Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

By Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... More

Prologue
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

I : The Missing Ones

270K 9.3K 5.8K
By Serialsleeper

I.

The Missing Ones

Third Person's POV

"Cielo are you even listening?!" 

Tinanggal ng walang kaemo-emosyong si Cielo ang headset na nasa tenga at isinabit ito sa kanyang leeg. Sa pamamagitan ng rearview mirror, napatingin siya sa kanyang amang galit na galit na.

"Headphones are the universal sign that I don't give a shit on anything you say. Or in other words, shut up and Don't talk to me. Please keep that in my mind." Paliwanag ng dalaga gamit ang napakalamig at walang emosyon nitong boses saka muling binalik ang headset sa kanyang tenga na tila ba walang pakialam sa ama o kahit sa buong mundo.

Dala ng galit, napahampas na lamang ang kanyang ama sa manibela. Muli niyang nilingon ang anak at napailing-iling na lamang siya sa labis na pagkadismaya.

"Stop being pissed. You have no right to be pissed. Drive. Alam kong atat na atat ka ng itapon ako sa Drayton so carry on." Muling malamig na sambit ng dalaga saka unti-unting isinandal ang noo sa bintana ng sasakyan.

Walang magawa ang kanyang ama kundi magpatuloy na lamang sa pagmamaneho. Wala na siyang magagawa dahil nagbago na talaga ang ugali ng kanyang anak. Wala na ang dating masayahin at mapagmahal na si Cielo. Nasanay na ang lahat sa bago niyang pag-uugali---Malamig. Walang pakialam at tila ba walang puso.

Napabuntong-hininga si Cielo at pinagmasdan ang napakadilim at umuulang kalangitan. Lalo siyang napayakap sa sarili nang maramdaman ang lamig saka mas hinigpitan pa niya ang kulay asul na scarf na nakapulupot sa kanyang leeg.

Napansin ni Cielo ang namumuong tubig sa bintana kaya naman gamit ang daliri, gumuhit siya rito ng isang salita---DISPAREO.

 


"Anak, hindi kita pinaparusahan. Gusto lang talaga----" Hindi na narinig pa ni Cielo ang sumunod na sinabi ng kanyang ama nang bigla na lamang bumangga sa kanila ang isa pang sasakyan na animo'y bigla na lamang sumulpot sa gitna ng kawalan.

Sa bilis ng pangyayari, tumilapon ang sasakyan nila hanggang sa mabangga ito sa isang poste. 

"Anak! Anak okay ka lang?!" Duguan man ang noo, dali-daling tinanggal ng ama ang seatbelt upang tingnan ang kalagayan ng anak na nasa likuran.

"I'm already at my worst." Walang kaemo-emosyong sambit ni Cielo na tila ba di alintana ang aksidenteng nangyari. Ubo siya ng ubo dahil sa usok, maliban dito ay mukhang hindi naman siya nasugatan. Mabuti na lamang at hindi malala ang nangyaring aksidente.

"Sir! Sir okay lang ho ba kayo?! Sir Sorry ho talaga!" Bigla na lamang nagtakbuhan ang tatlong mga binata papunta sa direksyon nila. Mistulang kaedad lamang ng mga ito si Cielo.

"Sorry?! Muntik niyo na kaming napatay! Mga lasing ba kayo?!" Nanggagalaiting lumabas ang ama ni Cielo sa sasakyan habang umaagos parin ang dugo sa kanyang noo.

Napabuntong-hininga na lamang si Cielo at kinuha ang backpack sa sahig. Bago tuluyang lumabas ng sasakyan ay muli niyang inayos ang scarf na nakapulupot sa kanyang leeg na para bang may itinatago.

"Nincompoops." Bulong ni Cielo sa sarili nang makita ang amang nagwawala habang tumatawag ng mga pulis. Hindi alintana ng dalaga ang butil ng ulan na tumatama sa mahaba niyang buhok.

"Sorry po talaga! Please don't press charges! I'll pay you po right now!" Giit ng isa sa mga lalaking may bitbit pang gitara sa kanyang likuran.

"Miss? Miss okay ka lang?" Nagulat si Cielo nang may humawak sa balikat niya. Isang lalakeng nakaputi at may bitbit na gitara sa kanyang likod. Mas matangkad ito sa kanya ngunit mistulang kaedad niya lamang din ito.

"Don't fucking touch me." Kalmado ngunit napakalamig na sambit ng dalaga.

"Sorry!" Dali-daling itinaas ng lalake ang kanyang mga kamay at nahihiyang ngumiti. Napatingin siya sa mga mata ni Cielo at bigla na lamang namuo ang gulat sa kulay abo niyang mga mata.

"Problema mo?" Tanong ni Cielo nang mapansin ang kakaibang reaksyon ng lalake. 

Hindi umiimik ang lalake. Mistula parin itong gulat na gulat at may napakalalim na iniisip.

Nilibot ni Cielo ang paningin at mistula siyang nakahinga ng maluwag nang makita ang karatula ng bayan ng Drayton hindi kalayuan sa kanya. Nakarating na siya sa patutunguhan niya. Makakabalik na siyang muli sa bayang kinalakihan niya.

"I'm out of here." Sambit ng dalaga saka nagsimulang maglakad papalayo.

"Anak saan ka pupunta?!" Narinig ni Cielo na sigaw ng kanyang ama kaya nilingon niya ito sa huling pagkakataon.

"Home." Aniya.

******

Hindi alitana ni Cielo ang dilim ng daang tinatahak o kahit na ang bawat patak ng ulan. Basang-basa na ang kanyang damit ngunit mistulang hindi siya nilalamig. Gaya ng nakagawian. Wala siyang kaemo-emosyon sa paglalakad.

Habang binabagtas ang kalye ng Drayton, hindi mapigilan ni Cielo na magtaka lalo na nang mapansing nakasara na ang lahat ng mga establismento kahit pa alas-siete pa lamang ng gabi. Mabuti na lamang at nakabukas ang mga poste sa paligid. Hindi ito ang bayan ng Drayton na kinalakihan niya. Mallit man ang bayan at napaliligiran ng gubat, hindi naman ito tahimik gaya ng napapansin niya ngayon.

Natigil si Cielo sa paglalakad nang madaanan niya ang isang pader na tadtad ng mga missing poster.

Kahit na anong gawin niyang pagtitig, 'di niya lubusang maaninag kung sino ang nasa larawan kaya unti-unti niyang itinaas ang kanyang kamay kung saan nakakabit ang kanyang relo. Mayroon siyang pinindot sa kanyang relo dahilan para umandar ang built-in flashlight nito.

"What the hell?" Napaatras si Cielo sa gulat nang tuluyang makita kung sino ang mukha sa missing poster---Si Dana.

May napapansin pang mga missing poster si Cielo at mas lalo siyang naguluhan at nagulat nang makita ang mukha ng mga ito. Kilala niya ang ilan sa mga ito lalong-lalo na ang binatang si Raze na dati niyang naging kasintahan.

"Cielo Snow. Mabuti naman at bumalik ka na." 

Dali-daling napalingon si Cielo at nakita niya ang pulis na dati na niyang kilala. Nakasuot parin ito ng kanyang uniporme at kahit madilim na ay may suot rin itong sunglasses na kulay itim.

"Tito..." Hindi halos makapagsalita si Cielo. Napakarami niyang katanungan para dito.

"Tatlong taon ka ring nawala. 18 ka na ngayon diba?" Sambit ng pulis habang nakangiti ng tipid.

"A-anong nangyari?" Nauutal na sambit ni Cielo saka itinuro ang mga missing poster. "S-si Dana? Si Raze? Si Harper? Anong nangyari sa kanila?" Dagdag pa ng dalaga.

"Bigla na lamang silang nawala na parang bula." Nanlulumong sambit ng pulis, "'Tatlong araw narin nang huli namin silang makita." Dagdag pa nito.

"Po?" Hindi parin makapaniwala si Cielo sa naririnig.

"Sumama ka sa'kin. Ihahatid na kita sa inyo." Pag-iiba nito ng usapan kaya pinatay na lamang ni Cielo ang flashlight ng kanyang relo saka napabuntong-hininga. Naguguluhan man sa nangyayari, may tiwala parin si Cielo sa pulis lalong-lalo na't ito ang ama ni Raze na siyang dati niyang kasintahan.

Nagsimulang maglakad palayo ang pulis pero bago sumunod ay lumingon si Cielo sa mga poster sa huling pagkakataon.

"Dispareo." Mahinang sambit ng dalaga.

Nagsimulang sumunod si Cielo sa pulis nang bigla siyang may napansin na nalaglag mula rito.

"Tito Sandali." Tumigil si Cielo sa paglalakad upang yumuko at pulutin ito. "What the hell?" Napangiwi ang dalaga nang mahawakan ang isang bilugang bagay na napakalambot at napakalapot. Mistula itong dumudulas mula sa kanyang kamay kaya hinawakan niya ito ng mabuti upang makita kung ano ito. "Tito nalaglag niyo ho ang----mata?" Natigil si Cielo sa pagsasalita. Napalunok ang dalaga nang mapagtanto ang sinabi kaya tinitigan niya ng mabuti ang hawak.

Bilugan. Kulay puti. Malambot at may laman pa sa dulo nitong animo'y ugat. Walang kaduda-duda, isa nga itong mata.

Naramdaman ni Cielo na may nakatayo na sa mismong harap niya. Unti-unti niyang itinaas ang kanyang ulo at muling napalunok ng magkaharap na silang muli ng pulis. 

"Bwisit na katawan." Mahinang sambit ng pulis saka unti-unting hinubad ang suot na sunglasses dahilan para tuluyang makita ni Cielo ang butas na dati ay kinalalagyan ng kanyang mata. May dugo pa't laman na umaagos mula rito 

Ngayon lamang napansin ni Cielo ang animo'y kulay itim na ugat sa leeg nito.

"Nananaginip lang naman ako diba?" Naguguluhang sambit ni Cielo.

"Hindi." Bigla na lamang hinawakan ng pulis ang leeg ni Cielo dahilan para masakal ang dalaga. Walang kahirap-hirap na iniangat ng pulis ang walang kalaban-laban na si Cielo.

"Bitaw--" Hindi na makapagsalita si Cielo. Ubo na lamang siya ng ubo hanggang sa unti-unting dumilim ang paligid.

"Cielo gising! Cielo tara na! Hindi na tayo ligtas dito!"

Nararamdaman ni Cielo na may yumuyugyog sa mga balikat niya kaya unti-unti niyang idinilat ang mga mata niya kahit na hinang-hina parin siya.

Nanlalabo man ang paningin, naaninag si Cielo ang binatang nakasuot ng kulay itim na Varsity Jacket sa kanyang harapan.

"R-Raze?" Lalong naguluhan si Cielo nang mapagtantong ang dating kasintahan ang nasa harapan niya. Tadtad ito ng sugat at dugo samantalang ang damit naman nito ay napakarumi na.

Naguguluhan man at hilong-hilo parin, napaupo si Cielo mula sa pagkakahiga. Nakita niya ang walang buhay na katawan ng pulis na nakahandusay sa hindi kalayuan. Nakatusok pa sa likod nito ang tubo na pinangsaksak sa kanya ni Raze.

"Cielo tara na!" 

Walang nagawa si Cielo nang hilahin siya ni Raze kaya napatayo na lamang siya saka dali-daling pinulot ang backpack niya.

"Saan tayo pupunta?! Anong nangyayari?! Ba't nagkaganun ang papa mo?!" Giit ni Cielo.

"Mamaya na! Bilis! Dito!" Giit naman ni Raze saka hinila ang dalaga patungo sa isang esknita hanggang makarating sila sa isang mahole. Bumaba rito si Raze kaya sumunod na lamang din si Cielo.

Nang tuluyang makababa si Cielo sa imburnal kasama si Raze ay agad siyang napatakip sa bibig niya dahil sa napakasangsang na amoy ng paligid. Napatingin siya sa kanyang paanan at napangiwi na lamang siya nang makita ang napakaruming tubig na umaabot na sa paa niya.

"Masasanay ka rin sa amoy." Paniniguro ni Raze saka tiningnan ng maigi ang dalaga mula ulo hanggang paa na tila ba sinisiguradong okay lang ito.

"If this isn't a dream, What the hell is happening?! Why did your dad wanted to kill me?! And Your dad dropped his fucking eye! Dude I'm not a genius but a normal person doesn't just drop his own eye!" Galit na galit na sambit ni Cielo na hindi na nakapagtimpi pa.

"We've been asking that for the last three days."

Narinig ni Cielo ang isang pamilyar na boses sa likuran niya kaya kapwa sila napalingon ni Raze dito.

"What the--" Lalo pang naguluhan at kinilabutan si Cielo nang makita ang tatlo pang mga kabataang kasama nila sa imburnal at kabilang na rito ang dating matalik na kaibigang si Dana na nakataas ang kilay habang nakatingin sa kanya.

"Teka sandali! Kayo lahat yung nasa missing posters! Bakit kayo nandito?!" Naguguluhang sambit ni Cielo nang maalala ang nakita sa kalsada.

"Hindi kami nawawala Cielo, nagtatago kami! Kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila tao at hinding-hindi sila titigil hanggang sa mapatay nila tayong lahat!" Giit ni Raze.

END OF CHAPTER I

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

2.5M 92.5K 101
AlphaBakaTa Trilogy [Book3]: Might of Alibata (Only Strong Survive) Utak mo'y aking pipilipitin, ito'y aking kakatasin. Ulo mo'y aking pasasakitin, h...
Pagsamo By Señorita M

Historical Fiction

73.2K 523 4
In the Filipino town of Santa Crusiana, a young man named Leonor marries a woman whose head has been torn off from an old photo. Within the Seguismun...
2.4M 88K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
4.1M 123K 44
This is a Sequel from "The Seductive Doctor" from the Savage beast series. One day, You'll have your own star. But in life, you can't have it all. ...