MYSTICAL ACADEMY: Play with F...

By 3umoiriety

63.2K 2.9K 670

Raini Zalana Evanescent is just a normal teen age girl not until she reached 18 and her life suddenly change... More

DISCLAIMER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
Author's note
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
ANNOUNCEMENT
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36

PROLOGUE

6.9K 145 16
By 3umoiriety

Note: maraming grammatical errors and typos dito. hindi perpekto ang story na to katulad ng author. kung may mali man pwede niyo po akong itama. sorry agad kung hindi naabot ng story na to ang expectations niyo. sinunod ko lang ang imagination ko kaya ko ito nasulat. :)

PROLOGUE

"Telepathy is the purported vicarious transmission of information from one person to another without using any known human sensory channels or physical interaction."

Tumango ang ibang estudyante sa sinabi ni Ms. Rakki.

"I know some of you can enter someone's minds or read their minds." Dagdag pa nito.

Nagtaas ng kamay si Lennox dahilan para mapunta sa kanya lahat ng atensyon ng mga kaklase.

"Why I can't read Chalter's mind? everytime I want to enter his mind my head is just aching." reklamo ni Lennox.

Napaikot ang dalawang mata ni Chalter sa pagkakaalam na gusto palang mangialam ni Lennox sa mga isipin niya.

"Then, his mind are locked or protected by magic spell." maikling sagot ni Ms. Rakki

"But Chalter can read our minds." Sabat naman ni Viorica. tumango naman ang lahat sa sinabi nito na parang hindi nga patas.

"I don't know, let's ask him."

Napatingin ang lahat sa lalaki at mukhang excited si Lennox sa magiging sagot ni Chalter.

"You know what? I don't care of what you're thinking, so why I would enter your minds if I doesn't care." malamig nitong sabi na ikinapalakpak naman ni Reece

"Ang lamig ng boses, pero apoy ang sinabi."

"Okey students, Pili lang ang mga kagaya ni Chalter na kayang isara ang isipan. maybe, he inherited it from his parents na may kakayahan din gumawa ng ganoon." pagpapaliwanag ni Ms. Rakki

"I'll blame my parents for this!" kunwareng naiiyak na sabi ni Lennox dahil sa wala siyang kakayahang magsara ng isip.

Napangisi si Chalter sa naisip. maya maya lang ay nagtitili si Lennox dahil sa init ng nararamdan niya sa loob ng katawan niya. nainis na kasi ito sa pagka OA nito.

Nahuli ni Airlys si Chalter na nakangisi kaya sinaway niya ito.

"Corpus refrigescunt." pagkasabi ni Ms. Rakki nito humupa ang init na nararamdaman ni Lennox sa loob ng kanyang katawan.

"How many times do I have to tell you, Evigheden not to use powers in my subject until I say so?"

Tumahimik nalang ito at pinili nalang wag sumagot. halata sa mata ng lalaki ang pagkainip sa klase dahil lahat ng tinuturo ay alam niya na kung paano gawin at gamitin.

Napailing nalang ang iba niyang kaibigan sa palaging asta niya. lagi nalang itong malamig makipag-usap. His elemental ability is opposite to his attitude. Fire is his ability, and Cold on his attitude.

"Let's jump to another discussion, called levitation or transvection. The ability to float or fly by mystical means."

Nakipagtitigan si Ms. Rakki sa isang libro na nasa lamesa ilang segundo lang, unti-unti itong umangat sa ere. titig na titig ang mga estudyante sa nakalutang na libro sa ere nang biglang itong bumagsak sa lamesa.

"And there's a limitation. it may float uncontrollably, may be difficult to stabilize and may only be stay up for a short time. To do the this levitation you just need to focus on your goal. bukod sa mga bagay ay pwede mo rin palutangin ang iyong sarili. napakadali lang nitong gawin para sa mga Air user."

Napapalakpak si Airlys dahil isa siyang air user.

"I want to try, Ms. Rakki." taas kamay niyang sagot.

Tumango naman si Ms. Rakki at pinaunlakan siyang pumunta sa unahan. dali dali ang babae na tumayo sa kinauupuan at pumunta sa unahan.

Nakatuon sa kanya ang atensyon ng lahat.

"How?" she asked with full of excitement in her eyes.

"Look at the book and focus on your goal."

"Dapat hindi Air user ang pinag example niyo. mamaya hindi intellectual ginamit niya kundi yung power niya? hangin ang nag palutang hindi yung isip that's why nasabi niyo na madali para sa isang Air User." sabi ni Reeci. binato siya ng isang masamang tingin ni Airlys.

"Yea, Reeci's right." malamig na pag sang-ayon ni Chalter.

"I can sense elemental powers. so, I will probably know if she's using magic."

"And cheating is not in my vocabulary." may bahid na inis ang tono ni Airlys. trip ata siya ng mga kaibigan niya at wala naman siyang balak gumamit ng hangin para magpalutang.

"Let's start."

Madiin ang pagkakatitig ni Airlys sa libro na nakalapag sa lamesa. ilang segundo pa ay lumutang ito sa ere at sa gulat niya nawala siya sa pokus at bigla nalang itong nahulog mismo sa ulo sa niya.

Napadaing siya sa sakit dahil sa kapal ng libro. tumawa ang lahat ng kaklase niya kahit ang mga kaibigan niya ay natawa. pasimangot siyang bumalik sa upuan.

"Akala ko ba madali sa isang Air User." pabulong na reklamo ni Airlys.

"May sungay ka sa bunbunan." pang-aasar ni Lennox habang natawa. sa inis niya ay pinigilan niya ang hangin na lumabas sa katawan nito.

Nahawak ang isang kamay nito sa leeg at ang isang kamay ay tinatapik si Chalter.

"Respiratus." nagbitaw ng isang salamangka si Chalter.

Napaubo naman si Lennox nang dumaloy na sa kanya ang hangin at nakahinga siya ng maluwag. dinuro-duro niya si Airlys, inirapan lang siya ng babae.

"Masama bang magbiro sa Air User? nanlalagot ng hininga!" gusto niya sana gumanti ngunit pinigilan siya ni Viorica.

"Masyado ka na kasing makulit." sabi naman ni Viorica.

"Lagi nalang niyo akong tinitira sa loob ng katawan! halos lagnatin ako sa ginawa ni Chalter kanina. patayin niyo nalang ako! patayin niyo nalang ako!" nag iinarteng sabi nito.

"Are you sure?" Nakangising tanong ni Chalter sa kaniya.

"Wag mong sabihin na masama narin mag biro sa Fire user?" Kabadong sabi niya.

Napaikot nalang ang mata ng mga kaibigan niya sa kaniya.

"Evigheden, I know you can read Runic Alphabet. can you read this?"

Lumapit sa kinauupuan niya si Ms. Rakki at may inabot sa kanya na nakatuping papel. kinuha niya ito at inayos sa pagkakatupi at pag kakita niya sa nakasulat ay agad niya itong ibinalik.

"Sorry, I can't read what's written." pagsisinungaling nito.

"I hope you're not lying." saad ni Ms. Rakki

"And why would I lie?" he smirked.

"It's depend on what you read there may be something connected to you or something important to you." may laman na sabi nito.

"I told you I can't read what's written."

Napabuga nalang ito ng hininga sa pagod na mapilit ito sabihin kung ano ang nakasulat sa papel. she knows that he's lying. at hindi niya alam kung bakit ayaw nitong sabihin ang nakasulat sa papel.

"Okey class, I'll continue my discussion tomorrow my time is up."

Paglabas ni Ms. Rakki nagsilabasan narin ang mga kaklase nila at tanging silang lima nalang ang natira.

Lumipat ang apat sa tapat ni Chalter.

"Kainis talaga, ang sakit parin ng ulo ko." reklamo ni Airlys.

"Audi vocem meam Frustrum, sicut mandatum."

nagpakawala ng isang spell si Chalter at bigla nalang umangat ang apat sa kinauupuan nila na ikinagulat naman nilang apat.

"Chalter!" pagsasaway ni Viorica

"Audi est mandatum meum, Inferius in terra earum"

Dahan dahan lumapag ang apat sa kinauupuan nila.

"Woah! that's amazing! anong spell nga yung sinabi mo?" pagtatanong ni Lennox.

"None of your business."

"Ang damot." napanguso ito dahil sa pambabara na ginawa sa kanya.

"Ano yung pinabasa ni Ms. Rakki sayo?" puno ng kuryusidad na tanong ni Viorica.

"I don't know." sabay ang pagkibit ng balikat ni Chalter.

"We know that you understand what's written on there. so, what is it? mind to tell us?" pagtatanong naman ni Airlys.

"Don't you trust us, Chalter?" ngayon naman ay si Reeci.

Napapikit nalang si Chalter para kumalma. kahit mga kaibigan niya ito ay hindi niya parin sasabihin kung ano ang nabasa niya. yeah, Ms. Rakki is right may kanektado ito sa kanya at sa taong importante sa kanya. wala siyang pagsasabihan kahit isa sa kung anong nabasa niya kung ito ang mas ikaliligtas ng taong pinoprotektahan niya.

He missed her so much. pero wala siyang magawa kundi ang manahimik nalang muna.

"Wag niyo na kasi pilitin kung ayaw niya sabihin. we should respect his privary if that's what he want." pag singit ni Lennox.

Napangiti nalang si Chalter sa isip niya na may maganda pa palang dulot ang isang to.

"We ask because we cared." pag sagot ni Viorica.

"If you really cared, you respect his privacy. maybe, you're just curious and not concerned after all." bato na naman nito. na ika-nainis na ni Viorica.

"Calm down okey? nang dahil lang ba sa bagay na hindi isiniwalat mag-aaway na kayo?" pag singit ni Reeci nang mapansin na nag kakainitan yung dalawa.

"We understand, Chalter. I know you're a short tempered person at ayaw ko masunog sa kinauupuan ko." wika ni Airlys.

Magsasalita pa sana si Viorica nang biglang maglaho si Chalter sa kinauupuan. hindi na nagulat ang mga ito dahil madalas itong ginagawa ni Chalter para takasan ang mga tanong nila.

"Sabi sa inyo e."

"Sinisisi mo ba kami, Lennox?" Napailing nalang ito nang pagtaasan siya ng kilay ni Viorica. kahit kailan talaga ay napaka maldita nito.

"Saan na naman kaya nagpunta ang isang yun." Wika naman ni Reeci.

"Who knows." kibit balikat na sagot ni Airlys.

Sa gitna ng katahimikan ay bigla nalang tumunog ang tiyan ni Lennox dahilan para mapunta ang atensyon ng tatlo sa kanya. nahihiyang ngumiti ito sa tatlo bago tumayo.

"Hayaan na natin si Chalter, kumain na lang tayo." pagyaya ni Lennox.

Napabuntong hininga si Airlys at napaikot nalang ang mga mata ni Viorica. sabay silang lumabas sa classroom at pumunta sa canteen. napagtanto nila na hindi sila makakakuha ng totoong sagot mula kay Chalter. dahil sumobra na ang pagiging masekreto nito, hindi naisip na may mga kaibigan siya pwede niyang pagkatiwalaan at pagsabihan. kahit kailan nga ay hindi pa nila ito nakikitang umiyak. siguro, pero patago.

Napatigil sila sa paglalakad nang may isang babae ang humarang sa daan nila.

"Reeci, please take this." nakayukong sabi ng babae. nakalahad ang kamay nito sa harap ni Reeci na may hawak na papel.

"What is this?" may bahid na pagtataka ang boses ni Reeci ng makuha ang papel na ibinibigay ng babae.

"Love letter, I think." nag-angat ng tingin ang babae sa sinabi ni Airlys. namumula ang buong mukha nito na hiyang-hiya. "Well, I guess I'm right." dagdag pa nito.

"Ah, thanks." napipilitang ngumiti si Reeci.

Sinundan nila ng tingin ang papalayong babae.

"She's Chesca Dela Fuerta. Gravity Manipulation ang meron siya." napatango lang ang tatlo sa sinabi ni Viorica.

Mabilis na naagaw ni Lennox ang papel na hawak ni Reeci nang hindi nito napapansin.

"Akala ko ba respect the privacy ang motto in life mo?" taas kilay na wika ni Reeci.

"Nagbago na. share your privacy." natatawang sabi nito habang binubuklat ang papel.
aagawin pa sana ito ni Reeci pero mabilis na nailayo ito ni Lennox.

nagtuloy na silang maglakad at hinayaan si Lennox na basahin ang nakasulat sa papel.

"Sana naman iba na ang pagkain sa canteen, nagsasawa na bituka ko sa pagkain nila." wika ni Viorica.

"Same." natatawang sabi ni Airlys.

Napatigil ang tatlo sa paglalakad nang tumawa si Lennox ng malakas.

"Kikiligin na sana ako sa sulat kaso ibang pangalan nakalagay." tawa parin ito ng tawa. Inis na hinablot ni Reeci ang papel sa kanya at binasa.

"Mukhang pinaabot lang sayo para ibigay kay Chalter." naiiling na sabi ni Viorica.

Unti-unting binalot ng yelo ang papel na hawak ni Reeci hanggang sa nabasag ito at nag kapira-piraso sa sahig. sinamaan niya ng tingin si Lennox na nagpipigil ng tawa.

Sa kabilang dako naman ay nagpunta si Chalter kay Kuro Mesha. napailing si Chalter ng makapasok ito sa tinitirahan ni Kuro Mesha. masasabing hindi marunong maglinis ang matanda at napaka-kalat ng bahay nito. walang makita na maayos o malinis kundi lahat ay magulo. akala mo parang inatake ito ng mga kalaban at hinalughog ang mga kagamitan dahil sa itsura ng bahay.

Hindi maganda ang nakikita niya sa kapaligiran, katulad ng amoy ng bahay hindi rin maganda. parang hindi tao ang nakatira dito kundi isang dumi na nag anyong tao. pinigilan niya mapatakip ng ilong dahil sa hindi magandang amoy ng bahay. nilibot niya ang bahay upang makita si Kuro Mesha at natagpuan niya ito sa kwarto nito, nasa bintana ito at tinatanaw ang labas.

"Kuro Mesha." Pagtawag nito sa matanda.

napalingon ang matanda sa pagtawag niya. abot tainga ang ngiti nito nang makita siya. mabilis na naglakad ito papunta sa dereksyon ni Chalter, nakabukas ang mga kamay nito na akmang yayakapin siya pero umatras si Chalter bago pa ito tuluyang makalapit, napahinto naman ito sa ginawang pag atras ni Chalter.

"Wala man lang pa-hug? wala ka talagang pagbabago." naiiling na wika ng matandang lalaki.

"Kamusta naman ang pinapagawa ko sayo?" seryosong tanong ni Chalter. walang makikitang bakas ng emosyon dito.

Napakamot ang matandang lalaki sa batok. "Wala pa rin. ang tyansa mo nalang talaga ay mahanap ang Portal Crystal pero malabo naman na mahanap mo yun."

"Wala na bang mas madaling paraan kesa dun? hindi mo ba kayang gumawa ng salamangka para sa portal?" Tanong nito.

Tumalikod ang matanda at nagsimulang maglakad, sinundan naman ito ni Chalter. napansin niya unti-unti nagbabago ang paligid. napansin niya na nasa isang gubat na sila.

"Malapit lang tayo sa Academy wag ka mag-alala. natatakot lang akong sunugin mo ang bahay ko." bumungisngis pa ang matanda.

"Just answer my question." wika ni Chalter.

"Tungkol sa tanong mo, hindi ko kaya." Sagot ng matanda.

"Did Mr. Themis warned you about the portal?" pagtatanong nito.

Sumimangot naman ang matanda halatang hindi nagustuhan ang pangalang binanggit niya.

"Hindi at bakit naman? kung balaan man niya ako hindi rin naman ako makikinig dahil labas ako sa academy, labas ako sa gulo at batas niyo. ang lalaki na iyon, kala mo ang gwapo niya porke patay na patay sa kanya si Rakki? higit naman na mas gwapo ako kesa sa kanya." puno ng pait na sabi nito. naiiling na napahilot si Chalter sa noo sa pagiging isip bata ng matanda.

"At higit naman ang edad mo ng twenty kesa sa kanila." Wika ni Chalter.

"Narinig mo na ba ang salitang eyds da sent mator." pagyayabang ng matanda. hindi alam ni Chalter kung nagsalita ba ito ng isang salamangka o nag-english. parang gusto niya nalang sunugin ang matanda.

"Kuro Mesha, I'm serious I need to open the portal." seryosong wika niya.

"Sinabi ko na sayo ang sagot kailangan mo ang Portal Crystal. bakit hindi mo nalang hayaan ang mga guro ng academy na maghanap? hindi mo naman sila kalaban, makipag tulungan ka nalang sa kanila." kumuyom ang mga kamao ni Chalter sa sinabi ng matanda nakaramdam siya ng matinding inis.

"You know nothing that's why you don't understand." he gritted his teeth in anger.

"Yes! I downt anderstan!" nawala ang inis na nararamdaman niya dahil sa pagsigaw nito. "Becos yor toking englesh! dats way ay anderstan downt." dagdag nito.

Napabuntong hininga siya sa pagtitimpi mukhang hindi niya makakausap ng matino ang matanda.

"So, bakit hindi mo kaya gumawa ng salamangka? tagalog na yan kaya sumagot ka ng maayos." He's a short tempered person sobrang maikli ang pasensya niya pero pinipilit niyang habaan para lang hindi niya masunog ang matanda.

"kaya ng isang salamangka na buksan ang portal pero hindi kaya buohin ng salamangka ang nasirang portal. nang masira yun tumalsik ang malaking crystal na bumubuhay sa portal at alam ko hinahanap parin yun ngayon ng mga guro sa academy at ng mga tauhan ng god of darkness. hindi pwedeng makuha ng isa sa mga tauhan ng god of darkness ang crystal kundi maglalabas pasok sila sa Mortal Realm upang maghasik ng kasamaan." pagpapaliwanag ng matanda.

"Still, I need the Crystal." matigas na wika ni Chalter.

"Think carefully, don't focus on your own preference." nagulat siya sa straight english ng matanda. pero nilukob ng inis ang pagkatao niya. he released a fire ball in his hand and throw it to Kuro Mesha pero bago pa nito matamaan ang matanda ay naglaho ito sa ng parang bula sa kinaroroonan.

"Ang ikli talaga ng pasensya mo." napalingon si Chalter sa likod niya at nakita nya ang matanda na nakatayo at naiiling na nakatingin sa kanya.

"How dare you to say that I'm focusing on my own preference, when I have my reason why I am doing this and you just judged me that easily." Wika ni Chalter habang nag aapoy parin ang dalawang kamay.

Napabuntong hininga ang matanda. "Syempre alam ko ang dahilan mo. hindi naman kita hinusguhan kung yun ang tingin mo It's a piece of advice." wika ng matanda.

Sinubukan ni Chalter pakalmahin ang sarili, naglaho ang dalawang apoy sa kamay niya. bumalik siya sa pagiging kalmado at walang emosyon ang mata.

"I need the crystal." malamig na sabi nito.

"Edi hanapin mo, nasa akin ba?" bumalik na naman sa pagiging hindi matino kausap ang matanda.

"Where's the exact location?" pagtatanong ni Chalter.

"Hindi ko alam malamang, kung alam ko edi sana ako na naghanap." naasar na sagot ng matanda habang inis na nagkakamot ng ulo.

Bago niya ito mabato ng fire ball ay naglaho na naman ito. napalibot siya ng tingin para hanapin ang matanda pero hindi niya ito makita.

"Kuro Mesha." mahinahong pagtawag niya dito.

"Bumalik ka na sa Academy, hinahanap ka na nila." tanging boses nalang ng matanda ang narinig niya.

Parehong tulala ang lima na nakapalibot sa lamesa. nag-iisip sila kung ano ang nakasulat sa papel. may tsansa silang malaman ang nilalaman ng sulat ngunit ang tsansa na iyon ay hindi nakikisama sa kanila ayaw nitong makipagtulungan sa kanila. hindi nila alam kung ano ang rason nito kung bakit ang ilap nito sa kanilang lima.

"Do you think he's a spy or enemy?" kunot noong tanong ni Ms. Vanadey.

Marahang umiling si Mr. Styx "No. that's impossible, I know he can't do that." wika nito.

"E, ano? anong dahilan kung bakit ayaw niya sabihin satin kung ano ang nakasulat?" naguguluhang tanong ulit nito.

"Maybe, there's someone behind this letter kaya ayaw niya sabihin." wika naman ni Ms. Rakki.

"Stubborn." naiiling na wika ni Mr. Themis habang nakatitig sa papel na may sulat na Runic Alphabet.

"Why don't you try to go to, Kuro Mesha? siya ang nagturo kay Chalter ng Runic Alphabet." suhestiyon ni Mr. Thompson. pangiwi naman si Ms. Rakki dahil sa pangalang nabanggit.

"That old man. lalo naman iyon! kung si Chalter nga hindi natin napilit ayon pa kaya? paglalaruan lang tayo ng matandang yun." wika ni Ms. Rakki.

"If Kuro Mesha heard you, he will probably hurt." natatawang wika ni Ms. Vanadey. lalo itong napingiwi na lalong ikinatawa ni Ms. Vanadey.

"Obserbahan niyo kinikilos ni Chalter. I know he's not a traitor nor spy." wika ni Mr. Themis

"There's something he doesn't want us to know, I bet that." wika naman ni Mr. Styx.

"Duh? malamang. kaya nga ayaw nya satin sabihin kasi ayaw niya ipaalam." umirap pa si Ms. Rakki pagsabihin ang mga katagang iyon. napabuntong hininga nalang si Mr. Styx at hindi na nilabanan ang pilosopong sagot ng babae.

"Try kaya natin takutin si Kuro Mesha. I mean for sure marami siyang alam kay Chalter." suhestiyon muli ni Mr. Thompson.

"Bakit ba bukambibig mo ang matanda na yun." may bahid na pagkairitang sabi ni Ms. Rakki.

"Of course! We all know na si Kuro Mesha lang ang pinupuntahan ni Chalter kapag bigla nalang siya nawawala sa academy." wika ni Mr. Thompson. natahimik ang apat ng mapagtanto na ang matandang lalaki nga ang madalas nitong pinupuntahan kapag umaalis sa Academy.

"That's enough. we'll talk about it later but for now I want to know if there's already news about the missing crystal?" walang sumagot sa apat sa tanong ni Mr. Themis. napabuntong hininga pa. "I guess wala pa." dagdag nito.

"Wala bang exact na place kung saan tumalsik?" pagtatanong no Mr. Styx. umiling si Ms. Vanadey bilang sagot.

"Mukhang hindi na siguro natutulog ang mga kasamahan ng god of darkness sa kakahigilap ng crystal." wika ni Ms. Vanadey.

"Hindi kaya nasa kamay na nila yung crystal?" pagtatanong ni Ms. Rakki.

"Hindi. kung sakaling nasa kanila na malalaman natin yon." sagot ni Mr. Thompson.

"Yea, kailangan natin silang maunahan." wala sa sariling napahilot si Mr. Themis sa ulo. natigilan ito saglit nang may kamay na lumapat sa balikat niya.

"Wag ka na ma-stress, Themis lalo ka lang nagwapo sa paningin ko. inaakit mo ba ako?" inayos pa ni Ms. Rakki ang buhok para ilagay sa likod ng tainga. naiiling nalang ang mga kasama niya sa silid dahil sa ginagawa niya.

"Ano bang sinasabi mo?" kunot noong wika ni Mr. Themis. "Namomroblema yung tao, okey?"

"Psh. sungit." mabibigat ang paa nitong bumalik sa kinauupuan.

"What's the plan now?" umiling si Mr. Themis sa tanong ni Mr. Styx na parang walang maisip na sagot.

"Sanayin niyo nalang muna ang mga estudyante sa Mystical Academy kailangan natin sila." ayun nalang ang tanging nasabi ni Mr. Themis.

"Bakit idadamay pa sila? kung pwede nalang tayo tas yung mga Elemental power user mas malaki ang tulong nila satin dahil malalakas ang kapangyarihan na meron sila." tumango naman ang tatlo sa sinabi ni Mr. Thompson.

"Yea, the rest students wag na natin sila idamay." tumatango na sabi ni Ms. Vanadey.

"Okey. that's all for now, we can go back to our respective class." Mr. Themis dismissed the meeting.

"How about Chalter?" pahabol ni Ms. Rakki

"You heard me right? I dismissed the meeting. We'll talk about that, some other time." seryosong wika ni Mr. Themis na ikinasimangot naman ni Ms. Rakki.

Continue Reading

You'll Also Like

184K 12.9K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...