BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHM...

By AshQian

84.2K 4K 202

Love, and ignorance of loving brought her inside the cold corners surrounded by bars. She was left alone with... More

UNANG YUGTO
Chapter 1 - Unang Yugto
Chapter 2 - Unang Yugto
Chapter 3 - Unang Yugto
Chapter 4- Unang Yugto
Chapter 5 - Unang Yugto
IKALAWANG YUGTO
Chapter 1 - Ikalawang Yugto
Chapter 2 - Ikalawang Yugto
Chapter 3- Ikalawang Yugto
Chapter 4 - Ikalawang Yugto
Chapter 5 - Ikalawang Yugto
IKATLONG YUGTO
Chapter 1 - Ikatlong Yugto
Chapter 2- Ikatlong Yugto
Chapter 4 - Ikatlong Yugto
Chapter 5 - Ikatlong na Yugto
IKAAPAT NA YUGTO
Chapter 1 - Ikaapat na Yugto
Chapter 2 - Ikaapat na Yugto
Chapter 3 - Ikaapat na Yugto
Chapter 4 - Ikaapat na Yugto
Chapter 5 - Ikaapat na Yugto
IKALIMANG YUGTO
Chapter 1- Ikalimang Yugto
Chapter 2 - Ikalimang Yugto
Chapter 3 - Ikalimang Yugto
Chapter 4 - Ikalimang Yugto
Chapter 5 - Ikalimang Yugto
HULING YUGTO
Chapter 1 - Huling Yugto
Chapter 2 - Huling Yugto
Chapter 3 - Huling Yugto
Chapter 4 - Huling Yugto
Chapter 5 - Huling Yugto
DENOUEMENT

Chapter 3 - Ikatlong Yugto

2.1K 108 5
By AshQian

Javier can't stop noticing Roanne biting the inside of her cheek and constantly stole a glance at Yve. He saw sparks of admiration in her eyes for his sister in-law. Gusto niyang matawa sa ginagawa nito.

Pagkatapos nilang maghapunan ay sinamahan nila rito sa sala si Aki na hindi magkamayaw sa mga pasalubong. Tiyak magiging kasundo ng anak niya ang mga pinsan nito.

"He's too much like you, I should have bring some of your photo albums from before para nakita sana ni Roanne," komento ni Yve na hindi maalis ang naaaliw na tingin sa bata.

"She will definitely see it one of these days. Lalo niyang hindi maitanggi na ako ang nag-design kay Aki." Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at dinala sa ibabaw ng kanyang hita.

"Kailangan mo talagang sabihin?" Kinurot siya nito habang si Yve ay natatawa.

"Hindi mo lang itinanggi, itinago mo pa. Habang-buhay mong pagbabayaran iyon. Bibigyan mo ako ng maraming Aki. May interes pa, ang puso mo, ang panahon mo, hanggang pumuti lahat ng buhok mo sa kili-kili, hindi ka aalis sa tabi ko. Mamahalin mo ako," aniyang nakangisi at marahang pinisil ang palad nito.

He loves her hands now. Hindi gaya noong nasa showbiz pa ito. Sobrang lambot ng palad nito. Kunting gasgas lang tiyak dudugo na. Ngayon ang mga kamay nito ay may maninipis na kalyo dahil sa pagtatrabaho roon sa correctional at sa pag-aalaga kay Aki. May mga peklat ng sugat dahil sa paglalaba at pagkukuskos doon sa shop.

She somehow became an ultimate attraction to him, with these markings, a symbol of her newly found strength. No doubt, this is the woman he is wishing for decades to find.

Sumimangot ito at kinurot siyang muli. Tinugon niya iyon ng mabilis na halik sa labi na hindi nito nailagan. Pulang-pula ang mukha nitong sumulyap kay Yve.

"Ang landi mo," maktol nito.

"Which is why you love me," patuloy niyang banat. "Don't worry, baby girl, because I love you, more than the colors there are in the rainbow."

"Oh my, God!" Humagikgik na lang ito at ibinaon ang mukha sa dibdib niya. Masyado itong attentive kanina habang nagkuwento siya tungkol sa pinagsamahan nila ng hipag noon. Natutukso tuloy siyang tuksuhin ito.

"Kailangan mong masanay sa kanya, Roanne. Hindi nauubusan ng kalokohan ang lalaking iyan," sabi ni Yve na hindi na rin matigil ang tawa.

"He's sleepy." Napansin niyang sunud-sunod na ang hikab ni Aki at tumutulis na ang nguso dahil sa pagsisikap na idilat ng maayos ang mga mata.

"Ako na, mag-usap muna kayo ni Yve." Naunahan siya ng dalaga nang tangkain niyang tumayo. "Excuse me, papatulugin ko lang muna ang bata." Nagpaalam ito sa bisita.

"Good night, Auntie! Thank you for the presents!" Kumaway si Aki kay Yve.

"Good night, baby, and you are very much welcome!"

Hinatid niya ang mag-ina sa may hagdanan at hinagkan sa noo ang anak.

"Good night, Papa," ungot ng bata na yumakap pa saglit sa kanyang leeg.

"Hey, sleep tight, okay?"

Kinarga na ito ni Roanne.

"I like her," sambit ni Yve sa tabi niya habang nakatingala sa itaas.

"I love her," sagot niyang may bahagyang ngiti.

"Alam mo, masayang-masaya ako para sa iyo, Jav." Niyakap siya ng hipag.

Bumalik sila sa sala at kinumusta ang problemang inayos ni Edan sa Fujian Province. Dahil sa paghabol niya rito sa kanyang mag-ina hindi na niya napagtutuunan ng panahon ang ilan sa kanyang responsibilidad sa LSA. Mabuti na lang spoiled siya sa mga kapatid. Handa lagi ang mga itong saluhin siya.

***
Hindi mapuknat ang ngiti sa labi ni Roanne habang pinupunasan ang anak ng towel pagkatapos nilang maghalf-bath.

"Mama, why are you smiling?" nagtatakang tanong ng bata kasunod ng hikab.

"Because of your Papa, he's funny." She giggled.

Ngumiti si Aki. "The teacher told my classmates that Papa is my real Papa."

"That's good because he is." Kinuha niya ang pares ng pajama at isinuot dito.

"Goodnight, Mama!" Yumapos sa kanya ang anak at nagtagpo ang labi nila sa matunog na halik.

"Good night, pray first."

Nagdasal muna ito habang inaayos niya ang higaan. Mabilis na nakatulog si Aki. Siya rin ay halos mapapaidlip na nang pumasok si Javier doon sa kuwarto.

"Samahan mo ako, ihahatid natin si Yve sa kabilang bahay."

Bumangon siya. "Hindi siya rito matutulog?"

"Nandoon daw ang mga gamit niya."

Humawak siya sa nakalahad na kamay ng lalaki. Dumaan muna sila sa kuwarto ni Rowena at ibinilin ang bata bago bumaba.

Ginamit nila ang sasakyan para makabalik sila kaagad. Baka magising si Aki at hanapin sila. Kahit nagmamaneho ay hawak ni Javier ang kamay niya. Hindi na tuloy mapakali sa kalulundag ang puso niya.

Pagdating ng bahay ay hindi na siya bumaba ng sasakyan.

"Thank you sa paghatid, Javier, Roanne." Kumaway sa kanya ang babae.

"I need to get some stuff in my room," pahayag ni Javier.

Tumango siya. "Hihintayin na kita rito." Ayaw niyang pumasok doon at baka gising pa si Xiellou. Masisira lang ang gabi.

Kababanggit lang ng utak niya sa babae, ayon at lumitaw na agad sa main door. Manipis na oversize shirt lang ang suot at wala na namang bra. Baka pati underwear wala rin. Sinalubong nito si Yve pagkuwa'y bumaling kay Javier at akmang hahalikan sa bibig ang lalaki pero tinakpan ni Javier sa palad ang bibig ni Xiellou. Nakasimangot na kumapit na lamang ito sa bisig ng binata.

Nagpasya na siyang bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob.
Ayaw niyang bigyan ng issue ang tungkol kay Xiellou lalo na at nakikita niyang kapatid lang ang turing ni Javier dito. Pero hindi pa rin siya magpapabaya. Kailangan niyang magbantay ng maigi, babantayan niya ang ama ng kanyang anak at baka madagit.

Natawa si Javier nang makita siya paglabas nito ng kuwarto. Nakabuntot dito si Xiellou na lalong bumusangot ang mukha. Nag-irapan silang dalawa ng babae.

"Are you okay?" tanong ni Javier.

"Natakot ako roon sa labas," sinadya niyang langkapan ng lambing at landi ang tono. "Pero hindi ko ini-expect na narito pala sa loob ang mumo."

"What?" Lalong humagalpak ng tawa si Javier at hinapit siya baywang habang naglalakad sila palabas.

Nilingon niya si Xiellou na nagngingitngit habang nakasunod ang tingin sa kanila. She stuck her tongue out.

Hinanda na niya ang sarili sakaling sitahin siya ng lalaki. Klaro kasing nahalata nito ang pasaring niya. Kabado siyang naghintay. Pero wala itong sinabi hanggang sa makabalik sila ng bahay niya.

"I have the soft copy of Aki's birth prepared by my legal team." Bitbit ang cellphone, lumapit sa kanya si Javier habang naglalagay siya ng pulbo sa kanyang likod sa harap ng dresser.

Sumilip siya sa files na ipinakita nito sa kanya.

Akira Jav M. Sepulbidda-Lextallionez.

"Masyado yatang mahaba. Baka mahirapan si Aki. Kailangan ba talagang dalhin ang dalawang surname?"

"It was my mothers' idea. Walang gustong bumigay sa kanila."

Napangiti na lang siya ng tipid. Javier is lucky to have two pair of loving parents. Hindi katulad niya. She's a product of a broken family. Naghiwalay ang mga magulang niya at nag-asawang muli ang kanyang ina. Ang Daddy niya ay maagang kinuha sa kanya dahil sa malubhang karamdaman na naging dahilan din kung bakit bumagsak ang shop nila dati.

Itinabi ni Javier ang cellphone at naupo ito sa tabi niya. Padampi-dampi ng halik sa kanyang balikat na hantad sa suot niyang negligee. Umikot sa katawan niya ang isang braso nito at hinaplos ang kanyang dibdib. Marahang pinisil. Napaliyad siya sa hagupit ng kuryente.

Naglikot na rin ang kamay niya at pumasok sa loob ng pants nito. Deretso sa puntirya, ang pagkalalaki nito. Ilang beses na ba nilang sinubukan ang ganitong tagpo? Pero laging nauudlot dahil kay Aki. Hindi sila makahap ng tamang tiyempo at kung makahanap man kailangan din mabilisan.

"Guest room," anas ng binata na hinihingal sa pagpipigil at panggigigil. Bawat pagdiin ng daliri niya sa matigas nitong sandata ay napapamura ito ng mabigat.

"Mama? Papa?"

Nahablot niya ang kamay at si Javier ay lupaypay na ibinagsak ang mukha sa kanyang kandungan. Saklot ang puson at umuungol na tila nahatulan ng kamatayan.

"This can't be done," angal nitong kinagat ang kanyang hita.

Bumuntong-hininga siya at sinuklay ng mga daliri ang buhok nitong naaamoy niya ang singaw ng gamit nitong men's shampoo. His modern quiff haircut revealed two moles at the bottom of his nape.

"Pupuslit tayo mamaya sa loob ng banyo, okay?" pabulong niyang sabi.

"Fifteen minutes again? That won't do."

"Thirty minutes?"

"Can't he sleep with Rowena just for tonight? Baka mabaldado na ako kung hindi ko mailabas lahat ng ito."

"Nasaan na iyong promise mong maghihintay ka hanggang sa araw ng date natin?"

"I thought I can wait but I was fucking wrong, I'm going to explode."

Tulirong nilingon niya si Aki na alumpihit sa higaan at nakatanaw sa kanila. Siguradong hindi papayag ang bata na roon matutulog kay Rowena. Sabik ito lagi na katabi ang ama. Pero naaawa na rin siya kay Javier. Matindi na ang pagpipigil nito sa sarili.

"Bukas pagkahatid natin kay Aki sa school, huwag muna tayong pumunta ng shop. Dalhin mo ako kahit saan, sasama ako." Banayad niyang hinaplos ang likod nitong pumiksi-piksi ang masels tuwing dumadampi ang palad niya.

Continue Reading

You'll Also Like

55.2K 904 31
"If loving you is a sin, I am willing to be a sinner..."
1.7M 46.2K 44
He wanted all of the things in order, like how people live, how people should obey things, the law...the rules, how people will deal if break the law...
4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...