Nasaan na ang Prince Charming...

maegelxoxo20

1.8K 210 253

Tingin sa kanan, may nagkikilitian. Sa kaliwa, may naghahalikan. Sa harapan naman, may nagho-holding hands. L... Еще

Prologue
My Prince 1
My Prince 2
My Prince 3
My Prince 4
My Prince 5
BEST OF BEST KPOP CONCERT (not an update)
My Prince 7

My Prince 6

200 28 27
maegelxoxo20

Chapter 6

Mystery Girl

ANGEL

PRELIMS DAY

*1 message received*

From: My Prince

“Ang, manood ka ng laro namin mamaya ha? 6:00 pm, pagkatapos ng exams ngayon.”

“Oo ako pa! Susupportahan kita Xav.”

“Basta dapat nando’n ka talaga Ang ha?”

“Oo na nga! J “

“Okay Ang, naninigurado lang. May sasabihin pa kasi ako sa’yo mamaya.”

“Ano naman yun?”

“Mamaya ko nga sasabihin eh, excited ka po ah”

“Ah gano’n ba, i-text mo nalang ngayon”

“Hindi pwede, mamaya na. Dapat personal.”

Dumating na ang guro namin at tumahimik agad kami.

“Okay class, magsi-upuan na kayo at magsisimula na ang pasulit natin. Una muna ang English, susunod ang Science, History, Math at Filipino. Get one paper and pass.”

Woo, napakahirap nitong History ah. Bakit ba naman kasi kailangan pang pag-aralan eh history na nga di ba. Hay, naku! Tapos napakahirap pa ng mga lumabas. Pa’no ba naman kasi puro petsa yung mga tinatanong. Kung kailan daw dumating si Magellan sa Pilipinas? Kailan nasakop ng Espanya ang Pilipinas? At iba pang mga petsa tungkol sa mahalagang pangyayari sa ating bansa.

Matapos ang ilang oras ng pagsasagot, natapos na rin kami lahat sa aming mga pasulit at karamihan ay nag-kukwentuhan nalang sa mga katabi nila.

“Seems like everyone is done with the exams. Class dismissed.”

“Mahirap talaga ang Math ha? Mahina kasi ako do’n friend.” Narinig kong sabi ng isa kong kaklase.

“Oo nga friend mahirap yung math, lalo na at napakahirap ng Algebra.” Sagot naman ng kaibigan n’ya.

“Grabe Bes, napakahirap ng exams natin. Lalo na yung Science, puro Identification ang lumabas. Huhu. Sana makakuha talaga ako ng matataas na marka Bes. Ikaw Bes, kamusta ang exams?.” Tanong sa akin ngayon ni Ann.

“Mahirap talaga yung Science Bes pero paboritong subject ko kasi yun kaya nag-aral ako nang mabuti, pero nahirapan ako sa History Bes. Sana talaga mapanatili ko ang scholarship ko hanggang matapos ako sa pag-aaral Bes, di kasi kaya ni Mama ang matrikula sa paaralan natin.”

“Kaya yan Bes! Ikaw pa! Napakatalino kaya ng Bestfriend ko. Hehe. At dahil d’yan bes kailangan na nating umalis para maabutan pa natin ang laro ng Diamond University Basketball Team laban sa West High Bes.”

“Oo nga noh Bes?! Hala, muntik ko nang makalimutan. Tara na punta na tayo Bes.”

Nakarating na kami ni Ann ngayon sa gym ng aming paaralan. Grabe napakaraming tao ang dumagsa, nahirapan nga kami pagpasok dahil sa nagsisiksikan na ang mga tao kahit sa labas palang. Ganito talaga siguro kapag may laban sa Basketball.

 “Go Go Go Diamond! Shine bright and soar high!”

“D to the I to the A to the M-O-N-D, DIAMOND! Waaaaaaaah!!!!”

“Go Magic 5! We love you!”

Grabe ang mga hiyawan ngayon ng mga tagahanga, yung mga babae kung makasigaw todong-todo talaga, tingnan lang natin kung sino ang mawawalan ng boses. Haha. Pero marami rin silang mga lalakeng tagahanga ah.

“Dito tayo Bes.” Sabi ko kay Ann tsaka umupo. Nasa sulok na bahagi na kami ngayon ng bleachers, wala na kasing bakaenteng upuan sa gitna at iba pang magandang bahagi kung saan kitang-kita ang mga manlalaro kaya dito nalang kami.

Nag-wa-warm-up na ngayon ang mga manlalaro at mukhang magsisimula na yata ang laro. Matapos ang warm-up ay lumapit na ang mga manlalaro sa kani-kanilang coach at nakinig sa mga sinasabi nito.

Nagpito na ang referee at hinagis ang bola sa ere ang West High ang unang nakakuha sa bola.

“D to the I to the A to the M-O-N-D, DIAMOND!

“Go Go Go Diamond! Shine bright and soar high!”

Nagsimula nang maghiyawan ang mga estudyante ng Diamond High. Yung cheerleading team naman ng dalawang paaralan ay nagsimula na sa kanilang chant.

“Who will win this game?! West High! W-E-S-T, WEST HIGH!! FROM THE NORTH, TO THE SOUTH, OR TO THE EAST, WEST HIGH WILL ONLY BE THE BEST! GOOOOOO WEST HIGH!”

Grabe yung energy ng taga-kabilang cheeringleading team ah. Hindi napigilan ng Diamond Cheerleading Team ang sumagot sa chant ng kabila.

“WHO WILL SHINE TONIGHT?! DIAMOND! D TO THE I, TO THE A, TO THE M-O-N-D, WE WILL BE THE BEST AND WE WILL SOAR HIGH! GOOOOOO DIAMOND!”

At naghiyawan naman yung mga estudyante ng Diamond University. Mas lumala na ang hiyawan ngayon na nagsimula na ang laban.

Unang nakapuntos ang West High ngunit agad naman din itong tinapatan ng Diamond University, matapos ang labinlimang minuto nag-time-out ang West High kasi lamang na ang paaralan namin ng limang puntos.

Matapos ang time-out nagsimula uli ang laban at tabla na ang puntos ng dalawang paaralan ngayon. Natapos ang first quarter na lamang ang West High. Lamang sila ng sampung puntos. Naku, baka matalo ang paaralan namin pero sana hindi.

May ilang minuto ang lumipas bago nagsimula ang second quarter.

“Prrrrrrtttt!!!!!”

Nagsisimula na ang second quarter ngayon at sana makahabol na yung team namin.

Pero natapos nalang ang second quarter, lamang pa rin ang kalaban. Lamang na sila ng labinlimang puntos ngayon. Pa’no na’to?..

“Bes, sana manalo ang team natin noh?” Biglang nagsalita si Ann, na halatang-halata ang kaba sa kanyang mukha.

“Oo Bes, sana manalo yung team natin.”

Nagpahinga muna ang mga manlalar bago sisimulan ang third quarter. Tinitingnan ko ngayon ang aming team at napansin kong may kinuha si Xav sa isang batang lalake na siya ring nagbibigay ng mga tubig sa mga manlalaro.

“Bakit n’ya kinuha ang telepono n’ya?”

“Ano Bes?” Tanong ni Ann sa’kin.

“Ah, ano kasi bes, tingnan mo si Xav ngayon abalang-abala sa pag-gamit ng kanyang telepono. Di ba dapat nakiking s’ya sa  sinasabi kanilang coach at hindi puro telepono.”

“Oo nga noh Bes? Ano kaya ang problema?”

Biglang tumunog at nag-vibrate ang telepono ko.

“Sino kaya ‘to?” Kinuha ko ang telepono ko sa bulsa ng aking palda at tiningnan kung sino ang tumatawang.

My Prince calling.....

Bakit tumatawag si Xav? Nakita kong nasa tenga n’ya ang kanyang telepono.

“Hello?”

“Ang, nasa’n ka na? Akala ko manonood ka ng laro namin ngayon?”

“Oo Xav, nanonood nga ako.”

“Huh? Asan ka? Ba’t hindi kita makita?”

Nakita kong lumilingon si Xav sa lahat ng direksyon ng bleachers ngayon.

“Asan ka? Di talaga kita makita Ang.”

“Nasa kanang bahagi sa sulok na bahagi.”

Lumingon s’ya sa direksyon namin pero naghahanap pa rin ang kanyang mga mata.

“Dito Xav, dito.” Sabi ko habang kinakaway ang isang kamay ko.

“Ah nakikita na kita Ang.”

Binaba ko na ang telepono dahil magsisimula na raw ang third quarter pero bago tumalikod si Xav binigyan n’ya muna ako ng isang malapad na ngiti at nag-wave.

“Uyy, nag-smile si Prince Xav. Ang gwapo talaga!!” Narinig kong hiyaw ng isang babae.

“Oo nga, ang cute talaga n’ya! Kyaaah!!” Sagot naman ng kasama n’yang babae.

“Gooooo Prince Xav! We love you!!!!” Hiyaw ng mga babae sa bandang kaliwa ko. May dala-dala pa talaga silang banner na may sulat na Prince Xav Do your best! Aja!!

“Magic 5! Magic 5! We love you!” Sigaw naman ng ibang babae.

Aba grabe talaga ‘tong limang ito, napakarami talaga ng mga tagahanga.

Sunud-sunod ngayon ang puntos ni Xav, matapos ang three-point shoot kanina, sinusunggaban naman n’ya ngayon ang kalaban ng tig-dalawang puntos na shoot.

Matapos ang isang shoot, may isa pa, isa pa, isa pa at sunud-sunod pa rin ito.

“Bes, grabe si Xav maglaro oh, palaging tumatama yung mga tira n’ya” Narinig kong salita ni Ann.

Pero may dinugtong pa sya.

“Nakita na n’ya kasi ang Power Capsule n’ya kaya biglang gumana sa paglalaro. Hahaha.”

“Oy bes, ano ba ‘yang pinagsasalita mo? Tsaka sino ba ‘yang power capsule na ‘yan?”

“Sino pa ba? Eh di ikaw Bes. Ayeee!! Kinikilig ako Bes, haba na ng hair mo. Uy Bes umusod ka nga.”

“Huh?”

“Naaapakan ko na kasi ang buhok mo. Hahahaha.”

“Loka-loka ka talaga Bes! Napaka-madaldal mo na ngayon Bes ah.”

“Oo, magaling kasi yung mentor ko.”

Ako? Power Capsule? Imposible!

Natapos na ang third quarter at lamang na ang team namin ng sampung puntos. Wow grabe yung bawi namin, sunud-sunod kasi yung puntos ni Xav.

Break time muna ngayon bago magsimula ang fourth quarter. May mga sinabi ang coach bago nagsipuntahan ang mga manlalaro sa lalakeng bata na nagbibigay ngayon ng tubig.

Nakita kong umupo na ang ibang manlalaro pero si Xav biglang lumingon sa direksyon namin at....

“Aaaaannggg!!!” Sumigaw si Xav, nag-smile at wave sa akin.

Wala akong ibang magawa kundi suklian iyon ng isang ngiti at nag-wave na rin.

“Wow Bes, haba na talaga ng hair mo. Gupitan na natin ‘yan Bes para hindi magka-split ends. Hahaha.”

“Sira ka talaga Bes.”

“Hmmmp, para naman kung sinong maganda!” Narinig kong sabi ng isang babae.

“Panget naman! Hampas-lupa pa! Hahahaha.” Nilingon ko ang nagsalita.. At wait teka lang... Si Trisha ‘to ah..

Tinitigan ko sya..

“Bakit may problema ba? Panget ka naman talaga ah tsaka hampas-lupa pa, hindi ka bagay kay Prince Xav noh.” Dugtong nya sa mga sinabi nya.

Wala na akong ginawa kundi yumuko at tumingin nalang ulit sa harapan.

“Okay lang ‘yan Bes, ‘wag mo nalang pansinin. Naiingit lang ‘yan.” Sabi sa akin ni Ann.

“Hoy babae! Akala mo naman maganda ka! Hindi kaya! Wag ka ngang feeler d’yan!”

Lumingon ako at nakita kong may sumasagot ngayon kay Trisha. Isang maputi at magandang babae. Parang kaklase ko rin ‘to ah.

 “Sapakin kita d’yan eh!” Akmang sasapakin n’ya si Trisha ngunit dinaanan n’ya lang pala ito.

Lumapit s’ya sa amin ni Ann.

“Huwag mo na pansinin ‘yung babaeng iyon, wala lang ‘yon magawang maganda.” Sabi n’ya sa akin.

“By the way I’m Chloe and you are Angel right?”

“O—o.” Alinlangan kong sagot sa babaeng tumanggol sa akin.

“Let’s be friends, is that okay with you?” Tanong n’ya sa akin at tumango ako.

“Hello Ann! Friends na rin tayo ha?”

“Hmm, okay.” Sagot ni Ann sa babae.

Magkatabi kami ngayong tatlo at naguguluhan pa rin ako kung bakit ako pinagtanggol ng babaeng ito.

Lamang pa rin ang paaralan namin ngayong fourth quarter.

Matapos pa ang ilang minuto, natapos na ang laban at kami ang panalo.

“Woooohooo! GO DIAMOND! D TO THE I TO THE A TO THE M-O-N-D! GO DIAMOND!”

Napaka-ingay na ngayon ng mga hiyawan ng mga tao. Kitang-kita ang mga ngiti sa aming mga mukha ngunit kung ano ang kinasaya namin yun naman ang pagkabagot ng taga-West High.

Nagsimula nang maglabasan ang mga tao ngayon sa gym at...

“Aaaaannggg!”

Hinanap ko ang may-ari ng boses at nalaman na si Xav pala ang tumawag sa akin.

“Ang! Hin-pshboghjncydihd!” Sigaw nito, pero hindi ko pa rin marinig kung ano ang sinasabi n’ya napaka-ingay kasi ng mga tao. Naghihiyawan pa ang mga ito kahit papalabas na ng gym.

“Aaannng!!!” Sigaw ulit ni Xav.

“Aaanooo?!!”

“Hiiin-taa-yiiinnn mooo kooo!!!” At last narinig ko na rin. Haha.

“Ooo-kaaay!!!” Sagot ko tapos ngumiti.

“Haaay naku Bes! Kinikilig ako sa inyo! Hahaha. Hintayin mo na nga kasi ang Xav mo!” Pahayag ni Ann sabay pa ang pag-galaw-galaw ng kanyang balikat. Alam n’yo yun yung ginagawa ng mga babae kapag kinikilig.

“Hmm, I think somebody’s got a little crush with Angel.” Bulong ni Chloe sa sarili.

“Huh? Ano yun Chlo? May sinasabi ka ba?” Tanong ko kay Chloe kasi nagsalita siya pero hindi ko narinig.

“Hmm, nothing Angel. Hehe.” Sagot ni Chloe.

Lumabas na ang mga tao sa gym at kaming tatlo nalang ang nandito ngayon sa bleachers habang ‘yung mga manlalaro naman ay pumunta sa changing room nila.

“Angel, I really wanted to be your friend for a long time already but I wasn’t given the opportunity to formally introduce myself to you until now.” Sabi sa akin ni Chloe ngayon.

“Uh, ganon ba. Ikinagagalak kong maging kaibigan na kita ngayon. Hehe.”

“And you too Ann, I want to be your friend too.” Nginitian ni Ann si Chloe.

Matapos ang ilang minuto lumabas na ang mga manlalaro at nakabihis na ang mga ito. Bumaba na kaming tatlo at lumapit sa mga ito.

“Hello girls!!!” Bati sa amin ng mga manlalaro.

“Uy, may bago yata kayong kaibigan ah Angel at Ann. Ipakilala n’yo naman kami sa kanya.” Lumabas naman ‘tong pagka-chickboy ni Geoff at napansin talaga agad si Chloe.

“Hmm, Hi Miss, I’m Denver Daniel Ovard and you are?” Inabot ni Denver ang kanyang kamay at naghihintay sa sagot ni Chloe.

“Hello, I’m Chloe, Chloe Anika Lhullier.” Kinuha nya ang kamay na inabot ni Denver at nakipag-handshake agad si Denver.

“Hello Chlo, I’m Geoff Patrick Anderson.” Agad namang pinutol ni Geoff ang handshake ni Chloe at Denver at agad hinigt ang kamay nito. Tapos kumindat ito.

“Ooops, Oooppss, ako naman mga pare! Hello Chloe, I’m Mike. Mike Yu. Nice to meet you.”

“Hoy Anthony! Hindi ka ba magpapakilala?” Sigaw ni Geoff ngayon kay Anthony na abala sa pakikipag-usap kay Ann.

“Uhm. Hello, I’m Anthony Luis Sy.” Maikling pakilala ni Anthony at agad naman hinarap muli si Ann.

“Hello Ang, Ann and you are??” Bati sa amin ni Xav pero natigilan s’ya nang makita si Chloe. Hindi n’ya kasi kilala ito.

“ I’m Chloe. Chloe Anika Lhuillier.” Pakilala ni Chloe kay Xav at nagulat ito.

Kilala niya kaya si Chloe? Ano ang relasyon nilang dalawa? Pansin kasi ang pagkagulat at pagtataka sa mukha ni Xav ngayon.

Продолжить чтение

Вам также понравится

Whatever: The Full Story (Taglish) Louisse

Подростковая литература

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...