BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHM...

Autorstwa AshQian

75K 3.6K 199

Love, and ignorance of loving brought her inside the cold corners surrounded by bars. She was left alone with... Więcej

UNANG YUGTO
Chapter 1 - Unang Yugto
Chapter 2 - Unang Yugto
Chapter 3 - Unang Yugto
Chapter 4- Unang Yugto
Chapter 5 - Unang Yugto
IKALAWANG YUGTO
Chapter 1 - Ikalawang Yugto
Chapter 2 - Ikalawang Yugto
Chapter 3- Ikalawang Yugto
Chapter 4 - Ikalawang Yugto
Chapter 5 - Ikalawang Yugto
IKATLONG YUGTO
Chapter 1 - Ikatlong Yugto
Chapter 2- Ikatlong Yugto
Chapter 3 - Ikatlong Yugto
Chapter 4 - Ikatlong Yugto
Chapter 5 - Ikatlong na Yugto
Chapter 1 - Ikaapat na Yugto
Chapter 2 - Ikaapat na Yugto
Chapter 3 - Ikaapat na Yugto
Chapter 4 - Ikaapat na Yugto
Chapter 5 - Ikaapat na Yugto
IKALIMANG YUGTO
Chapter 1- Ikalimang Yugto
Chapter 2 - Ikalimang Yugto
Chapter 3 - Ikalimang Yugto
Chapter 4 - Ikalimang Yugto
Chapter 5 - Ikalimang Yugto
HULING YUGTO
Chapter 1 - Huling Yugto
Chapter 2 - Huling Yugto
Chapter 3 - Huling Yugto
Chapter 4 - Huling Yugto
Chapter 5 - Huling Yugto
DENOUEMENT

IKAAPAT NA YUGTO

1.8K 96 4
Autorstwa AshQian

Maingay at magulo sa loob ng banyo. Panay ang hiyaw at tili ni Aki kasabay ng halaklak ni Javier. Kanina pa roon sa loob ang mag-ama at naliligo. Thirty minutes na ay hindi pa rin tapos ang mga ito.

Si Roanne na naghahanda ng isusuot ng mga ito'y humagikgik mag-isa. Nang matiyak na wala nang kulang sa mga damit na nakalatag sa kama ay tinungo niya ang pinto ng banyo at binuksan ng malaki ang awang. Sinilip niya ang mag-ama. Nasa ilalim pa rin ng shower stall ang mga ito. Si Aki ay lumundag-lundag habang nakataas ang dalawang kamay sa buhos ng tubig.

"Tama na iyan, baka ma-late tayo!" Sa nakalipas na ilang araw ay ganito lagi ang eksena nila. Magulo at maingay pero masaya.

Nakabungisngis lang sa kanya ang mag-ama at walang balak makinig kaya siya na lumapit at nagsara ng regulator ng dutsa. Humaba agad ang nguso ni Aki.

"Naglalaro na lang kayo. May event ngayon sa shop, hindi pwedeng mahuli tayo," paalala niya sa mga ito.

"I love you, Mama!" sagot ni Javier na may kasamang damping halik sa labi.

"I love you, Mama!" sabi rin ni Aki na ginagaya ang ama at tunaw na naman ang puso niya.

Javier wrapped the towel around his waist and removed his trunks underneath, shoot it in the laundry basket at the corner. Kinuha nito ang isa pang fluffy towel, ibinalot kay Aki at kinarga ang bata. Lumabas silang tatlo ng banyo.

Binihisan muna niya ang anak. "We're going to the playground in the park?" tanong nito.

"No, we're going to the shop. Today is the grand opening," masigla niyang sagot.

Masayang tumango ang bata at tumawa. Nakangiting tumingin siya kay Javier na nagbibihis din. Pilyo itong kumindat. Namumula pa rin ang bakat ng ngipin niya sa dibdib at mga braso nito. Masyado na niyang nagugustuhan ang routine nila, lalo na ang panakaw nilang love-making gabi-gabi kapag tulog na si Aki. Feeling niya tuloy tumaba siya. Sumikip na ang ilan sa mga damit niya.

Eight-thirty ang holy mass. Pagkatapos ng misa ay isusunod ang ribbon cutting at blessings. May kunting programa silang hinanda at launching ng ilang flagship furnitures nila.

Kagabi ay ipinakita ni Javier sa kanya ang orders ng mga kliyente nila via social media. Kaya pala sinabi nitong hindi na kailangan ng soft opening dahil nagawa na pala nito iyon online.

Hindi siya makapaniwalang puspusan na ang promotion nila sa social media platforms. Higit sa lahat, lahat ng orders ay bayad na at bukas ay magsisimula na sila sa delivery. Lahat ay si Javier ang gumawa. Sa sobrang tuwa niya kagabi ay nakalimang rounds sa kanya ang binata at muntik na naman nilang abutan ng pagsikat ng araw.

"Beautiful, baby." Niyakap siya ni Javier habang nagsusuot siya ng dangling earring sa harap ng dresser. Hinalikan nito ang batok niya.

Si Aki ay nakatayo sa kanyang tabi. Namimilog sa pagkamangha ang mga mata at ang cute na bibig ay nakanganga. Curious na pinanonood siya ng anak habang ang ama nito sa likod niya at sinasalat lang naman ang kanyang katawan na pinatitingkad ang mga kurba sa suot niyang bloody red gown.

It was delivered yesterday as a gift from Yve. A designer gown from the creation of Kimberly and the designer itself, Julie Andromida. Provocative and revealing with sweetheart neckline and corset back. She took a final check with her make-up and the clean bun of his hair.

"Aki?" Umuklo siya.

"Yes, Mama!" Maliksing tumingkayad si Aki at binigyan siya ng matunog na halik. "I love you, Mama!"

"I love you, Aki!"

"Si Papa rin," humalik din ng matunog si Javier sa pisngi niya. "I love you, Mama!"

"I love you, Papa!"

They were laughing. Hinawi niya ang slit ng kanyang damit at inayos ang garterized holster na may nakasuksok na mini- 22 caliber pistol. Bigay ni Javier ang baril para proteksiyon niya. Bumaba ang paningin niya sa mga paa. She wore a red, three inches high heels. Pero tila hindi man lang nakadagdag iyon sa tangkad niya dahil sa anim na talampakan at apat na pulgadang height ni Javier.

Handa na si Rowena pagbaba nila at si Xiellou na naghihintay sa loob ng sasakyan. Nag-irapan na naman sila ng babae at wala na siyang choice kundi maupo sa backseat dahil okupado na nito ang front seat.

"Xiellou-"

"Ayaw ko, dito ako mauupo!" sikmat nito kay Javier

Worried na sumulyap sa kanya sa rearview ang lalaki. Nakadama siya ng guilt. Mukhang under the saya na yata itong si Javier. Takot na takot na magalit siya. Baka nasobrahan na ang pagkamaldita niya.

"Hayaan mo na,mas maganda naman ako, pangit siya," may halong birong pakli niya.

Ngumisi ang lalaki at nahawi ang ligalig sa mga mata. Si Xiellou ay patay-malisya at kunyari abala sa cellphone.

"Aki, gusto mong dito maupo? Halika, kandong kita." Pagkuwa'y ginuyo nito ang bata.

"Mama?"

"You want?"

"Yes?"

"Okay, go." Inalalayan niya ang anak na lumipat sa frontseat at kumandong kay Xiellou.

Nag-uusap ang dalawa habang nasa biyahe. Panay ang tawa ni Aki sa mga kuwentong pambata. Pati sila ni Javier at Rowena ay natatawa na rin. Xiellou was not that annoying. Baka mga mas masahol pa siya rito kung tutuusin. Bukod sa maganda ito, sexy at halatang matalino. Bakit kaya hindi nahulog si Javier sa dalaga?

Hindi siya makapaniwala sa dami ng mga tao na dumagsa sa shop nang dumating sila. Tinanaw niya ang kabilang shop pagkababa niya ng sasakyan. Siksikan din. Hindi nakapagtataka. Active pa rin sa showbiz si Margaux at malamang ay naroon ang mga kaibigan nitong kasama rin sa industriya.

"Hi, good morning!" hindi siya magkamayaw sa pagbati at pagkaway sa crowd nakatambay ang karamihan sa main lobby ng shop.

Babae man o lalaki, paghanga ang nakikita niya sa mga mata. Siyempre, pang-artista pa rin naman ang get-up niya. Kahit umalis na siya sa showbiz mahusay pa rin siyang makitungo sa mga tao tulad noon sa kanyang fans.
Maya-maya pa ay may mga lumapit na at nagpapa-picture sa kanya. Pero pati yata boyfriend niya na alam niyang naging celebrity rin ay gustong tangayin ng mga ito.

Nagsimula agad ang misa na roon lang ginanap sa lobby. Pagkatapos ay nagtuloy na sila sa main entrance ng showroom kungsaan naka-koldon ng pula at gintong ribbon at dalawang higanteng flower bouquet. Silang dalawa ni Jim ang gumupit sa ribbon. Nasa likod nila si Javier karga si Aki.

Nagpagulong siya ng maraming barya at chocolates papasok sa loob ng shop habang binabasbasan ng pari ang buong gusali at lahat ng sulok. Sa looban ay naka-set up ang buffet ng masaganang tanghalian. Si Jim ang umako sa gastos ng pagkain at inumin. Unlimited iyon.

"They're here," bulong ni Javier sa kanya.

Kinatok ng kaba ang dibdib niya. Dumating na ang pamilya ng binata. Huminga siya ng malalim upang hamigin ang sarili. Alam niyang hindi na kailanman mababago ang kasalanan niya mula sa nakaraan pero umaasa siyang hindi siya hahatulan base roon kung hindi sa mga ginagawa niya ngayon para sa kanyang sarili at sa kanyang mag-ama.

Nagtungo sila ni Javier sa opisina kungsaan naghihintay ang dalawang Nanay nito at tatlong nakatatandang kapatid. Pakiramdam niya ay nag-lock ang mga binti niya mga binti niya sa bungad pa lang ng pinto. Everyone in the room is looking at her intently. The three big men seemed like giants in their builds. Scary but beautiful in their own manly fashion. Sapat lang ang mga ito para harangan ang liwanag mula sa bintana.

Hinapit siya ni Javier sa baywang habang karga nito sa kabilang bisig si Aki. "Relax, they won't bite. Ganyan lang talaga ang mga kapatid ko, mukhang kakain ng tao," biro nito. Pero hindi humupa ang nerbiyos niya.

"Is that my grandson?" tanong ng maliit ngunit nakaka-intimidate na babaeng, eleganteng tingnan sa suot nitong traditional clothes ng Japan. Ang Kimono. May edad na ito ngunit nanatili ang walang pingas na kagandahan.

"Our grandson. Lola rin niya ako at ako ang unang nakadiskubre na magkamukha sila ni Javier," sagot ng isa pang sopistikadang babae na tulad niya ay kulay pula ang suot na gown. Nanliiit tuloy siya, feeling niya kahit malaki ang agwat ng edad nila'y mas maganda pa rin ito sa kanya. Nakaakbay rito ang matikas na lalaking hindi maitago ng puting buhok ang taglay na kisig.

Ang mga ito ba ang dalawang Nanay ni Javier?

"Everyone, this Akira Jav my son, and Roanne his mother and my girlfriend. Soon my wife." Javier introduced them with pride in his voice.

"Magandang araw po," bati niya sa lahat.

"Abigael, my Mom, Vierra my Mama, and my Dad, Jacinto. These three gentlemen are my big brothers, Yzrael, Kaien, and Edan, Yve's husband." Isa -isang ipinakilala ng binata ang pamilya nito.

Nakita niya kina Kaien at Edan ang kombinasyon ng mukha ni Javier. Si Yzrael naman ay nagmana sa ina nito. Saglit lamang na nagtagal sa kanya ang paningin ng lahat. Natuon agad sa bata na nakayapos sa leeg ni Javier. Nababasa niya ang aliw at pananabik doon.

"Come on, say hello to Lolo and Lolas."
Ibinaba ng binata si Aki at sinamahan para magmano sa mga magulang nito.

"Lolo and Lolas?" nakangiting tanong ng bata sa ama.

Pinagkaguluhan ng dalawang babae si Aki. Natatawa naman si Jacinto na pumupuslit din ng haplos sa ulo ng apo.

Hindi niya naawat ang pamumuo ng luha. Nagsimula nang lumawak ang mundo ng anak niya. Bukod sa kanilang dalawa ni Rowena ay may pamilya na itong maipagmamalaki.

"Look at that, like a carbon copy of himself," komento ni Edan at kinindatan si Javier. "Good job."

Inangat ng binata ang kanang braso at tinapik ang masels. Nagyayabang. Natatawang kinurot niya ito.

"He must have brought a duplicator when he fucked his girlfriend," walang prenong salo ni Kaien.

"Watch your mouth, Kaien. The lady is listening, marunong kang gumalang," sita ni Yzrael.

Bumaling sa kanya si Kaien. "Sorry for the bulgar word but the one stood beside you is an icon of this terms. Fuck and screwed, ask him."

Si Javier ay bumunghalit na lang ng tawa. Hinagkan siya nito sa sentido.

"I love you, thank you for giving us Aki," he whispered.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
269K 6.8K 58
R18 3rd Generation of Villaraza Legacy This is a series where girls squad encounters different pleasure. Zyren Goron Villaraza BLURB: Zyren took an...
628K 19.8K 50
When push comes to shove Seth is willing to do anything for the sake of money. Money has become his master for such a long time that he didnt even kn...
274K 6.3K 44
She started the fire. They both played with it. What if one day, this fire will stop burning? Will they be able to ignite it once more? How? ©All Rig...