Fall From Heaven

By TheQueenJRose

290 1 0

Pitong taon kitang pinangarap.. More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5

Fall From Heaven

133 1 0
By TheQueenJRose

Author's Note
This is a work of fiction. STILL, given an infinite number of possible worlds, it must be true on one of them. And if a story set in an infinite number of possible universes is true in one of them, then it must be true in all of them. So maybe it's not fictional at all.

🍒

PROLOGUE

Paraluman: Rain Astraea Cortez








"After exams, babawi talaga ako. Ha?"





Mataman ko lang syang tinitigan sa screen ng laptop ko. Then I smiled..




"Don't worry about me, okay? You should focus on your reviewers. Nandito lang naman ako, maghihintay ako sa tawag mo."




She closed her notebook tapos ay bahagya syang lumapit sa camera kaya inilapit ko rin ang mukha ko sa screen.




"It sucks. I should've met you way before college para sana na-convince ko sila dad na dyan na lang sa Baguio mag-aral."





"That would've been better.." I smiled bitterly.






Maybe if we met earlier.. baka hindi ganito yung nararamdaman ko. Hindi ako nahihirapan. Ikaw agad ang pipiliin ko..





"You okay, Rain?"





I nodded. "Oo naman.." tumingin ako sa orasan at muking bumaling sakanya. "Kailangan ko na ring magbihis, susunduin na nila ako in 30."






"Update me kahit 'di ako makakapagreply?"







Hindi ako agad na nakasagot dahil rinig ko ang pag-iingay ng mga kaibigan kong kakapasok lang sa loob ng bahay.





"Bakit?"





"Speaking of the devils.."





She giggled. "Paki-sabi na lang sa kanila na nag-'hi' ako, Rain.."





"Ayaw mo ba sila kausapin? Ipapakausap naman kita.."






"Hindi na. Alam kong nagmamadali ka and I really have to study na rin."






"Okay.. I'm gonna end the call na."






"Uhm.. Hey, Rain."





"Hmm? Yes, Ali?"





She pouted a bit then umiling sya. "Nothing.. just.. update me, okay?" pilit nyang ngiti sa akin, at ramdam ko rin sa tono ng boses nya na may gusto syang sabihin pero nag-aalangan sya. At alam ko na rin naman kung bakit.






"I will.. But.. okay lang rin naman if I stay na lang. Samahan kita mag-study."





"Eh.. hindi na. Alam kong na-stress ka sa finals nyo. Gusto kong mag-enjoy ka tonight with our friends."






"Ali, just give me more time.. I'm almost there."






She nodded and then kissed me on the screen. "I love rain."







'I hate rainy season. I hate rain.. I hate when it's rainig. Ang hassle. Sobrang traffic. Nababasa yung shoes ko.'






Sobrang magkaibang-magkaiba sila. Ali loves rain, but she hates it.





And as soon as I shutdown my laptop ay narinig ko na ang pagsugod nila sa kusina..




"What the fuck, Rain? Anong oras na hindi ka pa rin nagbibihis?" reklamo nila isa-isa pero dumiretso naman agad dila sa fridge. May mga kaibigan talaga akong patay-gutom.




"May kinausap lang.. aakyat lang ako, bibihis sandali."







Hindi naman nila ako pinansin kaya agad na binitbit ko na ang laptop ko at nagtungo na paakyat sa kwarto.. Hindi ko sya nakita sa kusina pero ramdam ko sya, yung titig nya sakin-- alam kong nakatitig sya.








Pagpasok ko sa kwarto ko ay doon pa lang ako nakahinga ng mabuti. Putangina. Mabilis na inabot ko ang damit kong nakahanda na sa kama ko.. Nag-aayos na ako sa harap ng salamin ko ng may bigla na lang pumasok sa kwarto.




Napahinto ako. At napatitig.. sa kanya.




"Hi."




Putangina. 'Hi' pa lang pero kinilabutan na ako.. It gave me chills juts by hearing her voice. Isang buwan.. isang buwan kong tinakasan ito.





"Hi?" Awkward na bati ko rin sa kanya. Iniwas ko na nga agad yung tingin ko kasi hindi ko kaya.. Bigla na nga lang din akong kinabahan at nanginig ang mga kamay ko.





Pabagsak kong ibinaba ang bote ng pabango na hawak ko dahilan kung bakit sya napatingin don. "Oh, you changed your perfume na?" tanong nya na parang walang nangyari.






She closed the door behind her tapos ay dahan-dahan na syang naglakad palapit sakin. Napaatras ako..






Isang buwan ko siyang iniwasan kaya bakit ko sya hahayaang lumapit sa akin?!







"Hanggang dyan ka na lang, please." pigil ko sa kanya.






"May problema ka ba? May problema ba tayo?" malamig na tanong nya sa akin.






Bago pa man ako sumagot ay sunod-sunod nang pumasok ang mga kaibigan namin.


"Oy tapos na pala magbihis si Rain!"





Agad na hinila na nila kami palabas sa pagsigaw ni Jane.. Mabuti naman! Dahil hindi ko kinakaya yung tensyon na namumuo sa amin sa loob ng kwarto ko.





Apat kami sa sasakyan ni Claude... tapos sa kabila naman yung apat. Dapat doon ako sa sasakyan ni Jane pero inunahan nila ako.. ang nakakainis pa nasa tabi ako ng driver's seat.






"Buti na lang sumama si Rain, tangina, halos ayaw na magpakita nito satin!" pangpupuna sakin ni Zari.





Hindi naman talaga sila yung iniiwasan ko! Si Claude lang.. Pero dahil nasa iisang circle of friends lang kami, pati sila nadamay.






"Here.." sabay abot sakin ng tequila shot ni Claude at wala na naman akong choice kundi tanggapin iyon at inumin. Ayokong mas lalong magtaka ang mga kaibigan namin dahil lagi ko na lang dahilan na busy ako mag-aral kaya hindi ako nakakasama.






I sent a dm to Ali, sinabi ko lang na nag-iinom na kami at tatawag na lang ako pag nakauwi. Hanggang sa lumalim na ang gabi, hindi na namin namalayan na nakakarami na kami ng inom. Nasa Miguel's lang kami ngayon at balak sana namin magpunta sa Ampersand pero mas nag-enjoy na sila dito..





"Nahihilo na ako.." bulong ko kay Zari.




"Nasusuka? Samahan kita sa washroom?"





Agad na umiling ako.. "Nope. Kaya ko na.. Sabihan mo si Jane wag na uminom at magdadrive pa sya."





Nilingon namin sila at napaparami na nga talaga sila.. Pero si Jane hindi naman na umiinom. Si Claude ay tahimik lang na nakatingin sa akin.. parang tinatantya nya kung lasing na ba ako o hindi kahit na sa totoo lang pinipilit kong ayusin ang sarili ko.






"Mabilis lang ako." paalam ko kay Zari pero inubos ko muna ang laman ng baso ko kaya mas lalong nadagdagan yung hilo ko.





Matagal na tinitigan ko ang sarili ko sa salamin bago naghilamos.. pumikit ako ng mariin, pinapakiramdaman ang sarili ko kung kaya ko pa ba dahil parang bibigay na yung tuhod ko dahil bigla akong nanghihina. Sobrang init sa pakiramdam.




"Rain.." may pag-aalala sa boses nito. Kilala ko na agad pero nanatili akong ganon. Nakapikit at nakatunkod ang dalawang kamay ko sa sink.



"I'm taking you home."







I'm taking you home.. I smirked at that thought. Tangina naman.







"Please, let's get you home, okay? Tayo na lang naiwan.."





Hindi na naprocess ng utak ko yung mga sumunod na sinabi nya.. Naalimpungatan na lang ako ng may bahagyang tumapik sa akin.





"We're here.."





Agad na iginala ko ang mata ko sa paligid.. 12:35am





"It's way past your curfew, Claude."






She smiled at me. "Nah.. okay lang. Kakausapin ko na lang--"




"Stay the night.."





Agad na bumaba sya sa sasakyan nya at pinagbuksan ako ng pinto. Habang papasok kami sa bahay ay nakalimutan ko na kung bakit ako umiiwas sa taong 'to. Hindi naman kami ganito dati.






Nakahiga na ako sa kama ko when she came out of the bathroom.. We needed to take a shower para maging sober kami. Lumapit sya at tumabi na sa akin.



We used to share beds.. we used to being close to each other but..



"What happened?"





Oo nga.. What happened? What happened between the two of us?




"I have no fucking clue of what's been happening, Rain. Kung iniiwasan mo ba kami or busy ka lang talaga.. kung kami or ako? Iniiwasan mo ako." may hinanakit na sabi nya sakin.





"Claude, ayokong pag-usapan."






"Ayaw mong pag-usapan pero paano naman ako??"






Sa sobrang inis ko ay hinarap ko sya habang kuyom ang mga kamay ko. "Paano ka? Tama ba ako ng narinig, Claude? PAANO KA?!"





"Ano bang nangyayari sayo?" nalilito nyang tanong sakin.





Tangina! Napakamanhid mo! Ang tigas mo naman!






"Claude.. pagod na ako. Pagod na akong habulin ka. Pagod na akong sundan ka. Pagod na akong abutin ka. Ang hirap mong abutin, ang hirap-hirap mong mahalin, Claude.. Kaya paanong 'paano ka'?"






Her face that seemed puzzled turned soft.. parang unti-unti na nyang naintindihan.





"Pagod na akong magmakaawa sayo na ako naman ang piliin mo.. Unti-unti ko nang tinatanggap na baka nga hindi mo naman talaga kayang magustuhan ako. Na baka hindi naman talaga ako yung hanap mo. Sinusubukan kong piliin yung sarili ko ngayon."






Habang tinititigan ko syang tahimik lang sa harap ko ay hindi ko na napigilang bumuhos ang mga luha ko..






"Bakit mo ako pinahirapan ng ganito? Eh ang gusto ko lang naman ay mahalin ka.. alagaan ka. Bakit mo ako pinagod ng ganito?"







She reached for my hands and squeezed them. She wiped my tears as she slowly guided me to lay down. Magkaharap kami at nasa pagitan namin ang mga kamay nyang nakahawak sa mga kamay ko. I was still crying in front of her in silent.






"I'm sorry.. Kung pinaghintay kita ng ganito katagal. I'm sorry, pinagod kita."




Naghihintay pa ako ng idudugtong nya pero wala na akong narinig.. Mas lalo lamang akong humikbi dahil don.





"Pahinga na.." masuyo nitong sabi at naramdaman ko ang paghalik nya sa aking noo.





Hindi ko alam kung bakit kita minahal ng ganito, Claude.. Hindi ko alam kung bakit kahit ilang beses na akong nasasaktan dahil sa pagmamahal ko sayo ay ikaw pa rin yung araw-araw na pinili ng puso ko?







"Sana nga, Rain, ikaw na lang.. Sana noon pa lang ikaw na para hindi na ako nalito ng ganito."

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 54.4K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...