Blood Contract with her Royal...

By FinnLoveVenn

172K 5.1K 269

EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang ban... More

♕PROLOGUE♕
♕CHAPTER 1♕
♕CHAPTER 2♕
♕CHAPTER 3♕
♕CHAPTER 4♕
♕CHAPTER 5♕
♕CHAPTER 6♕
♕CHAPTER 7♕
♕CHAPTER 8♕
♕CHAPTER 9♕
♕CHAPTER 10♕
♕CHAPTER 11♕
♕CHAPTER 12♕
♕CHAPTER 13♕
♕CHAPTER 14♕
♕CHAPTER 15♕
♕CHAPTER 16♕
♕CHAPTER 17♕
♕CHAPTER 19♕
♕CHAPTER 20♕
♕CHAPTER 21♕
♕CHAPTER 22♕
♕CHAPTER 23♕
♕CHAPTER 24♕
♕CHAPTER 25♕
♕CHAPTER 26♕
♕CHAPTER 27♕
♕CHAPTER 28♕
♕CHAPTER 29♕
♕CHAPTER 30♕
♕CHAPTER 31♕
♕CHAPTER 32♕
♕CHAPTER 33♕
♕CHAPTER 34♕
♕CHAPTER 35♕
♕CHAPTER 36♕
♕CHAPTER 37♕
♕CHAPTER 38♕
♕CHAPTER 39♕
♕CHAPTER 40♕
♕CHAPTER 41♕
♕CHAPTER 42♕
♕CHAPTER 43♕
♕CHAPTER 44♕
♕CHAPTER 45♕
♕CHAPTER 46♕
♕CHAPTER 47♕
♕CHAPTER 48♕
♕CHAPTER 49♕
♕CHAPTER 50♕
♕CHAPTER 51♕
♕CHAPTER 52♕
♕CHAPTER 53♕
♕CHAPTER 54♕
♕CHAPTER 55♕
♕CHAPTER 56♕
♕CHAPTER 57♕
♕CHAPTER 58♕
♕CHAPTER 59♕
♕CHAPTER 60♕
♕EPILOGUE♕

♕CHAPTER 18♕

3K 98 13
By FinnLoveVenn

CANA ANNALIS

Napatingin ako sa kaniyang matapos niyang bunutin ang kaniyang pangil sa aking laman, dinilaan niya ang gilid ng kaniyang labi para simutin ang dugo ko sa labi niya.

Napalunok ako nang makita kong nakatingin pa rin siya sa 'kin, hindi ko alam bakit parang tinatawag ako ng mapupula niyang labi.

"Ano may sasabihin ka pa?" Tanong niya sa 'kin at mabilis kong iniling ang ulo ko sa harap niya. Hindi ko alam bakit kabado ako habang tinititigan ko ang mga mata niya.

"Sa susunod wag mo na ko ibubugaw sa iba lalo na't wala naman sa isip ko ang bagay na 'yan, nabubuhay lang ako para pagsilbihan ka na iintindihan mo?" Tanong niya sa 'kin at para bang siya pa itong master at ako ang slave na mabilis niyang napapasunod sa mga salita niya.

"Yes master," sagot ko sa kaniya at napataas ang isang kilay niya sabay pigil ng tawa.

"Pfft—" rinig kong pagpigil niya sa tawa niya kaya napangiti na rin ako at nawala na ang kaba sa dibdib ko.

Inayos niya ang sarili niya at bumalik sa pokerface niyang mukha na akala mo talaga hindi siya muntikang matawa kanina, napangiti na lang din ako at sinundan siya sa paglalakad sa hardin.

Mula rito ay mas rinig namin ang pyesa ng musika na tinutugtog sa loob ng kasiyahan, pumupwesto kami sa isang malaking gazebo sa gitna ng hardin at doon na upo.

Tumingin ako sa kaniya at hinahanap ang pagkakataon kung kailan ko pwede itanong sa kaniya ang nangyari sa kanila ni Diana kanina.

Umupo kami sa hagdan ng gazebo at tinignan lang ang kalangitan na puno ng mga bituin. Ito ang nakakatuwa sa Lumire Empire, tuwing umaga ay puno ng ulap ang kalangitan at sa gabi naman ay malinis na malinis ito kaya kitang-kita ang mga bituin sa kalangitan.

"So anong nangyari kanina? Wala ka talagang naramdaman?" Panimulang tanong ko sa kaniya at tinukod niya ang dalawang kamay niya sa likuran niya at tumingala rin sa kalangitan.

"Wala, ano bang dapat kong maramdaman?" Tanong niya at napalingon ako sa kaniya. Ito ba talaga ang Viggong nakasulat sa libro kung saan patay na patay siya kay Diana at hindi hahayaan na makanti ito ng iba?

"Alam mo na 'yung bigla na lang titibok nang mabilis 'yung puso mo tapos parang kakabahan ka na ewan," paliwanag ko sa kaniya at kumunot naman ang noo niya sabay tingin sa 'kin.

"Wala akong naramdaman na ganun, bakit ikaw naramdaman mo na ba 'yun? Kanino sa asong lobo na escort mo ngayong gabi?" Tanong niya na may halong inis kaya natawa ako.

"Hahaha, noon aaminin ko gan'yan ako kay sir Grimm, as in magpapansin ako to the point na nakakahiya na balikan sa memorya ko ngayon," paliwanag ko sa kaniya at bumalik na rin ng tingin sa langit.

"Oh bakit hindi mo na nararamdaman ngayon?" Tanong niya sa 'kin at napayuko naman ako at napa-isip.

Kung pwede ko lang sabihin sa kaniya na 'oo hindi ko na siya gusto dahil ikaw na ang gusto ko' pero masyado pang magaa para masabi kong pagmamahal na ba talaga ang nararamdaman ko o baka paghanga lang.

"Hindi na eh, pero humahanga pa rin naman ako sa kaniya hahaha," sagot ko at narinig ko lang siyang sumagitsit.

Binalot ulit kami ng katahimikan nu'n habang nakatingin kami sa kalangitan at nanonood ng mga bituin.

"Patawad," maikli niyang sabi na tila ba bulong na sa sobrang hina kaya agad akong napalingon sa kaniya.

"Ha? Patawad saan?" Tanong ko at umiwas naman siya nang tingin sabay hawak sa batok niya at ayos ng upo.

"Patawad sa inakto ko nung nasa burol tayo sa Liverpool, pasensya na kung hindi kita pinapansin simula n'un," sagot niya sa 'kin at tumango naman ako at napangiti.

"Sorry rin, kasi namamakialam ako sa sarili mong nararamdaman," sagot ko at sa mga salitang iyon, alam namin sa isa't isa na nagkapatawaran na kami.

Hindi na kami umimik pa at para bang sa mga salitang 'yun ay nasabi na namin ang lahat ng nais naming sabihin sa isa't isa at binalot na ng katahimik habang dinadama ang pagsasama naming dalawa.

Sa pagtitig namin sa kalangitan, napukaw nang malakas na musika ang atensyon ko, mukhang ito na ang huling sayaw na gaganapin sa party ngayong gabi dahil kanina pa rin nagsimula ang kasiyahan.

"Balik na tayo?" Tanong ko sa kaniya at aktong tatayo na ko pero pinigilan niya ko at hinawakan ang aking kamay.

"Pwede ba kitang maisayaw master?" Tanong niya sa 'kin na kinamula ng mukha ko pero agad naman akong tumango dahil bakit ko pa pipigilan ang sarili ko kung nais ko lang naman makasayaw si Viggo.

Tumango ako at tumayo rin siya habang hindi pa rin binibitawan ang kamay ko, hinawakan niya gamit ng isa niyang kamay ang bewang ko habang ako naman ay inilagay ang isa sa kaniyang balikat.

Dahil sa katangkaran niya ay nakatingala ako para makita ang gwapo niyang mukha na lalong gumagwapo sa pagtama ng liwanag ng buwan na siyang nagbibigay liwanag sa kapaligiran namin sa madilim na hardin na 'to.

Habang sumusunod kami sa musika ay pakiradam ko natutunaw ako sa mga titig niya, para akong nasa panaginip kung saan ako 'yung prinsesa at siya naman itong prinsipe ko.

"Mantakin mo 'yun, marunong ka pala sumayaw kahit parang hindi ka noble lady kumilos," biro niya na sumira sa lahat ng pangangarap ko ngayon.

"Panira ka ng moment," sabi ko sa kaniya kaya hindi niya na pigilan tumawa.

"Hahaha napikon ka ba?" Tanong niya habang naniningkit ang mga mata niya at kitang-kita ang dalawang pangil niya sa kaniyang pagtawa.

"Oo pero ayos lang, bawi naman kasi tumawa ka," sagot ko sa kaniya at ako pa 'tong bumabanat sa lalaking 'to pero hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko na sabihin ang totoo.

"H-ha? Pinag-sasabi mo!?" Nahihiya niyang sabi sabay hilis ng tingin pero kitang-kita ko naman ang pamumula ng pisnge at tenga niya.

"Hahaha totoo naman, pero Viggo maiba ako," sabi ko sa kaniya kaya muli siyang tumingin sa mukha ko.

"Pagdumating ba 'yung araw na pinakawalan kita sa kontratang 'to, magiging ayos pa rin ba tayo?" Tanong ko dahil wala naman sa isip ko na habang-buhay siyang ikulong sa kontrata na 'to.

Dahil kung maging maayos na kaming dalawa ni Diana at malagpasan ko ang taon kung saan ako mamamatay ay siguro naman ayos lang na ibaba ko na ang depensa ko at isipin na ligtas na ko sa kamatayan ko.

Pagdumating ang araw na 'yun, gusto ko maging malaya naman si Viggo at gawin ang nais niya sa kaniyang buhay. Magpasya nang na aayon sa gusto niya at kumilos ng walang nag-uutos o humahawak sa desisyon niya.

"Magiging ayos? Hindi mo ko pwede pakawalan Kiera," sagot niya na pinagtaka ko, kumunot talaga ang noo ko sa sinabi niya at napatanong.

"Ha? Bakit hindi?" Tanong ko at agad na hinalukay ang memorya ko kung ano bang nangyari sa kanila ni Diana pagtapos ng libro. Wala naman kasing tinukoy doon kung naghiwalay ba sila o ano, basta sinabi lang ay naging Empress Regnant si Diana at namatay sa katandaan habang kasama si Viggo.

"Hindi ba pinaliwag sa 'yo ng mga taong pinagbilhan mo sa 'kin na pag na matay ka ay mamamatay rin ako?" Tanong niya at napatigil ako sa pagsasayaw kaya napatigil din siya.

Ganun ba na tapos ang storya? Sabay ba silang namatay dalawa? Hindi naman kasi tinukoy ng detalyado ang pangyayari sa libro.

"Pero kung ganun pano ka nakawala sa previous master mo?" Tanong ko sa kaniya at napailag naman siya ng tingin sa 'kin na para bang ayaw pag-usapan ang nakaraan niya.

"Kung papakawalan mo ko sa kontrata ay bahang-buhay ulit akong makakatulog Kiera," sagot niya sa 'kin at napasinghap naman ako sa gulat at napahawak sa aking bibig.

Kung ganun, walang matatampong kalayaan si Viggo dahil kung aalisin ko naman ang kontrata sa pagitan naming dalawa ay kapalit naman nito ang pagbalik niya sa habang-buhay na pagkakahimbing.

"Ito na ang kalayaan ko, sa katunayan ay ito na ang pinaka malayang buhay na natamo ko, sa 'yo ko lang naramdaman ang kalayaan na katulad ninto," sagot niya at pakiramdam ko sumasakit ang lalamunan ko dahil nagbabadyang tumulo ang mga luha ko at nais kong pigilan 'to.

Ito na 'yung buhay na makukuha niya? Seryoso ba sila? Wala na bang paraan para naman mabuhay siya nang malaya katulad ng iba?

"Bakit naman ang unfair? Bakit naman hindi kayo pwede mabuhay ng walang kadenang nagkukulong sa inyo?" Tanong ko at dahil sa inis at pagpipigil ng luha ay hindi ko namamalayan na kagat-kagat ko na pala ang labi ko, dahilan para magdugo ang ibabang parte ninto.

"Dahil vampire slave kami, marami kaming pwedeng masaktan pag walang kadenang nagkokontrol sa uhaw namin," sagot niya at hinawakan ang mukha ko.

Sa pwesto naming ganito, mas kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot dahil sa katotohanan na kailan man hindi siya magiging malaya at saya naman dahil narito ako at nasasaktan para sa kaniya.

Hindi ko na napigilan maiyak sa harapan niya kaya pinunasan niya ang pisnge ko gamit ang kaniyang kamay at tumingin nang diretsyo sa mga mata ko.

"Alam mo, nung kausap ko 'yung prinsesa kanina ramdam kong umiiyak ka," sagot niya sa 'kin at hindi ko na naitanggi pa ang katotohanan na nasasaktan ako ng mga oras na 'yun.

"'Yung totoo Kiera, anong nararamdaman mo?" Tanong niya at hinawakan ang mga pisnge ko, napatitig ako sa kaniya at hindi na maalis pa ang mga tingin sa ginto niyang mga mata.

Ramdam ko ang paglakas ng tibok ng puso ko at na statwa na lang ako sa kinatatayuan ko habang unti-unti niyang nilalapit ang kaniyang mukha sa mukha ko.

Napalunok ako nang makita kong pumikit siya sa harapan ko kaya ginawa ko rin iyon at pinikit ang mata ko.

Sa distansya ng mga mukha namin ay ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa balat ko, alam kong malapit na kami sa isa't isa kaya naman iniintay ko na lang dumami ang labi niya sa labi ko.

"Vi-Viggo?" Na uutal kong tanong at ilang segundo lang ay naramdaman ko na ang paglapat ng labi niya sa labi ko.

Naramdaman kong siniil niya ng kaniyang halik ang parte ng labi ko nasugatan sa pagkakakagat ko, matapos nu'n ay muli niya naman 'tong kinagat na lalong kinapikit ng mata ko at dahilan para mabuksan ko ang labi ko sa pagkasinghap.

Dahil doon walang hirap niyang napasok ang loob ng bibig ko at nakipaglaro sa dila ko.

Nalalasahan ko ang dugo ko sa halik naming iyon pero kada halik naman ni Viggo sa sugat ko ay kusang naghihilom ito.

Sa totoo lang, ito ang unang beses kong magkaroon ng mainit na halik na katulad ninto, wala akong alam sa mga bagay na ganito dahil sa subsob ako sa pag-aaral noon at walang oras para sa tinatawag nilang teen age romance.

Wala akong alam sa pakikipagrelasyon at masaya na kong mahulog sa mga character sa librong binabasa ko.

Hindi ko aakalain na sa lalaking ito ko pa matitikman ang matamis na halik na hindi ko pa nararanasan at inaasam kong matikman.

Habol hininga akong dumilat at napatingin sa kaniya matapos namin putulin ang malalim at matamis na halik na 'yun. Napatingin ako sa kaniya at gustong tanungin bakit niya ako hinalikan o kung may iba bang ibig sabihin ang bagay na 'yun.

"Wag mo kong titigan nang ganyan, halata sa mukha mo na nagtataka ka sa ginawa ko pero miske ako hindi ko alam ba't ko ginawa 'yun," sabi niya sabay hawak sa batok niya at napayuko.

"Kung gusto mo kong sampalin dahil walang paalam kong hinalikan ang labi ko, tatanggapin ko," sagot niya sa 'kin na kinakunot ng noo ko.

Seryoso ba siya? Ngayon niya pa sasabihin sa 'kin 'to kung kailan nakipaghalikan din naman ako sa kaniya? Hindi niya ba ramdam na nagustuhan ko ang halik na 'yun?

"Sino 'yan? May tao ba d'yan?" Rinig naming tawag ng isang lalaking papalapit sa pwesto namin, hindi ko siya ganong maaninag pero isa lang ang alam ko, kailan na namin umalis sa lugar na 'to at baka pagsimulan pa ng usapan kung may makakita sa 'ming dalawa ni Viggo sa lugar na 'to.

"Dali Viggo kailan na natin umalis," bulong ko sa kaniya at hinihila siya papunta sa likod ng gazebo pero bigla niya na lang akong binuhat sa bisig niya at mabilis na tumalon kung saan.

Mahigpit kong hinawakan ang bibig ko para mapigilan ko ang paghiyaw sa gulat at lula sa taas ng talon ng bampirang 'to.

Mabilis niya kong dinala sa beranda ng banquet hall kung saan walang tao at makakakita sa 'min, at nang mailapag ko na ang paa ko sa simento ng palasyo ay nalula ako at bahagyang na walan ng balanse pero agad niya naman akong na salo.

"Ayos ka lang?" Tanong niya at agad naman akong umiling saka ko tinuro 'yung pwesto namin kanina sa hardin na sobrang layo sa kinatatayuan namin ngayon.

"Pa-pano tayo nakarating dito sa ganu'ng kalayo?" Nauutal kong tanong at tinaasan niya lang ako ng isang kilay na para bang nagtataka sa tanong ko.

"Kasi bampira ako?" Tanong niya rin sa 'kin at napailing na lang ako, bakit nga ba tinatanong ko pa eh halata naman ang sagot dahil sa kakaibang nilalang talaga ang mga katulad ni Viggo.

"Mukhang magsasalita na ang emperor para sa inauguration," sabi niya nang marinig naming nawala ang musika sa loob ng banquet.

"Pumasok ka na sa loob," pahabol niya at tumango naman ako saka naglakad sa loob ng pagtitipon na para bang walang nangyari sa 'min kanina, pero sa kaloob-looban ko gusto ko na nang tumili dahil sa kilig at hiya sa nangyari sa 'mig dalawa.

Pano ko na gawa 'yun? talagang hindi ako umangal at na gustuhan ko pa na halos humingi pa ko ng isang halik sa kaniya. Napailing ako at inayos ang ekpresyon ko sa harap ng mga taong nasa loob ng banquet.

Ikalma mo ang puso mo Cana!

Pumunta ako sa pwesto kung na saan ang pamilya ko at tumingin kay Diana na ngayon ay kasama ng emperor at pormal nang pinapakilala sa lahat.

Rinig ko ang boses ng emperor mula sa kinatatayuan ko pero hindi ko alam bakit naglalayag ang utak ko.

Hindi ba dapat naka-focus ako sa sinasabi ninto dahil importanteng bagay ito? Pero bakit 'yung utak ko parang kasama pa rin si Viggo at hindi maiwasan pagpantasyahan ang mga nangyari sa 'min kanina?

Napahawak ako sa labi ko at hindi maiwasan isipin ang pagdampi ng malambot niyang mga labi sa labi ko, kung pano namin pagdikitin ang mga ito at kung gano katamis ang halik na 'yun.

Totoo ba lahat ng 'to?

"Kiera anak, ayos ka lang ba? Bakit namumula ka?" Tanong ng Duchess at nilapat ang likod ng palad niya sa noo ko para pakiramdaman ang temperatura ng katawan ko.

"Mainit ka anak, masama ba ang pakiramdam mo?" Bulong niya sa 'kin sapat lang para hindi kami mapansin ng ibang aristocrats na nakikinig sa importanteng sinasabi ng emperor.

"Ayos lang po ako mother," sagot ko at ngumiti sa harap niya saka bumalik ng tingin sa emperor at kay Diana.

Grabe, hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam ng makatikim ng halik galing sa isang gwapong bampira.

"At inihahalal ko sa harapan niyo ngayon ang aking apo, si Diana Athenna Eckheart bilang prinsesa ng Lumire Empire at magmamana ng trono ko bilang Empress ng Lumire Empire," pag-aanunsyo ng emperor at malakas kaming pumalakpak sa harap nila habang nakayuko naman si Diana sa harap namin at suot ang tiara niya bilang prinsesa at magiging empress ng emperyo sa darating na panahon.

Magsasalita pa sana si Diana sa harapan ng kaniyang mga bisita ngunit na tawag ang atensyon naming lahat sa ingay na nang gagaling sa labas ng banquet hall.

"My lord! Huminahon po kayo!" Rinig naming awat ng isang kawal sa labas ng balwarte saka malakas na bumukas ang pinto at niluwa ninto ang isang binata na galit na galit.

Nakasuot siya ng isang kalasag ng royal knight, may hawak siyang sako at magulo ang itsura niya na mukhang kakagaling lang sa labanan.

"Ean, nakabalik ka na!" Sabi ng emperor sa binata at bumaba ito sa trono, yumuko ang binata sa harap ng emperor at nilabas ang laman ng sakong kaniyang dala-dala.

Nagimbal ang lahat at halos mapaurong nang makita ang isang pugot na ulo sa paanan ng emperor.

"Nakuha ko na ang ulo ng kalaban your highness, na saan na ang pinapangako niyong titulo ko bilang emperor?"

TO BE CONTINUED

edited

Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 183 54
The best stories! (3.22.22) Running out of stories? Well this is for you then! DISCLAIMER: Each stories have their own Author so read at your own r...
87.7K 2.8K 67
TRAVIS ZADEN CORDOVA ( VCS#1 ) Don't fall in love with the Superior. That's the only one forbidden Rule! If you don't want the contract to be void; ...
2K 351 17
Bigla ko nalang naisip dahil sa napanood kong movie at inupload ko dito sa wattpad kaya ayan nishare ko nalang. One of my fictional short story with...