Blood Contract with her Royal...

By FinnLoveVenn

173K 5.1K 269

EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang ban... More

♕PROLOGUE♕
♕CHAPTER 1♕
♕CHAPTER 2♕
♕CHAPTER 3♕
♕CHAPTER 4♕
♕CHAPTER 5♕
♕CHAPTER 6♕
♕CHAPTER 7♕
♕CHAPTER 8♕
♕CHAPTER 9♕
♕CHAPTER 10♕
♕CHAPTER 11♕
♕CHAPTER 12♕
♕CHAPTER 14♕
♕CHAPTER 15♕
♕CHAPTER 16♕
♕CHAPTER 17♕
♕CHAPTER 18♕
♕CHAPTER 19♕
♕CHAPTER 20♕
♕CHAPTER 21♕
♕CHAPTER 22♕
♕CHAPTER 23♕
♕CHAPTER 24♕
♕CHAPTER 25♕
♕CHAPTER 26♕
♕CHAPTER 27♕
♕CHAPTER 28♕
♕CHAPTER 29♕
♕CHAPTER 30♕
♕CHAPTER 31♕
♕CHAPTER 32♕
♕CHAPTER 33♕
♕CHAPTER 34♕
♕CHAPTER 35♕
♕CHAPTER 36♕
♕CHAPTER 37♕
♕CHAPTER 38♕
♕CHAPTER 39♕
♕CHAPTER 40♕
♕CHAPTER 41♕
♕CHAPTER 42♕
♕CHAPTER 43♕
♕CHAPTER 44♕
♕CHAPTER 45♕
♕CHAPTER 46♕
♕CHAPTER 47♕
♕CHAPTER 48♕
♕CHAPTER 49♕
♕CHAPTER 50♕
♕CHAPTER 51♕
♕CHAPTER 52♕
♕CHAPTER 53♕
♕CHAPTER 54♕
♕CHAPTER 55♕
♕CHAPTER 56♕
♕CHAPTER 57♕
♕CHAPTER 58♕
♕CHAPTER 59♕
♕CHAPTER 60♕
♕EPILOGUE♕

♕CHAPTER 13♕

3.4K 120 4
By FinnLoveVenn

CANA ANNALIS

Nang mahimasmasan ako doon ko lang na pagtanto kung anong ginawa ko sa harap ni Viggo, mahigit isang oras din akong umiyak at naglabas ng mga problema ko at sama ng loob sa kaniya.

Nakaupo na ako ngayon sa higaan ko at tila ba na wala na ang pagkahilo ko kanina, siya rin ay nakaupo sa dulo ng aking kama at tahimik lang na nakikinig sa mga hikbi ko na umiikot sa loob ng silid.

"Patawarin mo ko kung nakita mo pa kong ganito," paghingi ko ng paumanhin dahil aminado akong na istorbo ko pa siya at hindi pa naman kami ganung ka-close para tiisin niya lahat ng mga reklamo ko sa buhay.

"Tsk, makikita at makikita rin naman kita sa ganitong sitwasyon, napaaga lang," sagot niya sa 'kin at hindi ko napigilan mapangiti, tama siya darating at darating din ang araw na makikita niya kong umiiyak sa harap niya dahil sa kontrata na nagbubuklod sa 'ming dalawa.

"Pasensya na," sagot ko habang pinupunasan ang luha ko sa mata at nakita ko siya napakamot sa batok niya.

"Pero mabuti at nahimasmasan ka na," bulong niya pero sakto lang para marinig ko. Tumango naman ako bilang tugon dahil nakakaramdam umaakyat na ang hiya sa mukha ko at kinain na kaming dalawa ng katahimikan.

Hindi ko na alam ang sasabihin ko pagtapos kong ngumalngal sa harap niya at siya rin naman ay hindi alam kung anong iaakto sa harap ko.

"Kung ayos ka na aalis na ko," sagot niya na pumutol sa katahimik naming dalawa pero ewan ko ba kung bakit nung nakita ko siyang tumayo at lumayo sa tabi ko biglang kumilos ang katawan ko at hinawakan ang dulo ng kaniyang damit.

Napatigil ako sa ginawa ko at napalingon naman siya sa 'kin, napayuko ako nang magtama ang mga mata naming dalawa saka ko binitawan ang damit niya.

"May iuutos ka ba?" Tanong niya at umiling naman ako sabay iwas ng tingin sa kaniya.

Bakit ganito ang inaakto ko sa harap ni Viggo? Natatakot ba ko mag-isa o talagang nalulungkot lang ako ngayon at gusto ko ng kasama?

"Alam mo, pagmalungkot ka sumasakit 'yung dibdib ko," sagot niya sa 'kin na kinalingon ko para tignan siya.

Nakita kong hawak niya ang dibdib niya habang nakatingin rito at napaikling naman ang ulo ko sa sinabi niyang iyon.

"Pag nasasaktan ako nasasaktan ka rin? Kaya ba alam mong umiiyak ako at kaya mo rin ako pinuntahan?" Tanong ko sa kaniya at tumango siya.

"Nakakapagtaka pero hindi ko naman 'to na ramdaman sa previous master ko noon," sagot niya at hindi ko rin na basa ang tungkol dito mula sa libro.

Napakunot naman ang noo ko at naglakad siya papalapit sa 'kin kaya napatingala ako.
"Wag kang iiyak o malulungkot ah, nadadamay ako at ayokong maramdaman 'yun," sagot niya sa 'kin sabay pitik sa noo ko kaya napapikit ako at napahawak dito.

"Aray naman!" Reklamo ko at nakita ko siyang ngumisi na nagpabilis sa tibok ng puso ko.

"Matutulog na ko rito kung kailangan mo ng kasama," sagot niya sabay lapit sa isang malaki at mahabang baul kung saan nakalagay ang mga pinagliitan ko ng damit.

"D'yan ka matutulog?" Tanong ko at ako naman itong lumapit sa kaniya para tignan kung kakasya at komportable ba siya roon.

"Mas masarap matulog dito kesa sa sofa, dito rin ako natulog kagabi," sagot niya saka sumampa sa loob ng baul at hinigaan ang mga damit ko sa loob nu'n, para na naman siyang nasa loob ng kabaong dahil sa itsura ng baul pero halatang mas komportable nga siya roon.

"Oh anong tinitingin-tingin mo?" Tanong niya sa 'kin bago niya isara ang takip ninto.

"Nakakahinga ka ba sa loob niyan?" Tanong ko at tumango naman siya.

"Gusto mo subukan?" Tanong niya sa 'kin pero hindi na ko nakasagot nang bigla niya kong hilahin sa loob ninto at mapahiga sa ibabaw niya.

"Aaah!" Hiyaw ko sa gulat at mabilis na lumagapak sa ibabaw niya.

Ramdam ko ang malaking palad niya sa likod at bewang ko habang damang-dama ko naman ang kalaparan at tigas ng dibdib niya.

Napatingin ako sa kaniya at nagtama naman ang tingin naming dalawa, sobrang lapit namin sa isa't isa at pakiramdam ko maririnig niya ang tibok ng puso ko.

"Kinakabahan ka ba?" Tanong niya pinanlakihan ko siya ng mata dahil ramdam kong humigpit ang kapit niya sa bewang ko.

"Anong ginagawa mo!" Tanong ko sa kaniya at babangon na sana dahil hindi ko na matiis ang pagwawala ng puso ko dahil sa lalaking ito.

"Bahala ka d'yan matutulo—"

"Lady Kiera? Ayos lang ba kayo?" Biglang katok sa pinto ni Krista sabay pihit ng seredula ninto kaya agad kong hinila ang takip ng baul at kinulong kaming dalawa sa loob ninto.

"Bakit mo sinara?" Tanong ni Viggo at mabilis kong tinakpan ang bibig niya.

"Shhh— wag ka maingay maririnig tayo ni Krista," bulong ko sa kaniya habang takip-takip ang bibig niya at nakasilip sa siwang na nagbibigay liwanag sa 'min sa loob ng baul na 'to.

"Lady Kiera?" Tanong ni Krista nang makita niyang wala ako sa kama at natarantang lumabas ng pinto.

"Tsk, mukhang ipapahanap na naman ako ni Krista," bulong ko at naramdaman ko naman na kinagat ni Viggo ang palad ko dahilan para mabitawan ko ang bibig niya.

"Aray!" Reklamo ko sa kaniya pero agad niya rin 'tong hinalikan na kinamula ng mga pisnge ko.

"Dalian mo at lumabas ka na bago ka pa nila hanapin sa buong manor," sagot niya at agad ko naman binuksan ang baul at lumabas rito, napanguso ako nang makita kong naghilum na ang kagat niya sa palad ko, loko 'yun ah hindi nagpapaalam!

"Yes my lord, wala po ang lady sa loob ng kwarto niya," rinig kong boses ni Krista at may kasama pa itong naglalakad papunta ng kwarto ko kaya agad akong tumakbo sa higaan ko at humiga rito.

"Tignan niyo my lord wala ang—" naputol ang pagsasalita ni Krista nang makita niya kong nakahiga sa aking kama.

Nagkunware ako na kakagising lang at pupungas-pungas pa galing sa pagkakahiga.
"Anong kaguluhan ito?" Tanong ko at nakita ko ang Duke na nagtataka kasama ang Duchess na nakatingin ngayon kay Krista.

"Mukhang kulang ka lang sa pahinga Krista, natutulog na ang amo mo," sagot ng Duke sa kaniya at napanganga lang si Krista at hindi alam saan lilingon.

"Pe-pero nakita ko wala ang lady sa kaniyang higaan kanina," nagtataka rin siya sa sarili niya at nagkunwari akong hindi alam ang sinasabi niya.

Tinapik siya ng Duchess sa balikat at inaya na siya magpahinga.

"Pasensya na anak, mukhang namalik-mata ang lady in waiting mo," sabi ng Duke at tumango naman ako sa kanila.

"Ayos lang po, matulog na po kayo at magpahinga, goodnight po," sabi ko sa kanila at tumango naman sila at sabay-sabay na lumabas ng kwarto.

Rinig kong panay ang hingi ng paumanhin ni Krista sa Duke at sa abala na dinulot niya, pero ako pa itong gusto humingi ng patawad dahil kagagawan ko ang lahat.

Sorry Krista, bibigyan na lang kita ng magandang regalo sa susunod.

"Ayos ka na?" Rinig kong sabi ni Viggo habang nakasilip sa loob ng baul at masama ko siyang tinignan.

Kasalanan ng lokong 'to bakit kami muntikan mapahamak.

"Oo! At matutulog na ko," mataray kong sagot sa kaniya pero deep inside hindi lang ako makatingin sa kaniya nang diretsyo dahil hanggang ngayon, amoy ko pa rin ang mabangon amoy ng katawan niya na dumikit na sa pantulog ko at ramdam ko pa rin ang pagkakahawak niya sa aking likuran at bewang.

Napatakip ako ng unan sa mukha dahil sa hiya, hindi pwede 'to Cana! Hindi ka pwedeng kiligin sa lalaking dapat ay kay Diana!

Dahil sa kakaisip ko sa kakaibang nararamdaman ko para kay Viggo, hindi ko na mamalayan na sumapit na pala ang umaga at panibagong araw na naman para sa 'kin bilang Kiera.

Narinig kong bumukas ang baul at nakita kong bumangon si Viggo roon na mukhang masarap ang tulog. Sana lahat may tulog.

"Matulog ka pa d'yan, mukha kang bangkay," sagot niya sa 'kin at pinanlisikan ko siya ng pulado kong mata na kulang sa tulog.

"Alis na ko," sagot niya sabay talon sa beranda mula sa pangatlong palapag ng main mansion.

Hindi na ko na gulat, ano pa bang ikakagulat ko kung makita ko siyang tumatalon o sobrang lakas, bahala siya d'yan basta ako maiiglip pa.

"Good morning my lady," rinig kong bati ni Krista at halos maglumpasay ako sa kama ko nang buksan niya ang bintana at papasukin ang liwanag galing sa labas.

"Aaaah! Gusto ko ng tulog!" Reklamo ko at nataranta naman siyang lumapit sa 'kin, takang-taka siya bakit namamaga ang mata ko at nangingitim ang ilalim ninto.

"My lady, anong nangyari sa inyo?" Inosente niyang tanong at napatulala na lang ako.

Ano bang istura ko matapos kong umiyak nang umiyak kagabi tapos wala pa kong tulog? Siguro mukha nga kong bangkay.

Wala na kong na gawa kung hindi bumangon at kumain ng umagahan, tinulungan din ako ni Krista na magbihis dahil antok na antok pa talaga ako.

Wala akong libreng oras ngayon dahil nais agad pag-usapan ng Duke ang mga gagawin namin sa lupang niregalo ng emperor sa Romulus, kaya agad akong nagtungo sa opisina niya at kumatok dito.

"Father, si Kiera po ito," sabi ko at agad niya naman akong pinapasok sa loob ng opisin niya.

"Maupo ka Kiera," sagot niya habang nakatingin sa mga papeles na nasa ibabaw ng mesa niya.

"Salamat father," sagot ko at tumingin siya sa 'kin.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya at tumango naman ako saka siya lumapit sa harapan ko at naupo rin sa harap ng table.

May nilatag siya roong malaking mapa at pinakita sa 'kin ang laki ng kinasasakupan ng Romulus.

"Kung ayos ka lang ay sisimulan ko nang ituro sa 'yo ang mga dapat mong gawin," sabi niya at tumango naman ako dahil na wala ang antok ko matapos kong makita ang nakabilog sa mapa.

"Ito ang land of mist, malapit ito sa border ng MoonVault at nang malawak na dragons graveyard," paliwanag ng Duke sabay turo sa malawak na lupain.

Napakunot naman ang noo ko nang makita ang ibang parte ng mapa, sa panahon ko ay magandang tourist destination na ang tinutukoy niyang dragons graveyard at malaking minahan naman ang katabi ninto.

"Your grace matanong ko lang, sakop ba ng lupain na bigay ng emperor ang isang kuweba?" Tanong ko sa kaniya sabay turo sa mapa kung saan malapit ang minahan na alam ko sa panahon ko.

"Oo mayroon, pero pinalilibutan ito nang makapal na miasma na maaring pumatay sa sino mang magtagal sa lugar na 'yun," paliwanag niya at napaisip naman ako.

Miasma? Pero sa panahon ko ay wala naman na iulat na kahit anong ganoong pangyayari. Wala sa history books na nabasa ko ang tungkol sa lugar na binabalot ng miasma.

Alam ko lang ay mayamang minahan ang lugar na 'yun at halos sa sampung taon na pagmimina doon ay hindi pa rin ito nauubusan ng mga mineral na makukuha roon.

Isang malaking negosyo kung makuha ko ang minahan na 'yun kung magkataon, isipin mo Cana kahit hindi ka magtrabaho at tumunganga ka lang sa kwarto mo ay kikita ka ng milyon-milyon!

Lalong na wala ang antok ko nang malaman ko ang lugar na 'yun at makumpirma ang tungkol dito.

"Wag ka mag-alala Kiera, kung iniisip mo na baka mapahamak ka sa miasma na kumakalat sa lugar ay hindi ito aabot sa kasiltyong nakatayo roon, medyo malayo pa ang lugar kaya hindi alintana ang miasma sa lugar," sagot ng Duke pero hindi naman iyon ang pinoporblema ko.

Ang mismong problema ko rito ay pano ko maalis ang miasma na 'yun para makapagsimula na kami sa pagmimina!

"Naiintindihan ko po father, maraming salamat po sa pagbibigay tiwala sa 'kin sa lupain na 'to," sagot ko sa kaniya at ngumiti naman siya nang malambing sa harapan ko.

"Magtitiwala ako na mapapaganda mo ang lugar at makakapagtayo tayo ng negosyong makakatulong pa sa pamilya na 'tin," sagot niya at tumango naman ako.

Hayaan niyo father, hindi ko sisirain ang tiwala niya at kukunin ko ang minahan na 'to para makadagdag sa yaman ng Romulus.

"At siya nga pala Kiera, nagpadala na rin ako ng mag-aayos sa lugar. Sabi ng emperor ay kailangan daw i-renovate ang ilang parte ng kastilyo ngunit ang kabuuan ninto ay maayos naman, gusto kong ikaw na rin ang magdesenyo ng buong interior ng lugar," sagot niya at may binigay sa 'kin mga papeles at listahan ng mga kagamitan at gastosin para sa buong lugar.

"Magpapadala rin ako roon ng mga katulong na iyong mapagkakatiwalaan," sagot niya at agad naman akong umiling.

"Pwede bang ako na lang po ang mamimili ng mga katulong na aking dadalhin your grace?" Tanong ko sa kaniya na parang nagbigay ng pagtataka sa kaniya ngunit wala na siyang nagawa at tumango na lang sa 'kin.

"Kung iyan ang iyong gusto," maikli niyang sagot sabay tango sa 'kin na talaga namang kinatuwa ko.

May plano kasi ako sa mga katulong na dadalhin ko sa lugar na 'yun, hindi ako papayag na kung sinu-sino na lang ang mapunta sa pamamalakad ko.

"Ah Kiera, mayroon pa pala ako ibibigay sayo," saad ng Duke sabay tayo at punta sa kaniyang office table, mula sa drawer ay may kinuha siyang liham at inabot ito sa 'kin.

Tinignan ko ang kulay dilaw na sobre na may selyo na kulay pula at may tatak liong may suot na korona, isang simbulo na galing royal palace ang liham na ito.

"Isang imbitasyon galing sa emperor, nais niyang dumalo tayo sa kasiyahan sa opisyal na pagpapakilala nila kay princess Diana," sagot niya at napangiti naman ako, malapit na pala ang pagtitipon kung saan unang maisasayaw ni Viggo si Diana sa araw ng opisyal nitong pagkahalal sa titulo bilang prinsesa.

"Iyang sulat na 'yan ay galing mismo sa iyong kaibigan, hiwalay ang imbitasyon na pinadala nila sa 'kin," dagdag niya pa at tumango naman ako.

Ilang araw ko na rin hindi nakakausap o nakikita si Diana, mukhang abala nga sila sa paghahanda ng engrandeng kasiyahan na 'to.

Gagawin ko na rin 'tong paraan para magkita na sila ni Viggo at matuloy ang nakakakilig nilang sayaw na nabasa ko sa libro.

"Pwede ko po bang dalhin ang butler ko sa kasiyahan?" Tanong ko sa kaniya at umiling naman ang Duke.

"Si sir Grimm ang iyong escort mula sa house Herveaux at dahil siya ang makakasama mo ay hindi mo na kailangan pa ng personal guard," sagot niya sa 'kin na nagbigay talaga ng gulat sa sistema ko.

Halos mapanganga ako dahil gulat, seryoso ba sila na si sir Grimm ang escort ko?

"Se-seryoso 'yan? Walang bawian?" Tanong ko sa Duke na pinagtaka niya naman kaya agad akong umiling at tumayo na.

"Salamat po sa lahat ng impormasyon na binigay niyo sa 'kin ngayon your grace, at nais ko pa rin po sana isama ang butler ko kung ayos lang sa inyo," sagot ko sa kaniya at nagpa-cute pa sa harap niya na kinagulat niya kaya bigla siyang na tawa at tumango.

"Saan mo natutunan ang ganyang expression ng mukha Kiera? Hahaha sige pero hanggang labas lang siya," sagot ng Duke na kinatuwa ko at hindi ko napigilan na mayukom ang palad ko at mapatalon sa tuwa.

"Thank you father!" Sabi ko at mabilis na humalik sa pisnge niya sabay takbo palabas ng opisina niya.

"Ki-kiera! Bawal tumakbo sa pasilyo!" Sigaw niya kaya bigla akong napatigil at bago ko isara ang pinto ay yumuko at nagbigay galang ako sa kaniya.

"Pasensya na your grace," sagot ko at nakita ko na naman siyang napatawa na malayong-malayo sa imaheng nakita ko sa memorya ni Kiera.

Nang makalabas ako ng pintuan ay nakita ko si Viggo na nag-iintay sa gilid ninto at tumingin sa 'kin.

Ngumisi naman ako sa harapan niya na kinatakot niya.

"Anong binabalak mo?" Tanong niya at masaya lang akong naglakad sa unahan niya.

"Marami Viggo, marami."

TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

14.9M 482K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...
202K 8.1K 29
Luna traveled back in the year 1889, and she's stuck inside the body of Lady Celestine --- the noble lady who's bound to marry the King of Citadel. ...
87.9K 2.8K 67
TRAVIS ZADEN CORDOVA ( VCS#1 ) Don't fall in love with the Superior. That's the only one forbidden Rule! If you don't want the contract to be void; ...
2K 238 28
Title: Sweet Treats Author: katanascytheslash29 Genre: Scifi, Mystery/Thriller, Action Things are getting bittersweet as the time flies. A parasite...