See You Tomorrow, Yuki (Love...

Por ab_secrets

494 81 0

Yuki is a rude, cold-hearted woman and a long-term patient in a hospital owned by her uncle. Aciel gets hired... Más

IMPORTANT
INTRODUCTION
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
[SPECIAL]
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
EIGHTEEN
[SPECIAL]
NINETEEN
TWENTY
TWENTY-ONE
TWENTY-TWO
TWENTY-THREE
TWENTY-FOUR
TWENTY-FIVE
TWENTY-SIX
TWENTY-SEVEN
TWENTY-EIGHT
TWENTY-NINE
THIRTY
THIRTY-ONE
THIRTY-TWO
[SPECIAL]
EPILOGUE: YUKI
EPILOGUE: ACIEL

SEVENTEEN

7 2 0
Por ab_secrets

Palihim na sinundan ni Hanz ang anak. Alam niyang si Lianne ang pakay nito matapos umalis kanina. Narinig niya ang kabuuan ng usapan nila Lianne at Aciel. Nang makaalis si Aciel, hinintay niya na matapos sa pag-iyak si Lianne. Pormal ang itsura niya dahil dumiretso siya rito galing sa opisina niya.



"Why did you cry like that?" agad na tanong ni Hanz nang makapasok.



Inalalayan pa niyang tumayo si Lianne at tinulungan siyang maupo pabalik sa upuan niya. Hinatak ni Hanz ang isa pang upuan sa gilid palapit sa mesa ni Lianne at doon naupo.



"Kanina ka—"



"Hmm."



Pareho silang nakayuko at hindi matitigan ang isa't isa.



"About what I said earlier—"



"I'M SORRY."



Tuluyang napatingin si Lianne kay Hanz nang humingi ito ng paumanhin. Sa maraming taon, ito lang ang mga salitang nais niyang marinig.



"I really didn't want to make excuses, but please hear me out," pagpapatuloy ni Hanz. "Lumaki si Aciel na magkahiwalay kami ng nanay niya. He was closer to his mother. That's why when she died five years ago... he couldn't accept it," maluha-luhang paliwanag niya. "And I couldn't stand seeing him being hurt. To a parent like me, knowing that my child was suffering while I couldn't do anything to help him felt like I was no better than dead. Because only the dead cannot do anything for the people they love."



Kasabay ng tuluyang pagluha ni Hanz, muli ring napaluha si Lianne, natatakpan ng kaliwang kamay ang bibig niya.



"When you first came to the company and told me about your dream, it's true that I used it to lure you into my own dream of giving my son a new mother figure. Ilang buwan lang tayong nagkasama-sama, but you became a very significant person to both of us." He paused to smile. "I learned to open up my heart to someone again, and Aciel was so happy. Lahat 'yun naging posible, dahil sa'yo."



"Bakit ngayon mo lang pinaliwanag sa'kin lahat? Para ma-guilty ako sa nagawa kong pagkakamali noon?" pagalit na tanong ni Lianne.



"No. Because I always knew that you've been waiting for an explanation. Bakit ginamit kita? Bakit ikaw? Bakit kailangang pagdaanan mo 'yun kapalit ng pangarap mo? I'm sorry for taking too long to apologize. And I still don't know what answer fits your questions. I'm most sorry about that."



"Did you really... love me?" Lianne asked, tears falling down her cheeks.



Tumango si Hanz at sumagot, "But you didn't ask for that kind of love."



"I did you wrong, too. Bakit hindi mo ako kinokompronta tungkol sa mga bagay na ginawa ko? Sa mga kasinungalingan ko? Didn't you come here to do that?"



"Kasi lahat ng sinabi mo noon, totoo."



[Her lawyer confirmed that she was abused by President Gutierrez in exchange of the lead role.]



"Using your dream to get you, and forcing that unwanted love on you... are no less than abuse. I'm really, really, really sorry."



Pinigil ni Hanz ang muling maluha at binigyan ng malaking ngiti ang isa, bagay na lalong nagpakonsensiya kay Lianne.



"Kaya Lianne... nasaktan ka man sa mga nasabi ni Yuki noon, 'wag mo sanang iparanas sa kaniya kung gaano kasaklap ang mundo. She spent almost her entire life, living in the hospital. Nag-uumpisa pa lang siyang hanapin ang sarili at pangarap. Higit sa lahat, kung anong magpasasaya sa kaniya. Don't snatch it away from her. Sa amin ka lang magalit. Hindi. Sa akin lang. Aciel and Yuki... are hurting too much already."



- - -



[Yuki... salamat naman at sinagot mo na ang tawag ko.]



Naroon pa rin ang labis na pag-aalala sa tinig ni Giselle mula sa kabilang linya ng telepono. Napangiti agad si Yuki nang marinig ang boses niya.



"Nay... may sasabihin ako."



[Hmm? Ano 'yun? Bakit parang hindi ka masaya sa gusto mong ipaalam sa akin?]



"It's about my musical..."



[Anong nangyari?]



"No... don't mind it... Nanay. Will you walk me down the aisle?"



Yuki threw herself on the bed, spreading both arms and legs, phone's in speaker mode near her ear.



[Oo naman. Kahit anong mangyari, ihahatid kita sa araw ng kasal mo. Pero...]



"Hmm? Pero?"



[Ang tita mo. Ayaw mo ba siyang makasama sa araw na 'yun?]



"Nay... I'm getting married for real. Anytime soon. Tita Thea still has to serve a year in prison."



[Ah... tama... Huh? Sandali. Anong ibig mong sabihin? Ikaw? Ikakasal na? Anytime soon... Kanino? Hindi. Paano nangyari?]




Tinakpan ni Yuki ng kaliwa niyang palad ang mukha habang tinatawanan ang reaksyon ni Giselle. Kasabay pa ang tila malungkot na pagtahol ni Aki.



"Right. I haven't told you yet. Nay... bumalik na siya. One thing led to another and..." She tittered. "Right... he hasn't given me a clear answer yet..." 



[Kaya ba parang hindi ka masaya? O baka dahil ngayong nangyayari na lahat... nabibigla ka? Nagdadalawang-isip? Pinagdududahan mo ba ang nararamdaman niya para sa'yo?]



"You know, Nanay... I had always been afraid of starting a relationship of any form," tugon ni Yuki at tuluyang nawala ang ngiti. "But my relationships with you, Tito and Tita, and Jamie. They only became possible because I found courage."



[At ngayon? Nagsisimula na kayo ni Aciel. Ano naman ngayon ang ikinatatakot mo?]



"I feel like I know where this is leading. And right now, I'm most afraid of that. No... I feel... sad."



- - -



"Aciel..." bulong ni Hanz sa sarili habang ipinapara ang kotse sa tabi ng kay Aciel.



Tama siya sa kung saan mahahanap ang anak. Tanaw niya si Aciel mula sa kalayuan, nakaluhod sa harap ng puntod ng ina. Matapos makababa ng kotse, tinakbo niya ang natitirang distansya papunta kay Aciel. Doon, sinamahan niya itong lumuhod.



"Can't we just reopen the case?" agad na tanong ni Aciel. "Hindi ko pa rin talaga matanggap."



"Para saan? Para masaktan ka na naman kung hindi mo mahanap kung sinuman ang gusto mong makita? Kung sa loob ng limang taon, wala kang napala, ibig-sabihin lang no'n, wala ka naman talagang dapat hanapin."



"The incident that happened in the old company five years ago. Hindi sana siya namatay kung may tumulong lang sa kaniya agad. You saw it, too. How people ran for their lives and left her there. They must take responsibility for her death!"



Hinila paluhod muli ni Hanz si Aciel nang biglaan itong tumayo. Nabigla ang isa kaya't halos matumba pa ito sa madamong sahig.



"She fell off the stairs. She cracked her head open and lost so much blood. Gusto mo bang paulit-ulit na naririnig 'yun? And someone did help your mom and brought her to the hospital. Bakit hindi mo na lang tanggapin na wala namang may gustong mangyari 'yun?!"



"DAD!"



"Tigilan mo na ang pagbaling ng sisi sa iba!" mariin na tugon ni Hanz. "Tama na, Aciel. Pakiusap."



"Hindi ako katulad mo, dad. Hindi madaling tanggapin para sa'kin."



Pilit inalis ni Aciel ang kamay ng ama na nakakapit noon sa braso niya. Tumayo ito't iniwan si Hanz na mag-isa. Galit lang ang tanging nasa puso ni Aciel ngayon. Galit na hindi naman nawala o nabawasan man lang. Galit na hindi nabago ni Yuki, o kahit ng pag-alis niya ng bansa.



~ ~ ~



Dahil sa pagkatarantang makita't mayakap na agad si Yuki matapos ang mahigit isang linggong hindi nila pagkikita, mali-mali ang passcode na nailagay ni Jamie. Kaya naman, hindi nito mabuksan ang pinto ng bahay ng kaibigan. Kinalampag na lamang niya ang pinto gamit ang malalakas na pagkatok, bagay na kinainisan ni Yuki nang tuluyan siya nitong pagbuksan.



"Yuki! I missed—"



Halos sumubsob na ang mukha ni Jamie sa tiles dahil sa pag-iwas ni Yuki sa yakap niya. Tuluyan siyang napadapa sa lapag dahil sa lakas ng pagsarang muli ni Yuki ng pinto.



"Don't be too affectionate," Yuki sounded so cold.



"Hoy! Dumiretso ako agad dito matapos ang shift ko. Kung alam ko lang na ganito mo ako sasalubu—"



"Kaya nga. How could you think of hugging me when you're covered with sweat?"



Inamoy-amoy ni Jamie ang sarili habang lumakad naman patungo sa couch sa salas si Yuki. Bumangon siya mula sa sahig at patalon na tumabi sa kaibigan.



"Get away from me..."



"Ayaw ko nga. Bear with it. This is your punishment for making us go crazy over your disappearance. You fool."



Napatayo agad si Yuki nang makarating ang tito niya. Hindi maitimpla ang mukha nito at halatang maraming gustong sabihin kay Yuki. Nakaipit pa nga sa kanang kili-kili ang ilang papeles.



"You must've worked hard. Your skin's not looking so good. Pagod ka na. Magpahinga ka na. Magpapahinga rin ako sa kwarto ko," animo'y nag-rap si Yuki sa sunod-sunod na salita nito.



"Hmm. I'm so tired that I can't seem to nag at you right now. Rest up. Mamaya tayo mag-usap."



Tinapik-tapik ni Yuki si Jamie, sinesenyasan itong samahan siya paakyat sa kwarto. Hindi inalis ni Hakim ang nakatatakot niyang titig sa dalawa habang tinatakbo ng mga ito ang hagdan.



- - -



"Tell me what happened. Everything."



Parehong nakahiga sa kama, magkaharap. Paulit-ulit na kinulit ni Jamie si Yuki. Tahimik lang si Yuki at nakatulala.



"Jamie."



"Hmm?"



"I wasked what I should give you as a birthday present."



"What about it? Kung nagbago ang isip mo, ayos lang. When did we ever celebrate each other's birthday?"



"We do not celebrate it, but let's not forget to give gifts."



"Suddenly?" Tuluyang pumikit si Jamie. "Bakit? Biglaan ka bang mawawala ulit? Wala ka ng balak bumalik? Kaya nagiging thoughtful ka bigla?"



"I'm afraid I can't even remember your birthday in the next years. Because then, I'll be busy taking care of my husband."



"Sure, sure, su—"



Mabilis na tumalikod si Yuki mula kay Jamie. Napadilat naman ang huli, nanlaki ang mga mata, saka hinampas ang likuran ni Yuki.



"Anong sinasabi mo? Isang linggo't dalawang araw ka lang nawala, tapos babalik ka rito dala 'yang balita na 'yan? Hey, show me your face."



Pinagpapalo pa niya ng unan si Yuki hanggang sa maupo silang dalawa. Tinali ni Yuki ang buhok. Sunod niyang tinitigan ang panyo sa kamay at tinanggal ito. Binaling din ni Jamie ang tingin niya sa mahabang sugat sa kamay ni Yuki. Hinatak niya ito palapit sa kaniya, at dinaan ang daliri mula sa isang dulo ng sugat patungo sa isa pa.



"Forget it. Wala akong choice kundi maging masaya na lang para sa'yo. I'm more curious about this old scar. You never told anyone where you got this," sambit ni Jamie. "Anong nangyari noon, Yuki?"



"The first person I wish I could've protected. That someone gave me both that scar... and this handkerchief," Yuki answered in the saddest tone.



"Pitong taon na pala. 21 lang tayo no'ng una tayong nagkita, tama? Ikaw ang una kong pasyente simula nang maging nurse ako. I witnessed almost everything you went through. From your devastation over this scar... to your darkest days when your parents died... to Aciel coming into your life and leaving you. Even your ruined relationship with your tito and tita, I was there. To your recovering from kidney transplant... fixing things between you and your tito, having me and your nanay in your life, and finally, achieving your dream."



Marahang nahiga si Yuki mula sa hita ni Jamie. Inangat niya ang tingin sa dingding. Pinatong niya ang dalawang kamay sa tiyan bago pumikit.



"At ngayon... ikakasal ka na," pagpapatuloy ni Jamie. "You're happy... aren't you?"



"What if I'm not?"



"Then I hope you'd be... You had no reason to live a happy life back then. Now you have a friend, a family, your dream to pursue. Ah, congratulations, Miss Lead Musical Actress. Excited na akong makilala si Lenora. And..."



Tumawang kaunti si Yuki at tumugon, "Mayroon pa?"



"The man you love the most right now. Aciel." She fixed Yuki's hair. "Hindi ko alam kung anong mga plano mo, at kung anong klase ng buhay ang papasukin mo sa oras na ikasal kayo. But if you ever found yourself unhappy... I'd quickly come and pick you up."



"Salamat... Now go home and let me rest. May pupuntahan pa ako mamaya."



- - -



After a week more, Yuki's finally back at Silver Dust. Only seven days are left before the performance. She's wearing her black pointed heels, partnered with also a black, frilly dress. Her hair's down, in a wavy style that Jamie did for her.



[Sigurado kang hindi na kita kailangang sunduin mamaya?]



"Hmm. I'll be at your dad's office by 2 P.M.," sagot ni Yuki habang lumalakad sa corridor.



[Okay. Huh? Opisina ni dad? Anong gagawin—]



Binabaan ni Yuki ng telepono si Aciel. Tinago niya ito sa loob ng shoulder bag na dala. Huminga siyang malalim bago pumasok sa loob ng studio. Doon, sinalubong siya ng maingay na tugtugan na agad din namang nahinto sa pagdating niya. Halatang nabigla ang lahat, lalo na ang ditektor na sumira ng tiwala niya, maging si Anna na pinagbantaan niya noon. Ilang segundo lang nang makarating siya, sumunod si Lianne sa loob. Siya ang nagsara ng pinto at tumungo sa harap ng lahat.



"Yuki... let me explain this," muling pagsubok ng direktor na magsinungaling kay Yuki.



"SHUT YOUR MOUTH," the only thing Yuki said that stunned everyone in the room.



Samantala, lumaki naman ang ngiti ni Gail na noon ay nauupo sa pinakaharapan, kasama si Anna at iba pang cast.



"Listen, everybody. Yuki and Anna will perform each as Lenora in today's rehearsal. Tulad lang noon. The only difference is that they will compete for the lead role," paunang mga salita ni Lianne.



"Miss Lianne..." Director Dean.



"Stay out of this. The vote will come from the higher-ups, including me. If Anna wins, Yuki will be the understudy. But if Yuki does, then Anna will stay as an understudy to Yuki."



"NO," mariing pagtutol ni Yuki.



"Then what condition do you propose?" Lianne asked.



"If I win, Anna, including everyone who stabbed me in the back, will either resign or be kicked out of Silver Dust. I believe it's only fair. And I want Gail to be my understudy."



"Sa tingin mo, kaya niyang isatao si Lenora... sa loob lang ng isang linggo?" mayabang na tanong ni Anna.



Wala noong pumansin sa kaniya. Ni hindi man lang siya tinignan ni Yuki, maging ni Lianne at Gail.



"At kapag natalo ka?" muling tanong ni Lianne kay Yuki.



"HINDI AKO MATATALO."



* * *

Seguir leyendo

También te gustarán

606K 32.3K 20
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
3.9M 249K 100
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
43.8M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...