SERAPHINA

By audicitykilk

4 0 0

Ito'y kwento ng isang prinsesang biniyayaan ng kapangyarihan sa pamamagitan ng araw at ng apoy. More

PROLOGUE
CHAPTER ONE

CHAPTER TWO

1 0 0
By audicitykilk

SERAPHINA's POV

Agad ko'g sinundan ang lipad ni Persha. Napakaganda niyang pagmasdan mula sa itaas, batid ko'ng labis rin ang kaniyang kagalakan.

"Mahal na prinsesa hintay!" Rinig ko'ng sigaw ni Lincoln at nagmadaling lumapit sa akin. Sabay na kami ngayon na hinahabol si Persha.

Maya-maya pa'y bumaba ang kaniyang lipad at lumapag mula sa damuhan, ramdam mula rito ang yanig ng kaniyang pagbaba. Patawa-tawa akong lumapit sa napakagandang dragon at agad na sumakay rito.

"Magandang umaga Persha." Bati ko sakanya at natawa ako ng bahagya siyang umatungal, ibig sabihin na natutuwa siyang makita ako.

"Lincoln ano pang hinihintay mo diyan? Halika na't sumampa ka na." Sabi ko rito ng makita'ng naroroon pa rin siya sa baba habang nakatingala lamang sa amin.
Paulit-ulit siya umiling at akma ng tatakbo ng dinagit siya ni Persha at ibinato pataas. Rinig na rinig mula rito ang sigaw ni Lincoln na kunti na lamang ay mapunit ang kaniyang lalamonan sa sobrang lakas. Tumawa ako ng napakalakas dahil roon.

Nang pababa na si Lincoln ay agad na lumipad si Persha at sinalo ang kaawa-awang bata na ngayon ay tila nawala sa katinuan. Lalo pang tumaas ang lipad ng dragon at tanaw na tanaw na rito ang kabuuan ng lugar.

"Ayaw ko pa'ng mamatay." Sigaw ni Lincoln na ngayon ay nakayakap at nakakapit ng mahigpit sa dragon at madiin na nakapikit.

"Tss." Napailing na lang ako at hinayaan ko siya sa sitwasyong iyon. Manghang-mangha pa rin talaga ako sa lugar na ito kahit ilang beses ko na itong nakita. Napakalawak ng lugar na animo'y nasa ibang mundo ka.

Pumikit ako hindi dahil sa nakakaramdam ako ng takot kundi dahil gusto ko'ng namnamin ang malamig na hangin. Sobrang napaka payapa ng aking puso kapag ako'y nariririto. Nais ko'ng dito manirahan ngunit iniisip ko ang kapakanan ng Movada.

Hindi ko nanaising iwan ang lugar na aking pinagmulan para lamang sa pansirili ko'ng kagustohan.

Maya-maya pa'y bumabagal na ang paglipad ni Persha na ang ibig sabihin ay malapit na kami sa distinasyon na aming pupuntahan. At naririto na nga, mula sa ikalimang kabundokan ay tanaw na mula rito ang pugad na pinamumugaran ni Persha. Labis akong natuwa ng matanaw ko mula rito sa taas ang dalawang napakalaking itlog mula sa pugad.

Dahan-dahang bumababa ang lipad ni Persha at maya-maya pa'y lumapag na siya mula sa tabi ng kaniyang mga anak. Bumama ako mula sa likoran at di na hinintay pa si Lincoln na nananatili pa ring naka lingkis sa dragon. Dali-dali akong lumapit sa mga itlog at hinimas-himas ito. Sobrang laki ng mga itlog, mas malalaki itong dalawang beses kung ikukumpara sa akin.

"Lunos." Pangalan ko sa unang itlog saka ko ito hinimas.

"Pylex." Tawag ko naman sa pangalawa saka ko rin ito hinimas.

"Gusto mo ba ang mga pangalang iyon para sakanila Persha?" Nakangiting tanong ko sa dragon at napatawa ako ng ikiskis niya ang kaniyang ulo sa akin.

Pano ko nga ba napaamo ang isang dragon? Hindi ko rin malaman ang kadahilan sapagkat alam nating lahat na ang dragon ay isang mabangis at mailap na nilalang ngunit simula nung ako'y mapunta sa lugar na ito ay tila isang pusa lamang si Persha na ganoon kabilis na umamo at lumapit sa akin, katuna'y iniligtas niya ang aking buhay.



PAGBABALIK-TANAW...




Isang napakagandang paraiso ang nakikita ko ngayon ngunit batid ko'ng isa lamang itong panaginip ngunit sa hindi ko mawaring kadahilanan ay may tila nag-uudyok sa akin na hanapin ang lugar na iyon.

Sa aking panaginip ay may isang nagnining-ning na apoy ang siya'ng nagtuturo sa daan patungo sa paraisong iyon. Aking sinusundan ang apoy hanggang sa nakatungtong ako sa Kryfó dásos, ang gubat na siyang kinakatakotan ng lahat at walang sino man ang nangahas na pumasok sa kagubata'ng iyon.

"Bakit mo ako dinala rito?" Tanong ko sa munting apoy ngunit lumipad muli ito papasok sa kagubatan, Sa aking panaginip ay nagda dalawang-isip akong pumasok ngunit tila may sariling buhay ang aking paa ng kusa itong gumalaw at sundan ang apoy.

Mula sa madilim na bahagi ng gubat at nakakatakot na tunog ay tanging ang liwanag ng munting apoy ang siya'ng nakikita ko. Bagama't isa lamang ito'ng panaginip ay ramdam ko ang kilabot sa aking natutunghayan at naririnig.

Patuloy ko lamang sinusundan ang apoy na iyon ng hindi ko namamalayang oras, Ngunit sa ilang oras na aking paglalakad at pagsunod sa apoy ay may natanaw akong liwanag, alam ko'ng may labasan pa ang kagubatang iyon. Lalo'ng bumilis ang lipad ng apoy patungo sa liwanag na aking tinatanaw kaya naman tumakbo na rin ako para ito'y masundan.

"Mia stigmí!" (Sandali lamang!) Pagtawag ko ngunit patuloy pa rin ang kaniyang mabilis na paglakad kaya naman mas binilisan ko rin ang aking pagtakbo hanggang sa hindi ko namamalayang na'sa dulo na ako ng gubat kung saan natanaw ko ang labasan.

Para akong nabato sa aking kinatatayuan ng makita ko ang ganda ng tanawin, para ako'ng nasa ibang mundo, Mundo ng mga diyos at diyosa, sobrang presko ng hangin at ang kagaanan ng kalooban ay mararamdaman mo rito. Dahan-dahan akong naglakad sa mga damuhang pinaliligiran ng mga bulaklak at nagliliwanag na mga paro-paro.

"Tóso ómorfo, Ti eídous méros eínai aftó." (Kay ganda, Ano'ng klase'ng lugar ito?) Saad ko sa aking sarili at nilibot ang aking tingin ng may sobrang pagkamangha sa aking mga nakikita. Tumingin sa taas ng may marinig akong malakas na ugong at napapikit ako ng ang araw ay lumiwanag ng sobra at tumama ang sinag nito mula sa akin.

Bigla ako'ng nagising dala-dala ang alaalang iyon. Napatulala ako sa aking kinahihigaan at may kung anong bagay na siyang nagtutulak sa'kin na maniwala sa panaginip na iyon, na totoo ang lahat ng aking panaginip. Kay tagal bago ko inisip ang aking gagawin ngunit nakita ko na lamang ang aki'ng sarili na naghahanda para puntahan ang Kryfó dásos.

Ilang oras bago ko marating ang Kryfó dásos at sa itsura nito'y hindi mo tatangkaing pumasok. Matagal ko muna'ng pinagisipan kung itutuloy ko ba'ng pumasok ngunit nakita ko na lamang ang aking sarili na pinapatakbo ang kabayo papasok sa gubat dala-dala ang sulo bilang magsilbing liwanag ngunit sa kalagitnaan ng aking paglalakbay ay may umalingaw-ngaw na isang nakakatakot na tunog na siya'ng kinataranta ng kabayo, Tila'y nawala ito sa katinuan at bigla nito'ng iangat ang sarili kaya naman nahulog ako mula rito, tumakbo paalis ang kabayo at naiwan akong mag isa. Aaminin ko'ng nakararamdam ako ng takot ngunit may kung anong bagay na nag uudyok sa'kin na magpatuloy kaya naman kinuha ko'ng muli ang sulo na aking pinagpapasalamat dahil hindi namatay ang apoy nito at nagpatuloy ako'ng muli sa paglalakad. Marami akong naririnig na mga tunog at sigaw, maging ang mga iyak at atungal ngunit tinatagan ko ang aking loob.

"Saphira tama ba ang iyong ginagawa?" Bulong ko sa aking sarili habang patuloy na tinatahak ang daan.

Halos kalahating oras na ang aking nilalakad ngunit puro dilim pa rin ang aking nakikita kaya naman huminto ako sa paglalakad.

"Chazos! Eísai ilíthia Serafína! Ba't ka ba nagpapaniwala sa isang panaginip lamang?!" (Tanga! Isa ka'ng tanga Seraphina...) Inis na saad ko sa aking sarili at nagdisesyon na ako'ng bumalik ng bigla ako'ng mapalinga sa kanan, Nanlaki ang mata ko ng makita ang liwanag na lagusan, Ang liwanag na siyang nakita ko sa aki'ng panaginip.

"Totoo nga!" Nanlalaking mata na aking bulalas at may kung anong tuwa ang namuo sa aking puso, dali-dali akong nagtatakbo papalapit sa lagusan at ito na nga...

Mas maganda pa ang natatanaw ko ngayon kaysa sa aking panaginip.

Hindi ako makapaniwala, kinusot ko ng maraming beses ang aking mga mata at hinampas-hampas ang aking katawan para ikompirma na hindi na ako nananaginip at talagang hindi na itong isang kathang-isip o panaginip lamang! Talagang nakaharap na ako ngayon sa isang paraiso!

Sa sobrang galak ay nagtatakbo ako sa mga damuhan at mga bulaklak, nabulabog ko rin ang mga paro-paro'ng nagliliwanag at nasi kaniya-kaniya silang lipad. Napatawa ako dahil sobrang galak ang nararamdaman ko ngayon, Humiga ako sa damuhan at tinignan ang kalangitan, maging ang langit ay kay gandang pagmasdan. Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang simo'y ng hangin, sobrang gaan ng aking loob na animo'y walang problema rito. Sobrang saya ko. Bigla na lang pumasok sa aking isip na dito na manirahan ngunit bigla ri'ng nawala ang kaisipang yun ng bigla ko'ng makita ang Movada.

Kailangan ako ng Movada...kahit pa sa tingin nila'y hindi nila ako kailangan...

Nagpakawala ako ng malakas na hangin at iminulat ang aking mata, Balak ko na sana'ng tumayo upang makapag libot muli ng may narinig akong malakas na atungal sa taas.

Hiniling ko na sana ito rin ang nakita ko sa aking panaginip na isang sinag ng araw ngunit hindi umayon sa akin ang tadhana ng makita'ng isang dragon ang papalapit na sa akin para ako'y dagitin.

Nakaramdam ako ng gulat at kilabot ng malapit na ito, Ipinikit ko ang aking mata at sinangga ang aking kamay, at hinihintay na dito sa lugar na ako mamamatay ngunit napamulat ako'ng muli ng isang malakas na kalabog ang aking narinig na pati ang lupa'y nayanig sa sobrang lakas. Nanlaki ang aking mata at hindi ako makagalaw sa gulat ng makita'ng ang dragon na papalapit sa akin ay tumilapon. Dalawang dragon ang naglalaban ngayon sa aking harapan. Patuloy sila'ng nagsusuwagan at nagpapalitan ng apoy. Sa labis na takot ay tumakbo ako at nagtago sa malaking puno ngunit patuloy pa rin akong nanunuod sa kaganapan.

"Bakit hindi pinakita sa akin ng panaginip na mayroong ganitong klase ng nilalang rito." Bulong ko sa aking sarili.

Patuloy pa rin ang labanan ng dalawang dragon. Malalakas na atungal ang siyang aking naririnig at nanlaki ang aking mata ng makita'ng itinusok ng itim na dragon ang kaniyang matalim na buntot mula sa dragon na siyang nagligtas sa akin. Umalingaw-ngaw ang sigaw ng pulang dragon dahil sa sakit, napahiga ang pulang dragon ngunit patuloy pa ri'ng sinasalag ang atake ng itim na dragon sakaniya. Dumagundong ng malakas ang atungal ng itim na dragon na animo'y nanalo na siya at ng makita ko'ng gagamitin niya'ng muli ang kaniyang buntot para saksakin ang pula'ng dragon na maaari na nitong ikasawi ay nakita ko na lamang ang aking sarili na tumatakbo papalapit sa gawing iyon at inakyat ko ng buong lakas ang itim na nilalang saka ko itinarak ang espada sa leeg nito at nagpadaos-dos ako pababa hawak-hawak ang espada na siyang naging sanhi ng pagbutas ng leeg ng dragon. Umatungal ng sobrang lakas ang dragon at ramdam ko sa aking katawan ang likidong nang galing sa kaniya-Ang kaniyang dugo.

Dahan-dahan itong bumagsak at nahulog ito sa bangin. Batid ko'ng wala ng buhay ang drago'ng iyon. Sandali muna ako'ng luminga mula sa bangin bago ko harapin ang pulang dragon na siyang nagligtas sa akin na ngayon ay pinipilit na tumayo ngunit bumabagsak rin sa labis na panghihina. Kita ko mula rito ang pinsalang natamo niya mula sa pagkakaligtas sa akin. Labis na awa ang aking nararamdaman dahil sa kalagayan niya. Lumapit ako rito ngunit agad ako'ng napaatras ng umangal ito sa akin ngunit pinili ko'ng hindi magpasindak, dahan-dahan ako'ng lumapit muli.

"Huwag ka'ng mag alala, hindi ako kaaway, hindi kita sasaktan." Pagpapagaan ko rito at dahan-dahan ako'ng muli'ng lumapit at unti-unti ko'ng inaangat ang aking kamay para hawakan ang kaniyang ulo, pumapalag pa siya nung una ngunit kalauna'y naidampi ko na ang aking kamay sakaniya at hinimas ang ulo nito.

"eímai me to méros sou." (kakampi mo ako.) saad ko'ng muli at doon lamang siya kumalma at itinumba na ang sarili sa damuhan. Hinimas ko muna ang ulo nito para pakalmahin at agad akong tumungo sa kaniyang paa na siyang napinsala ng itim na dragon. Berdeng likido ang lumalabas rito na siyang kulay ng kaniya dugo. Pinunit ko ang ilang bahagi ng telang na sa aking damit at itinali ko ito sa kaniyang sugat sa ako pumikit at itinapat ang aking kamay sa sugat nito.

Lumakas ang hangin at ramdam ko'ng may kung anong enerhiya ang lumabas sa aking katawan. Oo nakapag pagaling ako, natuklasan ko ang kakayahan ko'ng ito nung ako'y pitong taong gulang, ngunit nagagalit rin ako sa kapangyarihan ito ng...hindi ito gumana sa aking ina.

Umatungal ng malakas ang dragon kaya napamulat ako ng aking mata, lumayo ako sandali saka ito lumipad na parang walang nangyari. Napatawa ako dahil makikita mo sakaniya ang labis na tuwa. Lumapag ito'ng muli sa damohan at humarap sa akin, Sa hindi ko mawaring kadahilan ay parang naiintindihan ko ang kaniyang nais. Tumakbo ako papalapit sakaniya at sumakay mula sa kaniyang likoran, Mahigpit akong humawak ng muli siyang lumipad. Sobrang saya ang aking nararamdaman. Pinangalanan ko siyang Persha.

At dito ko minahal at itunoring na pamilya ang pula'ng dragon na ito...

Continue Reading

You'll Also Like

28.7K 1.4K 25
Princess Bella, the first and only daughter of the famous rulers of the United Kingdom of Auradon, Belle and Beast. The twin sister of Prince Ben, yo...
92.1K 208 12
Adult content πŸ”žβš οΈ , smut...😍 read ur own rick βŒβ€ΌοΈ
1.4M 97.7K 24
#Book-2 in Lost Royalty series ( CAN BE READ STANDALONE ) Ekaksh Singh Ranawat The callous heartless , sole heir of Ranawat empire, which is spread...