Maybe Someday

By OHAYOAMA

2.1K 222 7

She's one of a kind. She's a girl with a very strong personality, at handang lumaban Pero hanggang kailan si... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
Chapter 37

CHAPTER 22

40 6 0
By OHAYOAMA


Chapter 22
Jaycee's pov

"master sorry na...." pagmamakaawa ni hanson habang hawak ko ang kabilang tenga niya

"bakit pinapunta mo siya dito?"  tanong ko sakanya

"m-master sorry na talaga"

"bakit nga siya nandito" madiin kong sabi habang hawak ang tenga niya

"master jaycee wag kang mabibigla ahh...." sabi niya kaya niluwagan ko ang hawak ko sa tenga niya para makapag explain siya "pinautang niya kase ako kaya bilang kapalit sinali ko na siya sa Group chat natin----aray"

Isang malakas na batok ang binigay ko kay hanson dahil sa sinabi niya...aissshhhi bakit ba kase niya pinautangan...ako nanaman ang magbabayad non

Tinanong ko kung magkano ang inutang niya

"15,000"

"ha!" nagulat ako sa sinabi niya

FIFTHTEEN THOUSAND!!!! what the ang laki naman ata ng hiniram niya kay Jake....natulala ako sa sinabi ni Hanson parang paulit ulit na nag eecho sa ulo ko yung 15k

"15k"

"15k"

"15k......"

"hoy jaycee---"

"tangina ka patay ka talaga sakin"
Sabi ko habang nakikipagtayatayaan sakanya para lang mahuli ko siya

"sorry na nga ehh"

"ibalik mo yung inutang mo sakanya" utos ko sakanya

"ayun lng n-nagamit ko na ehh"

Ayun ehh ako talaga ang magbabayad ng utang nitong kulugong to

Dahil don pinabalik ko na siya sa labas, ako naman pumasok sa bahay para kumuha ng pera para mabayadan si Jake, pagkatapos dali dali akong lumabas.

Lumakad ako papunta kay jake at inabot ang 15k sa harap niya.

"oh kunin mo na ako ang magbabayad sa utang ni Hanson sayo" But he refuse to accept it

"no need my lady....maliit na bagay at tsaka tulong ko na sakanya yun"

"ha???anong tulong??" nagtatakang tanong ko

"ahh sabi niya kase ibibigay niya sa magulang niya" sagot niya kaya napalingon ako kay hanson

"wait...what nasa U.S ang parents niya" sabi ko habang nakataas ang kilay

"ayy gago!....kuyugin si Hanson!!!"
Sigaw nila james

Napatakbo si Hanson habang sumisigaw ng "tama na mga paps sorry na" at hinabol siya ng buong tropa

Damn nagsinungaling pa siya para lang makautang...takte pinagkalulo pa ako dito sa isang to. Napahawak ako sa sintido ko habang nakayuko.

Kahit kelan walang pinagbago tong hanson nato palaging nangungutang at dinadamay pa ako.

Pinatigil ko na sila sa paghahabulan dahil baka hindi lng 15k ang bayaran ko baka pati yung antique na bannga mabasag pa.

"kunin mo na" utos ko kay Jake

"I don't need money... I need you"

Dinig ko ang sabay sabay na pa ohhhh nung mga ulol at syempre buti nalang wala si Kier at Clyde dito baka gatungan pa nila si Jake.

"need mo muka mo... bakit ba kase ayaw mong tanggapin?!"

"date...L-lets have a date para makilala mo ako ng maayos"

Biglang nag-iba yung pakiramdam ko ewan hindi ko maexplain, kita ko din ang pagbago ng face expression ni Felix na biglang kumunot ang noo ganon din si James pero yung iba wala lang pero si Hanson biglang sumigaw ng

"Ayyyyeeeeiiiii papayag nayan!"

Hindi kay Jake na baling ang tingin ko kundi kay Hanson na naka ngit na abot tenga habang pumapalakpak. Agad kong dinampot yung paint brush na ginamit lang nila kanina. Ayun sapul bulls eye.

Nagtawanan sila dahil sa naging itsura ni Hanson, mapintura sa muka na parang doble kara.

"pero Jaycee payag kaba?" singit ni Jake

"no!"

"sige ganito nalang 3 dates para quits na tayo...ano deal 3 dates lang yun hindi kanaman siguro madamot na tao para ipagkait sa iba ang kasiyahan nila" sabi niya sakin habang naka puwesto ang kamay na parang nagdadasal sabay paawa effect pa

"lakas ng trip mo no ano bang tinira mo drugs o katol" natatawa kong sabi habang nakatingin sakanila

Kaya na pasimangot si Jake sabay nguso dahil sa sinabi ko

"sige na!"

"ano payag kana?" humarap si Jake ulit sakin sabay tanong

"ha? Pinagsasabi mo?" nagtataka kong sagot

"sabi mo kase sige na"

"sige na ituloy na yung ginagawa...hindi ka nakikinig noh...hmmm tumulong kananga lang" sabi ko habang nagpipigil ng tawa.

Bumalik ako sa taas ng mag-isa si Felix naman kasama si James sa baba.

Nag-isa kong ginawa ang bubong at alulod...yung mga ulol na nasa baba naman tuloy ang asaran at pahidan ng pintura.

Patapos na ako sa ginagawa ko peri sila hindi parin. Mejo nainit na talaga dito sa taas kailangat ko ng sumbrero.. Pero wait nasaan ba? Saan yung napunta.

Hinanap ko yung baseball cap ko kaso wala na dito...ng bigla may sumulpot sa harap ko and it was Brix holding cap na inaabot sakin.

"ayos kalang dito?...eto oh yung sumbrero mo nahulog ata ehh" he said

"ahh salamat"

"sorry ulit ha" sa niya ulit habang naka yuko

"ayos na...ayos lng ako" sagot ko sakanya

" ahh... Patapos kana pala dito ehh" pag-iiba niya ng usapan

"sakatunayan tapos na...kaya tara baba na tayo"

Magkasunod kaming bumaba ni Brix galing sa taas. Pagdating namin sa baba tapos nadin sila at wala ng tao sa labas. Kaya inilibot ko ang tingin ko ng makita kong nasa loob na sila at nag-iingay pa. Aiiiissssshhhh

Magkasabay kaming pumasok ni Bix sa loob...yung ibang mga ulol nakikialam sa kusina, yung iba nagtatatalon sa sofa, yung iba wala lang at ang pinaka matindi nakikipag kwentuhan na sila kay lola.

Iniwan ko muna sila sa living room at nagpaalam na maliligo lng...pumasok ako sa kwarto ko.

I think my plan was started

Kinuha ko ang phone ko at agad na nagdial...tinawagan ko yung isa sa mga allies ko at tinanong king ano ang nakuha nilang information...pero ang sabi lng nila sinend na daw nila sa Gmail ko.

Pumasok ako sa banyo para maligo, pagkatapos agad akong nagbihis at bumaba sa living room.

Naabutan ko silang lahat na kumakain sa kusina kaya lumapit nako sakanila.

"Jaycee! Kain na" tawag sakin nila Darke

Wow napaka feel at home

Umuling nalang ako at dumiretso sa ref para kumuha ng  juice tsaka ako tumabi sa kanila. Napaka ingay nila parang nasa loob ng palengke, napalingon ako kay lolo at lola na tumatawa habang nakikipagkwetuhan kay Felix at Jake.

Ano kayang pinagkwekwentuhan nila?

Tumayo ako at akmang lalapit sakanila ng bigla silang tumingin sakin... Kaya yung itsura ko ay may halong pagtataka

Ako ata pinag-uusapan ng mga to

"apo dito ka muna, maupo ka" sabi ni lolo habang nakatingin sakin...kaya sumunod naman ako, umupo ako sa gitna ni lolo at lola.

Tuloy ang kwentuhan nila habang ako out of place sakanila... Nasa ibang mundo ba ako????

"muka po kaya kayong bata hindi halatang 60" sabi ni Jake kay lola kaya ayun parang naging pabebe si lola habang tumatawa

"ano tara na?" tanong ko kay Felix
"3:00 pm na"

"saan kayo pupunta?" sabay na tanong nila jake at lola

"ahh may lakad po kase kami" sagot ni Felix...kaya nag nod naman sina lolo at lola "sige po mauna napo kami"

"hindi niyo ako isasama?" tanong ni jake sakin

"aaiiiisshhh edi sumama ka!" sagot ko at lumapit ako kay lolo at lola para mag paalam.

Pumunta kaming dalawa ni Felix sa kotse niya, isinama na rin namin si Brix...agad kaming sumakay, yung iba may kanya kanyang sasakyan kaya...No problem.

Agad kaming umalis para pumunta sa Mall. Dahil ayun nga usapan ililibre ko sila.

Continue Reading

You'll Also Like

192K 17.8K 13
MY Creditor Side Story ပါ။ Parallel Universe သဘောမျိုးပြန်ပြီး Creation လုပ်ထားတာမို့ main story နဲ့ မသက်ဆိုင်ပဲ အရင် character ကို ရသအသစ် တစ်မျိုးနဲ...
1.5M 124K 60
"ရှင်သန်ခြင်းနဲ့သေဆုံးခြင်းကြား အလွှာပါးပါးလေးကိုဖြတ်ကျော်ခါနီးမှာမှ ငါမောင့်ကိုစွန့်လွှတ်တတ်ဖို့ သင်ယူနိုင်ခဲ့တယ်၊ လူတွေက သံသရာမှာ ရေစက်ရယ်၊ဝဋ်ကြွေး...
319K 38.2K 19
في وسط دهليز معتم يولد شخصًا قاتم قوي جبارً بارد يوجد بداخل قلبهُ شرارةًُ مُنيرة هل ستصبح الشرارة نارًا تحرق الجميع أم ستبرد وتنطفئ ماذا لو تلون الأ...
2.8M 234K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...