Blood Contract with her Royal...

By FinnLoveVenn

173K 5.1K 269

EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang ban... More

♕PROLOGUE♕
♕CHAPTER 1♕
♕CHAPTER 2♕
♕CHAPTER 3♕
♕CHAPTER 4♕
♕CHAPTER 5♕
♕CHAPTER 6♕
♕CHAPTER 7♕
♕CHAPTER 8♕
♕CHAPTER 9♕
♕CHAPTER 10♕
♕CHAPTER 11♕
♕CHAPTER 12♕
♕CHAPTER 13♕
♕CHAPTER 14♕
♕CHAPTER 15♕
♕CHAPTER 17♕
♕CHAPTER 18♕
♕CHAPTER 19♕
♕CHAPTER 20♕
♕CHAPTER 21♕
♕CHAPTER 22♕
♕CHAPTER 23♕
♕CHAPTER 24♕
♕CHAPTER 25♕
♕CHAPTER 26♕
♕CHAPTER 27♕
♕CHAPTER 28♕
♕CHAPTER 29♕
♕CHAPTER 30♕
♕CHAPTER 31♕
♕CHAPTER 32♕
♕CHAPTER 33♕
♕CHAPTER 34♕
♕CHAPTER 35♕
♕CHAPTER 36♕
♕CHAPTER 37♕
♕CHAPTER 38♕
♕CHAPTER 39♕
♕CHAPTER 40♕
♕CHAPTER 41♕
♕CHAPTER 42♕
♕CHAPTER 43♕
♕CHAPTER 44♕
♕CHAPTER 45♕
♕CHAPTER 46♕
♕CHAPTER 47♕
♕CHAPTER 48♕
♕CHAPTER 49♕
♕CHAPTER 50♕
♕CHAPTER 51♕
♕CHAPTER 52♕
♕CHAPTER 53♕
♕CHAPTER 54♕
♕CHAPTER 55♕
♕CHAPTER 56♕
♕CHAPTER 57♕
♕CHAPTER 58♕
♕CHAPTER 59♕
♕CHAPTER 60♕
♕EPILOGUE♕

♕CHAPTER 16♕

3.1K 95 9
By FinnLoveVenn

CANA ANNALIS

Mahigit isang linggo na rin ang nakalipas simula nung mangyari ang pagtatalo namin ni Viggo, naging mailap siya o sabihin na nating dinidistansya niya ang sarili niya sa 'kin.

Hindi niya na ko madalas sermonan o pagsabihan tuwing nakikita niya ang not-lad-like kong postura sa harap niya na dati ay hindi niya matiis punahin, madalas tahimik siya at sinusunod na lang ang mga iuutos ko sa kaniya na medyo nakakapanibago.

Parang master and slave contract na lang talaga ang namamagitan sa 'ming dalawa.

Ayos na rin sana sa 'kin ang ganitong set-up para hindi na ko makaramdam ng kakaiba para sa kaniya, pero sana kahit magkaibigan na lang ay maayos pa.

Dahil kung siya ang magiging nobyo ng kaibigan kong si Diana, hindi naman siguro normal kung ganito ang pakikitungo namin sa isa't isa.

"My lady, nakapaglagay na ba kayo ng pabango?" tanong ni Krista habang abala naman ang iba pang maid na nag-aayos ng buhok at damit ko para sa gaganaping party ngayon gabi.

"Oo na lagyan na ko," maikli kong sagot at hindi maiwasan mapasulyap kay Viggo na ngayon ay nakatayo lang sa gilid ng pintuan ko at suot na ang white suit na binili ko para sa kaniya na talaga namang bagay na bagay sa kaniya at dahilan para kabahan at kiligin ang mga katulong na nasa loob ng kwarto ko.

"Hays." napabuntong hininga na lang ako dahil kahit na magpapansin at kausapin siya ng mga katulong ko ay hindi niya ito pinapansin at tahimik lang na nakatayo sa kinatatayua niya.

Hindi ko na siya pinatulong pa sa ano mang gawain ngayon sa pag-aayos sa 'kin dahil binigyan na naman ako ng Duke ng mga maids na tutulungan ako sa pag-aayos ko kaya iyan wala siyang magawa kung hindi tumunganga at sumimangot sa harap ko.

"My lady, pwede po bang tumayo kayo saglit? Kailangan kong sikipan ang corset niyo sa likod," utos ng bagong maid na nakatoka sa aking susuotin.

"Seryoso ka ba? Hihigpitan mo pa 'yan eh, hindi na nga ako makahinga?" Reklamo ko sa kaniya dahil pano ako makakain sa party mamaya kung halos makupi na ang sikmura ko sa higpit ng damit na 'to.

"Kailangan my lady," sagot niya at hindi ako inintindi at sinikipan pa rin ang damit ko sa likod na halos hindi na ko makahinga.

Ito ang ayoko sa panahon na 'to, 'yung ilang patong ng damit at mahihigpit na corset.

Wala na kong na gawa kung hindi panoorin sila sa pag-aayos sa 'kin, tinirintas nila ang mahaba kong buhok at nilagyan ito ng laso sa likuran kasama ng iba pang dekorasyon, pinagsuot nila ako ng unang layer ng damit na may puti at gold na design saka nila ito pinatungan ng pulang tela at tinali ang itim na laso sa unahan.

"My lady ang gwantes niyo," habol ni Krista at inabot sa 'kin ang mahabang itim na gwantes na magtatago sa braso ko hanggang siko.

Nang matapos nila ang preperasyon sa aking kasuotan ay lahat sila ay na mangha sa aking kinalabasan, napatingin ako sa salamin at nagustuhan ko naman talaga ang ayos na ginawa nila sa 'kin.

"Bagay na bagay sayo my lady," sabi ni Krista at napangiti naman ako, agad akong humarap kay Viggo at pinakita ang damit ko sa harap kiya.

"Viggo ayos ba?" Tanong ko sa kaniya at nagbabakasakaling kausapin niya na ko pagtapos kong gumawa ng isang mabilisang ikot sa harapan niya.

Nakita kong napatitig siya sa 'kin at iniwas ang mukha niya sabay takip sa kaniyang bibig.

"Ayos lang," maikli niyang sagot pero na pansin kong na mula ang tenga niya kaya nahawa na rin ako sa hiyang pinapakita niya.

Sa sobrang excitement ko sa araw na 'to at sa ganda ng suot at pustura ko, nakalimutan kong hindi niya nga pala ako pinapansin at nagawa pang magpapansin sa kaniya.

Naku Kiera! Ugali mo na talaga sigurong maghanap ng atensyon sa iba.

"Ehem, kung tapos na po kayo my lady, maaaring pumanhik na po tayo sa baba kung sana nag-iintay ang Duke at Duchess," sagot niya at mabilis na lang akong tumango at sumunod sa kaniya palabas ng kwarto.

Naglakad kami sa mahabang pasilyo habang binabalot kami ng katahimikan, sa sitwasyon na 'to mukhang mahihirapan akong paglapitin sila ni Diana dahil baka hindi niya pakinggan ang mga sasabihin ko.

Ayoko naman na dahil lang sa pagiging master ko sa kaniya kaya niya susundin ang utos ko na isayaw si Diana.

Gusto ko kusa niyang gustuhin at isayaw ang babaeng makakatuluyan niya, dahil ito ang tadhana nila hindi ba?

"Oh my, napakaganda mo naman aking anak," rinig kong salubong ng aking ina habang nag-iintay sila sa lobby ng main mansion, nakita ko ring nakangiti ang Duke sa akin ngunit naiiba talaga ang expression na binibigay ni Keisha.

Lahat kami ay iisa ang kulay ng damit, pula rin ang suot ng Duchess na may lining at design na gold and white, samantalang ang Duke at si Keisha naman ay mas lamang ang kulay ng puti at ginto sa kanilang kasuotan na may halong pula rin sa desenyo.

"Ayos na ba ang lahat?" Tanong ng Duke at tumango naman kami saka sabay-sabay na lumabas sa mansion.

Pumanhik kami sa loob ng pinaka magarbong karwahe sa Romulus kung saan kulay itim ito at may family crest sa pintuan, hila-hila kami ng apat na kabayong kulay puti at itim, habang nakasabit din sa itaas ng karwahe ang bandera ng House Romulus.

Magkatabi ang Duke at Duchess sa kanilang upuan habang kami naman ni Keisha ang katapat nila, malaki ang loob ng karwahe kaya naman sakto kaming apat sa loob ninto, hindi rin katulad ng ibang karwahe na nasakyan ko, dito hindi ko ramdam ang sakit sa kinauupuan ko.

"Father, nasa royal palace na rin ba ang escort ko?" Tanong ni Keisha sa Duke na tumawag ng atensyon naming tatlo.

"Oo na roon na raw ang anak ni Marquess Allen," sagot naman ng Duke at kita ko ang saya sa mukha nitong si Keisha.

Sa pagkakaalam ko, mayamang na angkan ang pamilya ni Marquess Allen kung saan may hawak silang piyer at iba pang negosyo sa buong emperyo, dahil din dito kaya mas lumakas ang kapit ni Keisha sa high society nang makuha niya ang pabor sa Nicole family at mapaikot sa kamay niya ang panganay na anak ng Marquess na si Allan.

Kung magkataon na matuloy ang mga pangyayari iyon, panigurado akong katakot-takot na kapangyarihan ang makukuha ng bruha kong kapatid na maaari niyang gamitin para pagmalupitan kaming mag-ina.

"Ikaw Kiera, nakausap mo na ba si sir Grimm?" Tanong ng Duke sa 'kin na medyo kinakaba ng puso ko dahil sa nangyari samin ni sir Grimm nung nakaraan.

"Ah, yes father," maikli kong sagot at tumango naman siya, buti na lang talaga at hindi ako sinumbong ni sir Grimm sa Duke tungkol sa totoong pagkato ni Viggo.

"Saan mo nga pala pinasakay ang personal butler mo Kiera?" Habol na tanong ng duke at mukhang iniisip kung isinama ko pa rin si Viggo katulad ng usapan naming dalawa.

"Kasama po siya ng mga knight na nakasakay sa kabayo sa ating likuran," sagot ko naman at tahimik lang siyang tumango sa 'kin.

"Ow sinama mo pa ang personal guard mo sister? Hindi pa ba sapat ang mga knight na kasama natin ngayon?" Painosente niyang tanong at ito na naman ang babaeng 'to, sisimulan niya na naman maubos ang pasensya ko sa kaniya.

"Actually kahit wala na ang ibang knight at si sir Viggo na lang ang kasama natin ay mas mababantayan niya tayo nang ayos, nakita mo naman siguro kung gano kalakas ang personal guard ko hindi ba?" Nakangiti ko sa kaniyang tanong at pinaparamdam na pag nagsimula pa siya ng kaguluhan ngayon ay baka siya na ang ipabalibag ko kay Viggo.

"Ah sabagay," maikli niyang sagot at umiwas na lang ng tingin sa 'kin kaya naman nakahinga ako nang maluwag at tumahimik na lang habang bumabyahe.

Binaybay namin ang daan papuntang royal palace at malayo pa lamang ay makikita na ang kasiyahan sa pagsalubong sa bagong prinsesa ng Lumire Empire.

Ang kalsada sa central ay puno ng mga banderitas na may iba't ibang kulay, puno rin ang daan ng mga samo't saring mga paninda at mga nagsasayang mamamayan ng Lumire.

Gaganapin kasi ang kasiyahan na 'to hindi lang sa royal palace kung hindi pati na rin sa buong Lumire, parang malaking kapistahan sa pagkakahalal ng prinsesa nila na masaya namang sinasalubong ng bawat mamamayan.

"Wow," bulalas ko nang makita ang pila ng karwahe papasok sa gate ng royal palace, sobrang daming bisita na nais makita ang paghahalal kay Diana.

"Mukhang matatagalan bago tayo makapasok sa palasyo," sabi ng Duke habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Mukha nga dahil sobrang daming karwahe sa unahan natin," sagot naman ng Duchess kaya sumilip na rin ako sa labas habang nag-iintay umusad ang karwahe namin papasok.

Nang sumilip ako ay saglit kong tinignan si Viggo na nasa likuran ng karwahe, halatang ayaw niya sa ganito karaming mga tao at kitang-kita sa mukha niya ang pagkainip na medyo kinangiti ko ngunit halos tumalon ang puso ko nang biglang sumulpot si sir Grimm sa unahan ko at kinatok ang pinto ng karwahe.

"Greeting you grace, narito po ako para sunduin kayo na pinag-uutos ng emperor," sagot niya sa aking ama at pinakita ang kasulatan, nagkatinginan lang ang duke at duchess saka namin nakita ang mga royal guards na pinapagilid ang mga karwahe para padaanin kami at paunahin.

"Grabe hindi ba tayo kakainisan ng ibang family ninto dahil sa pinapakitang pabor sa 'tin ng emperor?" Bulong ng Duchess at natawa na lang ang Duke sa kaniyang asawa.

"Wala na kamong kakanti sa pamilya natin matapos ipakita ng emperor ang trato niya sa Romulus," sagot niya at tumingin sa direksyon ko.

"Maswerte tayo at dahil kay Kiera ay pinaboran tayo ng emperor," paliwanag naman ng Duke at sinserong ngumiti sa harap ko.

"Tsk, sipsip lang naman sa kaibigan niyang si Diana," rinig kong bulong ni Keisha sa likod ng pamaypay na hawak niya at kunware ay hindi nakatingin sa 'kin para hindi mahalata ng iba ang pinagbubulong niya.

Maldita talaga ang isang 'to, kung tapakan ko kaya ang paa niya ng sandals ko?

"Welcome House Romulus," sigaw ng isang lalaking may hawak ng listahan ng mga imbitado at kasunod nun ay ang pag-ugong nang malakas na trumpeta sa dalawang gilid ng gate, lahat ng mga knight ay sinalubong kami sa aming pagpasok sa malaking hardin ng palasyo at dumaretsyo naman ang karwahe namin sa harap ng royal palace para doon kami ibaba.

Agad na pinagbuksan ni Viggo ng pintuan ang Duke na kinagulat niya, maayos niya itong niyukuan habang bumababa ito sa karwahe at halata sa Duke na humahanga siya sa serbisyong pinapakita ng servant ko. Sunod naman ay inalalayan ng Duke ang Duchess sa pagbaba ninto at nang ako na ang papanhik pababa ay nakita kong si Viggo at sir Grimm sa unahan ko habang nakalahad ang palad nilang dalawa.

Napatigil ako sa pagbaba habang nakatingin ako sa mga kamay nilang dalawa, mukhang nagtataka na rin ang Duke at Duchess sa kung anong ginagawa ng dalawang binata na 'to sa harapan ko at kung kaninong kamay ang kukunin ko.

"Ah! Lady Keisha!" Natawag ang pansin namin sa isang binatanag mabilis na inagaw ang kamay ko sa dalawang ito, agad niyang hinalikan ang kamay ko at inalalayan akong bumaba sa karwahe.

"Greetings my lady, ako nga pala si Allan Nicole, ang anak ng Marquess na magiging kapareha mo ngayon gabi, sadyang napakaganda niyo talagang binibini katulad ng sinasabi ng iba at mukhang hindi ko na maalis ang mata ko sa inyo lady Keisha," sabi ng wirdong lalaking ito na hindi ko naman kilala, napatingin ako kay Keisha na gulat na gulat habang nakaupo pa rin siya sa loob ng karwahe at hindi alam ang sasabihin.

Napangiwe naman ako nang hawakan niya ang kamay ko at ayain papasok sa palasyo.

"Ah excuse me sir Allan, pero hindi po ako ang tinutukoy niyo kung hindi ang aking kapatid na nasa loob ng karwahe," sagot ko sa kaniya na pinagtaka niya naman talaga.

"Hu? Dinaya ba ko ng mga mata ko, sabi kasi nila ay misteryosong ganda raw at mala anghel na ngiti, hindi ba't kayo iyon my lady?" walang pakundangan sabi ng lalaking ito at nasapo ko na lang ang noo ko, kung ako si Keisha ngayon ay baka nabatukan ko na ang lalaking ito.

"Ang aking kapatid ata ang tinutukoy mo sir Allan, inosente at mala anghel na ngiti," depensa ko pa na lalo atang nagbigay ng inis kay Keisha.

"Ah hahahah oo nga mukha siyang inosente, pasensya na my lady," sagot niya sa 'kin at harap kay Keisha na pababa na sa karwahe ngunit nang ilahad ng binata ang kamay niya sa harap ni Keisha ay tinabig niya lang ito at mag-isang bumaba sa karwahe.

"Keisha?" Tawag sa kaniya ng Duke at dare-daretsyo lang itong pumasok sa banquet hall.

"Lady Keisha!" Habol naman ni sir Allan at sabay-sabay na lang kaming napailing.

Ang insensitive naman ng lalaking iyon, pero hindi ko siya masisisi kung pinagkamalan niyang misteryoso at mala anghel itong mukha ni Kiera dahil hindi ko maitatanggi na pinagtitinginan talaga ang mukhang ito ngayon.

"Tara na at magsisimula na ang kasiyahan," sabi ng Duke at nilahad ulit ni sir Grimm ang kaniyang kamay sa 'kin kaya kinuha ko naman ito, sumulyap ako kay Viggo bago kami pumasok sa loob at nakita ko lang siyang nakayuko sa harapan namin kasama ng iba pang knight mula sa Romulus.

Saglit lang Viggo, babalikan kita at sisiguraduhin kong makakasama at makikilala mo na ngayong gabi si Diana, hindi ko papalagpasin ang pagkakataong ito kung saan magsasayaw kayong dalawa at mahuhulog sa isa't isa.

"Lady Kiera," tawag naman sa atensyon ko ni sir Grimm at napatingala ako para tignan siya.

"Pasensya sa inakto ko nung nakaraan," maikli niyang sabi at napangiti na lang ako sabay tango sa kaniya.

"Hayaan na natin iyon," maikli ko na lang sagot at nag-focus sa pagpasok namin sa loob ng banquet hall.

Sa paglalakad pa lamang namin papasok ay rinig na namin ang masigabong musika at ang mga tao sa loob ng pagdiriwang.

Sa mga pagtitipon na katulad ninto ay may nakatagong labanan, labanan na hindi katawan mo ang masusugatan kung hindi ang puso at isip mo bilang isang noble lady.

Samo't saring salita ang maaari mong marinig, samo't saring mga usapan ang maaari mong tamuhin, at samo't saring panghuhusga rin ang dapat mong tiisin.

Ang magarbong damit, mamahaling alahas at maganda kong pustra ang magiging espada at kalasag ko sa labanan na 'to.

Ang dila at utak ko ang magiging lakas at panlaban ko sa ano man o sino mang magtatangkang husgahan ako.

Kaya pagtumapak ako sa loob ng pagdiriwang na ito ay dapat siguraduhin kong handa na rin ako sa unang gerang sasabakan ko bilang Kiera Deidamia Romulus.

Ang Villainess ng storyang ito.

"Dumating na ang House Romulus!" Pagbibigay pugay ng mga knight sa pagpasok namin sa loob ng balwarte.

Katulad nang inaasahan ko, lahat ng mga tao sa harapan ko ay nakatingin sa 'min at nasa amin ang atensyon.

"Hindi ba't sila ang pamilyang nakakuha ng pabor ng emperor?" Rinig kong pagsisimula ng laban.

"Binigyan raw sila ng malaking parte ng lupa malapit sa border ng Moonvault," dagdag pa nila at nagsimula nang umugong ang usapan tungkol sa aming pamilya.

"Ngunit hindi ba't dahil ito sa anak ni Duke Roman?"

"Sino si Keisha? Siya lang naman ang anak ng Duke na kaniyang maipagmamalaki," sagot ng isang ginang habang nakatakip ang kanilang mga bibig ng pamaypay na hindi naman napipigilan ang pagiging tsimosa nila.

"Hindi, ang black sheep ng Romulus, ang panganay na anak ng Duke sa kaniyang kabit na asawa noon, alam mo na hindi ba't dating prostitute iyang si Duchess Carla sa red-light district," rinig kong usapan nila na halos magpayukom sa kamao ko.

Tanggap ko kung ako lang itong minamaliit nila pero hindi ba nila alam na naririnig namin itong mga usapan nila at sa harap pa talaga ng aking ina at ama?

"Ikalma mo ang sarili mo lady Kiera, matatalo ka lang kung papatulan mo sila," rinig kong bulong ni sir Grimm na nagbalik sa aking ulirat. Tama siya, umpisa pa lang ito ng gera.

Mahaba pa ang gabi at kailangan kong maipanalo ang laban na 'to hindi lang para kay Kiera kung hindi pati na rin sa kaniyang ina na si Duchess Carla.

TO BE CONTINUED

AN: Hello guys! Happy 1,000 reads sa atin! Thank youuuu sa pagbabasa, vote and pag-comment niyo sa story na 'to! Damihan niyo pa para sipagin pa ko magpost HAHAHAH.

Love you guys! Muaaah

GOD BLESS

Continue Reading

You'll Also Like

109K 9.2K 82
Be mesmerized with Aira in her roller coaster adventure filled with action, mystery, suspense, thrill and horror. Let us discover how a summa cum lau...
257K 6.5K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
47.2K 2.2K 92
EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang kanilang fated mate. Pero papano kung n...
186K 6.7K 24
"I am protecting you not because you're weak!" His jaw twitched as his eyes turned bloody red. He stepped forward as I stepped back. His eyes softene...