Blood Contract with her Royal...

Od FinnLoveVenn

172K 5.1K 269

EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang ban... Více

♕PROLOGUE♕
♕CHAPTER 1♕
♕CHAPTER 2♕
♕CHAPTER 3♕
♕CHAPTER 4♕
♕CHAPTER 5♕
♕CHAPTER 6♕
♕CHAPTER 7♕
♕CHAPTER 8♕
♕CHAPTER 9♕
♕CHAPTER 10♕
♕CHAPTER 11♕
♕CHAPTER 12♕
♕CHAPTER 13♕
♕CHAPTER 14♕
♕CHAPTER 15♕
♕CHAPTER 16♕
♕CHAPTER 17♕
♕CHAPTER 18♕
♕CHAPTER 19♕
♕CHAPTER 20♕
♕CHAPTER 21♕
♕CHAPTER 22♕
♕CHAPTER 23♕
♕CHAPTER 25♕
♕CHAPTER 26♕
♕CHAPTER 27♕
♕CHAPTER 28♕
♕CHAPTER 29♕
♕CHAPTER 30♕
♕CHAPTER 31♕
♕CHAPTER 32♕
♕CHAPTER 33♕
♕CHAPTER 34♕
♕CHAPTER 35♕
♕CHAPTER 36♕
♕CHAPTER 37♕
♕CHAPTER 38♕
♕CHAPTER 39♕
♕CHAPTER 40♕
♕CHAPTER 41♕
♕CHAPTER 42♕
♕CHAPTER 43♕
♕CHAPTER 44♕
♕CHAPTER 45♕
♕CHAPTER 46♕
♕CHAPTER 47♕
♕CHAPTER 48♕
♕CHAPTER 49♕
♕CHAPTER 50♕
♕CHAPTER 51♕
♕CHAPTER 52♕
♕CHAPTER 53♕
♕CHAPTER 54♕
♕CHAPTER 55♕
♕CHAPTER 56♕
♕CHAPTER 57♕
♕CHAPTER 58♕
♕CHAPTER 59♕
♕CHAPTER 60♕
♕EPILOGUE♕

♕CHAPTER 24♕

2.7K 77 1
Od FinnLoveVenn

CANA ANNALIS

Ang isang selebrasyon na ginawa ng imperial palace ay tumatagal ng tatlong araw o mahigit isang linggo.

Ang pagtitipon para sa prinsesa ay nakatalagang gawin sa loob ng tatlong araw kung saan ang unang araw ay para sa lahat ng mamamayan ng Lumire Empire. Magkakaroon ng kapistahan sa Central plaza at bibigyan ng rasyon ang bawat tahanan galing sa emperor.

Pangalawang araw ay ang pagsasaya ng mga commoner at aristocrats sa iba't ibang atraksyon na inihanda ng imperial palace katulad na lang ng mga sirko, pagtatanghal ng mga kilalang musikero at iba.

Sa pangatlong araw ay gaganapin ang huling piging kung saan lahat ng noble family ay kailangan dumalo at sumalo ng pagkain sa gaganapin na banquet, sa huling gabi rin ng kasiyahan ay magkakaroon ng huling sayaw na may kasabihan at ibang kahulugan sa mga aristocrats, kung sino raw ang una mong makakasayaw ay ang taong nagugustuhan mo o may gusto sayo at ang huli naman ay ang taong makakasama mo habang buhay.

Bawat ginoo at binata ay may iisang rosas na pwede lang nila ibigay sa babaeng nais nilang makasayaw, kung sino ang pinakamaraming rosas na makukuha ay siyang tatanghaling queen of the night.

At iyon ang pangarap ni Kiera noon, nais niyang tanghaling Queen of the night kahit isang beses lang sa buhay niya kaso noon ay laging isa o tatlo lamang ang nakukuha niya.

Kilala naman si Kiera sa kakaibang ganda niya, ngunit kilala rin siya ng mga lalaki sa titulo niyang 'ang babae ng lahat'. Kung saan iba't ibang lalaki ang nakakasama niya o nadidikit sa pangalan niya.

Mahilig dumalo si Kiera sa mga pagtitipon kung saan mailalabas niya ang problema niya sa pagsasaya, hindi niya naman siniseryoso ang mga lalaking nakakasama niya dahil isa lang ang nais niyang makapansin sa kaniya.

Iyon ay si sir Grimm na walang ginawa kung hindi bumuntot sa prinsesa na siyang kaibigan niya, at kahit na naakit na ni Kiera ng kagandahan niya ang crown prince ay wala pa rin siyang pakialam dito dahil nakatuon lang siya sa lalaking iyon.

Pero ngayon na narito na ko sa katawan ni Kiera, pansin ko na mukhang mas may malalim pang dahilan kung bakit si sir Grimm lang ang nais niyang makuha.

Hindi sa totoong mahal niya ito o ano pa man, bagkos dahil sa nais niyang makuha kung ano ang mayroon ang kaibigan niyang si Diana.

Totong humahanga siya kay sir Grimm pero nung malaman niyang gusto rin ito ng kaibigan niyang si Diana ay nais niya nang makuha ang binata dahil sa takot na baka pati ang lalaking na gugustuhan niya ay mapunta sa kaibigan niya, isama pa ang inggit at pagnanais niyang malamangan ang kaibigan kahit na sa isang aspeto lang, iyon ay ang makuha niya ang pagtingin ni sir Grimm.

"Pero bigo ang gaga," bulong ko sa sarili ko habang nakatunganga sa labas ng bintana at pinagmamasdan si sir Grimm na rumuronda sa loob ng palasyo.

Kung na riyan ka pa rin sa loob ng katawang ito Kiera, pasensya ka na dahil hindi na kita matutulungan sa kagustuhan mong makuha si sir Grimm.

Dahil ako 'tong isa pang gaga na nahulog naman sa lalaking dapat ay kay Diana. Napailing na lang ako at tumingin kay Viggo na nakaupo lang din sa harapan ko at may hawak na libro.

"Ilang oras na lang bago tayo mag-ayos sa huling gabi ng kasiyahan?" Tanong ko sa kaniya at tumingin naman siya sa relo na nasa palapulsuhan niya.

"Kalahating oras," maikli niyang sagot at muli akong sumalumbaba sa mesa at tumingin sa labas.

Nagdaratingan na ang iba pang mga noble family na nais humabol sa pagtitipon ngayong huling gabi, mukhang mas maraming mga tao ang kailangan harapin ni Diana at syempre kailangan ko ring harapin.

"Anong susuotin ko?" Tanong ko kay Viggo at tumingin naman siya sa 'kin.

"May pinadala ang crown prince na bistida para sa 'yo kanina ah, gusto mo bang iyon ang gamitin mo?" Tanong niya at napabuntong hininga naman ako, seryoso ba siyang gusto niya ipasuot sa 'kin ang revealing na damit na 'yun?

"Hindi ba masyadong vulgar?" Tanong ko sa kaniya at tinaas niya lang ang dalawa niyang balikat bilang sagot sa 'kin.

"Kung gusto mong suotin, suotin mo at kung ayaw mong may tumingin ng malaswa sa 'yo, hayaan mo kong dukutin ang bawat mata nila sa pagtitipon," sagot niya at kinilabutan naman ako roon.

"Osige na hindi ko na susuotin 'yun," sagot ko sa kaniya at tinaasan niya lang ako ng isang kilay niya at ito na naman siya mukhang manenermon.

"Suotin mo kung gusto mo, sinasabi ko lang na nasa tabi mo naman ako kung may mangbabastos sayo," sagot niya na medyo nagpakilig sa 'kin.

"Hahaha lakas mong bumanat ah, parang papasukin ka sa loob mamaya," sagot ko dahil kagabi ay hindi siya nakapasok sa loob ng pagtitipon, pero sabagay hindi niya rin naman nais pumunta.

"Pano kung sabihin kong pinayagan ako ng prinsesa pumasok?" Tanong niya sa 'kin sabay salumbaba rin sa harapan ko at tingin lang sa 'kin nang seryoso kaya naman napaiwas ang mga tingin ko sa kaniya. Hirap kasi labanan ng mga titig ng lalaking ito, masyadong delikado.

"Ta-talaga? Pinayagan ka?" Tanong ko at tumango naman siya.

"Kung gano'n may damit ka bang susuotin?" Tanong ko at tinuro niya ang yuniporme niya kaya agad akong umiling.

"Naku Viggo, binilhan kita ng magagarang damit para suotin mo hindi itago sa baul," sagot ko sa kaniya at humalukipkip naman siya sa harap ko na para bang handa na makipagbangayan sa 'kin.

"Bakit kailangan ko pa magbihis ng magarbo kung dadalo lang naman ako doon bilang butler mo?" Sagot niya sa 'kin at napairap naman ako sa kaniya, akala ko iniisip niya rin na isasayaw niya ko, ako lang siguro itong nag-iisip ng gan'ong bagay.

"Osige, sayangin mo 'yung oportunidad na binigay sayo ng prinsesa," sagot ko sa kaniya at lalong kumunot ang kaniyang noo sa harapan ko at parang iniisip kung anong ibig sabihin ng mga sinabi ko.

"Ano bang palabas ang gusto mong gawin?" Tanong niya at napaisip naman ako, bukod kasi sa nais ko siyang isayaw ako ay gusto ko rin ipakita sa mga aristocrats na bawat parte ng Romulus house ay kagalang-galang simula sa mga katulong hanggang sa amo ninto.

Nais ko rin ipakita sa kanila na hindi na ako 'yung Kiera na walang ginawa kung hindi maghasik ng kaguluhan sa bawat pagtitipon na kaniyang pinupuntahan, gusto ko mag-iwan ng kakaibang impression sa mga tao ngayong gabi bago pa man ako magtago sa border ng Lumire.

"Gusto ko maging perfect ang lahat," sagot ko kay Viggo na lalong nagpagulo sa isip niya, halata sa mukha niya ang pagtataka at paghahanap ng sagot sa mga sinasabi ko.

"Pag nagsuot ba ko ng magarang damit masasabi mo nang perfect ang lahat?" Tanong niya at tumango ako.

"Syempre dapat wala silang makitang mali o butas para masiraan ako, gusto ko magmukha tayong representable at gusto ko isayaw mo ko sa huling sayaw ngayon gabi," sagot ko sa kaniya at may gumuhit nang ngiti sa mga labi ko na kinaurong niya.

"Ano na naman bang binabalk mo?" Tanong niya at ngumiti lang ako sa harapan niya.

Well, wala naman talagang malaking dahilan, gusto ko lang mabawasan ang mga umiikot na usapan sa pangalan ni Kiera, gusto ko makita nila akong kakaiba sa kiera na kanilang kilala.

"Sumunod ka na lang, ako nang bahala," sagot ko sa kaniya at wala na siyang nagawa kung hindi sundin ang nais ko.

Mabilis na lumipas ang oras, inayusan ako ng mga pinadalang katulong ng crown prince na magagaling mag-ayos at kilalang mga designer.

Habang wala si Viggo at nag-aayos rin ng kaniyang sarili ay sila na ang inatasan kong tumulong at mag-asikaso sa 'kin.

Hindi sila magkanda-ugaga sa pag-aayos sa 'kin at halos lima na silang paikot-ikot sa loob ng silid ko.

Pinasuot nila ako ng ibinigay na damit ng crown prince, isa itong red up shoulder na dress kung saan kitang-kita ang balikat at collar bone ko, ang haba ninto ay lagpas hanggang paa na may mahaba ring slit sa gilid ng aking binti.

Silk ang tela at halos masilaw ka na sa pagkinang ng mga alahas na kasama ng damit na ito, samantalang ang mahaba kong buhok ay kinulot nila at pinalamutian rin ng mga ornaments na dyamante na singkulay ng damit ko at nangingibabaw sa kulay brown kong buhok, saka inalis ang kakaunting bangs na nasa mukha ko dahilan para makita ang buong mukha ko.

Simple ang make-up na ginawa nila sa mukha ko kaya hindi ito gan'ung sakto sa pabolosong suot ko.

"Wala ba kayong mas matingkad na pula sa lipstick na 'to," tanong ko sa isang nag-aayos sa 'kin at namadali naman siyang kumuha ng pulang kulay saka ito maingat na nilagay sa labi ko.

Tinignan ko rin ang mga eyeshadow palette na nasa harapan ko, puro shade ito ng light pink or violet na hindi naman babagay sa itsura ko kaya kinuha ko ang ilang itim na shade ninto at gumawa ng smoky eye makeup na bago sa paningin nila.

"My lady, anong tawag sa ginagawa mo?" Tanong at usisa nila sa 'kin kaya ngumiti ako.

"Smokey eye," sagot ko at kumindat sa kanila, tumayo na ko nang matapos kong ayusin ang sarili ko at manghang-mangha sila sa kinalabasan ng ayos ko.

"Bagay na bagay sa inyo my lady," sagot nila at napangiti naman ako. Like hello ako lang kaya ang nag-aayos sa sarili ko tuwing may prom or party sa school.

*tok tok*

Sabay-sabay kaming napalingon sa pinto at hindi ko maiwasan kabahan kung makikita ako ni Viggo sa ganitong istura, ano kayang masasabi niya sa 'kin ngayong gabi?

"Handa na ba ang lahat?" Biglang bukas ng crown prince at na hulog ang ngiti ko dahil hindi si Viggo ang inuluwa ng pinto.

"Hu? Bakit ka narito?" Tanong ko sa crown prince na ngayon ay nakatulala sa mukha ko habang papalapit sa kaniya.

"La-lady Ki-kiera?" Tanong niya at pumamewang naman ako sa harapan niya at tinaasan siya ng kilay.

"Huy hindi ikaw ang escort ko ah, bakit hindi mo kasama si Diana?" Tanong ko dahil siya ang magiging escort ni Diana ngayon.

"Ah— si-sinabihan ko si sir Grimm na palit kami," sagot niya at hindi maalis ang mga tingin sa 'kin kaya medyo nahiya na rin ako at hindi na lang ito pinansin.

"Gan'un ba," maikli kong tanong at tumingin sa likod niya kung na roon ba si Viggo ngunit wala, balak ko pa naman gulatin ang mga bisita dahil siya ang gagawin kong escort sa huling gabi ng pagtitipon, pero mas mukhang magugulat pa sila dahil sa pakulo ng crown peince na 'to.

"Masyado kang maganda Kiera, parang gusto kong ikulong ka na lang dito at pagmasdan ka," sabi ng crown prince na kinagulat ng mga katulong sa loob ng silid. Hindi nila maiwasang kiligin at maghampasan sa mga mabubulaklak na salitang ibinabato ng crown prince sa 'kin.

"Tama na nga pambobola, tara na at kailangan ko rin puntahan ang mga magulang ko," palusot ko sa kaniya at nilahad niya ang braso niya sa 'kin at sinukbit ko naman ang kamay ko rito.

Naglakad kami papuntang banquet hall at 'yung kaba ko nung unang araw kong papasok sa lugar na 'to ay wala na, para bang sa lumipas na dalawang araw at gabi ay na sanay na ang tenga at utak ko sa gerang magsisimula ulit ngayon pagpasok ko sa pintong ito.

Nang tumunog ng trumpeta ay bumukas ang malaking pinto saka nila kami sinalubong ng mga tingin na halos gulat na gulat at hindi makapaniwala sa nakikita nila.

"Dumating na ang crown prince at si lady Kiera mula sa Romulus," pag-aanunsyo ng isang kawla sa pangalan ng crown prince kasunod ng akin, bawat hakbang na ginagawa namin ay siyang lakas naman ng bulungan sa loob ng pagtitipon.

Nakita ko ang aking pamilya na gulat na gulat din sa pagpasok ko, lalo na ang mukha ng kapatid kong si Keisha na nakatingin sa 'kin at hindi matago ang inggit sa kaniyang mukha.

"Dumating na ang prinsesa," muling pag-anunsyo ng kawal at kasunod noon ay muling pagbukas ng pinto at niluwa naman ninto si Diana at halos mapanganga rin ako nang makita ko kung sino ang kasama niya.

Hindi si sir Grimm o ang emperor, kung hindi si Viggo na halos hindi mo makilala dahil sa magarbo niyang pustura at sa lalo niyang kagwapuhan ngayon gabi.

"Hi-hindi ba't butler ang lalaking iyon sa Romulus? Anong nangyayari?" Rinig kong bulungan nila at iyon din ang tanong ko sa sarili ko.

Kitang-kita ko silang naglalakad sa pulang alpombra na nakalatag sa marble na sahig at para bang hinugot sila sa isang fairytale book kung saan sila ang prinsesa at prinsepe ng istorya.

Nakaputi si Viggo at hindi ko natatandaan na binili ko ang damit na 'yun sa kaniya, nakabrush up ang buhok at sobrang linis tignan ng kaniyang mukha, samantalang si Diana naman ay nakasuot rin ng puting gown na maraming ribon at palamuting dyamanteng kulay asul, para silang ikakasal at ako itong bisita nilang nanonood lang sa kanila.

Sa mga oras na 'yun, tinamaan ako ng reyalidad na isa lang akong side character sa loob ng storyang ito, na kailan man hindi ako kikinang ng gan'un at hindi babagay para sa tabi ni Viggo.

Para akong sinampal ng katotohanan na sila talaga ang para sa isa't isa at hindi ko maaaring baguhin iyon.

Hindi ko alam bakit ito na naman 'yung lalamunan ko, sumasakit sa pagpipigil ko ng luhang nais lumabas sa mga mata ko.

"Anong nangyayari? Na saan ang emperor?" Rinig kong mga tanong na nagbalik sa 'kin sa reyalidad.

"Nasisiraan na ba ang prinsesa at ang crown prince? Bakit mga patapong bagay ang kasama nila?" Rinig ko at bigla ko na lang na ramdaman na ang pagbitaw ng braso ni Hendrix sa kamay ko at ang huling nakita ko na lang ay nakatayo na si Viggo at Hendrix sa harap ng ginoong nagsabing basura ako.

"Ulitin mo ang sinabi mo? Sinong patapong bagay?" Tanong ni Viggo sa lalaki na kinatakot ko, isang noble man pa rin ang inaambaan niya ngayon at wala siyang laban dito.

"Si-sino ka ba?" Rinig kong tanong ng ginoo kay Viggo pero ang crown prince ang sumagot sa kaniya.

"At sino ka rin ba sa tingin mo para husgahan ang babae ko?" Tanong niya na nagpatahimik sa buong kasiyahan.

Nangangatog man ang mga kamay ko ay pilit kong kinampante ang sarili ko at huminga nang malalim saka naglakad papalapit sa pwesto nila.

Inalis ko ang kamay ni Viggo na nakaamba sa ginoo at ang espada naman na nakatutok sa leeg ninto na hawak ni Hendrix.

Tumingin ako sa ginoong nagsabi ng bagay na 'yun sa harapan ko na ngayon ay nakasalampak sa sahig at nakatingin nang masama sa 'kin.

Ngumiti ako sa harap niya habang hawak ko ang pisnge ko at nakatingin nang diretsyo sa kaniya.

"Sino po bang tinatawag niyong patapon na bagay?" Tanong ko sa kaniya at agad siyang umaling sa 'kin.

"Sino pa ba? Kilala naman ng lahat, kung hindi ang basura ng house Rolumus," sagot niya na lalong nagpagalit sa dalawa pero inawat ko sila.

"Anong house kayo galing my lord?" Tanong ko sa kaniya at napaiwas siya ng tingin sa 'kin.

"Ho-house Sonoff," sagot niya at lalo akong napangiti.

"Baron Sonoff?" Pagbibigay diin ko sa titulo niya at tumango siya.

"Ako nga pala ang anak ng Duke, Lady Kiera Deidamia Romulus, at wala kang karapatan na maliitin ang anak ni Duke Roman," sagot ko sabay sampal sa kaniya nang malakas na kinagulat ng lahat.

Halos hindi makapaniwala ang bawat taong nakasaksi sa ginawa kong eksena, hindi nila alam kung papanig ba sila sa 'kin dahil sa pangbabastos ng Baron o magagalit sa 'kin dahil sa pagmamatapang ko.

"Sino man ang mawalan ng galang sa 'kin ay kawalan din ng paggalang sa aking ama at hindi ko hahayaan maliitin niyo ang Romulus," sagot ko sa kanila habang nakangiti at inilahad ko pa ang kamay ko sa Baron na ngayon ay nakatulala at hawak ang namumula niyang pisnge.

Nakatitig lang siya sa kamay ko na inilahad ko sa kaniya para makatayo kaya naman muli ko siyang nginitian.

"Ayaw niyo bang kunin ang kamay ng isang basura?" Tanong ko sa kaniya at agad niya itong kinuha at hinila ko siya patayo saka ko tinapik ang balikat niya.

"Sa susunod, hindi lang sampal ang makukuha niyo sa 'kin, my lord," bulong ko sa kaniya at ngumiti sa lahat ng mga nakakita na kinatahimik nila.

Naglakad ako palayo sa eksena abpumunta sa table kung saan may mga wine glass, kumuha ako ng isa at ininum ito sa harapan nila.

Mukhang mahihirapan na talaga akong baguhin ang tingin nila kay Kiera, at kung gan'un din naman ang kahihitnatnan, bakit hindi ko na itodo at bigyan katakutan na lang ang mga taong nang mamaliit sa 'kin.

Kung ito lang ang paraan para maprotektahan ko ang sarili ko at ang house Romulus.

TO BE CONTINUED


Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

17.4K 626 58
This story is only a work of fiction. ⚠ Beware of Grammatical Errors and Typos.
4.4K 185 34
Akala ni Lyra Madrid ay nasa ayos ang lahat kaya wala na siyang mahihiling pa. Mabuting magulang, maaasahang kaibigan at mapagmahal na kasintahan. Pe...
2M 134K 38
You can't hide anything from him... you just can't. *** Embry's life is smooth sailing until two storms shattered her frame of mind - one in the form...
91.6K 5.3K 46
Liliana West is a Healer from Sandovia. She was living her life peacefully until the son of a High Lord asked her hand for marriage. She knows better...