Astrid Monteverde (Bitch Seri...

mis_shyghurl által

1.1M 35.2K 5.5K

GirlxGirl - COMPLETED Quietly transferring to a new school like a little Ms. Nobody is my only dream-to be a... Több

NOTICE
PROLOGUE
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
EPILOGUE
NEXT IN LINE | SOON
SPECIAL CHAPTER I
SPECIAL CHAPTER II
SPECIAL CHAPTER III

CHAPTER 49

14.2K 451 19
mis_shyghurl által

LORRAINE

"EXCUSE me, miss?"

Tawag pansin ko sa isang babaeng mukhang nagtatrabaho dito sa resort base sa kanyang uniform. Lumingon naman ito sa akin at saglit na natulala na ikinataka ko.

"Miss?" Iwinagayway ko naman ang kamay ko sa harap niya dahilan para mapakurap-kurap siya at namula ang pisngi bago umiwas ng tingin na ikinataka ko.

Hindi naman mainit. Bakit kaya ang pula niya? But anyways, hindi yan ang rason kung bakit ako nandito.

"Sorry ma'am. Ehem- ano pong kailangan niyo?" Luminga-linga naman ako sa paligid at nagbabasakaling makita ang taong kanina ko pa hinahanap.

"May napansin ka ba na babae kanina na matangkad at may pagka light brown ang buhok na dumaan dito?" Tanong ko sa kanya. Napaisip naman siya saglit bago nagsalita.

"Morena po ba ma'am? Ano pong suot niya? May napansin kasi ako kanina na dumaan dito, pero di ako sigurado kung siya po yun."

Really? Dumaan pala siya dito? Pero bakit wala siya? Asa'n nagpunta?

"Naka summer dress na may pagka orange mis-" Hindi paman ako natapos sa pagsasalita ng pangunahan ako nito.

"Ahh si Miss Astrid po ba?Yung model?" Napatango-tangu naman ako dito bilang sagot.

"Oo siya yun nakita mo ba? Where is she?" Darn. Ewan ko ba pero kinakabahan kasi ako sa diko malamang dahilan.

"Papunta po yata doon sa may dalampasigan ma'am. Nakita ko kasi kanina na dun siya papunta." Napangiti naman ako dito bago nagpaalam bago nagpasalamat.

"Sige thank you, Miss." Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at agad na nagpunta sa may dalampasigan na itinuro niya kanina.

Nang makarating ako dun ay luminga-linga naman ako sa paligid at nagbabasakaling isa siya sa mga turista na narito. Gabi narin kasi at alas siyete na samatalang kanina pa kami tapos sa paghahapunan.

Nagtaka nga ang mga kasama namin kanina kung bakit wala siya nung nagtipon-tipon kami. Hahanapin ko nga sana, pero sabi naman ni Ms. Macy na wag na daw at baka naglakad-lakad lang diyan sa paligid.

Simula kasi nung nag walk-out ito kanina sa usapan namin ay hindi na ito bumalik pa at mahigit apat na oras na siyang wala kaya hindi ko maiwasang mag-alala dito at para narin humingi ng tawad sa attitude ko kanina.

Ikaw naman kasi Raine, ehh! Humingi na nga ng tawad yung tao nag-iinarte ka pa. Yan tuloy tsk! Pangangaral ko pa sa aking sarili.

"Hi, Miss Beautiful."

Napalingon naman ako sa taong nagsalita sa may bandang likod ko at-doon ko nakita ang isang matangkad na lalaking mukhang foreigner base sa itsura nito. Actually, he is gwapo at lahat yata ng babae dito ay malalaglag ang panty sa kanyang killer smile at nag-aapoy na sex appeal, but he is not my type, okay? Napansin ko kasing grabe siya makatitig at mukha rin siyang manyak. I'm not judgmental here, I'm stating the facts lang.

"Hello?" Hindi ko alam ang sasabihin ko sa totoo lang, kaya imbes na maging rude ay sinagot ko nalang siya. Baka sabihan pa ako ng walang manners nito ehh mahirap na hmpf!

Sabi nga nila diba, be nice to humans and animals.

"Are you alone? Wanna have a drink with me?" At kumindat pa talaga siya susko kasuka ahh! Ayaw ko pa naman sa lahat ay yung may deperensya sa mata, kaya imbes na sagutin siya ay umalis nalang ako ng walang paalam.

Maging bastos na siguro ako ngayon, pero wala na akong pakialam at isa pa mukhang lasing na kasi ang kano na yun at baka kung ano pa ang gawin sa akin. Bahala siya hmpf! May hinahanap pa naman ako na nawawalang bata este isip bata argh!

Asa'n ka na ba kasi bab—Astrid? Huhu

Ilang sandali pa ay napadpad naman ako sa may wala na masyadong matao at sa may madilim na bahagi nitong resort. Naglakad-lakad naman ako at hindi pinansin ang medyo madilim na paligid. Hindi naman ako takot sa madilim kasi i use to it anyways since nung nasa Spain palang kami nila Chelsea at ni Lennie ay minsan narin kaming nag camping nun sa isang dinadayong sikat na lugar lalo na pag gabi at doon kami minsan natutulog para narin makapag star gazing. Weird man, pero yun ang totoo.

Mas takot pa nga ako sa tao, kaysa kung anong meron sa dilim.

"Yeah, I know bitch."

Huh? Asa'n yun? May narinig kasi akong nagsasalita dito mula sa kinatatayuan ko sa malapit lang na bahagi.

"But she can't remember me bitch at hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya nun sa Spain simula n-nung umalis siya at bakit kinalimutan niya ako bigla." Ako ba ang pinag-uusapan nila?

Hindi naman sa pag-aassume, pero parang ako kasi tsaka isa pa nakalimot daw ako diba? Suddenly, nakaramdam naman ako ng kaba sa aking narinig at biglang kumirot ang aking ulo sa di malamang dahilan. Hinawakan ko naman ng mahigpit ang ulo ko at nagtago sa likod ng bahaging malaking puno nang niyog.

Not now, please, not now... Mahinang daing ko pa sa aking sarili at hinilot-hilot ang aking sentido para mawala ang sakit.

Hindi ko alam kung bakit ako nagtatago dito imbes na magpakita kay Astrid. Ewan pero siguro gusto ko pang marinig ang mga usapan nila nang kausap niya sa telepono na sa hula ko ay isa yata sa mga kaibigan niya.

"I know—I don't know what to do. B-bitch hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong sabihin sa kanya o itanong kung bakit nakalimutan niya ako at sabihin sa kanya ang katotohanan sa amin noon."

Sa amin noon? Ano daw? So may past kami at magkakilala na? Ganun ba?

Napalingon naman ako sa kanyang pwesto at medyo lumapit pa para marinig ang kanilang usapan. May gusto akong marinig na mga katagang ewan basta.

"Yeah, I still love her bitch until now."

"Yeah, I still love her bitch until now."

"Yeah, I still love her bitch until now."

"Yeah, I still love her bitch until now."

At doon na ako nanigas, nagulantang at napa hawak sa aking ulo ng kumirot na naman ito, and this time ay sobrang sakit na at may iba't-ibang imahe na biglang nag pop-up dito.

Nung time na bago palang ako nag-aral sa BHU at nung aksidenteng na bangga ko siya sa cr hanggang sa naging bully niya ako at palaging pinapahiya, then dumating sa point na natigil na at naging tutor niya ako. Minsan rin siyang pumupunta sa bahay para bisitahin si Lennie, and one day she's sleeping at our house sa kadahilanang na flat ang gulong niyang sasakyan at yung huli ay ang kung paano ako minsan umiiwas sa kanya dahil may kakaiba na akong naramdaman sa tuwing lumalapit siya, and one day umamin ako na gusto ko siya na pareho pala kami nang nararamdaman na yun at ayon nga humantong sa isa na kaming opisyal na magkasinthan pero bukod doon ay may isang katangi-tangi na ala-alang masakit balikan na ikina opo ko sa buhanginan at biglang napahiyaw nang maalala ko yun. Vukod sa masakit ang ulo ko ay may sakit rin na bumalik sa dibdib ko.

Ang sakit na gusto ko nang makalimutan.

"Yes!!Oo! I never love you! Kahit kailan hindi kita minahal!!! Ayaw kitang mahalin dahil isa kalang laruan at basura sa paningin ko!!! Do you understand?!!Huh??Ayaw kitang mahalin dahil basura ka!! Ang panget mo!! Ang panget-panget mo at hindi ka nababagay sa isang katula-!!"

"Fuck! Just stop! Stop! Tigilan muna at pagod na pagod na akong makinig pa sa anong sasabihin mo! Umuwi ka na! Wala nang tayo! At kahit kailan man ay wala akong pagmamahal na nararamdaman sa'yo!"

Yan ang mga salitang nagpawasak sa puso ko noon at ang dahilan kung bakit ako nasangkot sa isang aksidente nung time na nagpunta na kami sa Spain simula nung makilala namin si Papa.

That time, I felt stressed, depressed, and minsan hindi na ako kumakain sa kadahilanang sobrang miss ko na siya sa kabila nang ginawa niya sa akin nung time na yun. Minsan nga naisip ko nalang na magpakabulag at magpakatanga balikan niya lang ako.

Wala akong pakialam kung sabihin niyong marupok ako o manhid ba pero kasi sobrang mahal ko siya at ang sakit lang na nagka ganun kami bigla sa isang iglap dahil lang sa lalaking yun! Sa tuwing naaalala ko ang mukha niya hanggang ngayon ay hindi ko maiwasang di magalit sa kanya.

Damn. Siguro nilandi niya talaga si Astrid noon, kaya siya nakipag hiwalay bigla sa akin. Bwesit siya!

"D-del Frio?"

I snap out of my thoughts, o masasabi kong worst memory sa aking nakaraan nang may tumawag sa pangalan ko. Nakita ko naman si Astrid na bahgayang namutla at naging balisa sa di ko malam-oh! I think alam ko na dahil base sa itsura niya ay may hula na siyang narinig ko ang pinag-uusapan nila ng kaibigan niya.

Masakit man ang ulo ko ay dahan-dahan naman akong tumayo habang nakahawak parin dito at itinukod ang isa kong kamay bilang suporta bago inayos ang sarili at tinignan siya ng painosente at peking ngumiti.

"K-kanina ka pa di--!"

I didn't let her finish what she said at agad pinutol ang kanyang Sinabi.

"No kararating ko lang rin, actually hinanap nga kita eh, so ayon nga at andito ka lang pala." Hindi ko alam kung bakit yun ang sinabi ko imbes na sabihin sa kanya ang totoo. Siguro, hindi pa sa ngayon? I don't know.

"Oh, may tinawagan kasi ako at nag-usap lang kami saglit."

Napansin ko naman na nakahinga siya ng maluwag. Bakit kailangan niyang magsinungaling? Pwede niya namang sabihin sa akin ang totoo diba? Mas lalo tuloy akong nagalit sa kanya.

I hate her! I hate them! They betrayed me at magbabayad sila sa pagsisinungaling nila sa akin!

Hindi ko hahayaan na sirain mo ako ulit Monteverde! Hindi ko hahayaan na mapapalapit ka pa sa akin kung kailan buo na ako. Hinding-hindi na mangyayari yun at iba na ngayon.

Kung ang dating Lorraine ay mahina, walang pakialam, tanga, at uto-uto ay iba na ngayon.

Pero sa ngayon ay kailangan ko munang tawagan si Jamie para tanungin siya sa mga bagay-bagay na magpapalinaw sa akin at para maisagawa ko na ang plano ko nang matagal na naudlot.

Be ready, Monteverde. Be ready..

Olvasás folytatása

You'll Also Like

4.1M 87.4K 62
•[COMPLETED]• Book-1 of Costello series. Valentina is a free spirited bubbly girl who can sometimes be very annoyingly kind and sometimes just.. anno...
4.7K 275 11
Manik Malhotra who hate his own sister of they past. Shahana Malhotra who had a worst past and came out of the house of Malhotra mansion and go...
14.7K 673 14
⁰⁰⁰ 𝐒𝐓𝐑𝐀𝐍𝐆𝐄 ; daniel ricciardo ━━━━ ❛ isn't it strange , i am still me , you are still you . ❜ [ social media , ir...
2.1K 116 11
Life is a cycle. Birth. Death. Rebirth. Stars burn to live. When Lea Defensor entered the room, she knew for certain that the soul remembers what the...