Blood Contract with her Royal...

By FinnLoveVenn

174K 5.1K 270

EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang ban... More

♕PROLOGUE♕
♕CHAPTER 1♕
♕CHAPTER 2♕
♕CHAPTER 3♕
♕CHAPTER 4♕
♕CHAPTER 5♕
♕CHAPTER 6♕
♕CHAPTER 7♕
♕CHAPTER 8♕
♕CHAPTER 9♕
♕CHAPTER 10♕
♕CHAPTER 11♕
♕CHAPTER 12♕
♕CHAPTER 13♕
♕CHAPTER 14♕
♕CHAPTER 15♕
♕CHAPTER 16♕
♕CHAPTER 17♕
♕CHAPTER 18♕
♕CHAPTER 19♕
♕CHAPTER 20♕
♕CHAPTER 21♕
♕CHAPTER 22♕
♕CHAPTER 23♕
♕CHAPTER 24♕
♕CHAPTER 26♕
♕CHAPTER 27♕
♕CHAPTER 28♕
♕CHAPTER 29♕
♕CHAPTER 30♕
♕CHAPTER 31♕
♕CHAPTER 32♕
♕CHAPTER 33♕
♕CHAPTER 34♕
♕CHAPTER 35♕
♕CHAPTER 36♕
♕CHAPTER 37♕
♕CHAPTER 38♕
♕CHAPTER 39♕
♕CHAPTER 40♕
♕CHAPTER 41♕
♕CHAPTER 42♕
♕CHAPTER 43♕
♕CHAPTER 44♕
♕CHAPTER 45♕
♕CHAPTER 46♕
♕CHAPTER 47♕
♕CHAPTER 48♕
♕CHAPTER 49♕
♕CHAPTER 50♕
♕CHAPTER 51♕
♕CHAPTER 52♕
♕CHAPTER 53♕
♕CHAPTER 54♕
♕CHAPTER 55♕
♕CHAPTER 56♕
♕CHAPTER 57♕
♕CHAPTER 58♕
♕CHAPTER 59♕
♕CHAPTER 60♕
♕EPILOGUE♕

♕CHAPTER 25♕

2.5K 70 2
By FinnLoveVenn

CANA ANNALIS


"Grabe hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa mo kanina lady Kiera, pinahanga mo ko! Matagal ko nang gustong subukan 'yun eh," sabi ni Diana habang nakaupo kami sa hiwalay na table mula sa ibang noble at panay lang ang kain ko dahil dito ko nilalabas ang stress ko.

"Masarap sa pakiramdam manampal ng nanlalait sayo, pero sa posisyon mo wag na lang baka tuluyan pang masira ang image mo katulad nang nangyari sa 'kin ngayon," sagot ko sa kaniya at masaya lang siyang tumingin sa 'kin.

"Pero kahanga-hanga ka pa rin, at dapat lang sa kanila 'yun dahil kung walang magsasalita ay paniguradong mamaliitin ka pa rin nila," paliwanag naman ni Diana at sumang-ayon naman ako roon.

Kung pananatilihin ko kasing minamaliit nila ako ay paniguradong sa susunod hindi lang pangalan ko ang sisirain nila pati na rin ang sa pamilya ko, ang problema lang ay nadadamay sa iskandalong ito ang pangalan ni Diana at prince Hendrix.

"Teka nga Diana, bakit nga ba kasama mo si Viggo kanina? Bakit hindi si sir Grimm?" Tanong ko at tinuro niya ang crown prince na nakikipag-usap sa ibang mga bisita galing sa ibang nasyon.

"Sinabi ba ng mokong na 'yun na si sir Grimm ang kapalit niya? Ay naku! Si Viggo ang binigay niya sa 'kin, pero ayos na rin dahil gusto ko rin bigyan ng kakaibang halaga ang pagpasok naming dalawa," sagot niya at ngayon na naririnig ko ang usap-usapan sa loob ng banquet ay alam ko na bakit pumayag siyang si Viggo ang makapareha niya.

Nais niyang ipakita sa mga aristocrats kung saan siya galing, na hindi alintana sa kaniya ang estado ng tao para lang makadalo sa mga magagarbong kasiyahan na katulad ninto, isang palatandaan na ang prinsesa nila ngayon ay dating galing sa pagiging commoner.

"Napahanga mo rin ako sa ginawa mo," sagot ko sa kaniya at ngumiti naman siya sa 'kin, hindi ko lang maamin kay Diana na medyo sumakit 'yung puso ko nung makita ko silang dalawa ni Viggo.

"Pero maiba ako, bakit hindi dumalo ang emperor?" Tanong ko sa kaniya at biglang nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha.

"Bigla na lang kasi siyang inatake ng sakit niya, kinukumbulsyon siya ngayon pero ayaw niya naman putulin ang kasiyahan dahil huling gabi na ito at maraming mga bisita na galing pa sa ibang bansa," paliwanag ni Diana at napayuko naman ako, hindi ko alam na malapit na pala kami sa kalagitnaan ng istorya kung saan mamatay ang emperor hindi dahil sa sakit ninto kung hindi sa paunti-unting pagkalasyon.

Ayon sa librong itim na nabasa ko, unti-unting nilalason ng kaniyang pinsan ang emperor, gamit ang isang lason na unti-unti nitong nilalagay sa pagkaing kinukunsumo ninto at nang tuluyan mamatay ang emperor ay puro pasakit na ang nangyari kay Diana.

Halos isuko niya na nga ang trono kung hindi lang dahil sa suporta ni Viggo sa kaniya ay bumitaw na siya, mamaliitin siya at isa-isa rin siyang sasaksakin patalikod ng mga taong pinagkakatiwalaan niya sa loob ng palasyo.

Hindi pa siya nakakalimot sa kamatayan ng kaniyang lolo ay papahirapan naman siya ng matindi ng mga akala niya taong mapagkakatiwalaan niya at isa na roon si Kiera.

Napalunok ako, dito na rin kasi nalalapit ang kamatayan ni Kiera, bandang unang pagpatak ng mga nyebe sa araw ng septyembre.

"Hayaan mo, maghahanap tayo ng lunas sa sakit ng emperor," sagot ko sa kaniya at hinawakan ang kamay niya, nangingilid ang luha niya at masayang ngumiti sa 'kin.

Napawi ang atensyon namin sa isa't isa nang malakas na tumugtog ang musika sa loob ng kasiyahan, agad akong lumingon sa direksyon kung nasaan ang beranda at kung nasaan si Viggo ngayon pero hindi siya lumalabas at mukhang walang balak na isayaw ako.

Napanguso ako, ang damot naman ng isang 'yun.

"Your highness, maaari ba kayong maisayaw?"

"Your highness, nais ko po kayong isayaw."

"Your highess!"

"Your highness!"

Nalula ako sa dami ng mga kalalakihan na biglang sumulpot sa table namin ni Diana at halos lahat ng mga hulaklak na hawak nila ay inaabot nila kay Diana. Hindi ba nila napapansin na iisa lang ang katawan ninto at hindi pwede hati-hatiin sa kanila?

Halata sa mukha ni Diana ang pagkailang at pagkataranta pero wala naman akong magawa kung hindi takpan ang mukha ko ng pamaypay at lumingon sa ibang direksyon.

Iyan ang problema pag masyado kang maganda.

"Your highness, maaari ka bang maisayaw sa unang cotillion ngayong gabi," rinig kong sabi ng pamilyar na boses kaya naman napalingon ako sabay guhit ng ngiti sa labi ko nang makita si sir Grimm.

"Ah, hmm kung nanaisin mo sire," sagot ni Diana sabay kuha ng bulaklak na nilahad sa kaniya ni sir Grimm, halatang-halata sa mukha ni Diana ang saya at kaba.

Mukhang talo nga ako sa usapan namin noon, kahit nakita niya na si Viggo ay mas pinili niya pa rin si sir Grimm. Nakakapagtaka lang dahil sabi naman sa libro ay kay Viggo niya binigay ang kaniyang puso, pero ngayon si sir Grimm ang pinili niya.

Pinagmasdan ko silang maglakad papunta sa gitna ng banquet hall at kitang-kita ko ang ngiti sa mukha nilang dalawa, malayo nung kaming dalawa ni sir Grimm ang nagsasayaw sa lugar na 'yun.

"Lady Kiera, tara na." Nagulat naman ako nang biglang lumapit ang crown prince sa 'kin at inilahad ang bulaklak na nakalagay sa bulsa ng coat niya.

"Isang tanda na gustong-gusto kita," sabi niya na medyo kinatawa ko dahil sino bang hindi nakakaalam ng bagay na 'yun?

Napatingin ako sa beranda at sinilip si Viggo, gusto ko sana na siya ang unang makasayaw ko ngayon gabi ngunit mukhang hindi niya naman ako gusto para ibigay sa 'kin ang bulaklak na dala niya.

"Maraming salamat your highness," sagot ko at kinuha ang bulaklak na nilahad niya saka kami dumaretsyo sa gitna ng kasiyahan.

Lahat ng bisita ay nakatingin sa 'min, nag-iintay na makagawa ako ng kamalian ngunit hindi ko alam bakit tugmang-tugma ang mga galaw ko sa yapak ni Hendrix saka pumasok ang iba pang memorya ni Kiera kung saan magkasabay silang nag-e-ensayo sa pagsayaw noong mga bata pa kami.

"Hindi kumukupas ang galing mo sa pagsayaw lady Kiera," sagot niya at napangiti naman ako.

"Ikaw rin prince Hendrix, mukhang hindi na kita kailangan turuan pa your highness," sagot ko at nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga kaganapan noon nung tinuturuan pa siya ni Kiera sa pagsayaw.

Parang ako na mismo si Kiera ngayon dahil tanda ko lahat ng pinag-usapan namin noon at sobrang komportable kong kausapin ang lalaking ito na para bang hindi isang prinsepe ang nasa harapan ko.

Naging maganda ang sayaw na binigay sa 'kin ng crown prince at lahat naman ng mga manonood ay na mangha sa magandang pagsasayaw ng unang pyesa sa cotillion, sunod na tumunog ang pangalawang kanta at na gulat na lang ako nang lumapit sa 'kin ang aking papa at binigyan ako ng rosas.

Napangiti ako at pakiramdam ko nga maiiyak ako sa ginawa niya dahil unang beses ko masasayaw ang Duke na hindi ko nagawa sa aking tunay na ama, kaya buong sayaw namin ay nakayakap lang ako sa aking ama at masayang nagkukwentuhan.

Hindi ko inaasahan na dahil sa magandang pagsasayaw na pinakita namin ng crown prince at ng Duke kanina ay nagsunod-sunod na ang mga kalalakihan na nais akong maisayaw.

Nung una takot pa sila dahil masamang nakatingin ang duke at crown prince sa kanila ngunit hindi ko alam bakit tinanggap ko ang mga ito at lahat sila ay isinayaw ngayong gabi.

Siguro gusto ko lang iparating sa kanila na approachable naman si Kiera at pwede nila itong makausap ng ayos, kaya bawat binata at ginoong nakakasayaw ko ay nginingitian ko at pinapakitang hindi ako 'yung kontrabida na iniisip nila at dahil doon lalo pang dumami ang bulaklak na natatamo ko.

"Sobrang sakit na ng paa ko," reklamo ko kay Diana habang nasa ibabaw ng lamesa lahat ng mga rosas na nakuha ko.

"Ang sipag mo naman kasi tumanggap ng bulaklak, para kang hindi napapagod sa pagsasayaw," sagot ni Diana sa 'kin at inabutan ako ng tubig.

"Akala ko matatakot sila dahil sinampal ko ang Baron kanina pero hindi pala," sabi ko kay Diana at natawa naman siya.

"Sa ganda mong 'yan? Saka hindi ata nila inaasahan ang maganda mong ngiti kaya lahat sila gusto ito makita," bulong ni Diana sa 'kin at tumingin sa mga binatang nakatingin sa direksyon namin at mukhang nais akong ayain sa huling pyesa ngayong gabi.

"Magpapahinga na ko, ayokong ibigay sa kahit sino ang huling sayaw ko," reklamo ko sa kaniya at napatawa naman si Diana.

"Ako isasayaw ulit ni sir Grimm," sabi niya na para bang iniingit ako kaya inirapan ko siya at sabay kaming natawa.

"Ah, kagaya ng sabi ko iyan na siya," sagot ni Diana nung marinig namin ang musika at palapit na nga sa pwesto namin si sir Grimm.

Tumayo si Diana sa kinauupuan niya at kumaway naman ako sa kanilang dalawa habang inuunat ko ang paa ko sa ilalim ng mesa.

"Kakain na lang ako, asan ba 'yung cake ko kanina," hanap ko sa pagkain ko sa mesa dahil sobrang daming bulaklak ang nasa unahan ko.

"Hoy, isayaw mo ko," napalingon ako sa hudas na parang boss kung utusan ako at na gulat ako nang makita ko si Viggo na nakatayo sa unahan ko at nahihiyang iabot ang bulaklak na hawak niya.

Hindi ko mapigilan mapangiti at mapatawa sabay hablot sa bulaklak na hawak niya dahil baka mamaya bawiin niya pa eh.

"Ang tagal mo! Kanina pa kita iniintay," sagot ko sa kaniya at kinuha ko ang kamay niya saka niya ko inalalayan sa pagtayo.

"Ano sa tingin mong ginagawa mo?" Napalingon kaming dalawa nang marinig namin nag crown prince at hinaharang kami papunta sa sayawan.

"Magsasayaw kami your highness," pabalang na sagot ni Viggo at para bang nakakabuo na sila ng kidlat sa tinginan nilang dalawa.

"At sino nagsabi na pwede mong kunin ang huling sayaw ng binibini?" tanong nito kay Viggo at tinaas naman ni Viggo ang kamay ko kung saan hawak ko ang rosas na binigay niya.

"Tinaggap niya ang rosas ko your highness," sagot niya at magrereklamo pa lang ang crown prince at bigla ulit nagsalita si Viggo.

"Nagamit niyo na po ang bulaklak niyo kaya ako naman, kung wala na kayong ibang sasabihin ay magsasayaw na kami," sagot ni Viggo sabay hila sa 'kin na kinatameme ng crown prince kaya na tawa ako at sumunod lang ng lakad papunta sa dance floor.

Sumabay kami sa sayawan ng iba pang mga bisita sa kasiyahan, hawak kamay kaming dalawa na nagsasayaw at masayang sinusundan ang musika.

"Wag ka masyadong umikot at baka makapanakit ako ng mga lalaking nakatingin sa binti mo," sagot niya na nagbigay kilig sa 'kin kaya hindi ko maiwasan maging masaya at ngumiti halos buong oras na kasayaw ko siya.

"Tunay palang maganda si lady Kiera tuwing ngumingiti ito."

"Ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya na walang halong arte o pagpapanggap."

"Sino ba ang butler na 'yan at mukhang importante siya sa prinsesa at sa binibini," iyan ang mga bulungan na naririnig ko sa paligid namin pero hindi ko na ito inintindi at masaya lang na nakipagsayaw kay Viggo hanaggang matapos ang musika at matapos ang huling gabi ng kasiyahan.

Tatlong araw na ang nakalipas matapos ang pagtitipon. Maraming bagong usapan ang dumikit sa aking pangalan pero kalahati ninto ay magagandang balita katulad na lang ng pagiging Queen of the night ko sa huling gabi ng party.

"Mantakin mo 'yun naging Queen of the night ka," paumpisang asar sa 'kin ni Viggo habang nakasalampak sa sofa.

"Wow, excuse me kung hindi mo po alam ay maraming nais sumayaw sa 'kin nung gabing iyon, kung hindi mo nga ko inaya ay baka nakalima pa kong bulaklak," sagot ko at sarkastiko naman siyang tumawa.

"Ha-ha-ha, sino kaya ang ayaw bumitaw sa kamay ko sa buong tatlong minuto ng kanta? Edi sana nakalima ka pa," rebat niya na kinainis ko, kailan ba ko mananalo sa bangayan namin nitong lalaking ito.

"Saka isa lang naman ang lamang mo sa prinsesa, baka nga kinuha mo pa ang bulaklak niya dahil pareho niyong nilagay ang mga ito sa iisang lamesa," sagot ni Viggo at kulang na lang ay ibato ko sa kaniya ang diyaryong hawak ko.

"Ikaw kamong bampira ka panira ka ng magandang umaga!" Reklamo ko sa kaniya at akmang pipingutin siya nang bigla kaming makarinig ng katok sa pinto.

"My lady, pinapatawag po kayo ng Duke sa ground hall," rinig kong sabi ni Krista kaya tumayo na kami ni Viggo at lumabas sa kwarto.

"Bakit daw?" Tanong ko kay Krista at umiling lang siya.

"Hindi ko rin po alam my lady," sagot niya sa 'kin at tumango na lang ako at ako na ang mismong maghahanap ng sagot kaya naman ay agad kaming nagtungo sa ground hall at nakita ko ang halos lahat ng mga katulong at iba pang tauhan sa loob ng Romulus Estate.

"Pinatawag niyo po ako father," tanong ko nang makalapit ako sa kaniya habang hawak niya ang talaan ng mga pangalan ng katulong na nasa aming harapan.

"Ayos na ang preperasyon at panahon na para mamili ka ng mga tauhan na dadalhin mo sa border, ikaw na ang bahala at pwede ka magdala ng singkwentang tauhan kung nais mo," sagot niya at napatingin ako sa listahan na inabot niya sa 'kin sabay tingin sa mga katulong na nasa harapan ko.

Patago akong napangiti nang makita ko ang mga mukha ng katulong na madalas akong pagtawanan at pag-usapan.

Humanda kayo sa 'kin at pinangako ko sa sarili ko na tatandaan ko ang mga mukha niyo hanggang sa magkaroon ako ng pagkakataon na patalsikin kayo.

Pero mukhang maiiba ang plano dahil hindi na sila mapapatalsik ngayon kung hindi sila ang sasama sa 'kin sa border.

"Ikaw, ikaw, ikaw at ikaw, pati na rin 'yung tatlo sa likod at 'yung sampu sa harap, sila ang gusto kong makasama my lord," sagot ko sa kaniya at tinignan niya isa-isa ang mukha ng mga ito sabay buklat ng listahan at tingin sa mga pangalan at posisyon nila.

"Hmmm... mga katulong ni Kiesha ang karamihan sa kanila ah, kulang pa ito magdagdag ka pa," sagot ng Duke at ngumiti naman ako sa kaniya.

"Kayo na po bahalang mamili ng iba basta po iyong mga naturo ko ay nais kong sumama sa 'kin," sagot ko sa Duke sabay ngiti sa mga katulong na ngayon ay namamawis na sa kaba.

Hindi ba't nangako akong gaganti ako? Pwes, ngayon ito na ang simula ng paghihirap niyo. Wala naman kayo ibang gagawin kung hindi pagsilbihan ang lady na pinakakinaiinisan niyo, 'yung lady na ayaw niyong pagsilbihan at 'yung lady na pinagtatawanan niyo.

"Yo-your grace, personal maid po ako ni lady Keisha, hindi ko po pwede iwan ang alaga ko," sagot ng isang katulong sa Duke at mukhang gustong tumakas sa nag-iintay na impyerno para sa kaniya.

"Hmm... maghahanap ako ng kapalit mo para kay Kiesha, mabuti nang may may matagal na karanasan ang makasama ni Kiera sa bagong lupain para magabayan mo ang iba pang katulong doon," sagot ng Duke at patago akong napangiti, hindi ka makakatakas sa 'kin ngayon dahil sa lahat ng katulong na pinili ko, ikaw talaga ang inuna at tinadaan ko.

Dahil ikaw ang gagamitin ni Kiesha para lasunin ang Duchess at hinding-hindi ako makakapayag na mangyari iyon.

Ngayon pa lang puputulin ko na ang sungay ni Keisha sa pamamagitan ng pagtanggal ko isa-isa sa mga alipores niya, doon makakasigurado akong walang mangyayaring masama sa Duchess kahit iwan ko pa siya rito.

"May nais pa bang magsalita?" Tanong ng Duke at tahimik lang silang lahat, wala silang magagawa dahil kung magreklamo pa sila ay baka matulad sila sa mga knight at sa heneral na nahubaran ng titulo dahil sa paglapastanganan nila sa 'kin.

"Kung ganoon, simula sa susunod na linggo ay pagsisilbihan niyo na ang aking anak sa bagong lupain na bigay sa 'tin ng emperor, inaasahan ko ang magandang balita sa paglipat niyo sa lugar na 'yun," sabi niya sa 'ming lahat at sabay-sabay naman silang yumuko at sumang-ayon sa Duke.

Ngayon, unti-unti nang nahuhulog sa tamang posisyon ang bawat piraso ng plano ko.

Ang kailangan ko na lang ay hanapan ng sulusyon ang miasmang kumakalat sa border at ang paghahanap ng lunas sa sakit ng emperor bago pa ito lumala.

Niyukom ko ang palad ko at tumango sa sarili ko.

"Kaya mo 'to Cana," bulong ko sa sarili ko, na hindi na mamalayang may nakamasid na pala sa bawat galaw ko.

TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

13.4M 641K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
21.9K 529 43
Si Alona ay lumaki sa mundo ng mahika. Lingid sa kaalaman ng lahat ay wala syang tinataglay na kahit anumang ability o mahika... Sa pagpasok nya sa...
257K 6.5K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
11.4M 570K 53
Kallaine Seraphina Verlas is a vampire with a white curse-a curse that every creature feared the most. She already accepted her existence alone, trap...