Blood Contract with her Royal...

By FinnLoveVenn

172K 5.1K 269

EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang ban... More

♕PROLOGUE♕
♕CHAPTER 1♕
♕CHAPTER 2♕
♕CHAPTER 3♕
♕CHAPTER 4♕
♕CHAPTER 5♕
♕CHAPTER 6♕
♕CHAPTER 7♕
♕CHAPTER 8♕
♕CHAPTER 9♕
♕CHAPTER 10♕
♕CHAPTER 11♕
♕CHAPTER 12♕
♕CHAPTER 13♕
♕CHAPTER 14♕
♕CHAPTER 15♕
♕CHAPTER 16♕
♕CHAPTER 17♕
♕CHAPTER 18♕
♕CHAPTER 19♕
♕CHAPTER 20♕
♕CHAPTER 22♕
♕CHAPTER 23♕
♕CHAPTER 24♕
♕CHAPTER 25♕
♕CHAPTER 26♕
♕CHAPTER 27♕
♕CHAPTER 28♕
♕CHAPTER 29♕
♕CHAPTER 30♕
♕CHAPTER 31♕
♕CHAPTER 32♕
♕CHAPTER 33♕
♕CHAPTER 34♕
♕CHAPTER 35♕
♕CHAPTER 36♕
♕CHAPTER 37♕
♕CHAPTER 38♕
♕CHAPTER 39♕
♕CHAPTER 40♕
♕CHAPTER 41♕
♕CHAPTER 42♕
♕CHAPTER 43♕
♕CHAPTER 44♕
♕CHAPTER 45♕
♕CHAPTER 46♕
♕CHAPTER 47♕
♕CHAPTER 48♕
♕CHAPTER 49♕
♕CHAPTER 50♕
♕CHAPTER 51♕
♕CHAPTER 52♕
♕CHAPTER 53♕
♕CHAPTER 54♕
♕CHAPTER 55♕
♕CHAPTER 56♕
♕CHAPTER 57♕
♕CHAPTER 58♕
♕CHAPTER 59♕
♕CHAPTER 60♕
♕EPILOGUE♕

♕CHAPTER 21♕

3K 79 18
By FinnLoveVenn

CANA ANNALIS

"Pano mo sila natalo? Anong teknik ang ginawa mo? Ikaw ba ang nagplano ng buong galaw niyo sa loob ng labanan?" Tanong ko sa kaniya habang manghang-mangha ako sa mga nalalaman kong kaganapan sa mismong loob ng labanan galing mismo sa bibig ng crown prince na siyang naging bayanin ng labanan na iyon.

Kaso parang ako lang itong excited dahil sa nakasimangot siya sa harap ko habang nakahalukipkip at parang inis na inis na sa 'kin sa hindi ko malaman na dahilan. Wala naman kaming ginawa kung hindi magkwentuhan lang ah, bakit mukhang pikon na pikon sa 'kin ang crown prince na 'to.

"Seryoso ka ba na kaya inaya mo kong wag umalis sa tabi mo ay para lang ikwento ko sa 'yo ang nangyari sa 'kin sa loob ng gera? Nagbibiro ka ba lady Kiera?" Tanong niya habang nakakunot ang noo at sapo-sapo ang mukha niya.

Halata sa mukha ng crown prince ang dissapointment niya sa 'kin na para bang may ginawa akong mali o sinabing mali.

"Oo, ano bang gagawin na'tin maliban sa magkwentuhan? Wala naman kayong kahit anong board games dito o kaya telebisyon para mag Netflix and chill tayo?" Sagot ko lalong kinakunot ng noo niya.

"Alam mo umalis lang ako ng tatlong taon, ang laki na nang pinagbago mo, kailan ka pa nahilig sa usapan na katulad ng gera at pakikipaglaban? Saka ano ba 'yung mga lenguaheng sinasabi mo? Saan mong lugar na pulot iyan ha?" Tanong niya at napahawak ako sa bibig ko sabay iwas ng tingin sa kaniya.

Sa sobrang hype ko sa pagtatanong sa kaniya tungkol sa pangyayari sa loob ng gera ay hindi ko na namamalayan na lumalabas na ang pagiging Cana ko na adik sa history at nakakapagsalita ng mga bagay na hindi naman nila maiintidihan sa panahon na 'to.

"Patawarin niyo ko your highness, masyado lang akong na dala sa kagitingan niyo sa pakikipaglaban," pang-uuto ko sa kaniya at narinig ko naman siyang napaubo at patagong ngumiti.

"Sabagay alam ko naman na sabik ka na rin sa pagbalik ko at gustong-gusto malaman lahat ng mga nangyari sa 'kin sa labanan," sagot niya sabay tingin sa 'kin at nagyabang pa talaga.

"Ehem, sige sisimulan ko ang lahat sa pagbabantay na 'min sa border ng MoonVault," sagot niya at patuloy na nagkwento habang ako naman ay nakikinig sa kaniya nang seryoso, kinuha ko na rin ang notebook ko sa gamit ko at nagsimulang makining sa kaniya na akala mo talaga ay may leksyon kami ngayon sa subject na history.

"Kalat naman siguro ang balita na sobrang daming mga pirata ang nagtatago sa Moonvault dahil sa hindi pa rin ito na aayos ng Ambrosetti Empire na siyang gumera rito," sagot niya at tumango ako, alam ko rin na ito nga ang dahilan ng gera sa karagatan na pinapaligiran ng apat na emperyo.

Ito ay ang Moonvault Empire na ngayon ay abandonado na at nasa pamamalakad na ng Goldton Empire na sumakop rito, sunod ay ang Emperyo namin na may maliit na piyer at hati sa karagatan, ang malaking emperyo ng Goldton Empire na halos sakupin na ang lahat at ang panghuli ay ang Ambrosetti Empire na may malaking parte rin sa karagatan.

Sumiklab ang gera dahil sa mga pirata na noon ay mga mamamayan ng Moonvault Empire, nais nilang bawiin ang lupain nila at karagatan kaya naman kami na karatig emperyo nila ay nadadamay sa gulo at madalas ang mga mamamayan na'min ang na iipit sa labanan na 'to. Ang pinaka tinatamaan ng gera sa karagatan ay ang mga mangingisda at iba pang kalakalan na nagaganap sa piyer.

"Bantay kami sa border ng emperyo pero na pag-alaman ko na ang pinuno ng mga pirata ay nagtatago sa dagat ng Moonvault kaya doon na 'min siya sinalubog at nakipagera sa gitna ng karagahan," kwento niya pa na talaga namang hinahangaan ko.

Hindi ko mapigilan mamangha sa kung pano nila tinalo ang mga pirata gamit ang malalaking barko na may kanyon sa loob. Hindi ko rin naman maiwasan na humanga sa lalaking ito na naglano lahat ng matatalinong galaw sa loob ng labanan, hindi naman siya ituturing na Tactician Prince ng history kung hindi niya napapanalo lahat ng mga gera na sumunod pa rito.

Iyon ang hindi nakita ng emperor matapos niyang ipatapon ang crown prince sa bawat digmaan na pinupuntahan ninto, lagi niya pinapasabak ang prinsepe at nagbabakasakaling doon na makuha ang kawakasan ninto para makuha ni Diana ang trono kaso doon na talo ang emperor dahil talagang matalino si Ean Hendrix Eckheart dahilan para silang dalawa ni Diana ang pinakakinatatakutan ko sa mga history books na nabasa ko.

Hindi ko maisip na itong lalaking ito ang magiging malaking kalaban ni Diana at magdudulot sa kaniya ng paghihirapa, pinapakinggan ko lang siya habang panay lang siya kwento sa 'kin at hindi namin na mamalayan ang oras na lumilipas sa 'ming dalawa.

"Your highness!" Na gulat na lang kaming dalawa nung biglang pumasok ang aking ama sa loob ng silid at galit na galit na lumapit sa aming dalawa.

Nakita niyang may hawak na kong kwaderno at ang crown prince naman ay nag do-drawing pa ng mapa at taktiks nila nung nasa labanan.

"Hindi ba kayo tinuruan na kumatok Duke Ramon?" Seryosong tanong ng crown prince na medyo kinaurong ng aking ama kaya tinanggaka kong pakalmahin silang dalawa.

"Patawad your highness, pero na pag-alaman ko po kasi nasa loob kayo ng silid ng aking panganay at alam niyo naman siguro na mali ito dahil hindi pa kayo kasal na dalawa," sermon ng aking ama sa aming dalawa at napatingin sa lamesa ko na puno ng mga papel at drawing ng crown prince.

Halata sa mukha niya ang kaba at tumingin sa 'kin nang may nangungusap na mata, tila ba nagtatanong kung anong ibig sabihin ng mga papel at planong nasa aming harapan.

"Na-nag ba-balak ba kayo ng kudeta?" Nangangatog na tanong ng aking ama kaya na tawa ako at mabilis na umiling.

Akala niya siguro ay may kung ano kaming pinaplano ng crown prince dahil sa mga planong ito na nasa harapan na 'min, ano tingin niya sa 'kin kayang magpabagsak ng emperyo?

"Hindi po father, nagkukwento lang po ang crown prince ng mga kaganapan nung nasa gera pa siya," sagot ko at halata talaga sa mukha niya ang pagtataka kung anong sumapi sa anak niya at nahilig sa mga bagay na katulad ninto.

"Ehem, masyado nang malalim ang gabi at hindi ako papayag na magpatuloy pa kayong dalawa sa kwentuhan niyo," sagot niya at inaya ang crown prince na lumabas sa kwarto ko.

"Kahit na kayo ang crown prince ay hindi pa rin ako papayag na pagmulan ito ng hindi pagkakaintindihan at mga usapan sa high society kaya kung iniingatan niyo ang imahe niyo bilang crown prince at ni Kiera bilang lady ng Romulus ay sana hindi na mauulit ang ganitong kaganapan," sagot ng Duke at sabay lingat sa buong paligid na parang may hinahanap.

"Na saan si sir Viggo?" Tanong niya sa 'kin at napalunok naman ako, magpapakusot ba ko at sasabihing kanina pa ito nasa kwarto ninto?

"Ah, kanina—"

"Yes my lord?" Napalingon kaming tatlo sa pagpasok ni Viggo sa pintuan at tumaas naman agad ang kilay ng crown prince sa presensya na pinakita ninto.

"Bakit hinayaan mong maiwan ang master mo kasama ang isang lalaki sa kwarto? Bantayan mo siya kahit sino pa ang makausap niya," utos ng tatay ko na hindi ko talaga inaasahan na magiging over protective kay Kiera.

"Masusunod your grace," sagot ninto at tumango saka naman naglakad patungo sa pinto ang Duke at tinignan ang crown prince kaya napasunod ito.

Totoo pa lang lahat ay matatakot sa isang tatay na protective sa kaniyang anak, miske ang buntot ng crown prince ay umurong nang ang Duke na ang nagsalita sa harap niya.

Ngunit bago pa tuluyan makalabas ang crown prince ay nakita kong nagtama pa ang tingin nila ni Viggo at tinitigan ito.

"Kita na lang ulit tayo bukas lady Kiera, magandang gabi," sabi niya sa 'kin pero hindi niya naman inaalis ang seryoso niyang tingin kay Viggo at ito naman si Viggo ay ganu'n din sa kaniya.

Nang tuluyan nang makalabas ang Duke at ang crown prince ay napaupo naman ako at malalim na nagbuntong hininga, lumapit sa 'kin si Viggo at tinignan kung anong ginagawa namin ng crown prince kanina.

"Hindi kami nagpaplano ng pag-aalsa," pangunguna at maikli kong sagot sa kaniya bago niya pa isipin ang inisip din ng Duke kanina saka lang siya umupo sa kaharap kong sofa at sumalumbaba habang nakadekwatro ng upo.

"Ano sayo ang crown prince?" Hagis niya ng tanong na parang bomba sa harapan ko, agad akong napabangon at tumingin sa kaniya.

"Wala!" Mabilis kong depensa at parang hindi naman siya na niniwala sa sinabi ko, sumagitsit siya at nilukot ang mga papel na nasa harapan niya.

"Huy! Galit ka ba?" Tanong ko sa kaniya dahil kanina rin nung makita ko siya sa beranda ay nanlilisik ang mga mata niya sa crown prince, para bang ano mang oras ay papangasin niya na ang leeg ninto.

Hindi niya ko sinagot sa tanong kong iyon at inayos ang mga kalat na nasa ibabaw ng lamesa habang parang tanga na nagdadabog sa harap ko.

Okay? So ano na naman 'to? Hindi naman ako manghuhula para malaman kung anong nagawa ko o anong kinaiinisan niya ngayon.

Kung tutuosin nga may mga bagay pa kaming kailangan linawin katulad na lang ng nangyari sa 'min kanina sa hardin, dapat linawin niya sa 'kin kung para saan ang halik na 'yun dahil malaki ang ibig sabihin sa 'kin nu'n.

"Galit ka ba dahil kasama ko ang crown prince? O dahil pinapasok ko siya sa silid ko?" Tanong ko sa kaniya habang sinasalansan niya ang mga pagkain na natira sa lamesa at ang mga tea cup na pinag-inuman naming dalawa ng crown prince.

"Pareho!" Maikli niyang sagot pero imbes na mainis ako ay hindi ko alam bakit gumuguhit ang ngiti sa labi ko, don't tell me nagseselos siya?

"Bakit ka nagagalit? Nag-usap lang naman kami ah," sagot ko sa kaniya at naglakad na ko para humiga sa kama at umupo rito habang pinapanood ko siyang magpaikot-ikot sa loob ng kwarto at gawin ang trabaho niya habang nakabusangot at inis na inis.

"Hind ko rin alam! Pwede wag ka na matanong?" Sagot niya sa 'kin at bigla akong tinulak pahiga ng kama na kinagulat ko.

"A-anong ga-gawin mo Viggo, teka lang masyado ka atang mabilis," sagot ko sa kaniya, like hello hindi ko inaasahan na masyado siyang mabilis dumiskarte sa babae, anong gagawin niya sa 'kin? Gagawin na ba namin agad ang bagay na 'yun?

Gosh hindi pa ko handa!

Nahihiya kong iniwas ang mukha ko pero may parte sa 'kin na parang gusto ko kaso bago pa ko nakapagsalita ay bigla niya na lang hinila ang kumot at tinaklob ito sa mukha ko.

"Matulog ka na, nakakapikon ka!" Sagot niya sa 'kin at napabangon ako sa inis, akala ko pa naman may gagawin siyang ikakawala ng puso ko pero papahigain niya lang pala ako at tatakluban ng kumot na parang batang pinipilit niyang patulugin.

"Huy! Hindi mo ba sa 'kin papaliwanag kung ano 'yung nangyari sa 'tin kanina? Iiwan mo lang ba ko sa era ng ganito sa kung anong nangyari sa 'tin?" Tanong ko sa kaniya at napatigil siya sa pagpatay ng bawat kandila sa loob ng silid ko.

Kahit nakatalikod siya, kita ko naman ang pamumula ng mga tenga niya at batok niya na ngayon ay kinakamot niya na at hindi makaharap sa direksyon ko.

"Pwede wag mo muna ako kausapin tungkol d'yan? Miske ako hindi ko alam bakit ko inakto sa harapan mo 'yun! Naiintindihan mo?" Tanong niya at napanganga na lang ako sa gulat sa mga sagot niya.

Seryoso ba siya?

"Huy! Kinuha mo ang first kiss ko tapos ganun-ganun na lang? Hinalikan mo ko kanina ng walang paalam, natatandaan mo?" Reklamo ko na kanina ay hindi ko naman masabi sa kaniya, ginagalit niya kasi ako iyan tuloy na uungkat ko pa, kita niya naman na babae ako eh, at ugali naming mga babae ang mang-ukat ng nakaraan pag naiinis kami.

"Sabi ko sayo sampalin mo ko kung hindi mo na gustuhan 'di ba?" Tanong niya at napahiya naman ako, panonko naman kasi gagawin 'yun kung na gustuhan ko nga ang halik niya kanina kuya hindi ko siya na gawang sampalin.

"Gu-gusto ko lang naman malaman k-kung anong nararamdaman mo nung ginawa m-mo 'yung eh," na uutal at nahihiya kong sagot sa kaniya, pareho naming iniiwasan ang tingin ng isa't isa at narinig ko na lang siyang nagbuntong hininga at hinipan ang huling kandila na nagbibigay ng liwanag sa silid ko.

"Na akit ako sa labi mo, ayos na ba 'yun bilang dahilan?" Tanong niya at bago pa ko lumingon sa kaniya ay mabilis na siyang lumabas sa pintuan ko at tinakasan ang kahihiyan.

Omg! Sinabi niya bang na aakit siya sa labi ko? Aaaaah! Totoo ba? Ano ba Viggo para kang ano!

Mabilis kong sinalampak ang mukha ko sa mga unan at kutsyon ng kama saka nagpapapadyak doon sa kilig at tumitili nang pigil na pigil.

Grabe! Hindi ko alam na sa edad kong ganito ay kikiligin pa ko ng todo! Parang gusto kong magwala at sumayaw sa ibabaw ng kama dahil sa sinagot niya.

"Hehehe naakit daw siya," muli kong bulong at napahawak sa labi ko saka na alala ang malalim at matamis niyang halik sa 'kin.

"Aaaaah!" Muli kong sigaw sa ilalim ng unan at nakangiting pinikit ang mga mata ko.

Feeling ko maganda ang magiging panaginip ko ngayon at magiging mahimbing ang tulog ko.

Kahit na dapat ay mamoblema ako dahil panibagong araw na naman sa high society ang sasalubong sa 'kin at mga pamanghusga na naman na tingin ang ibibigay nila sa 'kin pero hindi ko alam bakit hindi ko mapigilan ngumiti.

Para bang iyon at iyon na lang ang tumatakbo sa utak ko, parang 'yung pangyayari na lang na 'yun sa hardin ang laman ng isip ko.

Napatihaya ako at kinalma ang sarili ko sabay tingin sa kisame nang malawak na silid na 'to, pinatong ko ang dalawang kamay ko sa aking tiyan habang nakadiretsyo akong nakahiga sa kama.

"Kalma Cana," bulong ko sa sarili ko kahit hindi pa rin mawala ang mga ngiti sa labi ko.

Hindi ko alam kung ayos lang ba magpatuloy sa ganitong nararamdaman ko para kay Viggo, naiisip ko pa rin kasi ang nabasa ko sa itim na libro tungkol sa kanilang dalawa ni Diana.

Ayokong putulin 'yung ideya na baka may pagkakataon pa na mahulog siya kay Diana at mawala ang atraksyon na nakikita niya sa 'kin ngayon.

Isa pa, iniisip ko rin kung magtatagal ba ko sa panahon na 'to? Dahil alam ko sa sarili ko na nais kong mahanap ang sagot bakit ako na padpad sa oras na 'to, kung bakit ako si Kiera at iba pang lihim sa pagkatao niya.

Tinaas ko ang kamay ko at tinignan ito, makakaya ko kayang abutin ang mga plano ko sa buhay na 'to?

Mababago ko ba talaga ang tadhana ni Kiera at mapapakita sa iba na hindi naman talaga siya kontrbida at na gawa niya lang iyon dahil sa kulang ang pagmamahal na natatanggap niya?

Gusto kong gawin iyon bago ako umalis sa lugar na 'to, at gusto ko rin sana mag-focus sa planong iyon.

Itong na raramdaman ko kay Viggo? Ay dadamahin ko na ngayon at magiging masaya sa saglit na bagay na naranasan ko.

Tutal hindi pa rin naman sigurado ang lahat sa aming dalawa, pawang kilig at paghanga pa lamang ito kaya hanggat maaga pa lang ay mabuti nang isalansan ko na ang dapat kong maramdaman sa hindi.

Pumikit ako at pinagpahinga ang aking katawan at isip, dahil bukas sa pangalawang araw ng selebrasyon ay paniguradong marami na namang mangyayari.

Kailangan kong ihanda ang sarili ko sa anong bagay na 'yun. Dahil kailangan kong mabago ang kapalaran ni Kiera Deidamia, ang tinuturing nilang Villainess.

TO BE CONTINUED

Edited

Continue Reading

You'll Also Like

48.2K 3.2K 24
Matapos magising sa tatlong buwang pagka-comatose si Charlie ay hindi niya alam bakit tila kulang na ang pagkatao niya kahit na hindi naman siya na w...
1.3K 183 52
The best stories! (3.22.22) Running out of stories? Well this is for you then! DISCLAIMER: Each stories have their own Author so read at your own r...
91.5K 5.3K 46
Liliana West is a Healer from Sandovia. She was living her life peacefully until the son of a High Lord asked her hand for marriage. She knows better...
2K 238 28
Title: Sweet Treats Author: katanascytheslash29 Genre: Scifi, Mystery/Thriller, Action Things are getting bittersweet as the time flies. A parasite...