BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHM...

Od AshQian

75K 3.6K 199

Love, and ignorance of loving brought her inside the cold corners surrounded by bars. She was left alone with... Více

UNANG YUGTO
Chapter 1 - Unang Yugto
Chapter 2 - Unang Yugto
Chapter 3 - Unang Yugto
Chapter 4- Unang Yugto
Chapter 5 - Unang Yugto
IKALAWANG YUGTO
Chapter 1 - Ikalawang Yugto
Chapter 2 - Ikalawang Yugto
Chapter 3- Ikalawang Yugto
Chapter 4 - Ikalawang Yugto
Chapter 5 - Ikalawang Yugto
IKATLONG YUGTO
Chapter 1 - Ikatlong Yugto
Chapter 3 - Ikatlong Yugto
Chapter 4 - Ikatlong Yugto
Chapter 5 - Ikatlong na Yugto
IKAAPAT NA YUGTO
Chapter 1 - Ikaapat na Yugto
Chapter 2 - Ikaapat na Yugto
Chapter 3 - Ikaapat na Yugto
Chapter 4 - Ikaapat na Yugto
Chapter 5 - Ikaapat na Yugto
IKALIMANG YUGTO
Chapter 1- Ikalimang Yugto
Chapter 2 - Ikalimang Yugto
Chapter 3 - Ikalimang Yugto
Chapter 4 - Ikalimang Yugto
Chapter 5 - Ikalimang Yugto
HULING YUGTO
Chapter 1 - Huling Yugto
Chapter 2 - Huling Yugto
Chapter 3 - Huling Yugto
Chapter 4 - Huling Yugto
Chapter 5 - Huling Yugto
DENOUEMENT

Chapter 2- Ikatlong Yugto

1.8K 99 6
Od AshQian

Good and bad are inseparable. Parang liwanag at dilim, araw at gabi. Ngunit hindi katulad ng kalikasan, ang mabuti at masama, tama at mali ay pwedeng piliin ng malaya.

Banayad na pinisil ni Roanne ang kamay ng anak na hawak niya habang nilalandas nila ang pasilyo patungo sa silid-aralan ni Aki. Bumabati sa kanila ang iilan sa mga kamag-aral at sinasagot nila iyon nang may kasamang ngiti.

"Mama, I will be a good boy starting today. I will be like Papa someday."

"You will, Aki, and you're always a good boy for me."

Siya ang nag-volunteer na maghatid kay Aki sa school. Maagang nagtungo sa shop si Javier tapusin ang tumulong sa renovations ng show room at nang makahabol pa sa opening. He is skillful even in carpentry, interior designs, and furnishing.

Sinamahan niya ang anak sa loob ng classroom at humingi sila ng tawad kay Junjun. Humingi rin ng paumanhin sa kanila ang bata. Nagkabati na ang dalawa nang ibilin niya sa homeroom teacher si Aki at magaan ang loob na umalis ng eskwelahan.

Bubuksan sana niya ang stereo para makinig ng music nang mahagip ng tingin niya ang cellphone ni Javier na nasa holder. Nakakonekta pa iyon sa communication panel ng sasakyan. Nakalimutan sigurong tanggalin ng binata kanina pagbaba nito roon sa shop.

Naalala niya ang sinabi ni Xiellou aa kanya. Pero gusto niyang magtiwala kay Javier at maniwalang tapos na ito sa mga babaeng minsan nitong minahal. Ayaw niyang pagdudahan ang binata. Nakapapagod mag-isip ng mga negatibong bagay. Gusto naman niyang bigyan ng pagkakataon ang sariling magaganda lang ang iniisip mula paggising ng umaga hanggang sa pagtulog sa gabi. Ang mag-ama niya ay sapat nang dahilan para gawin niya iyon.

Tinapakan niya ang preno pagsapit niya ng pedestrian lane nang mapansin ang magandang babaeng tumatawid at hindi magkadaugaga sa maraming shopping bags na dala. Ang iba ay nalaglag na sa daan. Itinabi niya ang sasakyan at bumaba. Nilapitan ang babae at tinulungan. Napatitig siya at kulang na lang ay mabighani sa ganda nito. Pati ang mahaba nitong buhok ay nakikipag-agawan ng atensiyon.

"Thank you so much," anitong bahagyang hiningal pero nakuha pa ring ngumiti ng matamis. Saglit na natigil ang paningin nito sa singsing na kanyang suot. "Wow, is that a Crimson Flame Ruby?" bulalas nitong hindi iniiwan ng titig ang singsing hanggang sa tuluyan silang makatawid sa kabila.

Napatingin siya sa kumikinang na bato. It is a Burmese pigeon blood ruby, 15.04 carats cut in the cushion and mounted on a ring in the center of a crown of diamonds.

Hinawakan nito ang kamay niya at tiningnang maigi ang singsing. "I think this is an heirloom. Bigay ng boyfriend mo?" tanong nitong tonong nanunukso.

Tumango siya. "O-oo," tipid siyang ngumiti.

"He must have love you so much to give you this heritage ring of his family. Do you know how much it cost in the market today? $18,382,385."

Ilang milyon daw? Eight digits? Nalula siya sa sinabi nitong halaga. Natutop niya ang kamay. Hindi siguro magandang ibalandra niya sa publiko ang ganoon kamahal na singsing.

Natatawang pumara ng taxi ang babae at muling nagpasalamat sa kanya. Tango na lang ang naitugon niya. Hindi pa rin siya makabawi sa sinabi nito. Binalikan niya ang sasakyan ni Javier at lutang na nag-drive patungong shop. Napansin niyang nagnotify ang message inbox ng cellphone ng lalaki.

Natutukso na siyang kunin iyon at basahin ang message pero nanaig pa rin ang kontrol niya sa sarili. Narating niya ang shop at maayos na ipinarada ang sasakyan sa nakalaang parking lane. Tinanggal niya sa holder ang cellphone at binunot mula sa communication panel.

Javier is working with some of their male workers inside sa showroom. He enhanced the braces of the ceiling. Lumapit sa corner table ang lalaki at hinubad ang shirt na basa na ng pawis. Inabot nito ang mineral water na may bawas na ang laman at inubos.

He has tamed thin hair on his abdomen making a rebellious terrain down to his groin. Hindi niya malaman kung alin ang pagtutuunan ng pansin. Ang mga balahibong iyon na alam niyang may hiwagang kikiliti sa kanya o ang umiigting nitong abs na sinusuyo ng pawis. Parehas na magagandang tanawin

Humawak siya sa hamba ng pinto, kagat ang labi. Bigla siyang nagutom. Pati ang hugis arrow na nasa lalamunan nito at maliksing gumagalaw habang nilulunok nito ang tubig ay naging literal na mansanas sa kanyang paningin. Javier's apple...oh my...

Natauhan siya nang marinig ang mahina at seksi nitong halakhak. He is staring at her while draining the water out of the bottle. Ibinaba nito ang bote at dinilaan ang labi na para bang sarap na sarap sa tubig.

Kumudlit ang liyab sa puson niya at nanlambot ang kanyang mga tuhod. Pero idinaan na lamang niya sa malamyos na tawa.

"Naiwan mo sasakyan." Inangat niya ang cellphone nito. "May text ka yata."

"Hindi mo binasa?" Tinanggap nito ang cellphone.

"No, I respected your privacy." Ngumisi siya. Pero gusto niyang sumilip nang buksan nito ang inbox.

"It's not necessary anymore. Here, I will give you even my privacy." Ibinalik nito sa kanya ang cellphone para mabasa niya ang message. Naglalaro na naman ang pagnanasa sa mga mata nito na nagpapakilig sa kanya.

Malambing siyang umirap at sinipat ang text.

Yve: I've met your ruby.

Tumikwas ang kilay niya. "Sino si Yve?"

"My sister in-law." Nagpunas ito mg pawis gamit ang hinubad na shirt. "And my first love," at sinulyapan siya.

Tumango siya. Nakaka-intriga. First love nitong naging hipag? "May picture ka niya?"

"I have but I deleted them days ago, I needed more space for our memories with Aki." He smiled boyishly and her stomach flinched again.

"Maganda siya?"

"Sobrang ganda." Sumandal ito sa sulok ng mesa.

She knew he is not a kind of guy fond of sugar-coating his words. Isa iyon sa mga katangian nito na mabilis niyang nagustuhan.

"Mas maganda kay Anne Marie?"

"Magkaiba sila ng level."

Ibinalik niya rito ang cellphone pero nang tanggapin nito iyon ay kasamang hinawakan ang kamay niya at hinatak siya pabagsak sa matigas nitong katawan.

They kissed but that was short. Kasama nila ang mga trabahante at patingin-tingin. Nagpaalam siya sa binata at pumunta ng production warehouse habang itinuloy nito ang trabaho. Kapag doon siya mananatili sa showroom wala silang matinong nagagawa kundi puro landian.

Kinahapunan ay magkasama nilang sinundo sa school si Aki. Ipinasyal sila saglit ni Javier sa park. Kahit pagod ang lalaki, tinupad nito ang pangakong babawi sa anak nila hangga't kaya nito. Nalulunod na lang ang puso niya habang pinagmamasdan kung gaano kasaya ang bata.

Pag-uwi nila ng bahay, hindi si Rowena ang sumalubong sa kanila kundi ang magandang babaeng tinulungan niya kaninang tumawid sa kalye.

"Javier!" Sabik nitong niyakap ang lalaki.

"Yve," while Javier is grinning.

Tameme siyang nakatunganga sa dalawa. Ang babaeng ito ay si Yve? Si Aki na nakamata rin sa mga ito ay kinarga ni Javier.

"This is my son, Aki and of course, Roanne, my girlfriend." May pagmamalaking ipinakilala silang mag-ina sa bisita.

"God, he is exactly like you when you were his age!" bulalas ng babae. "Hello, Aki! I'm your Auntie. Ang cute! I hope you'll be happy with my gifts, I brought some." Gigil nitong pinisil ang pisngi ng bata.

Ngumiti si Aki. Iyong paper bags na dala nito kanina, mga pasalubong pala iyon para sa bata.

"Roanne, hi! We've met this morning. When I saw the ring I knew right away it was you." Nakipagbeso sa kanya si Yve.

Maang pa rin siyang tumango, lutang sa sorpresa. Tama ang sinabi ni Javier. Sobrang ganda nga ng babaeng una nitong minahal. Mula sa pisikal nitong katangian hanggang sa ugali at karakter, hindi na siya nagtataka kung bakit ito ang unang bumihag ng puso ng binata.

"Nakauwi na si Edan?" tanong ni Javier habang papasok sila ng bahay.

"Next week maybe. He is excited to meet your son, as well as Mom and Kaien. Baka dumugin ka na lang bigla ng mga iyon dito."

"Why don't you make it a whole squad of our family?" Natawa ang lalaki at sumulyap sa kanya.

Ngumiti siya ng tipid.

Nasa sala ang mga pasalubong na sinabi ni Yve. Agad dinaluhong ni Aki ang mga iyon at sabik na sinilip ang laman.

"Aki, mamaya na iyan. Magbihis muna kayo ni Papa," sabi niya sa anak na humilata na sa sahig para buksan ang mga pasalubong.

"Come on, Papa's boy, change first and then we'll check Auntie's gifts."

"Okay!" Masiglang tumayo ang bata at kumaripas papunta kay Javier.

Umakyat sa itaas ang mag-ama.

"Upo ka," alok niya sa babaeng bisita. Bahagya niyang tinanaw si Rowena na abala sa kusina.

"Nakakatuwa, kamukhang-kamukha niya talaga ang anak niya," sambit ni Yve na nakangiti.

Hindi siya nagkomento. She was transfixed by the little movements of this woman. It is so regal.

"I'm happy for him. Finally, he is going to settle down."

"He told me you are his first love," dumulas na lang sa bibig niya.

"I am used to be his first love but it was over many years ago. Siguro nga ako iyon pero kahit minsan ay hindi niya sinubukang ibigay sa akin ang singsing na suot mo. Iyan ang kaibahan mo sa mga babaeng dumaan sa buhay niya. He is in love with you and he is choosing you to be his wife."

Kinapa niya ang singsing. Pinangako na niya sa sariling hindi niya pagdududahan si Javier at ang nararamdaman nito. Iyon ang gagawin niya.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

240K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
4.6M 73.3K 43
De La Cerna 1 (Completed) Napakislot si Queennie. Feeling niya ay may nakahawak sa kanyang kamay. Marahan siyang nagmulat and to her surprise she fo...
641K 15.5K 33
Ybañez Series Side Story He's a Casanova She's a bitch When someone hurt you big time, it caused you so much pain. But it doesn't mean hurting them b...
269K 6.8K 58
R18 3rd Generation of Villaraza Legacy This is a series where girls squad encounters different pleasure. Zyren Goron Villaraza BLURB: Zyren took an...