MYSTICAL ACADEMY: Play with F...

By 3umoiriety

61.8K 2.9K 667

Raini Zalana Evanescent is just a normal teen age girl not until she reached 18 and her life suddenly change... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
Author's note
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
ANNOUNCEMENT
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36

CHAPTER 1

2.8K 106 8
By 3umoiriety

RAINI

I tried to focus my mind on the water in the front of me. suddenly a huge circle of water floated. dahil nawala na naman ako sa pokus ay bigla nalang itong lumipad at humampas sa TV. napatakip ako ng bibig nang biglang mag black out ang nakabukas na TV. I'm dead. agad kong pinuntahan ang nasirang gamit, sinubukan ko itong buksan pero hindi na talaga nagana.

Napatampal na naman ako sa noo dahil lagot ako kay Mama. dali dali kong pinunasan ang tubig na nagkalat sa TV. sigurado naman ako na hindi naman niya malalaman na nasira to, kung hindi siya manonood. nang makarinig ako ng pagbukas ng pinto ay parang tumigil ang tibok ng puso ko at ilang segundo lang sobrang bilis na ng tibok nito parang lalabas sa katawan ko.

Nagpanic na ako at tumakbo papunta sa kusina muntik pa akong madulas dahil sa tubig na nasa tiles. pinunasan ko muna ng mabilis ang tubig sa sahig bago tumakbo sa kusina. kinalma ko ang sarili habang nakatapat sa lababo. pinagpatuloy ko ang paghuhugas ng pakinggan nang marinig ko ang boses ni Mama sa likuran ko.

"Raini, nabayaran ko na ang field trip mo para bukas." gulat akong napalingon sa kaniya.

"Weh? di nga, Ma?" nanlalaking mata na paninigurado ko. natural magulat ako ang mahal kaya ng bayad sa field trip kaya nagpasya ako na hindi sumama kahit gustong gusto ko.

"Oo nga. since 18th birthday mo naman bukas, ayon nalang regalo ko sayo." nakangiting sagot ni Mama.

Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil hindi ko alam ang sasabihin, nangangapa pa ako ng isasagot. masaya na sana ako kaso nasira ko yung TV niya gusto ko maiyak.

"Hindi ka man lang ba masaya?" nagtatakang tanong niya pa.

"Ang saya ko sobra, Ma." nangilid ang luha ko. "Ma, I'm sorry, Ma!" tumakbo ako at lumuhod sa harapan niya. nakayakap ako sa bewang niya habang nakatingala sa kanya nag landas ang luha ko sa gilid ng pisnge. binigyan naman niya ako ng nagtatakang tingin.

"Ano bang ginagawa mo, Raini? bakit ka ba nagsosorry? kung yung perang binayad ko pinoproblema mo, wala yon." pang-aalo ni mama sakin.

"Kaso Ma, hindi yun ang problema ko. nasira ko yung TV, Ma! Sorry! Ma, hindi ko naman sinasadya!" lalong lumakas yung iyak ko. napahilot si Mama sa sentido na parang malaking kasalanan ang nagawa ko. masasabi ko naman talagang malaking kasalanan yun.

"Raini naman, ayon na nga lang libangan ko sinira mo pa." mahinahon na wika niya.

"Ma, natapunan ng tubig e." pagpapalusot ko. tumayo ako at tinignan siya ng may nakakaawang tingin.

"Natapunan." hindi naniniwalang sabi niya. "Ano naman ang sunod mong sisirain? pangatlong TV na natin yan, yung oven pangalawa na natin yan tapos yung electric fan pang-apat na natin." napakamot nalang ako sa mga sinabi niya. napapagod na ata siya kakabili ng gamit.

"Mag stock kaya tayo ng TV, Ma?" suhestiyon ko. napasimangot naman ako nang batukan niya ako.

"Ano tingin mo satin mayaman?" ramdam ko ang inis sa boses niya. pilit naman akong ngumiti habang naka piece sign.

"Wag nalang kaya tayo mag gamit, Ma?" suhestiyon ko ulit. sinamaan niya ako ng tingin halatang di sang-ayon sa sinabi ko.

"Magtino ka naman, Raini." pagod na wika niya. naglakad siya papunta sa sofa wala sa sariling ibinagsak niya ang sarili don. iniisip niya siguro tatlong buwan pa bago kami makabili ulit ng TV.

"E, bili nalang kaya tayo ng waterproof na TV?" suhestiyon ko ulit. dinampot niya ang maliit ng unan sa tabi at ibinato yun sakin na mabilis kong nailagan naman.

"May suggest ako para hindi na masira gamit natin. e, kung i-sako nalang kaya kita?" napangiwi ako sa suhestiyon niya. napabuntong hininga naman siya at pumikit.

"Pero thank you, Ma sa pagbayad doon sa field trip." I sincerely said. tumabi ako sa kanya at niyakap siya, sumandal naman ang ulo niya sa ulo ko.

"Mukhang nagkakadramahan kayo ah?" nagulat ako sa isang pamilyar na boses. paglingon ka sa likuran ay nakita ko si Papa na nakatingin sa'min ni Mama habang nakangiti.

Agad naman akong napatayo at niyakap si Papa. minsan lang siya umuwi sa bahay dahil stay in siya sa trabaho niya. uuwi siya twice in a month kaya sobrang namiss ko siya. naramdaman ko naman ang pagyakap ni Papa pabalik kaya napangiti ako dahil umuwi siya bago ako mag birthday.

"Pa, kasama ako sa field trip bukas." masayang wika ko ngumiti naman siya sa'kin at saka tumingin kay Mama.

Tumingin ako kay Mama nakita ko na naman ang pamilyar na emosyon sa mata niya tuwing uuwi si Papa. hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero sa tuwing nakikita niya si Papa parang puno ng lungkot at sakit ang mata niya. minsan tuloy iniisip ko kung may nagawa ba sa kanya si Papa na hindi maganda at ganoong emosyon ang nakikita ko sa kanya.

"Yakapin mo naman ako, Ria." nakabukas ang braso ni Papa at inaantay ang yakap ni Mama.

Marahan namang ngumiti si Mama at tumayo sa kinauupuan. lumapit siya kay Papa at magaan niya itong niyakap.

"I miss you." bakas sa boses ni Mama ang lungkot na nararamdaman niya.

Baka na-miss niya lang si Papa kaya ganun? lumapit ako sa kanilang dalawa at nakiyakap narin hanggang dibdib lang ako ni Papa kaya nakalapat ang tainga ko sa dibdib niya. napakunot ang noo ko nang hindi ko marinig ang tibok ng puso niya. pero inalis ko rin agad sa isip ko ang pagtataka na iyon ang importante kasama namin siya ngayon.

"Bakit ngayon ka lang umuwi, Pa?" bumaklas na kaming tatlo sa pagkakayakap.

"Maraming project e." sagot niya. napasimangot ako ng guluhin niya ang buhok ko, inayos ko naman to agad.

"Buti umuwi ka?" walang emosyong tanong ni Mama. ayan na naman bumalik na naman siya sa pabago bago na emosyon.

"Syempre, birthday ni Raini. kaso aalis din pala siya bukas." malungkot na sabi ni Papa.

"May gabi pa naman, Pa." may sasabihin pa sana si Papa pero nagpaalam si Mama na aakyat na muna siya sa kwarto. nakita ko naman na nakatingin lang si Papa kay Mama habang papalayo ito.

I think she'll cry again. ganun lagi ang set up pag-uuwi si Papa nagkukulong lang siya sa kwarto niya. pag napapadaan ako naririnig ko ang mga hikbi niya. hindi ko talaga maintindihan si Mama. tuwing susubukan ko siyang tanungin binabago niya ang usapan.

Kasalukuyan akong nasa mall kasama si Shane. nung nalaman ni Papa na sira yung TV inutusan niya agad akong bumili dahil boring daw sa bahay. buti nalang daw at sahod niya kaya binigay niya sa akin yung card niya pambili.

"Last time na pasama mo sa'kin, bumili ka ng oven." nagtatakang sabi ni Shane.

Napakamot ako sa ulo. "Oo nga e, hayaan mo next time na pasama ko sayo refrigerator naman bibilhin natin." napairap siya kaya natawa ako.

"Bilisan mo at kating kati na ako dumaan sa bookstore." yamot na sabi niya.

"Daan lang ba? hindi papasok?" taas kilay kong tanong sa kanya.

"Syempre kasama na'yon, duh!" napailing nalang ako at nagtingin-tingin ulit ng TV.

Nag-iisip pa ako kung flat screen ba bibilhin ko o hindi. pwede rin surprise ko sila Papa ng flat screen na TV, surprise na sariling pera nila ginastos ko. naglakad-lakad pa ako para tumingin, nakasunod lang sa'kin si Shane. napahinto ako nang may marinig akong usapan ng isang bata at ate niya ata.

"Magic powers are not real, okey?" wika ng babae. kunware lang akong nakatingin sa TV para hindi nila mapansin na nakikinig ako.

"But they're real in the book." sagot naman ng batang lalaki.

"Yes, In the book but not In real life." sagot naman ng ate niya.

"But I want to see magic powers." malungkot na saad ng bata. gusto ko silang lingunin pero pinigilan ko baka isipin chismosa ako.

I wish, I could show it to you.

"Saan ka naman makakakita nun." natatawang sagot ng ate niya.

Maybe, sakin?

Nang makalagpas na ang dalawa sa kinaroonan namin ay napabuntong hininga nalang ako.

"Hoy, ano? nakapili ka na ba?" tanong ni Shane na kakatapos lang mag pindot-pindot sa cellphone niya.

Humarap ako sa kanya. "Do you believe powers exists?" tanong ko sa kanya na ikinataka niya.

"Hmm. wish ko, oo sana totoo dahil sa mga nababasa kong fantasy pero wala pa naman akong nakikita kaya ang sagot ko ay hindi?" hindi siguradong sagot niya.

"Paano pag nakakita ka? maniniwala ka na?" pagtatanong ko ulit. napaisip naman siya.

"Hindi rin siguro? kung makakita man siguro ako tatakbo ako hindi ko maiisip na ang cool. unang papasok sa isip ko baka monster." natatawang sagot niya.

napabuntong hininga ako. "Ewan sayo." humarap nalang ako sa mga TV napagpasyahan ko nalang na yung nasa harap ko nalang bibilhin ko.

"Bakit mo ba naitanong?" nagkibit balikat nalang ako sa tanong niya.

"Kuya, bibilhin ko po ito." tinuro ko sa staff na lalaki yung napili ko.

"Ah sige po Ma'am, can you wait for a minute po?" tumango naman ako sa sinabi ng staff at tumakbo to palayo.

Naisip ko na naman ang tungkol sa sinabi ni Shane. mukha ba akong monster? pag pinakita ko sa kanya na kaya kong magpalutang ng tubig siguradong matatakot siya. hindi ko rin alam kung bakit nagagawa ko yon. kahit kila Mama at Papa ay kahit kailan hindi ko pinaalam ang tungkol sa bagay na yun.

Nang makatungtong ako sa limang taong gulang doon na nagsimula lahat. Iba ang pakiramdam ko sa tubig. unang beses na nakayanan kong magpagalaw ng tubig ay takot na takot ako. inisip ka na hindi ako normal na tao, hindi naman talaga. but In this world, I don't know where I should belong. hindi ko alam kung may kagaya ba ako sa mundong ito.

I don't like this power I possess. this made me more different of the normal people. If there's a way to nullify this power, I will.

"Ouch!" nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang pagdaing ni Shane.

May isang babaeng naka hoodie ang mabilis na tumakbo sa gilid namin at natamaan nito si Shane. agad kong dinaluhan si Shane.

"Okey ka lang?" tinulungan ko siyang tumayo. tumango naman siya bilang sagot.

"Kainis naman ang babaeng yun, alam niya ng may nadali siya hindi pa huminto para mag sorry man lang." wika ni Shane habang nagpapagpag ng damit niya.

Napatingin ako sa tinakbuhan ng babaeng naka hoodie. laking gulat ko nakasilip siya at nakatago sa kabilang section. she was looking at me intensely and now she's grinning. nakita ko ang pag ilaw mata niya na kulay asul. nagtayuan ang mga balahibo ko sa hindi malamang dahilan.

"Dito ka muna, Shane." iiwan ko na sana siya nang hawakan niya ang kamay ko.

"Ha? saan ka pupunta?" naguguluhang tanong niya.

"May nakalimutan lang akong bilhin, saglit na saglit lang promise." nagmamadaling sabi ko. tinanggal ko ang kamay nya na nakahawak sakin.

Hindi ko alam kung bakit ako sumunod basta may nagtutulak sakin na habulin yung babae na nakahoodie. hindi ko siya namukaan dahil sa hoodie na nakataklob sa kanya. I ran as fast as I could pero wala na siya kung saan kung siya nakitang nakatayo kanina. lumingon ako kung saan-saan pero wala siya.

Tumakbo ako sa kabilang section ng mga beverages at nakita ko siya na kakaliko lang sa kabilang section. tumakbo ako para maabutan siya pero katulad kanina ay wala na naman. paano nangyari yun e, kakaliko niya lang.

Tatakbo na naman sana ako nang makaramdam ako ng panghihina. may humihigop ng lakas sa katawan ko napahawak ako sa poste na nasa tabi ko para maiwasang bumagsak ang katawan ko. napapikit ako ng mariin dahil sa panlalabo ng paningin ko. nagmulat ako at nag angat ng tingin, nakita ko siya nakatanaw sakin mula sa dulo. hindi ko siya masyadong maaninag dahil sa panlalabo ng paningin ko.

Biglang may humawak sa balikat ko.

"Raini, saan ka ba nagpupunta? hoy, okey ka lang? namumutla ka." nagpapanic na sabi ni Shane.

Lumingon ako sa kanya. naramdaman ko na unti-unti nang bumabalik yung lakas ko. marahan ko siyang nginitian para ipahiwatig na ayos lang ako.

"I'm fine." tumatangong sagot ko. mukhang nakombinsi naman siya sa sagot.

"Siya tara na, inaantay ka ng staff dun." napabuntong hininga pa siya.

Nang makauwi kami ay hindi ko naabutan si Mama at Papa sa bahay. hinanap ko sila sa mga kwarto pero wala sila. asan kaya yung dalawang yun? baka naman nag date. dahil minsan lang nila makita ang isa't isa baka nag bonding.

Napahilata ako sa kama ko at mariin na nakatitig sa kisame. winaglit ko sa isipan ang babaeng hinabol ko kanina pero hindi ko parin maiwasang kilabutan kapag naiisip ko. napatigilid akong humiga at nakita ko ang isang baso na puno ng tubig. unti-unti kong pinaangat ang tubig naging isang water ball ito na nakalutang sa ere. dahan dahan ko itong pinalapit sa'kin tumihaya ako hanggang sa katapat na nito ang mukha ko.

Tinitigan ko lang ito nang biglang muntik ng bumagsak ang water ball sa mukha buti at napigilan ko. halos maduling ako dahil isang hibla nalang ang lapit nito sa mukha ko. bigla nalang itong bumagsak sa mukha ko, napabalikwas ako nang bangon dahil may pumasok ata na tubig sa ilong ko.

"Kainis naman." asik ko nang makitang basa ang unan ko.

Bumaba ako at saktong nakita ko si Mama na kakapasok lang sa pinto. napatingin siya sa gawi ko at marahang ngumiti lumapit naman ako sa kanya para yumakap. mukha siyang pagod.

"Saan ka galing, Ma? si Papa? hindi mo ba siya kasama?" sunod sunod na tanong ko.

Pero imbes na sagutin niya ay nagbaba siya ng tingin. kung hindi ako nag kakamali nakatingin siya sa kamay ko. kinuha niya ito at titig na titig sa singsing na nakasuot sa middle finger ko.

"Where did you get this?" pagtatanong niya.

Napatingin din ako sa singsing na nakasuot sa daliri ko.

"Hindi ko alam, Ma. almost two months na ito sa'kin hindi ko alam kung saan galing namalayan ko nalang na nandyan na, nakasuot na sa daliri ko tapos hindi matanggal. nakakapagtaka nga paano naisuot sakin to nang hindi ko namamalayan, ang sikip pa naman." mahabang litanya ko.

Parehas kaming nakatingin sa singsing na mayroong crystal sa gitna, sakto lang ang laki nun. naputol ang tingin ko sa singsing nang mapabuntong hininga si Mama kaya napatingin ako sa kanya.

"Ready ka na ba bukas?" naguluhan pa ako sa tanong niya dahil hindi ko alam kung saan ang tinutukoy niya na ready na ba ako. birthday ko ba or field trip. tumango nalang ako bilang sagot.

"Excited na nga ako, Ma e." natatawang wika ko. well, nasa legal age na ako bukas.

Nilagpasan niya ako, sumunod naman ako sa kanya.

"Si Papa?" pagtatanong ko.

"May inasikaso lang saglit." malimig na sagot niya. nagtataka na talaga ako sa ugali ni Mama. Bipolar ba siya?

"Ma, nakabili na akong TV." mema na sabi ko lang para maputol ang katahimikan na biglang bumalot sa paligid.

"Sirain mo ulit." natawa naman ako sa sagot niya.

Humarap siya sakin na may malungkot na tingin. ewan ko na talaga sa'kanya pabago bago siya ng emosyon. lumapit siya at hinawakan ako sa pisnge.

"May problema ka ba, Ma? kanina ko pa napapansin yang pabago-bago ng mood mo." nagtatakang sabi ko.

"Wala. mag-ingat ka bukas ha! kailangan umuwi ka dito ng walang galos." lumungkot ang boses niya nang banggitin niya ang huling sinabi niya.

"May sakit ka lang ata e." akmang hihipuin ko yung noo niya nang umiwas siya.

"Wala akong sakit. masama na bang magsabi ng mag-ingat ka?" taas kilay niyang tanong.

"Hindi naman." napakamot nalang ako sa ulo.

"Be ready. hindi lang kaarawan mo ang mangyayari bukas." makahulugang wika niya na ikinataka ko. napaka ano talaga ni Mama, nagpapa-mystery.

KINABUKASAN. nahihirapan akong makipagsiksikan sa bus dahil nag uunahan sila sa pagpasok. hindi man lang makapaghintay e, kala mo naman mauubusan ng upuan. wala naman akong kailangan ipangamba dahil alam kong ipag-seserve ako ni Shane ng upuan.

Napairap nalang ang mga mata ko sa mga lalaking nagtutulakan, mga lalaki nga naman talaga ang haharot. pumasok na ako sa Bus at luminga linga ako kung saan nakaupo si Shane. today is my birthday. bago pa ako umalis kanina sa bahay ay may nilagay si Mama sa bag ko na nakarolyo na papel. hindi ko alam kung ano yun pero binalaan niya ako na wag kong basahin or bubuklatin. bakit niya pa pinadala? nalungkot pa ako nang sabihin ni Mama na pumasok si Papa pero uuwi naman daw mamayang gabi.

Tumama ang bewang ko sa isang upuan dahil sa paghawi ng isang lalaki. hinayaan ko nalang at hindi pinatulan baka magkagulo pa dito sa bus at ako pa nagpasimuno.

"Oy, Raini! Happy Birthday!" bati ng isa sa mga kaklase ko. ngumiti naman ako at nagpasalamat.

"Birthday Girl, here!" napalingon ako sa gawi ni Shane kumakaway siya para makuha ang atensyon ko.

Pumunta ako sa gawi niya at nakita ko ang bakanteng upuan sa tabi niya, doon ako umupo. nakita ko pa na may iilan pang pumapasok sa bus at wala pa ang adviser namin.

"Nakakainis si Mommy sardinas pinabaon sakin." reklamo ni Shane sa tabi ko.

"Hayaan mo na, masarap ang sardinas." natatawang sabi ko.

"Ikaw binaon mo ba lahat ng handa mo?" nakita ko ang pagkislap sa mata niya. umiling naman ako.

"Wala akong handa tsaka mamayang gabi pa namin i-cecelebrate yung birthday ko." paliwanag ko.

"Should I call you ,Ate Raini?" napangiwi naman ako sa sinabi niya para namang ang laki ng agwat ko sa kanya kung tatawagin niya akong ate.

"Tatlong buwan lang ang tanda ko sayo, Shane." she giggled.

"Anyway, mag SamG nalang tayo sa birthday ko." nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya.

"I would love, too." dahil never pa akong nakakain doon. ngumiti naman siya pabalik.

Huling pumasok ay yung Adviser namin. nakita ko si Shane na ng earplug at pumikit. karamihan sa mga kaklase ko ay may sari-sariling mundo. kanya kanya ng kausap. siguro mahaba habang byahe to. dahil nasa tabi ako ng bintana nakatanaw lang ako sa labas hindi ko namalayan unti-unti akong hinihila ng antok.

"Okey, students listen." nagising nalang ako sa boses ng Adviser namin. nasa gitna siya at nasa kanya lahat ng atensyon ng mga kaklase ko. nilingon ko si Shane na tulog, marahan ko siyang ginising.

"Dahil sa dami niyo hindi lahat kayo mababantayan ko so make sure na walang lalayo sa inyo. kung saan ako pupunta para i-tour kayo, doon lang din kayo wag kayong aalis without my permission kung mag CR please let me know. wag magpagala-gala nang hindi ko nalalaman. all your parents trusted this field trip kaya wag kayong gagawa ng ikakapahamak niyo. are we clear?" mahabang litanya ng adviser namin.

"Yes, Ma'am." sagot namin lahat.

"Good. 30 mins nalang nasa Vintage palace na tayo." kita ko naman ang excitement sa mga kaklase ko dahil sa sinabi ng Adviser namin.

Konting minuto nalang. kinuha ko ang bag pack ko at pinatong to sa hita ko. pagbukas ko nakita ko ang papel na nakarolyo na binigay ni Mama.

"Ano yan?" bago ko pa ito makuha ay hinablot na ito ni Shane.

Nanlaki ang mata ko ng bubuksan niya ang nakarolyong papel. agad ko itong hinablot sa kanya na ikinataka naman niya.

"Paalala ni Mama wag ko daw itong buksan." sinuli ko ito sa bag at kinuha ang tubig ko doon.

"Eh? bakit pinadala sayo kung bawal pakialaman?" nagkibit balikat nalang ako sa kanya kasi hindi ko rin naman alam kung bakit.

"Di ko rin knows." sagot ko.

"Weird." wika niya.

"Weird nga talaga siya minsan." pag sang-ayon ko sa sinabi ni Shane.

Nagbasa nalang siya ng libro kaya hindi ko na siya kinausap. nakatitig lang ako sa libro na binabasa niya nakita ko ang title nito 'Abilities and Magics' napabuntong hininga nalang ako.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa Vintage palace. nakita ko kung paano mapunta ang atensyon ng mga kaklase ko sa bintana. kita naman ang isang kastilyo na sira at luma na. kung maayos pa ito ay masisiguro kong napakaganda nito. bakit kaya ito nasira?

Excited na nag-unahan ang mga kaklase ko palabas ng bus. nagpahuli na kami ni Shane para maiwasan ang siksikan. pagbaba ay nakatingin lang ako sa kastilyo na nasa harapan namin napakalawak ng nasasakop nito.

"Wow!"

"This is cool."

"May multo kaya dito?"

"Grabe ang laki pala nito."

Iba't ibang kumento ang naririnig ko mula sa mga kaklase ko. kahit ako ay hindi maiwasang mamangha sa nakikita ko. para kaming nasa lugar ni Harry potter.

"Students, follow me." agad naman kaming sumunod sa Adviser namin. papalapit kami ng papalapit sa kastilyo lalo itong naging malaki sa malapitan.

"Ang creepy. marami sigurong multo dito sa itsura palang parang ang dami ng namatay." wika ni Shane habang nililibot ang tingin sa buong kastilyo.

"You think?" tanong ko habang nililibot din ang tingin sa buong kastilyo.

Pagpasok namin sa loob ay nakakita kami ng maraming paintings na nakasabit sa mga pader.

"Students, ang mga paintings na nakikita niyo ayun sa mga researcher ay mga scene na naganap noon dito sa Vintage Palace. they discovered this place year 1981 pinangalanan nila itong Vintage Palace because of how it looks like." pagpalaliwanag ng Adviser namin.

So, 40 years na pala ito simula ng madiskubre ang lugar na to.

"Pwede niyong lapitan ang paintings at kung saan lang abot ng tingin ko dun lang kayo, please lang." dagdag pa nito.

Nagsimula na kaming magwatak-watak ng mga kaklase ko at nagsilapit iba't ibang paintings. sumunod naman sa'kin si Shane pumunta kami sa isang painting na may babae na naka luhod habang nakahiga ang isang lalaki sa hita nito. nakatitig ako sa isang punyal na nakatarak sa dibdib ng lalaki.

"This is so dramatic. totoo ba talagang nangyare ito? as if naman nandun sila sa scene." wika ni Shane.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. nakititig ako sa babae na parang pamilyar sa'kin ang itsura hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita. mamumukhaan mo talaga ito dahil parang buhay na buhay ang mga paintings ang linaw ng mukha nila.

"Nang matagpuan ng mga researcher to ay nandyaan na talaga ang mga paintings." napalingon ako sa dumaan na adviser namin. napayuko naman si Shane na parang napahiya.

Lumipat ako sa isang paintings. larawan ito ng buong vintage palace nung buong buo pa. hindi ko maiwasang hindi mamangha dahil napakaganda ng kastilyo. para itong plasyo sa mga napapanood ko na movie.

"Eh? bakit may dragon?" pagtataka ni Shane. napatingin ako sa itinuro niya hindi ito mapapansin dahil sobrang liit parang umiikot ito sa kastilyo.

"Parang hindi naman dragon, parang ibon." tinitigan ko pa ng mas mabuti ang painting.

"Ibon ba? mukhang dragon na makulay e. dami ko na ngang problema dumagdag pa ang painting na yan." natawa naman ako sa sinabi niya.

Lumipat pa kami sa kasunod na painting. well, hindi siya painting kundi isang letter nakasalin siya sa Latin ang nakasulat ay Mystical Academy. school? may school ba dito?

"Duh? pinagloloko ata tayo dito. bakit ipinaskil ang isang papel na walang kasulat sulat." pagrereklamo ni Shane.

Kuno't noo akong napatingin sa kanya. walang kasulat-sulat? hindi ba niya nakikita?

"What do you mean?" pagtataka ko.

"I mean. nakatitig lang naman tayo sa isang papel na walang sulat, ay baka kaya pinaskil kasi dating papel? vintage paper?" wika niya.

Binalik ko ang tingin sa painting paanong walang sulat ang laki laki nga ng mga letter na nakasalin sa Latin. hindi ba talaga niya nakikita?

"Students, tigil muna yan ang pupunta tayo sa mga Antique." Agad na lumapit ang mga kakalase ko sa Adviser.

Hindi pa ako aalis sa kinatatayuan kung hindi pa ako hinila ni Shane. I'm state of shock dahil sa hindi niya nakita ang sulat sa painting. how come? hila hila lang ako ni Shane habang nakasunod kami sa teacher.

Napatigil kami sa nakita naming kagamitan. para naman kami ngayon nasa isang museum. naka-kulong ang bawat gamit sa isang glass box. nagwatak watak na naman kami ng mga kaklase namin. as always, nakabuntot sa'kin si Shane.

Mga normal na gamit lang naman nakikita namin kaso mga luma na. lumapit kami sa isang susi, kasing laki ng palad ko yung susi.

"What is this?" I asked out of nowhere.

"A key?" hindi ko alam kung namimilosopo ba itong si Shane.

"Ibig kong sabihin may sobrang malaking pinto kaya dito." nagkibit balikat nalang si Shane.

Lumipat kami sa isang gold sword. sobrang kinang nito halos makita ko ang reflection ko sa sword na nakakulong sa malaking babasagin na kahon. I felt something about the sword and I don't know what is it. bakit ba iba ang nararamdaman ko sa lugar na to. ang ibang bagay na nakita ko ay pamilyar sakin.

"Ang cool huh? nakakasaksak kaya yan?" napalingon ako kay Shane.

"Seriously?" dapat pa bang itanong yun?

"Yan ba yung matatawag mong old? parang sobrang bago e." sumang-ayon ako sa sinabi ni Shane.

"Naiihi ako." nakahawak sa puson na sabi ko.

"Magpaalam ka kay Ma'am, antayin kita dito." tumango naman ako sa sinabi ni Shane.

Agad akong pumunta sa Adviser namin nag paalam ako at nagtanong kung saan ang CR. malapit lang naman tinakbo ko na agad mag isa ang dereksyon na tinuro niya. luminga-linga pa ako kung tama pa ba ang dinadaanan ko. ilang minuto pa ay hindi ko parin mahanap ang banyo unti-unti narin nawawala ang pakiramdam na naiihi ako.

Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng paa ko pero pa lakad lakad lang ako habang natingin sa paligid. ang ibang pader ay napapalibutan na ng mga baging at halaman. hinawakan ko ang pader pero nagtaka ako dahil hindi ko mawari ang tekstura ng pader. hindi ko masabi na magaspang o ano wala akong maramdaman. napatingala nalang ako sa mga nagtataasang pader buti at hindi ako nakakaramdam ng takot sa paligid.

Namalayan ko nalang na nasa likod na ako ng kastilyo. maraming maliliit na tunnel ang nakapaligid.

"Finally, the birthday girl."

Mabilis akong napalinga dahil sa boses na narinig ko. nakita ko nalang may isang babaeng mabilis na dumaan sa tunnel. nagtaasan ang balahibo ko nang mapagtanto na siya yung babae na hinabol ko kahapon.

Agad akong tumakbo pababa para hanapin siya. nakasuot siya ng red na cloak hindi ko na naman makita ang mukha nya dahil sa nakataklob sa ulo niya.

"Who are you?" medyo malakas na sabi ko habang nililibot ang tingin sa paligid.

"And why would I introduce myself to you, Raini?" nag echo ang boses nito sa buong paligid.

"How come, do you know me?" sigaw ko na nag echo sa paligid. narinig ko ang pagtawa niya.

"I have my ways, Raini and there is nothing I can't do." sagot nito. pinipilit ko parin siyang hanapin sa paligid.

"Nasaan ka? magpakita ka!" sigaw ko.

"Masyado ka namang maraming tanong. hanapin mo nalang ako."

Nakita ko na naman siya na mabilis dumaan sa kabilang tunnel. tumakbo ako papunta doon pero masyado siyang mabilis para maabutan ko.

"Hindi ako nakikipaglaro." seryosong sabi ko.

"And I am? nakakaawa ka, you know. you're not belong here, you should go back where you are truly belong." wika nito.

Nagtaka ako sa sinabi nito. bakit parang alam niya ang tunay kong pagkatao. natulala ako dahil sa sinabi niya nakaramdam ako ng panghihina. ibig sabihin hindi talaga ako para sa mundong ito.

"Anong bang sinasabi mo?" and now I'm teary eyed, my knees are trembling in so much fear.

"You are being such a fool." nagpalinga linga parin ako kung nasaan siya.

"Ano bang alam mo?" matigas na tanong ko. pinilit ko na magkunwareng matapang.

"Marami." maikling sagot nito.

Nakita ko na naman na may tumawid sa pinakadulong tunnel. kaya mabilis na tumakbo ako papunta doon pero imbes na maabutan ko siya nagulat ako sa naabutan ko. nakita ko si Mama na naglalakad palayo.

"Mama?" sinubukan ko siyang tawagin pero hindi siya lumingon.

At bangin na ang meron sa dulo, kaya nanlaki ang mata ko nang magtuloy-tuloy siya sa paglalakad.

"MAMA!" katulad ng una niyang ginawa hindi siya lumingon parang wala siyang naririnig.

Mabilis akong tumakbo sa kinaroroonan niya para pigilan siya sa paglalakad. malapit na siya sa dulo at dinadaga ang puso ko sa sobrang kaba. nasa dulo na siya nang maabutan ko paghawak ko sa braso niya ay bigla nalang siya naglaho.

"MA!?" sigaw ko na nag echo sa buong paligid. nakita ko kung gaano kalalim ang bangin na nasa harap ko.

"I told you, stop being such a fool."

Agad akong napalingon sa likod ko nakita ko ang pag ngisi niya at bigla niya nalang akong itinulak. parang huminto ang oras nang maramdaman kong tuluyan na akong nahulog. ito na yata ang katapusan ng buhay ko.

Isang malakas na enerhiya ang lumabas sa singsing na suot ko, binalot ng malakas na liwanag ang kapaligiran.

Continue Reading

You'll Also Like

176K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...