Blood Contract with her Royal...

By FinnLoveVenn

172K 5.1K 269

EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang ban... More

♕PROLOGUE♕
♕CHAPTER 1♕
♕CHAPTER 2♕
♕CHAPTER 3♕
♕CHAPTER 4♕
♕CHAPTER 5♕
♕CHAPTER 6♕
♕CHAPTER 7♕
♕CHAPTER 8♕
♕CHAPTER 9♕
♕CHAPTER 10♕
♕CHAPTER 11♕
♕CHAPTER 12♕
♕CHAPTER 13♕
♕CHAPTER 14♕
♕CHAPTER 15♕
♕CHAPTER 16♕
♕CHAPTER 17♕
♕CHAPTER 18♕
♕CHAPTER 19♕
♕CHAPTER 20♕
♕CHAPTER 21♕
♕CHAPTER 23♕
♕CHAPTER 24♕
♕CHAPTER 25♕
♕CHAPTER 26♕
♕CHAPTER 27♕
♕CHAPTER 28♕
♕CHAPTER 29♕
♕CHAPTER 30♕
♕CHAPTER 31♕
♕CHAPTER 32♕
♕CHAPTER 33♕
♕CHAPTER 34♕
♕CHAPTER 35♕
♕CHAPTER 36♕
♕CHAPTER 37♕
♕CHAPTER 38♕
♕CHAPTER 39♕
♕CHAPTER 40♕
♕CHAPTER 41♕
♕CHAPTER 42♕
♕CHAPTER 43♕
♕CHAPTER 44♕
♕CHAPTER 45♕
♕CHAPTER 46♕
♕CHAPTER 47♕
♕CHAPTER 48♕
♕CHAPTER 49♕
♕CHAPTER 50♕
♕CHAPTER 51♕
♕CHAPTER 52♕
♕CHAPTER 53♕
♕CHAPTER 54♕
♕CHAPTER 55♕
♕CHAPTER 56♕
♕CHAPTER 57♕
♕CHAPTER 58♕
♕CHAPTER 59♕
♕CHAPTER 60♕
♕EPILOGUE♕

♕CHAPTER 22♕

2.9K 79 5
By FinnLoveVenn

CANA ANNALIS

Pawang hiyaan at ilangan ang nararamdaman naming dalawa ni Viggo ngayong umaga pagtapos namin mag-usap kagabi. Hindi kami magkatinginang dalawa at parang mga tanga na hindi maharap ang isa't isa.

"A-ang ganda ng araw ngayon no?" Panimula ko ng pag-uusap sa pagitan namin pero nung tumingala ako para makita ang magandang araw na tinutukoy ko ay puno ng ulap ang kalangitan.

Na saan ang magandang araw na sinasabi mo Kiera? Nakakahiya ka, halatang gusto mo lang makausap siya.

"Ta-tam ka, maganda nga ang araw," sagot naman ni Viggo at napalingon ako sa kaniya, seryoso ba siyang sasakyan niya 'yung katangahan kong iyon? Kung maganda ang araw edi na sunog na siya ngayon, akala ko ako lang 'tong parang tanga siya rin pala.

"Oh my, lady Kiera?" Tanong ng isang binibini na hindi ko naman kilala, may mahaba at straight siyang brown na buhok na hanggang bewang at brown ding mata, maganda siya at mapustura pero halata sa mga tingin niya na hindi maganda ang kalooban niya.

"Greeting lady?" Tanong ko at napataas ang isang kilay niya na para bang kasalanan kung hindi ko matandaan ang pangalan niya.

"Lady Jade Bacon, mula sa Goldton Empire," sagot niya at biglang pumasok ang memorya ko sa babaeng 'to, tanda ko na! Isa siyang anak ng Viscount at may ari ng minahan sa Goldton, mukhang dumalaw sila rito para makilala ang bagong prinsesa ng Lumire at mukhang hindi lang siya ang galing sa ibang emperyo kung hindi karamihan din ng mga bisitang dumalo sa kasiyahan na 'to.

"Greeting lady Jade, mukhang lalo kang gumaganda," pang-uuto ko sa kaniya dahil ayokong magsimula ng kahit ano mang gulo ngayon umaga.

"Ahaha! Ikaw naman, alam ko naman 'yun," sagot niya at napatawa na lang ako nang pilit sa sagot niya sabay hampas niya sa braso ko nang hindi naman ganong kalakasan.

"Oh ito ba 'yung sinasabi nilang gwapong escort mo kagabi?" Tanong niya sa 'kin habang nakatingin kay Viggo pero nagkakamali siya, si Grimm ang escort ko na dapat ay kasama ko sa buong araw ko sa imperial palace pero hindi ko alam kung na saan siya ngasuot pero mukhang wala na ko doon kung nasaan man siya.

"Ahaha hindi, actually butler ko siya," sagot ko sa kaniya at napatakip naman siya ng pamaypay sa kaniyang bibig at tinignan si Viggo mula ulo hanggang paa sabay lapit sa 'kin at bulong.

"Saan mo siya nakuha? Kalaro mo ba siya? Uso raw ang kalaro sa Lumire empire," bulong niya sa 'kin at parang inosenteng tsimosa na hindi alam ang sinasabi niya.

Halata sa mukha niya na hindi niya pa na raranasan 'yung kalaro na tinutukoy niya at mukhang curious lang siya rito.

"Hindi, butler ko lang talaga siya at hindi papayag ang aking ama na magkaroon ako ng karanasan sa ganoon ng hindi ko asawa ang aking kasama," sagot ko sa kaniya at sinipat niya ulit si Viggo ng tingin sabay bulong ulit sa 'kin.

"Talaga ba? Pero umiikot na ngayon sa high society ang pagtigil ng crown prince sa silid mo kagabi hanggang ala una ng madaling araw, anong sabi ng Duke tungkol doon?" Tanong niya na halata mong maintriga at naghahanap lang ng butas para maliitin ako at mapaikot sa dila niya.

"Ah 'yung pinag-usapan namin ng crown prince? Hahahaa tungkol iyon sa pagpugot niya sa bawat taong dinudungisan ang pangalan niya, na kwento niya nga sa 'kin na pinatay niya raw ang anak ng Viscount sa karatig emperyo dahil sa hindi sinasadyang pagdura ninto sa sapatos niya," pananakot ko sa kaniya, well totoo naman 'yung kinukwento ko dahil tanda kong nakwento sa 'kin ni Hendrix iyon nung pinapadalhan niya pa ng liham si Kiera sa Academy.

"Aah, eh, rinig ko lang naman na usapan nila hahaha alam mo naman sa high society tsimis ang libangan, hahaha sige mauna na ko," sabi niya at parang asong bahag ang buntot na lumayas sa harapan ko.

"Hays, mas nakakapagod pala humarap sa mga tsimosa," bulong ko sa sarili ko at pakiramdam ko na ubos na agad ng forty percent ang energy ko ngayon umaga.

"Nagsisimula pa lang ang araw mukhang pagod ka na," bulong ni Viggo habang nakatingin sa mga aristocrats na nagsisilabasan na rin sa kani-kanilang mga silid para maglakad at maglibot sa hardin.

"Hindi pa nga tayo nakakagala sa bayan ay ubos na ang enerhiya ko, parang mas gusto ko na lang mahiga buong maghapon sa loob ng kwarto ko," sagot ko sa kaniya at umiling naman siya.

"Iisipin nilang bastos ka sa inauguration ng mismong kaibigan mo kung hindi ka makikipag-participate sa okasyon," sagot niya at biglang pumasok sa utak ko si Diana.

"Oo nga pala, hindi ko pa siya nadadalaw! Tara puntahan na 'tin siya sa silid niya," aya ko sa kaniya pero umiling naman siya.

"Kasama ng emperor at crown prince si princess Diana ngayon sa isang meeting bago kumain ng pananghalian sa banquet hall," sagot niya at humanga naman ako sa kung pano niya nakukuha ang mga impormasyon na 'yun.

"Nasa meeting siya? Hindi ba't dapat nagpapahinga siya ngayon dahil sa nangyari kagabi?" Tanong ko naman at tinaasan niya ko ng kilay.

"Magiging empress na siya sa mga susunod na taon, at hindi siya pwede magpahinga habang suot niya ang titulong iyon, gano'n kabigat ang gampanin niya," sagot naman ni Viggo at hindi ko maiwasan na mag-alala at maawa kay Diana.

Nagbuntong hininga na lang ako at nagsimula na rin maglakad at mag-ikot-ikot sa hardin, malapit lang din ang central plaza sa imperial palace kaya pwede namin itong lakarin palabas kaso masyadong nakakapagod lalo na't ganito kakapal at kabigat ang damit na suot mo.

Naglakad ako ng parang zombie sa daan at napukaw naman ang tingin ko ng mga karwaheng palabas ng palasyo.

"Lahat ba sila pupunta sa Central?" Tanong ko at tumango siya.

"Baka uuwi na rin 'yung iba," sagot niya at tumango naman ako, nakita ko kung gano karami ang mga royal knights na nasa palibot ng buong palasyo.

Bawat sulok ay makakakita ka ng isa o tatlong magkakasama, lahat sila ay nakasuot ng puting yuniporme na may pula at gintong detalye.

"Ano pupunta ka ba ng plaza? Magpahatid ka na lang sa karwahe," sabi naman ni Viggo pero iniisip ko na kung gagamitin ko ang karwahe ay paniguradong sasabihin ng Duke na isama ko na si Keisha sa paggala ko na pinaka ayokong mangyari sa lahat.

"Wag na, dito na lang tayo sa hardin at masyadong nakakapagod," sagot ko sa kaniya at hindi naman siya umimik.

Nasa first garden kami ng imperial palace na malapit sa main gate ng palasyo, mula rito ay tanaw na tanaw ko ang mga pumapasok at lumalabas ng palasyo, masusi ang bawat inspeksyon sa bawat karwahe na pumapasok at ganoon na rin sa lumalabas para masigurado ang kapakanan ng royal family.

Sa paglalakad-lakad namin sa hardin ni Viggo ay bigla kong nakita si sir Grimm mula sa malayo, mukhang abala siya sa pag-iikot at pagbabantay sa palasyo kaya nakalimutan niya na atang escort ko siya at bilang escort ko ay dapat siya ang kasama ko buong araw hanggang matapos ang pagtitipon.

Pero hahayaan ko na siya, ayos na kong si Viggo ang kasama ko kesa naman magbangayan pa silang dalawa na para na namang aso't pusa.

Pero 'yung plano kong iyon ay agad nasira nang makita kong papunta sa direksyon namin ang isang lalaking nakasuot ng kulay itim na yuniporme at maraming badge na nakasabit sa kaniyang balikat, isang katandaang lalaki na may pagkakahawig kay sir Grimm.

Kumunot ang noo ko nang makita ko silang papalapit sa pwesto namin na para bang may huhulihing kriminal, saka lang doon pumasok sa kokote ko na kung asong lobo si sir Grimm ay siguradong kasama niya ang buong pack niya rito.

Napalunok ako, hindi kaya ang matandang lalaking ito ang chief ng pack nila bilang werewolf? At kaya nila kami lalapitan ay dahil sa mortal nilang kaaway ang bampirang kasama ko?

"Vi-Viggo, kailangan na ata na 'tin tumakbo," na uutal kong tawag sa kaniya sabay hampas sa balikat niya at hila sa kaniya pero hindi siya gumagalaw at parang wala lang pakialam sa sinasabi ko.

"Viggo ano ba? Tara na!" Utos ko sa kaniya pero parang mas malakas ang galit niya sa mga lobo na pati ang kontrata naming dalawa ay hindi niya masunod.

Nakatingin lang siya sa group ng mga kawal na nakaputi kasama ang heneral nila,  na pansin ko ring kasunod na nila si sir Grimm sa kanilang likuran na para bang hindi rin nais ang pwedeng mangyari.

Nang makapunta sila sa harapan ko ay sinlubong naman nila ako ng paggalang ay sabay-sabay akong binati.

"Greeting lady Kiera ng house Romulus, ako nga pala si Heneral Ashnard Herveaux, and first general ng Imperial palace," pagpapakilala niya at yumuko rin naman ako sabay kuha ng dalawang dulo ng aking bestida at nagbigay galang sa kaniya.

"Nice meeting you Sire," sagot ko sa kaniya at tumango naman siya sa harap ko, agad niyang binaling ang atensyon niya kay Viggo at muling nagsalita.

"Nais ko sanang makausap ang binatang kasama mo ngayon sa prebadong lugar my lady," magalang niyang pakiusap sa harap ko pero parang hindi ko na gugustuhan ang pwedeng mangyari.

"Pwede ko bang malaman kung ano ang dahilan?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi maaari my lady, ito ay pagitan lamang sa mga royal knights at sa lalaking kasama mo," sagot niya sa 'kin pero iba talaga ang kutob ko, bakit hindi niya masabi sa 'kin ang dahilan? Anong gagawin nila kay Viggo pag sila-sila na lang ang makakakita.

Baka hindi na makabalik pa si Viggo ng buhay iung hahayaan ko ang gusto ng Heneral.

"Paumanhin po ngunit hindi ko siya papayagan umalis sa tabi ko, kailangan na namin pumunta sa central city at ayoko nang masayang ang oras ko sa pag-iintay sa nais niyong sabihin sa butler ko," sagot ko sa kaniya at nakita kong kumunot ang noo niya pero taas noo pa rin akong humarap sa kanila.

Kahit kabado at pakiramdam ko na nginginig ang mga kamay ko ay pilit ko pa rin pinagtanggol si Viggo dahil hindi ko talaga alam ang kalalabasan kung hahayaan ko siyang sumama sa mga ito.

"Heneral Ashnard, ako na lang ang bahala rito, ako na ang makikipag-usap sa lady at sa butler niya," awat naman ni sir Grimm dahil sa nakakabuo na kami ng komosyon sa harap ng mga bisita na katulad kong naglilibot sa hardin.

"Intindihin mo ang trabaho mo Grimm, wag ka makisawsaw rito," galit na sagot ng heneral pero hindi naman nagpaawat si sir Grimm.

"Pero father, baka pagmulan pa ito ng gulo," sagot niya at na patingin naman ako sa heneral. Kutalad ng hinala ko siya nga ang ama ni sir Grimm dahil sa pagkakahawig nila.

"Excuse me sir, pwede wala akong natatandaan ginawang paglabag sa Imperal palace kaya anong dahilan bakit niyo ko kakausapin?" Tanong naman ni Viggo at bigla nang umangil ang mga kasamahan ni sir Grimm.

Parang isang salita lang galing sa bampira ay galit na galit na sila.

"Ang buong pagkatao mo lang ay isang banta na sa kaligtasan ng emperyon ito," sagot ng heneral at kitang-kita sa mga mata niya ang galit kay Viggo na wala naman ginawa kung hindi tumayo sa harapan ko at protektahan ako.

Ano bang malaking kasalanan ang ginawa ng mga bampira para katakutan at gawin silang kalaban ng mga werewolf? Alam kong nakapatay ang iba sa kanila ay hindi sumunod sa usapan at batas ng emperyo ngunit hindi naman lahat ng uri nila ay katylad ng mga iyon.

May mga nais lang na mabuhay ng tahimik at normal katulad ng iba.

"Pano niyo naman na sabi 'yun? Kilala niyo ba ang lalaking ito?" Tanong at sagot ko sa heneral na nagbigay sa kaniya ng pagtataka at tila ba natuon ang atensyon sa 'kin.

"Lady Kiera, isa itong problema na hindi mo na iintindihan, hindi mo kilala ang lalaking kasama mo," sagot ng heneral sa 'kin at pansin kong problema na rin si sir Grimm na siyang nakakalam ng panig ko.

"Bakit? Isa ba siyang takas sa kulungan? Isang mamatay tayo?" Tanong ko at lumapit sa kaniya na tila ba lahat ng takot ko kanina ay na wala na.

"Sagutin niyo heneral Herveaux, kilala niyo ba ng personal ang taong ito para akusahan niyo siya ng ganu'n?" Tanong ko sa kaniya sabay iwas niya ng tingin sa 'kin.

Pansin kong nakakabuo na naman kami ng atensyon galing sa iba at mukhang may bago na namang issueng mapagtsitsimisan ang mga aristocrats sa free time nila.

Talagang bwenas itong si Kiera pagdating sa mga usapan, mga iskandalo at iba pang makakasira sa imahe niya.

Hindi na ko nagtaka bakit tila kilala siya ng lahat at sikat sa loob ng emperyo, hindi nga lang sikat dahil sa mabubuti niyang gawa kung hindi dahil sa mga usapang nakapaligid sa pangalan niya.

"Kung alam mo ang pagkatao ng lalaking iyan ay baka ipatapon mo na siya kung saan," sagot ng heneral at umiling ako sabay lapit kay Viggo at sukbit ng kamay ko sa braso niya.

Ngumiti ako sa harap nilang lahat habang takip-takip ng kamay ko ang aking bibig na hindi maiwasan mapangiti.

"Kung alam ko lang? Hahahaha, kilalang-kilala ko siya at kung ano siya, kung hindi niyo nga alam kilala ko rin kung ano talaga kayo Sire, kung anong klaseng nilalang kayong lahat," sagot ko sabay pakita ng mga mata kong tinatawanan sila.

Pansin kong napaurong ng hakbang ang heneral kasama ang mga knight na nasa kaniyang likuran, si sur Grimm naman ay tahimik lang at pinagmamasdan bawat galaw na gagawin ko sa kaniyang ama.

Mabuti na 'to, dahil kung pag-uusapan at gagawan na lang din naman nila ako ng kwento ay bakit hindi ko na galingan ang palabas na pinapakita ko.

Kung Villainess ang turing nila sa babaeng 'to, bakit hindi ko na lang itodo? Dahil hindi ko naman kailangan ng permiso galing sa kanila sa bawat bagay na ginagawa ko.

Hahayaan kong pag-usapan nila si Kiera at kung nais man nilang sirain ang imahe ninto sa iba ay sige gawin nila.

Ipapakita ko na lang sa kanila kung sino ang minamaliit nila, kung sino 'to babaeng walang sawa nilang pinagtatawanan at minamata.

"Lady Kiera," rinig kong tawag sa 'kin ni Diana kaya agad akong napalingon sa direksyon niya at nakita ko ng nag-aalala siya. Agad naman kaming yumuko at nagbigay galang sa kaniya at sa crown prince na kasama niya.

"Greetings Princess Diana and Prince Ean the shinning star of the empire," bati namin sa harap nilang dalawa at pagkaangat pa lang ng ulo ko ay nakita ko na agad ang titig sa 'kin ng crown prince.

Agad kong iniwas ang mata ko sa kaniya at naglakad naman silang dalawa sa pwesto namin para alamin ang pang-yayari.

"Anong kumosyon ito?" Tanong ng crown prince samantalang si Diana naman ay agad akong hinila palayo kay Viggo at sinukbit ang kamay niya sa braso ko.

Hindi ko alam kung ako lang ba o ano, pero pakiramdam ko ang sama ng tinginan nila Viggo at Diana na para bang nakakabuo na sila ng kidlat sa mga tinginan na 'yun.

"Maliit na hindi pagkakaunawaan lang your highness," si sir Grimm na ang sumagot at pumutol ng kaguluhan na 'to.

"Totoo ba 'yung lady Kiera? Sabihin mo sa 'kin kung hinaharas ka ba ng mga 'to, at isa-isa ko silang ipapakaladkad ng kabayo," sagot ng crown prince at ako itong napalunok sa takot sabay iling.

"Ah-hahaha, maliit na hindi pagkakaintindihan lang your highness," sagot ko saka pilit na ngumiti sa harap niya at ngumiti naman siya sa 'kin sabay masamang tumingin sa grupo nila sir Grimm.

"Kung ayos na ang lahat, tara at sumama ka sa 'min ni Diana at may pag-uusapan tayong tatlo," utos niya sabay lakad papalayo kaya sumunod na lang kami ni Diana habang masama silang nagtitinginan ni Viggo.

Anong nangyari kay Diana at Viggo? Bakit parang sila naman itong aso't pusa?

TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

48.2K 3.2K 24
Matapos magising sa tatlong buwang pagka-comatose si Charlie ay hindi niya alam bakit tila kulang na ang pagkatao niya kahit na hindi naman siya na w...
2K 351 17
Bigla ko nalang naisip dahil sa napanood kong movie at inupload ko dito sa wattpad kaya ayan nishare ko nalang. One of my fictional short story with...
69K 5K 117
Blue -Sabrina Lorraine Park *typographical and grammatical errors ahead.. Meet Blue- Sabrina Lorraine Park a highschool students full of talents,- b...
87.5K 2.8K 67
TRAVIS ZADEN CORDOVA ( VCS#1 ) Don't fall in love with the Superior. That's the only one forbidden Rule! If you don't want the contract to be void; ...