Make You Stay (Book 2 of You...

By coralunaa

30.8K 1.2K 230

Kasabay ng pag-usad ng panahon ay ang pagkatuto ni Claudine. Kasabay ng pagyabong ng mga puno ay ang kanyang... More

Make You Stay
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 34

600 29 2
By coralunaa

"Claudine, pasensya ka na talaga kay Jason. Hiyang-hiya kami ni Francisco sa'yo." mahinahong sinabi ni Auntie Edna.

Nasa loob kami ng bahay nila ngayon. Kung saan kami naghapunan noon, noong unang araw ko rito. Sina Vince naman at Tiyo Francisco ay nasa labas, nagkukuwentuhan. Tulog daw si Jason kaya kahit papaano ay napanatag akong dito sa loob makipag-usap, para rin may kaunting privacy lalo pa at confidential ang gusto kong malaman.

"Ayos lang po... kahit na nakaka-trauma ay naiintindihan ko naman na dala lang talaga iyon ng sitwasyon ni Jason." ngumiti ako.

Tinitigan niya ako at maya-maya pa'y malungkot na ngumiti.

"Salamat naman kung ganoon. Kase wala talaga kaming pambayad sa mga gamit mong nakuha niya. Ni isang sakong bigas nga, hirap na hirap naming mabayaran."

Bumuntonghininga ako, kasabay ng pagkirot ng aking puso. Mahirap nga talaga ang sitwasyon ni Auntie. With their life status and Jason's condition, life must have been tough.

"H-Hindi niyo po ba... nasubukang ipatingin si Jason sa doktor? Or.. wala ho bang mga medical mission na napapadpad sa islang 'to?"

I am not knowledgeable about Jason's psychological condition but I'm sure mental facilities can help him.

"Meron naman. Kaso... ayaw naman naming malayo siya, Claudine. Kahit ganyan... mahal na mahal namin ni Isko si Jason. Masakit para sa'ming ipaubaya siya sa iba at malayo sa'min. Kahit nga 'yang si Sir Vince, nag-offer na ipa-tingin sa espesyalista si Jason kaso ayaw talaga ni Isko. Hindi naman sa ayaw namin siyang gumaling... masakit lang talaga sa'ming malayo siya."

Can't you endure for a while in exchange of his healing? Despite the urge to ask her that, I nodded slowly. I can't judge her. Ayoko siyang kuwestiyunin kahit hindi ko siya lubusang maintindihan. Natural lang naman sigurong hindi ko siya ma-gets dahil hindi pa naman ako ina, I am not on her shoes.

"Sya nga pala, nasisiyahan ako at kina Sir Vince ka napadpad. Mababait ang magkapatid na Sarmiento. Hulog sila ng langit sa'min."

Hulog nga rin po talaga sila ng langit sa'kin.

"Nakakatuwa nga dahil minsan nang makita kita kasama si Ma'am Esmeralda, nakangiti ka at mukhang masaya. Kahit papaano ay naibsan ang guilt ko na imbes na sa amin ka tumira, sa iba ka pa tuloy nakituloy."

"Ayos lang po 'yun, Auntie. Ang babait nga po ng mga Sarmiento."

She smiled at me like she's also grateful and proud of them.

"Alam mo bang karamihan sa mga bangka rito, pagmamay-ari ni Sir Vince? Pati iyong kay Francisco. Bukod sa ipinamamahagi niyang ayuda buwan-buwan, namimigay din siya ng trabaho sa mga tao. Ang bait talaga ni Sir. Kung lahat lang siguro ng mayaman ay kagaya niya, namamahagi, siguro kahit papaano'y maiibsan ang kahirapan sa mundo."

Parang may kamay na humaplos sa puso ko. Nangingilid pa ang luha ni Auntie na tila ba ganoon siya ka-nagpapasalamat kay Vincent.

Hindi ako nagsalita dahil namamangha ako. Alam ko namang mabait at mapagbigay si Vince dahil nasaksihan ko naman 'yun, pero iba parin talaga ang pakiramdam kapag iyong mga taong natutulungan niya ang nakapagsasabi.

"Kaya nga rin hindi nakapagtatakang halos lahat ng kababaihan dito, may asawa man o wala, nahuhumaling sa kanya. Aba'y bihira nalamang ngayon ang lalaking may itsura na nga, may puso pa."

I know that too. Hindi naman talaga kataka-taka iyon. Pati nga ako, hindi ba?

"Hindi ba, Claudine?" makahulugang-tanong ni Auntie.

"Po?"

Ngumisi siya.

"Kahuma-humaling si Sir Vince, 'di ba?"

Kumabog ang puso ko sa hindi malamang kadahilanan. I just feel like, with how Auntie sounded, she smelled something in me. But... so what, right? Tao lang naman ako at... nahuhumaling din.

"Ah, opo."

I'm expecting this yet I still feel flushed. Lalo pa at makahulugan ang tingin ni Auntie sa'kin. Na tila hindi ko man sabihin, alam niya.

"Gusto mo siya?"

Sabi na nga ba.

I stayed quiet for a bit, contemplating how I should answer. Naisip kong wala rin namang point kung magsisinungaling ako kaya...

"Uh, opo..." sagot ko sa mahina at mababang boses.

The heavy air temporarily faded with the sudden change of topic. Lalong ngumisi si Auntie.

"Ang ganda niyo ngang tignan, Claudine. Usap-usapan kayo parati rito. Maraming sang-ayon, marami ring nag-aalinlangan sa'yo. Kung ako ang tatanungin, naniniwala naman akong malayo ka kay Clare kaya ayos lang. Bagay kayo ni Sir."

Kumunot ang noo ko at tila naibalik sa ulirat. Kung hindi pa niya binanggit ang pangalan ni Mommy, makakalimutan ko na ng tuluyan ang sadya ko rito.

"What do you mean by that, po? Ano po ba si Mommy?" seryoso kong tanong.

A thought lit inside my head but I ignored it. I'm not here to judge Mommy or Auntie or anyone, I'm here to seek for information to be able to understand. I will try to understand.

"May nakausap po ako rito, Lorna ang pangalan. May mga sinabi po siya sa'kin at gusto ko pong malinawan. Kaya ho ako pumunta rito ngayon. Ang sabi, hindi raw po financial adviser si Mommy." dagdag ko pa.

Nanlaki nang bahagya ang mata ni Auntie. Tinitigan niya ako ng mabuti, tila nag-iisip.

"Financial adviser? Ano ba iyon? Sa pagkakatanda ko, bukod sa paglalaba at pagsisid, kasambahay lang naman ang naging trabaho ni Clarita."

What...

"Hindi mo ba alam, Claudine? Akala ko alam mo dahil alam naman ni Benjamin. Kung sabagay, may pagka-ilusyunada talaga iyong nanay mo kaya sosyalin ang sinabing trabaho sa'yo. Pero sa pagkakaalala ko, kasambahay siya noong nakilala niya ang tatay mo."

I felt like my heart just got ripped. Ibig sabihin... totoo ang sinabi ni Lorna? Na kahit may sakit siya sa utak, nagsasabi siya ng totoo?! Ayokong maniwala! Pero papaano...

Si Auntie na ang kaharap ko! Kapatid ni Mommy! Nakasama ni Mommy mula pagkabata! Kaya papaano... paano ko kukumbinsihin ang sarili kong si Mommy ang nagsasabi ng totoo? She's not even here to defend herself! And she can't!

"Huwag mo sanang masamain ang mga sasabihin ko, Claudine. Bata pa lang kami, pangarap na talaga ni Clare na yumaman. Syempre, sino ba namang hindi? Mahirap lang kase kami talaga. Sosyaling ulam na para sa amin ang sardinas noon dahil bagoong at asin lang ang afford namin. Kahit naman ako, gusto ring yumaman. Pero hindi ko na inatupag dahil alam kong malabo nang mangyari. Hindi kami magkatulad ni Clarita. Determinado siyang makaahon sa kahirapan. Ang paniniwala niya, ayos lang na mabuhay siyang mahirap pero dapat pagkamatay niya, mayaman siya. Kaya nakipagsapalaran siya sa syudad bilang isang kasambahay. Doon sila nagkakilala ng tatay mo. Hindi na nga kami nagulat nang mabalitaang pumayag siyang maanakan gayong alam naman niyang may asawa iyong tao. Para sa yaman, gagawin lahat ni Clare, Claudine. Ganunpaman, mukhang minahal naman ni Clare ang tatay mo, minahal nilang dalawa ang isa't-isa. Kaya lang, mali na talaga eh. Naumpisahang mali, kaya nagtapos din sa kamalian."

Umiling ako kasabay ng pagkahulog ng aking luha. No... this isn't true. My mom isn't like that...

"Hindi ko gustong paiyakin ka. Mabuti pa huwag nalang nating ituloy ang usapang 'to-"

"Hindi po. Ayos lang po ako. Just please... tell me....tell me everything you know about my mom..."

It was like I'm begging for another heartbreak. But I guess... there's no other way around. I want the truth.

"Pasensya ka na Claudine. Alam kong masakit tanggapin pero totoo ang mga sinabi ko. Hindi ko alam kung ano ang mga sinabi ni Lorna sa'yo pero gusto ko lang malaman mong siya ang best friend ni Clarita. Matalik silang magkaibigan... naputol lang ang pagkakaibigan nila nang umalis si Clare at hindi na bumalik pa. Hindi na siya bumalik pa rito matapos niyang maging kasambahay. Mabuti nga at nabalitaan pa naming nabuntis siya ng dalawang beses... at... ang ginawa ni Marisa sa kanya."

Her voice broke.

"Mali ang kapatid ko, oo. Pero hindi rin naman tamang gantihan siya ni Marisa nang ganun. Hindi tamang ipa-rape ang Mommy mo, Claudine...."

Yumuko ako at tahimik na humikbi. I want to fucking scream. Habang inaalala ko ang itsura ng aking Mommy... ang kanyang bangkay na natagpuan sa isang bakanteng lote... hubo't hubad.... punong-puno ng sugat at pasa...

"Kahit na malaki ang pagtatampo ko kay Clarita... lubos akong nasaktan nang mabalitaan ang nangyari sa kanya. Inilagay ni Marisa ang batas sa kanyang kamay, hindi iyon tama. Nararapat lang na mabulok siya sa kulungan, pati na iyong mga gumahasa sa kanya. Nararapat lang ang naging hatol sa kanila. Kung tutuosin, kulang pa nga iyong pang-habang buhay na pagkakakulong.... nilapastangan nila ang nanay mo... ang kapatid ko...."

The pain is inexplicable. Ang sugat na nahukay ay walang kasing lalim. Walang kasing sakit.

"Hindi kita pipiliting paniwalaan ako, Claudine-"

"I... I believe you po," halos humagulhol na ako.

This is why I came here. No matter how painful it is, I shall face it. At the end of the day... the truth is never comforting... nor soothing... but freeing.

If going through so much pain means being free in the end... then I think I have no choice but to let my tears flow mercilessly and let my heart break the nth time in this lifetime.

"If my mom really did not come back here... to look back... to apologize... ako na po ang humihingi ng dispensa ngayon. In behalf of Mommy... I'm really sorry. Sana po... mapatawad niyo sya."

Inabot ni Auntie ang aking kamay at hinawakan nang mahigpit. I almost couldn't see her because tears blurred my vision.

"Matagal ko na siyang pinatawad, Claudine. Matagal ko nang pinatawad si Clarita..."

I closed my eyes as I acknowledge the reason why despite everything that I discovered, I still have something to be grateful for. Iyon ang pagpapatawad ni Auntie kay Mommy. At maging ang kakayahan kong... magpatawad din.

Mom... I am not mad at you. Imbes na galit, napapangunahan ako agad ng sakit. Thinking how your life ended... makes me bleed so much. You are not perfect... you've committed mistakes... you lied to me... but I just want you to know that... I forgive you... and I love you so much. Sana 'my... nasaan ka man ngayon, masaya ka. Mapayapa. At gaya namin... sana... sana mapatawad mo rin ang sarili mo.

"Edna?! Ano'ng nangyari?" nag-panic si Tiyo Isko.

Pinalis ko ang aking luha at dalawang beses na humugot ng hininga para pakalmahin ang sarili.

"Miss?"

Nilingon ko si Vince na katabi na ngayon ni Tiyo Isko. Nakita ko kung papaano nadaplisan ng pag-aalala ang mata niya nang makita ang ayos ko. I smiled, to assure him sana na ayos lang ako. Kaya lang... malungkot na ngiti pala ang nabigay ko.

"Nagkuwentuhan lang kami, Isko. Huwag kang mag-alala...." si Auntie.

Tumayo ako nang tumayo si Auntie. She went to her husband while my feet led me to Vince.

"Are you okay?" he asked gently.

Umiling ako. When I couldn't contain it anymore, I let my tears flow. Hindi ako nagsalita... hindi rin ako umangal nang marahang higitin ni Vince ang aking braso at niyakap ako ng mahigpit.

Continue Reading

You'll Also Like

84.1K 4.4K 70
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
346M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
44.9K 785 74
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...