Blood Contract with her Royal...

By FinnLoveVenn

173K 5.1K 269

EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang ban... More

♕PROLOGUE♕
♕CHAPTER 1♕
♕CHAPTER 2♕
♕CHAPTER 3♕
♕CHAPTER 4♕
♕CHAPTER 5♕
♕CHAPTER 6♕
♕CHAPTER 7♕
♕CHAPTER 8♕
♕CHAPTER 9♕
♕CHAPTER 10♕
♕CHAPTER 11♕
♕CHAPTER 12♕
♕CHAPTER 13♕
♕CHAPTER 15♕
♕CHAPTER 16♕
♕CHAPTER 17♕
♕CHAPTER 18♕
♕CHAPTER 19♕
♕CHAPTER 20♕
♕CHAPTER 21♕
♕CHAPTER 22♕
♕CHAPTER 23♕
♕CHAPTER 24♕
♕CHAPTER 25♕
♕CHAPTER 26♕
♕CHAPTER 27♕
♕CHAPTER 28♕
♕CHAPTER 29♕
♕CHAPTER 30♕
♕CHAPTER 31♕
♕CHAPTER 32♕
♕CHAPTER 33♕
♕CHAPTER 34♕
♕CHAPTER 35♕
♕CHAPTER 36♕
♕CHAPTER 37♕
♕CHAPTER 38♕
♕CHAPTER 39♕
♕CHAPTER 40♕
♕CHAPTER 41♕
♕CHAPTER 42♕
♕CHAPTER 43♕
♕CHAPTER 44♕
♕CHAPTER 45♕
♕CHAPTER 46♕
♕CHAPTER 47♕
♕CHAPTER 48♕
♕CHAPTER 49♕
♕CHAPTER 50♕
♕CHAPTER 51♕
♕CHAPTER 52♕
♕CHAPTER 53♕
♕CHAPTER 54♕
♕CHAPTER 55♕
♕CHAPTER 56♕
♕CHAPTER 57♕
♕CHAPTER 58♕
♕CHAPTER 59♕
♕CHAPTER 60♕
♕EPILOGUE♕

♕CHAPTER 14♕

3.3K 106 2
By FinnLoveVenn

CANA ANNALIS


Isang linggo na ang nakakalipas nang matanggap ko ang liham na pinadala ni Diana para sa 'kin, nakasulat doon ang gaganapin na pagtitipon para sa opsiyal na pagpapakilala sa kaniya ng royal palace, ang mga dapat suotin at ang mga kilalang noble familt na dadalo sa pgtitipon.

Laman din ng sulat kung gano siya kinakabahan sa gaganapin na pagdiriwang, gusto niya pa nga akong patulugin sa royal palace at samahan siya sa bawat galaw na gagawin niya ngunit hindi ko naman pwedeng gawin iyon dahil andito lang ako para gumabay sa kaniya, isa pa kailangan niyang tumayo sa sarili niyang mga paa sa loob ng palasyo kung saan maraming mga matang nagmamatyag sa kaniya.

Isa pa may pinoproblema pa ko sa sarili kong pamilya at itong alaga kong bampira na kailangan kong ipakilala sa kaniya, "Viggo, dalian mo na kanina pa nag-iintay ang karwahe sa labas," reklamo ko sa kaniya at inis naman siyang sumunod sa 'kin kahit ayaw niya. Nakakunot ang noo niyang sumunod sa 'kin palabas ng main mansion habang pinagtitinginan naman kami ng ibang kasambahay na walang ginagawa kung hindi matahin ako.

Hindi ko na lang pinansin ang mga ito at dare-daretsyong lumabas ng mansion, sinalubong ako ng coachman at yumuko sa harap ko, nakita kong ayos na ang lahat sa aming pag-alis.

Balak ko kasi pumunta sa bayan para bilhan siya ng damit at iba pang gamit na maaari niyang gamitin sa pagtira namin sa kasiltiyo malapit sa border ng Moonvault, isa pa wala siyang formal na damit si Viggo na kakailangan niya sa gaganapin na pagtitipon.

Alangan naman na suotin niya lang ang yuniporme niya bilang butler habang kasayaw niya si Diana kaya dapat maging presintable pa rin siya sa harap ng ibang noble sa gaganapin na inauguration ng prinsesa.

"Bakit ba kasi kailangan mo pa ko bilhan ng damit?" Reklamo niya kahit na wala naman siyang magawa kung hindi sundin ang utos ko.

"Basta sumunod ka na lang, may makikilala kang importante tao sa buhay mo at kailangan maging gwapo ka sa oras na 'yun," sagot ko sa kaniya sabay taas baba ng dalawa kong kilay habang nakangiti sa kaniya na nagbigay kilabot sa sistema niya kaya agad niyang iniwas ang tingin sa 'kin.

Sumakay kami sa karwahe at pumunta sa central kung saan maraming kilalang boutique na gumagawa at nagbebenta ng magagarbong damit at alahas.

Buong byahe ay sinusubukan kong ipakilala sa kaniya si Diana, kinukwento ko lahat ng magagandang aspeto na alam ko sa prinsesa para naman ma-curios siya at ma-excite na makilala si Diana.

"Sinasabi ko sayo, pag nakita mo siya mapapanganga ka sa ganda niya," kwento ko sa kaniya habang siya naman ay nakahalukipkip lang at nakatingin sa labas ng bintana, tila ba walang pakialam sa mga sinasabi ko.

"Huy nakikinig ka ba?" Tanong ko sa kaniya at tumingin naman siya sabay hikab.

"Oo?" Sagot niya na para bang hindi siya sigurado sa sagot na 'yun na medyo kinapikon ko. Kanina pa ko daldal nang daldal dito para makilala niya si Diana pero ito siya walang pakialam sa mga sinasabi ko.

"Tsk, hayaan mo na nga, sure naman ako na pagnakita mo siya ikaw na mismo ang mahuhulog sa kaniya," bulong ko sa sarili ko at naghikab lang siya sa harap ko.

Tignan mo 'tong bampirang 'to! Naghikab lang talaga sa mga kinuwento ko.

Nakabusangot ako at hindi na binuksan pa ang bibig ko dahil masasayang lang ang laway ko sa kakadaldal ko sa lalaking ito na wala naman pakialam sa mga pinagsasabi ko.

Huminto ang karwahe sa tapat ng boutique na kilala sa magaganda at mamahaling damit.

Unang bumaba si Viggo sa karwahe at inilalayan niya naman ako bumaba rito kahit nakasimangot siya sa harap ko, pumasok kami sa loob ng Corazon Boutique na kilala sa buong Lumire sa magaganda nilang desenyo ng damit at tumambad sa 'kin ang samu't saring design ng damit na panglalaki at pangbabae.

"Greeting my lady, ano pong mapaglilingkod ko sa inyo?" Tanong ng isang babae at tinuro ko naman si Viggo na nasa aking likuran ko.

"Nais ko sanang hanapan siya ng maganda damit na maaari niyang suotin sa isang pagdiriwang," sagot ko sa babae at agad naman itong tumango sa harap namin.

"Masusunod my lady, maaari po kayong maupo habang nagtitingin ng design sa catalog," sagot niya at inaya kaming maupo sabay abot ng mga catalog ng damit na kanilang binibenta.

Tahimik akong na upo roon habang si Viggo naman ay tahimik na nakatayo sa likuran ko.

"Viggo, ano sa tingin mo? Gusto mo ba ang kulay ninto?" Turo ko sa isang navy blue suit na mukhang babagay sa kaniya.

"Kahit ano,". Maikli niyang sagot at kumunot na lang talaga ang noo ko pero pilit ko siyang hindi pinatulan dahil ayoko makabuo ng usapan, lalo na't nakatingin na ang ibang mamimili sa direksyon ko.

"Hindi ba ang black sheep ng house Romulus iyon? Si Lady Kiera Deidamia?" Bulungan nila na halos rinig ko naman sa kinauupuan ko.

Takip nila ang kanilang mga bibig damit ng kanilang mga kamay ngunit kitang-kita mo naman kung saan sila nakatingin at kung sino ang pinag-uusapan nila.

"Anong ginagawa niya rito? At sino 'yung kasama niyang binata?"

Hindi ba nila alam na naririnig ko ang mga bulungan nila sa aking harapan? Ang lalakas din talaga ng loob ng mga babaeng ito.

"Baka isa sa mga kalaro niya? Hindi ba't marami naman siyang lalaki noon?" Rinig ko pang bulungan nila at halos tumaas talaga ang isang kilay ko sa mga naririnig ko.

"Totoo bang marami kang mga lalaki noon?" Bulong naman nintong si Viggo sa likod ko at agad ko siyang inangilan.

"Wag ka na nga dumagdag, isa ka pang tsimoso eh," sagot ko sa kaniya sabay tingin sa mga babaeng pinagtsitsismisan ako.

"Hindi mo ba naririnig 'yun? Parang ang daming bubuyog sa loob ng boutique na 'to, bulungan nang bulungan," malakas kong sabi sapat lang para marinig nila sabay tingin ko sila mula ulo hanggang paa.

"Oh my, vulgar talaga ang babaeng 'yan, tara na nga baka mahawa pa tayo sa pagiging commoner niyan," rinig kong sagot ng isang babae at umirap pa sa 'kin bago lumabas.

"Yan wala na ang mga bubuyog," malakas kong sagot sabay tawa at irap din sa kanila, bwisit 'tong mga 'to panira ng araw.

"Pasensya na po sa pag-iintay, ito na po ang mga bagong designs na babagay sa ginoo," sagot ng babae habang may dala-dalang mga kahon ng damit, saktong-sakto ang dating niya pagkaalis ng mga noble lady na pinag-uusapan ako.

Isa-isa ko naman 'tong binuksan at pinasukat kay Viggo na ngayon ay todo simangot na dahil sa pinaggagawa ko. Wala naman siyang magawa dahil hindi niya kayang suwayin ang utos ko.

Pumasok siya sa isang dressing room at ilang minuto bago niya buksan ang kurtina na humaharang sa aming dalawa. Humarap siya sa 'kin na parang wala lang pero sobrang lakas ng dating niya para sa 'ming mga nakakita sa kaniya.

Suot niya ang isang full white suit na may lining na red and black design, hawak niya ang kurbata nito at tila inaayos pa sa pagkakasuot niya pero para sa 'kin, para siyang pumo-pose sa isang photoshot at bagay na bagay sa kaniya ang damit na 'yun.

"I-isukat mo pa 'to," pilit ko sa kaniya at inis niyang sinunod ang utos ko saka nagpalit ng damit, ngayon naman ay may suot siyang black and gold design na suit, ang angas tignan sa kaniya ng all black na akala mo isa siyang secret agent sa isang sikat na pelikula.

Napapanganga ako at parang gusto ko pang isukat niya lahat ng mga damit na inihanda sa kaniya ng dresser.

"Seryoso ka ba? Wala ka pa rin mapili hanggang ngayon?" Tanong niya sa 'kin habang bitbit-bitbit ang ilan pang damit na gusto ko ipasuot sa kaniya.

"Sige na, hindi ako makapaili eh, bagay kasi sayo lahat," sagot ko sa kaniya na bigla niyang kinapula kaya agad niyang inilihis ang kaniyang ulo at umiwas ng tingin sa 'kin.

Aww nahihiya ang bampira.

"Tsk, iisa lang naman ang bibilhin mo bakit kailangan pa sukatin lahat," rinig kong reklamo niya habang nagpapalit ng damit kaya na tawa na lang ako.

Hindi niya alam na nagsasalawahan na ko sa pagpili na baka maging dahilan nang pagbili ko sa lahat ng mga ito.

"My lady, kayo po baka gusto niyo ng ternong damit para sa inyong dalawa ng inyong nobyo," tanongng dresser na kinahiya ko sabay iling.

Nobyo raw? Hindi niya siguro kilala kung sino ako at na pagkamalan lang na isang simpleng noble lady.

"Hindi na, naka-order na ang aking amang susuotin naming pamilya," sagot ko at tumango naman siya.

Ilang minuto pa nung matapos niyang sukatin ang lahat ng damit ay kailangan nang kunin ang saktong sukat ng katawan niya.

Nakita kong hawak ng dresser 'yung midida at inikot ito sa dibdib ni Viggo para sukatin ito, napatingin ako sa babaeng nagsusulat sa kaniya, halatang nahihiya siya at hindi mapigilan hangaan ang kalaparan ng dibdib ni Viggo.

Napakunot naman ang noo ko, parang gusto ko tuloy agawin sa kaniya 'yung midadang panukat niya.

"Ayos na po my lady, mga tatlong araw po ay maipapadala na po namin ito sa Romulus," sagot niya at tumango naman ako, sakto na rin iyon dahil sa darating na limang araw ay gaganapin na ang pagtitipon.

Lumabas kaming dalawa ni Viggo sa boutique at naglakad-lakad saglit sa bayan. Katulad ng laging klima sa Lumire Empire ay binabalot pa rin nang makakapal na ulap ang kalangitan, nagtatago ang araw at sobrang kulimlim ng kapaligiran.

"Hindi ka naman naiinitan no?" Tanong ko kay Viggo habang naglalakad-lakad kami sa plaza.

"Hindi naman, pero hindi pa ba tayo uuwi?" Tanong niya sa 'kin at agad naman akong umiling.

"Hindi ba't ito ulit ang unang beses na nakapaggala ka maliban sa loob ng estate? Kaya puntahan natin ang lugar na gusto mong puntahan," sagot ko sa kaniya sabay ngiti dahil alam kong matagal siyang nakulong sa kabaong iyon at pagtapos na kulong naman siya sa kontrata na mayroon kami.

Kaya gusto kong iparamdam sa kaniya kahit na sa maliit na pagkakataon lang na malaya siya.

Pansin kong nakatitig siya sa mukha ko habang nakangiti ako sa kaniya, tinaasan ko siya nang dalawang kilay bilang pagtatanong saka niya inilihis ang tingin niya sa 'kin.

"Wala akong gustong puntahan, ayos na ko kung saan mo ko gustong dalhin," sagot niya at napangiti naman ako.

"Osige kung iyan ang gusto mo, tara sa paborito kong panenderya!" Sabi ko sa kaniya sabay hawak sa kamay niya at hila papunta sa kilalang bakery shop sa lugar na 'to.

Kilala ang panenderyang ito hanggang sa mismong panahon ko, pinapasa-pasa na sa angkan nila ang recipe na habang tumatagal ang panahon ay lalong sumasarap.

Nakita ko ang tindahan at agad siyang hinila roon, malayo sa malaki at maraming branches ninto sa panahon ko, ngayon ay isa lang itong maliit na panenderya na may maliit na pwesto sa gilid ng plaza.

"Hu? Dito mo ko dadalhin?" Tanong niya habang takang-taka. Tumango lang ako at tumingin ng masasarap na tinapay na naka-display sa harap ng tindahan.

"Lady Kiera, matagal ka nang hindi dumadalaw rito, nag-alala kami buti napadaan ka ulit," sabi ng tindera na kinagulat ko dahil sa kilala niya ako at doon na lang pumasok sa memorya ko ang mga senaryo na naganap sa tindahan na 'to.

"Ah hahaha, nagkasakit po kasi ako," palusot ko at hindi makapaniwala na paborito ring tindahan ito ni Kiera.

"Magaling ka na ba? Sino naman ang binatang kasama mo?" tanong niya habang binabalot ang mga tinapay na kanina ay tinitignan ko lang, parang nababasa niya na kung anong bibilhin ko sa tindahan niya.

"Ah ayos na po ako at siya naman po ang personal guard and butler ko," sagot ko sa kaniya at inabot sa 'kin ang supot ng tinapay na halos nagbigay talaga sa 'kin ng mga katanungan.

"Ow, akala ko bagong nobyo mo, osiya wag ko ng bayaran iyan dahil matagal ka naming hindi nakikita rito sa Zoraida," sagot ng ginang na sa pagkakatanda ko ay ang may-ari nintong tindahan.

"Ah hindi na po, magbabayad ako syempre," sagot ko sabay lapag ng bayad ko at hila kay Viggo palayo.

"Maraming salamat po! Sa uulitin!" sigaw at kaway ko sa kanila.

"Lady Kiera! Sobra-sobra 'to! Iyan ka na naman!" Rinig kong reklamo ng ginang na kinatawa ko, napakamot na lang siya sa ulo at sabay-sabay silang kumaway at yumuko sa harap ko.

"Aba, suki ka pala sa tindahan na 'yun," sabi ni Vigho habang dala-dala ang mga pinamila naming tinapay.

Sa totoo lang hindi ko rin akalain na paborito ni Kiera ang bawat klase ng tinapay na gusto ko, as in lahat ng binibili ko sa tindahan na 'yun sa panahon ko ay iyon din ang gusto niya.

Hindi ko tuloy maiwasan mapangiti na may halong pagtataka.

"Hindi ko alam na mahilig ka pala sa ganitong pagkain," sabi ni Viggo at naupo kami sa isang bench malapit sa malaking lawa na sa loob ng parke.

"Hahahaha," iyon na lang ang na sagot ko dahil miske ako ay na gulat, hindi ko talaga tanda lahat ng alaala ni Kiera sa buong paligid na ginagalawan niya, saka lang papasok sa isip ko ito pagmismong nakita, nakausap o nahawakan ko na.

"Penge nga ako niyan," abot ko sa supot na bitbit ni Viggo at kumain ng paborito kong cheese bread.

"Akala ko katulad ka nung mga noble lady na kilala ko," out of no where sabi ni Viggo habang nakatingin sa lawa kung saan maraming water lily na nakalutang sa ibabaw ninto, malamig rin ang simoy ng hangin kahit kalagitnaan ng katanghalian na lalong nagpapasarap sa pagkain nang bagong lutong tinapay.

"Ha? Panong katulad?" Tanong ko sa kaniya habang kumakain.

"Karamihan sa mga mortal na babaeng nasa noble rank ay matapobre, walang ginawa kung hindi manghusga at gawin lang ang gusto nila," sagot niya at napalingon naman ako sa kaniya, parang may pinaghuhugutan siya sa bawat salitang iyon kaya hindi ko naman alam anong isasagot ko sa kaniya.

"Akala ko rin ganun ako eh," iyon na lang ang na sabi ko dahil hindi ko rin alam na may ganitong part pala ang totoong Kiera.

"Ha? Seryosong usapan," sagot niya at natawa naman ako sabay subo nang buo sa kinakain ko.

Nginuya ko muna ito sabay lunok at pagpag ng kamay ko bago ko siya kausapin. Nakatingin lang siya sa 'kin na parang nawiwirduhan sa kinikilos ko.

"I mean, hindi ko pa kilala ang sarili ko until now, siguro hinahanap ko pa mismo kung sino ako o kung anong gusto kong gawin sa buhay ko," sagot ko sa kaniya dahil ang totoo niyan hindi naman ako si Kiera at kinikilala ko pa rin siya hanggang ngayon.

Kung anong gusto niyang gawin, kung ano ba talagang plano niya o talaga bang naging Villainess lang siya sa storya dahil sa inggit niya. Bakit niya tinuloy ang pagtatangka patayin ang matalik niyang kaibigan na si Diana, bakit na gawa ng babaeng ito lahat ng mga nagawa niya noon?

Dahil ngayon na unti-unti ko na talagang nakikilala si Kiera sa pagpasok ko sa katawan niya, alam kong hindi talaga siya masama, alam kong gusto niya lang ng pagmamahal galing sa iba.

Gusto ko mahanap 'yung dahilan o 'yung malaking kasagutan bakit siya nahulog sa galit at paghihiganti.

"Kung anong pangarap mong gawin?" Tanong niya at tumikim na rin ng binili naming tinapay.

"Hmm parang ganun na nga, hindi ko alam kung kailangan ko pa bang patunayan sa kanila na may ibubuga ako o hahayaan ko na lang silang isipin ang gusto nilang isipin sa 'kin at gawin ko na lang kunganong gusto kong gawin," sagot ko sa kaniya at napatingin naman siya sa 'kin.

"Dahil ba sa trato ng mga tao sayo sa mismong tahanan mo?" Tanong niya at napangiti na lang ako ng mapait.

Hindi na rin lingid kay Viggo kung pano nilang ituring na bastardo si Kiera, kung pano siya matahin ng iba at tawaging black sheep ng Romulus.

"Siguro, gusto kong patunayan sa kanila na hindi na ko 'yung dating Kiera na minamaliit at pinagtatawanan nila," sagot ko sa kaniya at tumango lang siya.

"Edi iyon ang gawin mo, ipakita mo sa kanila na nagbago ka na at hindi ka na nila pwedeng maliitin, kasabay nang pagbibigay walang pakialam mo sa lahat ng mga sasabihin nila sa ginagawa mo," sagot niya sa 'kin at na gulat na lang ako nang tapikin niya ang ulo ko.

"Hu? Binibigyan mo ba ko ng head-pats?" Tanong ko sa kaniya at mukhang nahiya siya dahil sa pinansin ko pa ito kaya agad niyang inalis ang kamay niya at inis na tumingin sa 'kin.

Natawa na lang ako dahil sino mag-aakala na ang aburido at mataray na bampirang ito ay iko-comfort ako sa pamamagitan ng head pats.

"Salamat Viggo," sagot ko sa kaniya at ngumiti sa harap niya, umiwas lang siya nang tingin sa 'kin kaya lalo akong natawa.

"Lady Kiera Deidamia?" bigla kong napalingon sa likuran ko nang marining ko ang isang pamilyar na boses, pagtingala ko ay nakita ko si sir Grimm na seryosong nakatingin sa 'kin.

"Si-Sir Grimm?" tanong ko at nilipat niya naman ang kaniyang tingin kay Viggo.

"Bakit may kasama kang bampira lady Kiera?"

TO BE CONTINUED

Edited

Continue Reading

You'll Also Like

299K 11.9K 37
[COMPLETED] Namatay siya nang mahulog ang sasakyan na minamaneho sa taas ng skyway, however, she was resurrected inside a novel that she once read, b...
4.4K 185 34
Akala ni Lyra Madrid ay nasa ayos ang lahat kaya wala na siyang mahihiling pa. Mabuting magulang, maaasahang kaibigan at mapagmahal na kasintahan. Pe...
48.3K 3.2K 24
Matapos magising sa tatlong buwang pagka-comatose si Charlie ay hindi niya alam bakit tila kulang na ang pagkatao niya kahit na hindi naman siya na w...
45.2K 2.2K 55
Highest Ranking: #1 KingandQueen #1 castle #1 book #1 historical #1 liar #1 mask Kaharian, kapangyarihan at trono. Iyan lamang ang mayroon si Hilary...