Taming The Heiress

Da heyheartstring16

517K 15.6K 833

R-18|Mature Content Read at your own risk Train Salvatore is a well known playboy. He never had a serious rel... Altro

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 6

14.3K 495 37
Da heyheartstring16

PINAGMAMASDAN ni Train si Carly habang nagdidilig ito ng mga halaman. She's wearing a blue sleeveless and shorts. Hindi maiwasan ni Train na pasadahan ng tingin ang mga hita ng dalaga. He's dying to caress those creamy legs.

Hindi na sya makapaghintay sa honeymoon nila! Napangiti sya pero biglang naglaho yun nang may biglang maalala. Hindi pa nga pala tinatanggap ng dalaga ang proposal nya!

Napaungol sya at sinubsob na lang ang mukha sa may lamesa.

"Senyorita, invite ko lang kayo sa birthday ng anak ko. May konting salo salo sa amin. Inaasahan kayo ni Nanay. "

Napaangat ang tingin ni Train nang marinig ang anyaya ni Osang kay Carly. Nagwawalis si Osang ng mga tuyong dahon.

"How old is he again?" Tanong ni Carly.

"Two days pa lang Senyorita. "

Nagsalubong ang kilay ni Carly.

"Joke lang! Magfifive na po!" Agad na bawi nito.

Napaismid si Train. Hindi talaga matinong kausap ang isang ito.

"I'll try. "

"Sige po Senyorita. "

Binalingan sya ni Osang.

"Ikaw din Sir Train, punta ka sa amin. "

"May shanghai ba?" Walang gana nyang tanong.

"Meron po Sir!"

"Sige pupunta ako. "

Ngumiti si Osang at pumalakpak.

"Anong oras ba tayo aalis?"

Nakangiting hinarap ni Osang si Carly.

"Ngayon na sana Senyorita. Tapos na rin po ako sa trabaho ko. "

Napatanga si Train. Tangina, ngayon na agad?!

"Sana man lang sinabi mo kahit 30 minutes before!" Angil nya kay Osang.

"Ganun ba dapat?" Nakakunot ang noo na tanong nito.

Napaismid si Train. Tss baliw talaga!

"Mag aayos lang ako. "

Hinubad ni Carly ang suot na gloves at tinalikuran sila. Agad naman tumayo si Train at sinundan ito.

"Pupunta ka?" Tanong nya sa dalaga.

"I have nothing to do so I'll go. "

Napangiti sya.

"Pupunta rin ako. "

"Dahil sa shanghai. " Saad nito.

"No! Pupunta ako dahil pupunta ka! Well additional na lang yung shanghai. "

Napakamot sya. Wala naman talaga syang balak na sumama pero dahil kasama si Carly, sasama na rin sya! Baka may bigla pang pumorma rito, masasapak nya talaga!

Tinignan sya ni Carly at tinaasan ng kilay.

"Sa kabila ang kwarto mo. " Saad nito matapos huminto at humarap sa kanya.

Napahinto sya at doon nya lang napagtanto na nasa harap na pala sila ng kwarto ng dalaga.

"Oh, sorry. " Napakamot si Train at umatras.

"Magbibihis na ako. "

Tumango lang ang dalaga sa sinabi nya at sinarado ang pintuan.

He sighed and went to his room.

He went straight inside the bathroom and took a quick shower. Paglabas nya sa bathroom ay dumiretso sya sa may closet nya at kumuha ng damit.

He wore a grey v-neck shirt and a faded pants. Matapos suotin ang sapatos at magspray ng pabango ay lumabas si Train ng kwarto nya sakto naman na kalalabas lang din ng dalaga.

Pinasadahan nya ito ng tingin. She's wearing a blue dress with thin straps, a pair of flats and her hair is fixed in a messy bun.

"Bakit ang ganda mo?" Manghang tanong nya rito.

She just answered him with a cold stare. Nilagpasan sya nito at agad nya naman itong sinundan.

He sniffed her neck at agad naman napalayo si Carly at hinawakan ang bandang leeg kung saan nya ito inamoy. Sinamaan sya nito ng tingin.

"Ang bango mo. "

She glared at him even more but he just laughed with her reaction.

"Stop annoying me. "

"This is my way to get your attention. "

"And you're not bothered with my impression of you?"

He shrugged.

"You will like me eventually. "

Her brow shot up.

"You're so full of yourself. "

He gave her a sweet smile.

"Part of my charm Carly baby. "

Inirapan sya nito at tinalikuran sya. Napailing na lang si Train at nakangiting sinundan ang dalaga.

Naabutan nila si Osang na naghihintay sa may living room.

"Senyorita bakit ang ganda ko?!"

Napaismid si Train sa sinabi ni Osang. Nilingon nya si Carly at nakitang nakangiti ito.

'Ah she's so fucking beautiful!'

"Magtricycle na lang tayo Senyorita. Mahihirapan kasi makapasok yung sasakyan nyo at isa pa ay medyo maputik ang daan dahil sa malakas na ulan kahapon. "

Tumango si Carly. Medyo hindi nya inasahan na papayag ang dalaga. For a woman who grew up in a wealthy family, he didn't expect her to act this way. Wala nga itong arte sa katawan. Walang pakelam kahit madumihan ang kamay sa tuwing inaayos ang mga halaman sa hardin. Minsan kasi ay nakikita nya itong nagtatanim na walang suot na gloves.

"Maiwan ka na namin Sir Train!"

Natauhan si Train at doon nya lang napagtanto na naglalakad na palayo ang mga ito.

Mabilis nya naman sinundan ang mga ito. Kinakailangan pa nilang sumakay sa may golf cart hanggang sa makarating sa gate ng mansyon.

Naglakad sila papunta sa may kalsada para mag abang ng tricycle.

Nag abang sila ng tricycle. Napansin nya na walang masyadong dumadaan na sasakyan. May humintong tricycle na pinara ni Osang at agad naman silang sumakay.

Si Osang ang nasa likod ng driver, sila naman ni Carly ang nasa loob.

"Nakarating ka na ba sa bahay nila Osang?"

"Yeah, isang beses. "

Tumango sya. Nakatuon lang ang tingin ng dalaga sa may daan.

Huminto ang tricycle, inalalayan nyang makababa si Carly.

Si Osang na ang nagbayad sa tricycle at iginiya sila nito papunta sa bahay ng mga ito.

"Nay nandito po si Senyorita Carly at ang mapapangasawa nya!"

Napangiti sya sa sinabi ni Osang. Nakita nya naman ang pagsimangot ni Carly

'Tss sa akin din ang bagsak mo'.

May lumabas na matandang babae at nakangiting sinalubong sila.

"Mabuti na lang at nakarating kayo Senyorita at Senyorito. "

If he's not mistaken, this old woman is a cook in the mansion, Nanay pala ito ni Osang.

"Salamat sa pag imbita Nay Esme. "

Ngumiti lang ang matandang babae.

"Samahan mo sila sa may bakuran Osang para makakain na sila. "

Tumango naman si Osang at iginiya sila sa may bakuran. May mga tao na doon na nag iinuman. Napunta sa kanila ang atensyon ng mga bisita. Mabilis nya naman na ipinulupot ang braso sa bewang ni Carly.

Nilingon sya ni Carly at tinaasan ng kilay. Nagsalubong ang kilay ni Train at hindi na ito pinansin. Iginiya sila ni Osang sa may isang lamesa.

Naghatid naman ng pagkain para sa kanila si Nay Esme.

"Salamat po. " Nginitian sya ng matanda.

"Senyorita, ito nga pala yung anak ko. "

Lumapit si Osang na may bitbit na isang batang lalake.

"Happy birthday Mikoy. " Nakangiting bati ni Carly.

"Salamat po ate ganda!" Masayang saad ng bata.

Binati nya rin ang bata, nginitian sya nito at nagpasalamat bago nagpaalam sa Ina para maglaro.

"Magandang hapon Senyorita Carly ganun din sa inyo Senyorito Train. " Bati ng kararating lang na si Nato, ang boyfriend ni Osang at Ama ni Mikoy. Nagtatrabaho rin ito sa may mansyon, minsan naglilinis ng sasakyan o ng bakuran.

"Salamat sa pag-imbita. " Nakangiti nyang saad.

"Pasensya na kung hindi kami nakapagdala ng regalo. " Si Carly.

"Naku Senyorita walang problema! Tumatanggap naman po ng cash yung anak ko!" Tumatawang saad ni Osang. Mahinang siniko ito ni Nato.

Pakilakasan yung siko please!

"Nagbibiro lang ako! Kukuha muna ako ng maiinom sa loob. " Nagpaalam na si Osang at umalis. Naupo naman si Nato sa harap nila ni Carly.

"Pasensya na po kay Osang. "

"Don't mind it. Sanay na ako sa kanya. " Nakangiting untag ni Carly.

"Kumain na po kayo. "

Nagsimula na silang kumain ni Carly. Hindi naman sya gutom kaya konti lang ang kinain nya.

"What?" Tanong ng dalaga nang mapansin nitong nakatitig sya rito.

He leaned closer and wipe the corner of her mouth using his thumb and he then suck the cream off his thumb.

"Chocolate cream. " Tukoy nya sa cream sa gilid ng labi nito.

Inirapan sya ni Carly at nag-iwas ng tingin.

"Gusto nyo uminom Senyorito? May alak kami rito!" Tanong ni Nato na may bitbit na dalawang bote ng hard liquor. Nilapag nito ang mga alak sa lamesa kung saan may ilan din mga kalalakihan.

Nilingon nya si Carly.

"Go ahead. "

"Sumama ka sa akin. "

"Hindi ako iinom. "

"Hindi rin naman kita papayagan. "

Nagtaas ito ng kilay, amusement is evident in her eyes.

"Umuwi na lang tayo. "

"You don't want to drink?"

"I don't want to leave you here. "

"Ayos lang naman ako rito. "

"Paano kung may lumapit sayong lalake? Kanina ka pa pinagtitinginan ng mga lalake rito" Naiiritang saad nya.

"Pero ayos lang sayo na dalhin ako sa lamesa kung saan marami ring lalake?"

He groaned.

"Kaya nga umuwi na lang tayo. "

She chuckled.

"Kararating lang natin"

"Sabihin na lang natin na may gagawin tayo. "

Carly glanced on her wrist watch.

"Maaga pa. Nakakahiya kay Osang at Nato kung aalis agad tayo. "

Napaungol sya. Kinuha nya ang kamay ni Carly at pinaglaruan ito. Inaagaw ng dalaga ang kamay pero di nya hinahayaan.

"Ang ganda ng kamay mo, feeling ko bagay dito yung singsing na binili ko. "

He heard her groaned.

"Shut up Salvatore. "

Nakangiting nilingon nya ito

"I will if you will kiss me. "

Carly rolled her eyes and pulled her hand away from him.

Natawa na lang si Train at napailing.

#hh

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

1.8M 32.4K 45
Xenovia Guilen Lopez thought she had her happy ending when she married her husband, Trevor Ledesma, he is the most charming guy she ever knew and the...
412K 21.7K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
Game Over Da beeyotch

Storie d'amore

1M 33.8K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...