You're The One For Me [COMPLE...

By elleboooj

53 0 0

Paano mo nga ba masasabi na para sa 'yo na talaga ang isang tao? Is it by giving that person a cup of coffee... More

---
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14 (Part 2)
Chapter 15 (His Point of View)
Epilogue

Chapter 14 (Part 1)

1 0 0
By elleboooj

Hi! I cut the chapter 14 pala into two parts dahil masiyado nang mahaba kung sa iisang chapter lang. Thank you, and happy reading!

Chapter 14 (Part 1)

The scenery outside became blurry in my eyes as we passed by through the bridge because of the speed of the taxi.

But, in spite of that, I can still vividly remember on my mind the time when Nicholo brought me here just to stare at the sea below, the stars and the moon above the dark sky... and the first time he sang a song for me.

And I still can't believe that in just an hours from now, we're about to leave this country... for good.

Habang nasa taxi kami ngayon, ay hinahayaan ko lang ang sarili ko na alalahanin ang mga times na nakasama ko siya. Kasi, like what I've said, kapag nakarating na kami sa London, ay hindi ko na ulit siya iisipin pa. Na tuluyan ko na talagang kalilimutan itong nararamdaman ko at para na rin tuluyan na akong makausad sa kanya.

Alam kong mahirap na gawin iyon sa umpisa, pero kailangan ko. At ngayon pa lang, ay aaminin ko nang sobra na akong nasasaktan dahil ni hindi man lang nagkaroon ng pag-asa itong nararamdaman ko.

I told myself na ibabalik ko kay Nicholo iyong mga art mats na iniregalo niya sa akin, but I end up not doing it kasi hindi ko alam kung papaano ko ibabalik sa kanya ang mga 'yon.

Our last conversation and meeting on Kurt's birthday was really a goodbye. Pagkatapos ng mga sinabi ko sa kanya, ay wala na akong mukha pa na maihaharap sa kanya.

I mean, I know naman na hindi ako literally na umamin, but I know he's not that numb enough para hindi maintindihan ang gusto kong ipunto sa kanya nung mga sandaling iyon.

And somehow, bigla kong naisip, paano kaya kung umamin na ako sa kanya that time? Ano kaya ang mangyayari?

I wonder what would be his reaction? I wonder what will he do? Is he going to reject me, and tell me that he only sees me as a friend, or what?

Hindi ko alam, pero may takot sa puso ko sa kung ano ang maaari niyang maging reaksiyon, but at the same time, ay curious din ako sa kung ano ang sasabihin niya oras na umamin ako.

Malalim na lang akong napabuntong-hininga nang matanaw ko na ang airport. Kung sina mama, papa, at Moren, ay sobra nang excited sa gagawin naming pag-alis? Kabaliktaran naman no'n ang nararamdaman ko.

Kasi, ni katiting na kasiyahan o excitement, ay wala man lang akong maramdaman ngayon.

Sobrang bigat lang ng dibdib ko at naninikip na tila ako kakapusin ng hangin lalo na nang huminto na itong taxi sa mismong tapat ng airport.

Patuloy lang akong nakatulala sa labas nang makita kong bumaba na sina mama at papa para kuhanin ang mga luggage namin. Ngiting-ngiti pa sina mama sa driver ng taxi na tinutulungan sila sa ginagawang pagkuha ng mga gamit.

Mariin akong napapikit nang maramdaman ko ang kamay ni Moren sa balikat ko.

"Okay ka lang?" rinig kong tanong niya.

Dumilat ako bago ko siya nilingon. Isang pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya.

"Oo naman. Tara na?" sagot ko at akmang magsasalita pa sana siya, pero binuksan ko na ang pinto sa side ko at bumaba na.

Sakto namang tapos na rin sina mama sa pagkuha ng mga luggage namin.

Lumapit na kami ni Moren sa kanila bago kami sabay-sabay na naglakad papasok sa loob.

I felt like I was floating as we walk inside the airport. People are gathered on the lobby, and most of them were just like us, ready to leave this country.

Bahagya naman akong natigilan nang mapalingon ako sa isang pamilyang hindi kalayuan sa amin.

Umiiyak silang lahat habang isa-isang niyayakap ang isang lalaki na mukhang ngayon din ang flight papunta sa kung saan sa ibang bansa. He may be one of those OFWs who's willing to go and work abroad just to give his family a better future.

And I know it must've been really hard for him to leave his family here and go alone.

Napaiwas ako nang tingin nang may kung anong kumurot sa puso ko. Kung tutuosin, ay ma-swerte pa pala ako kasi buong pamilya kaming aalis at hindi namin kinailangang maghiwa-hiwalay.

Papa and Moren brought our luggages to the airport's security screening facilities to check our luggages, while mama and I go to the airport's counter to check us in.

After all the procedures that we needed to do, we all go to the waiting area to wait for our scheduled flight. We still need to wait for two hours here before boarding to the respective plane for us.

"Nakakagutom. Bibili muna ako," pagpapaalam ni Moren bago tumayo.

"Samahan na kita," sabi ni papa. Nilingon niya kami ni mama. "May gusto ba kayo ipabili?"

"Ikaw na ang bahala," sagot ni mama.

"Mavi?"

"Just coffee."

Nang makaalis sila, ay napasandal na lang ako sa kinauupuan ko at malalim na napabuntong-hininga.

"Hindi ka umamin?" biglang tanong ni mama.

Kunot-noo ko siyang nilingon. "Po?"

"You didn't confess?"

Mas lalo akong napakunot-noo. "Confess about what?" balik kong tanong.

"Sa nararamdaman mo."

Bahagya akong natawa. "Wala namang dapat na aminin," sagot ko.

Tinitigan ako ni mama bago ako pinagtaasan nang kilay.

"Baka nakalilimutan mong sa akin ka nanggaling? Nararamdaman ko, Mavi, kung may gusto ka sa isang tao."

Nawala ang ngiti sa aking labi nang sinalubong ko ang tingin ni mama.

"Then, your feeling tells you wrong."

Nginitian niya ako. "Alam mo bang iyan din ang sinabi ko sa lola mo noon? I kept on denying to her na wala akong gusto sa papa mo."

"But, you like papa already?" I asked, and she nodded.

"Yes, at nararamdaman iyon ng lola mo, pero hindi ko lang inaamin," saad niya.

"Then?"

She shrugs. "Then, she told me that I should tell what I really feel for your father before I regret not doing so."

"Did you do it?" I asked.

Her smile remained on her lips.

"Ano ang sa tingin mo?" balik niyang tanong sa akin.

Napalabi ako. "Hindi ka umamin?"

"Paano mo nasabi?"

I shrugged. "I don't know. It takes a lot of courage to confess to someone, right? That's a big risk for you. Paano kung hindi ka naman pala gusto ni papa? That would surely hurt."

"Siyempre, naisip ko rin 'yan, 'nak," she says. "Alam kong hindi madali ang umamin sa isang tao tungkol sa nararamdaman mo para sa kanya. Kasi, nandoon 'yong katotohanang maliit ang chance na gusto ka rin niya habang malaki naman ang chance na hindi niya masusuklian ang nararamdaman mo kasi wala siyang gusto sa 'yo."

Napaiwas ako nang tingin dahil tama ang mga tinuran ni mama. Kung umamin man ako kay Nicholo na gusto ko siya? Sigurado akong nandoon ako sa point na hindi niya masusuklian ang nararamdaman ko kasi alam kong may iba na siyang gusto.

And it hurts knowing that it wasn't me.

"Maliit lang 'yong chance na maaaring gusto ka rin ni papa, but you still take the risk.." I said. "I mean.. how?"

Mama's smile widened.

"Simply because I realized that sometimes, you have to take a risk and learn how to step out of your comfort zone. Iyan ang palaging sinasabi sa akin ng lola mo noon, at napagtanto kong tama siya kaya rin siguro ako nagkalakas ng loob na umamin," sagot niya.

Hindi ako umimik at naghintay lang sa mga susunod niya pang sasabihin.

"Kasi, naisip kong wala nga naman talagang mangyayari kung palagi ka lang mag i-stay sa alam mong hindi ka masasaktan. Like, paano mo malalaman ang sagot sa mga katanungan mo kung hindi mo susubukang alamin ang mga kasagutan at kung natatakot kang malaman ang katotohanan?" pagpapatuloy niya.

I tried to open my mouth to speak, but no words came out. All I knew was that every words that she spoke to me was certainly true, and I agreed with every inch of it.

"So.. Ano ang nangyari nung umamin ka kay papa?" tanong ko kahit na napaka-obvious naman na nang sagot.

"Nabuo ka?"

Biglang napahalakhak nang malakas si mama nang pinanlakihan ko siya nang mata. Kung may iniinom lang ako ngayon, ay paniguradong nasamid na ako sa isinagot niya!

"Biro lang, 'nak," natatawa niya pa ring sabi. "Pero, iyon nga. Umamin ako sa papa mo. Grabe 'yong kaba at takot ko that time kasi, paano kung ma-reject ako? Paano kung iwasan niya ako at iyon na ang huling beses na makakausap ko siya?"

She looked me in the eye and giggled like a teenager whose reminiscing her teenage self, confessing her feelings to someone she likes--or, shall I say, she loves.

"But, every what ifs on my mind bursted like a bubble when your father pulled me and kissed me," she chuckled, and I cringed.

I mean, seriously? Bakit ngayon niya naisipang ikuwento sa akin kung papaanong nagsimula ang love story nila ni papa?

At ano ba ang gustong i-point out sa akin ni mama? Na dapat ko ring aminin ang nararamdaman ko?

That's absurd.

Nilingon ko si mama na hanggang ngayon, ay nakangiti pa rin.

"You're a lucky woman, then," I honestly said. Yes, she was very lucky knowing that the man she loves feel the same towards her.

Because it rarely happens to people.

"Well, not really." I gave her a questioning look. "I wasn't really lucky, Mavi. Kasi, kung hindi ko naisipang mag-take ng risk na umamin, hindi naman mangyayari iyon, 'di ba?"

"Probably. Pero, kung hindi ka naman umamin, nandoon pa rin 'yong possibility na si papa ang aamin sa 'yo," sagot ko na nagpatango sa kanya bilang pagsang-ayon sa sinabi ko.

"Tama ka," muli siyang tumango. "Kailangan mo lang talaga na magtiwala at magkaroon ng lakas ng loob. Ano ngayon kung hindi ka niya gusto? So be it. In that way, ay malalaman mong hindi talaga siya ang para sa 'yo. Na hindi ka na mag-iisip at aasa araw-araw kung may gusto rin ba siya sa 'yo. Na puwede ka nang umusad kasi sa wakas, ay nalaman mong wala nang patutunguhan ang nararamdaman mo."

Muli akong natahimik pagkatapos marinig ang mahabang lintaniya ni mama.

And suddenly, bigla akong nagsisi na sana pala, ay umamin na ako kay Nicholo noong huling pagkikita namin.

Kasi, sa totoo lang, ay tama ang lahat ng mga sinabi ni mama. Na mas magandang alam mo ang kasagutan sa mga katanungan mo. Hindi 'yong palagi kang mapapaisip kung ano nga ba ang mangyayari kapag ginawa mo ito, o kapag ginawa mo iyan. Mas mababawasan iyong mga what ifs na naiisip mo kasi somehow, nagkaroon na nang sagot ang mga tanong na nasa isip mo.

Pero, sa puntong ito, ay wala naman ng sense kung umamin ako, o hindi. Aalis na kami ngayon at alam ko namang mawawala rin itong nararamdaman ko para kay Nicholo.

Oo, maaaring matagal bago mangyari, pero at least, alam kong magagawa ko.

"Kaya naman..." muli kong ibinaling kay mama ang atensiyon ko. ".. bakit hindi ka umamin?"

Napalabi ako at napabuntong-hininga. Akala ko ay tapos na kami sa usapang ito.

"Wala naman ng sense ang pag-amin ko, 'ma."

"Edi umamin ka rin." Kumunot ang noo ko. "Umamin ka rin na may gusto ka nga kay Nicholo."

Kaagad kong naitikom ang bibig ko at napaiwas nang tingin. Wala nang saysay kung patuloy pa akong magde-deny kay mama. After all, I'm her daughter. I know how she knows me that well.

"He likes someone else, so.." I shrugged.

"Sinabi niya ba kung sino?" Umiling ako.

Of course, why would he tell me who it is? At kahit na curious ako kung si Fatima nga ba talaga iyon, deep inside, ay ayaw ko rin namang malaman kung sino.

"Sa tingin mo, bakit hindi niya sinabi?"

"Nahihiya siya?"

"Bakit siya nahihiya?" tanong niya pa ulit.

"I don't know. And ayaw ko rin namang malaman kung sino, kaya mas okay na 'yon."

"Paano kung nahihiya siyang sabihin kasi ayaw niyang umamin?" Binigyan ko si mama ng isang hindi makapaniwalang tingin. "Paano kung ayaw niyang sabihin kasi... ikaw pala ang babaeng tinutukoy niya--" Umiling ako upang pigilan si mama.

"'Ma, please. Aalis na tayo. A-Ayaw ko nang mag-isip pa tungkol diyan.." Napayuko ako bago bumulong. "Ayaw ko nang umasa."

Napaangat ako nang tingin nang maramdaman ko ang paghaplos ni mama sa buhok ko.

She smiled at me gently.

"Alam mong ang gusto ko lang, ay sa kung saan ka sasaya. Kayong dalawa ni Moren. Maiintindihan namin kung ayaw mong sumama at gustong manatili rito..."

Napaawang ang bibig ko nang marinig ang sinabi ni mama. Napailing ako.

"No.. I mean, okay, aaminin kong ayaw ko talagang umalis, pero ayaw ko rin namang maiwang mag-isa rito. Mas importante kayong pamilya ko kaysa sa nararamdaman ko. Kaya kong isantabi 'to, mama, kasi alam kong eventually, ay mawawala rin 'to."

Besides, kung pipiliin kong magpaiwan, ay wala pa rin namang kasiguraduhan sa mangyayari oras na gawin ko ang sinasabi ni mama na aminin ko ang nararamdaman ko.

"'Yan ba talaga ang sinasabi ng puso mo, anak?" Sabay naman kaming napalingon ni mama nang marinig ang boses ni papa. "O, isip mo ang nagsasabi niyan?"

Umupo si papa at Moren sa harapan namin.

Tila ako biglang tinakasan ng mga salita nang dahil sa itinanong ni papa.

"M-Mas mahalaga kayo..." Ang tanging lumabas sa bibig ko.

"Pero, mas mahalaga kung ano ang totoo mong nararamdaman, Mavi. Oo, magulang mo kami at alam namin kung ano ang mas makabubuti para sa 'yo," ani papa. "Pero, hindi ba't sinabi ko na sa 'yo noon na malaki ka na? Na malaki ka na para magdesisyon para sa sarili mo? Na ang tanging magagawa na lang namin, ay ang suportahan ka sa kung ano ang makapagpapasaya sa 'yo?"

"At si Kuya Nicholo 'yon, tama?" nakangising pagsingit ni Moren.

Gusto ko siyang samaan nang tingin, pero nanatili lang akong nakatingin kay papa, hindi makapaniwala sa mga salitang itinuran niya.

Hindi ko alam, pero bigla ko na lang namalayan ang sarili kong nakayakap kay papa bago ko naramdaman ang sunud-sunod na pagpatak ng mga luha ko.

My hug became more tighter when he hugs me back.

"O-Okay lang po sa 'yo na hindi ako sumama?" bulong ko habang labis na pinipigilan ang sarili sa paghagulhol.

Papa caressed my back as I felt his head nodded.

"Go, Mavi. Be happy," ang tanging sagot ni papa dahilan para mas lalo akong mapaiyak at mapayakap pa sa kanya nang mahigpit.

"T-Thank you, papa.." I sobbed before letting him go.

Si mama naman ngayon ang tiningnan ko na nakita kong umiiyak na rin. Lumapit ako sa kanya para bigyan din siya ng isang mahigpit na yakap.

"Thank you, 'ma. All the things you've said a while ago... I'll keep all those in mind."

I felt her hugs me back, and gave me a kiss on my head.

"Go. No matter what happens, just remember all the things I've said. You deserves better, Mavi."

Kumalas na ako mula kay mama bago ko sila tiningnan na tatlo.

"I'll surely miss you all," sambit ko habang nagpupunas ng luha.

"Ang OA mo, Ate." Nagawa ko nang samaan nang tingin si Moren. "Uso na kaya Skype. O, kaya naman video call sa Messenger."

"Sa tingin mo ba, ay hindi ko alam 'yan?" asik ko at imbis na patulan ang sinabi ko, ay ibinigay niya lang sa akin ang isang cup ng coffee na ipinabili ko at ang luggage ko.

"Hindi 'yan ipinasama ni papa para ipa-check, kasi may kutob daw siyang hindi ka sasama. And he was right."

Napangiti ako nang tiningnan ko si papa.

"Sige na. Aminin mo na ang nararamdaman mo para naman umamin na rin siya sa 'yo," pang-aasar ni mama.

Kinuha ko na ang luggage ko at mahigpit itong hinawakan.

Tumalikod na ako sa kanila at naglakad na paalis. Pero, kaagad akong huminto sa paglalakad at tumakbo pabalik sa kanila upang muli silang yakapin na tatlo.

"I'll see you all guys soon."

---

Kasalukuyan na akong nakasakay ngayon sa taxi. Kanina ko pa rin chinachat si Nicholo, but he's offline in this moment.

Obviously, I don't have his number, so did he of mine, kaya naman kahit gusto ko siyang tawagan, ay hindi ko rin magagawa.

Alam kong nasa trabaho siya ngayon at alam ko rin kung saan iyon, kaya imbis na magpahatid sa bahay, ay sinabi ko sa driver ang address ng company kung saan nagtratrabaho si Nicholo.

He once told me where it was when I asked him, at hindi ko akalaing darating ako sa point na pupuntahan ko siya roon.

My heart beats so loud and fast as if it was about to explode in its cage habang papalapit nang papalapit ang taxi sa lugar na bababaan ko.

Parang kanina lang, ay sobrang buo na ang loob kong umamin sa kanya, pero ngayong huminto na ang taxi, parang gusto ko na lang na bumalik ulit sa airport at sumama na lang kina mama.

Pero isinantabi ko ang kabang nararamdaman nang maalala ang mga sinabi sa akin ni mama kanina.

Right now, I'm going to take a risk and I'm going to step out of my comfort zone. Wala na akong pakialam sa mangyayari, basta ang mahalaga, ay masabi ko ang tunay kong nararamdaman para kay Nicholo.

I stood in front of the huge building with my luggage. Good thing I was wearing a hoodie, kaya naman 'ayos lang kahit na masinagan ako ng araw.

Nag-umpisa akong maglakad palapit sa may entrance. Abala ako sa pag-iisip nang idadahilan sa guard para lang papasukin ako sa loob nang matanaw ko si Kurt at ang kulot niyang buhok.

"Kurt!" I called, and I saw him flinched nang dahil sa pagsigaw ko sa pangalan niya.

"Mavi?" gulat niyang tanong bago nagpalipat-lipat ang paningin sa akin at pati na rin sa luggage ko. "Ano'ng ginagawa mo rito? Hindi ba't ngayon ang flight niyo?"

Ngumiti ako sa kanya. "Hindi ako sumama sa pamilya ko," maikli kong sagot. "Uhm... S-Si Nicholo?" I asked, and his facial expression changed.

"Hindi mo ba alam?" Nawala ang ngiti ko at napakunot-noo.

"A-Ang alin?"

Kurt sighed heavily. "Ngayon din ang flight ni Nicholo papuntang Las Vegas," sagot niya na talagang hindi ko inaasahan. "Noon pa kasi may nag-aalok sa kanya ng trabaho roon, pero hindi niya tinatanggap. Pero, nang malaman niyang magmi-migrate na kayo... ay tinanggap niya na ang trabaho at ngayon din mismo ang alis niya."

Ilang beses akong napakurap at hindi kaagad nakapagsalita.

What? Nicholo's also leaving?

"But... I didn't saw him at the airport!" I told Kurt.

"Of course, you wouldn't. Sa ibang airport siya nag-booked ng flight, Mav."

Bagsak-balikat akong natulala sa kawalan, hindi na malaman kung ano na ang sunod na gagawin. I was just staring into nothingness as I felt Kurt's gaze on mine.

"Well, I think, mahahabol mo pa siya," aniya para muli ko siyang tingnan. "His departure is at 1 PM. It's already eleven o'clock, and you still have two hours to get there. Mahigit isang oras ang biyahe papunta roon sa airport at hindi pa kasama ang traffic doon," Kurt explained carefully.

Kaagad akong napatango at nabuhayan ng loob sa kanyang sinabi.

"Alright. I-I'll go there. Thank you, Kurt," I replied and I was about to walk away when he stopped me.

"Just wait here. I'll get my car. Mas matatagalan ka sa pagpunta ro'n kung magta-taxi ka lang," he suggested.

Balak ko na sanang tumanggi dahil una sa lahat, ay nasa trabaho siya ngayon at baka nakaaabala na ako sa kanya. Pero, bago pa man ako makatanggi, ay mabilis na siyang tumalikod at tumakbo papasok sa loob ng building.

Napahinga na lang ako nang malalim at sinunod ang sinabi niyang maghintay ako rito.

Kurt took almost five minutes. He parked his white car in front of me and I was stunned for a moment nang makita si Joseph na nakasakay sa may backseat.

He smiled at me when Kurt get my luggage to put it inside the trunk.

"Do you mind if I tag along?" Joseph questioned as soon as I got inside the passenger.

Umiling ako at bahagyang ngumiti. "No. Not at all."

"So, shall we chase the man for you--I mean, Nicholo?" Kurt kidded. Tinaasan ko lang siya nang kilay kahit na feeling ko, ay sobrang na ang pamumula ng mukha ko ngayon.

Kurt started to drive his car. I was just quiet for a moment while silently praying na sana ay maabutan pa namin si Nicholo.

Joseph volunteered to call Nicholo, but to no avail.

"You know, Mav," says Joseph. "Nang malaman naming aalis ka, I thought we'd be chasing you at the airport, but everything just flipped like a paper."

I looked at Joseph over the passenger. Kurt laughed.

"You know. Instead of Nicholo, ikaw ang nakaupo riyan at siya ang hahabulin natin sa airport. This really excites me," aniya pa.

Hindi na lang ako umimik at muli na lang na napatingin sa labas.

All the way to the airport for more than an hour, all I did was to pray and practice what would I tell to Nicholo kapag naabutan pa namin siya. I promised to myself that I'd tell him what I really feel for him, and that I'd accept kung ano man ang magiging reaksiyon niya.

Ang gusto ko lang talaga ngayon, ay ang umamin. Wala naman na akong magagawa kung iba talaga ang gusto niya at kung tutuloy pa rin siya sa kanyang pag-alis.

Kapag gano'n ang nangyari, siguro nga, ay hindi talaga siya ang para sa akin.

Thirty minutes before one o'clock, we arrived at the airport's parking lot. We immediately got out of the car and did a half-run to get inside the airport.

Mabuti na lang at walang humarang sa aming mga guards, kaya naman 'agad kong inilibot ang paningin ko sa buong paligid upang hanapin si Nicholo sa dagat ng mga taong narito.

"Ang daming tao," Kurt murmured.

"Let's page him," suhestiyon ni Joseph. "Mas mapabibilis kung gano'n ang gagawin natin."

Tumango kami ni Kurt at sumang-ayon sa sinabi ni Joseph. Maglalakad na sana ulit kaming tatlo nang marinig namin ang announcement.

"Good afternoon. To those passengers of flight Aquila 204 to Las Vegas, gate 12 is now open. Please, have your boarding pass and identification ready. Boarding will begin in approximately five minutes time now. Thank you."

Nilingon ko si Kurt pagkatapos naming marinig 'yong announcement.

"Akala ko 1 PM pa ang flight niya?"

"Iyon ang sinabi niya. Maybe, nabago ang schedule at napaaga?"

"Guys, we still have five minutes bago sila mag-boarding. Tara na sa paging station," awat sa amin ni Joseph at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nang makarating sa paging station, ay isang babaeng staff ang naabutan namin doon at sa tingin ko, ay siya rin ang narinig naming nag-announced kanina.

"How may I help you all?" pambungad nito nang makita kami.

"We thought, 1 PM pa ang flight to Las Vegas?" sagot ni Kurt.

"Um, nagkaroon ng adjustment, Sir. Nakiusap ang pilot na agahan ang flight sa nakatakdang schedule."

Nagkatinginan kaming tatlo.

"Then, can we page someone?" I asked hurriedly. "Mas mapapadali kasi ang paghahanap namin sa kanya."

"Sure," she nods. "What's the name?"

Muli kong tiningnan sina Kurt bago ako sumagot.

"Uh, is it okay kung ako ang magpa-paging?"

The woman shrugs. "No prob. Go ahead," pagpayag niya at hinayaan akong maupo sa kinauupuan niya.

Kinuha ko ang phone, pager, beeper--or whatever they call this device, and put it near my mouth. My hands are trembling and my heart's been thudding so loud now because of nervousness, but at the same time, excitement.

Huminga ako nang malalim.

"Um.." I looked at Kurt and Joseph, and they just both nodded their heads. "P-Paging Mr. John Nicholo Salazar. If you hear this... Please... Please, meet me at the lobby. I-I'll wait you there. Just... Just don't leave yet. Please, Nicholo..."

Nag-isip pa ako ng mga sasabihin ngunit wala nang lumabas pa sa bibig ko. Tahimik ko na lang na ibinaba sa lamesa ang pager na hawak habang umaasa na sana ay narinig niya ang mga sinabi ko.

"Thank you.." sabi ko sa babaeng staff.

She smiled at me. "No problem. I just hope na narinig niya pa ang mga sinabi mo... Kasi, hindi tayo sigurado na baka nasa eroplano na siya ngayon."

Tumango ako at malungkot na ngumiti sa kanya. Muli akong nagpasalamat bago kami tuluyang umalis na tatlo mula roon.

Habang naglalakad, ay tila may nakadagan na kung ano sa dibdib ko.

"Narinig niya 'yon, Mav. Tiwala lang," Joseph said.

Pagkarating namin sa lobby, ay medyo kumaunti na ang mga tao dahil ang iba, ay mga nag-board na. Balak ko na sanang umupo upang doon na lang maghintay nang maramdaman ko ang pagkalabit sa akin nung dalawa sabay turo sa labas.

"Aquila 204 ang eroplanong papuntang Vegas, 'di ba?"

Tulala akong napaupo. Sinundan ko nang tingin ang eroplano hanggang sa lamunin na ito ng mga ulap sa kalangitan.

Tahimik kong pinahid ang mga luhang kumawala sa aking mga mata. Wala na akong pakialam kahit na nakatingin sa akin sina Kurt ngayon.

Ang gusto ko lang ngayon, ay ang mabawasan ang sakit na nararamdaman.

Dapat pala ay sumama na lang ako kina mama kung ganito lang din pala ang mangyayari. Sana pala ay nag-stick na lang ako sa plano kong umalis at kalimutan na siya para sana hindi ako nasasaktan nang ganito.

Pero, alam ko namang may kasalanan din ako.

Sobrang dami kong naging time noon na nakasama siya para umamin, pero hindi ko ginawa nang dahil sa takot ko na ma-reject. At ngayon namang handa na ako... saka naman siya umalis.

Now I realized that he's not really the one for me. It's funny na inisip ko 'yon just because of his actions na ipinakikita niya sa akin.

At kung ito na talaga ang kapalaran namin... ay tatanggapin ko.

Pero, hindi ko itatangging nanghihinayang talaga akong hindi namin siya naabutan ngayon. Sa dami ng mga flights na puwedeng mabago ang schedule, bakit iyong flight niya pa?

Ito na ba talaga ang sign na dapat ay kalimutan ko na siya?

***

Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 303K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...
1.2M 94.7K 40
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
435K 6.1K 32
Rajveer is not in love with Prachi and wants to take revenge from her . He knows she is a virgin and is very peculiar that nobody touches her. Prachi...
2.5M 145K 48
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...