kulay ng buhok. Tinatahan naman sya ng babaeng may kulay Yellow na buhok.

'Diane... Sophia...'

'Sorry... Aria...'

'Ang familiar na tinig na iyon... Vincent?.'

'No... W-wag mong sisihin ang s-sarili mo Vincent. Wala k-kang kasalanan.'

Narinig mismo ni Catarina Claes ang sarili nyang boses sa kanyang Isipan.

'Hindi ko alam kung bakit nakikita ko to... Pero... Ito siguro yung nabasa ko sa libro na maaalala mo ang mga taong napalapit na sa puso mo.' sa Isip ni Catarina Claes.

'A-aria please... Don't die... Please... I-Im sorry... I'm really really sorry...'

'Ang tinig na iyon...'

'A-aria... D-dont leave me... Please... I promise to myself that I wont l-let you die. But I think my promise are no use for it... Kase ako mismo... Ako mismo ang dahilan k-kung bakit ka nagkakaganyan.'

Napatulala si Catarina Claes sa lalakeng umiiyak habang hawak-hawak sya. Lalong-lalo na na nakahawak pa mismo ito sa kanyang pisngi. Kitang-kita nya ang lungkot, sakit, at galit sa kanyang mukha.

Natigilan si Catarina Claes at naramdaman nya na uminit ang kanyang mga mata. Sunod-sunod na ang pagbagsak ng kanyang mga luha.

'Sa Itshura ng mukha nya. Ang familiar nyang mukha. Ang Indigo Hair nya. Ang walang emotion nyang mga mata. Ang kanyang boses... Si Fyre Grayven Andrada nga... Pero sinong mag-aakala na ang malamig na Fyre Grayven Andrada ay umiiyak pala sa harapan ko? Hindi ko man alam kung ano tong nakikita ko, pero...'




Biglang lumiwag ang buong katawan ni Catarina Cardia Claes. At nagulat ang mga nanonood. Lalong-lalo na si Akame Shi.



'... Isa lang ang nasisiguro ko. Ang mga nakikita ko ngayon ay Isa sa mga nabura kong mga ala-ala. Sa eksenang naaalala ko dito, namatay ako dahil prinotectahan ko si Diane. Pero hindi ko alam na si Fyre Grayven Andrada pala yung sumaksak sakin. Alam ko lang na prinotectahan ko si Diane. Tss.'

Biglang napatawa si Catarina Claes. Hanggang sa ang kanyang tawa ay naging halak-hak.

'Kung sino man yang Goddess of Memories na nagbura sa mga ala-ala ko—namin. Tss. Gusto kong malaman mula mismo sa kanya kung bakit nya yun ginawa.' dagdag nya.

At bigla nalang nabasag ang matigas na Yelong nakapalibot sa kanya.

Pagkadilat ng kanyang mga mata, dumiretsyo kaagad ang kanyang malamig na titig kay Akame Shi.

"C-catarina... Claes..." gulat na gulat na banggit ni Akame Shi sa kanyang pangalan.

"Akame Shi." nakangising wika ni Catarina Claes.

Naglo-glow ang buong katawan ni Catarina Claes. Nililipad ng hangin ang kanyang suot na Black Cloak. At nag-Iba din ang kulay ng kanyang Lenses—ang kulay ng kanyang mga mata.

Napansin yun ni Akame Shi.

'Her Eyes turned purple. Some of her hair turned blue...'

From Crystal-White Lenses, to Purple lenses na may Orasan sa gitna nito.

Parang nag slow-motion sa paningin ni Akame Shi ang pagtaas ng kanang kamay ni Catarina Claes sa Ere.

Biglang bumigat ang paligid.




































'What?' sa Isip ni Hunk Marvell na hindi mapigilang magulat.

"Ang bigat. Ang lakas. What the—?" hindi padin makapaniwalang wika ni Marisa Magenta.































"Ngayong may naaalala na ako, hindi ngalang lahat. Nagbago na ang Isip ko." Walang emotion na wika ni Catarina Claes.

May biglang nag-appeared na Purple Mark sa Ibaba ng mga Mata ni Catarina Claes. Magkabila talaga. Puma-ikot ito papunta sa kanyang noo hanggang sa may maliit na Purple Diamond sa gitna ng kanyang noo.

Nagulat si Akame Shi ng makita ito.

'Deity Form? May ganyan syang kapangyarihan? How?' sunod-sunod nyang tanong sa kanyang Isipan. 'Then...'

"Hindi pa ako handang mamatay." dadag ni Catarina Claes.

Pagtaas ng kamay ni Catarina Claes sa Ere. May biglang nag Form sa kanyang paanan na Magic Circle. Kakaibang klase ng Magic Circle. Dahil mukha itong 'Clock'.

'... I don't have a choice to use that.' dagdag ni Akame Shi.

Iwinala ni Akame Shi ang kanyang baril.

Ang mahinang paghampas ng hangin sa kanilang balat ay biglang lumakas. Natatangay ang mga dahong nahuhulog galing sa mga puno.

May dalang kakaibang lamig ang hangin...

























'Is she...' sa Isip ni Hunk Marvell. Nagsalubong na ang kanyang noo. 'Is she going to use that FORM?'


































'Hindi ko alam kung anong nangyayare sakin ngayon. Ramdam na ramdam ko sa buo kong katawan ang malakas na enerhiya. Dumadaloy ito mula sa paanan ko papaitaas. Naramdaman ko din ang pag-changed ng sarili kong lenses pero hindi ko alam kung anong klase. Dahil alam ko na hindi ito 'crystal white'.' sa Isip ni Catarina Claes.

Binalot ni Akame Shi ang kanyang sarili ng yelo. Ipinikit nya ang kanyang mga mata.

'Tatlong Minuto sana to, but... I don't have a time for that. So Im going to go in a seconds only.' sa Isip ni Akame Shi.

'Anong ginagawa nya? Bakit nya binalot mismo ang kanyang sarili na yelo?' tanong sa Isip ni Catarina Claes.

Ang kaninang mabigat na paligid ay mas lalo pa syang bumigat dahil kay Akame Shi. Pareho nila na ramdam na ramdam ang bigat ng paligid. Ang Iba ay hindi mapigilan na medyo umupo dahil hinihila sila nito paibaba.



































Natigilan si Sophia Smith Ascart nang maramdaman yun. Hindi lang sya, dahil kasama din sina Karina Campbell, Elaine Lunar Dawnlight, Zero Haizaki and Scarlet Forlorness.

'Kaninong Aura to? Bakit ang lakas?' tanong ni Sophia sa kanyang sarili.

'Eto yung nabasa ko sa MANGA na Aura ng mga Goddess...' sa Isip ni Elaine Lunar Dawnlight. Pero ang focus ay nakay Sekaro, ginagaling padin. 'Pero kalahati palang to sa totoo nilang AURA. Pero bakit nandito ang kanilang aura? Ang bigat. Nandito na ba sila?' umiling-iling sya mag-Isa. 'Hindi. Mali. Parang...' sabay kagat nya sa kanya pang Ibabang labi. 'Parang galing kay Catarina Claes.'





























"Sana aabot tayo." may bahid na pag-aalalang wika ni Fox.

"I hope so."























'Deity Form!'

Pagdilat ng mga mata ni Akame Shi. Ang dati nyang Red color eyes, ay naging Dark Blue na parang Ice Crystal ang sa gitna nito. May biglang lumabas na puting pakpak sa kanyang likuran na Ikinagulat ng mga nanonood.

May nabuong Scepter na made of Ice sa kanyang mga kamay.

"You think you already win? Hn. I told you..." sumilay sa kanyang labi ang nakakakilabot sa ngisi. "You're strong... But..." mabilis syang umatake papunta kay Catarina Claes. Ginamit nya ang kanyang puting pakpak kaya mabilis syang nakalapit sa kanya. "Not strong enough to kill me."

Ngumisi si Catarina Claes.

"At the time when you dare to shoot your damn gun at me..." Malamig na wika ni Catarina Claes.

Nag-Iba ang tunog ng kanyang boses. Kakaiba. May halong boses nya. Pero may halo ding Iba.

"I already known that you lost." dagdag ni Catarina Claes.

Tatama na sana ang Scepter na made of Ice ni Akame Shi kay Catarina Claes...

E cliclick na sana ni Catarina Claes ang kanyang daliri sa ere...

'Fro—' sa Isip ni Akame Shi.

'Ali—' sa Isip ni Catarina Claes.

Parang nag Slow Motion ang lahat.

Magsasalubong na sana ang kanilang mga kapangyarihan...

Nang...

"A Forbidden..."

... May biglang pumagitna sa kanila na Isang nilalang na may suot na Indigo Cloak.

Pumagitna sya sa kanilang dalawa. Kinuha nya ang kanang kamay ni Catarina Claes. Kinuha nya ang kaliwang kamay ni Akame Shi. At hinawakan nya ito ng mahigpit.

"... Sealing Teachnique!!!" sabay na sigaw ng dalawa pang nilalang.

Suot din nilang pareho ang Indigo Cloak. Nakapwesto si Crow sa likuran ni Catarina Claes. Nakapwesto naman si Hawk sa likuran ni Akame Shi.

Nakadikit ang kanilang Palad sa likuran nito.

At sabay na binigkas ang 'Forbidden Sealing Spell.'

"DEITY UNDO!" sabay nilang sigaw tatlo.

'Master Catarina...' sa Isip ni Crow.

'Pangako...' sa Isip ni Hawk.

'Ibabalik ka namin.' sa Isip ni Fox.

At nawalan na ng malay sina Akame Shi and Catarina Claes.

Out of Mana...










































































To be Continued .....












Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 62.8K 79
Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided to avenge them. This makes the...
9.9M 493K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
21.3M 789K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
331K 24.8K 40
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...